"Payne...Okay lang yan, calm down. " nanginginig na paghawak ni Maya sa kanang braso ni Payne. Pilit niyang kinakalma ang kaibigan niya, kahit nangyari na ito nuong sophomore sila, na sa gitna ng chess competetion ni Payne at biglang umatake ang episodes niya pero after five minutes ay kumalma ito dahil sa mahigpit na yakap ni Maya.
"Best friend, andito ako, si Maya ito, uy, ok na yan, ok ka na diba? " niyakap ni Maya si Payne mula sa likod nito habang pinupunasan niya ng kanyang panyo ang pawisang noo ni Maya.
"Tatapusin mo ang laro ha? Kaya mo yan!" hindi matanggal ni Maya anv kaniyang pagyakap kay Payne habang patuloy ang lagsigaw nito at paukit-ulit na pagtakip sa kaniyang mga tenga.
Kinuha ni Maya ang kaniyang cellphone at idinial ang cellphone nymber ng mommy ni Payne, "Hello po... Tita? I'm afraid to tell you po hindi na kayang tapusin ni Payne ang competition, inaatake po si Payne ngayon... Opo nandito lang po kami sa school... opo tita... sige po."
"Payne pupunta na dito si Tita Ayla, calm down na." Assurance ni Maya habang inaayos nito ang magulong buhok ng best friend niya,
"Parating na si Mrs. Martinez!" sigaw ng freshmen watcher.
Lumipat si Maya ng position at humarap kay Payne habang hawak niya ang nanginginig na mga hita nito, "Shhhh...ssshhh.... Okay lang 'yan." nakangiti nitong sabi.
Bumukas ng marahan ang pinto ng Room 3B at pumasok si Neal suot ang red jersey uniform ng team nila, hinawi niya ang lahat ng estudyanteng nakapaligid kay Payne na may pagka-slow motion and dating. Tumayo siya sa likod na Payne habang nakayuko si Maya at nakapikit na pinapakalma si Payne ay ...
Binuhat ni Neal si Payne mula sa pagkaka-upo nito. Kinuha ni Neal ang nanginginig na mga hita ni Maya at ipinatong ito sa kaliwang braso niya. Ang kanang braso naman niya ang nakasuporta sa buong katawan ni Payne. Inihilig ni Neal ang ulo ni Payne sa kaniyang dibdib at para bang dagling kumalma ang buong katawan ni Payne ngunit bakas sa kaniya ang pagkapagod.
Napanganga ang lahat. Parang superhero na pumasok si Neal sa classroom at isinalba si Payne mula sa villain attack. Slow-motion and effect sa mga witness na estudyante ng pagkilos ni Neal mula sa pagbuhat niya kay Payne hanggang sa paglabas nila sa classroom.
Pero si Maya biglang kumulo ang dugo at nanlisik ang mga mata niya sa inis. Patakbong inilayo ni Neal si Payne mula sa classroom upang dalhin ito sa clinic.
"Haay...and sweet naman...dumating bigla si superman..." Nakangiting sabi ng isang junior student habang nakahawak ito sa kaniyang kanang pisngi at pinagmamasdan ang mga bakas ni Neal.
"Para akong nanonood ng pelikula, kung saan isinave ng superhero ang kaniyang minamahal mula sa panganib." Komento naman ng isang bading na freshman student.
"Ayyyiiiee...!!! nangisay sa kilig ang mga babaeng estudyante na nakasaksi sa pagbuhat ni Neal kay Payne.
"HUUUY!! Magsi-tigil nga kayo! Go back to your rooms" Sigaw ni Miss Lexy ng makabalik ito sa room. Habang ikinukumpas niya ang kaniyang malaking native yellow na pamaypay upang paalisin ang mga estudyanteng hindi kabilang sa Room 3B.
Lumabas si Maya ng room na namimilog ang mga butas ng kaniyang ilong, ipinormang mahigpit ang kaniyang kanang kamao na parang manununtok sa boxing, at ang kaniyang mga kilay ay nagsasalubong sa galit, "Bwisit na Neal ito bigla nalang umeksena at itinakbo si Payne! Hmp!" Hoy ako muna bestfriend niya bago ikaw!" Sigaw nito sa hangin.
Naglakad ng mabilis si Maya upang sundan sina Neal at Payne sa clinic, ang kaniyang pagka-inis dahil sa inasta ni Neal ay may halong pag-aalala para kay Payne.
