Home / YA / TEEN / PART OF YOUR WHOLE / Chapter 19 - Sibling Connection

Share

Chapter 19 - Sibling Connection

Author: Athena
last update Last Updated: 2021-08-20 12:02:36

"I DON'T WANT MY DAUGHTER TO SEE YOU EVER AGANI!" Ito ang nagngingitngit na boses ni Mrs. Framania kay Neal nang makita itong pumasok sa pinto ng clinic. Namumulaga ang mga mata niya sa pagkainis sa nangyari kay Payne. 

Sa isip ni Mrs. Framania, "Tama talaga ang hinala ko sa batang ito, walang mabuting maiidulot ito kay Payne, hindi na sana ako pumayag na tutluyang mahulog ang loob ng anak ko sa kaniya."

"Tita..." Mag-papaliwanag sana si Neal ngunit sumabat na si Payne.

"Pasensya ka na Neal..." nanghihina pa nitong boses.

"Anong pasensya Payne?! Si Neal ang dapat humingi ng pasensya dahil simula ng nag-date kayo ay dumalas ang episodes mo. Dumalas din ang switching ng personalities mo." 

Hysterical si Mrs. Ayla Framania, naiinis siya kapag nakikita niya ang pormahan ni Neal. Sina Principal Martinez naman at nurse Jane ay parang nanonood ng mala-teleseryeng pagtatalo. Hindi sila makapaniwala sa mga naririnig nila dahil wala namang usap-usapan sa school na nililigawan ni Neal si Payne at hindi rin silang nakikitang maagkasama sa campus.

Hinawakan ni Payne ay kanangkamay ng Mommy niya, "Mom... si neal po ang nagdala sa akin dito, binuhat po niya ako mula sa sa room. Pumalit po ng si Jessica, si Jojo at si Lea sa akin habang nasa chess competetion ako. Marami sila mommy, parang may iba pa pero pinipigilan ko silang pumasok sa akin." Napa-tungo si Payne at umiiyak.

Hinigit ni Payne ang kumot na nakapatong sa kaniyang mga hita at ginamit ito para ipunas sa kaniyang mga mata na gustong magpakawala ng maraming luha. Ang lahat ng nasa paligid ni Payne ay nakatitig sa kaniya, ang mga mata nila ay nababalot ng pagka-awa. Nagtatalo ang kanilang isipan na kahit gusto nilang tulungan si Payne ay wala rin naman silang magagawa.

Nagpatuloy si Payne sa pag-iyak, "Ayoko na po ng ganito mommy, nahihirapan na po ako, napapagod na rin ako. Kayang labanan ni Payne lahat mommy, matatag ang puso ni Payne pero ang isip ni Payne parang bibigay na."

Nagpapahid ng luha si Ayla, "Anak... it's my fault sorry..."

Napangiti ng kaunti si Payne upang pagaanin ang pakiramdam ng mommy niya, "Wala kang kasalanan mommy, ginagawa mo naman po lahat, ayaw lang talaga ni Lea at Jojo umalis sa akin, sila po ang may kasalanan mommy."

Nagpahiwatig si Neal ng presensya niya sa clinic, " Ahhm.. Tita Ayla..."

Napatingin ang lahat kay Neal. 

"Pasensya na po binuhat ko si Payne, 'yun lang po kasi ang alam kong paraan para makapunta siya agad dito sa clinic. Hindi naman po siguro naging dahilan ang madalas niyang episodes at switching simula ng nag-date kami. Masaya po si Payne nung time na 'yun. Masaya po kami kahit umulan at walang naman pong ibang nagyaring kakaiba o masama sa kaniya."

Nagpapaliwanag si Neal habang panaka-naka ay tumutungo siya dahil nahihiya pa rin siya kay Mrs. Ayla Framania. Pasulyap-sulyap rin siya sa direksyon ni Payne para ipakita ang sincerity ng kaniyang mga salita.

"Walang kakaiba Neal? Eh hindi ba nahimatay si Payne at iniuwi mo sa bahay si Payne na walang malay?" Tumaas ang tono ni ni Ayla at ipinatong akniyang kamay sa kaliwang bahagi ng bewang nito. 

Nagtinginan sina Mrs. Martinez at nurse Jane na nangungusap ang kanilang mga mata. lumaki ang mga mata ni nurse Jane at si Principal naman ay kumunot ang noo. Si Neal naman ay napatungo sa pagkapahiya sa sinabi ng mommy ni Payne.

"Sorry po tita..." Sagot ni Neal.

"Mommy hindi po iyon kasalanan ni Neal, sa school po nagyari na din po 'yun sa akin nuong junior ako pero hindi na po sinabi ni Maya para di na po kayo mag-alala, dinala lang po ako dito ni Maya sa clinic. May mga instances po kasi kapag nahihimatay ako at si Maya ang nagdadala sa akin dito sa clinic ay hindi na po namin sinasabi sa inyo mommy kasi nagiging okay din naman po ako."

