Share

Chapter 15 - Preparation

"Payne, I called you earlier, but you're not at home, Tita said you went out on a date with Neal."

"Ahm.. Maya let me explain, I didn't get a chance to ask you because..."

"No, it is okay, Tita Ayla told me about it, I was just worried not only because you were with Neal,  but because I am afraid na sumpungin ka ng episodes mo."

Mahinahon ang boses Maya, hindi katulad ng nasa panaginip kong sumisigaw siya at nakikipagtalo kay Neal.

"I did Maya, I had episodes when I was with Neal, hindi ko din napigilan and I became Lea and Jessica."

Napabuntong-hininga si Maya, malalim at kahit nasa kabilang linya siya ng telepono parang nakikita ko ang pagkalungkot sa kaniyang mukha.

"Payne... next time, tell me about all your plans of going out, it is not only for your safety but for my peace of mind also."

"Yes Maya, I am sorry, akala ko kasi galit ka pa sa akin."

"When did I ever get mad at you Payne?"

"Hmm... minsan..."

"I can only get mad at you if you stop me from protecting you, I do not want you get hurt Payne."

"I know... thank you..."

Napaupo ako sa sofa at nag-ready para magkaroon ng long conversation with Payne.

Parang nalimutan ko ng naiwan ko ang pagkain ko sa dining table at hinihintay ako nina Mommy at Neal bumalik.

"Oh sige na Payne, baka nagdi-dinner ka, we can talk about this on Monday, it's your first day of practice para sa chess competition."

"Yes Maya..." Napatayo na ulit ako sa kinauupuan kong brown leather sofa.

"Sige Payne, Bye, good night."

Ibinaba na ni Maya ang telepono bago pa man ako magpaalam.

Bumalik ako sa dining area at umupo sa aking iniwang dining chair, sumubo ako ng huling subo ng kutsarang may kanin at taba ng pork adobo.

Tapos na sina Mommy at Neal magdinner at halata namang hinintay lang nila akong makabalik ng upuan ko.

Tahimik ang lahat.

Tanging ang ingay mula sa black stand fan ang maririnig sa buong dining area. Tapos na kasing kumain sina mommy at Neal.

"Sa telephone talaga kayo nag-uusap ni Maya? Hindi sa text?"

Umiiling lang ako pagkatapos magtanong ni Neal.

"Mommy tapos na po ako, ako na po ang magliligpit ng plates."

Tumayo na si Mommy at dumiretso sa computer table para kunin ang kaniyang cellphone, "Sige, ilagay mo lang sa sink at ako na ang maghuhugas, naalala kong kailangan ko nga palang itext si Shane para sa zumba namin on Monday.

Tumayo na rin si Neal at sinimulang kunin ang mga nagamit na baso,"Tulungan na kita Payne."

Nagparinig na si Mommy kay Neal, "O, anong oras ka uuwi? Baka wala ka nang masakyan sa kanto at gabi na. Si Payne na ang bahala dito." Habang inilalagay ko sa sink ang mga magkakapatong na na white ceramic plates na ginamit namin."

Inilagay ni Neal ang natirang kanin sa rice cooker, "Ok lang po tita, hanggang nine pa naman po ang biyahe ng jeep papunta sa amin."

Kinuha ko ang pamunas ng dining table, " Thank you nga pala kanina." pasulyap ko kay Neal. 

"Ako na." nakangiting kinuha ni Neal ang pamunas ng dining table mula sa kanang kamay ko at itinuloy niya ang pagpunas nito.

Napaupo ulit ako sa dining chair at pinpanood kong nagpupunas si Neal ng table, "Akala ko kasi totoong nakita ko si Maya nung sasakay na tayo sa jeep."

"Aaah... nahilo ka eh, habang naglalakad tayo papunta sa sakayan ng jeep humawak ka sa braso ko at napasandal ka sa akin, ayun nakita ko nahimatay ka na."

"Tapos...?"

"Nagtinginan ang mga tao, ayaw naman kitang dalhin sa ospital kasi lalong mag-aalala ang mommy mo kaya binuhat nalang kita at isinakay sa traysikel."

"Hmm.. thank you, pasensya ka na, puro abala ginawa ko sa iyo the whole day, puro downside, wala manlang memorable."

Itinigil ni Neal ang pagpunas niya, "Lahat ng nangyari Payne memorable para sa akin."

Napatingin ulit sa amin si Mommy at inilagay na niya ang cellphone sa computer table.