"TOK TOK TOK TOK TOK!!" Mabilis at nakakabasag-tengang katok ni Neal sa pinto ng clinic.
Agad na binuksan ng nurse ng pinto at lumaki ang mata nito sa kalagayan ni Payne, "Naku anong nangyari kay Payne? Nag-episodes nanaman ba siya? Nag-seizure ba? ihiga mo muna duon sa bed si Payne." nag-aalala nitong boses habang pinapapasok sina Neal sa loob ng clinic.
"She's in the middle of her chess competetion po and bigla na lang daw pong inatake si Payne, nagsisigaw daw po at parang nagwawala. 'Yun po ang sabi sa akin." habang inihihiga niya si Payne ay mabilis ang pananalita ni Neal na para bang hinahabol siya ng gutom na aso.
"Okay sige calm down, para namang okay na si Payne." Habang chinecheck ng nurse ang vital signs nito. Normal naman ang heartbeat niya, ganun din ang temperature at oxygen level. Baka napagod lang si Payne, pero I can see she's okay."
"Haay!" nalabuntong-hininga si Neal, "Salamat, mabuti naman po, wala po ba si Dok?" Habang inaayos ni Neal ang uniform na palda ni Payne at nilagyan niya ito ng kumot.
"Naku wala eh, may biglaang appointment, andito naman ako, if minor injury from sports competetion kaya ko naman, if severe may naka-ready naman tayong ambulance just in case pero syempre we are always hoping na walang mapahamak during school events." umupo na ang nurse at kinuha ang folder ng health chart ni Payne mula sa 4-layer steel cabinet na nasa kanan nito.
Habang tinititigan ni Neal si Payne ay nakapikit lang ito na parang pagod na pagod at ayaw na niyang istorbohin pa.
"Ahm...nakatulog na po yata si Payne, nurse..." Pagbaling ni Neal sa kaniya.
"Mukha nga." sinilip ng nurse si Payne mula sa pagkakahiga nito at ngumiti, "Pwede mo na muna siyang iwan, babantayan ko nalang si Payne dito, hindi ko pa naman breaktime. Baka may laro ka pa."
Umupo si Neal sa upuan malapit s kama ni Payne nanakaharap sa nurse, "Lagi po bang ganito si Payne mula pagka-bata niya?"
Biglang bumukas ang pinto ng clinic..."BLAG!"
Napatayo ng bigla sina Neal at nurse nang pumasok si Maya sa clinic.
"Nurse, kumusta na po si Payne." naka-kunot ang noo ni Maya at hinahabol ang hininga.
Sumabat si Neal, "Ok na si Payne, bakit ang tagal mong sumunod?"
"Pinuntahan ko pa po si Mrs. Martinez para i-report ang nangyari kay Payne!" Sarcastic nitong sagot kay Neal.
"Pinuntahan? So kampante kang nasa mabubuting kamay si Payne kaya hindi ka dumiretso dito?" Ngisi niyang pagtatanong kay Maya.
"Ay wow Neal, wag kang mag-feeling. Hindi pa rin ako tiwala sa'yo. Alam ko lang na didiretso kayo dito sa clinic at tiwala ako kay nurse Jane kaya alam kong she's in good hands, pero with you? No, nada! Never!" paghalukipkip ng braso ni Maya habang patingin-tingin lang si nurse Jane sa kanilang pag-uusap.
"Maya, the truth is, kung hindi ako dumating eh baka until now hindi pa kumakalma si Payne. Magpasalamat ka nalang sa akin at binuhat ko siya with my muscles kaya nandito siya ngayon sa clinic." habang minumustra ni Neal ang hindi kalakihan niyang biceps at iniaangat ang kaniyang braso.
"Ay wow! Nakakahiya naman sa ga-daga mong muscles Neal na parang kulang na kulang sa pagbubuhat. Tamad ka ba sa bahay?" Paglapit nito sa braso ni Neal.
"Pst! Tama na yan, baka magising si Payne." Pagpigil sa kanila ni nurse Jane. "Pwede na kayong dalawa umalis, sige na at dun nalang kayo mag-away sa labas.
"Nurse Jane ipatawag mo po ako agad ha kapag nagising po si Payne, please? Tatapusin ko lang po ang game ko." bulong ni Maya.
