"A-BE-LAR-DO! A-BE-LAR-DO!"
"HEP HEP ... HOORAY!" "WOOHOOO!!!"
Ito ang nakababasag-taingang sigaw ng mga high school student habang naglalakad sila papuntang basketball court kung saan pormal at opisyal na sasabihin ni Sir Jack kung sino-sino ang mga qualified para sa Inter-School Competition na gaganapin ulit sa Holy Angels University.
At habang nag-iingay ang mga miyembro ng cheering squad ng school at ang lahat ng estudyante ay magulo pa ang pila ay dumating naman ang grupo ni Neal.
"HUY!! Iingay nyo! Umayos na nga kayo sa pila..." Sigaw ni Maven sa mga sophomore students.
Nang makita nilang dumadating na isa-isa ang mga teachers para pumunta sa pila ng mga estudyante ay agad namang tumugtog ng "Lupang Hinirang" ang malalaking speakers na nasa paligid ng campus.
Napilitang umayos sa pila ang mga estudyante upang magsagawa ng Flag Ceremony.
Lumingon si Maya sa kaniyang likuran at nakitang nakatingin si Neal sa kaniya. Tumango ang dalawa at sabay na ngumiti.
Matapos ang Panatang Makabayan at School hymn ng mga estudyante ay agad naman umakyat sa stage na nasa kanang bahagi ng basket ball court si Sir Jack upang iaanounce ang pangalan ng mga estudyanteng qualified para lumaban sa Holy Angels University.
Binasa ni Sir Jack ang pangalan nina Maya at Neal at ang mga pangalan na kabilang sa kanilang grupo. Pasok ang Volleyball at Basketball Team ng Abelardo Higschool ngunit hindi ang Chess Team na kinabibilangan ni Payne. Nagpalakpakan ang lahat pagkatapos ng encouraging and inspirational message ni Sir Jack.
Nagpulasan na si pila ang mga estudyante at hinihintay ni Neal si Maya upang sabayan ito papunta sa kaniyang classroom.
"Oh, congrats Maya! Malungkot ka?" nakangiting pagsalubong ni Neal kay Maya.
"Sayang si Payne, first timeko siyang hindi makakasama sa Inter-school game." malungkot niyang tugon na parang natalo sa laro.
"Hayaan mo na, ang importante makapahinga si Payne at maginv okay na siya."
"Hmmm...ganyan ka ba talaga kuya?"
"Na?" naguguluhan si Neal sa sinabing iyon ni Maya.
"Na parang laging positive, na parang laging hopeful sa mga nangyayari."
"Aah...hindi! Hahaha!"
"Seryoso naman kuya..." kumunot ang noo ni Maya habang papalapit sa kaniyang classroom.
"Masyado na kasing seryoso ang buhay ko Maya, kaya pinipilit kong maging positibo sa lahat ng bagay lalo na sa ibang tao. Alam ko kasi ang pakiramdam ng mag-isa at manibago sa mga bagay na nakasanayan ko ng gawin o makasama kaya hanggat maari at kaya ko naman eh pagagaanin ko nalang ang kalooban mo, kasi sa ganung way eh parang napagaan ko na rin ang kalooban ko."
Ngumiti si Maya bago pumasok sa kaniyang classroom at kumaway, "Thank you kuya."
Narinig ito ng mga kaklase nila at nanlaki ang kanilang mga mata at na-stuck ng ilang segundo sa hangin ang kanilang mga bibig na nakakanganga. Nagbulungan ang mga classmate ni Maya.
Lumapit si Shara sa likod ni Maya, "Ano? Kapatid mo si Neal? Tama ba ang dinig namin?"
"Oo, tama ang dinig ninyo." humarap si Maya sa mga kaklase niya at umupo.
Si Gilbert naman ay lumapit rin sa kaniya at bumulong na naririnig din naman ng buong klase, "Kailan pa Maya?"
"Matagal na, grade 3 ako nung nalaman kong may kapatid ako sa labas."
"Ano?" Ito ang bulung-bulongan ng magkakaklase.
