Sinamahan ako ni Ran hanggang sa makauwi ako sa may bahay walang kibuan kaming dalawa habang nakauwi. "Ingat ka salamat." Sambit ko kay Ran.Hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha ni Ran dahil ako'y nakayuko. Tinalikuran ko na din siya at hindi na hinintay pa ang kaniyang sasabihin. Gusto lang ay magpahinga. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Pagkapasok ko pa lamang sa'kin kwarto ay agad kong sinubsob ang akin mukha sa may unan. Bakit kasi niligawan niya pa ako at pumayag naman ako na manligaw siya? Hindi naman pala totoo ang mga pinapakita niya sa'kin no'n at pinaparamdam. Bakit kaya ako'y nagtiwala sa kaniya ng lubos na kahit hindi dapat. Hindi dapat ganoon, kung talagang ayaw niya sa tao dapat hindi niya pinaglalaruan dahil hindi biro ang nararamdaman ng isang tao lalo na't kung seryoso ito sa kaniya. Ang sakit-sakit sa pakiramdam na makita siyang masaya sa iba. Sana ako na lang si Melody. Ang hirap naman sa sitwasyon ko kasi hindi ko alam kung may karapatan ba talaga ako.
Gusto ko man siyang sagutin na ngunit parang nag aalangan ako dahil sa nangyari ka hapon. Galit at inis ang nararamdaman ko doon sa babae at lalo na kay Anus. "Ayos ka lang?" Tanong ni Ran.Ngumiti ako sa kaniya ng hilaw dahil aminado ako na hindi ako okay. Sobra akong naiinis kay Anus at doon sa ka trabaho niyang babae. Napaisip naman ako na lalaki si Ran at siguro masasagot niya ako sa tanong ko sa kaniya. Bago ako nagsalita ay napahinga na muna ako ng malalim. "Ran may tanong ako." Sambit ko ng seryoso. Napatango naman si Ran. "Ran ikaw bilang lalaki anong gagawin mo kung gusto mo talaga ang isang babae?" Dagdag ko. Nakita ko naman na nag iisip pa si Ran at tila pinapaganda ang isasagot sa'kin. "Kung gusto ko ang isang babae magpapansin ako sa kaniya." Seryosong sagot ni Ran. Tila nadismaya naman ako sa kanyang sinagot. Tama naman siya pero bakit hindi matanggap ng sistema ko ang sagot niya lalo na't naiisip ko na pa laging kasama ni Anus si Melody. "Paano kung ka trabaho mo
Araw nang lunes ngayon at lahat ng estudyante ay naghahanda para sa exam. Inagahan ko na nga din ang pasok ko para ako'y makapag review pa sa school habang wala pa ang guro namin. Ilang oras ang lumipas at puro pag re-review lang kami ng mga kaklase ko hanggang sa dumating na ang guro namin. "Itago na ang mga notes ninyo tayo ay magsisimula na." Sambit ng guro namin. Agad kong tinago ang notes ko at sabay tingin sa unahan kung nasaan ang guro namin. May hawak itong test paper. Madami pa siyang ipinaliwanag bago niya ibigay ang test paper. "Start." Aniya nito. Nagsimula na kaming mag exam. Hindi naman masyadong mahirap ang mga tanong lalo na kung nag review ka talaga. Hindi din kalaunan ay natapos na namin ang pag eexam. Sumunod naman ang sunod namin guro. Tulad nang nauna namin guro ay panay explain ito. Hindi din kalaunan ay natapos na kami kung kaya't ngayon ay recess na. "Sakit sa ulo pero sa wakas na tapos na tayo sa dalawang subject, bali dalawa na lang uwian na." Aniya ng
Dayo"Calohi ang ganda ng susuotin ko para mamayang gabi sa salu salo kala kapitana." Maligayang sambit ni Abe Kita ko sa mga mukha niya ang atat na nararamdaman. Ngumiti naman ako dito dahil masaya ako para sa'kin kaibigan. Hilig niya din kasi ang mga damit. "Talaga ba, nakakatuwa kung ganoon." Maligayang sagot ko. Nakita ko pa ang pagngiti nito nang malake, kung kaya't nginitian ko rin ito pabalik at inilihis ko na muna ang akin paningin sa kaniya dahil ako'y nagtatali ng sampalok. "Oo. Pero ikaw panigurado hindi muna kailangan ng magandang damit. Lahat naman kasi sayo bagay." Rinig kong sambit nito ng seryoso. Ibinalik ko naman ang paningin ko sakaniya at ako'y natatawa. Kitang kita ko sa mga mata niya ang mangha habang ako'y tinititigan. "Tama na nga Abe tapusin na natin itong ginagawa natin." Sambit ko ng seryoso. Madaldal si Abe kung kaya't kapag pinatulan ko pa ang kaniyang sinasabi baka hindi na kami matapos sa ginagawa namin. Madami pa naman itong sampalok na aming tata
Chapter 2Kinagabihan nang makauwi ako at handa na sanang mag pahinga dahil napagod din ako sa pag-lalaba sa may sapa ng dumating naman si Abe dito sa may bahay at sinasama ako sa pa salu-salo ni kapitana, balak ko kasi sanang hindi na sumama at mag papahinga na lang dito sa bahay."Sige na Calohi, sumama kana." pilit nito sakin habang kami'y nasa aking mumunting kwarto."hays oo na sige na huwag kanang makulit at lalong huwag maingay! sapagkat nag papahinga na si mama sa kabilang kwarto." napapakamot na saway ko kay Abe na kinangisi niya sa labi ng malaki."Yehey!" sigaw nito na kinatakip ko ng bunganga niya at pinang didilatan ko ng mata inalis niya naman ang kamay ko sa bunganga niya at tiyaka nag peace sign ito sakin.May susuotin panaman ako dito na dress na nag iisa dahil wala naman akong ibang damit na pang lakad bukod dito, mabuti na lamang ay kasiya pa sakin ito kasi noong 16 years old kopa ito nabili, mga panahong sobra ang pera ko. Sa isip-isip kopa.
