Dali - dali akong tumayo at pinagpagan ang pwetan ko dahil naghalo sa damit ko ang kaunting basa ng ulan mula sa slide at buhangin mula sa lupa, buti nalang naka-jeans ako.
Natanaw ko ang water fountain na nasa may see-saw area.
"Tara, 'dun tayo sa may water fountain."
Lumiyad patalikod si Neal at bahagyang ginawang tambol ang kaniyang tiyan.
"Hmmm.. kain muna tayo Payne...gutom na ako eh."
Tumalikod ako sa kaniya at hindi ko tinatanggal ang pagtingin ko sa see-saw area.
"Aaa.. lunch na ba?"
"Hmm..." Tumingin si Neal sa kaniyang brown leather wristwatch.
"11:47 na po Ma'am, malapit na mag-alas dose. Ano, lunch muna tayo? May malapit na coffee shop diyan bago mag-exit ng Eco Park."
Hindi pa ako nakakasagot ng oo...
Hinawakan nanaman ni Neal ang kaliwang kamay ko at napilitan nanaman ang mga paa kong maglakad sa direksyong nilalakaran ni Neal.
Nilampasan namin ang see-saw area.
Na-stuck ang vision ko sa water fountain na hind pa naman nabubuksan kaya wala pang tubig na nagsasayaw.
Napatigil si Neal.
"Oh eto na tayo Payne, MASARAP COFFEE SHOP."
"Ayos talaga mga pangalan dito noh, MALIGAYA ECO PARK, MASARAP COFFEE SHOP, mayroon din kayang MALINIS PERO MAPANGHI COMFORT ROOM? HAHHAAHHAH!"
Pinalo ko ang balikat ni Neal at sabay kaming tumawa.
Binuksan ni Neal ang glass door ng coffee shop at luminga-linga para sa mauupuan namin.
"Hmm.. daming tao, ayun Payne, malapit sa wash area may bakante dun na tayo."
"Eh baka katabi niyan ang MALINIS PERO MAPANGHI COMFORT ROOM." dagli kong sagot sa kaniya.
"Haahahhaha! Ok lang Payne mabuti nga malapit sa table natin, tsaka hindi yan..."
"Ok po..." pagsang-ayon ko habang hindi pa rin bumibitaw ang kaliwang kamay ko sa malambot niyang kanang kamay.
Sinundan ko lang si Neal papunta sa bakanteng upuan na nakita niya.
Mabilis akong umupo dahil baka may makakuha nanaman ng upuan ni Neal kagaya nang nagyari sa 1Shop24 Convenience Store.
May lumapit agad sa aming service creaw at ibinigay kay Neal ang kasinlaki ng bond paper at laminated na menu.
Hindi nagsasalita si Kuya service crew about 5'10 ang height niya, malaki ang mga braso na parang member ng gym, moreno ang kulay ng kaniyang balat pero chinito ang mata kagaya ni Neal. Makikita ang name plate sa kaniyang brown na apron, "KUYA" na nakatakip sa sa kaniyang black collared shirt at black denim jeans.
Habang tinitingnan ni Neal ang menu...
"Iced tea lang sa akin at spaghetti with 1 slice of pizza, ok na ako dun." nakangiti kong suggestion kay Neal.
"Wow Payne, galing ka na ba dito? Bakit alam mo ang nasa menu?" pagtakip niya ng bibig habang bumibilog ang kaniyang labi dahil hindi siya makapaniwala na eksakto ang inorder ko sa menu na nakalagay.
Napangiti lang si Kuya service crew habang isinusulat niya ang order ko sa kaniyang maliit na puting papel gamit ang black ballpen.
"Iba po ang kasama ninyo ma'am ah."
"Friend ko po Kuya si Neal."
Pasulyap-sulyap sa aming pag-uusap si Neal habang naghahanap ng oorderin sa menu.
"Ito, nalang Kuya, rice with two sticks ng barbeque at orange soda." Ibinigay na ni Neal ang menu kay Kuya at humawak nanaman siya sa kaniyang baba habang inililiit pa niya ang kaniyang chinito eyes sa pagtitig niya sa akin.
"Hmmm... Nakarating ka na pala dito? Sinong kasama mo at kailan 'yun?"
