Kinabukasan. Gumising ako ng maaga upang makapaglinis ng bahay dahil pupunta dito si Anus, pero sasabihan ko pa siya Kasi hindi niya pa naman alam. Nagtupi na muna ako ng higaan at pagkatapos ay lumabas na ako upang maghilamos at mag-almusal.Napag-usapan namin ni mama na pupuntahan ko si Anus doon sa kanila para sabihan ito na pumunta sa amin upang managhalian at pasasalamat sakanyang pagbigay ng grocery. Tumingin pa ako sa may kwarto nila mama na bukas ang pintuan ng kwarto habang ako'y nagkakape sa may hapag kainan. Siguro ay nasa palengke na ito upang bumili ng karne o' isda para sa tanghalian. Nahihiya talaga ako dahil pupunta siya dito samin at ayoko panaman na nakikipag-interaction ako sakanya pero wala akong magagawa dahil sa kabutihan na ginawa nito kahit papaano ay suklian namin kahit papaano.Nang matapos na ako sa pagkakape at pagkain ng biscuit naglinis na ako ng bahay mula loob at hanggang labas. Nagsunog narin ako ng mga basura upang hindi na ito hanginin ng hangin
"Alam mo naguguluhan talaga ako sa nangyari kahapon Calohi" sabi ni Abe sakin ng seryoso habang kami ay nasa may resthouse. Sa wakas simula ng makapunta kami dito sa may mansion kanina ay ngayon lang siya nagbukas tungkol kahapon. "Naguguluhan din ako Abe, hindi ko sila nauunawaan" sagot ko din dito at napapabuntong hininga ako."Kailangan natin imbestigahan 'yan" sabi niya naman ng seryoso at napapahawak pa sakanyang baba na ani mo'y imbestigador."Paano?" Tanong ko dito na kinalingon niya sakin dahil kanina ay sa malayo ito nakatingin at tila may iniisip habang nakahawak siya sakanyang baba. "Basta ako ang bahala" sabi niya ng seryoso sakin na kinatango ko na lamang.Nang matapos kaming magpahinga ni Abe ay pumunta na kami sa may hardin upang makapagtanim na ulit. madami pa kasi talagang tanimin sa lawak ng lupain na ito. Nagpaalam na muna sakin si Abe na babanyo muna siya kaya ako muna ang naiwan sa hardin para magtanim. "Hi!!" Rinig kong boses ng babae na kinalingon ko ito at
"Pagaling ka" sabi ko sakin kaibigan, habang ito'y nakahilata sa kaniyang higaan. Namumutla ang kaniyang mukha at namamalat din ang kaniyang labi. Hindi ako sanay na makita si Abe ng ganito. Malayong-malayo ang itsura niya ngayon kaysa sa mga araw na ayos pa siya. "S-salamat Calohi" sabi niya ng marahan at ngumiti ng napipilitan. "H-hayaan mo magpapagaling ako kaagad para may K-kasama ka sa mansion" dagdag na sabi niya pa na kinatango ko. Nagpaalam na ako dito na pupunta na ako sa mansion. Dinalaw ko kasi siya dahil alam kong hindi pa ito ayos sa kalagayan niya. Sana talaga maging maayos na si Abe, dahil hindi ako sanay na makita itong ganito. Hindi ko na nakita si Leina ng ilang araw dito sa mansion, siguro ay umuwi na ito ng manila. Si Anus na lang lagi ang aking kasama sa mansion. Magaan na din naman ang aking pakiramdam sakaniya, dahil nga siya ang nakakasama ko ng ilang araw dito sa mansion at nakakausap. Si Aling Berta naman ay hindi natambay sa may mansion, pupunta lang 't
Nakakapagod man pero sulit talaga ang rides namin ni Anus kahit na hanggang gabi, ayon sa kaniyang pusta. "Ang ganda naman dito, grabe!" sigaw ko pa habang ako'y nakasakay sa kabayo. Nang matanaw ko naman si Anus ay nakangiti 'to habang pinagmamasdan ako, na nakasakay din sakaniyang kabayo. "Madami ka palang alam dito" dagdag na sabi ko at ipinalapit ko ang kabayo na nakasakay ako sa kung saan nakatigil si Anus. "Yes" maikling sagot niya sakin at iniiwas ang tingin sakin na ngayon ay nakatingin na sa mga punong matatayog."Alam mo ba, ngayon lang ako nakakapasok sa mga lugar na 'to dahil sa'yo, dahil alam kong mga pribado" sabi ko naman dito, habang nakangiti at tinitignan ko na ang mga nagtataasang mga puno. "Masaya ako kung ganoon, dahil ako ang unang nagdala sa'yo dito" rinig kong sagot niya, kung kaya't lumingon ako dito at nakita kong nakangiti ito sa'kin, kung kaya't ngumiti din ako sakanya pabalik. "Magpahinga muna tayo" sabi niya ng seryoso na kinatango ko, baba na sana
