Beranda / YA / TEEN / PART OF YOUR WHOLE / Chapter 11 - Shifting

Share

Chapter 11 - Shifting

Penulis: Athena
last update Terakhir Diperbarui: 2021-06-26 14:41:11

Kumukumpas ang kamay ni Neal para lumapit ako sa kaniya.

Ngunit hindi ako makalakad sa gitna ng mga  nagtatakbuhang mga tao na umiiwas mabasa ng palakas at palakas pang mga patak ng ulan.

Ilang segundo pa ang nakalipas at naaaninag kong papalapit ng papalapit na si Neal sa akin.

Hinigit bigla ang kaliwang kamay ko at wala akong nagawa kundi tumakbo at sundan siya sa direksyong hindi ko alam kung saan ang punta.

"Bilisan mo Payne basang-basa na tayo!"

Tumatawa si Neal habang tumatakbo kami at hawak niya ang kamay ko.

Slow motion effect.

Nilalampasan namin lahat ng halaman at mga malalaking puno, nasasaktan ang mga clay brick pavers sa mabibigat naming mga paa sa pagtakbo habang hinahawi ni Neal ang lahat ng mga taong nakakasalubong namin.

"Oh dito muna tayo sumilong sa mushroom cottage. Haay! Wrong timing naman si ulan!"

Habang pinupunasan ni Neal ng basa niyang mga kamay ang t-shirt niya at pantalon.

Hinugot niya ang purple handkerchief mula sa kanang bulsa ng kaniyang denim pants.

Ipinunas ni Neal ang purple handkerchief niya sa aking ulo, pababa ng aking mukha, pababa ng aking balikat, pababa sa aking mga braso nababalot ng lamig dahil sa butil ng ulan, pababa sa aking pantalon.

"Ok na ako Neal." pagpigil ko sa kanang kamay niyang punasan ang mga white sneakers ko.

"Naku Payne baka magkasakit ka lagot ako kay Tita."

Napasandal ako sa haligi ng mushroom cottage at tumabi si Neal sa left side ko.

Sumandal din siya at inilagay ang kaniyang mga kamay sa kaniyang likod.

Isinandal ni Neal ang kaniyang ulo sa kaliwang balikat ko.

Napatayo ako ng direcho.

"Ooops sorry Payne! Malamig kasi eh!" 

"Napangiti lang ako habang nakatingin sa malalakas na patak ng ulan.

"Ahhm... salamat Neal ha. Salamat kasi pakiramdam ko normal ako ngayon."

"Eh normal ka naman ah, at ako ang dapat magpasalamat sa iyo Payne."

"Sa akin?"

"Masaya kasi ako kapag kasama kita."

"Eh sabi ni Maya marami ka na daw naging girlfriend."

"Huuwaaat?! Ako?! Hahahahah! Hindi ah, well wala pa talaga. Sila lang itong text ng text sa akin, tawag ng tawag. Kapag na-timing na wala akong gagawin pag weekends eh ayun pagbibigyan ko sila sa date daw nila, sila 'yun hindi ako."

"Aaah... isa pala ako sa weekend girls mo ha."

"Hindi Payne, iba ka. Ako ang humingi ng pagkakataong ito sa'yo, hindi ikaw ang naghingi katulad ng ibang girls."

"Ganun?"

"Oo naman, nuon kasi kapag may nagtext sakin na..'Are you free tomorrow, labas naman tayo, or lunch out tayo.' Eh hindi ko alam kung crush ba nila ako o gusto lang nilang magpalibre sa akin. Since free ako every weekend, pinagbibigyan ko nalang kaysa naman ma-bored ako sa bahay. Then hindi na nauulit. Hindi ko alam kung ako ba o sila ang may mali."

"How about your guy friends?"

"Hmmm... iba ang bonding namin eh, usually ako mag-iinvite sa kanila to come over my place, ayun jamming lang sa loob ng room ko with our musical instrument. At saka hindi nga kasi ako maka-establish ng consistent group or barkada kasi palipat-lipat ako ng school."

"Marunong kang tumugtog?"

"Yes ma'am, gitara po ang forte ko, masyadong malikot ang mga daliri ko kapag nakahawak na ako ng gitara."

"Talaga? Parinig naman minsan."

"Yeah, sana sa Foundation Week maka-tugtog kami, sinabi ko na yun kay Sir Jack, ipagpapaalam daw muna niya sa principal.

