Share

Poison
Poison
Author: ECECEEE

Dayo

Dayo

"Calohi ang ganda ng susuotin ko para mamayang gabi sa salu salo kala kapitana." Maligayang sambit ni Abe

Kita ko sa mga mukha niya ang atat na nararamdaman. Ngumiti naman ako dito dahil masaya ako para sa'kin kaibigan. Hilig niya din kasi ang mga damit.

"Talaga ba, nakakatuwa kung ganoon." Maligayang sagot ko.

Nakita ko pa ang pagngiti nito nang malake, kung kaya't nginitian ko rin ito pabalik at inilihis ko na muna ang akin paningin sa kaniya dahil ako'y nagtatali ng sampalok.

"Oo. Pero ikaw panigurado hindi muna kailangan ng magandang damit. Lahat naman kasi sayo bagay." Rinig kong sambit nito ng seryoso.

Ibinalik ko naman ang paningin ko sakaniya at ako'y natatawa. Kitang kita ko sa mga mata niya ang mangha habang ako'y tinititigan.

"Tama na nga Abe tapusin na natin itong ginagawa natin." Sambit ko ng seryoso.

Madaldal si Abe kung kaya't kapag pinatulan ko pa ang kaniyang sinasabi baka hindi na kami matapos sa ginagawa namin. Madami pa naman itong sampalok na aming tatalian. Hindi din nagtagal ay natapos na kami sa pagtatali ng sampalok. Isinalansan na namin ang sampalok sa may plastik na malake at tiyaka tinalian ng maayos para hindi mahulog. Binuhat na namin ni Abe ang plastik. Tig-isa kami, bali dadalhin namin ito kala Aling Belene para mailuwas niya sa Baliwag, kung saan ay doon nabagsak ang mga gulay na nanggagaling dito sa lugar namin.

"Bukas na lang ang bayad mga iha." Sambit ni Aling Belene ng seryoso.

Abalang abala si Aling Belene sa kaniyang maliit na notebook kung saan doon niya sinusulat ang mga gulay na ipapaluwas at pangalan ng magpapaluwas. Doon din kasi siya mag-ku-kwenta lahat ng kikitain ng magpapaluwas. Hindi kasi pa laging parehas ang presyo ng gulay minsan pa nga raw ay binuburaot pa ng mga tindera at tindero, kung kaya't depende pa rin ang mapupuntang pera sa'min mga nagpapaluwas tiyaka sa makukuha namin na pera babawasan pa iyon ni Aling Belene ng 80 pesos, para sa gas niya sa kaniyang jeep at bayad sa kaniya dahil siya ang nagluluwas.

"Sige po Aling Belene. Sana naman mataas ang makuha namin sa sampalok." Nagrereklamong sambit ni Abe.

Tumigil naman sa pagsusulat si Aling Belene at tumingin kay Abe. Napapabuntong hininga ito nang malalim. Marahil sa narinig niya mula kay Abe.

"Sana nga iha dahil binuburaot pa ako ng may-ari ng tindahan." Sagot ni Aling Belene ng seryoso.

Naawa naman ako sa itsura ni Aling Belene dahil siya ang kumakausap sa mga tindera. Alam kong kinukulit niya pa ang mga ito mabili lang ang mga naluwas niyang gulay, dahil hindi lang naman si Aling Belene ang pinagkukuhaan ng supply.

"Hayaan muna Abe." Sambit ko kay Abe ng seryoso habang nakatingin. Nakasimangot naman ito na tila hindi sang-ayon sa sinabi ko. Inilihis ko naman ang paningin ko kay Abe at ngayon na kay Aling Belene na. " Sige po Aling Belene kung hanggang saan na lang po ang aabutin ayos na po iyan, kaysa sa wala." Dagdag na sambit ko ng seryoso.

Nakita ko naman ang pagngiti ni Aling Belene. Napatango pa ito nang dalawang beses.