Bumaling ng tingin si Mrs. Framania kay nurse Jane, "Nurse alam mo ba ito? Mrs. Martinez, alam ninyo po ba ito? Bakit hindi niyo sinasabi sa akin kapag nadadala si Payne dito sa clinic? Samantalang nuong elementary siya alam ko kapag dinadala siya dito sa clinic, agad kang tumatawag sa akin nurse Jane, anong nangyari?" Nagsisimula ng sumakit ang ulo ni Ayla at napahawak ito sa kaniyang sentido.

Nagtinginan sina Mrs. Martinez at nurse Jane dahil guilty sila na simula nang nag-high school si Payne ay hindi na nila sinasabi ang mga pangyayari kay Payne. Ayaw naman nilang ipahamak si Payne ngunit...

"Ako po ang nagsabi sa kanila mommy." Sumabat si Payne at nagulat ang mommy Ayla niya.

"Ha? Ano Payne? " Nagbingi-bingihan si Ayla sa narinig niya kay Payne.

"Pinaki-usapan ko po si Mrs. Martinez at nurse Jane nung sophomore ako na kung pwedeng huwag nalang nilang ipaalam sa'yo mommy kapag dadalhin ako ni Maya dito sa clinic. Kasi po naaawa na ako sa'yo Mom, nung elementary ako kahit nasa trabaho ka alam kong magpapa-alam ka kapag tinawagan ka ni nurse Jane. Nakakaistorbo napo ako sa inyo Mommy, at alam ko naman po kasing magiging okay din ako after few minutes kaya sinisikreto nalangpo namin ni Maya."

"Haay naku Payne! Mali ka sa ginawa mong 'yan! Kaya akala ko tuloy all the while maayos ka na." Umiiling si Ayla habang nagsasalita.

"Kasi mommy natatakot ako na patigilin mo po ako sa school."

"Hah?! Eh 'yun na nga ang gagawin ko sa'yo." Galit na sabi ni Ayla habang tinatanggal na niya ang kumot kay Payne para iuwi na ito sa bahay nila.

"Tita?!" humahangos si Maya papasok sa clinic.

Si Ayla habang inaayos ang hinigaan ni Payne, "Oh Maya may dapat ka bang ipaliwanag sa akin?" Nakataas ang kilay nitong lumingon kay Maya.

"Po?", bumilis ang tibok ng puso ni Maya, hindi niya alam angibig sabihin ng Mommy ni Payne.

"Kapag pala nahihimatay si Payne simula nung sphomore siya ay hindi mo sinasabi sa akin kata akala ko okay na okay si Payne. Akala ko ba maya nag-usap na tayo nuon na magiging honest ka sa akin?"

"Aaah... ka..si... po... " Napatungo si Maya ay itinikom ang mga palad niyang hinahawakan ang ibabang bahagi ng kaniyang t-shirt.

"Mommy, huwag mo na po pagalitan si Maya, ako po ang may kasalanan." Pag-putol ni Payne sa gustong sabihin ni Maya.

"At sandali, diba dati-dati nakabantay ka sa laro ni Payne? Bakit magkaiba kayo ng oras ngayon?" Patuloy na pagtataray ang pag-kwestyon ni Mrs. Ayla kay Maya.

Walang ibang maisagot si Maya, "Sorry po tita...akala ko po kasi..."

"Mommy, hindi po ako obligasyon ni Maya... don't be harsh naman po for her, she's doing her part, more than pa nga po, ako po ang may mali Mommy ako po ang may problema." Pagtatanggol ni Payne kay Maya na nagdulot ng ngiti sa mga mata at labi ni Maya.

Hinawakan ni Mrs. Ayla ang kaliwang braso ni Payne, "Halika ka na Payne, umuwi na tayo." 

"Ma'am pasensya na po, iuuwi ko na muna si Payne." Tumango lang at ngumiti sina Mrs. Martinez at nurse Jane habang papalabas sina Mrs. Ayla at Payne sa clinic.

"Aalis na rin ho kami Ma'am." Ngiting pagpapa-alam ni Neal sa Principal sabay hila sa kanang braso ni Maya.

Nang nakalabas na sina Neal at Maya sa clinic...

"Ano ba Neal bitawan mo nga ako!" Nagpupumiglas niya sa pagkakawahak ni Neal sa kaniyang braso.

"O sige dyan ka na nga bahala ka!" Marahas at biglangpagtanggal ni Neal ng kamay niya sa braso ni Maya at naglakad ng papalayo.

"Huhuhuhuhuuuu!!!!" Biglang napa-upo si Maya at tinakpan angkaniyang mukha habang humagulgol ng malakas.

Napa-tigil si Neal sa paglalakad at nilingon si Maya.

Nilapitan niya ito at itinayo, "Oh bakit?"

Napahilig ang ulo ni Maya sa matigas at malaking dibdib ni Neal habang umiiyak, "Nagkamali ba ako? Gusto ko lang naman proteksyonan si Payne, pero lagot ako kay Tita Ayla."

"Halika dun na muna tayo sa bench malapit sa canteen. " Pag-akay ni Neal kay Maya.

Nawawala ang anino ni haring araw habang naglalakad sila, nag-babadya ng pag-ulan kahit maalinsangan ang simoy ng hangin. Unti-untina ring nag-aalisan ang mga estudyante sa campus dahil natapos na ang competetion sa first day ng Foundation Week. 