Ano kasi Payne eh, pala-away kasi ako sa lahat ng school na pinanggalingan ko, ewan ko ba siguro dahil inis ako sa buhay ko, kaya sabi nila gangster ako. Sabi ni mommy last na daw 'to, hahhah! wala na daw school tatanggap sa'kin kasi  lahat ng school napasukan ko na."

"Bakit ka inis sa buhay mo?"

"Hindi kasi kami ang legal family. Oo good provider ang Papa ko financially speaking pero, you know growing up without a father by my side specially kapag Family Day sa school at yaya ko lang ang nagsisilbing parent ko dahil hindi pwede si mommy busy sya sa hospital.

Mahirap eh, ang iba kong classmates either may mommy, daddy or both parents andun, ako wala ni isa, Yaya lang."

"Well, atleast may yaya ka."

"Marami akong naging yaya, kasi gumagawa ako lagi ng paraan para umalis ang yaya ko. Akala ko kasi kapag umalis ang yaya ko, si Mama ang maghahatid-sundo sa akin sa school at kapag may school events siya ang pupunta pero mali ako eh, everytime na may aalis na yaya, may bagong papalit. Kaya hindi na ako umasang matutupad ang inaakala ko."

"Miss mo mama at papa mo?"

"Hmm.. paanong pagka-miss?"

"Miss na as in gustong makasama."

"Hin..di."

"Bakit naman?"

"Nuon, oo namimiss ko, pero ngayon ayaw ko nag i-miss ang isang taong paasahin lang ako sa time nila. Nakakapagod kasi Payne maghintay ng time ng iba. Nakakapagod magmakaawa para sa konting oras ng ibang tao."

"Hindi naman ibang tao ang parents mo eh, lalo na ang mommy mo, siya nagdala sa'yo."

"'Yun na ng Payne eh, hindi naman sila ibang tao pero parang iba dahil malayo sila, malayo ang pagitan namin."

Napalingon ako kay Neal, inabot ng kanang kamay ko ang kanang kamay niya.

"Salamat sa time na ito Payne, lalong lumiit ang pagitan nating dalawa."

Natatawa ako ng bahagya pero may kung ilang kabayong tumatakbo sa dibdib ko sa lakas ng kabog nito.

"I took the chance with you Payne because I am giving myself the chance to be better, to love better. I cannot see your abnormalities, I see genuine love in your eyes, I see the authenticity in your actions and I feel the sincerity in your words."

Napatungo ako sa aming magkapatong na kanang kamay.

Iniangat niya ang baba ko at nagkaroon lang ng approximately five inches ang pagitan ng aming mga mukha, kahit hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso ay nacalculate ko ang sukat ng pagitan namin.

Sa isip ko parang may background music, ang kantang "Sila" ng SUD.

"Neal...Aaahmm.."

"Gusto mong mag-swing Payne? Tara tumigil na ang ulan."

 Napa-atras ako bigla at naging kalahating dipa ang pagitan namin.

Umalis na kami mula sa mushroom cottage at sa paglalakad namin ay natatanaw ko na ang swing area.

Habang papalapit kami ng papalapit sa swing area. Nakita kong tatlong swing ang magkakatabi. RED,  BLUE AND GREEN ang colors ng wood na upuan nila, pero lahat ay chain-like metal ang hawakan na sa isang mataas na metal bar naka-connect ang tatlong swings.

Pinunasan ni Neal ang basang upuan ng swing at inalalayan ako na makaupo sa blue swing. Humawak ako sa magkabilang metal handle pero... ipinatong niya ang mga palad niya sa mga kamay ko.

"Kapit kang mabuti Payne ha, relax ka lang diyan."

Tinanggal ni Neal ang kamay niya sa kamay ko. Itinulak niya nang dahan-dahan ang swing sa pamamagitan ng bahagyang pag-tap sa likurang bahagi ng inuupuan ko.

Napa-pikit ang mga mata ko nang umangat na ang mga paa ko mula sa buhangin. 

Marahan ang hampas ng hangin sa aking mukha, sa aking buong katawan.

Sa bawat hampas ng hangin sa aking mala-yelo na katawan sa lamig ay tinutuyo naman nito ang natitirang basa sa damit ko.

Naamoy ko ang mga bulaklak, dama ko ang paminsan-minsang pagdampi ng haring araw sa aking balat.

