Share

Don't act

Chapter 4

Hanggang ngayon ay iniisip ko parin ang nangyari nung naliligo ako sa may sapa.

Sobrang kahihiyan talaga ang aking nagawa hindi ko naman akalain na sa oras na iyon ay may napunta pa doon at higit salahat ang apo pa ng mayora!

Paano na ito, paano na ako haharap bukas sa bahay ng mayora lalo na sakanya?,.. kapag nakita ko ito baka kasi naikwento niya din kung sino man o kaya kala mayora ang nangyari kagabi, sobra talagang nakakahiya!

Isa lamang iyan sa mga naiisip ko, tila parang nasa gate palang ako ng bahay ni mayora ay umuurong na ang paa ko pauwi.

Hays bakit ko pa kasi naisipan mag-h***d nakakahiya tuloy. Sa isip-isip kopa at hindi makatulog at tila parang sasapitin ako ng madaling araw dahil sa aking iniisip at pino-problema.

Kailangan ko naman ng pera kailangan iyon ng aking pamilya lalo na si mama kaya hindi ako pwedeng umurong sa offer ni mayora lalo na't inaasahan ako nito bukas at sa mga susunod pang araw. Hays buntong hininga ko at tiyaka bumangon sa pag-kakahiga at pumunta sa may bintana at umupo tiyaka tumingin sa kalangitan na madaming nag-kalat na bituin.

Kailangan kong mag-isip ng solusyon bago sumapit ang araw kinabukasan. Sa isip-isip kopa at pagod na naka pangalumbaba.

Alam ko na! Saad ko sa aking sarili nang may maisip na ideya. Tutal naman ay hindi siya taga-dito at hindi niya naman ako kilala nang lubos kung kayat mag-papanggap na lang ako nang walang alam at iisipin na iba ang nakita niya at hindi ako. Nakangiting isip-isip ko pa at tiyaka bumalik sa higaan upang makahiga na at matulog.

Hindi rin kalaunan ay nagising ako ng maaga upang makapag-gayak na papuntang bahay ni mayora.

Nag-init na muna ako ng tubig upang makainom ng mainit na kape, bali ako palamang ang gising sa min dahil hindi pa nalabas si mama ng kwarto nila ni papa at hindi ko rin alam kung nandoon ba si papa? dahil hindi ko naman sila nasusubaybayan kung anong lagay nila sa pag-tulog.

Nang kumulo na ang tubig ay agad kong nilagyan ang tasa ko na may kape at asukal, tiyaka ito hinalo gamit ang kutsarita. Naupo muna ako sa hapag habang nahigop ng kape na aking itinimpla, hindi rin kalaunan ay natapos narin ako sa pag-kakape at papunta na ako ng sapa upang makaligo na.

Papalakad palamang ako patungong sapa ay bumabalik sa isip ko ang mga nangyari kagabi, napapa pikit na lamang ako ng aking mata at tiyaka pilit na binubura sa aking isip ang mga alala na ayaw ko ng balikan kahit kailan sa tanan ng aking buhay ko!

Ngunit tila pinag-lalaruan ako ng sariling isip dahil parang kusa itong bumabalik sa aking isip, kaya sa aking pag-ligo ay nalilito na ako! ang sabon ang aking nakuskos sa buhok imbes na shampoo!, mabuti na lamang ay natapos din ako sa aking paliligo tiyaka agad nag-lakad patungo'ng bahay.

Pag-dating ko palamang sa pintuan namin ay amoy ko kaagad ang halimuyak nang amoy ng noodles, kaya agad akong dumaan sa may likuran ng bahay upang makatungo sa cr upang makapag-bihis na, dahil alam kong ang nangangamoy na noodles ay luto ni mama at hindi na ako makapag-hintay na kumain.

Kumuha agad ako sa sampayan namin ng aking maisusuot at hindi rin kalaunan ay nasuot ko na ito at sinampay ko naman ang pinang-ligo kong damit at tiyaka ang aking tuwalya at nang matapos ay pumasok na ako sa loob.

Naabutan ko doon si mama na kaka-lapag lang ng plato at mukhang tig-isa kami, agad niya akong sinalubong ng matamis niyang ngiti na tila walang pino-problema.

"Magandang umaga, anak ang aga mo naman maligo halikana't tayo'y mag almusal na." sabi sakin ni mama ng nakangiti at sa malambing na tono.

"Magandang umaga, din po mama." maligayang bati ko din kay mama at masaya ako na makita si mama nang ganyan kahit na alam kong peke dahil sa problema ng pamilya naming kinakaharap na alam kong hindi pa naayos at hindi ko alam kung kailan maayos.

