"Anak nakahanda na yung susuotin mo para mamaya." Maligayang sambit ni mama. Ngumiti na lamang ako dito kahit na sa loob-loob ko ay ayoko naman talaga magpunta sa bahay ng gobernador. Iba ang kutob ko sa pagbisita namin doon. Hindi naman kami bigatin na tao para imbitahin na lang ng basta ng gobernador mismo sa kaniyang tahanan. "Tiyak na bagay sa'yo iyon Calohi anak. Mura nga lang ang bili ko doon sa dress na iyon sa palengke." Nakangiting pang kwento ni mama. "Talaga po ma, maraming salamat po nag-abala ka pa po." Mahinahong sagot ko."Hay nako anak hindi abala iyon ano, nakakahiya naman sa atin gobernador kung haharap kang panget ang kasuotan mo." Seryosong sambit ni mama na akin kinatango. Sa bagay may punto naman si mama talagang nakakahiya iyon kung haharap ka sa gobernador na madungis. "Tama ka po diyan mama." seryosong sagot ko. Ayoko talagang pumunta 'o sumama papunta sa bahay ng gobernador ngunit wala naman akong magagawa dahil gusto ni mama. Gusto ko na lang sanang r
Kinabukasan. Gabi na kami ni mama nang makauwi sa bahay, kung kaya't ako'y natanghali na sa pag-gising. Ang sakit ng ulo ko. Inaantok pa rin ako, kahit gusto ko man matulog muli ay hindi pwede dahil ako'y may pasok pa sa mansion ng mayora. Sayang din kung hindi ako papasok, dagdag kita rin iyon. Nakaupo ako sa'kin higaan at pahikab hikab habang nakatanaw sa may bintana. Sikat na ang araw sa may labas na siyang dahilan nang pagpasok nito sa akin bintana na tumatama sa'kin higaan. Bigla naman pumasok sa'kin isipan ang nangyari kagabi. Napapakamot na lang ako sa ulo dahil parang ibang iba si Anus kagabi, dahil sa kaniyang mga kilos. Lalo tuloy ako'y napapaisip kung may pagtingin ba talaga siya sa'kin, tama ba talaga ang akin nararamdaman? FLASH BACK Kanina pa ako naiilang sa tinginan ni Anus. Hindi ko rin alam sa'kin sarili kung bakit hindi ko kayang iwasan ang titig niya. Hindi ko rin alam kung bakit parang galit ang titig niya sa'kin. Dahil ba Hindi ako sumagot, no'ng tinatanong a
WARNING MATURED CONTENT R-18 (READ YOUR OWN RISK) ––––––––––––––––––––––––––––––––––––Ilang araw na ang nakakalipas ngunit hanggang ngayon hinding hindi ko malilimutan ang akin nakita. Ngayon napatunayan ko sa'kin mismong sarili na talagang gusto ko si Anus dahil ako'y nakaramdam ng sakit, nang makita ko na may kasama siyang iba at mismo pa sa kaniyang ibabaw ng katawan. Parang pinipiga ang akin puso na hindi ko maunwaan. Ang sakit-sakit, nakakapanghina ng tuhod.Hindi ko siya pinapansin kahit na lumalapit ito sa'kin ng kusa at kumukuha ng tiyempo para makausap ako. Ang gulo niya talaga. Hindi ko mabasa basa ang nais niyang ipahiwatig. Bakit kasi hindi na lang siya lumayo? Tutal naman ay may iba na siya. Tiyaka mayroon na akong dahilan para layuan siya at pigilan ang akin nararamdaman para sa kaniya, iyon may iba siya. Iisipin ko na lang nang iisipin na hindi talaga ako magugustuhan ni Anus dahil iba ang tipo nito. "Kanina pa iyan si Anus patingin tingin dito Calohi."