"Bakit ang dami mo yatang tanong?"
"Wala Payne masama ba? Gusto ko lang malaman."
"Because...?
"Because... gusto ko lang, I want to know you better hindi ba?"
"Aah.. minsan si mommy kasama ko dito, madalas si Maya." habang pinapaikot-ikot ko ang bamboo tissue holder na nasa gitna ng aming table.
"Oh... so... 'yun din ang inoorder mo tuwing pupunta ka dito?"
"Yyy...yes..." naka-half smile kong sagot sa kaniya.
"Here's your order ma'am." habang inilalagay na ni Kuya ang dalawang plato at dalawang baso with soda at ang isa naman ay iced tea.
Napasilip si Neal sa aking white plate na may spaghetti at isang slice ng hawaiian pizza.
"Bakit may purple flower on top yang spaghetti mo?"
"Ah! Ito? Kapag kakain kami ni Mommy dito sa cafe, ito lang order ko."
"Ah ok."
Habang pinaghahalo ko ang pasta sa spaghetti sauce nito...
"Minsan nagtanong ako kay mommy kung bakit laging may purple flower on top ng spaghetti ko, sabi sakin ni Mommy, nuong first year highschool ako at first time naming pumunta dito..."
Nakikinig lang si Neal sa kuwento ko, " First year highschool ka pa pala pumunta dito?""Oo, at habang nasa comfort room si mommy iniwan niya ako sa table, ang kuwento niya sa akin base sa sinabi ng mga service crew ay may grupo ng mga teen-agers na pumasok dito sa cafe, nakita nila ako na palinga-linga ang tingin kaya nilapitan daw ako at binully."
"Oh tapos?"
"Nagsisigaw daw ako habang tinatakpan ang mga tainga ko then lumabas si mommy sa comfort room."
"Nakakainis naman yang mga bully na yan eh!" tinatanggal ni Neal ang meat ng pork barbecue mula sa stick nito gamit ang kaniyang fork.
"Tapos para daw tumahimik ako binigyan daw ako ni Kuya, ung service crew, ng blue ternate na flower at tumigil daw ang tantrums ko."
"Talaga?" Abot taingang ngiti ni Neal, tumaas ang dalawa niyang kilay at lumaki ang kaniyang chinito eyes sa pagkamangha.
"Oo, kaya everytime na kakain at pupunta kami dito laging may blue ternate flower sa food ko, pero hindi ko naman kinakain, iniiwan ko lang din sa plate ko, ewan masaya lang ang feeling ko sa blue ternate flower."
"Galing ha, so... mahilig ka pala sa flowers? pabulong niyang pagtatanong sa akin.
"Ahhm.. hindi naman, medyo... pwede rin... kain na tayo." kinuha ko ang tissue mula sa bamboo tissue holder at iniikot ko ang fork ko sa mga pitong hibla ng pasta ng spaghetti at kinuha ako isang slice ng hawaiian pizza ng kaliwa kong kamay.
Tumango lang si Neal at kinuha ang spoon and fork sa magkabilang bahagi ng kaniyang plato. Hiniwa ang unang meat ng pork barbecue malapit sa kaniyang steamed rice at sumubo.
"Hmm.. masarap pala ang food dito ha, sakto sa pangalan ng cafe."
"Ngayon ka lang ba pumunta dito?" Pasulyap kong pagtatanong sa kaniya habang patuloy akong sumusubo ng spaghetti.
"Dito? Technically yes. Well, actually nadadaanan ko itong Eco Park kapag pupunta ako sa school at uuwi sa bahay kaya alam ko itong place na ito, pero you know... hindi pa ako nakakapasok dito.
"Bakit? Hindi ka ba pinapasyal ng mommy mo dito?"
"Hhmm.. busy lagi ang mommy ko hindi ba?"
"Eh 'yung mga dati mong naka-date, hindi mo ba sila dinadala dito?"
"Wow grabe ka naman Payne! Parang ang dami ko nang naka-date ah! hahahha!" Muntik nang mahulog ang kanin sa bibig niya dahil sa pagtawa.