"Bakit maaga ka naligo anak? dalaga na talaga ang calohi avryl ko." sabi ni mama sakin habang nakain na kami.

Tumingin naman ako dito at mukhang, masayang-masaya ito at masaya din ako nang lubos kay mama na makita siyang ganyan, ngunit naninibago lamang ako sa asal na pinapakita niya sakin ngayon, parang bumalik ang dati niyang ugali parang bumalik na ang dati kong mama. Sa isip-isip ko pa.

"Mama nakalimutan ko po pala kaya ako maagang naligo ngayon dahil po papunta ako sa bahay ng mayora upang mag-trabaho."sagot ko naman dito na kinatigil niya sa pag-subo ng pag kain at tumingin ito sakin nang seryoso.

"Bakit ngayon mo lang ito sinabi sakin anak!?"nabibiglang tanong sakin ni mama at titig na titig sakin na para bang pinapanood bawat reaksyon ko.

Sa totoo talaga ay ayoko muna sanang sabihin kay mama, dahil nga sa problema ng pamilya namin at ayaw ko na sana dagdagan pa ang isipin ni mama kung kayat mas pinili ko na lang na itago, ngunit nasabi ko na dahil hindi ko akalain na mag papang abot kami ngayon umaga, dahil tanghali itong nagigising palagi, kung kaya't hindi ko talaga akalain.

"pasensya na po mama, nakalimutan ko po." pag-rarason ko na lamang dito. naninimbang naman ito nang reaksyon ko at tila inoobserbahan ako.

"anak huwag kanang mamasukan diyan ah nakahanap na ako ng trabaho sa palengke kaya huwag kanang pumunta doon." sagot sakin ni mama nang nakangiti na.

"Pero mama nakakahiya po kay mayora dahil sumang-ayon na po ako." sagot ko naman at totoo talagang nahihiya akong biglang umurong sa usapan, lalo na't maganda ang pakikitungo sakin ni mayora.

" tama kanaman anak, nakakahiya nga iyon pero, gusto mo ba talagang mag-trabaho?" tanong ni mama sakin na nag-aalala kaya tumango na lamang ako dito ng nakangiti upang hindi na siya mag-alala sakin.

"O basta mag-iingat ka anak, kung ayaw muna, ako na lamang ang kakausap kay mayora ah." dagdag na sagot ni mama ng hindi ako sumagot sa tanong niya.

Hindi rin kalaunan ay natapos na kaming kumain at niligpit ko ang aming pinag-kainan si mama na lang ang nag-hugas dahil pumunta na dito sa bahay si abe at sinusundo na ako para makapunta na kami sa bahay ni mayora.

Ibinigay nadin sakin ni abe ang pera na kinita namin sa sampalok dahil kinuha niya daw ito mag isa, kahapon dahil kailangan na kailangan daw nila ng pera.Ito ay 150 pesos, mabuti na lamang din na kinuha ni abe dahil hindi na ako pupunta kala aling belene, baka ako ay kulitin pa non patungkol sakanyang anak.

"Echuserang chakang palaka nayan si talyn e,." biglang bulong-bulong sa gilid ko ni abe habang kami'y nag-lalakad patungo sa bahay ni mayora, malayo-layo iyon samin ngunit mas pinili namin mag-lakad upang hindi kami makagastos.

"Bakit naman?." tanong ko sakanya na ang tinutukoy niyang talyn ay pamangkin ni kapitana.

"E, pinag-mamalaki niya sa buong bayan na boyfriend niya daw ang apo ni mayora!" tilang naha-highblood na sagot sakin ni abe at naalala ko nanaman ang nangyari sa sapa, dahil narinig ko nanaman ang (apo ni mayora).

"O ano naman ngayon kung boyfriend niya talaga iyon?" tanong ko na lamang at pilit binubura ang ala-alang kahiya-hiya. tumigil naman ito sa pag-lalakad kaya napahinto din ako at tinitigan ako nito na tila nag-bibiro ako sa aking sinabi, dahil natatawa ito.

"Hello okay kalang ba calohi?" tanong nito sakin sa tonong seryoso na at titig na titig sakin.

"Hays e, ano naman kasi kung boyfriend niya iyon at baka proud lamang siya abe, kaya niya ito ipinag-mamalaki." sagot ko naman dito na ikina-dismayado nang reaksyon niya.