Habang nag-lalakad sina Neal at Maya ay nagkaka-ilangan pa sila sa isat-isa. Iniisp rin ni Payne kung bakit niya ipinatong ang kaniyang ulo sa dibdib ni Neal eh kaaway niya ito kaya parang nahihiya siya.

Walang ibang naka-upo sa mga bench malapit sa canteen kung saan sila nag-usap ni Payne at habang papalapit si Maya ay naaala-ala niya ang naging argument nila ni Payne.

Naunang umupo si Neal at ngumit kay Maya at tinapik ang bakanteng space sa kaniyang kanan, senyas na pinapa-upo niya si Maya.

Umupo si Maya sa tabi ni Neal at nagpahid ng naghalong pawis at luha niya, "I felt like I wasn't enough. Parang sinisisi ako ni Tita Ayla dahil nagka-ganoon si Payne. Ginawa ko naman ang lahat, wala nga akong ibang naging kaibigan dahil gusto kong proteksyonan si Payne. Si Payne lang ang tanging taong naging priority ko dito sa school simula elementary. Akala ko nakikita lahat 'yun ni Tita Ayla pero hindi pala." 

Napangiti ng pilit si Maya dahil ayaw na niyang umiyak, pakiramdam niya kailangan nalang niyang pagtakpan ang sakit at pilitin ang mga mata niyang ngumit para gumaan ang kalooban niya. Nagpatuloy lang siya sa pagkukuwento kay Neal ng friendship nila ni Payne at nakikinig lang si Neal sa kaniya habang nakatingin sa estudyanteng naglalakad papalabas sa gate ng campus.

"Alam mo ba Neal, nagstart ang friendship namin nung Grade 3 kami, nung nalaman kong kapatid pala kita. Galit na galit kasi ako sa 'yo nung time na 'yun at si Payne ang nag-cocomfort sa akin."

"So, ako pala ang dahilan kaya nabuo ang friendship ninyo ni Payne?" ngiti ni Neal na may halong pagmamayabang.

"Pwede ba 'wag kang mag-feeling ha?! Isa lang 'yun pero nakahanap kasi kami sa isat-isa ng kakampi, ako nagiging kakampi niya sa mga bullies, at siya naging kakampi ko kapag naiinis ako sa'yo."

"Bakit ka naman naiinis sa akin?" Naging interesado si Neal sa sasabihin ni Maya at ibinaling niya ang kaniyang tingin kay Maya.

"Naiinis ako sa'yo kapag may nakikita akong post mo sa social media na parang ang saya-saya mo. Pinopost mo pa 'yung mga binibigay sa'yo ni Daddy. Naiisip ko kasi pagtataksil ni Daddy kay Mommy at ikaw ang naging bunga nun. Nagagalit ako na bakit parang ang saya saya mo pero ako ito, kami ni Mommy nagdudusa dahil mas maraming oras sa inyo si Daddy kaysa sa amin."

"Teka paano mo nakikita ang mga post ko sa social media eh wala akong natatandaan na nasa friends list kita."

"Dummy account ang gamit ko, lalake nasa profile ko, ini-add kita kasi gusto kong makita ang mga ganap mo sa buhay."

"Huh?! Stalker ka pala! Hahahhaha!" Malakas na tawa ni Neal.

"Sira! Hindi ah!" Pagtulak ni Maya sa balikat ni Neal at pero nagbago ang tono niya, "Pero parang ganun na nga, naiinggit kasi ako sa'yo parang sobrang saya ng buhay mo, siguro dahil lalake ka at Chinese si Daddy kaya mas priority niya ang anak niyang lalake kaysa sa akin."

"Hindi masaya ang buhay ko Maya. Sa likod ng mga masasayang posts ko ay malungkot ako. Pinagtatakpan ko lang ang lungkot ko Maya."

"Nasa'yo na ang lahat Neal. Itsura, fame, pera, girls, pati nga Daddy ko nasa inyo na ng mommy mo eh."

"Hahaha! Grabe naman 'yung girls, pero sa totoo lang wala pa akong naging seryosong relationship, it's either sila umaayaw or ako. Walang totoo sa kanila, puro sila fake. Katulad ng pagtawa at pag-ngiti ko sa mga posts ko, mga fake din 'yun."

"Bakit Neal?" Si Maya naman ang naging interesado sa kwento ng buhay ni Neal.

"Sinasaktan ni Daddy si Mommy physically kapag nakaka-inom siya. Imbes na umuwi siya sa inyo, sa amin siya umuuwi dahil sabi niya ayaw niyang saktan ang asawa niya. Eh ano ba si Mommy para sa kaniya? Oo alam kong mistress ang mommy ko Maya pero hindi ba dapat mahalin din niya si Mommy gaya ng pagmamahal sa mommy mo dahil ako ang naging bunga ng kasalanan nila?"

Ang mga mata ni Maya na puno ng galit at pagka-inis kay Neal ay napalitan ng awa at pagtataka. Gusto niyang yakapin si Neal para i-comfort ito at iparamdam niya ang pagiging kapatid niya kay Neal pero pinipigilan siyang isip niya.