"Namiss ko dito sa mansion" sabi ni Abe ng makapasok na siya, dahil ayos na ang kaniyang kalagayan.Mabuti na nga lang dahil ayos na siya. Ilang linggo rin ang lumipas bago siya nakabalik dito sa mansion, para makapagtrabaho, at masaya ako dahil magaling na siya."Namiss din kita ano!" sigaw ko naman dito habang nakangiti. Ngumiti din ito sakin pabalik."Ang lalake na ng mga halaman" sabi pa ni Abe habang kami'y nagtatrabaho na sa may hardin. "Pasensya na kung natagalan ako" dagdag na saad niya pa animo'y kinakausap niya ang mga ito at sasagutin siya."Nangingiti na lamang akong pinagmamasdan ko ang aking kaibigan na masiglang-masigla na talaga naman na ayos na ayos na siya.Yabang ako'y nagtatrabaho sa may hardin, pasulyap-sulyap din ako sa may mansion dahil simula ng makarating kami ni Abe dito kaninang umaga, hindi ko pa ito nakikita.Siguro tulog pa 'yon. Sa isip-isip ko pa at tiyaka nag-focus na lamang sa pagtatanim ng halaman. Nang matapos kami ni Abe sa hardin at ngayon ay ta
Dalawang araw ang lumipas, hindi ko pa din pinapansin si Anus, kahit na gustong-gusto niya ako kausapin. Basta tampo talaga ako sakanya. "Ganda mo talaga e' ano? hindi mo pinapansin si Anus" rinig kong sabi ni Abe habang ako'y nagdidilig ng halaman. Tinignan ko naman siya at napabuntong hininga pa ako. "Palagi siyang nakatingin sayo mula sa malayo" dagdag na sabi pa ni Abe na iiling-iling at tila dismiyado sakin.Totoo nga 'yon, minsan nahuhuli ko pa nga si Anus na nakatingin sakin at ako na mismo ang iiwas kaagad, dahil mukhang wala siyang balak na umiwas ng tingin. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit sa dahilan na hindi siya nagpaalam sakin no'ng umalis siya ay grabe na ang tampo ko sakanya, gusto ko sana na pansinin siya ngunit, 'to ay panindigan ko na lang ang aking sinimulan. Alam kong mali 'to dahil kaibigan niya lang naman ako, ngunit nakakaramdam talaga ako ng tampo sakanya, at bahala na kung hanggang saan aabot ang akin nararamdaman. "Ang sarap naman po talaga ng luto mo
Kinabukasan. Maaga akong nagising dahil atat na akong makapunta sa mansion dahil balak ko na talagang makipagbati kay Anus. Nahiya din talaga ako sakanyang sinabi kahapon, na kung ako ba ay magpapasuyo pa sakanya kahit hindi niya naman talaga dapat gawin. Alam kong mali ako dahil hindi ko siya pinansin porket lang iniisip ko na hindi siya nagpaalam sakin. Unang-una sa lahat kaibigan niya lang ako o' ewan ba basta hindi klaro Yung ugnayan namin dalawa kaya wala akong karapatan na hindi siya pansinin.Ewan ko ba sa sarili ko, hindi naman ako ganito dati sakanya at ayoko nga na magkaroon ng kahit anuman interaksyon samin dalawa dahil iba nararamdaman ko kapag nandiyan siya malapit sakin, at hindi ko alam kung bakit talaga ako nagkakaganito haysss,...hindi ko na maintindihan sarili ko.Nagbuntong hininga pa ako ng malalim bago tumayo na talaga sa may higaan. Inayos ko na muna ang aking hinigaan bago ako lumabas ng kwarto, upang maghilamos at makapagkape.Pagkalabas ko sakin kwarto, lumi
Ganito kasi 'yon Anus nagbibiro lang ako no'n ikaw talaga masyadong ka naman seryoso. Saad ko pa sakin sarili habang ako'y natatawa. Kamusta ka na? Palagi ka atang seryoso. Dagdag na saad ko pa at ako'y natatawa ngunit napawi din at napakamot sakin sariling ulo at napabuntong hininga dahil hanggang ngayon ay hindi ko alam ang sasabihin kay Anus. Nag-pa-practice kasi ako ng sasabihin ko kay Anus at kanina pa ako dito sa may kuwadra at wala pa din akong mapili na sasabihin, tila mauubusan na ako ng laway sa kakasalita. Napakahirap talagang makipagbati. napakahirap mag-isip ng sasabihin. Hindi ko alam pati kung ano ba ang aking i-a-aksyon sa harapan niya. Gustong-gusto ko na talaga maayos ang gusot namin dalawa, at akala ko no'ng una ay magiging madali lang ang lahat ngunit hindi pala dahil ako'y nahihirapan ngayon; hirap na hirap. Ngayon ay nakasilip ako mula sa malaking puno hindi kalayuan sa may lamesa ni Anus na busy na busy 'to na nakatutok sakanyang laptop at madaming nagkala