"Welcome to the 52nd Foundation Anniversary of Abelardo High School..."
Ito ang maagang bungad ng 45-minute speech ni Mrs. Martinez. Ewan ko ba naman parang pare-pareho lang naman ang opening remarks niya taun-taon, iniiba lang and numero kung pang-ilang foundation anniversary na ng school namin.
Habang tuluy-tuloy ang speech ng aming principal ay tuluy-tuloy din naman ang pang-gagaya ng mga estduyante sa mala-Cita Astals niyang pananalita. Siguro namememorize na rin nila ang speech ni Mrs. Martinez.
"Bakit kaya iyon at iyon din naman ang sinasabi ni Mrs. Martinez, na kailangan nating mag-champion at mag-compete sa ibang school para makilala tayo? Tayo ba o para makilala siya at ang school?", tanong ng isang babaeng senior student na kagaya ko habang paikot-ikot ang kaniyang daliri sa sampung hibla ng kaniyang kulot na buhok.
Sinagot siya ni Maya, "Bakit ayaw nyo bang nakikipag-compete sa ibang school? Eh di huwag kayong umeffort." sabay irap niya sa babaeng senior student.
Sabat naman ni Gibert, "hindi naman sa ganun Maya kaya lang, marami na kasing pangakong napako si Mrs. Martinez lalo na pagdating sa cash prizes."
"At siyempre kapag nanalo ka kakausapin ka ni Mrs. Martinez ng, "Uuy i-donate mo nalang ang cash prize mo sa beautification ng ating school." habang ginagaya ni Shara ang pananalita at kilos ng aming principal.
"Eh di huwag kayong pumayag!" Bahagyang pag-sigaw ni Maya kaya medyo siniko ko ang braso niya.
"Psst! hayaan mo na nga!" Pagtitig ko sa kaniya.
"Ikaw kasi Payne, nagbibigay ka sa school mula sa cash prize mo sa chess competition kaya ayun lab na lab ka ni Mrs. Principal kaya kapag inaatake ka ng seizures mo in the middle of your competition ayan na si Ma'am to the rescue." Pangungutya ng isang lalakeng senior high school na hindi ko naman ka-close.
"Oy! huwag mong ganyanin si Payne ha! Porket di ka pa nananalo, lagi kang putut sa ranking!" pagtatanggol ni Maya sa akin.
"Hhahahhahhahah!" nagtawanan ang mga kaklase ko na hindi nag-iisip na nasa court kami at nakapila kaya sumama ang tingin sa amin ni Sir Jack.
"Pst! Ano ba kayo, ok lang 'yun." nahihiya kong sagot sa mga kaklase ko.
Pagkasabi ni Mrs. Martinez ng, "Thank you and Goodluck to all of us!" ay biglang nagpulasan na ang mga estudyante at kaniya-kaniya ng punta sa designated places for their competition.
Niyakap ako ni Maya sa likod at ipinatong ang ulo niya sa balikat ko, "Good Luck best friend."
"Laki naman ng ribbon mo Maya sakop na buong mukha ko. hahahhah!" pagharap ko sa kaniya habang hawak ang braso ni Maya.
"Grabe kalahati lang naman ng mukha ko Payne!" habang inaayos niya ang ga-higanteng ribbon niyang parang kay Jojo Siwa.
"Goodluck Maya sa volleyball mo." ngiti kong sabi sa kaniya.
"Ikaw din, last na ito, pero manalo matalo eh... may prize pa rin tayo! hahahhaha!" gigil niyang tawa sa akin.
"Sira!" habang papalayo na kami sa isat-isa at kumakaway kami ng may halong excitement.
Nabangga ang likod ko habang paatras akong kumakaway kay Maya at si Maya naman ay tumalikod na sa akin at tumakbo na agad sa direksyon ng Gym.
"Ooops! Watch your steps." Boses it ni Neal, lumaki ang mata ko sa tuwa at tumaas ang balikat ko.
"Ikaw pala 'yan Neal." Pagharap ko sa kaniya habang hawak ko sa unahan ng dibdib ko ang aking backpack.
"Pupunta ka na ba sa chess room?" Nakangiti niyang tanong sa akin habang hawak niya sa tigkabilang kamay niya ang ibat-ibang kulay ng flaglets.
"Uhm.. oo, ikaw? Dito kayo sa court hindi ba?" nakatitig kong tanong sa kaniya.
"Yy...yes!" habang iwinawagayway ni Neal ang mga dala niyang flaglets
"Neeeeeal!!!!" Malakas na tawag ni Sir Jack sa kaniya sabay sensyas ng hinlalaki ni Neal na kailangan na niyang umalis.
