Share

Chapter 16 - Confirmation

Dumating ako sa bahay galing sa school na nasa pagkatao ko sa Jojo, ayaw pa niyang umalis sa akin at dahil dito madali akong napagod sa byahe.

Hindi na ako naihatid ni Neal dahil nang dumaan ako sa basketball court ay wala siya.

Sasamahan sana ako ni Maya na pumara ng jeep pero nainip na ako sa kahihintay na matapos ang volleyball practice niya sa gym, kaya I decided to leave her.

Nagpaalam lang ako sa kaniya sa tingin at senyas, gusto man ni Maya na lumapit sa akin pero pumito na agad ang coach niya kaya wala akong choice kundi umalis nalang. 

Bumungad si Mommy sa gate pagbaba ko ng jeep.

Bakas sa mukha niya ang pagkainip sa paghihintay at pag-aalala dahil humahaba ang leeg niya nang makita ang jeep na sinasakyan ko na tumigil sa harap ng bahay namin.

"Payne, ang sabi ni doktora magpahinga ka, kayang-kaya mo naman yang chess competition na 'yan eh. Don' t stress out yourself, hindi naman yan pang academic, extra curricular lang naman 'yan. " binubuksan ni mommy ang gate at hinahagod ang likod kong basa ng pawis, agad niyang kinuha ang nakasabit na good morning face towel sa loob ng uniform ko.

"Ok lang ako, don't worry." dire-diretso lang ako sa pagpasok sa gate at pagbukas ng front door namin.

Napansin ni mommy na iba ang tono ng boses ko.

Alam kong hindi ikaw si Payne, pero anak just take things slow, hindi importante sa akin na mag-champion ka kung magkakasakit ka naman.

"What?! How about my past achievements? Wala lang lahat 'yun?"

"Payne, that is not what I mean, don't get me wrong, I am just concerned na baka lumala ang episodes mo at hindi mo ma-control ito. Katulad ngayon, I know si Jojo ka, paano kung nasa gitna ka ng competition bigla mag-iba ang personality mo? "

"Ganun naman talaga diba kahit noon pa?"

"I know but Maya was always there to guide you, ngayon baka hindi na dahil nabanggit sa akin ni Miss Lexy na pareho kayo ng oras ng competition ni Maya and I won't be there, You will be all by yourself, and I am not that sure if you can handle yourself well. "

"I am too old for your advices, for your concerns. I can handle myself well." dumiretso na ako sa kwarto and I slammed the door.

Agad akong nagtanggal ng uniform, pinabayaan itong nakakalat sa floor at isinuot ang white round neck shirt ko with boxer shorts.

Sa paghiga ko ay iniwan na ako ni Jojo. Naramdaman ko ang pagod at pawisang mga palad ni Payne.

"Totoong chess competition na bukas, pero bakit parang tinatamad akong maglaro? " bulong ko sa sarili ko habang inaayos ko ang higaan ko at naghahanda na akong matulog.

Nitong mga nakaraang araw kasi napagod ako sa everyday chess practice namin. Kung sino-sinong teachers ang naging kalaban ko, kung sinu-sino ring mga tao ang pumapasok sa pagkatao ko, kaya naman hindi ko na alam kung ako nga ba ang naglalaro nang mga oras na iyon o ang ibang tao na nasa katauhan ko.

Nagvibrate ang aking cellphone na nakapatong sa aking bed side table.

Tinatamad na akong tingnan ito actually. Katulad ng mabilis na pagpapalit ng mga personality ko, ganoon din ang pagod ko sa pakikisalamuha sa mga ito.

Mahirap, nakakapagod sa utak hindi lang sa pisikal. Ang pagka- hyper ng isang 8 years old na si Lea, at biglang pagpapalit ng katauhan ng isang 50 years old na si Jojo ay nakakalugaw ng utak.

May mga pagkakataong ayaw kong umalis si Jessica sa akin, hindi dahil ka-edad siya ni Payne kundi dahil mas nagkakasundo kami sa maraming bagay. Isang bagay lang naman ang hindi kami magkasundo ni Jessica, ang pagiging hello kitty fan ko.

