Share

Chapter 22 - Wrong Messages

Nanginginig ang mga kamay ni Maya. Huminto ng pilit ang kaniyang mga paa sa pag-hakbang. Parang nanlalambot ang kaniyang kalamnan at umiikot ang kaniyang paningin sa pagkalito.

Naguguluhan siya dahil hindi ito ang pagkakakilala niya kay Lee, iniisip niyang sa pagbabago ng nakasanayang pangalan ni Lee, nabago ito bilang Brian kasabay ng pagbabago ng kaniyang pag-uugali. Ngunit, pareho lang ang damdamin ni Maya nuong bata siya na may lihim siyang pagtingin kay Lee at ngayong kaharap na niya si Brian.

Hindi  rin niya alam kung magsisisi ba siyang nakipag-date siya kay Brian dahil sa pagiging possessive niyang ugali. Maraming tumatakbo sa isipan ni Maya, "Ito ba talaga ang Lee na malambing at selfless na nakilala ko nuong bata pa ako?"

 

"Bbb...Brian...? O...okay ka lang ba?" kumakabog sa kaba ang dibdib ni Maya, natatakot siya pero kung kakawala siya sa mahigpit na pagkakahawak nito sa kaniya ay baka lalong magalit si Brian.

Dahan-dahang tumingin sa kaniya si Brian at lalong hinigpitan ang kapit sa kamay ni Maya, "Sasamahan na kita, gabi na kasi delikado sa daan." Ngumiti siya at nag-iwan ng 1000 peso bill sa table, sobra pa sa bill ng inorder nila. 

Dumiretso sa parking area si Brian at sumunod lang si Maya na nagmamadaling  humakbang ang mga nanginginig niyang mga paa. Isang red Hyundai Accent ang nilapitan niyang sasakyan at pinindot ang hawak niyang car remote na kinuha niya mula sa kaniyang bulsa.

Ang nanginginig na mga paa niya ay napalitan ng excitement, "Sa'yo ba ito Lee?... ah... Brian pala."

Pinagbuksan ni Brian si Maya ng pinto, "Oo, ito ang regalo sa akin ng Daddy ko."

 Nagsimula nang paandarin ni Brian ang sasakyan, si Maya naman ay komportableng nakaupo at nagpatuloy sa kwento si Brian, "Ang pinambili nito ay galing sa trust fund na iniwan ni Daddy sa akin, pasensya ka na sa attitude ko kanina ha, 'wag ka sanang madala sa akin ha?" Ngumiti si Brian para mapawi ang nararamdamang kaba ni Maya.

"Ah... okay lang. Haaay! Kinabahan ako kanina sa pinakita mo, 'wag mo na ulit gagawin 'yun ha!" Pinalo ni Maya ang kanang braso ni Brian.

Itinuro ni Maya kung saan ang direksyon papunta sa bahay nina Payne. Around 7:30 na ng gabi nang makarating sila at nakita niyang nakaupo sa terrace ang mommy ni Payne at may kausap ito sa kaniyang cellphone. Nang makita niya si Maya na nasa labas ng gate ay nagsenyas itong pumasok nalang siya sa loob ng bahay. Nagmamadaling pumasok sa loob si Maya at dumiretso sa kwarto ni Payne.

Sinilip ng Mommy ni Payne kung sino ang naghatid kay Maya at si Brian naman ay lumabas ng kotse, tumango at ngumiti bilang pagbibigay-galang ngunit mas pinili niyang manatili sa loob ng kotse na nakabukas ang mga bintana.  

"Maya..." Napapaiyak si Payne nang pumasok si Maya sa kaniyang kwarto at ipinapakita ang picture sa kaniyang cellphone.

"Ano yan?" Lumapit si Maya at umupo sa tabi ni Payne. Kinuha niya ang cellphone at lalong lumiit ang kaniyang mata dahil medyo malabo ang picture na nasa camera.

"Teka... si Neal ba'to? Sino naman 'tong girl na'to? Kanino galing ang picture na'to?" Mabils pa sa alas-kwatro niyang tugon.

Tumango si Payne at pinahiran ang mga pisngi niyang dinaluyan ng luha, "Hindi ko alam, sinend lang 'yan sa akin ng isang dummy account sa messenger ko."

Nabago bigla ang tono ni Maya at gustong depensahan si Neal, " Parang hindi naman 'toh si Kuya... este si Neal pala..." Ibinaba niya ang cellphone ni Payne sa bed.

"Ano ka ba Maya?!" Tumaas ang tono ng boses ni Payne pero narealize niyang dapat siyang kumalma, "Wala ka bang nakitang kakaiba sa kilos ni Neal nung laban nila?"

Kalamado lang ang boses ni Maya, ayaw na niyang dumagdag pa sa stress ni Payne, "Paano ko naman malalaman Payne? Magkaiba kami ng court at sabay ang oras ng laban namin." bumulong ng bahagya si Maya, "Pati ba naman si Neal..."

Lumingon si Payne na parang narinig niya ang sinabi ng kaibigan niya, "Ano 'yun Maya?"