"Sige Neal, goodluck ha? Aja!" itinaas ko ang aking kamao habang papalayo si Neal at kumakaway sa akin.
-------------
Naghiwalay ang landas nina Payne at Neal na baon nila ang pag-asang mananalo sila sa competition ngayong taong ito. Katulad ng ibang mga estudyante sa Abelardo High School buo ang loob ng bawat isa na mapapanalunan nila ang cash prize.
Naglalakad si Payne papuntang Room 3B dahil duon ang designated room para sa chess competition, at habang papalapit na siya ay nararamdaman niyang si Lea ang pumapalit sa pagkatao niya.
"Lea huwag ngayon, lalaban ako sa chess baka matalo ako," nanginginig ang mga kamay ni Payne habang pakikipagbuno siya sa kaniyang isipan.
"Payne, magiging masaya ito lalaruin ko lang ang mga kalaban mo, hahahha!" Pangangatwiran ni Lea sa isipan ni Payne.
"Good morning po", tumango si Lea sa 1st year freshman na watcher nang makita niya ito sa pintuan ng Room 3B. Ngumiti lang sa kaniya ang watcher.
Mayroong limang magkakahiwaly na lamesa ang room, at sa bawat lamesa ay may tigda-dalawang upuan sa tigkabila nito. Nakalatag rin sa lamesa ang chess mat at naka-ayos na rin ang mga chess pieces at sa tabi nito ay ang chess timer.
Itinuro ng watcher kung saan ang puwesto ni Lea at agad naman itong pumunta sa tapat ng kaniyang makakalaban, isang lalakeng senior student mula sa kabilang section.
"Hello.” Bahagyang pag-angat ni Lea ng kaniyang kaliwang palad at patagong pag-ngiti nito sa lalake.
Nagsimula ng tumayo ang teacher sa unahan ng mga chess players at binasa ang guidelines at mechanics ng laro. Pagkatapos nitong sabihin ang "Let the games begin!" ay agad namang pumito ang freshman watcher signal na magsisimula na officially ang chess competition.
Sa pag-upo ni Lea ay agad na pumalit si Jojo sa kaniya. Biglang nagliwanag ang mukha ni Payne dahil lumakas ang tyansa niyang mananalo siya sa laban na ito.
Sa puting kulay nakatapat si Jojo habang ang kalaban naman niya ay sa itim. Inarangkada ni Jojo ang chess pieces niya, sunud-sunod niyang ini-usad ang mga pawn upang magbigay daan sa kaniyang bishop at rook.
Ang kalaban naman niya ay isang horse ang pinakawalan at ang mga pawn sa unahan ng kaniyang bishop at queen.
Mabilis ang pag-arangkada ng kanilang chess pieces ganun rin kabilis ang pagpindot nila sa kanilang chess timer.
Sunud-sunod ang pagkain ni Jojo ng mga pawns ng kalaban. Ganun din ang kalaban niyang gigil na gigil at gutom na gutom na kinain niya ang ibang official chess pieces ni Jojo.
"Check!" ito ang nasa isip ni Jojo at ilang moves pa ay siguradong checkmate na ang kalaban.
Agad nilihis ng kalaban ang kaniyang king upang makaiwas sa pag-atake ni Jojo. Unti-unting inuubos nito ang official ng kalabang hanggang sa tig-iisang horse, bishop queen at tatlong pawns na lamang ang natira sa kaniya.
"Check!" ito ang banat ng kalaban ni Jojo at ganti niya, sabay hawak nito sa kaniyang baba dahil nakakalamang na siya.
Inabante ni Jojo ang kaniyang queen at nsa likod nito ay rook upang maging bantay ng naka-ambang na queen ng kalaban at...."Check!" sa bahaging ito parang si Jojo na ang mananalo.
Pagkatapos harangan ng kalaban ang kaniyang king ay biglang…
"Aaaahhh!!!" Napahawak si Jojo sa kaniyang ulo at si Payne ang agad na pumalit sa kaniya ngunit pinilit nitong pindutin ang timer kahit hindi pa niya naiigalaw ang anuman sa kaniyang chess pieces.
"Ooops! Wala ka pang tira Payne." Pagpigil ng kalaban nya sa nakapatong na kamay ni Payne sa timer.
Tinatapik-tapik ni Payne paulit-ulit ang kaniyang tig-kabilang sentido dahil hindi niya makontrol ang mga boses na bumubulong sa kaniyang isip.
