"Alam mo naguguluhan talaga ako sa nangyari kahapon Calohi" sabi ni Abe sakin ng seryoso habang kami ay nasa may resthouse. Sa wakas simula ng makapunta kami dito sa may mansion kanina ay ngayon lang siya nagbukas tungkol kahapon. "Naguguluhan din ako Abe, hindi ko sila nauunawaan" sagot ko din dito at napapabuntong hininga ako."Kailangan natin imbestigahan 'yan" sabi niya naman ng seryoso at napapahawak pa sakanyang baba na ani mo'y imbestigador."Paano?" Tanong ko dito na kinalingon niya sakin dahil kanina ay sa malayo ito nakatingin at tila may iniisip habang nakahawak siya sakanyang baba. "Basta ako ang bahala" sabi niya ng seryoso sakin na kinatango ko na lamang.Nang matapos kaming magpahinga ni Abe ay pumunta na kami sa may hardin upang makapagtanim na ulit. madami pa kasi talagang tanimin sa lawak ng lupain na ito. Nagpaalam na muna sakin si Abe na babanyo muna siya kaya ako muna ang naiwan sa hardin para magtanim. "Hi!!" Rinig kong boses ng babae na kinalingon ko ito at
"Pagaling ka" sabi ko sakin kaibigan, habang ito'y nakahilata sa kaniyang higaan. Namumutla ang kaniyang mukha at namamalat din ang kaniyang labi. Hindi ako sanay na makita si Abe ng ganito. Malayong-malayo ang itsura niya ngayon kaysa sa mga araw na ayos pa siya. "S-salamat Calohi" sabi niya ng marahan at ngumiti ng napipilitan. "H-hayaan mo magpapagaling ako kaagad para may K-kasama ka sa mansion" dagdag na sabi niya pa na kinatango ko. Nagpaalam na ako dito na pupunta na ako sa mansion. Dinalaw ko kasi siya dahil alam kong hindi pa ito ayos sa kalagayan niya. Sana talaga maging maayos na si Abe, dahil hindi ako sanay na makita itong ganito. Hindi ko na nakita si Leina ng ilang araw dito sa mansion, siguro ay umuwi na ito ng manila. Si Anus na lang lagi ang aking kasama sa mansion. Magaan na din naman ang aking pakiramdam sakaniya, dahil nga siya ang nakakasama ko ng ilang araw dito sa mansion at nakakausap. Si Aling Berta naman ay hindi natambay sa may mansion, pupunta lang 't
Nakakapagod man pero sulit talaga ang rides namin ni Anus kahit na hanggang gabi, ayon sa kaniyang pusta. "Ang ganda naman dito, grabe!" sigaw ko pa habang ako'y nakasakay sa kabayo. Nang matanaw ko naman si Anus ay nakangiti 'to habang pinagmamasdan ako, na nakasakay din sakaniyang kabayo. "Madami ka palang alam dito" dagdag na sabi ko at ipinalapit ko ang kabayo na nakasakay ako sa kung saan nakatigil si Anus. "Yes" maikling sagot niya sakin at iniiwas ang tingin sakin na ngayon ay nakatingin na sa mga punong matatayog."Alam mo ba, ngayon lang ako nakakapasok sa mga lugar na 'to dahil sa'yo, dahil alam kong mga pribado" sabi ko naman dito, habang nakangiti at tinitignan ko na ang mga nagtataasang mga puno. "Masaya ako kung ganoon, dahil ako ang unang nagdala sa'yo dito" rinig kong sagot niya, kung kaya't lumingon ako dito at nakita kong nakangiti ito sa'kin, kung kaya't ngumiti din ako sakanya pabalik. "Magpahinga muna tayo" sabi niya ng seryoso na kinatango ko, baba na sana
"Namiss ko dito sa mansion" sabi ni Abe ng makapasok na siya, dahil ayos na ang kaniyang kalagayan.Mabuti na nga lang dahil ayos na siya. Ilang linggo rin ang lumipas bago siya nakabalik dito sa mansion, para makapagtrabaho, at masaya ako dahil magaling na siya."Namiss din kita ano!" sigaw ko naman dito habang nakangiti. Ngumiti din ito sakin pabalik."Ang lalake na ng mga halaman" sabi pa ni Abe habang kami'y nagtatrabaho na sa may hardin. "Pasensya na kung natagalan ako" dagdag na saad niya pa animo'y kinakausap niya ang mga ito at sasagutin siya."Nangingiti na lamang akong pinagmamasdan ko ang aking kaibigan na masiglang-masigla na talaga naman na ayos na ayos na siya.Yabang ako'y nagtatrabaho sa may hardin, pasulyap-sulyap din ako sa may mansion dahil simula ng makarating kami ni Abe dito kaninang umaga, hindi ko pa ito nakikita.Siguro tulog pa 'yon. Sa isip-isip ko pa at tiyaka nag-focus na lamang sa pagtatanim ng halaman. Nang matapos kami ni Abe sa hardin at ngayon ay ta