Chapter 3WARNING R-18 READ YOUR OWN RISK"Lahat naman ginawa ko!" narinig kong sigaw ni papa sa may sala kung kaya't dali-dali akong bumangon sa aking kinahihiigaan at tiyaka ako tumakbo papuntang sala. Napatigil ako sa pag-takbo ng makita ko doon sa sala si mama na nakaluhod sa harapan ni papa at tila nag-mamakaawa ito at umaasa na sana'y dinggin ang kaniyang hiling.Ngunit ng ako'y matauhan ay agad akong nag-lakad patungo kay mama at pilit na itinatayo sa pag kakaluhod ngunit ayaw nitong tumayo."Hindi nga totoo ang sinasabi nila at patawarin muna ako." nag-mamakaawang sabe ni mama kay papa at tila pagod na pagod na ang mata sa kakaiyak. Kaya agad akong tumingin kay papa nang masama at hindi ko na mapigilan ang emosyon kong pag kagalit sa sariling ama."Ano ba pa! May sakit na nga si mama ginaganyan niyo pa bakit kasi nagpapaliwala kayo sa mga taong iyan na nag balita sainyo ng maling impormasyon!" sagot ko kay papa na matindi ang galit na emosyon
Chapter 4 Hanggang ngayon ay iniisip ko parin ang nangyari nung naliligo ako sa may sapa. Sobrang kahihiyan talaga ang aking nagawa hindi ko naman akalain na sa oras na iyon ay may napunta pa doon at higit salahat ang apo pa ng mayora!Paano na ito, paano na ako haharap bukas sa bahay ng mayora lalo na sakanya?,.. kapag nakita ko ito baka kasi naikwento niya din kung sino man o kaya kala mayora ang nangyari kagabi, sobra talagang nakakahiya!Isa lamang iyan sa mga naiisip ko, tila parang nasa gate palang ako ng bahay ni mayora ay umuurong na ang paa ko pauwi. Hays bakit ko pa kasi naisipan mag-hubad nakakahiya tuloy. Sa isip-isip kopa at hindi makatulog at tila parang sasapitin ako ng madaling araw dahil sa aking iniisip at pino-problema. Kailangan ko naman ng pera kailangan iyon ng aking pamilya lalo na si mama kaya hindi ako pwedeng umurong sa offer ni mayora lalo na't inaasahan ako nito bukas at sa mga susunod pang araw. Hays buntong hininga ko at ti
HardHanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang nangyari kahapon. Hindi ko siya maintindihan kung bakit sinasabi niya na masaya na ba ako? At Saan ako sasaya. Sa isip-isip ko pa.Nauunawaan ko siya sa sinabi niya sakin na huwag akong umarte na parang walang alam ays! Oo dahil doon sa nakita niya. Ahayss napakatalino niya naman para mamukhaan ako. Nakakainis bakit pa kasi talaga ako naghubad ng gabing iyon ngayon tuloy ako'y nahihirapan sa sitwasyon na ito ays,... Gumawa ako ng problema na hindi ko masolusyunan."Alam mo Calohi, parang hindi mayaman kung kumilos yung apo ng Mayora ano?" biglang tanong sakin ni Abe habang kami'y ngayon ay nasa hardin at nagtatanim."bakit mo naman nasabi?" takhang tanong ko dito at tumigil na muna sa paglalagay ng lupa sa paso. "Kasi tignan mo ang sipag-sipag ang sarap-sarap pa tignan ang hot-hot Fafa naman." sagot nito sakin at nakatingin kay Anus kung kaya't tinignan ko din ito at nakita ko na nagsisibak ng kahoy.Tama nga si Abe tila parang