"Gagabihin ka na Neal." sarcastic ang ngiti ni mommy. 

Inilagay na ni Neal sa counter ng lababo ang pamunas at naghugas ng kamay mula sa metal faucet, "Ah opo tita, thank you po sa dinner."

Nagpunas siya ng kamay sa kitchen towel na nakasabit sa handle ng ref, "Tutuloy na po ako tita."

"Sige, ihahatid ka pa ba ni Payne sa gate?"

"Ay hindi na po" umiiling ang ulo niya, "Pahinga ka nalang Payne, see you on Monday."

Tumayo na ako at kinuha ng pitsel na natira sa dining table, tumingi ako sa kaniya na nakangiti, "Sige Neal, ingat ka, paki-lock nalang ng gate paglabas mo ha?"

"Oh sure."

Nag-iwan kami ng matatamis na ngiti sa isat-isa. 

Mga matatamis na ngiting kami lang dalawa ang nagkakaintindihan.

Monday na.

At magulo nanaman ang mga kaklase ko, nag-uusap usap sila tungkol sa schedule ng practice para sa Thursday.

Pumasok si Maya ng classroom at ako agad ang nakita.

Nakangiti siyang lumapit sa akin, "How's your weekend?"

"Great."

Inihilig niya ang kaniyang ulo sa aking kanang balikat, "Great, because...may ka-date ka!"

Sabay tulak sa akin ni Maya, "Hmp! I hate you! Kasama mo si Neal!"

"Kinuha ko ang kaliwa niyang braso, "Sorry na bespren, akala ko kasi galit ka pa sa akin kaya hindi ko na sinabi sa'yo."

"Sige na nga diba, mistakes forgiven pero next time, let me know."

"Opo."

Pumasok si Miss Lexy sa room namin at ang lahat ay nagsiupo.

"On Thursday, you will have your first day of practice, I want you to sign up in here (pinapakita niya sa amin ang white bond paper na may nakasulat ng sports category) in which sport category you are in."

Ipinasa ni Miss Lexy ang list sa first student sa last row malapit sa bulletin board ng classroom.

Nagsimula ng maghanap at mag-isip ng classmates ko kung saang sports category sila kabilang.

Nang mapatapat na sa akin ay bumulong si Maya,  "Payne ikaw pa lang ang magsusulat sa Chess category."

Napabuntong-hininga lang ako, "I know baka sa kabilang section ang makakalaban ko."

Tumatango lang si Maya, "As always naman hindi ba? ."

Natapos ang pag-sign up ng mga classmates ko at kinuha na ni Miss Lexy ang listahan.

May humawak sa likod ko, " Goodluck Payne." ngiti ni Shara sa akin.

Nag-smile back lang ako kay Shara, senyales ng pasasalamat ko sa kaniya.

Bago pa mag 9:00 a.m. ay muling nag-ring ang school bell para sa recess time.

Tumayo na si Maya at inilagay na ang kaniyang mga notebook sa bag, "Halika na Payne, at mag-uusap pa tayo sa remember?"

"Wala naman akong ganang kumain Maya."

"Bakit may masakit ba sa'yo?"

"Hindi wala, galing kaming clinic kahapon ni Mommy."

"Oh tapos anong sabi ni doktora?"

"Kung anapapadalas daw ang episodes ko, kasabay ng mabilis kong pagpapalit ng personality at pagsakit ng ulo ko, magpahinga daw muna ako."

"Meaning...?"

 

"Sabi ni doktora, I have to take a break daw, huwag muna akong sumali sa chess competition."

Nalungkot bigla ang mga mata ni Maya, parang nararamdaman ng mukha niya ang pagkalungkot ng puso ko.

Hinawakan niya ang balikat ko, "This means a lot to you Payne, last year mo na ito, at ikaw lagi ang panlaban ng school sa ibang school, pagkatapos ng Foundation Week may Intramurals pa, paano na ito Payne?"

"Hindi ko din alam Maya." Nakatungo kong sagot sa kaniya.

"Anong sabi ni Tita Ayla?"

"Eh ganun din, kung anong sinabi ni doktora, mag-rest daw muna ako, sabi pa nga ni Mommy kung kinakailangang mag-home schooling muna ako 'yun ang gawin ko."

"Huh?! Hindi Payne, tutulungan kita , kaya mo 'yan."

Pumasok si Neal sa classroom namin na may dalang sandwich na nakabalot sa transparent plastic at mineral water.

