Hard
Hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang nangyari kahapon. Hindi ko siya maintindihan kung bakit sinasabi niya na masaya na ba ako? At Saan ako sasaya. Sa isip-isip ko pa.Nauunawaan ko siya sa sinabi niya sakin na huwag akong umarte na parang walang alam ays! Oo dahil doon sa nakita niya. Ahayss napakatalino niya naman para mamukhaan ako.Nakakainis bakit pa kasi talaga ako naghubad ng gabing iyon ngayon tuloy ako'y nahihirapan sa sitwasyon na ito ays,... Gumawa ako ng problema na hindi ko masolusyunan."Alam mo Calohi, parang hindi mayaman kung kumilos yung apo ng Mayora ano?" biglang tanong sakin ni Abe habang kami'y ngayon ay nasa hardin at nagtatanim."bakit mo naman nasabi?" takhang tanong ko dito at tumigil na muna sa paglalagay ng lupa sa paso."Kasi tignan mo ang sipag-sipag ang sarap-sarap pa tignan ang hot-hot Fafa naman." sagot nito sakin at nakatingin kay Anus kung kaya't tinignan ko din ito at nakita ko na nagsisibak ng kahoy.Tama nga si Abe tila parang hindi mayaman kung kumilos itong si Anus dahil sanay ito sa gawain bahay. Sa katunayan niyan ay kaya din nabawasan ang gawain namin ni Abe dito sa mansion ni Mayora dahil sakanya."kaya nga e' '" sagot ko naman kay Abe ng seryoso at ito namang si Abe ay hindi na mawala ang tingin kay Anus. Napailing na lamang ako dito."Mas masarap pa siya sa mga pagkain na nakahain." malanding saad nito at titig na titig parin kay Anus. Napabuntong hininga naman ako sa lumalabas na salita sa aking kaibigan na tila nasasapian ng engkanto dahil kung anu-ano ang lumalabas sa bunganga."Tumigil ka nga diyan, huwag mong pagnasahan ang apo ng Mayora" saway ko dito na kinalingon nito sa akin."Pasensya na ah hindi ko lang maiwasan titigan ang ganiyang kagwapong nilalang." sagot naman nito sakin at lumingon na ulit kay Anus. Napailing nanaman ako dito.Tumingin naman ako kay Anus na nakasuot na sando na kulay Puti kung kaya't bakat na bakat ang kaniyang malaking katawan at nakamaong na short siya na hanggang tuhod na ani mo'y ang kaniyang mga hita ay parang kahoy na matigas dahil sa ugat na lumalabas kada galaw niya.Hindi ko namalayan sa pagtitig ko sa katawan niya nawili ako at nang mag angat ako ng tingin sa mukha ay nakatitig na pala ito sakin. Napalunok ako ng dalawamg beses bago umiwas ng tingin sakanya at yumuko na upang hindi niya na mahuli ang matang kong kanina ay titig na titig sakanya."Naku! Halatang tipo ka talaga niyan Calohi" bulong-bulong pa ni Abe habang bumalik na kami sa aming ginagawa."Tumigil ka diyan Abe huwag munang babanggitin ang lalaking 'yan" saway ko sa kaibigan habang nagbubungkal ako ng lupa. Hindi ko na ninais pang mag angat ng tingin pa, dahil baka ako'y makagawa nanaman ng kakahiyan."NAKU! Ako'y kanina pa natitig sakanya hindi niya man lang ako binabalikan ng titig samantalang ikaw na saglit lang tumitig sakanya naramdaman agad ang presensya mo at nagkatitigan na kayong dalawa" sagot naman sakin ni Abe ng seryoso. Napabuntong hininga Naman ako. Pati pala siya ay napansin ang titigan namin ni Anus."Sa kakapanood mo 'yan ng teleserye kung kayat kung anu-ano na ang iniisip mo Abe" pagrarason ko dito upang sana ay tigilan niya na ako."Tignan mo ako" anyaya niya na seryoso ngunit hindi ako nag angat ng tingin dito dahil baka kung ano nanamang kalokohan ang ginagawa niya at madamay pa ako."Sige na" pamimilit niya pa. "Please. A-aray!" Napalingon ako sakanya ng sumigaw ito ngunit napawi din ang pag-aalala na namutawi sa isipan ko ng ngumisi ito sakin. Napabuntong hininga na ako at pinagkunutan ko ito ng aking noo."Bakit?" takhang tanong ko dito na kinangisi niya lalo kaya tinitigan ko na ito ng masinsinan at itinigil na muna ang ginagawa."Bakit kasi hindi mo maamin na tama ang konklusyon ko na tipo ka din ni Anus" sabi nito ng nakangisi."Wala akong aaminin dahil nakukuha mo iyang konkulasyon mo dahil sa kakapanood mo iyan ng teleserye." sagot ko naman dito na nakataas na ang isang kilay ko."naku hindi ako naniniwala alam kong sa isip mo ay napapansin mo din si Anus na parang may ibang ipinapahiwatig sa'yo." sagot naman nito sakin na nakangisi parin.Gusto ko man sabihin sakanya ang nangyari ng gabing nakita ako ni Anus sa ilog ng n*******d kaso napakadaldal ni Abe kaya huwag na lang. Ngunit kung malalaman niya lang baka