Sa pagitan ng kumakabog na dibdib nina Diana at Neal ay ang palitan nila ng maiinit na hininga at malalagkit na tinginan. Tumigil ng ilang segundo ang takbo ng oras at parang nadadala na si Neal sa tempting moves ni Diana pero sasagi sa isip niya ang maamong mukha ni Payne.
Biglang marerealize ni Neal ang mga pangakong binitawan niya kay Payne, "Ano ka ba?!" Itinulak nito ang mga nanghihinang balikat ni Diana, "Bakit ginagawa mo 'to?! Anong problema mo?!"
Agad na nagbihis si Neal ng white t-shirt at kinuha ang kaniyang sports bag at nang palabas na siya sa pinto...
"Gustong kong gantihan si Payne!" nanlilisik ang mga mata ni Diana.
Tumigil ang pag-hakbang ni Neal palabas ng Men's Roon at hinarap si Diana na may pagtataka, "Kilala mo si Payne? Anong kinalaman ni Payne sa'yo?"
"Girlfriend mo si Payne hindi ba?" Pagtataray na boses ni Diana.
"Ito ba 'yung basketball player sa Abelardo High School?" "Oo, ito 'yung super cute at chinito na MVP." "Eh balita ko marami na daw 'yan naging girlfriends." "Ganun? Balita ko naman autistic daw ang girlfriend niyan ngayon." "Ha? Sino?" "Si Payne!" "Si Payne?! 'Yung chess player?!" Ito ang paulit-ulit na bulungan ng ibat-ibang grupo ng estudyante na nilalampasan ni Maya mula sa gym hanggang makalabas siya ng gate ng university. Naiinis siya kay Neal at nagaalala kay Payne habang pasakay siya sa Jeep.Nakarating na kay Mrs. Martinez ang principal ng Abelardo High School ang video scandal nina Neal at Diana pinaulit-ulit niya itong pinanood. Malaking kahihiyan ito ng kanilang paaralan na madawit sa ganitong klaseng eskandalo. Lalo pang nakadagdag sa pagkainis ni Mrs. Martinez ang maraming negative comments ng mga tao sa kanilang paaralan.Pasakay na sana si Ma
Sa gulat ni Neal sa pinakita ni Payne ay napatigil siya ng ilang segundo. Lumaki angbilog ng kaniyang mga mata, napanganga at napahawak sa ulo. Agad niyang kinuha ang kaniyang cellphone at sinubukang sumagot ngunit naka-loudspeaker pala ito, "Hello. Hello!"Sumagot si Diana na may halong pang-aasar, "Nagustuhan mo ba ang sinend kong video? Neal... namimiss na kita... dito ka na ulit sa akin please...Hahahaha!"Mapang-akit na tawa ang binitiwan ni Diana habang nasa linya siya. Sa galit ni Neal ay agad niyang ini-off ang kaniyang cellphone."Bakit hindi mo kinausap? Sana sumagot ka manlang." Kalmadong boses ni Payne habang nakaupo sa gutter ng daan sa ilalim ng puno."Eh bakit ko kakausapin, pina-prank lang ako niyang si Diana. Una, 'yung picture namin hindi totoo 'yun. Nagulat na nga lang ako at ganun angmga comments. Hindi ako nakatawa or masaya nung time na 'yun. Kung titingnang
"TIGILAN NA NATIN 'TO."Sandali, tama ba ang narinig ni Neal?Pangalawang beses na yata ito na gusto nang bumitaw ni Payne. Sa maraming pagkakataon na hindi pinansin ni Neal ang bulung-bulongan at tawanan ng mga tao sa paligid nila kapag magkasama sila, ay parang mababalewala lang lahat. Parang kulang pa ang mga naipakita niyang pruweba kay Payne para patunayan niyang totoo siya kay Payne, para patunayan niyang mahalaga si Payne sa buhay niya.Pakiramdam ni Neal kahit ilang beses na niyang naipakitang malinis ang intensyon niya kay Payne, kapag nagkakaroon sila ng ganitong problema, bumabalik siya sa dati, sa step one, na ipapaliwanag nanaman niya ang lahat para makumbinsi si Payne na mahal niya nga ito.Ilan pa kayang pagpapatunay, ilang beses pa siyang magpapaliwanag ng totoong nararamdaman niya kay Payne? Trust? Paano ka na magtitiwala sa sarili mo kung ang taong mahal mo ayaw kang p
