Nababalot ng kaba ang buong katawan ni Neal. Hindi niya alam kung sino ang nagpadala ng picture nila ni Diana kay Payne. Iniisip rin niyang baka si Diana lang ang may pakana ng lahat. Naghihintay siya sa mga kasunod na irereply ni Payne, ngunit dumaan ang limang minuto ay wala pa ring reply ang dalaga.
"Payne... galit ka yata, sorry, oo mali ako hindi ko naman talaga siya pinsan, pero hindi ko rin naman siya kilala. Pero tama ka, si Diana nga 'yang nasa picture pero mali ang iniisip mo, mabilis ang pangyayari at pati ako ay nagulat." Ito ang naiipon sa isip ni Neal na hindi naman niya mai-type sa kaniyang cellphone.
Hindi na tinangkang mangatwiran ni Neal kay Payne, at magtatype na siya ng mga salita para suyuin si Payne... ngunit mas pinili niyang tumahimik nalang at plano niyang magpaliwanag ng personal.
Sa personal, makikita niya ang totoong reaction sa mukha ni Payne, malalaman niya ang totoong gustong sabihin ng dalaga at kapag dumating sa punto na hindi na siya nito maintindihan ay yayakapin na lamang niya para bigyan siya ng isa pang pagkakataon.
Kinabukasan pag gising ni Payne dala-dala pa rin ang inis sa puso niya nang makita ang picture ni Neal kasama si Diana. Nabuo na sa isip niya na si Diana ang nasa picture, "Ganun naman talaga siguro ang babae, malakas ang intuition." Ito ang bulong niya.
Magtatanghali na nang nagdesisyon siyang tawagan si Maya upangmagpasama sa convenient store. Gusto niyang maglibang. Gusto niyang mag-practice ng mga sasabihin niya kapag nagkita sila Neal. Gusto lang niyang tumawa, gusto niyang maging maligaya kasama ang bestfriend niya.
"Bbbbrrriiinggg..... bbbrrrriiiingg....."
"Oh Maya, parang nag vivibrate and cellphone mo." Lumingon saglit si Brian kay Maya habang nagdidrive ito.
"Ha? Ah wait, papantayin ko lang ang kilay ko." Sagot ni Maya habang nag-aapply siya ng eyeliner sa lids ng kaniyang mga mata.
Chinita si Maya kaya naman hindi mawawala ang guhit ng dark brown eyeliner niya upang magmukhang mayroon siyang mata. Hindi na nagawa ni Maya na tapusin ang pagme-make up niya sa bahay dahil pagkatapos niyang manghalian ay nasa gate na nila si Brian para sunduin siya.
"Naku si Payne tumatawag!" Nagulat siyang sinilip ang kaniyang cellphone.
"Hello besprend! Kumusta ka na? Ano na-confirm mo na ba kay Neal?" masigla nitong pagsagot sa cellphone.
"Oo na... hindi." nanlulumong sagot ni Payne.
"Huh? What do you mean?" Kumunot ng bahagya ang pagitan ng mata ni maya at napatingin sa kaniya si Brian.
"Magka-text kami kagabi, ok naman. Tinanong ko siya tungkol sa game niya at kung may iba pa ba siyang nakilala o nakasama sa university. Ang sabi niya wala naman dahil hindi na siya sumama kina Maven."
"Oh tapos?" Umangat ang mga balikat ni Maya sa kinauupuan niya.
"Tapos... na-wrong sent siya. Alam kong na-wrong sent siya dahil Diana ang pangalan nung nasa message niya."
"Huuuwaattt??!!! " napatakip ng bibig si Maya at nanlaki ang kaniyang mga mata. Si Brian naman ay lalong naging interesado sa kanilang kuwentuhan na parang humahaba ang mga tainga.
"Oo, you heard me right. Ang last text message niya sa akin ay may Diana na pangalan. Meaning dalawa kaming ka-text niya kagabi."
"Besprend..." bumaba ang boses ni Maya at gusto niyang i-comfort si Payne.
"Tama ka naman eh, dapat tlaga hindi na ako nagpadala sa panunuyo niya nuon. Once a playboy always a playboy."
"Wait, anong plano mo Payne?"
"Hindi ko alam... hindi ko nga alam ang sasabihin ko kapag nagkita kami ni Neal, hindi na kasi siya nag-reply nang i-send ko sa messenger niya 'yung picture na pinakita ko sa'yo."