"Hindi ako papayag na mag-katuluyan sila ng talyn naiyon at kung totoo nga na may kontrabida sa pelikula ako ang magiging kontrabida sa lovelife nilang dalawa!" Sabe nito na tila galit na galit. " hindi ako papayag na hindi ikaw ang maging kapareha non!" Dagdag na sabe nito na tila may masamang binabalak at nakangisi pa.

"O bakit naman nadawit ang pangalan ko diyan?" nag-tatakhang tanong ko naman dito.

"Kasi mas bagay kayo ni pogi no! Kaysa sa talyn na iyon na bagay lang sa maasim na kagaya niya!" sagot naman nito na kinataas ko ng isa kong kilay.

"Hays ewan ko saiyo abe, huwag mo akong dinadamay sa mga pakulo mong iyan, malabo pa sa patis-labo na magustuhan ako non." sagot ko naman sa aking kaibigan at naisip na imposible talaga, dahil napaka-laki ng pag-kakaiba naming dalawa.

"Hays pustahan tayo, kapag kayo ang nag-katuluyan, mag-papakasal ako sa maasim na lalaki." sagot nito na kinatawa ko, dahil tila seryoso ito sakanyang sinasabi.

"Ewan ko saiyo abe, puro ka talaga kalokohan, halika na nga at malayo-layo pa ang lalakarin natin." sagot ko dito at nauna nang mag-lakad sakanya at naramdaman ko naman itong sumunod kaagad sa likod ko.

"Seryoso iyon calohi, kahit na ayoko sa ganoong lalaki ay isusugal ko ang ideal boy ko!." sagot nito na tila seryoso nga sakanyang sinasabi, kaya napailing-iling na lamang ako dito at hindi na nag-salita pa dahil hahaba lamang ang aming usapan tungkol doon at gusto ko na nga iwasan at mag-isip sa lalaking iyon upang hindi ko na maisip ang nangyari kagabi.

Nasa gate palamang kami ay tila gusto ko nang umuwi dahil sa kaba na nadarama, iniisip ko na, baka naikwento niya ito kala mayora o kung sino at tiyaka kumalat!. Sa isip-isip kopa.

Nang makatungo na kami sa may gate ay hinarang kami ng guard ni mayora at ayaw buksan ang gate.

"Anong balak at napapunta kayo dito?" parang imbestigador na tanong nung guard.

"Hinihintay lamang kami ng mayora dahil mag-tatrabaho kami dito." nag-mamayabang na sagot ni abe. Napakamot naman ng ulo yung guard.

"Ah kayo po pala iyon sige po pasok." sagot nito samin at tiyaka binuksan ang gate.

"Salam..." hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang hilahin ako ni abe.

"Naku! Huwag kang mag-pasalamat diyan napakayabang!" sabi sakin ni abe na tono pag-tataray.

"Grabe ka naman abe, hindi naman siya siguro ganoon, syempre bilang bantay ng bahay ni mayora kailangan laging ang siguridad ay ligtas." sagot ko dito na kinairap niya.

"Naku! kahit na, tila ba tayo mukhang mag-nanakaw o ano para tanungin tayo sa tono na tila pinag-bibintangan kaagad tayo na tila may gagawin na masama kahit na wala naman gagawin na masama." sagot naman ni abe. napaisip ako at may punto naman si abe dahil sa tono ng guard kanina ay para bang may gagawin kaming masama kahit wala naman talaga.

"Mga iha, nandiyan na pala kayo." bungad samin ni mayora nang matanaw kami nito na papasok ng bahay niya.

"Magandang umaga po, sainyo mayora napaka-blooming niyo po today ah." sagot naman na bati ni abe na kinatawa ni mayora.

"Today lang ba?" tilang pabiro din na balik na sagot ni mayora.

"Ay bongga araw-araw po pala, nalate lang ho ako nang sabi para suprise." sagot naman ni abe at tila close na close niya ang mayora at ang mayora naman ay tawang-tawa kay abe at ng tumitig ito sakin ay ngumiti ito at ang mga mata nito ay parang nagagalak na makita ako o mali ako ng aking nakikita.

"Magandang umaga po, mayora." bati ko dito na nahihiya dahil baka naikwento sakanya ng apo niya ang nangyari kagabi.

"Magandang umaga din apo ay este iha." tilang pabirong sagot naman nito sakin na hindi ko alam kung tatawa ba ako o hindi ngunit si abe ay tumawa nang malakas na tila ayon ang pinaka-nakakatuwang biro salahat.

"Naku! Ang mayora may pabalitang mainit-init sa umaga, IKAKALAT KO ITO HINDI PWEDENG HINDI!"biglang singit ni abe na ikanatawa ni mayora. Ako naman ay hindi makatawa sa hiya at kabang nadaram at gusto ko ng takpan ang bunganga ng aking kaibigan, upang manahimik ito at hindi na makapag-sabi nang kung anu-ano.