"Hindi ako mawawala sa'yo Payne, nandito lang ako maghihintay ako sa'yo kapag buo ka na, kapag kaya mo na ulit pumasok sa mundo natin."Nakatakip ang mga palad ni Payne sa kaniyang mukha at basang -basa na ito ng kaniyang luha, "Umalis ka na Neal, please."Lumipas ang ilang minutong nakabibinging katahimikan sa paligid. Dahil sa lagkit ng pinaghalong pawis at luha sa mukha ni Payne ay napilitan siyang tanggalin ang nanginginig nyang mga palad sa pagal nyang mukha. Pagmulat ni Payne ay wala na si Neal, "Andaya mo naman eh! Akala ko ba hindi ka mawawala! Iniwan mo na talaga ako!" Napatayo si Payne at inihahanda na ang kaniyang mga paa sa paghakbang upang makauwi na sa kanilang bahay.Sa bawat mabigat na paghakbang ni Payne pauwi ay makikitang nasa likod ng isang malaking puno si Neal na nababalot ng lungkot ang kaniyang mga mata at ang mga
Inihahakbang ni Neal ang kaniyang pagod na mga paa sa makulimlim na daan ng Perez Street palabas ng kanilang subdivision magaala-singko ng hapon nung araw na 'yun. Matindi ang pagbuhos ng ulan dahilan upang sumilong si Neal sa isang tindahan malapit sa tigilan ng mga Jeep.Bitbit pa niya sa kaniyang basang balikat ang blue Jansport backpack niyang may lamang limang piraso ng dark-colored shirts, isang faded blue jeans, at tatlong pirasong underwear, hindi na siya nakapgdala ng school uniform.Ang mga mata ni Neal ay ay lalo pang nanliit dahil sa takot at pagka-inis sa kaniyang Mommy. Basang-basa ang kaniyang t-shirt sa pinaghalong ulan at pawis kasabay ng mapapit na luha na dumaloy sa kaniyang mukha."Saan ako pupunta? Ayaw ko ng umuwi sa bahay." Ito ang gumugulo sa isip si Neal habang pinagmamasdan niya ang mga taong nagtatakbuhan sa kaniyang harapan.Kinuha niya angkaniyang cellphone sa kaniy
Ang buong akala ni Neal magiging komportable siya sa pamilya ni Maven, akala rin niya nakahanap na siya ng kakampi. Hindi tuloy alam ni Neal kung magpapaalam na siya para umalis o magpapatuloy nalang hanggang matapos siya sa kaniyang dinner at deadmahin nalang ang mga pangyayari."Pp..po?" Mabilis na pagdagundong ng dibdib ni Neal at ang pagnguya niya ay pabagal ng pabagal."Hahahaha!" Halos mailuwa ni Maven ang kanin sa kaniyang bibig dahil sa binitawan niyang halakhak.Napasulyap si Neal habang ngumunguya at naisip niyang, "Dyahe 'tong si Maven, ano kayang nakakatawa dun?!""Joke lang 'yun Neal...masyado ka kasing seryoso... masanay ka na sa pamilya namin ha..." Iniabot ni Erlyn ang isang slice ng papaya kay Neal at pinakawalan niya ang matamis na ngiti na parang anak niya ang kaharap niya."Aah... eh... pase
Sumingkit ang mga mata ni Ayla dahil parang namamalik-mata lamang siya. Isang pigura ng lalake na nakatayo sa labas ng kanilang gate, may hawak na pulang payong sa gitna ng malakas na ulan at kumikidlat na kalangitan."Si Neal ba 'yun?" Napatanong muli si Ayla sa kaniyang sarili hanggang sa..."Ding Dong!""Tao po... Tao po..."Mahinang tawag ni Neal dahil hinaharangan ng nakakabasag-tengang ulan ang kaniyang boses."Aba eh si Neal nga." Agad na kinuha ni Ayla ang kanilang berdeng payong na nakasabit sa umbrella rack na nasa likod ng kanilang pinto. Bilisan niyang binuksan ang kanilang front door at patakbong lumapit sa kanilang gate, "Anong ginagawa mo dito Neal? lampas 9 na ng gabi. Napakalakas ng ulan." Habang binubuksan niya ang gate at pinapasok si Neal sa loob ng kanilang bahay."Pasensya na po Tita Ayla, pasensya na po sa istorbo." iwinawagwag ni Neal
"BLAG!" Napamulaga si Payne at napa-atras si Neal dahil nagbukas ang pinto ng silid ni Ayla. Napatakbo ang binata sa likod ng pinto ng dirty kitchen at nagtago. Pupungas - pungas pa si Ayla dahil alas dose na ng madaling araw, "Payne, ikaw ba 'yan? Bakit nasa kusina ka pa madaling araw na ah." Humahaba ang leeg ng dalaga, "Uminom lang po ako Mommy papunta na po ako sa room." "Oh sige iihi lang ako, matulog ka na ulit." Sumensyas ang mga mata ni Payne kay Neal na papasok na siya sa kaniyang kuwarto at minsan pang hinawakan ni Neal ang kamay ni Payne hanggang sa mag-slide lang ang kamay ng dalaga sa kamay ng binata hanggang sa makalabas ito sa pinto ng dirty kitchen, ini-off ni Payne ang switch ng ilaw at bumulong sa pinto ng kanilang CR, "Pasok na po ako sa room." Hinintay ni Neal na magsara ang pinto ni Payne at bilisan siyang bumalik sa sofa, at