"Takbo na Payne, magpatalo ka na!" Lumalakas at humihina ang mga nagsasalita sa isip ni Payne at naging sanhi ito para hindi na masundan ang next move niya sa chess.
Nanginginig sa takot at kaba ang kalaban ni Payne sa chess at napahawak siya sa kanang braso ni Payne," Payne, are you okay?"
Mabilis na tinabig ni Payne ang kamay nito at lalo pang lumakas ang pagsigaw ni Payne habang tinatakpan niya ang kaniyang tainga at nakapikit ang kaniyang mga mata, "Aaaaahhhh! Layuan niyo ako!!!"
Dumating si Miss Lexy na noong panahong iyon ay napadaan sa room nila at napansing nagkakagulo ang mga estudyante sa loob ng room, "Tumabi nga kayo! Anong nangyayari dito?!", paghawi ni Miss Lexy sa mga estudyanteng nakapalibot kay Payne habang ang isang teacher naman na bantay sa room ay nanginginig sa pag-aalalang pinapaypayan ang mukha ni Payne. Makailang pagpaypay niya sa mukha ni Payne ay nagdesisyon itong lumabas ng classroom dahil pati siya ang nagkakaroon ng panic attack sa nagyayari.
"Matatapos na yata ang game Miss Lexy, biglang nag-seizure si Payne." pagpapaliwanag ng isang junior student na naki-osyoso lamang sa nangyari.
" So anong ginagawa niyo? Why don´t you bring her sa clinic? Bilis na!" nanggagalaiting sigaw mi Miss Lexy.
"Eh, Miss ayaw pong magpahawak ni Payne!" Sigaw ng isang Sophomore student na nasa likod ng mga estudyanteng nakiki-osyoso sa nangyayari kay Payne.
Walang nagawa si Miss Lexy kundi umalis para tawagin si Mrs. Martinez, ngunit biglang tumunog ang cellphone nito at may kinausap sa telepono.
Ang isang babaeng junior student naman ay patakbong pumunta sa gym upang hanapin si Maya. Hinahabol nito ang kaniyang hininga at pawis na pawis na lumapit kay maya na kasalukuyang nasa gitna ng gym at naglalaro ng volleyball.
Papaluin na sana ni Maya ang bola ng biglang, "Maaaayaaaa!!!!" Sigaw ng babaeng junior student na nsa entrance ng gym. Napatingin ang lahat sa babaeng junior student.
Nagbulungan ang lahat at dahil pagod na pagod ang junior student sa pagtakbo ay hindi na nagawa nitong lumapit kay Maya. Sumigaw na lamang ito habang ang dalawa niyang palad ay nasa gilid ng kaniyang bibig, "Si Payne inatake, nagwawala at nagsisisigaw sa Room 3B."
Lumaki ang mga mata ni Maya at agad na ibinagsak ang bola sa sahig at agad na iniwan ang laro at biglang tumakbo palabas ng gym.
Napahawak sa ulo sa pag-kainis at pagkagalit ang ibang team mates ni Maya. Ang coach naman nila ay napahawak sa kaniyan baywang at umiiling, nagsenyas rin ito ng timeout at sub dahil alam niyang malabo ng bumalik si Maya sa paglalaro.
"Anong nangyari?!" "Grabe naman!" "Ano ba naman ýan sira na ang laro oh!" - ito ang mga bulung-bulungan ng mga estudyante at mga manlalaro sa loob ng gym.
Noong mga sandaling iyon ay naka-upo siNeal sa bench ng court at nagpapahinga dahil katatapos lang niyang maglaro at naghihintay siyang tapikin ng team mate niya upang siya naman ang sumalang sa court.
Napansin niyang maraming nagtatakbuhang mga estudyante papunta sa direksyon ng Room 3B. Hindi naman niya ito pinansin ngunit nakita niyang mabilis na tumatakbo si Maya kaya hinarang niya ang isang babaeng freshman student para alamin kung anong nangyayari.
"Sandali… anong meron? Bakit parang nagkakagulo?" pagharang ni Neal sa isang estudyante, "Si Payne daw hindi natapos ang laro nagsisisigaw.¨, sagot nito sa kanya.
" Neal your turn!" Sigaw ng isa niyang ka-team mate.
Walang nagawa si Neal, gustuhin man niyang puntahan si Payne pero mahalaga itong game na ito sa kaniya, transferee lang siya pero kinakitaan na siya ng teammates niya ng pagiging MVP kaya umaasa sila kay Neal para makalaban sila sa Intramurals.
"Hindi ko na ba tatapusin ang laro para puntahan si Payne?" pag-aalinlangan niya.