Tumayo muli si Maya at humarap sa mga nagbubulungang mga estudyante, "Oy 'wag nyong husgahan si Neal, ah si Kuya pala, matagal ng panahon yun, nagkapatawaran na kami, ok na kami at sana pati mommies naman maging ok na rin. Nagpapasalamat rin ako dahil may kuya ako, kahit na..." napatungo si Maya at napahinga ng malalim.
Sumabat naman si Gilbert na nagbigay liwanag sa mukha ni Maya, "Ok lang yan Maya, ang importante nakilala mo ang kapatid mo, yung iba kaya hindi nila alam na may kapatid sila or solo lang silang anak, masarap kaya ang may kapatid."
"Oo tama ka. Aahm.. si Payne nga pala hindi muna makakapasok ung until finals pero diretso rin naman ang pagrereview niya para sa finals." Malungkot na balita ni Maya.
"Okay lang 'yan Maya, kami ang kasama mo habang wala si Payne." Ngiti ni Shara sa kaniya.
"Salamat." Sagot ni Maya habang pumapasok si Miss Lexy sa kanilang classroom.
------------
"WOOHOOO!!! Congrats Neal ha! Bihira sa isang transferee student ang nabibigyan ng chance ma-qualified para sa isang Inter-school Competition." Tinapik ni Maven ang balikat ni Neal at inalog-alog ito.
Napangiti lang si Neal kay Maven, masaya siyang qualified siya pero nag-aalala siya sa kalagayan ni Payne, gusto man niya itong puntahan ngunit pinagbawalan sila ng mommy ni Payne para bumisita sa kaniyang anak.
Magkasama sina Maya at Neal sa canteen sa oras ng recess time. Kasama rin nila ang ilang mga kaibigan at kapwa-qualifiers para lumaban sa Holy Angels University.
"Bakit kaya lagi nalang dun ang venue ng Inter-School competition? " pagtataka ng isang ka -team mate nila.
"Malaki kasi at complete facilities ang university nila at kaya nilang i-accommodate ang pitong ibat-ibang schools" sagot naman ni Maya habang tinetetxt niya si Payne para kumustahin ito.
"Pero nabalitaan nyo na ba yung estudyanteng namatay sa isa sa mga classrooms nila dun?" chismis ng isa nilang kasama.
"True ba? Sabi pa nga nag-suicide daw siya nakita nalang na nagbigti siya sa isa sa mga classrooms dun. Ngiiiiih!!! Nakakatakot naman!"
Sumabat naman si Gilbert sa usapan at pabulong itong nagkomento, "Alam nyo ewan natin kung totoo nga yun o hindi, pero pinsan ko eh nag-aaral dun. Tuwing Inter-School competition eh ginagawang quarters ng players ang mga classroom ng high school. May isa raw estudyanteng na natirang nagstay na nag-iisa lang sa isang classroom dahil ang ibang kasamahan niya galing sa ibang school ay nag-back out dahil naaksidente, ang iba naman ay natalo na sa preliminaries palang. Hindi naman siya pwedeng maki-join sa iba dahil four students lang per classroom ang pwede. At ito ang nangyari..."
Inilapit ng lahat ang mga tainga nila sa sinasabi ni Gilbert nang biglang...
"Wwooooh!!!" malakas na sigaw ni Shara at nagulantang ang lahat, napahawak sila sa kanilang dibdib.
"Oh tapos? Napaka-bagal mo naman magkwento Gilbert! Pa-suspense ka pa eh! " patuloy na pang-iinis nniya kay Gilbert.
"Eh eto na nga! Kinabukasan nung finals na, kulang ang player sa chess competition..."
"Sandali, ito ba yung dapat makakalaban ni Payne sa finals pero naging yung lalakeng second placer sa Holy Angels University yung makakalaban niya?" tanong naman ng isa pa nilang ka-team mate.
Nagpatuloy si Gilbert sa pagkukwento, " 'yun na nga! Patapusin nyo muna kasi ako, 'yung makakalaban dapat ni Payne sa chess competition at yung babaeng nagpakamatay sa Room 6C ng high school ay iisa!"
"Haaay!!! Nakakakilabot naman yan! Bakit siya nagpakamatay!?" nangingilabot na tanong ni Maya habang hinahawakan niya ang tigkabila niyang braso.
