Tamad na tamad akong bumangon sa araw na 'to! Sa isip-isip ko pa habang nakahiga pa din sa may higaan. Alam kong may pasok pa ako kala mayora sa kaniyang mansion at kailangan ko na dapat gumayak, lalo na't mukha akong tinanghali ng gising, ngunit para bang wala akong ka-amor-amor na pumasok ngayon doon. Sinampal ko ng marahan ang akin sariling pisngi dahil naisip kong, binabayaran ako ng maayos ni mayora ng maayos kaya kailangan kong magtrabaho din ng maayos. Bumangon na ako sakin higaan na napaupo muna at napapatulala na lang dahil iniisip ko pa rin ang nangyari kahapon. Napakasipag talaga ni Anus na pati ang ulan ay hindi siya mapipigilan dahil sa kaniyang trabaho na ginagawa. Dapat tularan ko ang kagaya niya. Sa isip-isip ko pa at napangiti na lang na parang timang. Napaisip din tuloy ako na baka hindi sakin galit si Anus dahil kinakausap niya naman ako kahapon na ang tanong ko sakanya ay sinasagot niya, hindi niya lang ako tinitignan dahil busy 'to. Ou nga ano, bakit hindi
Kinabukasan. Ngayon ay nagdidilig ako ng halaman kasama si Abe na tahimik lang, at makikita ko na lang ay natawa 'to mag-isa. Hindi ko alam kung may problema ba siya sa utak o' ewan pansin ko ang pagbabago ng kaniyang ugali, tapos hindi siya talaga kagaya ng dati na madaldal, makulit at mapangasar hindi ko alam kung ano ba ang nangyari kay Abe kung bakit ganito siya. Hindi ko na nga pinapansin pa ang kaniyang kinikilos dahil mukhang wala 'to sa sarili na hindi ako masagot ng seryoso. Sa isip-isip ko pa habang nagdidilig pa din. Ang lalake na ng mga bulaklak na dati ay buto pa lamang. Kay bilis talaga ng araw. Sa isip-isip ko pa habang pinagmamasdan ko ang mga bulaklak. Tiyak na matutuwa ang mayora sakanyang pagbabalik dahil kay rami ng tanim na bulaklak sa kaniyang hardin at ang gaganda pa ng mga ito. Sa isip-isip ko pa. Kailan kaya makakauwi ang mayora? Tanong ko pa sa isip-isip ko. Pumuslit muna ako saglit papunta sa kusina para puntahan ko si Aling Berta para matanong ko kun
"Ang ganda ng mga halaman, ano Calohi?" tanong sa'kin ni Abe habang ito'y nakangiti at tinitignan ang mga halaman. Tumango naman ako dito upang pag-sangayon. Ngayon ay nasa hardin kami at ginugupitan ang mga damo at ang mga sobrang halaman, para malinis tignan. Tama nga siya kayganda ng mga halaman, ang sarap titigan na hindi nakakasawa, tiyak na magugustuhan talaga 'to ng mayora kapag siya ay nakauwi na. "Oo nga pala Calohi, kailan ba ang uwi ng mayora?" tanong sa'kin ni Abe ng mahinahon habang kami'y naggugupit pa din ng damo. Wala talaga akong alam kung kailan ba ang uwi ng mayora dito, si Aling Berta lang naman ang nakakaalam dahil siya ang nakakausap nito, basta ang alam ko lang ay busy 'to sa may Cebu dahil nga sa daming proyekto na pinapagawa ng mayor. "Hindi ko alam Abe?" tanong ko din sakanya pabalik at napakibit balikat na lamang siya. "Itanong na lang natin kay Aling Berta, mamaya, baka alam niya" dagdag na sabi ko dito ng mahinahon na kaniyang kinatango. Hindi na siya
Gumising ako ng maaga para maglaba sa sapa, natambakan na din kasi ako dahil wala akong oras para dito dahil may trabaho ako sa mansion ng mayora. Araw ng sabado ngayon kung kaya't wala kaming pasok ngayon ni Abe sa mansion ng mayora. Nabalitaan ko din kay Abe na sa lunes na daw ang enrollan, hanggang ngayon hindi pa talaga ako nakakapag desisyon kung ako ba ay papasok sa school o' hindi, basta bahala na. Kailangan ko talagang mag-isip nang maigi at may dalawang araw na palugit na lang ako para magdesisyon, at kailangan ay hindi ko pagsisihan kung ano man ang magiging desisyon ko.Ngayon ay inaayos ko na ang akin lalabahan sa may sapa, pinaghihiwalay ko ang puti sa de-color, para hindi maghalo ang kulay at hindi malagyan ng chlorine ang de-color. "Magpahinga ka na muna kaya kaysa maglaba, ako na bahala diyan" rinig kong sabi ni mama na agad kong kinalingon, kung kaya't napatigil muna ako sa'kin ginagawa. Nakita ko ang pag-aalala nito sakanyang mukha habang nakatingin sa'kin, ngumi