"Huh? So inaamin niya ganun? So 'yun ba si Diana talaga? Nakuuuuuu! kapag nalaman ko talaga kung sino 'yung babaeng 'yun..."
"Ewan ko, wala siyang inamin.. ang sabi niya lang, "Payne, let me explain, it's not what you think."
"Sige, gusto mo bang kausapin ko si Neal?" ngiting tanong ni Maya.
"Hindi..."
"Okay, gusto mo bang hanapin ko kung sino 'yung Diana na 'yun?"
"Hindi..." naiiyak na tugon ni Payne.
"Huh? Eh anong gusto mong gawin ko para gumaan ang loob mo?"
"Punta ka naman dito please..."
"Ha? Naku Payne kasi..."
Napalingon si Brian kay Maya dahil parang nag-aalangang magsalita si Maya kay Payne, "Malapit na tayo Maya."
"Sinong kasama mo? at...nasaan ka?" gulat na tanong ni Payne.
"Aah... kasi.. kasama ko si Brian..."
Lalong nalungkot si Payne at nakaramdaman ng pagkahiya, "Ganun ba? Sorry, sige baka nakakaistorbo lang ako."
"Naku, hindi besprend ano ka ba naman?!"
"Nasaan ka? Nasaan kayo ni Brian?"
Nagpark si Brian ng kotse niya sa Parking Area ng mga performers sa recital at ngumiti kay Maya, "Let's go, magbibihis pa ako sa dressing room."
"Sss...sige." lumabas na si Maya sa kotse habang inaalalayan siya ni Brian."
"Nasaan kayo Maya?" mahinahon na tanong ni Payne.
"Aah.. oo nga pala, sorry, naku andito kasi ako besprend sa violin recital ni Brian..."
Hinawakan ni Brian ang kamay ni Maya habang naglalakad na kinalaki ng mata ng dalaga ngunit hindi niya magawang kumalas dito dahil gusto rin niya ang ganitong moves ni Brian.
"Aaahh...okay. Matatagalan ka ba?"
"Naku to tell you honestly hindi ko alam kung anong oras matatapos 'to eh, kasi 3pm talaga ang start pero andito na kami kasi may preparations pa si Brian sa backstage. Hindi ko rin alam ilan silang magpeperform eh, baka gabihin na kami."
"Aaah... so hindi mo ako masasamahan... sige ok lang ako nalang." malamig na tugon ni Payne.
"Wait, saan ka ba pupunta?"
"Wala... gusto ko lang sana pumunta sa convenient store, gusto ko lang ng may makaka-usap, pero sige okay.
"Payne... pasensya ka na ha, first time kasi ito eh, nag-invite si Brian, pero kung alam ko lang na kailangan mo ako..." umupo na si Maya sa audience seat at nagsensyas kay Brian na okay lang siya.
"Suus... diba sabi ko naman sa'yo gusto ko maging maligaya ka, oh ayan na si Brian... isa pa, alam mo namang kayang-kaya ko naman 'toh diba? masiglang sagot ni Payne.
"Oo naman besprend! Fight lang ha?! Magkaka-ayos din kayo ni Neal."
"Sige enjoy ka diyan ha! balitaan mo nalang ako, okay, bye..."
"Ba..." bago pa man makapgsalita ng babye si Maya ay nag-end call na si Payne. Nagkibit-balikat na lamang si Maya pero may kirot sa puso niya. Hindi niya alam kung totoo bang magiging masaya siya at kasama niya ngayon si Brian o ma-gi-guilty siya dahil hindi niya madamayan si Payne sa unang pagkakataon.
"Huhuhuhuhu!!!" Humagulhol si Payne at nagtakip ng unan sa kaniyang luhaang mukha.
Pakiramdam niya, wala siyang karamay sa ganitong sitwasyon. Hindi niya maisumbong sa mommy niya ang lahat dahil alam niyang pagagalitan at sisisihin lang siya nito. Ayaw na rin muna niyang kulitin si Neal dahil gusto niyang makapag-isip at natatakot siya sa kung anong aminin ni Neal.
"Anong gagawin mo Payne?" tanong ni Jessica sa kaniyang isip.
"Ano ka ba Jessica, kailangang maglibang ni Payne. Gusto ko lang lumabas at magpakasaya mag-isa sa Eco-Park." nakangiting sagot ni Lea.
"Hindi, mag-rereview nalang ako para sa exams para maretain ko ang grades ko." Pumalit agad si Jojo sa kaniyang katauhan.