"Alam mo ang ganda mo talagang Bata ka." Puri ni Aling Belene sa'kin habang tinitignan ako. Napangiti na lamang ako sa kaniya. " Baka matipuhan mo ang anak ko, kaedad mo lang iyon." Dagdag na sambit pa nito na maligayang tono.

Napakamot naman ako sa'kin ulo at hindi ko alam kung anong isasagot ko. Mabuti na lang at nakisabat si Abe.

"Naku! Aling Belene tigil tigilan niyo ang kaibigan ko." Sabat ni Abe ng seryoso.

Tinapik ko naman ang braso ni Abe. Kahit na hindi ako sang-ayon sa sinabi ni Aling Belene mali na sagutin ni Abe ng ganiyan si Aling Belene lalo na't mas matanda ito sa'min.

"Huwag mo na lang po pansinin si Abe Aling Belene, sige na po mauna na kami." Paalam ko kay Aling Belene ng seryoso.

Hinila ko na Ang braso ni Abe at lumayo na kami kay Aling belene. Kung hindi ko pa pipigilan itong si Abe baka masampal ito ni Aling Belene, at baka tuluyan na kaming mawalan ng kita dahil baka hindi iluwas ni Aling Belene ang sampalok namin.

"Ito talagang si Aling Belene tila aso ang tingin sayo na pwedeng lahian." Rinig kong sambit ni Abe ng seryoso.

Siniko ko naman ang kaniyang braso. Na nagpatigil sa paglalakad niya kung kaya't tumigil na rin ako sa paglalakad ko at hinarap ko siya. Nakasimangot lamang ito.

"Abe hindi maganda ang mga sinasabi mo, tiyaka hayaan mo na lang si Aling Belene kahit ano pa ang sabihin niya hindi naman ako papayag na mapangasawa ang anak niya." Paliwanag ko ng seryoso.

"Baka kasi biglang magbago ang isip mo, ganiyan sa teleserye na napapanood ko sa telebisyon, una ayaw tapos sa huli gusto." Sagot ni Abe ng seryoso.

"Kakapanood mo iyan ng teleserye. Syempre depende pa din sa tao iyon pero ako ayoko. Tulad nga ng sambit mo pa lagi umiwas sa maasim." Sambit ko ng seryoso at natawa.

Nakita ko naman na tumawa rin ito. Napailing na lamang ako sa'kin kaibigan. Kahit kailan talaga itong si Abe. No'n pa naman kasi mukhang bibig niya na kapag nakakita siya ng lalaking hindi niya trip maasim ang tawag niya.

"Mabuti naman, sayang ang ganda mo Calohi kung papatol ka sa maasim." Sagot nito ng seryoso.

Napailing na lamang ako sa kaniya. Hindi ko na lang siya inimikan pa at mabuti na lang hindi na siya dumaldal pa. Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating sa kaniya kaniyang bahay.

"Mag-iingat ka sa pag-uwi mo Calohi." Paalala ni Abe ng seryoso.

Tumango ako rito at ngumiti. Ngumiti din siya sa'kin pabalik at pumasok na pintuan ng kanilang bahay. Malayo layo ang bahay ko kala Abe, nasa dulo ang sa'min.

Tumalikod na ako at nagpatuloy na muli sa paglalakad. Ang presko ng hangin na dumadampi sa'kin balat, ang aliwalas din ng paligid. Kahit nasa baba ako kitang kita ko ang hamog sa bundok. Ang ganda din tignan ang mga bahay na tila magkakaidkit kahit na parang kubo lang ang mga ito. Matatayog rin ang mga puno at ang ganda-ganda tignan ang mga bulaklak na nasa damo. Hindi mo mararamdaman ang sakit sa paa sa paglalakad dahil lubak-lubak ang daan dahil sa ganda ng kapaligiran. Hindi din kalaunan ay nakarating na ako sa may bahay. Nasa may pintuan pa lamang ako ay naririnig ko na kaagad ang bangayan ni mama at papa kung kaya't agad akong tumakbo papasok sa loob.