WARNING MATURED CONTENT R-18 (READ YOUR OWN RISK) ––––––––––––––––––––––––––––––––––––Nakaramdam ako ng kaba. Napaangat naman ako ng tingin kay Anus at lalo akong kinabahan ng makita kong kanina pa pala ako nito tinititigan. Tila naduduling na ako sa'min titigan at ramdam ko naman ang paglapit ng mukha niya sa mukha ko. At naramdaman ko na lang na may dumpi sa'kin labi na mainit at malambot kong. Napapikit ang akin mata. Ito na ba ang sinasabi nilang halik?Hindi ba ito panaginip? Teka––kung panaginip man ito sana magising na ako. Hindi magandang panaginip ito. Masyadong maselan. Iminulat ko ang akin mata at nakita kong magkadikit ang mga labi namin. Kita ko na nakapikit si Anus at hindi gumagalaw. Muli ay pumikit ako at hindi ko alam sa'kin sarili bakit ako mismo ang magsisimulang halikan siya kahit na unang karanasan ko lang sa bagay na ito. Lumaban din siya sa mga halik ko at nararamdaman ko ang kamay niya ay kung saan-saan humahawak sa kung ano man parte ng katawa
Nandito kami ngayon ni Abe sa may school. Enrollan na kasi ngayon. At mabuti na nga lang nakapagdesisyon na ako. Kung mag-t-trabaho 'o mag-aaral. Ang napili ko ay mag-aral at raraket na lang. Tama ang sinabi ni Anus. Mabuti na lang at nagkausap kami tungkol sa pag-aaral 'o trabaho. FLASH BACK Kakatapos lang namin ni Anus magpakain ng mga kabayo at ngayon ay nagpapahinga na lang kami sa ilalim ng puno, habang nakain ng tinapay at nainom ng apple juice. "Nag-aaral ka pa ba?" Tanong ko sa kaniya. Nakuryoso kasi ako dahil hindi ko siya nakikitang pumapasok. 'O talagang parehas din dito sa probinsya sa Manila, bakasyon. Lumingon naman siya sa'kin at ngumiti. Humigop muna siya sa basong hawak niya na ang laman ay juice. Nilunok niya ito at tiyaka niya ako sinagot. Ang gwapo niya talaga. "Tapos na ako ng pag-aaral." Sagot niya ng mahinahon. Napanganga naman ako sa kaniyang sinagot. Totoo ba? Sa bagay dapat hindi na ako magtakha. Madami siyang alam sa madaming bagay. "Anong tinapos m
Nagising ako ng maaga kahit wala naman kaming pasok ngayon sa eskwelahan. Mayroon kasi akong practice para sa mga i-re-represent bilang muse sa may eskwelahan. Sayang nga dahil gusto ko na lang sana rumaket ngayon araw ngunit bawal naman hindi umattend dahil hindi alam ang gagawin sa may stage."Mama aalis na po ako." Paalam ko ng seryoso. Nakaupo si mama sa may sala habang ako'y tinitignan at nakangiti ang labi."Mag-iingat ka anak." Maligayang sagot niya. Tumango naman ako dito at hindi na umimik pa. Ramdam kong sinundan niya ako nang tingin hanggang sa ako'y makalabas ng pintuan. Mabuti na lang rin at malapit lang kung saan kami mag-e-ensayo, at doon sa mansion ng Raynada. Ngayon ay naglalakad na ako patungo sa mansion ng Raynada. Ang sarap talaga ng hangin sa pakiramdam at ang sarap-sarap titigan ang mga punong matatayog. Hindi naman ako nabuburyo sa paglalakad dahil ang gaganda ng akin mga nakikita. Hindi din kalaunan ay nakarating na ako sa mansion ng Raynada. Mabuti na lang
Kinabukasan. Maaga akong gumisimh dahil ako'y may pasok pa sa eskwela. Agad akong bumangon sa'kin hinihigahan para makapag-gayak na papuntang eskwelahan. Uunat unat pa ako ng akin kamay at hihikab hikab pa ako. Lumabas na ako sa'kin kwarto. Mukhang ako lang mag-isa. Ang agang umalis ni mama talaga. Hindi ko na masyadong nakakausap si mama dahil hindi kami nagkakaabutan. Kapag nagkaabutan may ay hindi naman kami masyadong nag-uusap. Binilisan ko na lang ang akin pagkilos para ako'y makapunta na sa eskwelahan. "Ang ganda talaga ni Calohi." Rinig kong sambit ng babae. Ngayon ay papasok na ako sa may school. Madami pang pumupuna sa'kin. Ako'y nahihiya na nga kung kaya't binibilisan ko na lang ang paglalakad. "Ano kaya ang skincare niya" "Napakaganda niya sobra! Gurl!""Pwede siyang mag-model.""Grabe parang nakikita ko na Ang future wife ko." Ayan ang akin ibang naririnig mula sa mga estudyanteng nadadaanan ko. Grabe ganoon ba talaga ako kaganda para mapansin nila? Sa sarili ko kasi