Sa mabilis na papalit-palit ni Payne ng personality ay napaharap siya sa kaniyang salamin, "Sino ba ako ngayon? mabuti pa kayo, hindi kayo umaalis sa akin, hindi niyo ako iniiwan." nakangiti nitong sabi.
Kinuha ni Payne ng kaniyang brown mini backpack na twinning sa white backpack ni Maya. Nagbihis ito ng plain white t-shirt, fitted jeans at black flipflops.
"Mommy, alis lang po ako saglit. Pupunta lang po ako sa convenient store."
Nasa dirty kitchen ang Mommy ni Payne at ayaw niyang ipahalatang narinig niya ang paghagulhol ng kaniyang anak dahil nakikinig siya sa pag-uusap nila ni Maya kanina, "Sige, pero paalis din ako, may imi-meet akong client mamaya."
Hindi na sumagot si Payne dahil lumabas na ito ng gate bago pa man matapos ang sinasabi ng kaniyang Mommy Ayla.
Habang inihahakbang niya ang mabibigat niyang mga paa sa magagaspang na daan sa kanilang lugar sa gitna ng init ng araw at mabahong singaw ng lupa dulot ng katatapos lang na ulan ay tumingala siya sa matinding sinag ng araw na nagtatago sa mga kasisibol palang na mga ulap.
Nababalot ng lungkot ang puso niyang pinagtaksilan. Nangingibabaw ang kalungkutan sa mga mata niyang pagal sa pagbuhos ng mapapait na mga luha. Ang kaniyang payat na katawan ay pumapasang mag-isa sa hapis ng pangungulila sa kaniyang matalik na kaibigan.
Ganito ang nararamdaman ni Payne sa mga sandaling ito, nang mapagtanto niyang may iba ng mundo si Maya sa piling ni Brian at si Neal naman ay baka nakakabuo na rin ng iba niyang mundo kay Diana. Blanko ang kaniyang mukha nang pumara siya ng jeep.
Dinaraanan niya ang mga magkasintahan, magkahawak ang kanilang mga kamay at nagtatawanan. Mayroon din grupo ng mga babaeng parang high school students na naka-uniform nagtatawanan at nagbibiruan. Naaalala-ala niya ang mga panahong magkasama sila ni Maya.
"Sige pa inggitin pa ninyo ako, normal kayo eh kaya happy kayo. Balakayojan! ", napairap at umiwas ng tingin si Payne, ito ang malungkot niyang konklusyon.
Tumigil ang jeep sa labas ng Eco-Park at bumaba si Payne ngunit may sumalubong sa kaniya...
"Neal? bakit nandito ka?" Pagtatakang tanong ng dalaga.Iniangat ni Neal ang kaniyang kamay upang alalayan si Payne sa pagbaba mula sa Jeep at nang mapansing pawisan ang kaniyang palad ay agad niya itong ipinahid sa laylayan ng kaniyang black t-shirt at agad hinawakan ang kaliwang braso ni Payne.Umirap lamang ang dalaga ngunit sa loob niya'y kinikilig siya sa tuwa at pigil na pigil ang kaniyang pag-ngiti, "Bakit ka naman nandito?" Mabilis niyang pagbaba ng Jeep."Nakatambay ako rito sa entrance ng Eco Park, sasakay na ako ng Jeep nang nakita kita, naisip kong alalayan ka sa pagbaba." Habang sinusundan niya sa paglalakad si Payne.Papasok na sa loob ng Eco-Park si Payne at lumingon ito sa kaniyang likod para harapin si Neal. Agad namang tumakbo si Neal at lumipat ulit sa likod ni Payne kaya napabuntong-hininga ang dalaga, inilagay ang bigat ng kaniyang mga kamay sa tigkabila niyang baywang at nagsalubong ang kanyang mga mata."Haay naku Neal!!! Ikaw na ng
Habang nag-aabang ng Jeep sina Neal at Payne sa labas ng Eco-Park ay hinawakan ni Neal ang kamay ni Payne sa huling pagkakataon ng araw na 'yun. Bago sumakay si Payne ng Jeep ay baon niya ang matatamis na ngiti ni Neal, ngiti ng pagkagalak na muli niyang nakita ang binata at ngiti ng paniniwalang magiging tapat sa kaniya si Neal sa araw-araw kahit hindi sila magkasama. Ngiti ng pagtitiwala na ayaw niyang tanggalin sa puso niya. At sa paglayo ng Jeep na sinasakyan ni Payne ay baon naman ni Neal ang pag-asang baka naman bukas ay magbago ang isip ni Payne at surpresang makita niya ito sa finals. Namimiss na niya ang dalaga, ang totoo pinipigilan niya ang sarili niyang yakapin lagi si Payne dahil masasanay siya at lalo lang niyang mamimiss, naiisip niyang hindi pa panahon para sa kanila ang ganoong mga bagay. Natatakot siya sa maaaring mangyari, mabuti man o masama, mas okay na ang nag-iingat. Ibinukod kasi niya si Payne sa mga babaeng napag