"Sige na Maya, hindi ako aalis, goodluck." paninigurado ni nurse Jane habang nakangiti kay Maya.
Lumapit si Maya sa kama ni Payne at hinawakan nito ang malalamig na braso ni Payne mula sa pinaghalong pawis niya at malamig na temperature ng aircon, "Best friend, tatapusin ko lang ang game ko ha, promise babalik ako, don't worry tinawagan ko na si Tita Ayla, papunta na ang Mommy mo dito."
Tumingin siya kay Neal bago lumabas ng pinto. "Oh ikaw?! Wala kang balak umalis? Wala ka na bang game?"
"Meron...pero nagpaalam ako kay Sir Jack..." pangangatwiran ni Neal.
Pinutol ni nurse Jane ang palusot ni Neal dahil alam niyang gusto pa nitong mag-stay sa clinic at bantayan si Payne, "Sige na Neal labas na, para maka-rest mabuti si Payne, tatawagin ko kayo kapag nagising na siya."
"Aahm...sige po, pero may ibubulong lang po ako kay Payne." Nakangiting paki-usap ni Neal at tumango lang si nurse Jane sa kaniya.
Ngunit bago pa siya makalapit kay Payne ay biglang bumukas ang pinto...
"How's Payne nurse Jane?" Magkasama sina Mrs. Martinez at Mrs. Ayla Framania, ang mommy ni Payne.
"Okay na po si Payne Mommy, normal naman ang kaniyang vital signs, napagod lang po talaga siguro si Payne kaya hindi niya nakaya."Dahan-dahang lumabas si Neal ng clinic na para bang hindi siya napansin ni Mrs. Martinez at mommy ni Payne. Sinubukan niyang magpaalam ngunit nakatuon ang attention nila kay Payne.
Tumayo si nurse Jean sa kaniyang upuan upang ilaan ito kay Mrs. Martinez. Habang naka-upo ang Principal at tinitingnan ang bawat sulok ng clinic ay lumapit si Mrs. Ayla sa kaniyang anak na nakahiga sa kama, pinunasan niya ang noo ni Payne at hinawakan ang malamig na mga kamay nito."Misis kailangan po siguro ni Payne mag-rest muna. It's fine kung ipagpaliban muna niya itong Foundation Week Anniversary, we know her capability and marami na po siyang napatunayan sa school. Although malaki siyang kawalan sa indoor sports department and last year na niya ito to compete but of course we have to prioritize the health of our students.""Actually po Ma´am ´yan din po ang sinabi ng psychologist niya pero mapilit po si Payne, gusto talaga niyang lumaban for the last time. I was about to call you po regarding Payne´s health condition, I want to pull her out from sports, I actually want her to rest and quit school." Malumanay na paliwanag ni Mrs. Ayla.Napataas ang balikat ni Mrs. Martinez, "Sandali po Misis, ilang months nalang at matatapos na ng high school si Payne and running for High honors po siya, sayang naman po kung mag-quit siya.""Ma´am hindi ko po kayang i-risk ang health ni Payne."Pangangatwiran ng mommy ni Payne na medyo tumaas ang tono ng kaniyang boses.Sumagot naman ng mahinahon ang Principal, "Marami naman pong ways, pwede naman pong ipadala namin sa bahay ang notes at lessons for the week and mag-home study nalang po si Payne. Kapag mag-eexam po siya saka nalang po siya pupunta dito sa school. Misis we know her condition very well, and we thank you dahil pinagkakatiwalaan ninyo kami to take care of Payne mula elementary siya up to this period of her life.""Ganun din ho Ma´am ang mangyayari, andun pa rin ang pressure kahit home study siya. Pwede naman ho siyang mag-repeat next year kapag bumuti na po ang condition niya, or bigyan ninyo nalang ho siya ng fair grade for the remaining two quarters. Ayaw ko nalang po siya talagang pumasok." Pag-aalalang sabi ni Mrs. Ayla."Mm...mommy..." Naalimpungatan si Payne at narinig ang boses ng kaniyang mommy na parang nakikipagtalo sa Principal."Anak are you okay? Si Maya ang tumawag sa akin." Habang hinahaplos ni Mrs. Ayla ang noo ni Payne.Napangiti naman ang Principal at napatingin kay nurse Jane dahil nahimasmasan na si Payne."Nasaan po si Neal mommy?" Palinga-linga ang tingin ni Payne at aktong uupo ito mula sa pagkakahiga.Nagtinginan ang principal at si nurse Jane. Naalala ni Mrs. Martinez na nasa clinic si Neal kanina lang pagpasok niya.
