Iniangat ni Neal ang kaniyang kamay upang alalayan si Payne sa pagbaba mula sa Jeep at nang mapansing pawisan ang kaniyang palad ay agad niya itong ipinahid sa laylayan ng kaniyang black t-shirt at agad hinawakan ang kaliwang braso ni Payne.
Umirap lamang ang dalaga ngunit sa loob niya'y kinikilig siya sa tuwa at pigil na pigil ang kaniyang pag-ngiti, "Bakit ka naman nandito?" Mabilis niyang pagbaba ng Jeep.
"Nakatambay ako rito sa entrance ng Eco Park, sasakay na ako ng Jeep nang nakita kita, naisip kong alalayan ka sa pagbaba." Habang sinusundan niya sa paglalakad si Payne.
Papasok na sa loob ng Eco-Park si Payne at lumingon ito sa kaniyang likod para harapin si Neal. Agad namang tumakbo si Neal at lumipat ulit sa likod ni Payne kaya napabuntong-hininga ang dalaga, inilagay ang bigat ng kaniyang mga kamay sa tigkabila niyang baywang at nagsalubong ang kanyang mga mata.
"Haay naku Neal!!! Ikaw na ng
Habang nag-aabang ng Jeep sina Neal at Payne sa labas ng Eco-Park ay hinawakan ni Neal ang kamay ni Payne sa huling pagkakataon ng araw na 'yun. Bago sumakay si Payne ng Jeep ay baon niya ang matatamis na ngiti ni Neal, ngiti ng pagkagalak na muli niyang nakita ang binata at ngiti ng paniniwalang magiging tapat sa kaniya si Neal sa araw-araw kahit hindi sila magkasama. Ngiti ng pagtitiwala na ayaw niyang tanggalin sa puso niya. At sa paglayo ng Jeep na sinasakyan ni Payne ay baon naman ni Neal ang pag-asang baka naman bukas ay magbago ang isip ni Payne at surpresang makita niya ito sa finals. Namimiss na niya ang dalaga, ang totoo pinipigilan niya ang sarili niyang yakapin lagi si Payne dahil masasanay siya at lalo lang niyang mamimiss, naiisip niyang hindi pa panahon para sa kanila ang ganoong mga bagay. Natatakot siya sa maaaring mangyari, mabuti man o masama, mas okay na ang nag-iingat. Ibinukod kasi niya si Payne sa mga babaeng napag
Sa pagitan ng kumakabog na dibdib nina Diana at Neal ay ang palitan nila ng maiinit na hininga at malalagkit na tinginan. Tumigil ng ilang segundo ang takbo ng oras at parang nadadala na si Neal sa tempting moves ni Diana pero sasagi sa isip niya ang maamong mukha ni Payne.Biglang marerealize ni Neal ang mga pangakong binitawan niya kay Payne, "Ano ka ba?!" Itinulak nito ang mga nanghihinang balikat ni Diana, "Bakit ginagawa mo 'to?! Anong problema mo?!"Agad na nagbihis si Neal ng white t-shirt at kinuha ang kaniyang sports bag at nang palabas na siya sa pinto..."Gustong kong gantihan si Payne!" nanlilisik ang mga mata ni Diana.Tumigil ang pag-hakbang ni Neal palabas ng Men's Roon at hinarap si Diana na may pagtataka, "Kilala mo si Payne? Anong kinalaman ni Payne sa'yo?""Girlfriend mo si Payne hindi ba?" Pagtataray na boses ni Diana.
"Ito ba 'yung basketball player sa Abelardo High School?" "Oo, ito 'yung super cute at chinito na MVP." "Eh balita ko marami na daw 'yan naging girlfriends." "Ganun? Balita ko naman autistic daw ang girlfriend niyan ngayon." "Ha? Sino?" "Si Payne!" "Si Payne?! 'Yung chess player?!" Ito ang paulit-ulit na bulungan ng ibat-ibang grupo ng estudyante na nilalampasan ni Maya mula sa gym hanggang makalabas siya ng gate ng university. Naiinis siya kay Neal at nagaalala kay Payne habang pasakay siya sa Jeep.Nakarating na kay Mrs. Martinez ang principal ng Abelardo High School ang video scandal nina Neal at Diana pinaulit-ulit niya itong pinanood. Malaking kahihiyan ito ng kanilang paaralan na madawit sa ganitong klaseng eskandalo. Lalo pang nakadagdag sa pagkainis ni Mrs. Martinez ang maraming negative comments ng mga tao sa kanilang paaralan.Pasakay na sana si Ma