"Ang kwento eh, nung gabing 'yun ay pinasok siya ng isang lalakeng teacher at ginawan siya ng masama, may witness na nakarinig na may sumigaw sa room na 'yun pero dahil brownout nung time na 'yun kaya hindi nalang niya masyadong pinansin. Hindi na rin siya nagsalita dahil ayaw niyang madamay."
"Nalaman ba kung sino 'yung teacher na 'yun?"
"Hindi eh, tahimik ang buong university tungkol sa balitang 'yun at pinagbantaan ang expulsion ang sinumang magkwentuhan tungkol dun."
"Nakakatakot naman 'yan! Pero nakaka-awa din 'yung estudyante kasi hindi nalaman kung ano ang totoong nangyari sa kaniya, at ang sabi binayaran ng school ang tita niya para hindi na magreklamo, ulila na rin kasi siya."
Tumayo bigla si Maya pagkatapos magsalita ni Shara, "Oh well, basta magkakasama tayo sa quarters ha, at 'wag kayong papayag na mag-isa kayo sa room para safe kayo lagi, okay?
Tumango at ngumiti ang lahat. Nagpalitan sila ng high five gestures tanda ng kanilang pag-goodluck sa isat-isa.
---------
Excited ang lahat ng estudyanteng pumapasok sa Holy Angels University mula sa ibat-ibang schools. Lahat sila ay umaasa at nangangarap na mapapasakanila ang gintong medalya, na ang kanilang school ang magiging champion sa taong ito, huling taon ito para sa mga seniors at gusto nilang mag-iwan ng magandang record sa kanilang school."Go Abel, go Lardo, Go go go!!! Go Abelardo Highschool!!!" Ito ang malakas na cheer ng mga junior at senior students sa volleyball court kung saaan maglalaro si Maya.Actually, natatawa ang mga volleyball players dahil napaka-corny ng dating ng mga cheering squad mula sa kanilang school. Sinimulan agad ang volleyball tournament at lumalamang ang team ni Maya.
Habang nagsisigawan ang lahat ay may isang lalakeng second year college student mula sa Holy Angels University na simula palang pumasok si Maya sa court ay nakatitig na ito kay Maya.
Siya si Brian, isang violinist ng university. Na-impress si Brian sa mga moves ni Maya kung kaya't na-love at first sight siya kay Maya, at kahit mas matanda siya ay desidido siyang ligawan ito.
Sa basketball court naman ay isa-isang naglalakad at lumalampas sa bench ang mga basketball players. Maangas ang dating ng mga players suot ang kanilang bright-colored jersey tops at basketball shorts.
Sa team ni Neal ang neon green na kulay ng basketball uniform, at sa makakalaban nilang team naman ay blue and white- colored uniform.
"Ang baduy naman ng kulay ng uniform nila, neon green." Ngisi ng isang senior high school student ng university.
"Balita ko kasi girly ang sports committee head ng Abelardo School kaya ganyan, hahhaha!" sabat naman ng kaibigan niya.
"Hi girls!!!" Dumating si Diana na may dalang snacks sa dalawa niyang kaibigan habang nagsisimula na ang basketball tournament.
"Hi Diana girl..." Pag-welcome ng kaibigan niya na may matching pang pagbeso-beso nito kay Diana sabay kuha ng corn snacks sa kaniya.
Silang tatlo ang "mean girls" na senior high school students sa campus. Nakukuha nila lahat ng gusto nila, sila rin ang head-turner sa campus dahil bukod sa magaganda sila ay maimpluwensya and kanilang mga pamilya. Kilala man silang "mean girls" pero advocate sila ng "anti-bullying" sa campus kaya naman kahit maraming naiinis sa kilos nilang laging nagpaprank ng estudyante habang kinukuhaan ito ng video ay naiipagtanggol pa rin sila ng kanilang mga teachers.
Magaling ang grupo nilang dumepensa dahil pinapalabas nilang kasama sa vlog nila ang pag-paprank sa mga kapwa nila estudyante at hindi ito pambubully katulad ng kinokomento ng iba.
Palinga-linga si Diana at nakita na nagshoot ng 3points si Neal kaya nagsigawan ang lahat ng mga estudyanteng nanonood.