Ang ganda ng akin gising, umaga pa lang, dahil hindi na naalis ang alaalang nangyari sa'min ni Anus ka gabi. Napapahawak pa ako sa'kin labi, at para bang nararamdaman ko pa rin ang malambot niyang labi. Gaano'n pala ang halik!Hindi man ka gabi ang unang karanasan ko sa halik para bang sa kapag ako'y hahalikan ni Anus iyon ang akin unang karanasan. Hindi nakakasawa, ang sarap-sarap sa pakiramdam. Hays Calohi! Kumalma ka. Napapabuntong hininga ko pa."Maligayang kaarawan anak." Bati ni mama habang nakangiti. Nagulat na lamang ako sa kaniyang biglang pagbati. Kalalabas ko lamang sa may kwarto—nakalimutan ko pala, ngayon pala ang akin kaarawan. Napaisip tuloy ako na ngayon ko sasagutin si Anus tulad ng aking sinabi. Sa kaarawan ko siya sasaguti. Napangiti ako sa'kin sarili. "Salamat po mama." Nakangiting pasasalamat ko. "Ang lake muna anak. Ang bilis ng panahon, naalala ko pa no'ng ika'y bata pa." Sambit ni mama na nakangiti. Ngumiti naman ako dito pabalik. Magsasalita na sana ako
Araw nang lunes ngayon at lahat ng estudyante ay naghahanda para sa exam. Inagahan ko na nga din ang pasok ko para ako'y makapag review pa sa school habang wala pa ang guro namin. Ilang oras ang lumipas at puro pag re-review lang kami ng mga kaklase ko hanggang sa dumating na ang guro namin. "Itago na ang mga notes ninyo tayo ay magsisimula na." Sambit ng guro namin. Agad kong tinago ang notes ko at sabay tingin sa unahan kung nasaan ang guro namin. May hawak itong test paper. Madami pa siyang ipinaliwanag bago niya ibigay ang test paper. "Start." Aniya nito. Nagsimula na kaming mag exam. Hindi naman masyadong mahirap ang mga tanong lalo na kung nag review ka talaga. Hindi din kalaunan ay natapos na namin ang pag eexam. Sumunod naman ang sunod namin guro. Tulad nang nauna namin guro ay panay explain ito. Hindi din kalaunan ay natapos na kami kung kaya't ngayon ay recess na. "Sakit sa ulo pero sa wakas na tapos na tayo sa dalawang subject, bali dalawa na lang uwian na." Aniya ng
Gusto ko man siyang sagutin na ngunit parang nag aalangan ako dahil sa nangyari ka hapon. Galit at inis ang nararamdaman ko doon sa babae at lalo na kay Anus. "Ayos ka lang?" Tanong ni Ran.Ngumiti ako sa kaniya ng hilaw dahil aminado ako na hindi ako okay. Sobra akong naiinis kay Anus at doon sa ka trabaho niyang babae. Napaisip naman ako na lalaki si Ran at siguro masasagot niya ako sa tanong ko sa kaniya. Bago ako nagsalita ay napahinga na muna ako ng malalim. "Ran may tanong ako." Sambit ko ng seryoso. Napatango naman si Ran. "Ran ikaw bilang lalaki anong gagawin mo kung gusto mo talaga ang isang babae?" Dagdag ko. Nakita ko naman na nag iisip pa si Ran at tila pinapaganda ang isasagot sa'kin. "Kung gusto ko ang isang babae magpapansin ako sa kaniya." Seryosong sagot ni Ran. Tila nadismaya naman ako sa kanyang sinagot. Tama naman siya pero bakit hindi matanggap ng sistema ko ang sagot niya lalo na't naiisip ko na pa laging kasama ni Anus si Melody. "Paano kung ka trabaho mo
Sinamahan ako ni Ran hanggang sa makauwi ako sa may bahay walang kibuan kaming dalawa habang nakauwi. "Ingat ka salamat." Sambit ko kay Ran.Hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha ni Ran dahil ako'y nakayuko. Tinalikuran ko na din siya at hindi na hinintay pa ang kaniyang sasabihin. Gusto lang ay magpahinga. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Pagkapasok ko pa lamang sa'kin kwarto ay agad kong sinubsob ang akin mukha sa may unan. Bakit kasi niligawan niya pa ako at pumayag naman ako na manligaw siya? Hindi naman pala totoo ang mga pinapakita niya sa'kin no'n at pinaparamdam. Bakit kaya ako'y nagtiwala sa kaniya ng lubos na kahit hindi dapat. Hindi dapat ganoon, kung talagang ayaw niya sa tao dapat hindi niya pinaglalaruan dahil hindi biro ang nararamdaman ng isang tao lalo na't kung seryoso ito sa kaniya. Ang sakit-sakit sa pakiramdam na makita siyang masaya sa iba. Sana ako na lang si Melody. Ang hirap naman sa sitwasyon ko kasi hindi ko alam kung may karapatan ba talaga ako.