Dalawang araw ang lumipas, hindi ko pa din pinapansin si Anus, kahit na gustong-gusto niya ako kausapin. Basta tampo talaga ako sakanya. "Ganda mo talaga e' ano? hindi mo pinapansin si Anus" rinig kong sabi ni Abe habang ako'y nagdidilig ng halaman. Tinignan ko naman siya at napabuntong hininga pa ako. "Palagi siyang nakatingin sayo mula sa malayo" dagdag na sabi pa ni Abe na iiling-iling at tila dismiyado sakin.Totoo nga 'yon, minsan nahuhuli ko pa nga si Anus na nakatingin sakin at ako na mismo ang iiwas kaagad, dahil mukhang wala siyang balak na umiwas ng tingin. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit sa dahilan na hindi siya nagpaalam sakin no'ng umalis siya ay grabe na ang tampo ko sakanya, gusto ko sana na pansinin siya ngunit, 'to ay panindigan ko na lang ang aking sinimulan. Alam kong mali 'to dahil kaibigan niya lang naman ako, ngunit nakakaramdam talaga ako ng tampo sakanya, at bahala na kung hanggang saan aabot ang akin nararamdaman. "Ang sarap naman po talaga ng luto mo
Kinabukasan. Maaga akong nagising dahil atat na akong makapunta sa mansion dahil balak ko na talagang makipagbati kay Anus. Nahiya din talaga ako sakanyang sinabi kahapon, na kung ako ba ay magpapasuyo pa sakanya kahit hindi niya naman talaga dapat gawin. Alam kong mali ako dahil hindi ko siya pinansin porket lang iniisip ko na hindi siya nagpaalam sakin. Unang-una sa lahat kaibigan niya lang ako o' ewan ba basta hindi klaro Yung ugnayan namin dalawa kaya wala akong karapatan na hindi siya pansinin.Ewan ko ba sa sarili ko, hindi naman ako ganito dati sakanya at ayoko nga na magkaroon ng kahit anuman interaksyon samin dalawa dahil iba nararamdaman ko kapag nandiyan siya malapit sakin, at hindi ko alam kung bakit talaga ako nagkakaganito haysss,...hindi ko na maintindihan sarili ko.Nagbuntong hininga pa ako ng malalim bago tumayo na talaga sa may higaan. Inayos ko na muna ang aking hinigaan bago ako lumabas ng kwarto, upang maghilamos at makapagkape.Pagkalabas ko sakin kwarto, lumi
Ganito kasi 'yon Anus nagbibiro lang ako no'n ikaw talaga masyadong ka naman seryoso. Saad ko pa sakin sarili habang ako'y natatawa. Kamusta ka na? Palagi ka atang seryoso. Dagdag na saad ko pa at ako'y natatawa ngunit napawi din at napakamot sakin sariling ulo at napabuntong hininga dahil hanggang ngayon ay hindi ko alam ang sasabihin kay Anus. Nag-pa-practice kasi ako ng sasabihin ko kay Anus at kanina pa ako dito sa may kuwadra at wala pa din akong mapili na sasabihin, tila mauubusan na ako ng laway sa kakasalita. Napakahirap talagang makipagbati. napakahirap mag-isip ng sasabihin. Hindi ko alam pati kung ano ba ang aking i-a-aksyon sa harapan niya. Gustong-gusto ko na talaga maayos ang gusot namin dalawa, at akala ko no'ng una ay magiging madali lang ang lahat ngunit hindi pala dahil ako'y nahihirapan ngayon; hirap na hirap. Ngayon ay nakasilip ako mula sa malaking puno hindi kalayuan sa may lamesa ni Anus na busy na busy 'to na nakatutok sakanyang laptop at madaming nagkala
