"Namiss ko dito sa mansion" sabi ni Abe ng makapasok na siya, dahil ayos na ang kaniyang kalagayan.Mabuti na nga lang dahil ayos na siya. Ilang linggo rin ang lumipas bago siya nakabalik dito sa mansion, para makapagtrabaho, at masaya ako dahil magaling na siya."Namiss din kita ano!" sigaw ko naman dito habang nakangiti. Ngumiti din ito sakin pabalik."Ang lalake na ng mga halaman" sabi pa ni Abe habang kami'y nagtatrabaho na sa may hardin. "Pasensya na kung natagalan ako" dagdag na saad niya pa animo'y kinakausap niya ang mga ito at sasagutin siya."Nangingiti na lamang akong pinagmamasdan ko ang aking kaibigan na masiglang-masigla na talaga naman na ayos na ayos na siya.Yabang ako'y nagtatrabaho sa may hardin, pasulyap-sulyap din ako sa may mansion dahil simula ng makarating kami ni Abe dito kaninang umaga, hindi ko pa ito nakikita.Siguro tulog pa 'yon. Sa isip-isip ko pa at tiyaka nag-focus na lamang sa pagtatanim ng halaman. Nang matapos kami ni Abe sa hardin at ngayon ay ta
Dalawang araw ang lumipas, hindi ko pa din pinapansin si Anus, kahit na gustong-gusto niya ako kausapin. Basta tampo talaga ako sakanya. "Ganda mo talaga e' ano? hindi mo pinapansin si Anus" rinig kong sabi ni Abe habang ako'y nagdidilig ng halaman. Tinignan ko naman siya at napabuntong hininga pa ako. "Palagi siyang nakatingin sayo mula sa malayo" dagdag na sabi pa ni Abe na iiling-iling at tila dismiyado sakin.Totoo nga 'yon, minsan nahuhuli ko pa nga si Anus na nakatingin sakin at ako na mismo ang iiwas kaagad, dahil mukhang wala siyang balak na umiwas ng tingin. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit sa dahilan na hindi siya nagpaalam sakin no'ng umalis siya ay grabe na ang tampo ko sakanya, gusto ko sana na pansinin siya ngunit, 'to ay panindigan ko na lang ang aking sinimulan. Alam kong mali 'to dahil kaibigan niya lang naman ako, ngunit nakakaramdam talaga ako ng tampo sakanya, at bahala na kung hanggang saan aabot ang akin nararamdaman. "Ang sarap naman po talaga ng luto mo
Kinabukasan. Maaga akong nagising dahil atat na akong makapunta sa mansion dahil balak ko na talagang makipagbati kay Anus. Nahiya din talaga ako sakanyang sinabi kahapon, na kung ako ba ay magpapasuyo pa sakanya kahit hindi niya naman talaga dapat gawin. Alam kong mali ako dahil hindi ko siya pinansin porket lang iniisip ko na hindi siya nagpaalam sakin. Unang-una sa lahat kaibigan niya lang ako o' ewan ba basta hindi klaro Yung ugnayan namin dalawa kaya wala akong karapatan na hindi siya pansinin.Ewan ko ba sa sarili ko, hindi naman ako ganito dati sakanya at ayoko nga na magkaroon ng kahit anuman interaksyon samin dalawa dahil iba nararamdaman ko kapag nandiyan siya malapit sakin, at hindi ko alam kung bakit talaga ako nagkakaganito haysss,...hindi ko na maintindihan sarili ko.Nagbuntong hininga pa ako ng malalim bago tumayo na talaga sa may higaan. Inayos ko na muna ang aking hinigaan bago ako lumabas ng kwarto, upang maghilamos at makapagkape.Pagkalabas ko sakin kwarto, lumi
Ganito kasi 'yon Anus nagbibiro lang ako no'n ikaw talaga masyadong ka naman seryoso. Saad ko pa sakin sarili habang ako'y natatawa. Kamusta ka na? Palagi ka atang seryoso. Dagdag na saad ko pa at ako'y natatawa ngunit napawi din at napakamot sakin sariling ulo at napabuntong hininga dahil hanggang ngayon ay hindi ko alam ang sasabihin kay Anus. Nag-pa-practice kasi ako ng sasabihin ko kay Anus at kanina pa ako dito sa may kuwadra at wala pa din akong mapili na sasabihin, tila mauubusan na ako ng laway sa kakasalita. Napakahirap talagang makipagbati. napakahirap mag-isip ng sasabihin. Hindi ko alam pati kung ano ba ang aking i-a-aksyon sa harapan niya. Gustong-gusto ko na talaga maayos ang gusot namin dalawa, at akala ko no'ng una ay magiging madali lang ang lahat ngunit hindi pala dahil ako'y nahihirapan ngayon; hirap na hirap. Ngayon ay nakasilip ako mula sa malaking puno hindi kalayuan sa may lamesa ni Anus na busy na busy 'to na nakatutok sakanyang laptop at madaming nagkala