Sa pagitan ng kumakabog na dibdib nina Diana at Neal ay ang palitan nila ng maiinit na hininga at malalagkit na tinginan. Tumigil ng ilang segundo ang takbo ng oras at parang nadadala na si Neal sa tempting moves ni Diana pero sasagi sa isip niya ang maamong mukha ni Payne.Biglang marerealize ni Neal ang mga pangakong binitawan niya kay Payne, "Ano ka ba?!" Itinulak nito ang mga nanghihinang balikat ni Diana, "Bakit ginagawa mo 'to?! Anong problema mo?!"Agad na nagbihis si Neal ng white t-shirt at kinuha ang kaniyang sports bag at nang palabas na siya sa pinto..."Gustong kong gantihan si Payne!" nanlilisik ang mga mata ni Diana.Tumigil ang pag-hakbang ni Neal palabas ng Men's Roon at hinarap si Diana na may pagtataka, "Kilala mo si Payne? Anong kinalaman ni Payne sa'yo?""Girlfriend mo si Payne hindi ba?" Pagtataray na boses ni Diana.
"Ito ba 'yung basketball player sa Abelardo High School?" "Oo, ito 'yung super cute at chinito na MVP." "Eh balita ko marami na daw 'yan naging girlfriends." "Ganun? Balita ko naman autistic daw ang girlfriend niyan ngayon." "Ha? Sino?" "Si Payne!" "Si Payne?! 'Yung chess player?!" Ito ang paulit-ulit na bulungan ng ibat-ibang grupo ng estudyante na nilalampasan ni Maya mula sa gym hanggang makalabas siya ng gate ng university. Naiinis siya kay Neal at nagaalala kay Payne habang pasakay siya sa Jeep.Nakarating na kay Mrs. Martinez ang principal ng Abelardo High School ang video scandal nina Neal at Diana pinaulit-ulit niya itong pinanood. Malaking kahihiyan ito ng kanilang paaralan na madawit sa ganitong klaseng eskandalo. Lalo pang nakadagdag sa pagkainis ni Mrs. Martinez ang maraming negative comments ng mga tao sa kanilang paaralan.Pasakay na sana si Ma
Sa gulat ni Neal sa pinakita ni Payne ay napatigil siya ng ilang segundo. Lumaki angbilog ng kaniyang mga mata, napanganga at napahawak sa ulo. Agad niyang kinuha ang kaniyang cellphone at sinubukang sumagot ngunit naka-loudspeaker pala ito, "Hello. Hello!"Sumagot si Diana na may halong pang-aasar, "Nagustuhan mo ba ang sinend kong video? Neal... namimiss na kita... dito ka na ulit sa akin please...Hahahaha!"Mapang-akit na tawa ang binitiwan ni Diana habang nasa linya siya. Sa galit ni Neal ay agad niyang ini-off ang kaniyang cellphone."Bakit hindi mo kinausap? Sana sumagot ka manlang." Kalmadong boses ni Payne habang nakaupo sa gutter ng daan sa ilalim ng puno."Eh bakit ko kakausapin, pina-prank lang ako niyang si Diana. Una, 'yung picture namin hindi totoo 'yun. Nagulat na nga lang ako at ganun angmga comments. Hindi ako nakatawa or masaya nung time na 'yun. Kung titingnang
"TIGILAN NA NATIN 'TO."Sandali, tama ba ang narinig ni Neal?Pangalawang beses na yata ito na gusto nang bumitaw ni Payne. Sa maraming pagkakataon na hindi pinansin ni Neal ang bulung-bulongan at tawanan ng mga tao sa paligid nila kapag magkasama sila, ay parang mababalewala lang lahat. Parang kulang pa ang mga naipakita niyang pruweba kay Payne para patunayan niyang totoo siya kay Payne, para patunayan niyang mahalaga si Payne sa buhay niya.Pakiramdam ni Neal kahit ilang beses na niyang naipakitang malinis ang intensyon niya kay Payne, kapag nagkakaroon sila ng ganitong problema, bumabalik siya sa dati, sa step one, na ipapaliwanag nanaman niya ang lahat para makumbinsi si Payne na mahal niya nga ito.Ilan pa kayang pagpapatunay, ilang beses pa siyang magpapaliwanag ng totoong nararamdaman niya kay Payne? Trust? Paano ka na magtitiwala sa sarili mo kung ang taong mahal mo ayaw kang p