"Hindi, tinatanong ko nga lang eh, curious lang ako. Tsaka huwag ka ngang tumawa nahuhulog food mo." pag-irap ko kay Neal.
"Hindi eh, sila kasi nagdedecide kung saan nila ako gusto makasama or kung saan nila gustong makipag-date."
"So... saan kayo pumupunta usually?" lalo pa akong naging curious na isiningkit ko ang mga mata ko at inihanda ko ang mga tainga ko sa ikukwento ni Neal habang tuloy ang pag-ikot ng fork ko sa spaghetti at pag-inom ko ng iced tea.
Kinuha muna niya ang baso niya na may lamang orange soda, inilapat ito sa kaniyang makopa lips at uminom ng 1...2...3... seconds... habang pinupunasan niya ng tissue ang nabasa niyang mga labi ng orange soda...
"Usually sa arcade kami sa SR Mall, ewan ko ba, mahilig sila maglaro sa arcade. Gusto nila 'yung naglalaro ng basketball sa arcade, 'yung games na may lumalabas na ticket kapag may nahulog na tig-pipisong barya sa target at mahilig silang mag-videoke."
"Lahat ng naka-date mo ganun?"
"Well, ang iba kasi pag tinatanong nila kung saan, ako na ang nagsusuggest na sa arcade nalang dahil syempre may discount na ako sa cashier dahil may VIP Card na ako, Hahahhah!"
"Eh hindi mo naisip na dalhin sila sa ibang place? Kagaya nito?"
"Actually matagal ko ng gusto pumunta dito Payne. Everytime na madadaanan ito ng jeep na sinasakyan ko, gustung-gusto kong bumaba at pumasok dito sa Eco Park."
"Oh, bakit hindi ka nag-attempt."
"Nuong grade six ako, naisip kong bumaba at pumasok. Bumaba ako ng jeep, nasa entrance na ako nitong Eco Park, ilang hakbang nalang nasa loob na ako, biglang tumawag si Mommy, umuwi daw agad ako at galit na galit siya dahil naexpelled nanaman daw ako sa school, tumawag sa kaniya ang adviser ko."
"First time mong ma-expelled sa school?" malambing kong pagtatanong sa kaniya.
"Oo, naka-away ko kasi yung apo ng principal namin, kinuha kasi niya ang favorite kong pikachu pencil na bigay ng Papa ko, 2inches nalang 'yun eh pero tinatago ko lang sa pencil case hindi ko ginagamit kasi nga remembrance ng Papa ko 'yun sa akin."
"Nakita mong kinuha niya?"
"Para ka namang teacher ko dati eh, oo nga hindi ko nakitang kinuha niya pero nakita kong hawak niya, eh di kinuha na rin niya 'yun hindi ba?"
"Hahaha! Technically hindi, eh paano kung mayroon din siyang ganun??"
"Exactly, ganiyan din ang katwiran nung classmate kong pabebe, ayun sinuntok ko nalang para wala ng usap-usap."
"Tsk tsk tsk... kaya pala sabi ni Maya gangster ka."
"Gangster pag wala sa tama, pero pag nasa tama, oy mas maamo pa ako sa rabbit ha!"
"Talaga lang Neal ha..." taas kilay kong sagot sa katwiran niya.
"Yes ma'am! Kaya ayun hindi ko na itinuloy na pumasok dito sa Eco Park dahil napilitan na akong umuwi. Ang second time naman ay nuong sophomore student ako."
"Iba na ulit ang school mo nuon?" kumunot ang noo ko na ang tono ng boses ko ay parang nag-iimbestiga, itinigil ko ang pag-ikot ng fork ko sa spaghetti at isinubo ang natirang crust ng hawaiian pizza ko.
"Oo, iba na ulit ang school ko that time. Ang nangyari naman eh sobrang tagal na nakatigil ang jeep na sinasakyan ko sa tapat nitong Eco Park dahil may nagka-banggaan sa may unahan namin at nagkakagulo ang mga tao kaya naman nuong time na'yun eh gustung-gusto ko ng bumaba, nang time na nagdecide na ako finally na bumaba saka naman biglang umandar na ang jeep."
Tumatango lang ako pero nag-faflashback sa isip ko ang mga sayang moments ni Neal.