"Hmm... sino 'yun?" Tanong ni Diana habang kumakain siya ng caramel popcorn.
"Alin? 'yung naka- 3 points?" Tanong ng kaibigan ni Diana habang nanonood ng game.
"Oo, siya nga, sino siya? Parang bago lang siya sa Abelardo High School" Curious na tanong ni Diana.
Sumagot naman ang pa niyang kaibigan na nasa kaliwa niya, "Aah...si Neal? Balita ko transferee student siya sa school nila, lagi siyang na-eexpelled at balita ko gangster siya, marami na rin daw siyang naging girlfriend kasi sa bawat school na pinupuntahan niya ay may girl siya."
"Haha! Talaga?" Sarcastic na tawa ni Diana at tumaas ang kaniyang kilay.
Bigla namang nagsalita ang isa pa niyang kaibigan, "Pero balita ko rin na ang girlfriend niya ngayon ay si Payne."
"Si Payne? The Autistic girl? Hahahahaha!" malakas na tawa ni Diana.
"Yes, the autistic girl nga. Hahahhaha! At si Payne din 'yung tumalo sa kuya mo last year sa chess tournament remember?"
"Ha? Siya ba 'yun?" Naiinis na tanong ni Diana at nagpatuloy siya ng, "Interesting! Girls, may mission tayo..."
"Wow, exciting! Go kami..." sagot ng kaibigan ni Diana na napatayo pa sa excitement.
Lumingon ang isa niyang kaibigan sa kaniya..."Call... so kelan?"
"Eh di later... hahahah! Ano ba kayo girls, patatagalin pa ba natin ito?" Tumatawang sagot ni Diana.
After ng first game ng basketball ay humingi ng break time ang coach ni Neal. Inabangan ni Diana si Neal sa labas ng Men's room kung saan nakita niyang pumasok ito at nagpalitng white t-shirt na nasa ilalim ng kaniyang neon green jersey. Lumabas na nag ibang players at hinihintay niyang lumabas si Neal.
Lumabas si Neal sa Men's room na nagpupunas ng ulo niyang pawisan at agad na kinuha ni Diana ang kaniyang malinis na face towel mula sa kaniyang yellow fluffy na handbag at nilapitan si Neal.
Ipinunas agad ni Diana ang white face towel niya sa braso ni Neal.
"Oh sino ka? " Pag-iwas ni Neal kay Diana na may halong pagkagulat.
"Hi, ako si Diana, cheerleader ng senior high school dito sa university and you are Neal, right?" maarte nitong introduction kay Neal habang iniipit ang kaniyang buhok sa gilid ng kaniyang kanag tainga.
Napatigil si Neal sa paglalakad at nilingon si Diana, "Kilala mo ako?"
Tinitigan ni Diana si Neal at nanliit ang kaniyang mga mata na may halong pang-aakit, "Sinong hindi makakakilala sa'yo Neal? Popular ka kaya.."
"Ha?" Ngiti ni Neal na parang flattered pa siya.
Dahan-dahang inilapat ni Diana ang kanang palad niya sa kaliwang kamay ni Neal at dahil halos kasing-tangkad na niya si Neal ay bumulong siya sa tainga nito, "Magkikita pa tayo... hihintayin kita sa Men's room sa finals."
Napatulala si Neal at lumakad na ng papalayo si Diana.