"Tama na iyan bes hindi talaga siya ang para sa iyo." Rinig kong sambit ng babae hindi kalayuan sa kinauupuan ko. Nandito ako ngayon sa may labas ng gate ng school. Nakita ko yung tatlong babae yung isa ay mukhang naiyak habang nakayuko ang dalawa naman ay todo sa pagpapakalma sa kanilang kaibigan. Tila nakikita ko ang akin sarili sa babaeng umiiyak. Hindi man kami parehas ng sitwasyon sigurado ako doon ngunit parehas kaming umiyak;umiyak sa lalaking hindi naman kami mahal talaga. "Kumusta naman ang kaibigan kong wala ng paramdam?" Rinig kong sambit ni Abe. Hindi ko namalayan na nandito pala siya sa tabi ko dahil sa panonood ko doon sa babaeng umiiyak. Gusto kong ikwento ang lahat kay Abe ngunit pinigilan ko na lang ang akin sarili dahil baka sugudin niya si Melody sa mansion nila Anus. Ayoko naman mag eskandalo pa kung talagang ayaw niya na sa'kin at hindi siya seryoso ay hahayaan ko na lang. Kailangan kong irespeto ang gusto niya kahit hindi ako sang ayon sa desisyon niya. "Ay
Hindi makapag-focus ang isip ko sa panonood ng basket ball. Hanggang ngayon kasi nalulungkot pa din ako dahil umaasa akong manonood si Anus sa rampa ko lalo na't alam niya naman. Ang dami nga siguro nila talagang ginagawa kasi hindi niya na din akong magawa na bisitahin man lang sa bahay tulad ng ginagawa niya pa lagi kahit na gabi pa. "Problemado ka ba?" Tanong ni Ran. Napabuntong hininga akong napasulyap kay Ran na nasa tabi ko na pala. "Hindi naman." Sinungaling tugon ko.Kahit hindi ko man aminin ay talagang problemado ako. Paano kasi itong si Anus para bang nag bago na simula no'ng dumating si Melody. Kailangan ko ba talagang intindihin na may trabaho sila? Ilang araw na silang magkasama pa lagi. Malay ko ba kung anong ginagawa nila sa ibang oras. Napapapikit ako sa'kin iniisip. "Congrats pala sayo ka hapon napanood ko." Nakangiting sambit ni Ran. Ngumiti naman ako sa kaniya ng hilaw. Kung sino talaga iyong hindi mo inaasahan pa laging nandiyan. "Salamat." Tugon ko. Hindi
Gusto ko man siyang sagutin na ngunit parang nag aalangan ako dahil sa nangyari ka hapon. Galit at inis ang nararamdaman ko doon sa babae at lalo na kay Anus. "Ayos ka lang?" Tanong ni Ran.Ngumiti ako sa kaniya ng hilaw dahil aminado ako na hindi ako okay. Sobra akong naiinis kay Anus at doon sa ka trabaho niyang babae. Napaisip naman ako na lalaki si Ran at siguro masasagot niya ako sa tanong ko sa kaniya. Bago ako nagsalita ay napahinga na muna ako ng malalim. "Ran may tanong ako." Sambit ko ng seryoso. Napatango naman si Ran. "Ran ikaw bilang lalaki anong gagawin mo kung gusto mo talaga ang isang babae?" Dagdag ko. Nakita ko naman na nag iisip pa si Ran at tila pinapaganda ang isasagot sa'kin. "Kung gusto ko ang isang babae magpapansin ako sa kaniya." Seryosong sagot ni Ran. Tila nadismaya naman ako sa kanyang sinagot. Tama naman siya pero bakit hindi matanggap ng sistema ko ang sagot niya lalo na't naiisip ko na pa laging kasama ni Anus si Melody. "Paano kung ka trabaho mo