Parang napapanood ko sa sa isip ko ang mga pinagtagpo ngunit hindi tinadhanang moments ni Neal sa Eco Park.
Nakangiti si Neal nang huli niyang subo ng pork barbecue meat with rice.
Inubos na niya ang orange soda niya at kumuha ng tissue mula sa bamboo tissue holder...
"Kaya alam mo Payne, sinabi ko nalang sa sarili ko na hindi ako pupunta dito sa Eco Park kung hindi ko kasama ang taong gusto ko, at kapag nakarating na kami dito wala kaming gagawin kundi mag-enjoy, tumawa, tumakbo at kumain."
Hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa edge ng left side ng table.
"Thank you Payne for this day." Nakangiti niyang pasasalamat sa akin.
"So.. tumakbo tayo sa ulan, tumawa, kumain dito sa cafe... nag-enjoy ka ba?
"Super! pero..."
"Pero ano?"
"Alam kong hindi ikaw si Payne kanina..."
Lumaki ang mata ko at nanlamig ang mga kamay ko, parang lumakas ang temperature ng aircondition sa loob ng cafe, pero hindi ko magawang umalis sa pagkakawahak ni Neal.
"Huh? Sino pala ako kanina?"
"Kanina kasi sa bahay ninyo sinabi sa akin ng mommy mo baka makita ko daw ang iba mo pang personality, si Jessica na gothic style, si Lea na bata at si Jojo na fifty years old na lalaki."
"Hindi ka ba natakot? o hindi ka ba natatakot sa akin?"
"Hindi naman, as long as wala ka namang bigote hindi ba? Hahhaha!"
"Sus! Baliw ka talaga!"
"Manageable naman ang pagpapalit mo ng personality eh, at nasasakyan ko naman."
"Hindi ka ba nahihiyang kasama ako?"
"Alam mo Payne kung nahihiya ako eh di sana hindi na kita ininvite pumunta dito. Sa totoo lang kanina pa tayo pinagtitinginan pero parang ikaw lang ang nakikita ko, sa iyo lang ako naka-focus."
"Pasensiya ka na ha, hindi ko mapigilan kapag nagpapalit na ako ng personality."
"Ok lang, hindi ka naman nananakit eh, at ako pa nga ang makakapanakit ng ibang tao kapag pinagtripan ka nila."
"Oh umiral nanaman ang pagiging gangster mo ha."
"Eeeh... nagbago na ako Payne, hindi na ako pala-away ngayon, good boy na po ito noh!"
Napangiti lang ako habang itinaas niya ang kanang kamay niya na parang nangangakong good boy na nga siya.
Sumenyas sya ng bill sa counter at ilang minuto lang ay iniabot ni Kuya ang bill sa aming table.
Agad itong kinuha at tiningnan ni Neal, kumuha ng tatlong one hundred peso bill sa kaniyang black leather wallet at inilagay ito sa bill tray.
"Keep the change na po Kuya" Nakangiti niyang pagkindant kay Kuya sevice crew.
"Bakit, magkano ba ang bill natin?"
"285 pesos lang naman eh." tumayo na siya at sumenyas na sakin na lalabas na kami sa glass door ng cafe.
Ipinagbukas ako ni Neal ng pinto at ako na ang naunang lumabas.
"May gusto ka pa bang puntahan Payne?"
"Pwede pa ba mag see-saw? Gusto ko sana hintayin ang pagbubukas ng water fountain sa katabi ng see-saw."
"Hindi na puwede Payne eh..." habang tumitingin siya sa kaniyang brown leather wristwatch.
Nalungkot ako, akala ko inilaan ni Neal ang buong araw na ito para sa amin.
"Bakit hindi na puwede?" pagtatanong ko sa kaniya na may halong lungkot sa boses ko.
Nagulat ako sa isinagot ni Neal sa akin.
"Teka, sino ka ba ngayon? Ikaw ba si Payne o ibang tao?"
"Huh?" nabalot ng pagtataka at pagkalungkot ang boses ko, humina ang boses ko at kumunot ang noo ko.