"Neal?" Pagtataka ni Mrs. Ayla na may halong pagka-inis. "Si Neal ba ang huli mong kasama bago umatake ang episode mo? Andito siya kanina pero... Umalis na din."
"Hindi po mommy, si Neal po ang nagdala dito sa akin. Nasaan na po siya mommy?" Mahina at mabagal pa rin ang pagsasalita ni Payne.
"Anak, I want you to quit chess and your school, sundin muna natin ang sinabi ng doktor mo na kailangan mo munang mag-rest.""Dumalas po kasi mami ang switches ng personality ko kanina habang naglalaro ako ng chess, hindi ko na-control ang papalit-palit ng mga personality sa akin. Nilalabanan naman ni Payne mommy pero hindi ko talaga kaya. Huhuhuhu…." Napa-iyak si Payne at napatakip siya ng kumot sa kaniyang mukha habang ang nurse at principal ay nakapinid ang mga tainga sa pakikinig kay Payne."Kaya nga, natatakot ako na baka ikapahamak mo ito, madalas na ang switching ng iba´t-ibang personalities sa iyo, kaya mag-stay ka nalang muna sa bahay Payne. Safe ka sa bahay." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Mrs. Ayla.Hinawakan ni Payne ang kaliwang braso ng mommy niya, "Pero masaya po ako dito sa school mommy, kaya ko naman po, marami naman pong tumutulong sa akin at hindi po ako pinapabayaan nina Maya at Neal.""Neal nanaman?! Sinabi ko ng tigilan mo na nga ang pakikipag-meet kay Neal! First and last na yung date niyo na ´yun! Simula nuon naging madalas na ang episodes at switching mo!"Nagulat at nagtaka sina Mrs. Martinez at nurse Jane sa kanilang narinig. Para silang nanonood ng teleserye sa naging revelation ng mommy ni Payne. Nabubuo sa kanilang isipan na nagkakagustuhan pala itong sina Payne at Neal samantalang transferee student si Neal at laging na-eexpelled sa kaniyang mga pinasukang school dahil sa record niyang pagiging gangster.
Tumayo na si Mrs. Martinez sa kaniyang pagkaka-upo upang putulin ang pagtatalo ng mag-ina. Para din naman kasing unethical para marinig nila ang personal na problema nina Payne at Mrs. Ayla."Ah… Misis, I´m sorry to interrupt but I think you should take Payne home and talk things over." ngiting suhestyon ni Mrs. Martinez."Sige po, pasensya na po Ma´am, nadala lang po ako ng emotion ko, iuuwi ko na po muna si Payne." Yumuko ng bahagya si Mrs. Ayla pagpapakita ng pag-galang.Tatayo na si Payne mula sa pagkakahiga nang biglang pumasok si Neal sa pintuan ng clinic na may dalang dalawang tetra pack ng orange juice.Lumaki ang mga mata ni Payne, naghahalo ang pagkatuwa at pagkagulat nang makita niya si Neal, "Neal..." abot-taingang ngiti nito habang ang mommy naman ni Payne ay umaapoy ang mata sa pagka-inis nang makita si Neal.
Lumaki ang mga mata ni Payne, naghahalo ang pagkatuwa at pagkagulat nang makita niya si Neal, "Neal..." abot-taingang ngiti nito habang ang mommy naman ni Payne ay umaapoy ang mata sa pagka-inis nang makita si Neal.