mag iba pa ang kaniyang iniisip tungkol sa amin ni Anus.Kaya lang naman ganiyan si anus sa akin dahil sa kahihiyan na nagawa ko, kung kayat malakas ang loob 'yan na titigan ako at lapitan dahil nga sa nangyari no'ng gabing 'yon. Napapikit ako ng mata ng maalala ko nanaman ang nangyari ng gabing 'yon at hindi rin kalaunan ay nagmulat din tiyaka nagbuntong hininga. Hindi na talaga siguro mabubura 'yon sa utak ko."Tamo hindi na nakatingin sayo"Sabi ni Abe na hindi ko alam kung bakit ako lumingon kay Anus na nakatingin pa sa banda namin. Nag iwas ako dito ng tingin at yumuko na kunwari ay abala na sa ginagawa. Narinig ko namang tumawa si Abe na kinapikit ng mata ko."Huli ka! Ayaw pa kasi aminin na bet mo din 'yang si Anus" rinig ko pang sabe nito ngunit hindi ko na lamang ito pinansin pa at inabala na ang sarili sa pagtatanim.Bali kame lang apat ang nasa mansion ni Mayora dahil may dadaluhan daw itong salu-salo kasama ang asawa nito na si Mayor. Hindi ko alam kung kailan ang balik ni Mayora dahil balita ko ay sa Cebu pa ito dumalo.Nang matapos kami ni Abe sa hardin nagpahinga na muna kami sa may resthouse. "Nakakapagod." sabe ni Abe habang nakasandal sa may upuan."Kaya nga e,." sagot ko naman dito at isinandal din ang likod sa may upuan."Sana kasi talaga mayaman na lang tayo" nakangiting saad ni Abe na tila ay iniimagine talaga na isa siyang mayaman. "Tapos gagala ako sa ibat-ibang bansa" natatawang dagdag pa nito.Kahit ako gusto kong yumaman upang makaalis na kame sa buhay na ganito at para narin mapagamot ko si mama sakanyang sakit. Kung sana lang talaga na mayaman ako. Nalulungkot na isip ko pa."Ano pala ang kukunin mong strand?" Tanong ko kay Abe upang maiwas narin ang usapan namin tungkol sa yaman. Humawak pa muna ito sakanyang baba at nag isip bago sumagot."Parang Gas?" Sagot nito na tonong patanong dahil tila ay hindi pa siya sigurado. "Ikaw ba?" Tanong niya naman sakin.Hindi ko pa alam talaga kung ano ba ang aking kukunin dahil parang hindi ko na gustong tumuloy sa pag aaral. Dahil iniisip ko rin na kung magtrabaho na lang siguro ako pa Maynila makakaipon na talaga ako ng tama para sa gamot ni mama.Inaalala ko rin na kung mag aaral pa ako gastos lang 'yon at Saan naman ko kukuha ng pera. Oo may raket ako na trabaho ngunit dapat ay pang gastos na lang sana sa bahay at pang dagdag sa gamot ni mama e' kaysa ipang bili ko pa ng gamit pang eskwela."Hindi ko pa alam sa ngayon." sagot ko naman dito ng seryoso at napayuko."Alam mo Calohi bagay sa'yo ang model industry" sabe ni Abe ng seryoso na kina angat ko ng tingin sakanya. "Maganda ka, maganda katawan mo, makinis ka at matangkad" namamanghang dagdag pa nito. Ngumiti naman ako sakanya at ganoon din siya sakin."Alam kong mas madaming maganda sakin lalo na sa Maynila kaya malabo na maging model ako" nalulungkot kong saad sa kaibigan na tila dismiyado sa sinagot ko."Naku! Huwag ka ngang nega" sabe nga niya ng seryoso at inirapan pa ako ng dalawang beses."ikaw nga lang ang kilala kong fresh palagi at kahit maraming ginagawa hindi man lang naranasan ang dugyutin" dagdag na sabe nito na ng seryoso at nakataas na ang isang kilay niya na akala mo'y aapihin ako."Salamat Abe sa pagpapalakas ng loob ko" nakangiting saad ko dito na kinatitig niya narin. "Sa katunayan niyan ay hindi ko alam kung alin ba ang mas pipiliin ko. Trabaho ba o, pag aaral? Kaya hindi ko pa talaga alam Abe" dagdag na sabe ko dito na kinatango niya. Nagbuntong hininga Naman ako."Basta Calohi huwag kang mag isip ng negatibo a' malay mo may blessings na dumating na parehas kang bigyan ng dalawang pinag pipiliin mo o, diba edi solve ang problema, basta mag isip ng positibo lang" nakangiting saad nito na tila ay pinapalakas ang loob ko, kaya ngumiti na lang din ako sakanya.Mapalad parin talaga ako kahit papaano dahil magkaroon ako ng kaibigan na positibo palagi kung mag isip kahit nasa sitwasyon na sobrang hirap."Mga ineng kumain na kayo sa loob" Anyaya ni Aling Berta na hindi namin namalayan ni Abe na nasa resthouse na pala."Opo Aling Berta nagmulat naman ako sa'yo" sagot Naman ni Abe dito na kinatawa naman ni aling Berta."Pasensya na ineng hindi ko sinasadya" paumanhin ni Aling Berta kay Abe at sakin. Ngumiti na lang ako dito at pinigilan ang pagtawa."Salamat po Aling Berta" sabe ko naman