"Hindi ako mawawala sa'yo Payne, nandito lang ako maghihintay ako sa'yo kapag buo ka na, kapag kaya mo na ulit pumasok sa mundo natin."Nakatakip ang mga palad ni Payne sa kaniyang mukha at basang -basa na ito ng kaniyang luha, "Umalis ka na Neal, please."Lumipas ang ilang minutong nakabibinging katahimikan sa paligid. Dahil sa lagkit ng pinaghalong pawis at luha sa mukha ni Payne ay napilitan siyang tanggalin ang nanginginig nyang mga palad sa pagal nyang mukha. Pagmulat ni Payne ay wala na si Neal, "Andaya mo naman eh! Akala ko ba hindi ka mawawala! Iniwan mo na talaga ako!" Napatayo si Payne at inihahanda na ang kaniyang mga paa sa paghakbang upang makauwi na sa kanilang bahay.Sa bawat mabigat na paghakbang ni Payne pauwi ay makikitang nasa likod ng isang malaking puno si Neal na nababalot ng lungkot ang kaniyang mga mata at ang mga
Inihahakbang ni Neal ang kaniyang pagod na mga paa sa makulimlim na daan ng Perez Street palabas ng kanilang subdivision magaala-singko ng hapon nung araw na 'yun. Matindi ang pagbuhos ng ulan dahilan upang sumilong si Neal sa isang tindahan malapit sa tigilan ng mga Jeep.Bitbit pa niya sa kaniyang basang balikat ang blue Jansport backpack niyang may lamang limang piraso ng dark-colored shirts, isang faded blue jeans, at tatlong pirasong underwear, hindi na siya nakapgdala ng school uniform.Ang mga mata ni Neal ay ay lalo pang nanliit dahil sa takot at pagka-inis sa kaniyang Mommy. Basang-basa ang kaniyang t-shirt sa pinaghalong ulan at pawis kasabay ng mapapit na luha na dumaloy sa kaniyang mukha."Saan ako pupunta? Ayaw ko ng umuwi sa bahay." Ito ang gumugulo sa isip si Neal habang pinagmamasdan niya ang mga taong nagtatakbuhan sa kaniyang harapan.Kinuha niya angkaniyang cellphone sa kaniy
Tanging ang kaunting sinag ng araw na kumakawala sa bawat siwang ng bintana na nakapalibot sa loob ng gymnasium ang nakikita ng lahat ng mga estudyante, guro at mga magulang. May spotlight na nakatutok sa dulong bahagi ng stage kung saan napukaw nito ang atensyon ng lahat. Dahan - dahang naglakad si Neal papalapit kay Payne na may hawak na bouquet of roses, kasunod niya ang kanilang mga kaibigan na kumakanta ng “We’ve Only just Began”. Iniabot ni Neal ang bouquet kay Payne at tila nanginginid ang luha ng dalagang ng kaniyang iunat ang kaniyang mga kamay at hawakan ang mga bulaklak, tumingin siya ng bahagya kay Maya at ang ngitian nila ang tanda ng pagpapasalamat nila sa isa’t isa. Nagsitayuan ang lahat ng mga magulang, mga guro at lahat ng estudyante ng sabayan nila ang pagkanta ng mga magkakaibigan sa stage. Natapos ang isang awitin ngunit inulit ng mga estudyante ang chorus habang nagyayakapan silang magkakaibigan, magkakaklase at kahit ang kanilang mga saglit na nakaalitan. Reco
