Share

Chapter 13 - Between Us

Bakit kaya biglang nagtanong si Neal tungkol sa katauhan ko? 

Ayaw na kaya niya akong makasama?

"Nnn...neal? Ako lang 'to si Payne!"

Tumalikod na siya at at ang boses niya na kasing lamig ng yelo sa freezer ay nagsabing...

"Owwss.. talaga?"

May dumaang anghel, wala akong naisagot. Sa sobrang katahimikan ay parang nabingi ang mga tainga ko at nagsara ang mga ito. Kahit ang ingay sa paligid ko ay hindi ko naririnig.

Humarap siya sa akin na nakakunot ang pagitan ang kaniyang mga mata.

"Joke!! Grabe ka naman Payne Sobrang seryoso mo!"

Patakbo akong lumapit sa kaniya at pinagpapalo ang balikat niyang pinipilit kong abutin.

"Aray Payne! Hahahhaha! Tama na.. grabe oh di mabiro! Aaaray!"

"Nakakainis ka kasi!"

Pinigilan niya ang mga kamay ko sa pagpalo sa magkabila niyang balikat. 

Niyakap niya ako.

Mahigpit.

Nagfreeze ang mga taong naglalakad sa paligid namin.

Ang tubig sa fountain ang bahagya palang ang naiilabas na tubig nito at nagfreeze din.

Maging ang pagsayaw ng mga bulaklak sa huni ng hangin at tumigil.

Tumigil din ang pag-ikot ng oras.

Tumigil din ang pagtibok ng puso ko.

Lalo pang hinigpitan ni Neal ang pagyakap niya sa akin.

Nararamdaman kong naiipit ang itaas na bahagi ng katawan ko habang ang mga paa ko ay parang nakalutang sa lupa.

Naiipit ng malalaki niyang dibdib ang buong mukha ko.

Nahihirapang kumuha ng hangin ang maliit kong ilong habang naamoy nito ang Bench8 perfume ni Neal nung pagkakataong iyon.

At tikom ang bibig ko at ayaw tanggapin ang natitirang hangin na naipon  mula sa maliit na espasyo sa pagitan ng mukha ko at dibdib ni Neal.

Napilitang pumikit ng malalaki kong mga mata dinadama nito ang mahigpit na yakap ni Neal.

Tumigil ang paghinga ko.

Iniangat ko ang ulo  at tumingala sa kaniya.

Ang baba niyang may limang pirasong balbas ksama ng hindi mabilang na balahibong pusa ang una kong nakita sa pagtingala ko sa kaniya.

Ibinaba ni Neal ang kaniyang ulo sa akin.

Nagkatitigan kami na para bang walang tao sa paligid namin.

Lumaki lalo ang bilog ng mga mata ko habang ang kaniyang chinito eyes ay mas sumingkit pa sa abot tainga ngiti nito.

Ibinaba pa ni Neal ang kaniyang ulo at nabibilang kong five inches nalang ang pagitan ng mga mukha namin...

Parang may tanikala sa leeg ko at pinipigilan nito ang pagkuha ng hangin mula sa ilong ko.

Hindi ako makahinga...

"Hik! Hik!" Pinilit ng kanang braso ko kumawala sa bisig ni Neal para takpan ang bibig kong nakanganga.

Gumalaw na lahat ng bagay sa paligid namin at kasabay ng huling tunog ng sinok ko ang pagsigaw ng batang babae na, "Mama gusto ko po nung balloon!".

"Hahahahha!" Biglang bumitaw ang mga braso ni Neal sa pagyakap

 sa akin at tumawa siya ng malakas.

"Anong nakakatawa? " taas kilay kong sagot sa kaniya at paghalukipkip ng mga braso ko sa dibdib ko.

"Ikaw ang nakakatawa!"

Mala-tiger look ang binigay kong tingin kay Neal habang diretso lang siya sa pagpapaliwanag.

"Eh para ka kasing si Claudine sa movie na Got to Believe in Magic na kapag may kilig moments eh sinisinok." Wala pa rin siyang tigil sa pagtawa.