"Payne...Okay lang yan, calm down. " nanginginig na paghawak ni Maya sa kanang braso ni Payne. Pilit niyang kinakalma ang kaibigan niya, kahit nangyari na ito nuong sophomore sila, na sa gitna ng chess competetion ni Payne at biglang umatake ang episodes niya pero after five minutes ay kumalma ito dahil sa mahigpit na yakap ni Maya. "Best friend, andito ako, si Maya ito, uy, ok na yan, ok ka na diba? " niyakap ni Maya si Payne mula sa likod nito habang pinupunasan niya ng kanyang panyo ang pawisang noo ni Maya. "Tatapusin mo ang laro ha? Kaya mo yan!" hindi matanggal ni Maya anv kaniyang pagyakap kay Payne habang patuloy ang lagsigaw nito at paukit-ulit na pagtakip sa kaniyang mga tenga. Kinuha ni Maya ang kaniyang cellphone at idinial ang cellphone nymber ng mommy ni Payne, "Hello po... Tita? I'm afraid to tell you po hindi na kayang tapusin ni Payne ang competition, inaatake po si Payne ngayon... Opo nandito lang po kami sa school... opo tita... sige po."
"I DON'T WANT MY DAUGHTER TO SEE YOU EVER AGANI!" Ito ang nagngingitngit na boses ni Mrs. Framania kay Neal nang makita itong pumasok sa pinto ng clinic. Namumulaga ang mga mata niya sa pagkainis sa nangyari kay Payne. Sa isip ni Mrs. Framania, "Tama talaga ang hinala ko sa batang ito, walang mabuting maiidulot ito kay Payne, hindi na sana ako pumayag na tutluyang mahulog ang loob ng anak ko sa kaniya." "Tita..." Mag-papaliwanag sana si Neal ngunit sumabat na si Payne. "Pasensya ka na Neal..." nanghihina pa nitong boses. "Anong pasensya Payne?! Si Neal ang dapat humingi ng pasensya dahil simula ng nag-date kayo ay dumalas ang episodes mo. Dumalas din ang switching ng personalities mo." Hysterical si Mrs. Ayla Framania, naiinis siya kapag nakikita niya ang pormahan ni Neal. Sina Principal Martinez naman at nurse Jane ay parang nanonood ng mala-teleseryeng pag
"A-BE-LAR-DO! A-BE-LAR-DO!" "HEP HEP ... HOORAY!" "WOOHOOO!!!" Ito ang nakababasag-taingang sigaw ng mga high school student habang naglalakad sila papuntang basketball court kung saan pormal at opisyal na sasabihin ni Sir Jack kung sino-sino ang mga qualified para sa Inter-School Competition na gaganapin ulit sa Holy Angels University. At habang nag-iingay ang mga miyembro ng cheering squad ng school at ang lahat ng estudyante ay magulo pa ang pila ay dumating naman ang grupo ni Neal. "HUY!! Iingay nyo! Umayos na nga kayo sa pila..." Sigaw ni Maven sa mga sophomore students. Nang makita nilang dumadating na isa-isa ang mga teachers para pumunta sa pila ng mga estudyante ay agad namang tumugtog ng "Lupang Hinirang" ang malalaking speakers na nasa paligid ng campus. Napilitang umayos sa pila ang mga estudyante upang magsagawa ng
"Oh Maya! How's your game?" Inakbayan ni Neal si Maya bago pa ito makasampa sa Jeepney. "Ay ikaw pala kuya, kanina ka pa ba dyan?" Makatapat silang umupo sa loob ng jeep, dalawang tao ang pagitan mula sa driver. "Di naman, may ka-text ako kanina then pagharap ko nakita ko likod mo, kumusta ang laro balita ko...?" Panaka-naka ay tumitingin siya kay Maya at sa cellphone niya habang nagtetext siya. "Okay naman, magagaling ang team ng Maryknoll Academy, but of course mas magaling kami kaya... nanalo kami so... pasok kami sa semi-finals...uuy! kuya! Nakikinig ka ba?" Sinipa ni Maya ang kanang paa ni Neal. "Oh sorry! Katext ko kasi si Payne, ibinabalita ko na kasama kita ngayon sa jeep at nanalo kami sa first game. Congrats ha!" Ngiti nitong sagot kay Maya. "Teka ano nga palang number mo?" "Ah... kakamiss naman ang bestfriend ko, mamaya pag-uwi ko tatawagan ko siya at babalit