Sa isip ko...

"Akala ko tuluyan na akong binigo ni Haring Araw dahil natalo siya ng ulan, ngunit muli siyang nagpakita at dumampi sa balat ko."

Sa paulit-ulit na back and forth periodic motion ng swing ay paulit-ulit din ang pagtawa ni Neal sa tuwing itutulak niya ako.

Pinigil na niya ang ika-pitong balik sa kaniya ng aking swing. Muli niyang ipinatong ang malalambot niyang mga palad sa aking mga kamay. Bumulong siya ng...

"Gusto mo ng ice cream?"

Nag-freak out ako!

"Aaaaah! ice cream! ice cream! Ice cream!" paulit - ulit akong sumisigaw at hindi ko makontrol ang bibig ko, ganun din ang kamay ko sa pagtakip ng mga tainga ko.

"Sorry, sorry Payne, dito tayo, upo muna tayo dito." worried ang boses ni Neal, shaky ang mga words na binitawan niya, nakikita kong naginginig ang kaniyang mga mga kamay habang dinadala ako sa bench malapit sa see-saw.

"Payne, pinagtitinginan tayo ng mga tao, pasensya ka na... nalimutan kong hindi ka puwedeng bulungan... pasensya ka na Payne, na-excite lang ako dahil nakita kong may dumaang nagtitinda ng dirty ice cream."

Mabilis ang pagbitaw ng mga salita ni Neal. Tensyonado siya. 

Hindi malaman ni Neal kung ano ang gagawin niya sa akin para kumalma ako.

 Napa-upo ako sa bench pero tuloy ang pagtakip ko sa tainga ko at continuous ang jiggling ng legs ko.

Nag-iba ng tono ng boses si Neal. Naging malambing ang boses niya at parang batang nagsasalita.

"Uuuyy.. gusto ni Payne ng ice cream..."

Tumigil ang pag-jiggle ng aking legs at narelax ang aking mga kamay sa aking mga hita.

Napangiti ako sa ibang direksiyon na nag-signal naman kay Neal na, "Yes, gusto ko ng ice cream."

Umalis si Neal at patakbong pumunta sa nagtitinda ng ice cream.

Ilang minuto pa ay dala na niya ang dalawang regular size na sugar ice cream cone na may tig-tatlong scoop ng cheese- flavored ice cream.

Nakikita ko siyang lumalapit, nakikita kong hindi nawawala ang abot-tainga niyang mga ngiti, na parang nabuhayan siya ng pag-asa dahil kumalma ako. 

Hindi ko na makita sa kaniyang  mukha ang pagka-worry sa naging pagkilos ko.

"Yan.. one for you and one for me." ibinigay ni Neal ang cheese-flavored ice cream kasabay ng tissue na inipit niya sa pagitan ng kanyang hintuturo at hinlalaki.

Umupo na siya sa tabi ko at sinimulan kong balutan ng tissue ang ice cream cone. I licked the left side of my ice cream at nakakagat ko ang buo-buong cheese mula rito.

"What is your ambition Payne?" habang naririnig mong inuunti-unti ni Neal ang pag-lick sa kaniyang ice cream.

"I want to be a teacher." nakangiti kong sagot sa kaniya.

Napansin siguro ni Neal na nag-iba ang tono ng boses ko, naging bata.

Nararamdaman kong nasa akin si Lea ngayon, eight years old, payat ang pangangatawan at may salamin na nangangarap maging isang teacher.

Nagmula si Lea sa mahirap na pamilya. Ang tatay niyang janitor at nanay niyang isang plain housewife ang nagpalaki at nagpaparamdam araw-araw ng pagmamahal kay Lea. 

Payak ang buhay nila pero masaya. Idol niya ang mga teachers niyang magaganda ang uniform.

" Gusto kong maging teacher, maturuan ang mga hindi nakakabasa at nakakasulat. Kapag nagawa ko iyon, masaya na ako." naging boses bata na ako at patuloy ang paghimod ko mga tulo ng ice cream sa cone.

"Maturuan silang magbasa at magsulat? Masaya ka na dun? Yun lang Payne?"

"Oo naman. Kapag marunong ka ng magbasa at magsulat, eh di madali mo ng maintindihan lahat ng bagay. Madali ka ng matututo. Ikaw naman anong ambition mo?