"Ikaw talagang bata ka napaka-bibo mo, halina't kayong dalawa at pumasok na sa bahay upang mag-agahan, sabayan niyo na ako." anyaya nito samin, hindi na ako nakatanggi pa kahit na nahihiya talaga ako at iniisip na baka may alam ang mayora tungkol kagabi.

papunta palang kami sa hapag malayo palamang tanaw ko ng madaming nakahain, tila para bang may pista.

"Maupo kayo mga iha." anyaya ni mayora at umupo kaming dalawa ni abe.

"Maraming salamat po, mayora." sagot ko dito nang nakayuko dahil nahihiya akong, tignan ito.

"Maraming salamat mayora, purga nanaman po ako sa pag-kain." sagot naman ni abe narinig kong kinatawa ni mayora, kaya agad kong siniko si be at nag anagat ng tingin dito tiyaka pinandilatan ng mata dahil nakakahiya ang mga pinag-sasabi nito sa mayora.

"Kainin niyo lang ang gusto niyo, wala pa ang apo ko umalis, namamasyal kasama ang kabayo niya." sabi ni mayora samin nang maupo ito.

"Naku mayora napakagwapo ng apo niyo." sagot ni abe kay mayora.

"aba'y wala naman pangit sa lahi namin iha." pabirong sagot ni mayora kay abe na tila close na close talaga sila kung mag-usap.

"Naku kung mapapabilang itong si calohi, talaga naman e, ano mayora?"tanong ni abe na tonong pang aasar. Gusto ko sanang kurutin si abe kaso ramdam ko sa presensya ko na nakatitig samin ang mayora kung kaya't napainom.na lamang ako ng kape.

"Isang dosenang apo na napakaga-ganda at gwapo." napabuga ako sa aking iniinom na kape nang marinig kong sinabi ni mayora kaya agad akong dinaluhan ni abe at hinagod ang aking likod at binigyan ako ng tissue.

"Ayos kalang ba iha?" tanong ni mayora at inaabot pa ang tissue at kinuha ko ito sa kamay niya nang mabilisan.

Mukha naman siguro na wala siyang alam sa nangyari sa isip-isip kopa matapos mag-punas sa labi ng tissue.

"Ayos na po, salamat po mayora." sagot ko dito. "Salamat abe." sabi ko naman kay abe at umayos na ito sa pag-kakaupo.

Hindi rin nag tagal ay natapos na kaming mag-almusal bali may isang katulong papala na naiwan ngunit paalis din ngayon, dahil day-off nito at na-ipaliwanag nadin ni mayora ang aming mga gagawin sa bahay, ito ang pag-aalaga sa kaniyang hardin na malawak at pakakainin ang dalawang kabayo na alaga at pag-lilinis ng mga kwarto, sala, kusina at banyo tila kasi para itong mansyon na pang- sinauna ang style. sa pag-luluto ay hindi na daw kami doon, dahil may taga-luto daw sila kasi pihikan ang mayor sa pag-kain.

Kaya ang ginawa na muna namin ni abe ay nag-dilig na muna ng mga halaman at inayos ang mga paso na bago, at mag tatanim kami mamaya o baka bukas tiyaka nag-walis din kami sa mga paligid.

"Kumain na kayo dito ng tanghalian mga iha." biglang sigaw na tawag samin ni mayora na hindi namin namalayan na inabot na kami ng tanghalian, dahil siguro ay nawili din kami sa hardin ni mayora na napakaganda talaga.

"Opo mayora hugas lang po kami ng kamay." sagot naman na sigaw ni abe upang marinig ni mayora dahil masyadong malayo si mayora samin, nakita ko naman na tumango lamang samin si mayora.

Nilinis na muna namin ang aming pinag-gamitan na gamit bago nag-hugas ng kamay dahil humawak din kami sa may lupa, nag-hugas narin kami ng paa dahil sa putik na dumiki.

"Naku! Nakakagutom atat na akong kumain." sabi ni abe sa gilid ko.

"Kaya nga e, oy! ikaw abe naku! Huwag mo akong dinadamay sa biro mo kay mayora, nakakahiya." pag-sesermon ko sa aking kaibigan na nakangisi lang at tila natutuwa pa sa reaksyon ko.

"Ewan ko ba sayo, calohi e, mukhang boto naman si mayora sayo para sa apo niya e,." tila kinikilig na sabi nito sakin.