"Pati ako sinasaktan ni Daddy kapag nakakbalita siyang nakipag-away ako sa school, eh kaya lang naman ako nakikipag-away para mapansin niya ako, para mahalin niya ako. Hindi ko kailangan ng mamahalin niyang mga regalo. Pareho lang sila ni Mommy na laging walang time sa akin, ang Yaya ko lang ang lagi kong nakakasama sa mga school events, minsan nga ang Yaya ko lang din ang humaharap sa Principal kapag i-eexpel na ako eh."

"Neal, sorry...akala ko kasi..." Hinawakan ni Maya ang kanang balikatni Neal.

"Ok lang Maya, nung nalaman kong dito ako papasok na school naging masaya ako dahil alam kong andito ka, magkakaroon na akong kakampi kahit alam kong galit ka sa amin ni Mommy."

"Pasensya ka na kuya..." Ngiting sagot ni Maya.

"Wow! Sarap namang pakinggan ng kuya na 'yun! Hahaha!" Biro ni Neal sabay yakap kay Maya.

"Sana simula ng araw na ito, magkakampi na tayo salahat ng bagay, kahit sa pag-aalaga kay Payne." Bulong ni Neal habang nakayakap kay Maya.

Tinanggal ni Maya ang mga braso ni Neal, " Bakit gusto mo si Payne, kuya? Hindi ka ba natatakot na baka husgahan kayo ng mga tao? Na baka hindi ninyo makaya ni Payne ang mga trials sa magiging relationship ninyo."

Dumiretso ng tingin si Neal at ngumiti, "Kay Payne lang kasi ako nagiging totoo. Hindi ko rin alam eh, siguro love at first sight. Well, hindi lang pisikal pero bigla ko nalang naramdaman na magaan ang loob ko sa kaniya. Ganun yata ang soulmate eh, haha!"

"Saan mo naman unang nakita si Payne at paano mo nalamang may autism siya at MPD?" pagpapakita ni Maya ng intensyon niyang makinig kay Neal.

(*MPD - Multiple Personality Disorder)

"Sa canteen, " Nakangiti nitong pagsagot kay Maya, "Nakita ko siya sa canteen habang naka-upo, 'yung black and short straight hair nya na humaharang sa maliit niyang mukha. 'Yung mga mata niyang napaka-inosente ng dating na punung-puno ng hiwaga at kaligayahan. Kapag ngumingiti siya, ibinabaling ko ang tingin ko sa iba dahil napapangiti rin ako." 

Nagpatuloy lang sa pagkukwento si Neal kay Maya, " Naki-usap pa nga ako kay Sir Jack na ako ang humarap sa classroom niyo at para maging team leader ng grupo niyopara makita ko si Payne. Sobrang crush ko siya, kahit sabi ni Maven na autistic si Payne, pero para sa akin normal lang siya."

Napangiti rin si Maya, "Alam mo kuya, sila na ang new normal dahil sabi nga may mga autism characteristics ang kahit sinong tao, sa pagiging simpleng OCD ng isang tao or pagkakaroon ng strong senses na nakikita sa isang autistic eh ganun din naman ang ibang normal na tao. Kaya ako, ang treatment ko kay Payne parang normal lang."

(OCD - Obsessive-Compulsive Disorder)

"Oo nga eh, " Sagot ni Neal habang tinatapakan niya ang nahuhulog na tuyong dahon sa paanan niya, "Alam ko naman 'yun at nang nalaman ko rin na si Payne ang nag-paint sa mga walls ng campus lalo akong na-in love sa kaniya. Special nga talaga sila. 

"Kaya nga kuya autism spectrum ang tawag, malawak kasi, ang character ng isa ay pwedeng hindi mo makita sa ibang autistic rin. Nakatulong din kay Payne na ipinasok siya ni Tita Ayla sa regular school dahil normal na nakakagalaw si Payne, 'yun MPD lang talaga niya ang hindi maiiwasan at minsan talaga, well... most of the time nahihirapan na talaga si Payne."

"Kailan nag-start ang MPD ni Payne?" Tanong ni Neal at tinigilan na niya ang pagtapak sa mga tuyong dahon sa lupa.

"Nuong third year kami, pumunta siya sa bahay ko para gumawa kami ng report sa Rizal subject. Iba ang suot niya, gothic style eh hindi naman ganun si Payne. Ayaw niya ang pagka-hello kitty fan ko pero usually kaming dalawa ang bumibili  ng hello kitty collectibles.

Sinakyan ko nalang siya sa mga sinasabi niya at pag-uwi niya ay tumawag ako kay Tita Ayla, nalaman kong na-dignose si Payne ng multiple personality disorder, si Jessica pala siya nung time na 'yun, hanggang sa minsan si Jojo siya kapag lalaban siya ng chess competetion, pinakahuli niyang na-encounter si Lea."

"Naaawa ako kay Payne..." nanlumo si Neal.

"Ano ka ba kuya, kaya nga narito tayo, kakayanin 'yun ni Payne." Pagbibigay pag-asa ni Maya kay Neal.

"May gumagaling pa ba sa pagkakaroon ng MPD?"

"Hindi ko rin alam kuya eh, base sa mga napapanood ko walang gumagaling at nadadagdagan pa nga pero 'yung mga taong may MPD may mga pamilya sila may mga anak, so I think pwede rin naman si Payne." Ngiti nito kay Neal.