dito na kinatango niya. Tumayo na ako at ganoon din sa Abe at tiyaka naglakad palabas ng rest house upang pumunta na sa loob ng mansion para makakain."Mauna na kayong kumain mga ineng, dahil si Anus ay may kausap pa sa laptop niya" sabe ni Aling Berta samin ng makarating na kame sa hapag."Ganoon po ba Aling Berta, sige po salamat po" nakangiting saad ni Abe kay Aling Berta. "ikaw po hindi ka po ba sasabay sa amin?" Tanong pa ni Abe na kina iling nito."Kumain na ako ineng salamat" nakangiting sagot Naman ni Aling Berta kay Abe na kinatango ni Abe." O' siya maiwan ko na muna kayo at ako'y uuwi na mina sa bahay ko" paalam pa nito sa amin na kinatango namin ni Abe at sinabihan pa si Aling Berta na mag ingat sa pag uwi.Sa pagkakaalam ko ay malapit lang dito sa mansion ang bahay nila Aling Berta kung kaya't kapag pinatawag siya ng Mayora ay agad itong nakakapunta dito sa mansion."Ang sarap talaga ng mga pagkain dito kala Mayora" nakangiting saad ni Abe habang kami'y nakaupo na sa hapag at nakain na.Masarap talaga ang pagkain at nakakahalina pa ang mga itsura. Kapit na kapit ang lasa bawat putahe kaya talaga namang nakaka ganang kumain. Pwede kaya akong manghingi ng tirang pagkain para maiuwi ko kay mama lalo ba't nakarami Kasi nito at kami lang tatlo ang kakain nila Abe at Anus baka masayang lang kung walang kakain."Abe pwede kayang manghingi ng tirang ulam mamaya?" Tanong ko kay Abe na enjoy na enjoy sa pagkain. Nilunok niya muna ang kaniyang ningunguya bago niya ako sagutin."Pwede siguro Calohi Tayo lang naman tatlo ang kakain at napakarami nito na tiyak na hindi natin mauubos" sagot Naman nito sakin at tiyaka sumubo na ulit ito. Tumango na lamang ako dito.Hindi namin namalayan na nasa hapag narin si Anus dahil sa enjoy na enjoy kami sa pagkain. Kung hindi pa gumalaw ang silyang uupuan niya ay hindi ko malalaman na nandiyan na pala siya.Napa angat ako ng tingin sakanya at tumingin din ito sakin kung kayat napayuko na lamang ako upang hindi na magtama ang tinginan namin dahil nakakaramdam ako ng kaba."Masarap ba Anus?" Rinig kong tanong ni Abe. Hindi ko nakikita ang kaniyang reaksyon dahil nakayuko akong kumain. Ayoko din Kasi na maglandas nanaman ang tinginan namin ni Anus."Yes" dinig kong sagot ni Anus ng mahinahon."Naku! Mas masarap pa diyan ang luto ni Calohi" rinig kong sabe ni Abe na sa tonong maligaya. Napapikit naman ako ng mata at napahigpit ang hawak ko sa kutsara at tinidor. "Diba Calohi" dagdag na sabe pa ni Abe at siniko ang braso ko. Nagmulat na ako ng aking mata at hindi ko alam kung bakit napatango na lamang ako ng pag sang-ayon sa sinabe ni Abe.Nakakahiya ano nanaman bang kalokohan ang iniisip nitong kaibigan ko nakakaramdam nanaman tuloy ako ng kaba. Parang gusto ko na lamang umalis dito sa hapag para maiwasan ang dalawang 'to, ngunit paano? Sa isip-isip ko pa."Can i?" Rinig kong sabe ni Anus na hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko."Tikman?" tanong naman ni Abe."Oo." madiin na sagot ni Anus."Nagluto o' niluto?" mapagbirong sagot naman ni Abe na kinahalakhak Niya."Both." sagot naman ni Anus ng madiin.Tila nabaliw na talaga ang puso ko dahil mas lumakas ito sa pagtibok kumpara kanina. Napapikit pa ako ng mata ko at napalunok sa sariling laway sa narinig.Kahit nanginginig ang aking kamay kinuha ko parin ang baso may tubig na nasa tapat ng pinggan ko dahil tila mauubusan ata ako ng laway sa kakalunok ko. Nang makainom ako ay napasamid pa ako."Ayos ka lang?" Tanong ni Abe na nakangisi. Hindi ko tuloy alam kung concern ba siya o' natutuwang siya na ganito ako ngayon.Tumango na lang ako sakanya at tiyaka ako tumayo upang makaalis na doon dahil hindi ko na kayang tagalan pa."T-tawagin...M-mo na lang ako kapag tapos na K-kayo kumain" sabe ko kay Abe na nauutal at hindi ko na hinintay pa na sumagot siya dahil tumalikod na ako at naglakad paalis sa hapag.Napahawak pa ako sa aking dibdib dahil sa nararamdaman, maayos na ito hindi katulad kanina na tila baliw at hindi ko alam kung bakit.Nakakahiya tuloy ahayss minsan talaga napapa isip ako kung bakit mayroon akong kaibigan na ganyan. Napapabuntong hininga ko pa at gusto ko sanang sabunutan ang aking sarili dahil sa nangyari kanina."Calohi" tawag ni Abe sakin na ngayon ay kakapasok lamang sa rest house at tiyaka ito gumawa