Tamad na tamad akong bumangon sa araw na 'to! Sa isip-isip ko pa habang nakahiga pa din sa may higaan. Alam kong may pasok pa ako kala mayora sa kaniyang mansion at kailangan ko na dapat gumayak, lalo na't mukha akong tinanghali ng gising, ngunit para bang wala akong ka-amor-amor na pumasok ngayon doon. Sinampal ko ng marahan ang akin sariling pisngi dahil naisip kong, binabayaran ako ng maayos ni mayora ng maayos kaya kailangan kong magtrabaho din ng maayos. Bumangon na ako sakin higaan na napaupo muna at napapatulala na lang dahil iniisip ko pa rin ang nangyari kahapon. Napakasipag talaga ni Anus na pati ang ulan ay hindi siya mapipigilan dahil sa kaniyang trabaho na ginagawa. Dapat tularan ko ang kagaya niya. Sa isip-isip ko pa at napangiti na lang na parang timang. Napaisip din tuloy ako na baka hindi sakin galit si Anus dahil kinakausap niya naman ako kahapon na ang tanong ko sakanya ay sinasagot niya, hindi niya lang ako tinitignan dahil busy 'to. Ou nga ano, bakit hindi
Araw nang lunes ngayon at lahat ng estudyante ay naghahanda para sa exam. Inagahan ko na nga din ang pasok ko para ako'y makapag review pa sa school habang wala pa ang guro namin. Ilang oras ang lumipas at puro pag re-review lang kami ng mga kaklase ko hanggang sa dumating na ang guro namin. "Itago na ang mga notes ninyo tayo ay magsisimula na." Sambit ng guro namin. Agad kong tinago ang notes ko at sabay tingin sa unahan kung nasaan ang guro namin. May hawak itong test paper. Madami pa siyang ipinaliwanag bago niya ibigay ang test paper. "Start." Aniya nito. Nagsimula na kaming mag exam. Hindi naman masyadong mahirap ang mga tanong lalo na kung nag review ka talaga. Hindi din kalaunan ay natapos na namin ang pag eexam. Sumunod naman ang sunod namin guro. Tulad nang nauna namin guro ay panay explain ito. Hindi din kalaunan ay natapos na kami kung kaya't ngayon ay recess na. "Sakit sa ulo pero sa wakas na tapos na tayo sa dalawang subject, bali dalawa na lang uwian na." Aniya ng
Gusto ko man siyang sagutin na ngunit parang nag aalangan ako dahil sa nangyari ka hapon. Galit at inis ang nararamdaman ko doon sa babae at lalo na kay Anus. "Ayos ka lang?" Tanong ni Ran.Ngumiti ako sa kaniya ng hilaw dahil aminado ako na hindi ako okay. Sobra akong naiinis kay Anus at doon sa ka trabaho niyang babae. Napaisip naman ako na lalaki si Ran at siguro masasagot niya ako sa tanong ko sa kaniya. Bago ako nagsalita ay napahinga na muna ako ng malalim. "Ran may tanong ako." Sambit ko ng seryoso. Napatango naman si Ran. "Ran ikaw bilang lalaki anong gagawin mo kung gusto mo talaga ang isang babae?" Dagdag ko. Nakita ko naman na nag iisip pa si Ran at tila pinapaganda ang isasagot sa'kin. "Kung gusto ko ang isang babae magpapansin ako sa kaniya." Seryosong sagot ni Ran. Tila nadismaya naman ako sa kanyang sinagot. Tama naman siya pero bakit hindi matanggap ng sistema ko ang sagot niya lalo na't naiisip ko na pa laging kasama ni Anus si Melody. "Paano kung ka trabaho mo
Sinamahan ako ni Ran hanggang sa makauwi ako sa may bahay walang kibuan kaming dalawa habang nakauwi. "Ingat ka salamat." Sambit ko kay Ran.Hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha ni Ran dahil ako'y nakayuko. Tinalikuran ko na din siya at hindi na hinintay pa ang kaniyang sasabihin. Gusto lang ay magpahinga. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Pagkapasok ko pa lamang sa'kin kwarto ay agad kong sinubsob ang akin mukha sa may unan. Bakit kasi niligawan niya pa ako at pumayag naman ako na manligaw siya? Hindi naman pala totoo ang mga pinapakita niya sa'kin no'n at pinaparamdam. Bakit kaya ako'y nagtiwala sa kaniya ng lubos na kahit hindi dapat. Hindi dapat ganoon, kung talagang ayaw niya sa tao dapat hindi niya pinaglalaruan dahil hindi biro ang nararamdaman ng isang tao lalo na't kung seryoso ito sa kaniya. Ang sakit-sakit sa pakiramdam na makita siyang masaya sa iba. Sana ako na lang si Melody. Ang hirap naman sa sitwasyon ko kasi hindi ko alam kung may karapatan ba talaga ako.