"Maya, let's go, umuwi na tayo!"

"Mmm...mommy?!" lumaki mata ni Maya sa gulat,

 "bakit kaya siya sinundo ng mommy niya?" May parang hangin na nagtanong sa kaniyang isipan.

"Tt...tita Shane?" gustong bumati sana ni Neal pero hindi siya nilingon ng legal wife ng kaniyang Daddy.

Related chapters

  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 20 - Unexpected Encounter

    "A-BE-LAR-DO! A-BE-LAR-DO!" "HEP HEP ... HOORAY!" "WOOHOOO!!!" Ito ang nakababasag-taingang sigaw ng mga high school student habang naglalakad sila papuntang basketball court kung saan pormal at opisyal na sasabihin ni Sir Jack kung sino-sino ang mga qualified para sa Inter-School Competition na gaganapin ulit sa Holy Angels University. At habang nag-iingay ang mga miyembro ng cheering squad ng school at ang lahat ng estudyante ay magulo pa ang pila ay dumating naman ang grupo ni Neal. "HUY!! Iingay nyo! Umayos na nga kayo sa pila..." Sigaw ni Maven sa mga sophomore students. Nang makita nilang dumadating na isa-isa ang mga teachers para pumunta sa pila ng mga estudyante ay agad namang tumugtog ng "Lupang Hinirang" ang malalaking speakers na nasa paligid ng campus. Napilitang umayos sa pila ang mga estudyante upang magsagawa ng

    Last Updated : 2021-08-22
  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 21 - Childhood Memories

    "Oh Maya! How's your game?" Inakbayan ni Neal si Maya bago pa ito makasampa sa Jeepney. "Ay ikaw pala kuya, kanina ka pa ba dyan?" Makatapat silang umupo sa loob ng jeep, dalawang tao ang pagitan mula sa driver. "Di naman, may ka-text ako kanina then pagharap ko nakita ko likod mo, kumusta ang laro balita ko...?" Panaka-naka ay tumitingin siya kay Maya at sa cellphone niya habang nagtetext siya. "Okay naman, magagaling ang team ng Maryknoll Academy, but of course mas magaling kami kaya... nanalo kami so... pasok kami sa semi-finals...uuy! kuya! Nakikinig ka ba?" Sinipa ni Maya ang kanang paa ni Neal. "Oh sorry! Katext ko kasi si Payne, ibinabalita ko na kasama kita ngayon sa jeep at nanalo kami sa first game. Congrats ha!" Ngiti nitong sagot kay Maya. "Teka ano nga palang number mo?" "Ah... kakamiss naman ang bestfriend ko, mamaya pag-uwi ko tatawagan ko siya at babalit

    Last Updated : 2021-08-23
  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 22 - Wrong Messages

    Nanginginig ang mga kamay ni Maya. Huminto ng pilit ang kaniyang mga paa sa pag-hakbang. Parang nanlalambot ang kaniyang kalamnan at umiikot ang kaniyang paningin sa pagkalito. Naguguluhan siya dahil hindi ito ang pagkakakilala niya kay Lee, iniisip niyang sa pagbabago ng nakasanayang pangalan ni Lee, nabago ito bilang Brian kasabay ng pagbabago ng kaniyang pag-uugali. Ngunit, pareho lang ang damdamin ni Maya nuong bata siya na may lihim siyang pagtingin kay Lee at ngayong kaharap na niya si Brian. Hindi rin niya alam kung magsisisi ba siyang nakipag-date siya kay Brian dahil sa pagiging possessive niyang ugali. Maraming tumatakbo sa isipan ni Maya, "Ito ba talaga ang Lee na malambing at selfless na nakilala ko nuong bata pa ako?""Bbb...Brian...? O...okay ka lang ba?" kumakabog sa kaba ang dibdib ni Maya, natatakot siya pero kung kakawala siya sa mahigpit na pagkakahawak nito sa kaniya ay baka lalong magalit si Brian. Dahan-dahang tumingin

    Last Updated : 2021-08-25
  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 23 - Solitude

    Nababalot ng kaba ang buong katawan ni Neal. Hindi niya alam kung sino ang nagpadala ng picture nila ni Diana kay Payne. Iniisip rin niyang baka si Diana lang ang may pakana ng lahat. Naghihintay siya sa mga kasunod na irereply ni Payne, ngunit dumaan ang limang minuto ay wala pa ring reply ang dalaga. "Payne... galit ka yata, sorry, oo mali ako hindi ko naman talaga siya pinsan, pero hindi ko rin naman siya kilala. Pero tama ka, si Diana nga 'yang nasa picture pero mali ang iniisip mo, mabilis ang pangyayari at pati ako ay nagulat." Ito ang naiipon sa isip ni Neal na hindi naman niya mai-type sa kaniyang cellphone. Hindi na tinangkang mangatwiran ni Neal kay Payne, at magtatype na siya ng mga salita para suyuin si Payne... ngunit mas pinili niyang tumahimik nalang at plano niyang magpaliwanag ng personal. Sa personal, makikita niya ang totoong reaction sa mukha ni Payne, malalaman niya ang totoong gust