"Ako? Hmmm... ano nga ba... marami e." parang ginaya ako ni Neal at nagboses bata rin siya.

"Marami? Ngek! Di naman pwede 'yun eh! eh di marami kang magiging trabaho."

"Ganon? 'Pag ambition trabaho agad? pwede namang ambition mo lang ah pero hindi 'yun ang trabaho mo. Marami kayang ganun."

"Eh di sayang naman, inambition mo, pinangarap mo tapos hindi 'yun ang makukuha mo."

"Sus! Marami naman diyan eh, ang trabaho nila sa construction pero pangarap nilang maging doktor hindi lang pwede dahil wala silang pera pang- paaral diba? Maraming nasa office pero ang ambition nila maging painter o maging isang simpleng housewife."

"Uy, hindi simple ang housewife ha! Marami kayang gawa si nanay,  lagi siyang busy ang likot likot niya, kilos sya ng kilos."

"Plain housewife ba si mommy mo? Di ba may work siya, may textile business kayo diba Payne?"

"Huh? Wala.. nasa bahay lang si nanay kasi sa umaga papaliguan niya ako pakakainin tapos ihahatid ako nila ni tatay sa school, nakabantay lang si Nanay sa akin, nakikita ko siyang nakikipag-kwentuhan sa ibang nanay sa school tapos sabay-sabay kaming uuwi sa bahay nina tatay, kakain at matutulog."

Naiintindihan ni Neal na ibang personality ang pinapakita ko sa kaniya ngayon, hindi ko naman iniiwan si Payne, dinagdagan ko lang siya. 

"Oh! Wow galing naman ubos na ice cream niya."

"Thank you po." nakangiti si Lea kay Neal masarap ang ice cream at gusto pa niyang humingi ng isa pero nahihiya na siya.

"Gusto mo bang pumunta sa slide Payne?" tumayo na si Neal at inilagay ang mga kamay niya sa magkabilang waist niya.

Tumayo ako at nakaramdam ng excitement. Gustung-gusto ni Lea mag-slide. Matagal na niyang gustong gawin ito.

"Yehey! Sige tara!" Hindi matanggal ang ngiti ko dahil masayang-masaya ngayon si Lea.

Umakyat ako sa hagdan at sumigaw ako kay Neal sa ibaba.

"Saluhin mo ako! Natatakot akong bumaba dyan! 

"Sige na andito lang ako Payne! "

Kumukumpas ang kamay ni Neal na ipinapakita niyang naka-abang siya sa akin sa ibaba.

"Aaaa!" mabilis ang pag-slide ko dahil sa sobrang dulas ng slide.

Nang makarating ako sa ibaba ay nasalo ako ni Neal.

Kasabay ng pagsalo sa akin ni Neal, nawala naman si Lea, bumalik na si Payne sa akin.

Nang sinalo ako ni Neal ay nahawakan niya ang magkabilang bahagi ng tagiliran ko malapit sa aking kili-kili at muntik nang magkalapit ang aming mga mukha.

"Mmmwah!"

Napatingin ako sa itaas. Bigla nalang akong hinalikan ni Neal sa noo.

Bab terkait

  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 12 - Blue Flower

    Dali - dali akong tumayo at pinagpagan ang pwetan ko dahil naghalo sa damit ko ang kaunting basa ng ulan mula sa slide at buhangin mula sa lupa, buti nalang naka-jeans ako. Natanaw ko ang water fountain na nasa may see-saw area. "Tara, 'dun tayo sa may water fountain." Lumiyad patalikod si Neal at bahagyang ginawang tambol ang kaniyang tiyan. "Hmmm.. kain muna tayo Payne...gutom na ako eh." Tumalikod ako sa kaniya at hindi ko tinatanggal ang pagtingin ko sa see-saw area. "Aaa.. lunch na ba?" "Hmm..." Tumingin si Neal sa kaniyang brown leather wristwatch. "11:47 na po Ma'am, malapit na mag-alas dose. Ano, lunch muna tayo? May malapit na coffee shop diyan bago mag-exit ng Eco Park." Hindi pa ako nakakasagot ng oo... Hinawakan nanaman ni Neal ang kaliwang kamay ko at napilitan nanaman ang mga paa kong maglakad sa direksyong nilalakaran ni Neal. Nilampasan namin ang see-saw area.