"Lahat naman ay binigay ko sa'yo bakit mo ako ginagabito?" Tanong ni mama habang napatak ang luha.

Tahimik lamang si papa na nakatitig kay mama. Habang si mama naman ay napatak pa rin ang mga luha sa kaniyang pisngi. Narinig kong tumawa nang mapait si papa.

"Kaya nga, ibinigay mo ang lahat." Sagot ni papa ng seryoso.

Hindi na umimik pa si mama. Agad naman tumalikod si papa at naglakad palabas ng bahay. Naramdaman ko naman ang pagyakap ni mama kung kaya't niyakap ko rin ito pabalik. Hinagod ko ang kaniyang likod para kumalma.

Hindi na bago sa'kin ang masaksihan silang nagbabangayan. Pa laging nag-aaway si mama at papa. Sobra na nga akong naawa kay mama dahil sa pag-aaway nilang iyon ay iniiwanan nang bakas ni papa si mama ng pasa. Galit ang nararamdaman ko kay papa ngunit wala akong magawa. Gustong gusto kong umiyak ngunit ayokong makita ni mama. Gusto kong maging matapang sa harapan niya, para hindi siya lalo panghiaan ng loob. Ayoko din na sabayan pa siya sa pag-iyak dahil sobrang sakit iyon para sa kanya.

Nang tumahan na si mama ay umupo na ito sa may upuan at tulala. Napansin ko naman ang katawan niyang namayat. Lalo akong nahahabag sa itsura ni mama. May sakit si mama sa puso at wala kaming sapat na pera para ipa-check up siya 'o pang bili ng gamot. Sa tubig na lamang ako umaasa na kapag sumisikip ang dibdib niya ay pinapainom ko na lang agad ng tubig.

"Nawa'y makahanap ka anak ng lalaking mamahalin ka ng tunay at tatanggapin na kahit ano ka pa 'o ang maging kasalanan mo." Sambit ni mama ng seryoso habang malayong nakatingin sa may labas.

Tumango na lamang ako kahit na hindi niya makita. Abala kasi ito sa pagtingin sa may labas. Namumugto ang kaniyang mga mata at ang putla ng kaniyang labi. Lalo akong nakakaramdam ng awa para kay mama.

Sa mga panahon na ito hindi ko muna iniisip tungkol sa pakikipagrelasyon. Sa ngayon ang iniisip ko kung paano kami makaka-survive sa araw-araw at paano ako makakakuha ng pera na aking iipunin pa para sa gamutan ni mama, tiyaka iniisip ko rin ang akin pag-aaral.

"Sige na po ma, magpahinga na muna kayo sa kwarto." Suhestiyon ko ng seryoso.

Tumango naman ito at mapait na ngumiti. Tumayo na ito galing sa pagkakaupo tiyaka naglakad na papunta sa kanilang kwarto.

Ako naman ay lumabas muna at nagwawalis sa may labas. Madami na din kasing dahon na nagkalat.

"Calohi." Rinig kong tawang ng babae.

Agad akong nagtaas ng tingin at si Aling Manay ito. Abala kasi ako sa pagwawalis kung kaya't ako'y nakayuko.

"Ano po iyon?" Sagot ng seryoso.

"Kukuwain sana kitang maglalaba ngayon ng mga damit ko, ayos lang ba?" Paniniguradong sambit ni Aling Manay.

"O-opo, Aling Manay maraming salamat po." Maligayang sagot ko.

Nakita ko naman ang pagtango nito at pagngiti sa'kin. Mabuti na lamang at sa'kin magpapalaba si Aling Manay dagdag kita rin ito, pangdagdag din sa iniipon kong pera para kay mama.

"Tara na sa bahay. Nakahanda na ang mga lalabahan mo." Anyaya ni Aling Manay.