"Let's go Calohi Avryl Tan." May diin sambit ni Anus. Napanganga ako sa'kin narinig mula kay Anus. Ngayon lamang ako nakaramdam ng kaba na tawagin ang buo kong pangalan. napalingon naman ako kay Ran na naglalakad na pa layo. Muli ay ibinalik ko ang paningin ko kay Anus na seryoso lang na nakatingin sa'kin. "Calohi Avryl Tan." Sambit ng seryoso ni Anus. "H-ha?" Nababalisang tanong ko. Tila wala ako sa sarili at naubusan ng sasabihin kay Anus dahil hindi mag-sink in sa isip ko ang nangyayari."Calohi." Aniya ng seryoso. "H-ha?" Wala sa sariling sabi ko. "Tara na." Aniya ng seryoso. Wala sa sarili akong lumakad papunta sa kaniya at sumakay sa kaniyang motor. Ibinigay niya naman ang helmet na aking kinuha kaagad. Lumingon pa ako sa paligid at nagbabakasakali na makita ko si Ran ngunit tuluyan na talaga itong umalis. Mabilis na pinaandar ni Anus ang kaniyang motor. Tahimik lamang ang naging biyahe namin hanggang sa makarating na kami sa bahay.Akala ko sa mansion nila kami pupunta
Habang ako'y nagtatrabaho sa may hardin, pasulyap-sulyap din ako sa may mansion dahil simula ng makarating kami ni Abe dito kaninang umaga, hindi ko pa ito nakikita.Siguro tulog pa 'yon. Sa isip-isip ko pa at tiyaka nag-focus na lamang sa pagtatanim ng halaman. Nang matapos kami ni Abe sa hardin at ngayon ay tanghalian na at hanggang ngayon ay hindi ko pa din nakikita si Anus na bumaba sa kwarto niya.Iba na ang aking kutob na baka wala talaga siya sa kwarto niya, at hindi ko alam kung nasan siya dahil wala naman siyang sinabi sakin. Sa isip-isip ko pa."Aling Berta nasan po si Anus?" tanong ko kay Aling Berta ng sumabay siya samin mananghalian. Iniisip ko din na baka nagpunta 'to ng manila, ngunit bakit hindi siya nagpaalam sakin? Sa isip-isip ko pa at bumibigat ang aking pakiramdam."Naku! Ano 'yan, bakit mo hinahanap si Anus may hindi ba ako alam?" rinig kong sabat ni Abe na hindi ko pinansin dahil nakaabang ako sa isasagot ni Aling Berta."Hindi niya ba nasabi sayo na pupunta s
Habang ako'y nagtatrabaho sa may hardin, pasulyap-sulyap din ako sa may mansion dahil simula ng makarating kami ni Abe dito kaninang umaga, hindi ko pa ito nakikita.Siguro tulog pa 'yon. Sa isip-isip ko pa at tiyaka nag-focus na lamang sa pagtatanim ng halaman. Nang matapos kami ni Abe sa hardin at ngayon ay tanghalian na at hanggang ngayon ay hindi ko pa din nakikita si Anus na bumaba sa kwarto niya.Iba na ang aking kutob na baka wala talaga siya sa kwarto niya, at hindi ko alam kung nasan siya dahil wala naman siyang sinabi sakin. Sa isip-isip ko pa."Aling Berta nasan po si Anus?" tanong ko kay Aling Berta ng sumabay siya samin mananghalian. Iniisip ko din na baka nagpunta 'to ng manila, ngunit bakit hindi siya nagpaalam sakin? Sa isip-isip ko pa at bumibigat ang aking pakiramdam."Naku! Ano 'yan, bakit mo hinahanap si Anus may hindi ba ako alam?" rinig kong sabat ni Abe na hindi ko pinansin dahil nakaabang ako sa isasagot ni Aling Berta."Hindi niya ba nasabi sayo na pupunta s