Nanginginig ang mga kamay ni Maya. Huminto ng pilit ang kaniyang mga paa sa pag-hakbang. Parang nanlalambot ang kaniyang kalamnan at umiikot ang kaniyang paningin sa pagkalito. Naguguluhan siya dahil hindi ito ang pagkakakilala niya kay Lee, iniisip niyang sa pagbabago ng nakasanayang pangalan ni Lee, nabago ito bilang Brian kasabay ng pagbabago ng kaniyang pag-uugali. Ngunit, pareho lang ang damdamin ni Maya nuong bata siya na may lihim siyang pagtingin kay Lee at ngayong kaharap na niya si Brian. Hindi rin niya alam kung magsisisi ba siyang nakipag-date siya kay Brian dahil sa pagiging possessive niyang ugali. Maraming tumatakbo sa isipan ni Maya, "Ito ba talaga ang Lee na malambing at selfless na nakilala ko nuong bata pa ako?""Bbb...Brian...? O...okay ka lang ba?" kumakabog sa kaba ang dibdib ni Maya, natatakot siya pero kung kakawala siya sa mahigpit na pagkakahawak nito sa kaniya ay baka lalong magalit si Brian. Dahan-dahang tumingin
Nababalot ng kaba ang buong katawan ni Neal. Hindi niya alam kung sino ang nagpadala ng picture nila ni Diana kay Payne. Iniisip rin niyang baka si Diana lang ang may pakana ng lahat. Naghihintay siya sa mga kasunod na irereply ni Payne, ngunit dumaan ang limang minuto ay wala pa ring reply ang dalaga. "Payne... galit ka yata, sorry, oo mali ako hindi ko naman talaga siya pinsan, pero hindi ko rin naman siya kilala. Pero tama ka, si Diana nga 'yang nasa picture pero mali ang iniisip mo, mabilis ang pangyayari at pati ako ay nagulat." Ito ang naiipon sa isip ni Neal na hindi naman niya mai-type sa kaniyang cellphone. Hindi na tinangkang mangatwiran ni Neal kay Payne, at magtatype na siya ng mga salita para suyuin si Payne... ngunit mas pinili niyang tumahimik nalang at plano niyang magpaliwanag ng personal. Sa personal, makikita niya ang totoong reaction sa mukha ni Payne, malalaman niya ang totoong gust
Iniangat ni Neal ang kaniyang kamay upang alalayan si Payne sa pagbaba mula sa Jeep at nang mapansing pawisan ang kaniyang palad ay agad niya itong ipinahid sa laylayan ng kaniyang black t-shirt at agad hinawakan ang kaliwang braso ni Payne.Umirap lamang ang dalaga ngunit sa loob niya'y kinikilig siya sa tuwa at pigil na pigil ang kaniyang pag-ngiti, "Bakit ka naman nandito?" Mabilis niyang pagbaba ng Jeep."Nakatambay ako rito sa entrance ng Eco Park, sasakay na ako ng Jeep nang nakita kita, naisip kong alalayan ka sa pagbaba." Habang sinusundan niya sa paglalakad si Payne.Papasok na sa loob ng Eco-Park si Payne at lumingon ito sa kaniyang likod para harapin si Neal. Agad namang tumakbo si Neal at lumipat ulit sa likod ni Payne kaya napabuntong-hininga ang dalaga, inilagay ang bigat ng kaniyang mga kamay sa tigkabila niyang baywang at nagsalubong ang kanyang mga mata."Haay naku Neal!!! Ikaw na ng
Habang nag-aabang ng Jeep sina Neal at Payne sa labas ng Eco-Park ay hinawakan ni Neal ang kamay ni Payne sa huling pagkakataon ng araw na 'yun. Bago sumakay si Payne ng Jeep ay baon niya ang matatamis na ngiti ni Neal, ngiti ng pagkagalak na muli niyang nakita ang binata at ngiti ng paniniwalang magiging tapat sa kaniya si Neal sa araw-araw kahit hindi sila magkasama. Ngiti ng pagtitiwala na ayaw niyang tanggalin sa puso niya. At sa paglayo ng Jeep na sinasakyan ni Payne ay baon naman ni Neal ang pag-asang baka naman bukas ay magbago ang isip ni Payne at surpresang makita niya ito sa finals. Namimiss na niya ang dalaga, ang totoo pinipigilan niya ang sarili niyang yakapin lagi si Payne dahil masasanay siya at lalo lang niyang mamimiss, naiisip niyang hindi pa panahon para sa kanila ang ganoong mga bagay. Natatakot siya sa maaaring mangyari, mabuti man o masama, mas okay na ang nag-iingat. Ibinukod kasi niya si Payne sa mga babaeng napag