Tama naman si Neal, magical ang moment na 'yun.

"Umuwi na nga tayo!" pagtalikod kong sagot sa mga tawa niya at mabilis na akong naglakad.

"Oy grabe oh! di na mabiro. Sorry na!" Hindi ko man nakikita si Neal alam kong humahaba ang kaniyang leeg sa pagsabi nito.

Nakangiti ang kalahating labi ko at naglakad akong papalayo sa kaniya.

Humabol si Neal at naglakad sa kanang bahagi ko.

"Uy di nga gusto mo ng umuwi? Akala ko ba titingnan pa natin ang water fountain tapos mags-see-saw ka pa hindi ba Payne?"

Habang naglalakad ay kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung anong oras na.

"Kasi po mag-a-alas dos na eh may appointment kami ni Mommy sa doctor ng alas tres, ini-adjust na ni Mommy ang oras na usually ay eight o'clock ng umaga dahil nga may date tayo."

"Wow ako pala naging dahilan, I'm flattered ha, ginawa ni Tita 'yun para sa akin."

"Oo nga eh, tapos ikaw puro ka joke, nakakainis kaya."

"Eh sorry na nga..."

"Sige na ok lang."

"Oi malapit na tayo sa exit, teka sulitin na natin may fifteen minutes pa naman bago mag-alas dos, then hatid na kita sa inyo."

"Sige saan na tayo, ano ng gagawin natin?"

"Ayun oh, duon tayo sa kubo."

"Ngek eh maraming bata dun eh."

"Eh di paaalisin ko. Wait lang ha..."

Tumakbo na si Neal sa maliit na kubong napapaligiran ng ibat-ibang kulay ng rosas.

Sa kanang bahagi ng kubo ay ang malaking puno ng Mabolo, at sa kaliwang bahagi naman ay ang malaking puno ng Anonas.

Natatanaw kong kinakausap ni Neal at binibigyan ng pera ang mga batang nasa kubo at isa-isang umaalis ang mga bata pagkatapos abutan ni Neal ng pera galing sa wallet niya.

Patuloy nag paghakbang ko papalapit sa kubo at mahigpit ang paghawak ko sa aking backpack.

"Ano 'yung binigay mo sa mga bata?"

"Pera, para umalis sila dito at tayo lang matira."

"Grabe naman sinuhulan mo pa ang mga bata..."

Humakbang ng pataas si Neal sa hagdan ng kubo, at tumigil sa pinto nito, ibinaba ang kaniyang kanang kamay na para bang inaabot ang kamay ko habang ang kaniyang kaliwang kamay naman ay inilagay niya sa kaniyang likod.

Itinungo niya ng bahagya ang kaniyang ulo at balikat...

"Welcome to my castle my princess." nakangiti niyang bungad sa akin.

Ako naman na nakahawak sa baywang ko at nakataas ang noo...

"So ito pala ang castle mo? Hmp! Ang liit naman?"

"Maliit nga pero ito ay mahiwaga" sabay kindat ng kaliwang chinito eyes niya.

"O sige na nga pupunta na po ako diyan mahal na prinsipe?"

Bigla niyang tinakpan ng kanang kamay niya ang kaniyang makopa lips at umiikot ang mga itim na bola sa kaniyang mga mata.

"Did you just call me mahal? Daebak!"

"Dae...bak? Bakit marunong kang magsalita ng korean? Nanunuod ka ng korean drama ano?" habang paakyat ako sa hagdan ng kubo.

"Ne. Bakit girls lang ba ang may karapatang manuod ng korean drama?" humanap siya ng komportableng upuan mula sa mga single bamboo chairs na nakahanay malapit sa bawat haligi ng kubo.

"Hindi naman, so mahilig kang manuod ng korean drama? Anong genre?" umupo ako sa bamboo chair na katabi ng bamboo chair ni Neal.

"Hmm...usually thriller, mystery, mga detective  genre." habang naka-de kwatro ang kaniyang mga paa at hinihimas ang kaniyang baba na may limang pirasong balbas.