Tamad na tamad akong bumangon sa araw na 'to! Sa isip-isip ko pa habang nakahiga pa din sa may higaan. Alam kong may pasok pa ako kala mayora sa kaniyang mansion at kailangan ko na dapat gumayak, lalo na't mukha akong tinanghali ng gising, ngunit para bang wala akong ka-amor-amor na pumasok ngayon doon. Sinampal ko ng marahan ang akin sariling pisngi dahil naisip kong, binabayaran ako ng maayos ni mayora ng maayos kaya kailangan kong magtrabaho din ng maayos. Bumangon na ako sakin higaan na napaupo muna at napapatulala na lang dahil iniisip ko pa rin ang nangyari kahapon. Napakasipag talaga ni Anus na pati ang ulan ay hindi siya mapipigilan dahil sa kaniyang trabaho na ginagawa. Dapat tularan ko ang kagaya niya. Sa isip-isip ko pa at napangiti na lang na parang timang. Napaisip din tuloy ako na baka hindi sakin galit si Anus dahil kinakausap niya naman ako kahapon na ang tanong ko sakanya ay sinasagot niya, hindi niya lang ako tinitignan dahil busy 'to. Ou nga ano, bakit hindi
Kinabukasan. Ngayon ay nagdidilig ako ng halaman kasama si Abe na tahimik lang, at makikita ko na lang ay natawa 'to mag-isa. Hindi ko alam kung may problema ba siya sa utak o' ewan pansin ko ang pagbabago ng kaniyang ugali, tapos hindi siya talaga kagaya ng dati na madaldal, makulit at mapangasar hindi ko alam kung ano ba ang nangyari kay Abe kung bakit ganito siya. Hindi ko na nga pinapansin pa ang kaniyang kinikilos dahil mukhang wala 'to sa sarili na hindi ako masagot ng seryoso. Sa isip-isip ko pa habang nagdidilig pa din. Ang lalake na ng mga bulaklak na dati ay buto pa lamang. Kay bilis talaga ng araw. Sa isip-isip ko pa habang pinagmamasdan ko ang mga bulaklak. Tiyak na matutuwa ang mayora sakanyang pagbabalik dahil kay rami ng tanim na bulaklak sa kaniyang hardin at ang gaganda pa ng mga ito. Sa isip-isip ko pa. Kailan kaya makakauwi ang mayora? Tanong ko pa sa isip-isip ko. Pumuslit muna ako saglit papunta sa kusina para puntahan ko si Aling Berta para matanong ko kun
"Ang ganda ng mga halaman, ano Calohi?" tanong sa'kin ni Abe habang ito'y nakangiti at tinitignan ang mga halaman. Tumango naman ako dito upang pag-sangayon. Ngayon ay nasa hardin kami at ginugupitan ang mga damo at ang mga sobrang halaman, para malinis tignan. Tama nga siya kayganda ng mga halaman, ang sarap titigan na hindi nakakasawa, tiyak na magugustuhan talaga 'to ng mayora kapag siya ay nakauwi na. "Oo nga pala Calohi, kailan ba ang uwi ng mayora?" tanong sa'kin ni Abe ng mahinahon habang kami'y naggugupit pa din ng damo. Wala talaga akong alam kung kailan ba ang uwi ng mayora dito, si Aling Berta lang naman ang nakakaalam dahil siya ang nakakausap nito, basta ang alam ko lang ay busy 'to sa may Cebu dahil nga sa daming proyekto na pinapagawa ng mayor. "Hindi ko alam Abe?" tanong ko din sakanya pabalik at napakibit balikat na lamang siya. "Itanong na lang natin kay Aling Berta, mamaya, baka alam niya" dagdag na sabi ko dito ng mahinahon na kaniyang kinatango. Hindi na siya
Gumising ako ng maaga para maglaba sa sapa, natambakan na din kasi ako dahil wala akong oras para dito dahil may trabaho ako sa mansion ng mayora. Araw ng sabado ngayon kung kaya't wala kaming pasok ngayon ni Abe sa mansion ng mayora. Nabalitaan ko din kay Abe na sa lunes na daw ang enrollan, hanggang ngayon hindi pa talaga ako nakakapag desisyon kung ako ba ay papasok sa school o' hindi, basta bahala na. Kailangan ko talagang mag-isip nang maigi at may dalawang araw na palugit na lang ako para magdesisyon, at kailangan ay hindi ko pagsisihan kung ano man ang magiging desisyon ko.Ngayon ay inaayos ko na ang akin lalabahan sa may sapa, pinaghihiwalay ko ang puti sa de-color, para hindi maghalo ang kulay at hindi malagyan ng chlorine ang de-color. "Magpahinga ka na muna kaya kaysa maglaba, ako na bahala diyan" rinig kong sabi ni mama na agad kong kinalingon, kung kaya't napatigil muna ako sa'kin ginagawa. Nakita ko ang pag-aalala nito sakanyang mukha habang nakatingin sa'kin, ngumi