    Terakhir Diperbarui : 2021-06-29
  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 13 - Between Us

    Bakit kaya biglang nagtanong si Neal tungkol sa katauhan ko? Ayaw na kaya niya akong makasama? "Nnn...neal? Ako lang 'to si Payne!" Tumalikod na siya at at ang boses niya na kasing lamig ng yelo sa freezer ay nagsabing... "Owwss.. talaga?" May dumaang anghel, wala akong naisagot. Sa sobrang katahimikan ay parang nabingi ang mga tainga ko at nagsara ang mga ito. Kahit ang ingay sa paligid ko ay hindi ko naririnig. Humarap siya sa akin na nakakunot ang pagitan ang kaniyang mga mata. "Joke!! Grabe ka naman Payne Sobrang seryoso mo!" Patakbo akong lumapit sa kaniya at pinagpapalo ang balikat niyang pinipilit kong abutin. "Aray Payne! Hahahhaha! Tama na.. grabe oh di mabiro! Aaaray!" "Nakakainis ka kasi!" Pinigilan niya ang mga kamay ko sa pagpalo sa magkabila niyang balikat. Niyakap niya ako. Mahigpit. Nagfreeze ang mga taong naglalakad sa paligid namin.

    Terakhir Diperbarui : 2021-07-04
  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 14 - Dream

    Parang lumabo ang paningin ko. Ilang beses kong kinusot ang mga mata ko para matiyak kung si Maya nga ang nakikita ko. Parang nahilo ako at biglang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako sa kanang sentido ko. Nakatingin sa akin ng masama si Maya, parang napakarami niyang gustong itanong sa akin. "Payne, bakit kasama mo ito?" Sa akin nakatingin si Maya pero ang hintuturo niya ay nakatapat kay Neal. "Maya, relax, nag-date lang kami sa Eco park." Hindi ni Maya tinitingnan si Neal at hindi rin niya ito sinasagot. Habang nakatingin lang ako sa mga paa kong tinatapakan ang naipong tubig ulan sa lupa at paulit--ulit na nag-ii-snap ang dalawa kong mga daliri sa kamay. "Whaat?! Date?! Kayong dalawa?! Sa Eco Park?! " Tumaas ang boses ni Maya na parang 8 octave sa piano at pinagtitinginan kami ng mga taong dumadaan sa tabi namin. "So...? Masama ba 'yun Maya?" "Neal please,

    Terakhir Diperbarui : 2021-07-04
  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 15 - Preparation

    "Payne, I called you earlier, but you're not at home, Tita said you went out on a date with Neal." "Ahm.. Maya let me explain, I didn't get a chance to ask you because..." "No, it is okay, Tita Ayla told me about it, I was just worried not only because you were with Neal, but because I am afraid na sumpungin ka ng episodes mo." Mahinahon ang boses Maya, hindi katulad ng nasa panaginip kong sumisigaw siya at nakikipagtalo kay Neal. "I did Maya, I had episodes when I was with Neal, hindi ko din napigilan and I became Lea and Jessica." Napabuntong-hininga si Maya, malalim at kahit nasa kabilang linya siya ng telepono parang nakikita ko ang pagkalungkot sa kaniyang mukha. "Payne... next time, tell me about all your plans of going out, it is not only for your safety but for my peace of mind also." "Yes Maya, I am sorry, akala ko kasi galit ka pa sa akin." "When did I ever get mad at you Payne?" "Hmm... minsan..

    Terakhir Diperbarui : 2021-07-19
  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 16 - Confirmation

    Dumating ako sa bahay galing sa school na nasa pagkatao ko sa Jojo, ayaw pa niyang umalis sa akin at dahil dito madali akong napagod sa byahe. Hindi na ako naihatid ni Neal dahil nang dumaan ako sa basketball court ay wala siya. Sasamahan sana ako ni Maya na pumara ng jeep pero nainip na ako sa kahihintay na matapos ang volleyball practice niya sa gym, kaya I decided to leave her. Nagpaalam lang ako sa kaniya sa tingin at senyas, gusto man ni Maya na lumapit sa akin pero pumito na agad ang coach niya kaya wala akong choice kundi umalis nalang. Bumungad si Mommy sa gate pagbaba ko ng jeep. Bakas sa mukha niya ang pagkainip sa paghihintay at pag-aalala dahil humahaba ang leeg niya nang makita ang jeep na sinasakyan ko na tumigil sa harap ng bahay namin. "Payne, ang sabi ni doktora magpahinga ka, kayang-kaya mo naman yang chess competition na 'yan eh. Don' t stress out yourself, hindi naman yan pang academic, extra cu