"Aahh..." tumatango lang ako at ipinatong ang backpack ko sa aking mga hita.

"How about you?"

"Ahhm.. romance teenage fiction or fantasy ang gusto ko, kinakabahan ako kapag thriller pinapanood ko."

"Ah, okay, maiba tayo... matagal na ba kayong mag-bestfriend ni Maya?"

"Ah, si Maya? Oo, since elementary mag-bestfriend na kami."

"Tulungan mo naman ako oh..." Humina ang boses ni Neal.

"Kay Maya? Para?" napatingin ako sa kaniya na may pag-aalinlangan.

"Gusto ko kasing mapalapit kay Maya, wala naman akong ibang kapatid siya lang, wala din naman akong ibang bestfriend, ikaw lang kung papayag ka." Nakatingin siya sa direksyo ng malaking puno ng Anonas katabi ng kubo.

"Ako? Bestfriend mo? Sss...sige. (Sa isip ko, girlfriend na bestfriend pa, hihihi) Pero... hindi ba galit nga sa iyo si Maya?" 

"Kaya nga gusto kong mapalapit sa kaniya, bago kasi mamatay si Papa ibinilin niya si Maya sa akin. Mas matanda naman ako kay Maya ng ilang araw so technically, kuya niya ako."

"So anong gusto mong gawin ko? kausapin ko si Maya? I-set up ko kayo para makapag-usap kayo?" pasulyap akong tumingin sa kaliwang bahagi ng pisngi ni Neal.

"Hindi, hindi naman. Kahit ibigay mo nalang sa akin ang cellphone number ni Maya. Hindi pa rin naman ako handa para makausap siya ng personal. Gusto ko lang muna siyang i-text sa cellphone. Mangungumusta lang, ganun then syempre bilang kuya ilalapit ko ang loob ko sa kaniya para maging kampante siya sa akin. Ayoko na kasing may ka away Payne."

"Aahh... sige." binuksan ko ang zipper ng backpack ko...

Pinigil ni Neal ang kamay ko...

"Payne, magpapaalam ako sa mommy mo." nakatingin siya sa akin, pero ako nakatingin sa kanang kamay niya na nakapatong sa kanang kamay ko.

"Magpapaalam? Para saan?"

"Para maligawan kita formally. Malinis ang intensyon ko sa iyo Payne, tanggap ko kung ano ka. handa naman akong mag-adjust sa split personality mo."

"Hindi ko lang talaga maintindihan Neal bakit ako, pero whatever your reason is... sige, mamaya pagkahatid mo sa akin sa bahay magpaalam ka nalang kay mommy."

Nakangiti kong pagsagot sa kaniya habang paulit-ulit kong ipinapalo ng bahagya ang kaliwang palad ko sa kaliwang hita ko."

"Masaya ako Payne."

Ngumiti siya genuinely, ramdam kong authentic ang ngiti niya dahil halos hindi na makakita ang chinito eyes niya at lumabas na ang front teeth niya sa pagbukas ng mga labi niya.

"Ako din Neal, ngayon ko lang naranasan ito. Nuon kasi, nage-enjoy ako dito sa Eco Park kasama si Mommy at si Maya, parang naging ritual nalang ang lahat. Pagkatapos naming pumunta sa swing, sa slide naman then kakain ng lunch sa coffee shop tapos manunuod ng water fountain habang nasa see-saw. Pero naiba ngayon."

"Hmm... dahil ba hindi ka nakapunta sa water fountain at see-saw?"

"Hindi... hindi 'yun. dahil ikaw ang kasama ko. Akala ko kasi sa mga romance drama series lang nangyayari na magkakaroon kayo ng date o  moment ng crush mo, lalo na sa kagaya ko, akala ko imposibleng ma-inlove ang isang autistic na kagaya ko."

"Huwag mo kasing dine-degrade ang sarili mo. Isipin mong unique ka. You should never see yourself as anything less. You are unique. You can paint. You are good at chess, I admire you being number two in your class."