Hi! Thank you for spending your time reading this novel about the unconditional love of Neal for Payne. Loving a person with autism spectrum and MPD is always a blessing in disguise. They too want to have a normal and simple life even in this complicated world. Happy reading 😊
"I DON'T WANT MY DAUGHTER TO SEE YOU EVER AGANI!" Ito ang nagngingitngit na boses ni Mrs. Framania kay Neal nang makita itong pumasok sa pinto ng clinic. Namumulaga ang mga mata niya sa pagkainis sa nangyari kay Payne. Sa isip ni Mrs. Framania, "Tama talaga ang hinala ko sa batang ito, walang mabuting maiidulot ito kay Payne, hindi na sana ako pumayag na tutluyang mahulog ang loob ng anak ko sa kaniya." "Tita..." Mag-papaliwanag sana si Neal ngunit sumabat na si Payne. "Pasensya ka na Neal..." nanghihina pa nitong boses. "Anong pasensya Payne?! Si Neal ang dapat humingi ng pasensya dahil simula ng nag-date kayo ay dumalas ang episodes mo. Dumalas din ang switching ng personalities mo." Hysterical si Mrs. Ayla Framania, naiinis siya kapag nakikita niya ang pormahan ni Neal. Sina Principal Martinez naman at nurse Jane ay parang nanonood ng mala-teleseryeng pag
"A-BE-LAR-DO! A-BE-LAR-DO!" "HEP HEP ... HOORAY!" "WOOHOOO!!!" Ito ang nakababasag-taingang sigaw ng mga high school student habang naglalakad sila papuntang basketball court kung saan pormal at opisyal na sasabihin ni Sir Jack kung sino-sino ang mga qualified para sa Inter-School Competition na gaganapin ulit sa Holy Angels University. At habang nag-iingay ang mga miyembro ng cheering squad ng school at ang lahat ng estudyante ay magulo pa ang pila ay dumating naman ang grupo ni Neal. "HUY!! Iingay nyo! Umayos na nga kayo sa pila..." Sigaw ni Maven sa mga sophomore students. Nang makita nilang dumadating na isa-isa ang mga teachers para pumunta sa pila ng mga estudyante ay agad namang tumugtog ng "Lupang Hinirang" ang malalaking speakers na nasa paligid ng campus. Napilitang umayos sa pila ang mga estudyante upang magsagawa ng
"Oh Maya! How's your game?" Inakbayan ni Neal si Maya bago pa ito makasampa sa Jeepney. "Ay ikaw pala kuya, kanina ka pa ba dyan?" Makatapat silang umupo sa loob ng jeep, dalawang tao ang pagitan mula sa driver. "Di naman, may ka-text ako kanina then pagharap ko nakita ko likod mo, kumusta ang laro balita ko...?" Panaka-naka ay tumitingin siya kay Maya at sa cellphone niya habang nagtetext siya. "Okay naman, magagaling ang team ng Maryknoll Academy, but of course mas magaling kami kaya... nanalo kami so... pasok kami sa semi-finals...uuy! kuya! Nakikinig ka ba?" Sinipa ni Maya ang kanang paa ni Neal. "Oh sorry! Katext ko kasi si Payne, ibinabalita ko na kasama kita ngayon sa jeep at nanalo kami sa first game. Congrats ha!" Ngiti nitong sagot kay Maya. "Teka ano nga palang number mo?" "Ah... kakamiss naman ang bestfriend ko, mamaya pag-uwi ko tatawagan ko siya at babalit
Nanginginig ang mga kamay ni Maya. Huminto ng pilit ang kaniyang mga paa sa pag-hakbang. Parang nanlalambot ang kaniyang kalamnan at umiikot ang kaniyang paningin sa pagkalito. Naguguluhan siya dahil hindi ito ang pagkakakilala niya kay Lee, iniisip niyang sa pagbabago ng nakasanayang pangalan ni Lee, nabago ito bilang Brian kasabay ng pagbabago ng kaniyang pag-uugali. Ngunit, pareho lang ang damdamin ni Maya nuong bata siya na may lihim siyang pagtingin kay Lee at ngayong kaharap na niya si Brian. Hindi rin niya alam kung magsisisi ba siyang nakipag-date siya kay Brian dahil sa pagiging possessive niyang ugali. Maraming tumatakbo sa isipan ni Maya, "Ito ba talaga ang Lee na malambing at selfless na nakilala ko nuong bata pa ako?""Bbb...Brian...? O...okay ka lang ba?" kumakabog sa kaba ang dibdib ni Maya, natatakot siya pero kung kakawala siya sa mahigpit na pagkakahawak nito sa kaniya ay baka lalong magalit si Brian. Dahan-dahang tumingin