    Terakhir Diperbarui : 2021-07-25
  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 17 - Confused

    "Welcome to the 52nd Foundation Anniversary of Abelardo High School..." Ito ang maagang bungad ng 45-minute speech ni Mrs. Martinez. Ewan ko ba naman parang pare-pareho lang naman ang opening remarks niya taun-taon, iniiba lang and numero kung pang-ilang foundation anniversary na ng school namin. Habang tuluy-tuloy ang speech ng aming principal ay tuluy-tuloy din naman ang pang-gagaya ng mga estduyante sa mala-Cita Astals niyang pananalita. Siguro namememorize na rin nila ang speech ni Mrs. Martinez. "Bakit kaya iyon at iyon din naman ang sinasabi ni Mrs. Martinez, na kailangan nating mag-champion at mag-compete sa ibang school para makilala tayo? Tayo ba o para makilala siya at ang school?", tanong ng isang babaeng senior student na kagaya ko habang paikot-ikot ang kaniyang daliri sa sampung hibla

    Terakhir Diperbarui : 2021-08-08
  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 18 Quit

    "Payne...Okay lang yan, calm down. " nanginginig na paghawak ni Maya sa kanang braso ni Payne. Pilit niyang kinakalma ang kaibigan niya, kahit nangyari na ito nuong sophomore sila, na sa gitna ng chess competetion ni Payne at biglang umatake ang episodes niya pero after five minutes ay kumalma ito dahil sa mahigpit na yakap ni Maya. "Best friend, andito ako, si Maya ito, uy, ok na yan, ok ka na diba? " niyakap ni Maya si Payne mula sa likod nito habang pinupunasan niya ng kanyang panyo ang pawisang noo ni Maya. "Tatapusin mo ang laro ha? Kaya mo yan!" hindi matanggal ni Maya anv kaniyang pagyakap kay Payne habang patuloy ang lagsigaw nito at paukit-ulit na pagtakip sa kaniyang mga tenga. Kinuha ni Maya ang kaniyang cellphone at idinial ang cellphone nymber ng mommy ni Payne, "Hello po... Tita? I'm afraid to tell you po hindi na kayang tapusin ni Payne ang competition, inaatake po si Payne ngayon... Opo nandito lang po kami sa school... opo tita... sige po."

    Terakhir Diperbarui : 2021-08-17
  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 19 - Sibling Connection

    "I DON'T WANT MY DAUGHTER TO SEE YOU EVER AGANI!" Ito ang nagngingitngit na boses ni Mrs. Framania kay Neal nang makita itong pumasok sa pinto ng clinic. Namumulaga ang mga mata niya sa pagkainis sa nangyari kay Payne. Sa isip ni Mrs. Framania, "Tama talaga ang hinala ko sa batang ito, walang mabuting maiidulot ito kay Payne, hindi na sana ako pumayag na tutluyang mahulog ang loob ng anak ko sa kaniya." "Tita..." Mag-papaliwanag sana si Neal ngunit sumabat na si Payne. "Pasensya ka na Neal..." nanghihina pa nitong boses. "Anong pasensya Payne?! Si Neal ang dapat humingi ng pasensya dahil simula ng nag-date kayo ay dumalas ang episodes mo. Dumalas din ang switching ng personalities mo." Hysterical si Mrs. Ayla Framania, naiinis siya kapag nakikita niya ang pormahan ni Neal. Sina Principal Martinez naman at nurse Jane ay parang nanonood ng mala-teleseryeng pag