Tumango naman ako dito. Inayos ko na muna ang walis at tiyaka sumunod kay Aling Manay para makuha ang mga labahan. Matagal ng byuda si Aling Manay, siya na lamang at ang dalawa niyang anak na lalaki ang magkasama sa buhay. May pera si Aling Manay kumpara sa'min, nasa abroad kasi ang isa nitong anak at ang isa naman ay nag-ta-trabaho sa Manila. Tinatanong nga ng karamihan bakit ayaw pang lumipat si Aling Manay sa ibang tirahan dahil kubo lamang ang bahay nito kahit na mapera, sagot lamang ni Aling Manay ay ayaw niya dahil hindi niya kayang iwanan ang bahay kung saan sila nakatira ng yumaong niyang asawa. Hindi din kalaunan ay nakarating na kami sa kanilang bahay. Dalawang basket na may damit ang nakita ko sa harap ng bahay nila, mukhang ito ang tinutukoy ni Aling Manay ma akin lalabahan at hindi nga ako nagkamali dahil tinuro niga ang dalawang basket. Binigyan niya ako ng 300 pesos bayad para sa paglalaba.

"Sige na po Aling Manay ako'y maglalaba na po." Paalam ko kay Aling Manay.

Nakita ko naman ang pagtango nito at pumasok na sa loob ng kaniyang bahay. Pinagpatong ko na lamang ang basket para isahan bitbit na lang. Ngayon ay naglalakad na ako papuntang sapa. Mabuti na lang at pababa ako kasi hindi mahirap;mahihirapan ako nito kapag paahon na lalo na't may dala pa akong mga damit. Hindi din kalaunan ay nakarating na ako sa may sapa. Mabuti na lang at walang tao dahil kung mayroon at marami mahihirapan akong makahanap ng pu-pwestuhan.

Habang inaayos ko na ang lalabahan ko, ako'y napatigil sa may tubig dahil nakikita ko ang reflection ng mukha ko sa may tubig. Hindi ko ipagkakaila na maganda nga talaga ang akin mukha, ngunit sa tuwing iisipin ko ay nalulungkot ako na kung anong kinaganda ng akin mukha iyon naman ang kabaliktaran ng akin buhay. Ngumiti na lamang ako nang napipilitan at nagpatuloy na lang sa ginagawa.

Nagsimula na ako sa paglalaba. Mabuti na lang at matubig ngayon ang sapa dahil minsan ay nawawalan ito ng tubig, lalo na kapag sasapit ang tag-araw. Hindi din kalaunan ay natapos rin ako sa paglalaba. Hindi naman mahirap labahan ang damit ni Aling Manay dahil hindi madumi. Ang mahirap yung pang bata kasi ang daming mantsya. Tumayo na ako sa kinauupuan kong malakeng bato.

"Is she real?" Rinig kong sambit ng seryoso ng lalaki.

Napalingon naman ako kung saan nanggagaling ang boses. Nakita ko ang dalawang lalaki na mukhang dayo. May dala silang tig-isanh kabayo na kulay brown. Hindi ko namalayan dahil ako'y abala sa paglalaba ay mayroon na pa lang tao sa may sapa bukod sa'kin. Tinitigan ko pa ang lalaking nagsalita. Mapayat, katangkaran, itim ang kaniyang buhok at mestiso. Ang kasama niya naman ay seryoso na nakatingin sa'kin. Mas matangkad ito kaysa sa kasama niya, bilugan ang mukha, mata na bagay sa kaniya, itim na itim ang kaniyang buhok na straight, matangos ang kaniyang ilong, malake rin ang kaniyang pangangatwan, mamula mula ang kaniyang labi at moreno ang kulay ng kaniyang balat.

"Fuck she look like a Fairy." Sambit pa ng lalaking mapayat.

"Shut up." May diin na sambit nung lalaking malake ang katawan.

Inilihis ko na lamang ang paningin ko sa kanila at inabala ang sarili sa pag-aayos. Ramdam kong nakatingin sila sa'kin ng ako'y paahon na sa may sapa. Nag-uusap pa ang dalawa na hindi ko maunawaan kung ano ang kanilang pinag-uusapan. Pakiramdam ko ay dayo talaga sila dahil ibang iba ang mga kilos nila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status