    Last Updated : 2021-08-27
  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 24 - Reconciliation

    Iniangat ni Neal ang kaniyang kamay upang alalayan si Payne sa pagbaba mula sa Jeep at nang mapansing pawisan ang kaniyang palad ay agad niya itong ipinahid sa laylayan ng kaniyang black t-shirt at agad hinawakan ang kaliwang braso ni Payne.Umirap lamang ang dalaga ngunit sa loob niya'y kinikilig siya sa tuwa at pigil na pigil ang kaniyang pag-ngiti, "Bakit ka naman nandito?" Mabilis niyang pagbaba ng Jeep."Nakatambay ako rito sa entrance ng Eco Park, sasakay na ako ng Jeep nang nakita kita, naisip kong alalayan ka sa pagbaba." Habang sinusundan niya sa paglalakad si Payne.Papasok na sa loob ng Eco-Park si Payne at lumingon ito sa kaniyang likod para harapin si Neal. Agad namang tumakbo si Neal at lumipat ulit sa likod ni Payne kaya napabuntong-hininga ang dalaga, inilagay ang bigat ng kaniyang mga kamay sa tigkabila niyang baywang at nagsalubong ang kanyang mga mata."Haay naku Neal!!! Ikaw na ng

    Last Updated : 2021-08-30
  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 25 - Temptation

    Habang nag-aabang ng Jeep sina Neal at Payne sa labas ng Eco-Park ay hinawakan ni Neal ang kamay ni Payne sa huling pagkakataon ng araw na 'yun. Bago sumakay si Payne ng Jeep ay baon niya ang matatamis na ngiti ni Neal, ngiti ng pagkagalak na muli niyang nakita ang binata at ngiti ng paniniwalang magiging tapat sa kaniya si Neal sa araw-araw kahit hindi sila magkasama. Ngiti ng pagtitiwala na ayaw niyang tanggalin sa puso niya. At sa paglayo ng Jeep na sinasakyan ni Payne ay baon naman ni Neal ang pag-asang baka naman bukas ay magbago ang isip ni Payne at surpresang makita niya ito sa finals. Namimiss na niya ang dalaga, ang totoo pinipigilan niya ang sarili niyang yakapin lagi si Payne dahil masasanay siya at lalo lang niyang mamimiss, naiisip niyang hindi pa panahon para sa kanila ang ganoong mga bagay. Natatakot siya sa maaaring mangyari, mabuti man o masama, mas okay na ang nag-iingat. Ibinukod kasi niya si Payne sa mga babaeng napag

    Last Updated : 2021-09-01
  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 26 - Viral Video

    Sa pagitan ng kumakabog na dibdib nina Diana at Neal ay ang palitan nila ng maiinit na hininga at malalagkit na tinginan. Tumigil ng ilang segundo ang takbo ng oras at parang nadadala na si Neal sa tempting moves ni Diana pero sasagi sa isip niya ang maamong mukha ni Payne.Biglang marerealize ni Neal ang mga pangakong binitawan niya kay Payne, "Ano ka ba?!" Itinulak nito ang mga nanghihinang balikat ni Diana, "Bakit ginagawa mo 'to?! Anong problema mo?!"Agad na nagbihis si Neal ng white t-shirt at kinuha ang kaniyang sports bag at nang palabas na siya sa pinto..."Gustong kong gantihan si Payne!" nanlilisik ang mga mata ni Diana.Tumigil ang pag-hakbang ni Neal palabas ng Men's Roon at hinarap si Diana na may pagtataka, "Kilala mo si Payne? Anong kinalaman ni Payne sa'yo?""Girlfriend mo si Payne hindi ba?" Pagtataray na boses ni Diana.

    Last Updated : 2021-09-03
  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 27 - Giving Up

    "Ito ba 'yung basketball player sa Abelardo High School?" "Oo, ito 'yung super cute at chinito na MVP." "Eh balita ko marami na daw 'yan naging girlfriends." "Ganun? Balita ko naman autistic daw ang girlfriend niyan ngayon." "Ha? Sino?" "Si Payne!" "Si Payne?! 'Yung chess player?!" Ito ang paulit-ulit na bulungan ng ibat-ibang grupo ng estudyante na nilalampasan ni Maya mula sa gym hanggang makalabas siya ng gate ng university. Naiinis siya kay Neal at nagaalala kay Payne habang pasakay siya sa Jeep.Nakarating na kay Mrs. Martinez ang principal ng Abelardo High School ang video scandal nina Neal at Diana pinaulit-ulit niya itong pinanood. Malaking kahihiyan ito ng kanilang paaralan na madawit sa ganitong klaseng eskandalo. Lalo pang nakadagdag sa pagkainis ni Mrs. Martinez ang maraming negative comments ng mga tao sa kanilang paaralan.Pasakay na sana si Ma