"Oh Maya! How's your game?" Inakbayan ni Neal si Maya bago pa ito makasampa sa Jeepney. "Ay ikaw pala kuya, kanina ka pa ba dyan?" Makatapat silang umupo sa loob ng jeep, dalawang tao ang pagitan mula sa driver. "Di naman, may ka-text ako kanina then pagharap ko nakita ko likod mo, kumusta ang laro balita ko...?" Panaka-naka ay tumitingin siya kay Maya at sa cellphone niya habang nagtetext siya. "Okay naman, magagaling ang team ng Maryknoll Academy, but of course mas magaling kami kaya... nanalo kami so... pasok kami sa semi-finals...uuy! kuya! Nakikinig ka ba?" Sinipa ni Maya ang kanang paa ni Neal. "Oh sorry! Katext ko kasi si Payne, ibinabalita ko na kasama kita ngayon sa jeep at nanalo kami sa first game. Congrats ha!" Ngiti nitong sagot kay Maya. "Teka ano nga palang number mo?" "Ah... kakamiss naman ang bestfriend ko, mamaya pag-uwi ko tatawagan ko siya at babalit
Nanginginig ang mga kamay ni Maya. Huminto ng pilit ang kaniyang mga paa sa pag-hakbang. Parang nanlalambot ang kaniyang kalamnan at umiikot ang kaniyang paningin sa pagkalito. Naguguluhan siya dahil hindi ito ang pagkakakilala niya kay Lee, iniisip niyang sa pagbabago ng nakasanayang pangalan ni Lee, nabago ito bilang Brian kasabay ng pagbabago ng kaniyang pag-uugali. Ngunit, pareho lang ang damdamin ni Maya nuong bata siya na may lihim siyang pagtingin kay Lee at ngayong kaharap na niya si Brian. Hindi rin niya alam kung magsisisi ba siyang nakipag-date siya kay Brian dahil sa pagiging possessive niyang ugali. Maraming tumatakbo sa isipan ni Maya, "Ito ba talaga ang Lee na malambing at selfless na nakilala ko nuong bata pa ako?""Bbb...Brian...? O...okay ka lang ba?" kumakabog sa kaba ang dibdib ni Maya, natatakot siya pero kung kakawala siya sa mahigpit na pagkakahawak nito sa kaniya ay baka lalong magalit si Brian. Dahan-dahang tumingin
Nababalot ng kaba ang buong katawan ni Neal. Hindi niya alam kung sino ang nagpadala ng picture nila ni Diana kay Payne. Iniisip rin niyang baka si Diana lang ang may pakana ng lahat. Naghihintay siya sa mga kasunod na irereply ni Payne, ngunit dumaan ang limang minuto ay wala pa ring reply ang dalaga. "Payne... galit ka yata, sorry, oo mali ako hindi ko naman talaga siya pinsan, pero hindi ko rin naman siya kilala. Pero tama ka, si Diana nga 'yang nasa picture pero mali ang iniisip mo, mabilis ang pangyayari at pati ako ay nagulat." Ito ang naiipon sa isip ni Neal na hindi naman niya mai-type sa kaniyang cellphone. Hindi na tinangkang mangatwiran ni Neal kay Payne, at magtatype na siya ng mga salita para suyuin si Payne... ngunit mas pinili niyang tumahimik nalang at plano niyang magpaliwanag ng personal. Sa personal, makikita niya ang totoong reaction sa mukha ni Payne, malalaman niya ang totoong gust
Iniangat ni Neal ang kaniyang kamay upang alalayan si Payne sa pagbaba mula sa Jeep at nang mapansing pawisan ang kaniyang palad ay agad niya itong ipinahid sa laylayan ng kaniyang black t-shirt at agad hinawakan ang kaliwang braso ni Payne.Umirap lamang ang dalaga ngunit sa loob niya'y kinikilig siya sa tuwa at pigil na pigil ang kaniyang pag-ngiti, "Bakit ka naman nandito?" Mabilis niyang pagbaba ng Jeep."Nakatambay ako rito sa entrance ng Eco Park, sasakay na ako ng Jeep nang nakita kita, naisip kong alalayan ka sa pagbaba." Habang sinusundan niya sa paglalakad si Payne.Papasok na sa loob ng Eco-Park si Payne at lumingon ito sa kaniyang likod para harapin si Neal. Agad namang tumakbo si Neal at lumipat ulit sa likod ni Payne kaya napabuntong-hininga ang dalaga, inilagay ang bigat ng kaniyang mga kamay sa tigkabila niyang baywang at nagsalubong ang kanyang mga mata."Haay naku Neal!!! Ikaw na ng
