Ang ganda ng akin gising, umaga pa lang, dahil hindi na naalis ang alaalang nangyari sa'min ni Anus ka gabi. Napapahawak pa ako sa'kin labi, at para bang nararamdaman ko pa rin ang malambot niyang labi. Gaano'n pala ang halik!Hindi man ka gabi ang unang karanasan ko sa halik para bang sa kapag ako'y hahalikan ni Anus iyon ang akin unang karanasan. Hindi nakakasawa, ang sarap-sarap sa pakiramdam. Hays Calohi! Kumalma ka. Napapabuntong hininga ko pa."Maligayang kaarawan anak." Bati ni mama habang nakangiti. Nagulat na lamang ako sa kaniyang biglang pagbati. Kalalabas ko lamang sa may kwarto—nakalimutan ko pala, ngayon pala ang akin kaarawan. Napaisip tuloy ako na ngayon ko sasagutin si Anus tulad ng aking sinabi. Sa kaarawan ko siya sasaguti. Napangiti ako sa'kin sarili. "Salamat po mama." Nakangiting pasasalamat ko. "Ang lake muna anak. Ang bilis ng panahon, naalala ko pa no'ng ika'y bata pa." Sambit ni mama na nakangiti. Ngumiti naman ako dito pabalik. Magsasalita na sana ako
Tinatamad akong gumising kahit na mayroon akong pasok ngayon sa ekwelahan. Hanggang ngayon kasi iniisip ko pa din si Anus. Nagtatampo ako at pinipigilan ko man ngunit hindi ko mapigilan. Ano ba ako para sa kaniya? Paulit ulit ko na lang itong tinatanong sa'kin sarili. Para sa'kin may kabuluhan na ang lahat ng nangyari sa'min. Hindi na ito kagaya dati na dapat wala akong karapatan. Ngunit ngayon alam ko sa'kin sarili na may karapatan na akong magreklamo, may karapatan nga ba ako? Ano ba kaming dalawa? Nililigawan niya ako tama, at dahil doon may karapatan naman siguro akong magreklamo? Pero....nililigawan niya lang naman ako. Napapabuntong hininga na lang ako ng malalim sa'kin sarili. Bumangon na ako sa'kin higaan at bago lumabas ng kwarto ay inayos ko na muna ang akin higaan. Ng ako'y makabalas ng kwarto dumiretsyo kaagad ako sa may kusina, naabutan ko naman sila mama at papa na abalang naghahanda para sa almusal. Ako'y naninibago, ngunit ako'y napangiti na lamang ng malake sa'kin l
Kinabukasan. Hindi ako makatulog simula pa ka gabi, kung kaya't hinang hina ako dahil sa antok na nararamdaman. Hindi mawala sa isip ko yung reaksyon ni Anus. Hindi ko na siya sinundan pa nang umalis ito. FLASH BACK "Kayganda, ng binibining akin nakasama....ohhhh pinakilala kay lola." Kanta pa ni Ran. Habang kumakanta pa si Ran napapaisip naman ako na tila ako ang Avryl na tinutukoy niya sa may kanta. Tatalikod na sana ako dahil ayokong marinig ang susunod na mga lyrics sa kanta dahil patama ito sa'kin. Pagkatalikod ko naman na saktong nagpantay ang tinginan namin Anus na tila galit ang tingin."Nawa'y Avryl ika'y mapa-sa'kin..." Hindi naman siguro alam ni Anus ang buo kong pangalan? Hindi ko nga rin alam ang buo niyang pangalan kung hindi pa sinabi sa'kin. Sa isip-isip ko pa at hindi ko alam bakit bigla akong nabalisa. Nakita ko naman na paalis si Anus at mukhang lalabas ito sa may gate. Hindi ko alam bakit parang ang tigas ng akin paa na tila sinemento. Kinakabahan ako at na
"Let's go Calohi Avryl Tan." May diin sambit ni Anus. Napanganga ako sa'kin narinig mula kay Anus. Ngayon lamang ako nakaramdam ng kaba na tawagin ang buo kong pangalan. napalingon naman ako kay Ran na naglalakad na pa layo. Muli ay ibinalik ko ang paningin ko kay Anus na seryoso lang na nakatingin sa'kin. "Calohi Avryl Tan." Sambit ng seryoso ni Anus. "H-ha?" Nababalisang tanong ko. Tila wala ako sa sarili at naubusan ng sasabihin kay Anus dahil hindi mag-sink in sa isip ko ang nangyayari."Calohi." Aniya ng seryoso. "H-ha?" Wala sa sariling sabi ko. "Tara na." Aniya ng seryoso. Wala sa sarili akong lumakad papunta sa kaniya at sumakay sa kaniyang motor. Ibinigay niya naman ang helmet na aking kinuha kaagad. Lumingon pa ako sa paligid at nagbabakasakali na makita ko si Ran ngunit tuluyan na talaga itong umalis. Mabilis na pinaandar ni Anus ang kaniyang motor. Tahimik lamang ang naging biyahe namin hanggang sa makarating na kami sa bahay.Akala ko sa mansion nila kami pupunta
