Share

Chapter 14 - Dream

Parang lumabo ang paningin ko.

Ilang beses kong kinusot ang mga mata ko para matiyak kung si Maya nga ang nakikita ko.

Parang nahilo ako at biglang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako sa kanang sentido ko.

Nakatingin sa akin ng masama si Maya, parang napakarami niyang gustong itanong sa akin.

"Payne, bakit kasama mo ito?"

Sa akin nakatingin si Maya pero ang hintuturo niya ay nakatapat kay Neal.

"Maya, relax, nag-date lang kami sa Eco park."

Hindi ni Maya tinitingnan si Neal at hindi rin niya ito sinasagot. 

Habang nakatingin lang ako sa mga paa kong tinatapakan ang naipong tubig ulan sa lupa at paulit--ulit na nag-ii-snap ang dalawa kong mga daliri sa kamay.

"Whaat?! Date?! Kayong dalawa?! Sa Eco Park?! "

Tumaas ang boses ni Maya na parang 8 octave sa piano at pinagtitinginan kami ng mga taong dumadaan sa tabi namin.

"So...? Masama ba 'yun Maya?" 

"Neal please, hindi ikaw ang kinakausap ko."

"But you are responding to my words Maya."

"So tell me Payne, did you have episodes?"

"Yes, but we handled it well, I handled it well Maya."

"Huh? na proud ka dun Neal?" paglingon ni Maya kay Neal na nakataas ang kaniyang kilay.

"Payne, bakit hindi ka nagpaalam sa akin?" Hinawakan ni Maya ang kanang braso ko ng malamig na parang yelong kaliwa niyang kamay.

"Baka pinagtinginan ka ng mga tao, baka pinagtawanan ka nila, bigla akong nag-worry sa iyo Payne."

Ibinaba ni Maya ang tono ng kaniyang boses na halos pabulong at lumapit ng bahagya sa mukha ko.

Gusto niyang ipakita at iparamdam na nag-aalala siya sa akin lalo pa at sinabi ni Neal na nag-date kami.

"Maya bestfriend ka lang ni Payne but that does not mean pag-aari mo na ang buong buhay at buong pagkatao niya. "

"Neal, huwag ka ngang mangatwiran sa akin na para bang kilalang-kilala mo na si Payne, ilang araw mo pa lang ba siya nakakasama? Isa? Dalawa?"

"Oo nga, isa o dalawang araw ko lang siyang kasama. Kagabi nang ihatid ko siya sa bahay nila mula sa pagtatalo ninyo sa school at second ay ngayon, pero oo kilala ko na si Payne."

"Wow, galing mo naman Neal, tinalo mo ang six years naming friendship ni Payne sa dalawang araw lang? Actually tig kalahating araw sa dalawang araw." pumapalakpak si Maya na may halong pagkainis dahil nakataas pa rin ang kaniyang kanang kilay.

"Maya, stop na wala namang masamang nangyari sa akin, inalagaan naman ako ni Neal, in fact pauwi na kami kasi nga may doctor's appointment pa ako."

"See Maya? and besides alam naman ng mommy ni Payne itong date namin at pumayag siya." Pagmamayabang ni Neal.

"Alamo Neal kahit pumayag pa si Tita Ayla, kailangan malaman ko pa rin dahil mas maraming oras kaming magkasama ni Payne sa school kaysa kay tita kaya may episodes si Payne na hindi nalalaman ni Tita."

"Neal, hayaan mona si Maya, concern lang siya sa akin at totoo naman 'yun, may mga personality ako na ang mas nakakaalam ay si Maya kaysa kay Mommy kasi usually sa school ito umaatake, kapag nasa bahay ako madalang lang itong magparamdam sa akin."

"So alam mo na Neal kung bakit ganun nalang ang worry ko kung hindi ako ang kasama ni Payne."

"Yeah I understand that is why you should let Payne na may ibang makasama naman bukod sa iyo Maya."

"Neal 'yung ibang sinasabi mo ay baka hindi matanggap si Payne at mapasama lang siya."

"Ok, ako ang kasama niya, tanggap ko siya sa pagbabago ng personality niya na ipinakita niya sa akin kanina, hindi naman ako natakot, hindi ko rin naman siya iniwan, so maging kampante ka kapag ako ang kasama ni Payne."