    Last Updated : 2021-09-06

Latest chapter

  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 56 - To the Next Chapter

    Tanging ang kaunting sinag ng araw na kumakawala sa bawat siwang ng bintana na nakapalibot sa loob ng gymnasium ang nakikita ng lahat ng mga estudyante, guro at mga magulang. May spotlight na nakatutok sa dulong bahagi ng stage kung saan napukaw nito ang atensyon ng lahat. Dahan - dahang naglakad si Neal papalapit kay Payne na may hawak na bouquet of roses, kasunod niya ang kanilang mga kaibigan na kumakanta ng “We’ve Only just Began”. Iniabot ni Neal ang bouquet kay Payne at tila nanginginid ang luha ng dalagang ng kaniyang iunat ang kaniyang mga kamay at hawakan ang mga bulaklak, tumingin siya ng bahagya kay Maya at ang ngitian nila ang tanda ng pagpapasalamat nila sa isa’t isa. Nagsitayuan ang lahat ng mga magulang, mga guro at lahat ng estudyante ng sabayan nila ang pagkanta ng mga magkakaibigan sa stage. Natapos ang isang awitin ngunit inulit ng mga estudyante ang chorus habang nagyayakapan silang magkakaibigan, magkakaklase at kahit ang kanilang mga saglit na nakaalitan. Reco

  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 55 - Inspirational Message

    Mabilis ang pag-paling ng ulo ni Payne sa kaliwa't kanan, naguguluhan siya sa mga nangyayari sa kaniya. Pilit na kinakalma ni Neal ang kaniyang sarili upang hndi maramdaman ni Payne ang kanyang pag- aalala. Si Ayla naman ay mas nangingibabaw sa kaniyang damdamin at kilos ang pagiging doktor kaya naman nanatili siyang kalmado at may kontrol sa lahat ng nangyayari kaysa pagiging ina na magpapanic sa pinapakitang kilos ng kaniyang anak."Sandali Payne anong nangyayari sa' yo? Sinong baby? Anong baby ang sinasabi mo?" mababakas ang panginginig sa boses ni Neal at halos gusto niyang yakapin si Payne.Nakatingin si Payne sa kawalan habang dahn- dahang tumutulo ang kaniyang mga luha, "Tinanggal nila ang baby natin Neal. Nasaan na ang baby natin? Sorry Neal, sorry...""Mommy sorry po nakagawa kami ng kasalanan ni Neal Patawarin mo po kami mommy."Kumunot ang noo ni Ayla na tila ba nahihiwagaan siya sa rebelasyon ngkaniyang anak. Nakatitig lamang si Neal habang mahigpit niyang hawak ang kama

  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 54 - Awakened by Surprise

    Tanging ang mahinang ilaw sa poste na nasa labas gate ang nagsisilbing sinag sa maliit at madilim na silid na pinasukan nina Neal at Payne. Sa mabilis na pagbukas ni Neal ng pinto upang maiwasang mabasa sila ng ulan ay napaatras siy ang tatlong segundo at saka dahan -dahan namang inihahakbang niya ang kaniyang mga paa papasok sa silid.Nag - alangan ang mga paa ni Payne na pumasok nang makita niyang madilim at tila nakakatakot ang silid, "Umuwi na tayo Neal, tara na, baka makasabay pa natin sin Maya papalabas ng gate baka may dala silang payong makisilong nalang tayo."Dahan - dahang naglakbay ang mainit na palad ni Neal sa kaliwang kamay ni Payne at buong higpit niya itong tinitigan na para bang sinasabi niyang ibigay lang ang buong tiwala sa kaniya dahil nasa mabuti siyang kamay , bumulong ito ng, "Magpapatila lang tayo ng ulan, baka magkasakit ka, mapagalitan pa ako ni Tita Ayla, saglit lang tayo rito."&nbs

  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 53 - A Time for Us

    Sabado. Mag - aalas - singko ng hapon. Sa isang madilim at puting kwarto na may malaking salamin ay makikitang nakaupo si Payne na naka - khaki shorts with brown sleeveless top sa dulo ng kama, at si Neal na nakadamit ng white t-shirt at faded jeans ay nakatungo habang nakaupo sa silyang malapit sa isang 32 inches na TV.Mag sasampung minuto nang nababalot ng katahimikan ang paligid. Tanging ang mga buntong - hininga ng magkabilang panig ang maririnig sa bawat sulok ng silid.Biglang tumayo si Payne at itiniklop ang kaniyang mga braso sa unahan ng kaniynag dibdib, "Fine! Nakapag - desisyon na ako. Ako rin naman ang mahihirapan kapag tinuloy ko ito, hindi ba? Katawan ko ito, buhay ko ito. Wala kang pakialam!" Nanginginig ang mukha ni Payne at pinipigalan ang kaniyang mga mata na ilabas ang luha dahil nagtatapang - tapangan siya sa harap n Neal.Tumalikod si Payne at humarap sa bintana upang hindi makita ni Neal ang kaniya