sakin. Inirapan ko naman ito ng dalawang beses."Abe kung ika'y nanahimik na lang kanina natutuwa pa ako sa'yo" malditang sabe ko sakanya na lalong kinatawa niya at nag-peace sign pa ito sakin."Sorry na" seryosong sabe na nito na inirapan ko lamang. "Both daw" pang aasar niya nanaman at tumawa tiyaka umupo sa may tapat ko."Aasar ka pa" sabe ko dito na tonong m*****a at inirapan ko siya. Tumawa lang ito sakin."Ganda mo talaga!" Sigaw na nito sakin na nakabusangot na ang aking mukha dahil hindi talaga ako natutuwa sa nangyayari."sabe sa'yo e' tipo ka talaga ni Anus" dagdag na sabe pa nito na tila kinikilig na."Tara na nga bago pa ako magtampo sa'yo ng tuluyan" anyaya ko sakanya upang maghugas na kami ng pinggan"Saan?" Takhang tanong nito sakin."Maghuhugas ng pinggan diba tapos na kayo kumaim?" sagot ko naman dito."Naghuhugas na si Anus, sabe niya siya na lang daw e'" sagot naman nito sakin."Nakakahiya Abe palagi niya na lang tayong tinutulunga na dapat ay gawain natin" sagot ko kay Abe ng seryoso. "Dapat hindi mo siya hinahaan na maghugas paano kung malaman ito ni Mayora?"tanong ko pa kay Abe na nagbuntong hininga bago ako sagutin."Naku! Siya naman ang may gusto e" hayaan mo na siya, ang sipag nga gwapo pa"sagot naman ni Abe na tila humahanga kay Anus. Napasapo na kanang ako sa aking noo at nagbuntong hininga.Magsasalita pa sana ako ngunit nahiga na ito sa upuan ng rest house at mukhang matulog kung kaya't hinayaan ko na lamang ito.Hindi pwede ito nakakahiya kay Mayora at tiyaka binabayaran niya kame ng tama kung kaya't dapat ay magtrabaho din kame ng tama. Kung kaya't dali-dali akong pumunta sa kusina na kung saan ay nandoon ang lababo.Nang makarating ako sa kusina naabutan ko si Anus na pinipispisan ang mga plato at pinag lagyan ng ulam."A-ako na D-diyan" sabe ko kay Anus na nauutal at nakatingin ako sa may hugasan dahil ayokong magtama ang mga mata namin."Ako na" rinig kong sabe nito na may diin ngunit hindi ako nagpatinag."Hindi ako na diyan, gawain Naman talaga namin 'yan" sagot ko naman sakanya at hindi parin ako natingin sakanya. Kita ko naman sa gilid ng mata ko ang pagtigil niya sa ginagawa Niya at pagtitig sakin. Nakaramdam nanaman tuloy ako ng kaba at pagtibok ng puso."Ako na magpahinga ka na lang" lumakas na ng tuluyan ang nararamdaman kong kaba at parang nababaliw nanaman ang aking puso sa pagtibok ng mabilis.Napalunok pa ako ng dalawang beses bago mag angat ng tingin sakanya na agad kong nahap ang kaniyang mata na mahinahon lang akong tinititigan.Huwag kang sumuko sa mga titig kaya mo ito Calohi. Sa isip-isip ko pa at pumikit ng mariin at nagmulat din at matapang na nakipagtitigan sakanya kahit na nakakaramdam parin ako ng kaba at ang puso kong nababaliw sa tibok na hindi na tama."G-gawain K-ko ito kaya sige na B-ka mapagalitan pa K-kame ni Mayora" nauutal kong sagot at nag iwas na ako ng tingin sakanya dahil hindi ko pala kayang labanan ang titig niya."Ako na ang bahala kay Lola" Rinig kong sagot nito sa tonong mahinahon.Gusto ko sanang ako ang maghugas para hindi naman nakakahiya kay Mayora kung kaya't lumapit ako sakanya at tumapat sa lababo naramdaman ko naman na napa atras siya ngunit hindi ko na lamang ito pinansin upang mapabilis na ako dahil hindi ko narin makayanan pang tagalan na ganito ang aking nararamdaman.Kukuwain ko sana ang sponge malapit sa kanya ngunit ang nakuha ko ang kamay niyang nakaharang kung kaya't agad akong napabitaw sa kamay niya at napalunok ng ilang beses at parang hindi ko na makayanan ang nararamdaman ko.Nagtakha naman ako kung bakit hindi man lang nagulo ang pwesto niya kanina kung kaya't parang ang sikip-sikip na ng nararamdaman ko dahil sa lapit namin. Hindi ko alam kung bakit kahit na nakakaramdam ng kaba ay nag angat ako ng tingin sakanya. Nakita ko ang maya niyang nakatitig sakin na para bang kay lalim ng iniisip."I-it so very hard" sabe niya na tonong malungkot at hindi ko alam kung bakit parang may dumaan na sakit sakanyang mata o' baka ako'y nagkakamali lamang sa makita dahil sanay akong makita na tigasin siya.Hindi ko alam kung bakit parang magkaroon ako ng lakas na talikuran siya at tiyaka naglakad papalayo sa kaniya. Bang makalayo na ako ay napahawak ako sa aking dibdib at napaupo sa may damo dahil sa pang hihina na nadarama.Gusto kong sabunutan ang