Naramdaman ko ang selos sa mga mata ni Maya. 

Nalungkot ako at natuwa sa sinabi ni Neal.

Natuwa ako dahil naipagtanggol niya ako kay Maya.

Pero nalungkot ako dahil parang ang pakiramdam ni Maya nakahanap ako ng replacement niya.

"Ok Payne, wala na akong magagawa, nag-date na kayo eh, but please next time let me know. Akala ko kasi nasa clinic ka ngayon. Kaya pala tumatawag si Tita Ayla sa cellphone ko kanina e bigla namang nag-battery empty ang cellphone ko."

Tumingin ako kay Maya at napa-buntong hininga. 

Ang titigan namin ni Maya at palitan ng ngiti ay nagsesenyales na nagkakaintindihan na kami.

Tinanggal ni Neal ang paghawak niya sa kaliwang kamay ko at bigla akong inakbayan.

"Oh sige na Maya, ihahatid ko na si Payne sa bahay nila, ikaw saan ka pupunta?"

Kumunot ang noo ni Maya nang makita niyang ipinatong ni Neal ang kanang braso  niya sa kanang balikat ko.

Kinuha ni Maya ang kanang kamay ko at mabilis itong hinatak papalayo kay Neal.

"Oh sige ka na iuwi na natin si Payne."

"Whaat?!" pagtataka ni Neal sa ginawa ni Maya sa akin. 

Naiwan siya sa likod namin ni Maya at dire-direcho kaming naglakad patungo sa sakayan ng jeep.

Narinig ko ang mabibigat na yabag ng rubber shoes ni Neal at mabilis niyang paglalakad para makahabol sa amin ni Maya.

Nang makarating na kami sa sakayan ng jeep ay apat na magkakahanay na luma at mahahabang jeep ang tumambad sa unahan namin.

 Hinawakan ni Maya ang kanang braso ko, at nang nakahabol si Neal sa puwesto namin ay hinawakan naman niya ang kaliwang braso ko.

Medyo natatawa ako sa itsura namin dahil para kaming tatlong kambal na nka-glue at magkakadikit.

"So paano naman tayo sasakay sa jeep ng ganito ang itsura natin?"

Magkabila kong tiningnan si Neal at si Maya. 

Pero hindi sila nagsasalita.

Ni ayaw nila akong tingnan at sagutin.

Na-stuck ang mga mata ilang dalawa sa mga nakahanay na jeep sa unahan namin.

"Tara Payne dito na tayo sumakay." hinila ni Maya kanang braso ko.

"Hindi dito na tayo medyo bago itong jeep na ito." ang kaliwang braso ko naman ang hinila ni Neal.

"Payne kilala ko 'tong jeep na ito dito na tayo sumakay." Hinila ulit ni Maya ang kanang braso ko.

At hinila nanaman ni Neal ang kaliwa ko, "Eh ano naman kung kilala mo, baka matetano pa kami diyan sa sobrang luma na ng jeep na 'yan noh! Dito tayo Payne sa bango at mukhang mabango."

"Asus! Mabaho ka kasi!" Sigaw ni Maya kay Neal.

Sumagot naman si Neal kay Maya, "Bagay ka jan sa lumang jeep Maya mukha kang kalawang!"

"Dito tayo Payne!"

"No, Dito tayo Payne!

"Ah hindi dito si Payne!"

Nararamdaman kong parang kumakalas na ang mga buto ko sa  tig-kabila kong mga braso at nahihilo na rin ang ulo ko kung saan ba talaga ako dapat sumakay.

Pareho kong ipinakawala ang tig-kabila kong mga braso sa mahihigpit na pagkakahawak ng kanilang mga kamayl at itinaas ito na parang sumusuko na ako.

"Sandali! Wait lang ha!"

"What?!" Hay naku! Sabay silang nagsalita at tumingin sa akin.

Umikot ang mata ko sa side ni Maya at lumipat ang pag-ikot ng bola ng mga mata ko sa side ni Neal.

"Pwede bang magkasaundo kayo kung saan ba talaga tayo sasakay?"

"Eh eto kasing si Neal eh, nagbibida pa!"

"Huh? Ako, eh ikaw itonng unang humila kay Payne, hindi ka naman kasama sa date namin eh!"