"Tama na iyan bes hindi talaga siya ang para sa iyo." Rinig kong sambit ng babae hindi kalayuan sa kinauupuan ko. Nandito ako ngayon sa may labas ng gate ng school. Nakita ko yung tatlong babae yung isa ay mukhang naiyak habang nakayuko ang dalawa naman ay todo sa pagpapakalma sa kanilang kaibigan. Tila nakikita ko ang akin sarili sa babaeng umiiyak. Hindi man kami parehas ng sitwasyon sigurado ako doon ngunit parehas kaming umiyak;umiyak sa lalaking hindi naman kami mahal talaga. "Kumusta naman ang kaibigan kong wala ng paramdam?" Rinig kong sambit ni Abe. Hindi ko namalayan na nandito pala siya sa tabi ko dahil sa panonood ko doon sa babaeng umiiyak. Gusto kong ikwento ang lahat kay Abe ngunit pinigilan ko na lang ang akin sarili dahil baka sugudin niya si Melody sa mansion nila Anus. Ayoko naman mag eskandalo pa kung talagang ayaw niya na sa'kin at hindi siya seryoso ay hahayaan ko na lang. Kailangan kong irespeto ang gusto niya kahit hindi ako sang ayon sa desisyon niya. "Ay
Hindi makapag-focus ang isip ko sa panonood ng basket ball. Hanggang ngayon kasi nalulungkot pa din ako dahil umaasa akong manonood si Anus sa rampa ko lalo na't alam niya naman. Ang dami nga siguro nila talagang ginagawa kasi hindi niya na din akong magawa na bisitahin man lang sa bahay tulad ng ginagawa niya pa lagi kahit na gabi pa. "Problemado ka ba?" Tanong ni Ran. Napabuntong hininga akong napasulyap kay Ran na nasa tabi ko na pala. "Hindi naman." Sinungaling tugon ko.Kahit hindi ko man aminin ay talagang problemado ako. Paano kasi itong si Anus para bang nag bago na simula no'ng dumating si Melody. Kailangan ko ba talagang intindihin na may trabaho sila? Ilang araw na silang magkasama pa lagi. Malay ko ba kung anong ginagawa nila sa ibang oras. Napapapikit ako sa'kin iniisip. "Congrats pala sayo ka hapon napanood ko." Nakangiting sambit ni Ran. Ngumiti naman ako sa kaniya ng hilaw. Kung sino talaga iyong hindi mo inaasahan pa laging nandiyan. "Salamat." Tugon ko. Hindi
Gusto ko man siyang sagutin na ngunit parang nag aalangan ako dahil sa nangyari ka hapon. Galit at inis ang nararamdaman ko doon sa babae at lalo na kay Anus. "Ayos ka lang?" Tanong ni Ran.Ngumiti ako sa kaniya ng hilaw dahil aminado ako na hindi ako okay. Sobra akong naiinis kay Anus at doon sa ka trabaho niyang babae. Napaisip naman ako na lalaki si Ran at siguro masasagot niya ako sa tanong ko sa kaniya. Bago ako nagsalita ay napahinga na muna ako ng malalim. "Ran may tanong ako." Sambit ko ng seryoso. Napatango naman si Ran. "Ran ikaw bilang lalaki anong gagawin mo kung gusto mo talaga ang isang babae?" Dagdag ko. Nakita ko naman na nag iisip pa si Ran at tila pinapaganda ang isasagot sa'kin. "Kung gusto ko ang isang babae magpapansin ako sa kaniya." Seryosong sagot ni Ran. Tila nadismaya naman ako sa kanyang sinagot. Tama naman siya pero bakit hindi matanggap ng sistema ko ang sagot niya lalo na't naiisip ko na pa laging kasama ni Anus si Melody. "Paano kung ka trabaho mo