Kinabukasan. Nandito kami ngayon sa may mansion ni mayora para mag linis. Wala din naman kasing pasok. Kanina pa ako pa sulyap-sulyap kay Anus na busy sa kaniyang ginagawa. Hanggang ngayon kasi parang iritable pa din siya. May nasabi ba talaga akong mali kahapon? Hays. "Kumusta naman ang practice ninyo Calohi?" Tanong ni Abe. "Ayos lang naman. Malapit na nga kinakabahan ako." Sagot ko. "Aysus huwag ka na kabahan kayang kaya mo iyan." Pangpalakas loob niyang sambit. Ngumiti naman ako ng malaki sa'kin kaibigan. Ang swerte ko talaga dahil nag karoon ako ng isang Abe na walang papantay kahit sino. Madami man akong nakilala na bagong kaibigan, hinding hindi nila mapapantayan si Abe Rodrigo."Salamat Abe." Sambit ko habang nakangiti pa din. Tumango na lamang ito sa'kin habang nakangiti. Ipinagpatuloy na lamang namin ang paglilinis hanggang sa matapos. "Wala talagang kupas ang mga luto mo Aling Berta, ang sarap!" Puri ni Abe. Ngayon ay nakain kami ng tanghalian. Ang putahe na nakahai
Maaga akong nagising ng umaga kung kaya't ngayon ay nandito na ako sa may school. Wala pa nga masyadong estudyante dahil sa aga. Binuklat ko na lang muna ang akin libro para makapag basa. Hindi ko din kasi alam kung nandito na ba si Abe sa may school kung pupuntahan ko siya sa kaniyang classroom. Hindi na kami ni Abe sabay pumasok kung kaya't hindi ako sigurado kung anong oras siya pumapasok at kung may pasok man sila. Nadaanan ko ang kanilang bahay na patay ang ilaw marahil ay tulog pa sila, hindi lang ako sigurado. "Sayang hiring sila tita ng model." Rinig kong sambit isa sa babae kong kaklase. "Diba tita mo naman baka kaya kang ipasok niyan." Sagot naman ng isa ko pang kaklase na babae. "Tita ko nga pero duh alam ko naman na hindi ako pang model." Sagot naman nito. Sinulyapan ko naman sila. Athena pala ito at si Rica na kaniyang kaibigan. Medyo may katabaan si Athena lalo na kung titignan mo ang kaniyang pisngi, may kapanguan rin ang kaniyang ilong at medyo makapal ang kaniyan
Kinabukasan. Buong akala ko hindi ako papansinin ni Anus dahil sa nangyari ka hapon. Ngunit kinibuan niya ako ka hapon at masaya kaming kumain ng gabihan. Ngayon ay nandito ako sa mansion nila Anus. Wala kaming pasok ngayon. Pinagbigyan kami na i-practice na lang daw namin ang mga sinalihan namin sa may program. Ngunit wala kaming practice ngayon dahil ipahinga na lang daw namin sabi ng leader namin. "Anus kumain ka na kaya muna." Anyaya ko sa kaniya. Ngumiti ito sa'kin ng matamis kung kaya't ngumiti rin ako sa kaniya. Kahit na madami siyang ginagawa parang hindi napapagod ang kaniyang mukha dahil sa gwapong taglay."Thank you my girlfriend." Biro niya.Hinampas ko naman siya sa may balikat kaya lalo itong natawa. My girlfriend ka diyan—wala pa ang matamis kong oo!"Ikaw talaga Anus. Sige na kumain ka na." Aniyaya ko muli. Nandito kami sa may kwarto niya at kakaakyat ko lamang ng pagkain. Hindi pa kasi siya nakain ng tanghalian. "Later my girlfriend." Seryosong sambit niya. Napa
Habang ako'y nagtatrabaho sa may hardin, pasulyap-sulyap din ako sa may mansion dahil simula ng makarating kami ni Abe dito kaninang umaga, hindi ko pa ito nakikita.Siguro tulog pa 'yon. Sa isip-isip ko pa at tiyaka nag-focus na lamang sa pagtatanim ng halaman. Nang matapos kami ni Abe sa hardin at ngayon ay tanghalian na at hanggang ngayon ay hindi ko pa din nakikita si Anus na bumaba sa kwarto niya.Iba na ang aking kutob na baka wala talaga siya sa kwarto niya, at hindi ko alam kung nasan siya dahil wala naman siyang sinabi sakin. Sa isip-isip ko pa."Aling Berta nasan po si Anus?" tanong ko kay Aling Berta ng sumabay siya samin mananghalian. Iniisip ko din na baka nagpunta 'to ng manila, ngunit bakit hindi siya nagpaalam sakin? Sa isip-isip ko pa at bumibigat ang aking pakiramdam."Naku! Ano 'yan, bakit mo hinahanap si Anus may hindi ba ako alam?" rinig kong sabat ni Abe na hindi ko pinansin dahil nakaabang ako sa isasagot ni Aling Berta."Hindi niya ba nasabi sayo na pupunta s