"Wala Payne, hayaan mo na, iimbestigahan ko kung totoo nga 'yang picture na 'yan kung si Neal nga 'yan. At kung true man 'yan aalamin ko kung sino 'yang girl na 'yan."

Kumatok ang mommy ni Payne para sabihing, "Maya, baka mainip 'yung kasama mo sa labas."

"Ah opo tita, matatapos na po kami ni Payne dito."

"Kasama? May kasama ka na nasa labas?"

"Ah oo besprend, mahabang kwento eh, pero sige share ko." kinikilig nitong sabi.

Interesado si Payne sa ikkuwento ni Maya at nalimutan na niyang itanong ang tungkol sa picture ni Neal, "Ano ba 'yun?"

"O sige, mabilis lang 'to ha, nakakahiya kasi sa kaniya kanina pa siya naghihintay sa labas. May tumawag sa akin, si Brian college student sa Holy Angels University, yung school na host para sa Inter-School Competition, hiningi niya number ko from Gilbert na pinsan niya, super duper cute niya Payne kamukha siya ni Park Seo Jun! hahahhah!"

"Talaga? O tapos?" Sinabayan ni Payne ang kaligayahan at kilig ni Maya at pati siya ay nakaramdam rin ng kilig dahil first time na nagkwento si Maya tungkol sa crush.

" Siya pala si Lee na kababata at kalaro ko dati sa village namin. Crush na crush ko kaya siya dati...Dati naiinis ako sa'yo kasi may lovelife ka na with Neal, tapos ako..."

Hinawakan ni Payne ang mga kamay ni Maya, "Masaya ako sa'yo Maya, ngayon 'wag mo na akong alalahanin, tapos na ang pagiging assistant mo sa akin..." Nakangiti nitong pagapapalaya kay Maya.

"Haay ano ka ba Payne! bestfriend mo ako, hindi ko itinuring na obligasyon ang pag-aalaga at pagbabantay ko sa'yo. Unconditional love ang ganun Payne."

Natatawang sagot ni Payne, "Maya naman... napaka-selfless mo, buong elementary at high school natin ako ang focus mo, gusto ko naman magkaroon ka rin syempre ng lovelife. Masaya ako na masaya ka,  pero sana...huwag mangyari sa'yo ang nangyayari sa akin ngayon."

"Haay Payne, di pa naman tayo sigurado kung si Neal nga 'yan..."

"Naku naman Maya, isesend ba ito sa akin kung hindi siya siguradong si Neal 'yun? Anyway..."

Biglang tumunog ang cellphone ni Payne...

"Tumatawag si Neal, anong sasabihin ko?" kinakabahang tanong ni Payne ngunit nangingibabaw ang kaniyang pagka-inis.

"Go! Sagutin mo...i-confront mo sya tungkol sa picture na sinend sa'yo sa messenger para ma-confirm mo kung siya nga 'yun at kung sino 'yung babaeng ka-holding hands niya sa labas ng men's room."

Nagmamadaling sinagot ni Payne ang cellphone niya at mabilis din ang kaniyang pananalita, "Hello Neal bakit ka tumawag? Magtext nalang tayo, nagrereview kasi ako sige ha bye."

"Oh bakit mo ginanun si Neal, hindi manlang siya nakapagsalita."

"Ayokong marinig niya ang totoong feelings ko, sa text pwede akong magkunwari hayaan mo na Maya lalabas rin naman ang totoo."

"O sige besprend, may tiwala naman ako sa'yo, aalis na ako ha at kawawa naman si Brian, este si Lee, ay si Brian pala, hay paiba-iba pa kasi pangalan niya. Basta kanina pa kasi siya naghihintay baka pinapak na siya ng lamok. Hahahhaha! Bye besprend, i-update mo ako ha, at i-uupdate din kita." Humalik sa kanang pisngi ni Payne si Maya at niyakap ito ng mahigpit at nag-iwan lang si Payne ng matamis na may halong lungkot na ngiti kay Maya.

Nagsimula ng magpalitan ng text messages sina Neal at Payne:

NEAL: "Bakit ibinaba mo agad? Gusto kong marinig ang boses mo." 

PAYNE: "Nagre-review kasi ako pasensya na."

NEAL: "Kumusta ka na? Magpalakas ka ha? Gusto kong makapunta ka sa Holy Angels University sa final game. Gusto kitang makita habang naglalaro ako."

PAYNE: "Huwag na...kayang-kaya mo naman 'yun, isa pa hindi ko alam kung okay ba ang pakiramdam ko pagdating ng finals."

NEAL: "May problema ba tayo Payne?"

PAYNE: "Problema? Ako wala, baka ikaw meron..."

NEAL: "Ako? Well, eto namimiss kita, 'yun ang problema ko."

Biglang nagtext si DIANA kay Neal, "Hi Neal, this is Diana, do you still remember my scent?"

Nabigla si Neal dahil ang reply ni Payne ang hinihintay niya ngunit ang kay Diana ang nag-appear sa kaniyang cellphone.