"Anak nakahanda na yung susuotin mo para mamaya." Maligayang sambit ni mama. Ngumiti na lamang ako dito kahit na sa loob-loob ko ay ayoko naman talaga magpunta sa bahay ng gobernador. Iba ang kutob ko sa pagbisita namin doon. Hindi naman kami bigatin na tao para imbitahin na lang ng basta ng gobernador mismo sa kaniyang tahanan. "Tiyak na bagay sa'yo iyon Calohi anak. Mura nga lang ang bili ko doon sa dress na iyon sa palengke." Nakangiting pang kwento ni mama. "Talaga po ma, maraming salamat po nag-abala ka pa po." Mahinahong sagot ko."Hay nako anak hindi abala iyon ano, nakakahiya naman sa atin gobernador kung haharap kang panget ang kasuotan mo." Seryosong sambit ni mama na akin kinatango. Sa bagay may punto naman si mama talagang nakakahiya iyon kung haharap ka sa gobernador na madungis. "Tama ka po diyan mama." seryosong sagot ko. Ayoko talagang pumunta 'o sumama papunta sa bahay ng gobernador ngunit wala naman akong magagawa dahil gusto ni mama. Gusto ko na lang sanang r
Kinabukasan. Gabi na kami ni mama nang makauwi sa bahay, kung kaya't ako'y natanghali na sa pag-gising. Ang sakit ng ulo ko. Inaantok pa rin ako, kahit gusto ko man matulog muli ay hindi pwede dahil ako'y may pasok pa sa mansion ng mayora. Sayang din kung hindi ako papasok, dagdag kita rin iyon. Nakaupo ako sa'kin higaan at pahikab hikab habang nakatanaw sa may bintana. Sikat na ang araw sa may labas na siyang dahilan nang pagpasok nito sa akin bintana na tumatama sa'kin higaan. Bigla naman pumasok sa'kin isipan ang nangyari kagabi. Napapakamot na lang ako sa ulo dahil parang ibang iba si Anus kagabi, dahil sa kaniyang mga kilos. Lalo tuloy ako'y napapaisip kung may pagtingin ba talaga siya sa'kin, tama ba talaga ang akin nararamdaman? FLASH BACK Kanina pa ako naiilang sa tinginan ni Anus. Hindi ko rin alam sa'kin sarili kung bakit hindi ko kayang iwasan ang titig niya. Hindi ko rin alam kung bakit parang galit ang titig niya sa'kin. Dahil ba Hindi ako sumagot, no'ng tinatanong a
WARNING MATURED CONTENT R-18 (READ YOUR OWN RISK) ––––––––––––––––––––––––––––––––––––Ilang araw na ang nakakalipas ngunit hanggang ngayon hinding hindi ko malilimutan ang akin nakita. Ngayon napatunayan ko sa'kin mismong sarili na talagang gusto ko si Anus dahil ako'y nakaramdam ng sakit, nang makita ko na may kasama siyang iba at mismo pa sa kaniyang ibabaw ng katawan. Parang pinipiga ang akin puso na hindi ko maunwaan. Ang sakit-sakit, nakakapanghina ng tuhod.Hindi ko siya pinapansin kahit na lumalapit ito sa'kin ng kusa at kumukuha ng tiyempo para makausap ako. Ang gulo niya talaga. Hindi ko mabasa basa ang nais niyang ipahiwatig. Bakit kasi hindi na lang siya lumayo? Tutal naman ay may iba na siya. Tiyaka mayroon na akong dahilan para layuan siya at pigilan ang akin nararamdaman para sa kaniya, iyon may iba siya. Iisipin ko na lang nang iisipin na hindi talaga ako magugustuhan ni Anus dahil iba ang tipo nito. "Kanina pa iyan si Anus patingin tingin dito Calohi."
WARNING MATURED CONTENT R-18 (READ YOUR OWN RISK) ––––––––––––––––––––––––––––––––––––Nakaramdam ako ng kaba. Napaangat naman ako ng tingin kay Anus at lalo akong kinabahan ng makita kong kanina pa pala ako nito tinititigan. Tila naduduling na ako sa'min titigan at ramdam ko naman ang paglapit ng mukha niya sa mukha ko. At naramdaman ko na lang na may dumpi sa'kin labi na mainit at malambot kong. Napapikit ang akin mata. Ito na ba ang sinasabi nilang halik?Hindi ba ito panaginip? Teka––kung panaginip man ito sana magising na ako. Hindi magandang panaginip ito. Masyadong maselan. Iminulat ko ang akin mata at nakita kong magkadikit ang mga labi namin. Kita ko na nakapikit si Anus at hindi gumagalaw. Muli ay pumikit ako at hindi ko alam sa'kin sarili bakit ako mismo ang magsisimulang halikan siya kahit na unang karanasan ko lang sa bagay na ito. Lumaban din siya sa mga halik ko at nararamdaman ko ang kamay niya ay kung saan-saan humahawak sa kung ano man parte ng katawa