Mabilis ang pag-paling ng ulo ni Payne sa kaliwa't kanan, naguguluhan siya sa mga nangyayari sa kaniya. Pilit na kinakalma ni Neal ang kaniyang sarili upang hndi maramdaman ni Payne ang kanyang pag- aalala. Si Ayla naman ay mas nangingibabaw sa kaniyang damdamin at kilos ang pagiging doktor kaya naman nanatili siyang kalmado at may kontrol sa lahat ng nangyayari kaysa pagiging ina na magpapanic sa pinapakitang kilos ng kaniyang anak."Sandali Payne anong nangyayari sa' yo? Sinong baby? Anong baby ang sinasabi mo?" mababakas ang panginginig sa boses ni Neal at halos gusto niyang yakapin si Payne.Nakatingin si Payne sa kawalan habang dahn- dahang tumutulo ang kaniyang mga luha, "Tinanggal nila ang baby natin Neal. Nasaan na ang baby natin? Sorry Neal, sorry...""Mommy sorry po nakagawa kami ng kasalanan ni Neal Patawarin mo po kami mommy."Kumunot ang noo ni Ayla na tila ba nahihiwagaan siya sa rebelasyon ngkaniyang anak. Nakatitig lamang si Neal habang mahigpit niyang hawak ang kama
Tanging ang mahinang ilaw sa poste na nasa labas gate ang nagsisilbing sinag sa maliit at madilim na silid na pinasukan nina Neal at Payne. Sa mabilis na pagbukas ni Neal ng pinto upang maiwasang mabasa sila ng ulan ay napaatras siy ang tatlong segundo at saka dahan -dahan namang inihahakbang niya ang kaniyang mga paa papasok sa silid.Nag - alangan ang mga paa ni Payne na pumasok nang makita niyang madilim at tila nakakatakot ang silid, "Umuwi na tayo Neal, tara na, baka makasabay pa natin sin Maya papalabas ng gate baka may dala silang payong makisilong nalang tayo."Dahan - dahang naglakbay ang mainit na palad ni Neal sa kaliwang kamay ni Payne at buong higpit niya itong tinitigan na para bang sinasabi niyang ibigay lang ang buong tiwala sa kaniya dahil nasa mabuti siyang kamay , bumulong ito ng, "Magpapatila lang tayo ng ulan, baka magkasakit ka, mapagalitan pa ako ni Tita Ayla, saglit lang tayo rito."&nbs
Sabado. Mag - aalas - singko ng hapon. Sa isang madilim at puting kwarto na may malaking salamin ay makikitang nakaupo si Payne na naka - khaki shorts with brown sleeveless top sa dulo ng kama, at si Neal na nakadamit ng white t-shirt at faded jeans ay nakatungo habang nakaupo sa silyang malapit sa isang 32 inches na TV.Mag sasampung minuto nang nababalot ng katahimikan ang paligid. Tanging ang mga buntong - hininga ng magkabilang panig ang maririnig sa bawat sulok ng silid.Biglang tumayo si Payne at itiniklop ang kaniyang mga braso sa unahan ng kaniynag dibdib, "Fine! Nakapag - desisyon na ako. Ako rin naman ang mahihirapan kapag tinuloy ko ito, hindi ba? Katawan ko ito, buhay ko ito. Wala kang pakialam!" Nanginginig ang mukha ni Payne at pinipigalan ang kaniyang mga mata na ilabas ang luha dahil nagtatapang - tapangan siya sa harap n Neal.Tumalikod si Payne at humarap sa bintana upang hindi makita ni Neal ang kaniya
Dahan - dahang iminumulat ni Payne ang kaniyang mga mata, nararamdaman niyang parang may naka dagan sa kaniyang buong katawan. Mula ulo hanggang sa kaniyang mga paa ay hirap na hirap niyang igalaw. Tanging ang kaniyang mga daliri ang may natitirang lakas para damhin ang hangin sa kaniyang paligid.Tila hinaharangan ng hangin ang kaniyang mga tainga kung kaya't sinasala nito ang mga tunog bago pa pumasok sa loob at iproseso ng utak niya. Ang kaniyang pang - amoy ay mas naging sensitibo, ngunit hindi mawari kung anong amoy ang nag- aagawang pumasok sa kaniyang isipan. Nagugulan. Namamagha. Naaaliw. Dahil sa unang pagkakataon, ang kaniyang kaisipan ay malaya at naninibago.Sa kabigatan ng nararamdaman ni Payne sa pagkakataong iyon ay minabuti niyang muling pumikit at damhin ang lamig ng kapaligiran. Ang lamig na dumadaloy sa bawat balahibo ng kaniyang mga braso. Dahan - dahang makikita sa kaniyang mga labi ang kaligayahan sa sandali