  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 52 - Payne's Other World

    Dahan - dahang iminumulat ni Payne ang kaniyang mga mata, nararamdaman niyang parang may naka dagan sa kaniyang buong katawan. Mula ulo hanggang sa kaniyang mga paa ay hirap na hirap niyang igalaw. Tanging ang kaniyang mga daliri ang may natitirang lakas para damhin ang hangin sa kaniyang paligid.Tila hinaharangan ng hangin ang kaniyang mga tainga kung kaya't sinasala nito ang mga tunog bago pa pumasok sa loob at iproseso ng utak niya. Ang kaniyang pang - amoy ay mas naging sensitibo, ngunit hindi mawari kung anong amoy ang nag- aagawang pumasok sa kaniyang isipan. Nagugulan. Namamagha. Naaaliw. Dahil sa unang pagkakataon, ang kaniyang kaisipan ay malaya at naninibago.Sa kabigatan ng nararamdaman ni Payne sa pagkakataong iyon ay minabuti niyang muling pumikit at damhin ang lamig ng kapaligiran. Ang lamig na dumadaloy sa bawat balahibo ng kaniyang mga braso. Dahan - dahang makikita sa kaniyang mga labi ang kaligayahan sa sandali

  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 51 - Chained to Love

    Sa isang slow motion effect ay makikitang nagtatawanan sina Gilbert, Maven, at Alvin habang pinagsasaluhan ang inihanda nilang pagkain sa kaarawan ni Neal. Habang si Neal naman ay pigil na pigil sa pagtawa at halos sumakit na ang tyan sa corny jokes ni Gilbert.Sa paulit- ulit na tukso ni Maven kay Gilbert ay mukhang gusto na nga niyang totohanin ang panliligaw kay Shara, ngunit katulad ng iba na may separation anxiety ayaw rin niyang pumasok sa isang relasyon lalo pa nga at malapit na ang graduation nila.Hindi rin siya sigurado kung pareho sila ng papasukan sa college, ngunit si Neal naman ay nagpayo ng "It's better to take the risk than regretting it" pagdating sa love.Kagaya ng ibang typical high school students, masyado pa rin naman silang newbie sa karanasan pagdating sa pakikipagrelasyon, at si Maven naman, sa pagiging relihiyoso niya ay mas pinipili niyang makapagtapos mun

  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 50 - Wish Granted

    Ilang minuto na ang nakakalipas at nagtatalo ang mga mata nina Shara at Gilbert kung sino ang magbubukas ng pinto, nagsalubong ang mga nakangiting mata nina Alvin at Neal ngunit inihakbang ni Maya ng mabilis ang kaniyang mga paa at lumapit sa pinto, bumuntong hininga.Kung gaano kabilis ang hakbang ni Maya ay ganun rin naman kabagal ang kaniyang kamay para abutin ang doorknob. Napapikit siya ng ilang segundo at inilapat ang kaniyang kanang kamay sa malamig na metal ng doorknob.Sinadya ni Maven na itaas ang kaniyang boses sa nakatalikod na si Maya, Sige na buksan mo na, parang alam mo na din naman kung sino 'yang kumakatok."Nagkibit - balikat lamang si Maya at dahan - dahang binuksan ng pinto...Naunang magpakita ang cake na may kandilang hugis letra, "16" na hinahawakan ng mga malalambot at maputing mga kamay ni..."Tita? Tita Penny? ... Mm... Ma? " Sa mga sandali

  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 49 - Neal's Special Day

    Limang minuto bago mag ala- sais nang lumapat ang kaliwang kamay ni Neal sa kaniyang kaliwang mata upang kuyumusin ito. Espesyal ang araw na ito para sa kaniya, bukod sa kaarawan niya, ngayon rin ang unang pagkakataon na mayroon siyang makakasamang girlfriend sa kaniyang kaarawan.Madalas kasi sa mga nauna na niyang relasyon na wala namang nagtagal, bago sumapit ang kaniyang kaarawan ay naghihiwalay na sila. Tinuring na nga niya itong kamalasan dahil kahit anong pilit niya ay mas pinipilit ng panahon na mag- isa siya sa kaniyang kaarawan.Bukod sa nabulabog ang kaniyang tainga sa alarm ng kaniyang cellphone, napilitan siyang buksan ang natutulog niyang mga mata at diwa sa pag- hawi ng kurtina ng nurse na nag- check ng kaniyang vitals.Maayos na ang pakiramdam ni Neal, at nakakagamit na rin sya ng cellphone, naiigalaw na niyang maayos ang kanyang mga kamay at braso. Sa ilang segundo ay itiniklop niyang muli

  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 48 - Closeness

    Lumapit ang pulis kay Alvin at tinulungang itayo ang binata, "Narinig mo pinapatawad ka na at hindi kana idedemanda.""Anak...?" Naguguluhang tawag ni Penny kay Neal."Tama po ang narinig nyo Ma, gusto ko na pong matapos ito. Gusto ko na po agad gumaling, pagkagaling ko, gusto ko pong magsimula tayong muli. Hilumin po natin ang nakaraan Ma, kasama sina Tita Shane at Maya."Napatakbo si Penny kay Neal at pinalibutan nya ng mapagmahal nyang mga braso ang di makagalaw nakatawan ng anak. Ramdam na ramdam ni Neal ang pagmamahal ng kanyang ina sa mga bisig nitong punung - puno ng pangungulila. Hindi napigilan ng lahat na maging emosyonal at mapaluha ng bahagya sa nasaksihan."Anak, napaka - buti ng puso mo, ayaw mong maghiganti sa taong nagkasala sayo. Proud ako, ganyan pala kita pinalaki.""Ma, deserve ko po lahat ng nangyari sa akin at gusto ko na pong itama ang lahat.

DMCA.com Protection Status