"Eee... ikaw lang naman nagsabi niyan."

"Bakit hindi ba ito sinasabi ni Maya sa iyo?" medyo tumaas ng konti ang boses ni Neal ng 5%.

"Aah.. hindi naman sa ganun kaya lang si Maya kasi ay overprotective bestfriend kaya hindi naman niya ine-emphasize ang talent ko, more of itong personality ko, nireremind niya ako na I should always be careful in dealing with other people so I won't get hurt."

"Tama din naman si Maya, kaya lang, getting hurt is like learning a lesson, when you get hurt, the validity of being a human is in you. "

"Hmm... I guess sila ni Mommy takot silang masaktan ako, isn't it love when you protect your loved one from getting hurt?"

"Yes it is love I may say, it is a selfish love."

Napakunot ang noo ko sa sagot ni Neal.

"Selfish?"

"Yes Payne, selfish love because you do not want that person to learn her lesson from getting hurt."

"Selfish love is still love Neal. I am considering it as a positive love, just like a mother to her child."

"But I think Payne, a mother and child kind of love is tough love. You let your child be wounded so that next time, she will know how save herself from getting hurt." habang ikinukumpas ni Neal ang kaniyang mga kamay para lalo kong maintindihan ang sinasabi niya.

"Hmmm.. I can't differentiate it this time but I know Maya and Mommy, they are just being overprotective because they love me. Ikaw Neal? What kind of love can you offer to me?"

Napatingin ulit si Neal sa direksyon ng puno ng Anonas at naging seryoso ang tono ng kaniyang boses at tumigil ang pagkurap ng kaniyang mga mata.

"I can offer  TRUE LOVE Payne, a love full of understanding and sincerity. A kind of love where we can both grow and encourage one another to enjoy our own world while building our own personality."

Hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot ako sa sinabi ni Neal. Kapag kasi pumayag ako sa true love na ino-offer niya, matinding commitment ang kailangan kong harapin at paghandaan. 

At baka hindi ko kaya, baka ako ang losing end. 

Baka sisihin ako ni Mommy at Maya.

Baka sisihin ko ang sarili ko.

"Alam mo Neal, hindi na ako affected sa judgment ng ibang tao, kasi growing up,  being a proud autistic, madali ko nang napag-aralan kung paano mag-filter ng comments or judgment ng mga tao, kaya siguro natanggap nila ako dahil tanggap ko ang sarili ko, pero..."

"Pero ano Payne?"

"Ikaw ang inaalala ko, nasa 'yo na ang judgment kapag nakita tayo sa school or..."

"Or sa public place katulad nito? So what Payne? I've been judged all my life sa pagiging illegitimate child but that did not bother me."

"Well.. I just think that we should be careful and sensitive for our own sake."

Pareho kaming nagulat ni Neal nang tumunog ang ringer tone ng cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa aking backpack at nakita kong 2:30 na pala ng hapon.

"Naku si Mommy, hinahanap na ako." worried na ang mukha ko na halos mabitawan ko na ang cellphone ko sa kaba.

"Sige, sige Payne don't worry, uuwi na tayo, ihahatid na kita."

Nagmamadali kaming lumabas ng kubo at naglakad ng mabilis papunta sa Exit sign ng Eco Park.

Muntik pa akong matalapid nang malapit na kami ni Neal sa Exit.

"Tara Payne dun nalang tayo sa kabilang street mag-abang ng jeep, iikot pa kasi yang mga jeep na nakaparada."

Tumango lang ako at patuloy lang kami ni Neal sa paglalakad.

Papalapit na kami sa kabilang street at parang may naaaninag akong babae na nakasuot ng peach t-shirt at khaki pants.

At nang magkasalubong na kami...

"Payne?!" Nagulat siya nang makita kami ni Neal na magksama, nakataas ang kaniyang kanang kilay at humigpit ang hawak niya sa strap ng kaniyang sling bag.

"MAYA?!" sabay kaming nagsalita ni Neal, nagulat sa bungad ni Maya at biglang hinawakan ni Neal ang kamay ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status