Sa gulat ni Neal sa pinakita ni Payne ay napatigil siya ng ilang segundo. Lumaki angbilog ng kaniyang mga mata, napanganga at napahawak sa ulo. Agad niyang kinuha ang kaniyang cellphone at sinubukang sumagot ngunit naka-loudspeaker pala ito, "Hello. Hello!"Sumagot si Diana na may halong pang-aasar, "Nagustuhan mo ba ang sinend kong video? Neal... namimiss na kita... dito ka na ulit sa akin please...Hahahaha!"Mapang-akit na tawa ang binitiwan ni Diana habang nasa linya siya. Sa galit ni Neal ay agad niyang ini-off ang kaniyang cellphone."Bakit hindi mo kinausap? Sana sumagot ka manlang." Kalmadong boses ni Payne habang nakaupo sa gutter ng daan sa ilalim ng puno."Eh bakit ko kakausapin, pina-prank lang ako niyang si Diana. Una, 'yung picture namin hindi totoo 'yun. Nagulat na nga lang ako at ganun angmga comments. Hindi ako nakatawa or masaya nung time na 'yun. Kung titingnang
"TIGILAN NA NATIN 'TO."Sandali, tama ba ang narinig ni Neal?Pangalawang beses na yata ito na gusto nang bumitaw ni Payne. Sa maraming pagkakataon na hindi pinansin ni Neal ang bulung-bulongan at tawanan ng mga tao sa paligid nila kapag magkasama sila, ay parang mababalewala lang lahat. Parang kulang pa ang mga naipakita niyang pruweba kay Payne para patunayan niyang totoo siya kay Payne, para patunayan niyang mahalaga si Payne sa buhay niya.Pakiramdam ni Neal kahit ilang beses na niyang naipakitang malinis ang intensyon niya kay Payne, kapag nagkakaroon sila ng ganitong problema, bumabalik siya sa dati, sa step one, na ipapaliwanag nanaman niya ang lahat para makumbinsi si Payne na mahal niya nga ito.Ilan pa kayang pagpapatunay, ilang beses pa siyang magpapaliwanag ng totoong nararamdaman niya kay Payne? Trust? Paano ka na magtitiwala sa sarili mo kung ang taong mahal mo ayaw kang p
"Hindi ako mawawala sa'yo Payne, nandito lang ako maghihintay ako sa'yo kapag buo ka na, kapag kaya mo na ulit pumasok sa mundo natin."Nakatakip ang mga palad ni Payne sa kaniyang mukha at basang -basa na ito ng kaniyang luha, "Umalis ka na Neal, please."Lumipas ang ilang minutong nakabibinging katahimikan sa paligid. Dahil sa lagkit ng pinaghalong pawis at luha sa mukha ni Payne ay napilitan siyang tanggalin ang nanginginig nyang mga palad sa pagal nyang mukha. Pagmulat ni Payne ay wala na si Neal, "Andaya mo naman eh! Akala ko ba hindi ka mawawala! Iniwan mo na talaga ako!" Napatayo si Payne at inihahanda na ang kaniyang mga paa sa paghakbang upang makauwi na sa kanilang bahay.Sa bawat mabigat na paghakbang ni Payne pauwi ay makikitang nasa likod ng isang malaking puno si Neal na nababalot ng lungkot ang kaniyang mga mata at ang mga
Inihahakbang ni Neal ang kaniyang pagod na mga paa sa makulimlim na daan ng Perez Street palabas ng kanilang subdivision magaala-singko ng hapon nung araw na 'yun. Matindi ang pagbuhos ng ulan dahilan upang sumilong si Neal sa isang tindahan malapit sa tigilan ng mga Jeep.Bitbit pa niya sa kaniyang basang balikat ang blue Jansport backpack niyang may lamang limang piraso ng dark-colored shirts, isang faded blue jeans, at tatlong pirasong underwear, hindi na siya nakapgdala ng school uniform.Ang mga mata ni Neal ay ay lalo pang nanliit dahil sa takot at pagka-inis sa kaniyang Mommy. Basang-basa ang kaniyang t-shirt sa pinaghalong ulan at pawis kasabay ng mapapit na luha na dumaloy sa kaniyang mukha."Saan ako pupunta? Ayaw ko ng umuwi sa bahay." Ito ang gumugulo sa isip si Neal habang pinagmamasdan niya ang mga taong nagtatakbuhan sa kaniyang harapan.Kinuha niya angkaniyang cellphone sa kaniy
Ang buong akala ni Neal magiging komportable siya sa pamilya ni Maven, akala rin niya nakahanap na siya ng kakampi. Hindi tuloy alam ni Neal kung magpapaalam na siya para umalis o magpapatuloy nalang hanggang matapos siya sa kaniyang dinner at deadmahin nalang ang mga pangyayari."Pp..po?" Mabilis na pagdagundong ng dibdib ni Neal at ang pagnguya niya ay pabagal ng pabagal."Hahahaha!" Halos mailuwa ni Maven ang kanin sa kaniyang bibig dahil sa binitawan niyang halakhak.Napasulyap si Neal habang ngumunguya at naisip niyang, "Dyahe 'tong si Maven, ano kayang nakakatawa dun?!""Joke lang 'yun Neal...masyado ka kasing seryoso... masanay ka na sa pamilya namin ha..." Iniabot ni Erlyn ang isang slice ng papaya kay Neal at pinakawalan niya ang matamis na ngiti na parang anak niya ang kaharap niya."Aah... eh... pase