Habang nag-aabang ng Jeep sina Neal at Payne sa labas ng Eco-Park ay hinawakan ni Neal ang kamay ni Payne sa huling pagkakataon ng araw na 'yun. Bago sumakay si Payne ng Jeep ay baon niya ang matatamis na ngiti ni Neal, ngiti ng pagkagalak na muli niyang nakita ang binata at ngiti ng paniniwalang magiging tapat sa kaniya si Neal sa araw-araw kahit hindi sila magkasama. Ngiti ng pagtitiwala na ayaw niyang tanggalin sa puso niya. At sa paglayo ng Jeep na sinasakyan ni Payne ay baon naman ni Neal ang pag-asang baka naman bukas ay magbago ang isip ni Payne at surpresang makita niya ito sa finals. Namimiss na niya ang dalaga, ang totoo pinipigilan niya ang sarili niyang yakapin lagi si Payne dahil masasanay siya at lalo lang niyang mamimiss, naiisip niyang hindi pa panahon para sa kanila ang ganoong mga bagay. Natatakot siya sa maaaring mangyari, mabuti man o masama, mas okay na ang nag-iingat. Ibinukod kasi niya si Payne sa mga babaeng napag
Sa pagitan ng kumakabog na dibdib nina Diana at Neal ay ang palitan nila ng maiinit na hininga at malalagkit na tinginan. Tumigil ng ilang segundo ang takbo ng oras at parang nadadala na si Neal sa tempting moves ni Diana pero sasagi sa isip niya ang maamong mukha ni Payne.Biglang marerealize ni Neal ang mga pangakong binitawan niya kay Payne, "Ano ka ba?!" Itinulak nito ang mga nanghihinang balikat ni Diana, "Bakit ginagawa mo 'to?! Anong problema mo?!"Agad na nagbihis si Neal ng white t-shirt at kinuha ang kaniyang sports bag at nang palabas na siya sa pinto..."Gustong kong gantihan si Payne!" nanlilisik ang mga mata ni Diana.Tumigil ang pag-hakbang ni Neal palabas ng Men's Roon at hinarap si Diana na may pagtataka, "Kilala mo si Payne? Anong kinalaman ni Payne sa'yo?""Girlfriend mo si Payne hindi ba?" Pagtataray na boses ni Diana.
"Ito ba 'yung basketball player sa Abelardo High School?" "Oo, ito 'yung super cute at chinito na MVP." "Eh balita ko marami na daw 'yan naging girlfriends." "Ganun? Balita ko naman autistic daw ang girlfriend niyan ngayon." "Ha? Sino?" "Si Payne!" "Si Payne?! 'Yung chess player?!" Ito ang paulit-ulit na bulungan ng ibat-ibang grupo ng estudyante na nilalampasan ni Maya mula sa gym hanggang makalabas siya ng gate ng university. Naiinis siya kay Neal at nagaalala kay Payne habang pasakay siya sa Jeep.Nakarating na kay Mrs. Martinez ang principal ng Abelardo High School ang video scandal nina Neal at Diana pinaulit-ulit niya itong pinanood. Malaking kahihiyan ito ng kanilang paaralan na madawit sa ganitong klaseng eskandalo. Lalo pang nakadagdag sa pagkainis ni Mrs. Martinez ang maraming negative comments ng mga tao sa kanilang paaralan.Pasakay na sana si Ma
Sa gulat ni Neal sa pinakita ni Payne ay napatigil siya ng ilang segundo. Lumaki angbilog ng kaniyang mga mata, napanganga at napahawak sa ulo. Agad niyang kinuha ang kaniyang cellphone at sinubukang sumagot ngunit naka-loudspeaker pala ito, "Hello. Hello!"Sumagot si Diana na may halong pang-aasar, "Nagustuhan mo ba ang sinend kong video? Neal... namimiss na kita... dito ka na ulit sa akin please...Hahahaha!"Mapang-akit na tawa ang binitiwan ni Diana habang nasa linya siya. Sa galit ni Neal ay agad niyang ini-off ang kaniyang cellphone."Bakit hindi mo kinausap? Sana sumagot ka manlang." Kalmadong boses ni Payne habang nakaupo sa gutter ng daan sa ilalim ng puno."Eh bakit ko kakausapin, pina-prank lang ako niyang si Diana. Una, 'yung picture namin hindi totoo 'yun. Nagulat na nga lang ako at ganun angmga comments. Hindi ako nakatawa or masaya nung time na 'yun. Kung titingnang