Share

Chapter 10 - Surprises

Hindi ko inaasahan na itatanong iyon ni Mommy  kay Neal.

Ang buong akala ko ay ayaw niyang ituloy ko itong feelings ko for Neal.

Pero bakit ganoon ang tanong niya kay Neal? Pumapayag na ba siya na magdate kami ng crush ko?

"Ppp...po.. ti..ta?" maririnig sa boses ni Neal ang malakas na kabog sa kaniyang dibdib.

"Ang tanong ko, anong oras mo susunduin si Payne bukas dito sa bahay? Oh diba akala ko may date daw kayo? 

"Aahm... 8:30 po ng tomorrow morning tita." mabilis pa sa alas kwatro na sagot ni Neal.

"Ok, ingatan mo si Payne ha?" 

"Opo ma'am!."

Naiisip kong sumaludo pa si Neal kasabay ng pagsagot niya ng "opo" kay mommy.

Hindi nakangiti si mommy. Agad niyang pinindot ang end call pagkasagot ni Neal. 

Iniabot ni mommy sa akin ang cellphone ko...

"Here's your phone Payne, matulog ka na."

Bago pa man ako sumagot ay lumabas na ng kwarto si mommy.

Hindi ko na sinubukang tumawag kay Neal, maging siya ay hindi na rin naman tumawag.

Ibinalik ko na sa charger a g cellphone ko, pinatay ang ilaw at binuksan ko na lamang ang hello kitty lamp ko.

Abot tainga ang ngiti ko habang nakapikit na ang mga mata ko.

Nagising ako sa malakas na tunog ng aking alarm, kasinglakas ng  iyak ng isang batang gutom.

Ganuon din ang tunog ng akong alarm parang batang gutom sa pagkalinga ng kaniyang ina.

Hindi ko pa man maimulat ang aking mga mata, iniunat ko ang kanang braso ko, at kinapa na ng kanang kamay ko ang malaki  at pink na alarm clock katabi ng hello kitty lamp na  nakapatong sa table kong kulay yellow.

Kinuha ko ito at itinapat sa kaliwang mata ko na nakamulat habang ang kanan kong mata ay nakapikit pa... 

"Huh?  8:17 na pala ng umaga? "

"Payne! Gising na! Tanghali na!" sigaw ni mommy habang naririnig kong naghahanda na siya ng breakfast sa dining table.

"Opo mommy!"

Parang mapupunit ang balat ko sa mga mata sa pagkusot ko nito habang kinukuha ko ang maliliit na muta na namuo.

"Anong araw ba ngayon? Humihikab pa ako na parang kulang pa ang tulog.

Tiningnan ko ang hello kitty calendar kong naka-sabit sa likod ng pintuan ko.

Nakahiga pa rin ako sa  kama, nag-stretch ako ng braso  at Itinaas ang aking kanang hintuturo sa direction ng akong calendar...

September...12...saturday.

"Wait! Saturday ngayon? Diba may date kami ni Neal?!

Dali-dali akong bumangon, lumabas ng kuwarto at dumirecho sa banyo.

Hindi ko na napansin si mommy, binuksan ko na ang gripo ng shower habang  inilalagay ko ang shampoo sa aking buhok...

" Payne! Bilisan mo tanghali na late ka na!"

"Opo mommy!"

Napakalamig ng tubig na nagmumula sa shower, nalimutan kong i-on ang heater sa pagmamadali ko, baka maghintay ng matagal si Neal at mainip, baka umalis na siya!  

"Payne antagal mo sa banyo!"

"Opo mommy nagbabanlaw na po!" 

Tiniis ko nalang ang malamig na tubig galing shower at umabot lang yata sa limang segundo ang pagsasabon ko ng katawan.

Isinara ko na ang gripo, kinuha ang aking pink hello kitty towel na nakasabit sa likod ng pinto ng banyo.

Habang tinutuyo ko ang aking katawan ay nakarinig ako ng kaluskos sa gate.

"Si Neal na ba yun?" napatingin ako sa salamin, agad kong kinuha ang toothbrush, nilagyan ko ng toothpaste at bilis-bilis akong nagsepilyo.

Hinawakan ko na ang basang doorknob, lumabas ako na nakatapis sa katawan ko ang aking tuwalya.

"Mommy late na po ba ako?" Nanginginig ako sa lamig at tumutulo pa ang aking buhok sa sahig.

Tuloy pa rin si mommy sa pag-aayos ni mommy ng dining table.

"Hindi pa kumain ka muna mahihintay naman tayo ni Dra. Penny sa clinic niya."

Napatigil ako, Sa isip ko, "akala ko pumayag na si mommy sa date namin ni Neal, yun pala tuloy ang session ko ngayon kay doktora.."

"Pero po mommy...akala ko po..."

"Akala mo ba ay  tuloy ang date ninyo ni Neal ngayon? hindi.."

Napatungo lang ako at hindi nakapagsalita.