"Let's go Calohi Avryl Tan." May diin sambit ni Anus. Napanganga ako sa'kin narinig mula kay Anus. Ngayon lamang ako nakaramdam ng kaba na tawagin ang buo kong pangalan. napalingon naman ako kay Ran na naglalakad na pa layo. Muli ay ibinalik ko ang paningin ko kay Anus na seryoso lang na nakatingin sa'kin. "Calohi Avryl Tan." Sambit ng seryoso ni Anus. "H-ha?" Nababalisang tanong ko. Tila wala ako sa sarili at naubusan ng sasabihin kay Anus dahil hindi mag-sink in sa isip ko ang nangyayari."Calohi." Aniya ng seryoso. "H-ha?" Wala sa sariling sabi ko. "Tara na." Aniya ng seryoso. Wala sa sarili akong lumakad papunta sa kaniya at sumakay sa kaniyang motor. Ibinigay niya naman ang helmet na aking kinuha kaagad. Lumingon pa ako sa paligid at nagbabakasakali na makita ko si Ran ngunit tuluyan na talaga itong umalis. Mabilis na pinaandar ni Anus ang kaniyang motor. Tahimik lamang ang naging biyahe namin hanggang sa makarating na kami sa bahay.Akala ko sa mansion nila kami pupunta
Habang ako'y nagtatrabaho sa may hardin, pasulyap-sulyap din ako sa may mansion dahil simula ng makarating kami ni Abe dito kaninang umaga, hindi ko pa ito nakikita.Siguro tulog pa 'yon. Sa isip-isip ko pa at tiyaka nag-focus na lamang sa pagtatanim ng halaman. Nang matapos kami ni Abe sa hardin at ngayon ay tanghalian na at hanggang ngayon ay hindi ko pa din nakikita si Anus na bumaba sa kwarto niya.Iba na ang aking kutob na baka wala talaga siya sa kwarto niya, at hindi ko alam kung nasan siya dahil wala naman siyang sinabi sakin. Sa isip-isip ko pa."Aling Berta nasan po si Anus?" tanong ko kay Aling Berta ng sumabay siya samin mananghalian. Iniisip ko din na baka nagpunta 'to ng manila, ngunit bakit hindi siya nagpaalam sakin? Sa isip-isip ko pa at bumibigat ang aking pakiramdam."Naku! Ano 'yan, bakit mo hinahanap si Anus may hindi ba ako alam?" rinig kong sabat ni Abe na hindi ko pinansin dahil nakaabang ako sa isasagot ni Aling Berta."Hindi niya ba nasabi sayo na pupunta s
Habang ako'y nagtatrabaho sa may hardin, pasulyap-sulyap din ako sa may mansion dahil simula ng makarating kami ni Abe dito kaninang umaga, hindi ko pa ito nakikita.Siguro tulog pa 'yon. Sa isip-isip ko pa at tiyaka nag-focus na lamang sa pagtatanim ng halaman. Nang matapos kami ni Abe sa hardin at ngayon ay tanghalian na at hanggang ngayon ay hindi ko pa din nakikita si Anus na bumaba sa kwarto niya.Iba na ang aking kutob na baka wala talaga siya sa kwarto niya, at hindi ko alam kung nasan siya dahil wala naman siyang sinabi sakin. Sa isip-isip ko pa."Aling Berta nasan po si Anus?" tanong ko kay Aling Berta ng sumabay siya samin mananghalian. Iniisip ko din na baka nagpunta 'to ng manila, ngunit bakit hindi siya nagpaalam sakin? Sa isip-isip ko pa at bumibigat ang aking pakiramdam."Naku! Ano 'yan, bakit mo hinahanap si Anus may hindi ba ako alam?" rinig kong sabat ni Abe na hindi ko pinansin dahil nakaabang ako sa isasagot ni Aling Berta."Hindi niya ba nasabi sayo na pupunta s