"
Bakit kaya biglang nagtanong si Neal tungkol sa katauhan ko? Ayaw na kaya niya akong makasama? "Nnn...neal? Ako lang 'to si Payne!" Tumalikod na siya at at ang boses niya na kasing lamig ng yelo sa freezer ay nagsabing... "Owwss.. talaga?" May dumaang anghel, wala akong naisagot. Sa sobrang katahimikan ay parang nabingi ang mga tainga ko at nagsara ang mga ito. Kahit ang ingay sa paligid ko ay hindi ko naririnig. Humarap siya sa akin na nakakunot ang pagitan ang kaniyang mga mata. "Joke!! Grabe ka naman Payne Sobrang seryoso mo!" Patakbo akong lumapit sa kaniya at pinagpapalo ang balikat niyang pinipilit kong abutin. "Aray Payne! Hahahhaha! Tama na.. grabe oh di mabiro! Aaaray!" "Nakakainis ka kasi!" Pinigilan niya ang mga kamay ko sa pagpalo sa magkabila niyang balikat. Niyakap niya ako. Mahigpit. Nagfreeze ang mga taong naglalakad sa paligid namin.
Parang lumabo ang paningin ko. Ilang beses kong kinusot ang mga mata ko para matiyak kung si Maya nga ang nakikita ko. Parang nahilo ako at biglang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako sa kanang sentido ko. Nakatingin sa akin ng masama si Maya, parang napakarami niyang gustong itanong sa akin. "Payne, bakit kasama mo ito?" Sa akin nakatingin si Maya pero ang hintuturo niya ay nakatapat kay Neal. "Maya, relax, nag-date lang kami sa Eco park." Hindi ni Maya tinitingnan si Neal at hindi rin niya ito sinasagot. Habang nakatingin lang ako sa mga paa kong tinatapakan ang naipong tubig ulan sa lupa at paulit--ulit na nag-ii-snap ang dalawa kong mga daliri sa kamay. "Whaat?! Date?! Kayong dalawa?! Sa Eco Park?! " Tumaas ang boses ni Maya na parang 8 octave sa piano at pinagtitinginan kami ng mga taong dumadaan sa tabi namin. "So...? Masama ba 'yun Maya?" "Neal please,
"Payne, I called you earlier, but you're not at home, Tita said you went out on a date with Neal." "Ahm.. Maya let me explain, I didn't get a chance to ask you because..." "No, it is okay, Tita Ayla told me about it, I was just worried not only because you were with Neal, but because I am afraid na sumpungin ka ng episodes mo." Mahinahon ang boses Maya, hindi katulad ng nasa panaginip kong sumisigaw siya at nakikipagtalo kay Neal. "I did Maya, I had episodes when I was with Neal, hindi ko din napigilan and I became Lea and Jessica." Napabuntong-hininga si Maya, malalim at kahit nasa kabilang linya siya ng telepono parang nakikita ko ang pagkalungkot sa kaniyang mukha. "Payne... next time, tell me about all your plans of going out, it is not only for your safety but for my peace of mind also." "Yes Maya, I am sorry, akala ko kasi galit ka pa sa akin." "When did I ever get mad at you Payne?" "Hmm... minsan..