Dahan - dahan akong  naglakad papunta sa kuwarto ko...

"Hindi ka nagkakamali..."

"Po mommy?" at bigla akong napatingin kay mommy.

"Oh eh diba Saturday ngayon may date kayo ni Neal at pumayag na ako kagabi hindi ba?"

"Mommy..." napangiti ako at lumukso lahat ng ugat ko sa puso ko.

Agad akong pumunta sa kanya at niyakap siya sa likod habang naglalagay siya ng mga pinggan sa dining table.

Ipinatong ko ang basa kong ulo sa likod ng kaniyang balikat.

"Thank you po mommy."

"Sige na just be careful ha.."

Tumunog ang gate na parang nangangalas na metal sa bike.

"Tao po..."

"Oh ayan na yata si Neal."

"Magbibihis lang po ako mommy" nakangiti kong sagot habang patakbo akong binuksan ang pinto ng aking kwarto.

"Nagmamadali kong kinuha at isinuot ang nakatiklop kong panty sa drawer, at kinuha ang aking white tshirt at fitted denim jeans na naka hanger sa loob ng aking wooden cabinet."

Agad agad kong kinuha ang aking suklay at humarap sa salamin. 

"Ano ba dapat ang style ng buhok ko?" Habang namimili ako ng hairpins mula sa aking Hello Kitty collection.

"Naku Payne late ka na!" sigaw nanaman ni Mommy.

Sinuklay ko nalang ng tuwid ang aking black short hair, ipinatong ang suklay ko sa table at lumabas sa kuwarto ko.

Pag daan ko sa salas...

"Neal.. andito ka na?"

Tumayo si Neal mula sa pagkaka-upo sa aming brown leather sofa, muntik nang mahulog ang white and beige checkered throw pillow mula sa kanyang lap pero nasalo nya ito.

"Good morning Payne..." ang ngiti niyang naka-stuck lang sa kanyang makopa lips, at ang chinito eyes niyang halos pumikit na ang magandang bumungad sa akin.

"Hi... good morning." hindi nawawala ang tingin ko sa kaniya.

Pinutol ni mommy ang moment namin ni Neal...

"Payne, come here nga." 

Napalingon ako kay mommy at lumapit siya, hinawakan niya ang braso ko at dinala ako sa direksyon ng kwarto ko habang sinasabing...

"Nalimutan mong magsuot ng bra."

"Po?!" 

Hindi pa man natutuyo ang buhok ko mula sa pagkakaligo ay nabasa nanaman ito ng pawis dahil sa naramdaman kong pagkabigla, pero parang hindi ko naramdaman nahihiya ako.

Agad kong binuksan ang pinto ng kwarto ko, tinanggal ang white t-shirt, binuksan ang drawer ko at kinuha ang white bra kong cotton anf fabric. 

Habang inilalagay ko ito sa aking dibdib ay nakaharap ako sa aking body mirror. 

"Oh sino ka  naman ngayon Payne? Hmm...Jessica - ang babaeng introvert at mahilig sa gothic style."

Napangiti ako, kinuha ang black t-shirt mula sa hanger na nakasabit sa loob ng wooden cabinet ko, kinuha ko rin ang black leather wrist band with round metals sa lock nito.

Kinuha ko rin ang black eyeliner ko at black lipstick na nakapatong sa aking Hello Kitty table.

Humarap ako sa salamin at ginuhitan ko ang aking eyelids ng winged design, mala-cat's eye ang effect gamit ang aking kanang kamay.

Hawak naman ng kaliwang kamay ko ang black lipstick, binuksan ko ito at ipinahid sa aking dry lips.

Napangiti ang kanang labi ko.

"Ang ganda mo Jessica, today is your day."

Lumabas ako ng kuwarto at bumungas si Neal sa akin, napatayo siya mula sa pagkakaupo niya sa dining chair.

Nagulat siya at namilog ang mga chinito niyang mga mata.

"Payne nandito na si Neal mag-breakfast muna kayo para hindi kayo magutom sa daan."

Buong panahon ng breakfast scenario ay patingin-tingin lang sa akin si Neal, hindi ako nagsasalita.

Lumiyad na siya at hinawakan ang tiyan niya...

"Haay Tita! Thank you po for this scrumptious breakfast. Payne ok ka na? Tara na?"

Napatingin lang ako kay mommy.

"Sige na Payne, uminom ka na ng water, get your bag and don't forget to be here before seven in the evening."

Hindi na nakapagsalita si Neal, nakangiti lang siya the whole time. 

Nakaupo lang si mommy at itinuloy ang pagsubo niya ng kanin.

 Tumango lang ulit ako kay Mommy, kinuha ang aking maliit na black leather backpack sa kwarto.

Sabay kaming lumabas ni Neal sa front door. 

Binuksan ni Neal ang gate namin at pina-una akong makalabas.

Matindi ang sikat ng araw, hindi ako nakapagdala ng payong.