Napatingin si Maya kay Neal na nakataas ang kaniyang kilay, "Ano naman 'yan?"

Medyo itinaas ni Neal ang kaniyang braso akmang aalukin niya kami ni Maya, "Sandwich Para sa Masa."

"Huh? Pinagsasabi mo dyan Neal!"

Kinuhit ko si Maya, "Maya.."

Humanap si Neal ng arm chair at ipinatong ang dalawang sandwich at dalawang bote ng mineral water, 

"Actually, itong ham and egg sandwich ay para sa amin ni Payne, but since andito ka, eh para sa inyo nalang, diet naman ako eh."

"So, kumusta ang date ninyo ni Payne? next time dapat kasama na ako ha."

"Huh? Bakit naman? Ano ka third wheel?"

"Neal, alam kong nag-episodes si Payne, I know you handled it well but what if next time eh hindi na..."

Binigay ni Neal ang isang sandwich kay Maya at ang isa naman ay sa akin.

"Maya, I know this is off, but I want to be close to you, Kuya mo naman ako hindi ba?"

"But, still, hindi ko pa kayang tanggapin ka, kayo ng mommy mo, kinuha ninyo ang Daddy sa amin."

"I will wait for the day na matanggap mo ako bilang kuya mo, pero huwag mo naman akong pigilan magpaka-kuya sa iyo Maya."

"Neal, hindi yata ako makakasali sa chess competition sabi ni doktora kahapon." sabat ni Payne.

"Sus, huwag kang panghinaan ng loob Payne, andito kami ni Maya, tutulungan ka namin."

Patakbong pumasok si Shara sa classroom na humihingal.

"Payne! Punta ka daw sa office, kausapin ka daw ni Ms. Lexy."

Hindi na ako nakapagpaalam kina Maya at Neal, hindi ko na rin nakain ang sandwich na bigay niya.

Patakbo din akong pumunta sa office at nakit ako si Ms. Lexy na may kausap na lalaking nasa 5 feet at 7 inches ang height, mapayat ang pangangatawan, maputi at maliit ang kaniyang mukha at parang nasa late 40's ang edad. 

Nakapolo siyang floral at faded maong pants.

"Tok tok tok..."

Hindi ko nilakasan ang pagkatok ko para hindi maistorbo sina Miss Lexy sa pag-uusap nila.

"Ay nandito ka na Payne, pasok ka, ito si Sir Dean, math teacher sa Villarama Highschool,  ang magiging trainor mo para sa chess competition, ikaw din kasi ang gusto naming isali sa Intramurals."

Nahihiya ako at hindi makatingin kay Sir Dear.

"Hello Payne kung may free time ka ngayon pwede ba tayong magpractice, laro tayo ng chess, kahit one game lang para makita ko lang ang moves mo."

"Sige po sir." Naramdaman kong nagpalit ang personality ko, nasa akin ngayon si Jojo 50 years old, professor at chess player. 

Napansin niyang nag-iba ang tono ng boses ko.

Inilagay na ni Sir Dean ang mga chess pieces sa chess board.

Inilabas agad ni Sir Dean ang horse at sinundan ito ng tatlong magkakasunod na mga pawns.

Ako naman ay queen at rook ang ginawa kong pang-corner sa kaniyang king.

Wala kaming salitang binibitawan sa buong game, at pagkatapos ng three minutes ay...

"Checkmate!" Itinaas ko ang aking mga kamay.

Kumamay sa akin si Sir Dean, "Galing mo ah! Congrats!" 

Sa malagong kong boses, "Good game Sir Dean."

Napansin niyang nagbago ako, ngumiti lang siya at inayos ang mga chess pieces, inilagay ito sa loob ng chess box.

"So Payne, I heard since elementary ikaw ang pambato ng school sa mga chess competition."

Malagong pa rin ang boses ko bilang si Jojo, "Yes in fact i have been a chess player for 40 years now, won awards abroad but I never plan to stop."

Kumunot ang noo niyang parang naguluhan sa sinabi ko, "Forty years?"

Dumating si Miss Lexy at sinabing, "How's the game Sir Dean, ok na po ba?"

"Yes, but I don't understand..." 

May gusto pang sabihin si Sir Dean at palingon-lingon siya sa amin ni Miss Lexy.

"Let's go Sir Dean, let's talk about it sa office ni Mrs. Martinez, Payne you can go back to your classroom", nakangiti sa akin si Miss Lexy at walang nagawa si Sir Dean kung hindi ang sumunod.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status