aking sariling buhok dahil hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Nagpakawala pa ako ng aking hininga upang maibsan ang nararamdaman na paunting-unti na kumakalma.Hapon. Natapos narin ang gawain namin sa may hardin, pero may naiwan pang gagawin dahil sa lawak ng lupain nila mayora ay madami pang espayong paglalagyan ng mga halaman. Pinauwi narin sa amin ni Aling Berta ang mga pagkain dahil hindi naman daw nakain si Anus ng kinagabihan puro tea lang daw ito. Pinaghatian namin ni Abe ang mga pagkain bago kami umuwi sa kaniya-kaniyang bahay. Kinagabihan."Ang sarap naman nito anak" Sabi ni mama sa tonong maligaya habang kami'y nasa hapag at nakain. Nginitian ko muna ito at uminom na muna ako ng tubig bago ako nagsalita.Ang sarap sa feeling na makita ko si mama na masaya na, nakakangiti ng ganyan na animo'y walang problema na iniisip o' kinakaharap na mahihirap. "Opo mama masarap po talaga 'yan. Masarap po kasi talagang magluto ang kusinera ni mayora, si Aling Berta po" sabi ko dito habang nakangiti. Ngumiti naman din ito sakin at tumango na ang hudyat ay sang-ayon siya sa aking sinabi.Pinagmasdan ko lang si mama habang masaya itong nakain ku
Kinabukasan. Gumising ako ng maaga upang makapaglinis ng bahay dahil pupunta dito si Anus, pero sasabihan ko pa siya Kasi hindi niya pa naman alam. Nagtupi na muna ako ng higaan at pagkatapos ay lumabas na ako upang maghilamos at mag-almusal.Napag-usapan namin ni mama na pupuntahan ko si Anus doon sa kanila para sabihan ito na pumunta sa amin upang managhalian at pasasalamat sakanyang pagbigay ng grocery. Tumingin pa ako sa may kwarto nila mama na bukas ang pintuan ng kwarto habang ako'y nagkakape sa may hapag kainan. Siguro ay nasa palengke na ito upang bumili ng karne o' isda para sa tanghalian. Nahihiya talaga ako dahil pupunta siya dito samin at ayoko panaman na nakikipag-interaction ako sakanya pero wala akong magagawa dahil sa kabutihan na ginawa nito kahit papaano ay suklian namin kahit papaano.Nang matapos na ako sa pagkakape at pagkain ng biscuit naglinis na ako ng bahay mula loob at hanggang labas. Nagsunog narin ako ng mga basura upang hindi na ito hanginin ng hangin
"Alam mo naguguluhan talaga ako sa nangyari kahapon Calohi" sabi ni Abe sakin ng seryoso habang kami ay nasa may resthouse. Sa wakas simula ng makapunta kami dito sa may mansion kanina ay ngayon lang siya nagbukas tungkol kahapon. "Naguguluhan din ako Abe, hindi ko sila nauunawaan" sagot ko din dito at napapabuntong hininga ako."Kailangan natin imbestigahan 'yan" sabi niya naman ng seryoso at napapahawak pa sakanyang baba na ani mo'y imbestigador."Paano?" Tanong ko dito na kinalingon niya sakin dahil kanina ay sa malayo ito nakatingin at tila may iniisip habang nakahawak siya sakanyang baba. "Basta ako ang bahala" sabi niya ng seryoso sakin na kinatango ko na lamang.Nang matapos kaming magpahinga ni Abe ay pumunta na kami sa may hardin upang makapagtanim na ulit. madami pa kasi talagang tanimin sa lawak ng lupain na ito. Nagpaalam na muna sakin si Abe na babanyo muna siya kaya ako muna ang naiwan sa hardin para magtanim. "Hi!!" Rinig kong boses ng babae na kinalingon ko ito at
"Pagaling ka" sabi ko sakin kaibigan, habang ito'y nakahilata sa kaniyang higaan. Namumutla ang kaniyang mukha at namamalat din ang kaniyang labi. Hindi ako sanay na makita si Abe ng ganito. Malayong-malayo ang itsura niya ngayon kaysa sa mga araw na ayos pa siya. "S-salamat Calohi" sabi niya ng marahan at ngumiti ng napipilitan. "H-hayaan mo magpapagaling ako kaagad para may K-kasama ka sa mansion" dagdag na sabi niya pa na kinatango ko. Nagpaalam na ako dito na pupunta na ako sa mansion. Dinalaw ko kasi siya dahil alam kong hindi pa ito ayos sa kalagayan niya. Sana talaga maging maayos na si Abe, dahil hindi ako sanay na makita itong ganito. Hindi ko na nakita si Leina ng ilang araw dito sa mansion, siguro ay umuwi na ito ng manila. Si Anus na lang lagi ang aking kasama sa mansion. Magaan na din naman ang aking pakiramdam sakaniya, dahil nga siya ang nakakasama ko ng ilang araw dito sa mansion at nakakausap. Si Aling Berta naman ay hindi natambay sa may mansion, pupunta lang 't