    Terakhir Diperbarui : 2021-08-20

Bab terbaru

  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 56 - To the Next Chapter

    Tanging ang kaunting sinag ng araw na kumakawala sa bawat siwang ng bintana na nakapalibot sa loob ng gymnasium ang nakikita ng lahat ng mga estudyante, guro at mga magulang. May spotlight na nakatutok sa dulong bahagi ng stage kung saan napukaw nito ang atensyon ng lahat. Dahan - dahang naglakad si Neal papalapit kay Payne na may hawak na bouquet of roses, kasunod niya ang kanilang mga kaibigan na kumakanta ng “We’ve Only just Began”. Iniabot ni Neal ang bouquet kay Payne at tila nanginginid ang luha ng dalagang ng kaniyang iunat ang kaniyang mga kamay at hawakan ang mga bulaklak, tumingin siya ng bahagya kay Maya at ang ngitian nila ang tanda ng pagpapasalamat nila sa isa’t isa. Nagsitayuan ang lahat ng mga magulang, mga guro at lahat ng estudyante ng sabayan nila ang pagkanta ng mga magkakaibigan sa stage. Natapos ang isang awitin ngunit inulit ng mga estudyante ang chorus habang nagyayakapan silang magkakaibigan, magkakaklase at kahit ang kanilang mga saglit na nakaalitan. Reco

  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 55 - Inspirational Message

    Mabilis ang pag-paling ng ulo ni Payne sa kaliwa't kanan, naguguluhan siya sa mga nangyayari sa kaniya. Pilit na kinakalma ni Neal ang kaniyang sarili upang hndi maramdaman ni Payne ang kanyang pag- aalala. Si Ayla naman ay mas nangingibabaw sa kaniyang damdamin at kilos ang pagiging doktor kaya naman nanatili siyang kalmado at may kontrol sa lahat ng nangyayari kaysa pagiging ina na magpapanic sa pinapakitang kilos ng kaniyang anak."Sandali Payne anong nangyayari sa' yo? Sinong baby? Anong baby ang sinasabi mo?" mababakas ang panginginig sa boses ni Neal at halos gusto niyang yakapin si Payne.Nakatingin si Payne sa kawalan habang dahn- dahang tumutulo ang kaniyang mga luha, "Tinanggal nila ang baby natin Neal. Nasaan na ang baby natin? Sorry Neal, sorry...""Mommy sorry po nakagawa kami ng kasalanan ni Neal Patawarin mo po kami mommy."Kumunot ang noo ni Ayla na tila ba nahihiwagaan siya sa rebelasyon ngkaniyang anak. Nakatitig lamang si Neal habang mahigpit niyang hawak ang kama

  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 54 - Awakened by Surprise

    Tanging ang mahinang ilaw sa poste na nasa labas gate ang nagsisilbing sinag sa maliit at madilim na silid na pinasukan nina Neal at Payne. Sa mabilis na pagbukas ni Neal ng pinto upang maiwasang mabasa sila ng ulan ay napaatras siy ang tatlong segundo at saka dahan -dahan namang inihahakbang niya ang kaniyang mga paa papasok sa silid.Nag - alangan ang mga paa ni Payne na pumasok nang makita niyang madilim at tila nakakatakot ang silid, "Umuwi na tayo Neal, tara na, baka makasabay pa natin sin Maya papalabas ng gate baka may dala silang payong makisilong nalang tayo."Dahan - dahang naglakbay ang mainit na palad ni Neal sa kaliwang kamay ni Payne at buong higpit niya itong tinitigan na para bang sinasabi niyang ibigay lang ang buong tiwala sa kaniya dahil nasa mabuti siyang kamay , bumulong ito ng, "Magpapatila lang tayo ng ulan, baka magkasakit ka, mapagalitan pa ako ni Tita Ayla, saglit lang tayo rito."&nbs

  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 53 - A Time for Us

    Sabado. Mag - aalas - singko ng hapon. Sa isang madilim at puting kwarto na may malaking salamin ay makikitang nakaupo si Payne na naka - khaki shorts with brown sleeveless top sa dulo ng kama, at si Neal na nakadamit ng white t-shirt at faded jeans ay nakatungo habang nakaupo sa silyang malapit sa isang 32 inches na TV.Mag sasampung minuto nang nababalot ng katahimikan ang paligid. Tanging ang mga buntong - hininga ng magkabilang panig ang maririnig sa bawat sulok ng silid.Biglang tumayo si Payne at itiniklop ang kaniyang mga braso sa unahan ng kaniynag dibdib, "Fine! Nakapag - desisyon na ako. Ako rin naman ang mahihirapan kapag tinuloy ko ito, hindi ba? Katawan ko ito, buhay ko ito. Wala kang pakialam!" Nanginginig ang mukha ni Payne at pinipigalan ang kaniyang mga mata na ilabas ang luha dahil nagtatapang - tapangan siya sa harap n Neal.Tumalikod si Payne at humarap sa bintana upang hindi makita ni Neal ang kaniya