Dumating ako sa bahay galing sa school na nasa pagkatao ko sa Jojo, ayaw pa niyang umalis sa akin at dahil dito madali akong napagod sa byahe. Hindi na ako naihatid ni Neal dahil nang dumaan ako sa basketball court ay wala siya. Sasamahan sana ako ni Maya na pumara ng jeep pero nainip na ako sa kahihintay na matapos ang volleyball practice niya sa gym, kaya I decided to leave her. Nagpaalam lang ako sa kaniya sa tingin at senyas, gusto man ni Maya na lumapit sa akin pero pumito na agad ang coach niya kaya wala akong choice kundi umalis nalang. Bumungad si Mommy sa gate pagbaba ko ng jeep. Bakas sa mukha niya ang pagkainip sa paghihintay at pag-aalala dahil humahaba ang leeg niya nang makita ang jeep na sinasakyan ko na tumigil sa harap ng bahay namin. "Payne, ang sabi ni doktora magpahinga ka, kayang-kaya mo naman yang chess competition na 'yan eh. Don' t stress out yourself, hindi naman yan pang academic, extra cu
"Welcome to the 52nd Foundation Anniversary of Abelardo High School..." Ito ang maagang bungad ng 45-minute speech ni Mrs. Martinez. Ewan ko ba naman parang pare-pareho lang naman ang opening remarks niya taun-taon, iniiba lang and numero kung pang-ilang foundation anniversary na ng school namin. Habang tuluy-tuloy ang speech ng aming principal ay tuluy-tuloy din naman ang pang-gagaya ng mga estduyante sa mala-Cita Astals niyang pananalita. Siguro namememorize na rin nila ang speech ni Mrs. Martinez. "Bakit kaya iyon at iyon din naman ang sinasabi ni Mrs. Martinez, na kailangan nating mag-champion at mag-compete sa ibang school para makilala tayo? Tayo ba o para makilala siya at ang school?", tanong ng isang babaeng senior student na kagaya ko habang paikot-ikot ang kaniyang daliri sa sampung hibla
"Payne...Okay lang yan, calm down. " nanginginig na paghawak ni Maya sa kanang braso ni Payne. Pilit niyang kinakalma ang kaibigan niya, kahit nangyari na ito nuong sophomore sila, na sa gitna ng chess competetion ni Payne at biglang umatake ang episodes niya pero after five minutes ay kumalma ito dahil sa mahigpit na yakap ni Maya. "Best friend, andito ako, si Maya ito, uy, ok na yan, ok ka na diba? " niyakap ni Maya si Payne mula sa likod nito habang pinupunasan niya ng kanyang panyo ang pawisang noo ni Maya. "Tatapusin mo ang laro ha? Kaya mo yan!" hindi matanggal ni Maya anv kaniyang pagyakap kay Payne habang patuloy ang lagsigaw nito at paukit-ulit na pagtakip sa kaniyang mga tenga. Kinuha ni Maya ang kaniyang cellphone at idinial ang cellphone nymber ng mommy ni Payne, "Hello po... Tita? I'm afraid to tell you po hindi na kayang tapusin ni Payne ang competition, inaatake po si Payne ngayon... Opo nandito lang po kami sa school... opo tita... sige po."
"I DON'T WANT MY DAUGHTER TO SEE YOU EVER AGANI!" Ito ang nagngingitngit na boses ni Mrs. Framania kay Neal nang makita itong pumasok sa pinto ng clinic. Namumulaga ang mga mata niya sa pagkainis sa nangyari kay Payne. Sa isip ni Mrs. Framania, "Tama talaga ang hinala ko sa batang ito, walang mabuting maiidulot ito kay Payne, hindi na sana ako pumayag na tutluyang mahulog ang loob ng anak ko sa kaniya." "Tita..." Mag-papaliwanag sana si Neal ngunit sumabat na si Payne. "Pasensya ka na Neal..." nanghihina pa nitong boses. "Anong pasensya Payne?! Si Neal ang dapat humingi ng pasensya dahil simula ng nag-date kayo ay dumalas ang episodes mo. Dumalas din ang switching ng personalities mo." Hysterical si Mrs. Ayla Framania, naiinis siya kapag nakikita niya ang pormahan ni Neal. Sina Principal Martinez naman at nurse Jane ay parang nanonood ng mala-teleseryeng pag
"A-BE-LAR-DO! A-BE-LAR-DO!" "HEP HEP ... HOORAY!" "WOOHOOO!!!" Ito ang nakababasag-taingang sigaw ng mga high school student habang naglalakad sila papuntang basketball court kung saan pormal at opisyal na sasabihin ni Sir Jack kung sino-sino ang mga qualified para sa Inter-School Competition na gaganapin ulit sa Holy Angels University. At habang nag-iingay ang mga miyembro ng cheering squad ng school at ang lahat ng estudyante ay magulo pa ang pila ay dumating naman ang grupo ni Neal. "HUY!! Iingay nyo! Umayos na nga kayo sa pila..." Sigaw ni Maven sa mga sophomore students. Nang makita nilang dumadating na isa-isa ang mga teachers para pumunta sa pila ng mga estudyante ay agad namang tumugtog ng "Lupang Hinirang" ang malalaking speakers na nasa paligid ng campus. Napilitang umayos sa pila ang mga estudyante upang magsagawa ng