Nilingon ko silang pareho at agad tumalikod at tumakbo para maghanap ng masasakyang traysikel.

"Wait Payne!" Sabay nanaman silang sumigaw sa likod ko pero ang mga kasunod nilang mga salita ay hindi ko na narinig.

Binilisan ko ang takbo ko at pinara ko agad ang unang traysikel na bumungad sa dinadaanan ko.

Sumakay ako ng traysikel at sa pag-upo ko ay hinahabol ang aking hininga.

Pawisang -pawisan ako at ramdam na ramdam kong tumutulo ang malalagkit kong pawis mula sa aking kilikili pababa ng aking mga braso na pulang-pula dahil sa mahigpit na pagkakahawak nina Neal at Maya sa akin.

Habol ko pa rin ang paghinga ko. Hinawakan ko ang dibdib ko at nararamdaman ko ang mabilis na pagtibok nito, parang may ilang kabayong naguunahan sa pagtakbo.

Ipinikit ko ang aking mga mata.

Parang may nakadagan na tatlong 200-page na libro sa mga mata ko at nahihirapan akong imulat ang mga ito.

Umuuga ang katawan ko habang nakasakay ako sa traysikel dahil sa mga lubak- lubak at mga batong dinadaanan namin.

"Kkkkkrrrriiiiinggg!!!!" "Kkkkkrrrriiiiinggg!!!!"

"Anak... Payne... gising na... gabi na..."

Nawala agad ang tatlong mabibigat na librong nakapatong sa mga mata ko at bigla nalang akong nagulat at napamulaga.

"Huh?!" Luminga-linga ang paningin ko sa paligid.

(Sandali, nasaan ako? Hindi ba nasa traysikel ako kanina? Iniwan ko sina Maya at Neal hindi ba?)

Naramdaman kong may umuuga ang braso ko.

"Payne, gabi na, magdi-dinner ka pa ba?"

Pinilit kong tumingin sa umuugang balikat ko...

"Mmm...mommy?"

Itinaas ko ang tingin ko at narealize kong si Mommy ang umuuga ng balikat ko.

"Ano magdi-dinner ka pa ba? Ok ka lang ba?"

(Bakit parang hindi naman worried ang boses ni Mommy?)

"Kanina pa po ba ako natutulog?

"Aahm... inihatid ka dito ni Neal at around 3:30 kaninang hapon, buhat-buhat ka niya, ang sabi niya nahimatay ka daw nung pasakay na kayo ng jeep kaya isinakay ka na niya sa  traysikel."

"Po?" nagtaka ako, akala ko iniwan ko sila ni Maya sa sakayan ng jeep at mag-isa akong nagtraysikel.

"Nung una nag-worry ako pero after kitang i-blood pressure,  i-oximeter at i-temperature ay ok naman ang vital signs mo. Si Neal ang  nagworry pero hindi niya inisip na idiretso ka sa ospital kasi gusto niyang ipaalam muna sa akin."

"Wala po akong matandaan mommy na nahimatay po ako. Ang natatandaan ko lang po ay nahilo ako at lumabo ang paningin ko, akala ko nga po nakita ko si Maya."

"Well, buti nga at kasama mo si Neal, nabuhat ka niya, mag-thank you din ako sa kaniya... eh kung si Maya lalong matataranta 'yun." 

Hinahaplos ni mommy ang noo ko at tinatanggal ang mga buhok kong nakatakip sa mga mata ko at isinasabit ito sa kaliwang tainga ko.

"Ang sabi ko kasi sa iyo Payne magpagawa na tayo ng salamin mo, baka lumala yang paglabo ng mga mata mo, lagi kang mahilo, eh hindi naman sa lahat ng oras kasama mo ako o si Neal, walang magbubuhat sa iyo."

"Mom, ok na po ba si Neal sa inyo?"

"Hindi pa... pero basta, hayaan mo lang muna akong kilalanin siya, pero huwag kang pakampante na boto na na ako sa kaniya, marami pang pwedeng mangyari Payne."

Napangiti lang ako kay mommy.

Panaginip ko lang pala ang lahat.

Panaginip ko lang pala ang pag-aaway nina Neal at Maya.

Panaginip ko lang pala na nakita ko si Payne.

"Mag-dinner ka na... naghihintay si Neal sa salas."