Nakakapagod man pero sulit talaga ang rides namin ni Anus kahit na hanggang gabi, ayon sa kaniyang pusta. "Ang ganda naman dito, grabe!" sigaw ko pa habang ako'y nakasakay sa kabayo. Nang matanaw ko naman si Anus ay nakangiti 'to habang pinagmamasdan ako, na nakasakay din sakaniyang kabayo. "Madami ka palang alam dito" dagdag na sabi ko at ipinalapit ko ang kabayo na nakasakay ako sa kung saan nakatigil si Anus. "Yes" maikling sagot niya sakin at iniiwas ang tingin sakin na ngayon ay nakatingin na sa mga punong matatayog."Alam mo ba, ngayon lang ako nakakapasok sa mga lugar na 'to dahil sa'yo, dahil alam kong mga pribado" sabi ko naman dito, habang nakangiti at tinitignan ko na ang mga nagtataasang mga puno. "Masaya ako kung ganoon, dahil ako ang unang nagdala sa'yo dito" rinig kong sagot niya, kung kaya't lumingon ako dito at nakita kong nakangiti ito sa'kin, kung kaya't ngumiti din ako sakanya pabalik. "Magpahinga muna tayo" sabi niya ng seryoso na kinatango ko, baba na sana
"Namiss ko dito sa mansion" sabi ni Abe ng makapasok na siya, dahil ayos na ang kaniyang kalagayan.Mabuti na nga lang dahil ayos na siya. Ilang linggo rin ang lumipas bago siya nakabalik dito sa mansion, para makapagtrabaho, at masaya ako dahil magaling na siya."Namiss din kita ano!" sigaw ko naman dito habang nakangiti. Ngumiti din ito sakin pabalik."Ang lalake na ng mga halaman" sabi pa ni Abe habang kami'y nagtatrabaho na sa may hardin. "Pasensya na kung natagalan ako" dagdag na saad niya pa animo'y kinakausap niya ang mga ito at sasagutin siya."Nangingiti na lamang akong pinagmamasdan ko ang aking kaibigan na masiglang-masigla na talaga naman na ayos na ayos na siya.Yabang ako'y nagtatrabaho sa may hardin, pasulyap-sulyap din ako sa may mansion dahil simula ng makarating kami ni Abe dito kaninang umaga, hindi ko pa ito nakikita.Siguro tulog pa 'yon. Sa isip-isip ko pa at tiyaka nag-focus na lamang sa pagtatanim ng halaman. Nang matapos kami ni Abe sa hardin at ngayon ay ta
Dalawang araw ang lumipas, hindi ko pa din pinapansin si Anus, kahit na gustong-gusto niya ako kausapin. Basta tampo talaga ako sakanya. "Ganda mo talaga e' ano? hindi mo pinapansin si Anus" rinig kong sabi ni Abe habang ako'y nagdidilig ng halaman. Tinignan ko naman siya at napabuntong hininga pa ako. "Palagi siyang nakatingin sayo mula sa malayo" dagdag na sabi pa ni Abe na iiling-iling at tila dismiyado sakin.Totoo nga 'yon, minsan nahuhuli ko pa nga si Anus na nakatingin sakin at ako na mismo ang iiwas kaagad, dahil mukhang wala siyang balak na umiwas ng tingin. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit sa dahilan na hindi siya nagpaalam sakin no'ng umalis siya ay grabe na ang tampo ko sakanya, gusto ko sana na pansinin siya ngunit, 'to ay panindigan ko na lang ang aking sinimulan. Alam kong mali 'to dahil kaibigan niya lang naman ako, ngunit nakakaramdam talaga ako ng tampo sakanya, at bahala na kung hanggang saan aabot ang akin nararamdaman. "Ang sarap naman po talaga ng luto mo
Kinabukasan. Maaga akong nagising dahil atat na akong makapunta sa mansion dahil balak ko na talagang makipagbati kay Anus. Nahiya din talaga ako sakanyang sinabi kahapon, na kung ako ba ay magpapasuyo pa sakanya kahit hindi niya naman talaga dapat gawin. Alam kong mali ako dahil hindi ko siya pinansin porket lang iniisip ko na hindi siya nagpaalam sakin. Unang-una sa lahat kaibigan niya lang ako o' ewan ba basta hindi klaro Yung ugnayan namin dalawa kaya wala akong karapatan na hindi siya pansinin.Ewan ko ba sa sarili ko, hindi naman ako ganito dati sakanya at ayoko nga na magkaroon ng kahit anuman interaksyon samin dalawa dahil iba nararamdaman ko kapag nandiyan siya malapit sakin, at hindi ko alam kung bakit talaga ako nagkakaganito haysss,...hindi ko na maintindihan sarili ko.Nagbuntong hininga pa ako ng malalim bago tumayo na talaga sa may higaan. Inayos ko na muna ang aking hinigaan bago ako lumabas ng kwarto, upang maghilamos at makapagkape.Pagkalabas ko sakin kwarto, lumi