Sa isang slow motion effect ay makikitang nagtatawanan sina Gilbert, Maven, at Alvin habang pinagsasaluhan ang inihanda nilang pagkain sa kaarawan ni Neal. Habang si Neal naman ay pigil na pigil sa pagtawa at halos sumakit na ang tyan sa corny jokes ni Gilbert.Sa paulit- ulit na tukso ni Maven kay Gilbert ay mukhang gusto na nga niyang totohanin ang panliligaw kay Shara, ngunit katulad ng iba na may separation anxiety ayaw rin niyang pumasok sa isang relasyon lalo pa nga at malapit na ang graduation nila.Hindi rin siya sigurado kung pareho sila ng papasukan sa college, ngunit si Neal naman ay nagpayo ng "It's better to take the risk than regretting it" pagdating sa love.Kagaya ng ibang typical high school students, masyado pa rin naman silang newbie sa karanasan pagdating sa pakikipagrelasyon, at si Maven naman, sa pagiging relihiyoso niya ay mas pinipili niyang makapagtapos mun
Ilang minuto na ang nakakalipas at nagtatalo ang mga mata nina Shara at Gilbert kung sino ang magbubukas ng pinto, nagsalubong ang mga nakangiting mata nina Alvin at Neal ngunit inihakbang ni Maya ng mabilis ang kaniyang mga paa at lumapit sa pinto, bumuntong hininga.Kung gaano kabilis ang hakbang ni Maya ay ganun rin naman kabagal ang kaniyang kamay para abutin ang doorknob. Napapikit siya ng ilang segundo at inilapat ang kaniyang kanang kamay sa malamig na metal ng doorknob.Sinadya ni Maven na itaas ang kaniyang boses sa nakatalikod na si Maya, Sige na buksan mo na, parang alam mo na din naman kung sino 'yang kumakatok."Nagkibit - balikat lamang si Maya at dahan - dahang binuksan ng pinto...Naunang magpakita ang cake na may kandilang hugis letra, "16" na hinahawakan ng mga malalambot at maputing mga kamay ni..."Tita? Tita Penny? ... Mm... Ma? " Sa mga sandali
Limang minuto bago mag ala- sais nang lumapat ang kaliwang kamay ni Neal sa kaniyang kaliwang mata upang kuyumusin ito. Espesyal ang araw na ito para sa kaniya, bukod sa kaarawan niya, ngayon rin ang unang pagkakataon na mayroon siyang makakasamang girlfriend sa kaniyang kaarawan.Madalas kasi sa mga nauna na niyang relasyon na wala namang nagtagal, bago sumapit ang kaniyang kaarawan ay naghihiwalay na sila. Tinuring na nga niya itong kamalasan dahil kahit anong pilit niya ay mas pinipilit ng panahon na mag- isa siya sa kaniyang kaarawan.Bukod sa nabulabog ang kaniyang tainga sa alarm ng kaniyang cellphone, napilitan siyang buksan ang natutulog niyang mga mata at diwa sa pag- hawi ng kurtina ng nurse na nag- check ng kaniyang vitals.Maayos na ang pakiramdam ni Neal, at nakakagamit na rin sya ng cellphone, naiigalaw na niyang maayos ang kanyang mga kamay at braso. Sa ilang segundo ay itiniklop niyang muli
Lumapit ang pulis kay Alvin at tinulungang itayo ang binata, "Narinig mo pinapatawad ka na at hindi kana idedemanda.""Anak...?" Naguguluhang tawag ni Penny kay Neal."Tama po ang narinig nyo Ma, gusto ko na pong matapos ito. Gusto ko na po agad gumaling, pagkagaling ko, gusto ko pong magsimula tayong muli. Hilumin po natin ang nakaraan Ma, kasama sina Tita Shane at Maya."Napatakbo si Penny kay Neal at pinalibutan nya ng mapagmahal nyang mga braso ang di makagalaw nakatawan ng anak. Ramdam na ramdam ni Neal ang pagmamahal ng kanyang ina sa mga bisig nitong punung - puno ng pangungulila. Hindi napigilan ng lahat na maging emosyonal at mapaluha ng bahagya sa nasaksihan."Anak, napaka - buti ng puso mo, ayaw mong maghiganti sa taong nagkasala sayo. Proud ako, ganyan pala kita pinalaki.""Ma, deserve ko po lahat ng nangyari sa akin at gusto ko na pong itama ang lahat.