Nababalot ng kaba ang buong katawan ni Neal. Hindi niya alam kung sino ang nagpadala ng picture nila ni Diana kay Payne. Iniisip rin niyang baka si Diana lang ang may pakana ng lahat. Naghihintay siya sa mga kasunod na irereply ni Payne, ngunit dumaan ang limang minuto ay wala pa ring reply ang dalaga. "Payne... galit ka yata, sorry, oo mali ako hindi ko naman talaga siya pinsan, pero hindi ko rin naman siya kilala. Pero tama ka, si Diana nga 'yang nasa picture pero mali ang iniisip mo, mabilis ang pangyayari at pati ako ay nagulat." Ito ang naiipon sa isip ni Neal na hindi naman niya mai-type sa kaniyang cellphone. Hindi na tinangkang mangatwiran ni Neal kay Payne, at magtatype na siya ng mga salita para suyuin si Payne... ngunit mas pinili niyang tumahimik nalang at plano niyang magpaliwanag ng personal. Sa personal, makikita niya ang totoong reaction sa mukha ni Payne, malalaman niya ang totoong gust
Iniangat ni Neal ang kaniyang kamay upang alalayan si Payne sa pagbaba mula sa Jeep at nang mapansing pawisan ang kaniyang palad ay agad niya itong ipinahid sa laylayan ng kaniyang black t-shirt at agad hinawakan ang kaliwang braso ni Payne.Umirap lamang ang dalaga ngunit sa loob niya'y kinikilig siya sa tuwa at pigil na pigil ang kaniyang pag-ngiti, "Bakit ka naman nandito?" Mabilis niyang pagbaba ng Jeep."Nakatambay ako rito sa entrance ng Eco Park, sasakay na ako ng Jeep nang nakita kita, naisip kong alalayan ka sa pagbaba." Habang sinusundan niya sa paglalakad si Payne.Papasok na sa loob ng Eco-Park si Payne at lumingon ito sa kaniyang likod para harapin si Neal. Agad namang tumakbo si Neal at lumipat ulit sa likod ni Payne kaya napabuntong-hininga ang dalaga, inilagay ang bigat ng kaniyang mga kamay sa tigkabila niyang baywang at nagsalubong ang kanyang mga mata."Haay naku Neal!!! Ikaw na ng
Habang nag-aabang ng Jeep sina Neal at Payne sa labas ng Eco-Park ay hinawakan ni Neal ang kamay ni Payne sa huling pagkakataon ng araw na 'yun. Bago sumakay si Payne ng Jeep ay baon niya ang matatamis na ngiti ni Neal, ngiti ng pagkagalak na muli niyang nakita ang binata at ngiti ng paniniwalang magiging tapat sa kaniya si Neal sa araw-araw kahit hindi sila magkasama. Ngiti ng pagtitiwala na ayaw niyang tanggalin sa puso niya. At sa paglayo ng Jeep na sinasakyan ni Payne ay baon naman ni Neal ang pag-asang baka naman bukas ay magbago ang isip ni Payne at surpresang makita niya ito sa finals. Namimiss na niya ang dalaga, ang totoo pinipigilan niya ang sarili niyang yakapin lagi si Payne dahil masasanay siya at lalo lang niyang mamimiss, naiisip niyang hindi pa panahon para sa kanila ang ganoong mga bagay. Natatakot siya sa maaaring mangyari, mabuti man o masama, mas okay na ang nag-iingat. Ibinukod kasi niya si Payne sa mga babaeng napag
Sa pagitan ng kumakabog na dibdib nina Diana at Neal ay ang palitan nila ng maiinit na hininga at malalagkit na tinginan. Tumigil ng ilang segundo ang takbo ng oras at parang nadadala na si Neal sa tempting moves ni Diana pero sasagi sa isip niya ang maamong mukha ni Payne.Biglang marerealize ni Neal ang mga pangakong binitawan niya kay Payne, "Ano ka ba?!" Itinulak nito ang mga nanghihinang balikat ni Diana, "Bakit ginagawa mo 'to?! Anong problema mo?!"Agad na nagbihis si Neal ng white t-shirt at kinuha ang kaniyang sports bag at nang palabas na siya sa pinto..."Gustong kong gantihan si Payne!" nanlilisik ang mga mata ni Diana.Tumigil ang pag-hakbang ni Neal palabas ng Men's Roon at hinarap si Diana na may pagtataka, "Kilala mo si Payne? Anong kinalaman ni Payne sa'yo?""Girlfriend mo si Payne hindi ba?" Pagtataray na boses ni Diana.