Sa pangalawang pagkakataon ay tumunog nanaman ang notification message ng cellphone ko, napilitan akong iangat ang kanang braso ko upang kunin ang cellphone kong nakapatong sa bedside table.

Nakapikit na ako nang itinapat ko ang cellphone ko sa aking mukha at ang matinding blue light nito ang pumilit sa aking mga mata para buksan ko ang mga ito.

Sinilip ko pa ng aking kanang mata ang aking cellphone, "Sino kaya ito, ibang number." habang binubuksan ko palang ang message application.

"I miss you"

"Nakauwi ka na"

Magkasunod ang text message. Hindi ko kilala ang number, walang period or exclamation point, simpleng "i miss you" at "nakauwi ka na" lang.

Magrereply na sana ako ng, "hus dis?" pero biglang nagmessage ulit.

"Si Neal ito, bago na ang number ko."

Hhmm... Bakit kaya nag-iba ang number ni Neal, hindi kaya may huma-hunting sa kaniyang babae at kinukulit siya nito?

Nag-reply lang din ako ng... "Bakit wala ka sa final practice kanina? Dumaan ako sa court, hindi kita nakita."

"Maaga akong umuwi Payne, tumawag si Mommy, mejo nagkasagutan kami dahil gusto niyang sa abroad ako mag-college, eh hindi ako pumayag."

"Kaya ba nagpalit ka ng cellphone number?"

"Yep! At ikaw lang ang nakaka-alam."

"Magandang opportunity ang mag-aral sa abroad, di lahat nabibigyan ng ganiyang opportunity, bakit ayaw mo? Mas mabilis pa sa alas-kwatro ang reply ko kay Neal.

"Ayaw kong malayo sa iyo Payne, hindi ko gusto ang long distance relationship and besides dito ako masaya."

Napangiti ako at napa-upo. Sumandal ako sa headboard kong kasing-lambot ng pinagpatong-patong na isang kilong bulak, itinakip ko ang comforter ko sa aking mga hita, at kinuha ko ang unicorn throw pillow ko mula sa aking upuan.

Nakangiti lang ako at paulit-ulit na binabasa ang huling text message ni Neal, "Ayaw kong malayo sa iyo Payne..."

Tumigil ang mga daliri ko sa pag-type ng message.

"Psst.. Nakatulog ka na yata Payne."

Parang napilitan akong mag-reply sa kaniya dahil baka akalain niyang tulog na nga ako at hindi na siya mag-text.

 "I miss you too..." reply ko sa kaniya.

"Ako din, gusto kong maulit ang date natin sa Eco Park. Pwede bang before the competition magkaroon tayo ng kahit isang buong araw lang na magkasama tayo, bitin kasi 'yung oras natin sa Eco Park last week eh."

"Wala din naman kasi tayong gagawin sa Eco Park Neal."

"Eh di lilibutin natin ang Eco Park ng paulit-ulit habang hawak ko ang kamay mo. Kakain ulit tayo ng ice cream at iswi-swing ulit kita, magtatagpo tayo sa slide, maghahabulan tayo at kapag napagod ay magpapahinga tayo sa kubo."

"Oh tapos?" nakangiti kong reply kay Neal.

"Tapos maglalaro tayo ng question and answer portion."

"Hahahha! Ano naman yang question and answer mo na na 'yan aber?"

"Question and answer para mas makilala pa natin ang isa't-isa Payne, masaya 'yun."

"Huh?" gusto ko sanang lagyan ng lol emoji lero nagdalawang-isip ako.

"Tapos Payne, kung sino ang magtatanong siya ang kakain ng ice cream ng isa!"

"Eeew! Kadiri ka talaga Neal! Tumatawa ako habang itina-type ko ang mga letra.

"Kainis naman to oh! Sa dami kong gustong itanong sa'yo ubos agad ang ice cream mo!"

"Hahaha! Oh sige nga sample ngayon?" agad kong reply habang natatawa ako sa palitan namin ng text messages.

"Sure ka ba?" naglagay si Neal ng scary emoji.

Nireplyan ko naman siya  ng smiley emoji. "Sige, sure." 

"Anong nararamdaman mo ngayon Payne?"

"Ano namang klaseng tanong yan?"

"Eh basta sagutin mo, 'yan ang tanong ko eh."