Araw nang lunes ngayon at lahat ng estudyante ay naghahanda para sa exam. Inagahan ko na nga din ang pasok ko para ako'y makapag review pa sa school habang wala pa ang guro namin. Ilang oras ang lumipas at puro pag re-review lang kami ng mga kaklase ko hanggang sa dumating na ang guro namin. "Itago na ang mga notes ninyo tayo ay magsisimula na." Sambit ng guro namin. Agad kong tinago ang notes ko at sabay tingin sa unahan kung nasaan ang guro namin. May hawak itong test paper. Madami pa siyang ipinaliwanag bago niya ibigay ang test paper. "Start." Aniya nito. Nagsimula na kaming mag exam. Hindi naman masyadong mahirap ang mga tanong lalo na kung nag review ka talaga. Hindi din kalaunan ay natapos na namin ang pag eexam. Sumunod naman ang sunod namin guro. Tulad nang nauna namin guro ay panay explain ito. Hindi din kalaunan ay natapos na kami kung kaya't ngayon ay recess na. "Sakit sa ulo pero sa wakas na tapos na tayo sa dalawang subject, bali dalawa na lang uwian na." Aniya ng
Gusto ko man siyang sagutin na ngunit parang nag aalangan ako dahil sa nangyari ka hapon. Galit at inis ang nararamdaman ko doon sa babae at lalo na kay Anus. "Ayos ka lang?" Tanong ni Ran.Ngumiti ako sa kaniya ng hilaw dahil aminado ako na hindi ako okay. Sobra akong naiinis kay Anus at doon sa ka trabaho niyang babae. Napaisip naman ako na lalaki si Ran at siguro masasagot niya ako sa tanong ko sa kaniya. Bago ako nagsalita ay napahinga na muna ako ng malalim. "Ran may tanong ako." Sambit ko ng seryoso. Napatango naman si Ran. "Ran ikaw bilang lalaki anong gagawin mo kung gusto mo talaga ang isang babae?" Dagdag ko. Nakita ko naman na nag iisip pa si Ran at tila pinapaganda ang isasagot sa'kin. "Kung gusto ko ang isang babae magpapansin ako sa kaniya." Seryosong sagot ni Ran. Tila nadismaya naman ako sa kanyang sinagot. Tama naman siya pero bakit hindi matanggap ng sistema ko ang sagot niya lalo na't naiisip ko na pa laging kasama ni Anus si Melody. "Paano kung ka trabaho mo
Sinamahan ako ni Ran hanggang sa makauwi ako sa may bahay walang kibuan kaming dalawa habang nakauwi. "Ingat ka salamat." Sambit ko kay Ran.Hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha ni Ran dahil ako'y nakayuko. Tinalikuran ko na din siya at hindi na hinintay pa ang kaniyang sasabihin. Gusto lang ay magpahinga. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Pagkapasok ko pa lamang sa'kin kwarto ay agad kong sinubsob ang akin mukha sa may unan. Bakit kasi niligawan niya pa ako at pumayag naman ako na manligaw siya? Hindi naman pala totoo ang mga pinapakita niya sa'kin no'n at pinaparamdam. Bakit kaya ako'y nagtiwala sa kaniya ng lubos na kahit hindi dapat. Hindi dapat ganoon, kung talagang ayaw niya sa tao dapat hindi niya pinaglalaruan dahil hindi biro ang nararamdaman ng isang tao lalo na't kung seryoso ito sa kaniya. Ang sakit-sakit sa pakiramdam na makita siyang masaya sa iba. Sana ako na lang si Melody. Ang hirap naman sa sitwasyon ko kasi hindi ko alam kung may karapatan ba talaga ako.
"Tama na iyan bes hindi talaga siya ang para sa iyo." Rinig kong sambit ng babae hindi kalayuan sa kinauupuan ko. Nandito ako ngayon sa may labas ng gate ng school. Nakita ko yung tatlong babae yung isa ay mukhang naiyak habang nakayuko ang dalawa naman ay todo sa pagpapakalma sa kanilang kaibigan. Tila nakikita ko ang akin sarili sa babaeng umiiyak. Hindi man kami parehas ng sitwasyon sigurado ako doon ngunit parehas kaming umiyak;umiyak sa lalaking hindi naman kami mahal talaga. "Kumusta naman ang kaibigan kong wala ng paramdam?" Rinig kong sambit ni Abe. Hindi ko namalayan na nandito pala siya sa tabi ko dahil sa panonood ko doon sa babaeng umiiyak. Gusto kong ikwento ang lahat kay Abe ngunit pinigilan ko na lang ang akin sarili dahil baka sugudin niya si Melody sa mansion nila Anus. Ayoko naman mag eskandalo pa kung talagang ayaw niya na sa'kin at hindi siya seryoso ay hahayaan ko na lang. Kailangan kong irespeto ang gusto niya kahit hindi ako sang ayon sa desisyon niya. "Ay
Hindi makapag-focus ang isip ko sa panonood ng basket ball. Hanggang ngayon kasi nalulungkot pa din ako dahil umaasa akong manonood si Anus sa rampa ko lalo na't alam niya naman. Ang dami nga siguro nila talagang ginagawa kasi hindi niya na din akong magawa na bisitahin man lang sa bahay tulad ng ginagawa niya pa lagi kahit na gabi pa. "Problemado ka ba?" Tanong ni Ran. Napabuntong hininga akong napasulyap kay Ran na nasa tabi ko na pala. "Hindi naman." Sinungaling tugon ko.Kahit hindi ko man aminin ay talagang problemado ako. Paano kasi itong si Anus para bang nag bago na simula no'ng dumating si Melody. Kailangan ko ba talagang intindihin na may trabaho sila? Ilang araw na silang magkasama pa lagi. Malay ko ba kung anong ginagawa nila sa ibang oras. Napapapikit ako sa'kin iniisip. "Congrats pala sayo ka hapon napanood ko." Nakangiting sambit ni Ran. Ngumiti naman ako sa kaniya ng hilaw. Kung sino talaga iyong hindi mo inaasahan pa laging nandiyan. "Salamat." Tugon ko. Hindi