"Ikaw talaga abe, nag-bibiro lamang iyon kaya huwag munang patulan." sagot ko dito na nginisian na lamang ako at nauuna ng mag-lakad papunta sa loob at sumunod na lamang ako dito.

"Tamang-tama lang pala ang luto mo berta, dahil kakadating lang din ni anus." biglang sabi ni mayora doon sa babaeng kusinera nila na may edad narin.

"Napaka-laki na nga po ng batang iyon parang dati lamang pala bungisngis non, noong baby pa siya." natutuwang salaysay nung berta.

Matagal na pala talaga si aling berta dito sa pamilya nila mayora dahil nasubaybayan niya ang pag laki nung anus. Sa isip-isip kopa.

"Kaya nga e, ngayon ay bihira mo na lang iyon makitang nakangiti." sagot naman ni mayora nang mapait." o siya kumain na kayo. "ayan na si anus." dagdag na sagot nito at tiyaka naupo yung apo niya sa may dulo ng lamesa halatang naligo ito, dahil halimuyak na halimuyak ang mabango nitong amoy at lalong bumakat ang kaniyang malaking katawan sa suot nitong t-shirt na puti ng matitigan ko naman ang mukha nito ay nakatitig na ito sakin, kaya agad akong kinabahan at nag-iwas ng tingin at naaalala ko ang kahihiyan na nagawa ko kagabi.

Hindi ko alam kung bakit niya ako tinititigan, dahil ba ito sa nangyari kagabi? Nakakahiya talaga. Sa isip-isip ko pa at hindi makakain nang maayos dahil nakikita ko sa gilid ng mata ko na pasulyap-sulyap siya sakin, kaya pinili ko nalamang na yumuko.

"Kain lang nang kain mga iha." sabi pa ni mayora samin na kinatango ko na lamang dahil nahihiya ako.

"Ang sarap naman po nito aling berta." sabi naman ni abe na tila nasasarapan na tono. hindi ko makita ang kaniyang reaksyon, kasi nakayuko ako kung kumain. Kung tutusin masarap talaga ang pag-kain, kaso hindi ko lang maenjoy dahil nahihiya ako.

Nang matapos kaming kumain ay nag-hugas na kaagad kami ni abe at yung anus ang nag presinta na mag-punas ng lamesa kung kayat pinabayaan na lamang namin lalo na ako, ayoko makausap iyon nang matagal o mag-karoon nang interaksyon sakanya, nakakatakot ang mata niyang parang galit.

Hindi rin kalaunan ay natapos na kami ni abe mag hugas kaya nag-aya muna ang mayora tumambay sa sala, dahil mainit sa labas kaya mamaya na daw namin hapon ipag-patuloy ang pag- aayos sa hardin.

Sa kasamaang palad ay nandoon din ang anus kung kayat kinapalan kona ang aking sarili na, dudumi ako na nag paalam, kahit hindi naman totoo gusto ko lamang lumabas at hindi ko matagalan na makasalamuha iyon nang matagal sa iisang lugar.

Imbes sa banyo ako papunta papunta ako sa may puno ng buko at sumandal dito, masarap din ang simoy ng hangin dito at hindi rin mainit sa parteng ito dahil natatakluban ng dahon ng mga buko.

"tsk." napaayos ako nang tayo nang madinig ko ang boses na iyon at lumingon kung saan nanggaling ang boses at bumilis ang kabog ng dibdib ko ng nandito mismo sa harapan ko si anus.

Bakit siya nandito? Tanong kopa sa isip-isip ko.

Titig na titig ito sakin na tila nagagalit at hindi ko alam kung bakit? Kaya sa sobrang pag-kalito at samu't-sari na ang nararamdaman ay nag-baba na lamang ako ng tingin at lalong nahiya sa sarili dahil sa nangyari kagabi.

"Are you damn! Happy now?" tanong nito na may diin at para bang sa tono ay kailangan kong sagutin ang tanong niya, na lalo kong kinakaba para bang ng hihina ang mga tuhod ko!

Hindi ko naman alam kung ano bang tinutukoy niya na ikina-kasaya ko ngayon, dahil hindi saya ang nararamdaman ko ngayon kahihiyan, kaba at takot ang nararamdaman ko.

"Don't act like you never know." sabi nito na may diin at kasunod non ay narinig ko ang yapak nito sa lupa na papaalis.

Napasandal ako sa puno ng buko at tila nang-hihina at hindi parin tumitigil ang pag-kabog ng aking dibdib sobrang lakas nito na tila'y ayaw tumigil.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status