Lumaki at muling bumilog ang mga mata ko, "Po? Bakit nandyan siya?"

"Eh ayaw umalis eh, hanggat hindi ka daw nagigising, kahit sinabi ko na sa kaniya na ok ka alng at naghihilik ka na."

"Mommy... bakit mo naman po sinabing naghihilik ako, nakakahiya..." tinakpan ko ang mukha ko ng pagod kong mga kamay.

"Eh hayaan mo na, totoo naman eh! Hahahahaha!"

"Sige na nga po magdi-dinner na po ako."

"Pero, ok ka na ba? Baka nahihilo ka pa?"

Tumango lang ako at ngumiti... itinaas ko ang hinlalaki ko at nagbigay ng OK sign kay mommy.

Tumayo na si Mommy... "Sige na labas ka na Payne, sabay sabay na tayong mag-dinner kasama si Neal." 

Isinara na ni Mommy ang pinto ng kwarto ko.

Nagpalit na ako ng damit pambahay. 

Binuksan ko ang aking wooden cabinet, kinuha ang terno pajama kong plain color yellow, isinara ito at napatingin sa whole body mirror.

"Kumusta na kaya si Maya?"

Napangiti lang ako at naalala kong naghihintay nga pala sa akin si Neal sa living room.

Lumabas ako ng kuwarto, nakita kong nakangiti at  nakatayo si Neal sa dining area.

"Halika Payne, kain na tayo, ang sarap nitong hinanda ni Tita Ayla." 

Parang alam ni Neal na okay na ako kaya hindi na niya ako tinanong kung kumusta ako.

Pumasok si Mommy sa dining area mula sa dirty kitchen na may dalang white ceramic bowl of steamed rice.

Unang naupo si mommy, kasunod ako at si Neal.

Nag-pray si Mommy giving thanks to our food and asking for blessings.

Habang nagsasandok si Mommy ng rice para ilagay sa white round ceramic plate ko...

"Nagpaalam si Neal sa akin to formally court you."

Nagkatinginan kami ni Neal, nakangiti siya sa akin at ako naman ay nakakunot ang noo.

"But I told him to wait until your graduation, he can wait naman daw, right Neal?"

Ibinaling ni Mommy an g mukha niya sa right side niya kung saan naka-upo si Neal.

Tumango lang si Neal at ngumiti.

"Opo tita I can wait."

"But you can look over Payne sa school, atleast complacent ako na dalawa kayo ni Maya na naka-bantay kay Payne."

"Ahhm... tita... half sister ko po si Maya."

"I know Neal, I know and it's fine, you don't have to tell me about your story."

Patuloy ang pagsubo ni Neal ng kutsarang may kanin at pork adobo...

"Salamat po tita."

"Thank you po Mommy."

"Yes Payne but your date will be the first and last time, ayow ko ng maulit na mahimatay ka nanaman."

"Opo mommy."

"Bukas Sunday, may appointment tayo kay doktora, dapat kanina, eh since ganiyan na nga ang nangyari kaya bukas nalang. Special appointment actually kasi Sunday bukas, walang clinic dapat si doktora, I told her about your situation kaya pumayag at close naman tayo sa kaniya."

"Sige po mommy."

"Tita tuwing kailan po nagpapacheck -up si Payne?"

"Depende Neal, kapag dumadalas ang episodes niya, obligado kaming magpa-check up para mamonitor, then katulad ngayon nahimatay siya."

"Mommy, malapit na po ang Foundation Week, pwede pa po ba akong sumali sa chess."

"Depende Payne sa assessment ni doktora if papayagan ka niya."

Nalungkot ako... ang mabilis kong pagsubo ng pagkain ay napalitan ng dahan-dahang pag-angat ng kutsara ko.

(Baka kapag nalaman ni doktora na nagiging madalas ang episodes ko at pagpapalit ng personality ko ay hindi ako payagang sumali sa chess competition)

"Tita..."

"Riiinnnngg!!!"

"Ay wait Neal nagriring ang phone, Payne can you please answer the phone, ikaw na mas malapit."

"Opo mommy."

Tumayo ako mula sa dining chair at lumakad papunta sa living room kung saan nakapatong sa side table  ng sofa ang black telephone.

"Hello goodevening..."

Natigilan ako...

"Maya...?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status