Gusto ko man siyang sagutin na ngunit parang nag aalangan ako dahil sa nangyari ka hapon. Galit at inis ang nararamdaman ko doon sa babae at lalo na kay Anus. "Ayos ka lang?" Tanong ni Ran.Ngumiti ako sa kaniya ng hilaw dahil aminado ako na hindi ako okay. Sobra akong naiinis kay Anus at doon sa ka trabaho niyang babae. Napaisip naman ako na lalaki si Ran at siguro masasagot niya ako sa tanong ko sa kaniya. Bago ako nagsalita ay napahinga na muna ako ng malalim. "Ran may tanong ako." Sambit ko ng seryoso. Napatango naman si Ran. "Ran ikaw bilang lalaki anong gagawin mo kung gusto mo talaga ang isang babae?" Dagdag ko. Nakita ko naman na nag iisip pa si Ran at tila pinapaganda ang isasagot sa'kin. "Kung gusto ko ang isang babae magpapansin ako sa kaniya." Seryosong sagot ni Ran. Tila nadismaya naman ako sa kanyang sinagot. Tama naman siya pero bakit hindi matanggap ng sistema ko ang sagot niya lalo na't naiisip ko na pa laging kasama ni Anus si Melody. "Paano kung ka trabaho mo
"Let's go Calohi Avryl Tan." May diin sambit ni Anus. Napanganga ako sa'kin narinig mula kay Anus. Ngayon lamang ako nakaramdam ng kaba na tawagin ang buo kong pangalan. napalingon naman ako kay Ran na naglalakad na pa layo. Muli ay ibinalik ko ang paningin ko kay Anus na seryoso lang na nakatingin sa'kin. "Calohi Avryl Tan." Sambit ng seryoso ni Anus. "H-ha?" Nababalisang tanong ko. Tila wala ako sa sarili at naubusan ng sasabihin kay Anus dahil hindi mag-sink in sa isip ko ang nangyayari."Calohi." Aniya ng seryoso. "H-ha?" Wala sa sariling sabi ko. "Tara na." Aniya ng seryoso. Wala sa sarili akong lumakad papunta sa kaniya at sumakay sa kaniyang motor. Ibinigay niya naman ang helmet na aking kinuha kaagad. Lumingon pa ako sa paligid at nagbabakasakali na makita ko si Ran ngunit tuluyan na talaga itong umalis. Mabilis na pinaandar ni Anus ang kaniyang motor. Tahimik lamang ang naging biyahe namin hanggang sa makarating na kami sa bahay.Akala ko sa mansion nila kami pupunta
Habang ako'y nagtatrabaho sa may hardin, pasulyap-sulyap din ako sa may mansion dahil simula ng makarating kami ni Abe dito kaninang umaga, hindi ko pa ito nakikita.Siguro tulog pa 'yon. Sa isip-isip ko pa at tiyaka nag-focus na lamang sa pagtatanim ng halaman. Nang matapos kami ni Abe sa hardin at ngayon ay tanghalian na at hanggang ngayon ay hindi ko pa din nakikita si Anus na bumaba sa kwarto niya.Iba na ang aking kutob na baka wala talaga siya sa kwarto niya, at hindi ko alam kung nasan siya dahil wala naman siyang sinabi sakin. Sa isip-isip ko pa."Aling Berta nasan po si Anus?" tanong ko kay Aling Berta ng sumabay siya samin mananghalian. Iniisip ko din na baka nagpunta 'to ng manila, ngunit bakit hindi siya nagpaalam sakin? Sa isip-isip ko pa at bumibigat ang aking pakiramdam."Naku! Ano 'yan, bakit mo hinahanap si Anus may hindi ba ako alam?" rinig kong sabat ni Abe na hindi ko pinansin dahil nakaabang ako sa isasagot ni Aling Berta."Hindi niya ba nasabi sayo na pupunta s
Habang ako'y nagtatrabaho sa may hardin, pasulyap-sulyap din ako sa may mansion dahil simula ng makarating kami ni Abe dito kaninang umaga, hindi ko pa ito nakikita.Siguro tulog pa 'yon. Sa isip-isip ko pa at tiyaka nag-focus na lamang sa pagtatanim ng halaman. Nang matapos kami ni Abe sa hardin at ngayon ay tanghalian na at hanggang ngayon ay hindi ko pa din nakikita si Anus na bumaba sa kwarto niya.Iba na ang aking kutob na baka wala talaga siya sa kwarto niya, at hindi ko alam kung nasan siya dahil wala naman siyang sinabi sakin. Sa isip-isip ko pa."Aling Berta nasan po si Anus?" tanong ko kay Aling Berta ng sumabay siya samin mananghalian. Iniisip ko din na baka nagpunta 'to ng manila, ngunit bakit hindi siya nagpaalam sakin? Sa isip-isip ko pa at bumibigat ang aking pakiramdam."Naku! Ano 'yan, bakit mo hinahanap si Anus may hindi ba ako alam?" rinig kong sabat ni Abe na hindi ko pinansin dahil nakaabang ako sa isasagot ni Aling Berta."Hindi niya ba nasabi sayo na pupunta s