NEAL to DIANA: "Oo naman! Hehehehe... naiwan mo kaya ang amoy mo, hehe..." Ito ang reply ni Neal alam niyang si Diana na huamawak ng kamay niya kanina ang nagtetext sa kanya habang nakangisi ito at hindi interesado, salungat sa binitiwan niyang mga letra.

PAYNE: "Totoo bang miss mo ako Neal? Galing si Maya dito kanina."

NEAL to PAYNE: "Ah... oo miss na kita, kailan ba ako pwedeng pumunta diyan sa house niyo?"

DIANA: "Sinadya kong iwan ang amoy ko sa'yo Neal para hindi mo ako makalimutan."

PAYNE: "Hindi pa pwede Neal eh, ayaw pa ni Mommy, siguro kapag pupunta ka dito, isama mo si Maya para hindi naman gaanong mainis si Mommy at para pumayag din siya."

NEAL to DIANA: "Oo, naadik nga ako sa amoy mo, hehe... makikita ba kita bukas sa 2nd game namin?"

NEAL to PAYNE: "Sige, Payne isasama ko si Maya para may backer ako, hehe... kumusta ang pag-rereview mo?"

DIANA: "Oo naman, galingan mo ha, present ako sa game mo bukas para i-cheer ka."

NEAL to DIANA: "Talaga baka magalit ang team nyo sabihin balimbing ka...hehe..."

PAYNE: "Kumusta nga pala ang game niyo kanina?"

NEAL to PAYNE: "Okay lang panalo kami, bukas 2nd game na."

PAYNE: "May nakilala ka bang bagong student?"

DIANA: "Haay Neal... eh ano naman kung i-cheer kita, isa pa eh bulok naman talaga ang players namin, hahaha! Kulang sa practice, di kagaya mo... 3in1... hahahha!"

NEAL to PAYNE: "Ah... wala naman, kami-kami lang ang magkakasama nina Gilbert at Maven after ng game."

NEAL to PAYNE: " Haha! Thank you ha, hanapin kita bukas kung ichicheer mo nga ako, wait ano namang 3in1 'yan Diana?" 

Iyon ang reply ni Neal na aksidenteng nai-send nya kay Payne ngunit hindi na niya mababawi dahil naisend na niya ito kaya naman nagsimula nang tumulo ang malalamig niyang pawis mula sa kaniyang ulo.

"DIANA? SINONG DIANA NEAL?" kinabahan ng husto si Neal dahil alam niyang galit si Payne dahil caps lock ang lahat ng letra ng reply niya.

"Haay... Baliw ka talaga Neal! Bakit kasi na-wrong sent ka pa?! Di bale, malinis ang konsensya ko, gusto ko lang pasakayin si Diana at hindi ang para lokohin si Payne, ok?" Ito ang bumubulong sa isip si Neal, hindi niya kasi hahayaan na masira ang relasyon nila ni Payne dahil lang kay Diana.

"Diana? Ah...pinsan ko, hindi ba nasabi sa'yo ni Maya? Nagkita kami kanina sa university tapos napanood niya ang game ko, actually nagyaya siyang mag-coffee shop after ng game kasama sina Maya at iba pa naming friends eh sabi ko naman baka 3in1 coffee lang naman ang i-serve sa amin dun, kaya ayun di nalang ako sumama, sabi ko next time nalang..."

"3 in 1 ka Neal, mabango, mapogi at magaling. Hahahaha! " Ito ang huling text ni Diana dahil hindi na rin nag-reply si Neal sa kaniya, sa takot ni Neal na baka ma-wrong sent nanaman sya.

Hindi na rin nag-abala si Diana na maghintay ng reply ni Neal dahil pinagtitripan lang naman niya ang binata. Gagamitin lang niyang ebidensya ang palitan nila ng text messages para inisin si Payne.

Muling nag-reply si Payne at kinakabahan si Neal sa isasagot nito, "Okay... Sabi mo eh, pero may gusto sana akong i-confirm."

"Hmmm...ano kaya yun?" ito ang tanong sa isip ni Neal pero mas pinili niyang maging kalmado dahil akala  niya ay nalusutan na niya ang tungkol sa conversation nila ni Diana.

"Sige, ano 'yun Payne?" 

"May isesend akong picture sa messenger mo ngayon duon nalang tayo magchat."

Agad binuksan ni Neal ang messenger app niya at nakita niya ang photo na sinend ni Payne na nakahawak si Diana sa kaniyang kamay habang nakangiti si Neal ngunit ang mukha ni Diana ay hindi nahagip ng camera.

Biglang sumama ang pakiramdam ni Neal. Naala-ala niya ang eksenang ito at hindi niya alam kung sino ang kumuha ng picture nila ni Diana. Sa angulo ng kuha ng camera ay  maaring isipin ng iba na masaya si Neal sa ibinubulong ni Diana.

"Payne, let me explain, it's not what you think..." ito ang nanginginig na chat ni Neal sa messenger.

Nagreply lang si Payne ng, "Ito ba si Diana? Para namang hindi mo siya pinsan..."

Hindi alam ni Neal kung paano niya dedepensahan ang sarili niya, alam niyang nakagawa siya ng mali kay Payne...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status