"Masarap sa balat ang morning sun, right Payne?"

Tumango lang ako habang hawak ng magkabila kong kamay ang strap ng black leather backpack ko.

Pumara si Neal ng jeep. Medyo maluwag ang jeep kaya magkatabi kaming naka-upo.

"Manong bayad po dalawa sa Eco Park."

Nakatingin lang ako sa bintana ng jeep, nakahawak ang kanang kamay ko sa rail ng bintana ng jeep. 

Hindi kami nag-uusap pero naramdaman kong hinawakan niya ang kaliwang kamay ko.

'"Para po, dito nalang."

Napalinga ako sa direksyon ni Neal at kinuha na niya ang kamay ko pababa ng Jeep.

Bumungad sa akin ang napakagandang landscape sa labas ng Eco Park. 

Nakahanay ng by color ang mga bulaklak at nagbunga ito ng rainbow effect.

Ang mga bato naman ay nakaayos according to their sizes and shape at binubusog nito ang mga mata ko.

Makikita sa entrance ang clay brick pavers bilang pathway sa pagitan ng dalawang malaking punong mangga.

Tumingala ako...

"MALIGAYA ECO PARK"

"Wow Payne magiging maligaya tayo today!" Sabay taas ng kamay ni Neal.

"Bakit naman?" ako itong poker face pa rin.

"Eh tingnan mo ang pangalan ng Eco Park, pangalan pa lang mapapangiti ka na." Habang itinuturo niya pataas ang "WELCOME TO MALIGAYA ECO PARK"  na mala-dinosaur sa laki na metal sign sa gitna ng dalawang higanteng puno ng mangga. 

Hinawakan ni Neal ang braso ko, humarap siya sa akin, ngumiti siya at natamaan ng sinag ng araw ang chinito eyes ni Neal.

"Ngiti ka naman diyan Payne...pwede?"

Napangiti si Jessica, at masaya si Payne.

"Tara punta tayo sa swing!"

Hinigit nanaman ni Neal ang kanang kamay ko at patakbo kaming pumasok sa MALIGAYA ECO PARK.

Nang makapasok na kami ay dahan-dahan kaming naglakad sa clay brick pavers na pathway.

Palinga-linga ang aking tingin sa mga naglalakihang ibat-ibang mga fruit bearing trees.

May mga malalaking heart-shaped leaves na nakahanay sa kanang bahagi namin katabi ng malalaking cacti.

At natatanaw ko na ang mala-pastel color na swing, see-saw at slides. Lahat ay concrete, wala akong makitang plastic material na ginamit.

Palakad-lakad lang kami at biglang binitawan  Neal ang kamay ko.

Tumakbo siya palayo.

"Sandali Neal!" Sigaw ko habang naka-ang at sa hanging ang kamay kong pilit siyang inaabot.

Pero nag-freeze lahat.

Hindi nagawa ng humakbang ng mga paa ko.

Napatigil ako at parang umikot ang lahat ng mga bagay sa paligid ko.

Tinitingnan ako ng mga tao.

Hindi ko nakikita ang mga facial expressions nila pero nararamdaman kong tinitingnan nila ako ng masama.

Malabo ang mga imahe ng mga taong lumalampas sa akin pero parang nakikita kong nagbubulungan sila.

Wala naman talaga akong pakialam sa paligid ko.

Ang pakialam ko lang ay paano ko ihahakbang ang mga paa kong pinigilan ng biglang paglayo ni Neal.

"Pero ... bakit iniwan ako ni Neal?" dumilim ang paningin ko... ang isip ko.

Kasabay nito ang pagdilim ng paligid ko.

Tumingala ako at dahan-dahang tumatakip ang makakapal na ulap kay haring araw.

Gusto nilang itago si haring araw na pilit kong sinisilip at umaasa akong buong araw kong makikita.

Kasabay kasi ng init na ibinibigay niya ang init ng damdamin kong mapasaya ni Payne si Jessica ngayon araw na ito.

Mahilig kasi si Jessica sa gothic style at favorite color niya ang black, pero gustong ipakilala ni Payne kay Jessica ang iba pang kagandahan ng kulay na nandito sa Eco Park.

Mga makukulay na mga bulaklak na nagrerepresenta ng kaligayahan na nararamdaman ni Payne kapag kasama si Neal.

May pumapatak na maliliit na butil ng ambon sa ulo...sa balikat... at sa mga sa clay brick pavers.

Papalakas ng papalakas ang patak ng ambon, Naging malalaking butil ng ulan at hindi ko nagawa ng takpan ang ulo ko dahil hindi ako makagalaw.

Sa gitna ng mga nagtatakbuhang mga tao, naaninag ko si Neal...kumakaway ang kaliwang kamay at nakatakip sa ulo niya ang ka nyang kanan.

"Paaaayyne!!!" 

Tinatawag niya ako...

"Payne!!!" 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status