Napabuntong-hininga ako habang dahan- dahan kong tinatype ang mga letra, "Aahmm...pagod. Sobrang pagod ako ngayon."

"Physically o mentally?"

"Both Neal. Teka, hoy madaya ka! Second question mo na yan ha, wala pa akong first question, ako naman magtatanong!" mabilis kong reply sa kaniya at nilagyan ko pa ito ng angry emoji.

"Haha sige na nga, may follow-up question pa kasi ako eh, ok your turn."

"Eh ikaw, ok ka lang ba ngayon?"

"Pareho lang naman yan ng tanong ko sa'yo eh, "

"Haha! Hindi yan pareho, sagutin mo na."

Walang emoji ang reply ni Neal, "Hindi ako ok Payne, well...kanina yun, ngayon dahil katext na kita ok na ako. Confused ako right now at the same time ay upset." 

"Bakit naman?" reply ko sa kaniya habang kinakagat ko paunti-unti ang right thumb ko.

"Hehe, my turn to ask."

"Alright, go ahead."

"Ok Payne, anong naramdaman mo nung na-first kiss kita sa forehead?"

Biglang nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Neal, bumilis ang tibok ng puso ko, kasing bilis na parang hinahabol ako ng gutom na gutom na aso.

"Ha? Ano ba ang totoong naramdaman ko nung time na 'yun?" bulong ko sa sarili ko at nagtatalo ang tig-kabila kong isip, sa kaliwa ay kinikilig ako, sa kanan ay nahihiya ako. Sasabihin ko ba ang totoo o ang tama?

Ibinaba ko muna ang cellphone ko at tinakpan ng dalawa kong kamay ang aking maliitna mukha na tila ba nahihiya ako sa tanong ni Neal, kahit hindi naman niya ako nakikita.

"Nagulat ako Neal, nahiya ako, awkward ang scene na yun." ito na lamang ang nireply ko sa kaniya, pero ang totoo kinilig ako na parang naiihi ako sa kilig.

"Ay ganun? Akala ko kinilig ka. Aaahm... bakit ka naman nahiya?"

"Oops my turn..."

"Hahahha! Ganun ba, gusto ko kasing malaman agad eh. O sige, it's your time to ask me." nilagyan pa niya ito ng crazy emoji.

"Kapag ba naging tayo, ipapakilala mo ba ako sa Mommy mo?" sa totoo lang, nag-aalangan akong itanong ito kay Neal, pero dahil hindi ko naman makikita ang totoong reaction niya sa tanong ko, kahit na naiimagine ko kung anong pwede niyang iresponse pero dahil para matigil nalang ang gumugulo sa isip ko, naglakas loob akong itanong ito kay Neal.

Hindi siya nagrereply.

Inaabangan ko ang sagot niya at bumilis ang pagkagat ko sa right thumb ko, hindi ko nararamdaman ang sakit pero kulubot na ito dahil sa laway ko.

Papalit- palit ang tingin ko sa orasan ng aking cellphone at sa last message kong sinend sa kaniya.

Nag-aalangan tuloy ako kung buburahin ko ba o susundan ko ulit ng isa pang reply. Pero  nai-send ko na.

 "There's no turning back Payne, maging ready ka nalang sa irereply ni Neal.", sinasabi ko ito sa sarili ko habang pinipitik ko ang kaliwang hita ko.

"Aaah!!! Bakit ang tagal niyang sumagot!" sinabunutan ko ang sarili ko at bumalikwas ako sa aking kama, dumapa ako at itinapak ang aking mga paa sa headboard.

Humiga ako at itinaas ang mga kamay ko habang hawak ko pa rin ang cellphone ko.

"Nagkamali yata ako ng tanong, dapat yata 'yung simple questions lang, complicated yata kaya hindi nasagot ni Neal agad."

Inilagay ko na ang cellphone sa aking dibdib, ipinikit ko na ang pagod kong mga mata ngunit gising ang aking diwa na naghihintay pa rin sa sagot ni Neal... At biglang tumunog ang cellphone ko.

"Yes, my princess, I'll be happy to introduce you to my Mom. Goodnight, my princess " sa huli nitong message ni Neal ay tatlong smiley emoticon.

Napangiti lang ako at dagling kinuha ang comforter ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status