  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 52 - Payne's Other World

    Dahan - dahang iminumulat ni Payne ang kaniyang mga mata, nararamdaman niyang parang may naka dagan sa kaniyang buong katawan. Mula ulo hanggang sa kaniyang mga paa ay hirap na hirap niyang igalaw. Tanging ang kaniyang mga daliri ang may natitirang lakas para damhin ang hangin sa kaniyang paligid.Tila hinaharangan ng hangin ang kaniyang mga tainga kung kaya't sinasala nito ang mga tunog bago pa pumasok sa loob at iproseso ng utak niya. Ang kaniyang pang - amoy ay mas naging sensitibo, ngunit hindi mawari kung anong amoy ang nag- aagawang pumasok sa kaniyang isipan. Nagugulan. Namamagha. Naaaliw. Dahil sa unang pagkakataon, ang kaniyang kaisipan ay malaya at naninibago.Sa kabigatan ng nararamdaman ni Payne sa pagkakataong iyon ay minabuti niyang muling pumikit at damhin ang lamig ng kapaligiran. Ang lamig na dumadaloy sa bawat balahibo ng kaniyang mga braso. Dahan - dahang makikita sa kaniyang mga labi ang kaligayahan sa sandali

  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 51 - Chained to Love

    Sa isang slow motion effect ay makikitang nagtatawanan sina Gilbert, Maven, at Alvin habang pinagsasaluhan ang inihanda nilang pagkain sa kaarawan ni Neal. Habang si Neal naman ay pigil na pigil sa pagtawa at halos sumakit na ang tyan sa corny jokes ni Gilbert.Sa paulit- ulit na tukso ni Maven kay Gilbert ay mukhang gusto na nga niyang totohanin ang panliligaw kay Shara, ngunit katulad ng iba na may separation anxiety ayaw rin niyang pumasok sa isang relasyon lalo pa nga at malapit na ang graduation nila.Hindi rin siya sigurado kung pareho sila ng papasukan sa college, ngunit si Neal naman ay nagpayo ng "It's better to take the risk than regretting it" pagdating sa love.Kagaya ng ibang typical high school students, masyado pa rin naman silang newbie sa karanasan pagdating sa pakikipagrelasyon, at si Maven naman, sa pagiging relihiyoso niya ay mas pinipili niyang makapagtapos mun

  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 50 - Wish Granted

    Ilang minuto na ang nakakalipas at nagtatalo ang mga mata nina Shara at Gilbert kung sino ang magbubukas ng pinto, nagsalubong ang mga nakangiting mata nina Alvin at Neal ngunit inihakbang ni Maya ng mabilis ang kaniyang mga paa at lumapit sa pinto, bumuntong hininga.Kung gaano kabilis ang hakbang ni Maya ay ganun rin naman kabagal ang kaniyang kamay para abutin ang doorknob. Napapikit siya ng ilang segundo at inilapat ang kaniyang kanang kamay sa malamig na metal ng doorknob.Sinadya ni Maven na itaas ang kaniyang boses sa nakatalikod na si Maya, Sige na buksan mo na, parang alam mo na din naman kung sino 'yang kumakatok."Nagkibit - balikat lamang si Maya at dahan - dahang binuksan ng pinto...Naunang magpakita ang cake na may kandilang hugis letra, "16" na hinahawakan ng mga malalambot at maputing mga kamay ni..."Tita? Tita Penny? ... Mm... Ma? " Sa mga sandali

  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 49 - Neal's Special Day

    Limang minuto bago mag ala- sais nang lumapat ang kaliwang kamay ni Neal sa kaniyang kaliwang mata upang kuyumusin ito. Espesyal ang araw na ito para sa kaniya, bukod sa kaarawan niya, ngayon rin ang unang pagkakataon na mayroon siyang makakasamang girlfriend sa kaniyang kaarawan.Madalas kasi sa mga nauna na niyang relasyon na wala namang nagtagal, bago sumapit ang kaniyang kaarawan ay naghihiwalay na sila. Tinuring na nga niya itong kamalasan dahil kahit anong pilit niya ay mas pinipilit ng panahon na mag- isa siya sa kaniyang kaarawan.Bukod sa nabulabog ang kaniyang tainga sa alarm ng kaniyang cellphone, napilitan siyang buksan ang natutulog niyang mga mata at diwa sa pag- hawi ng kurtina ng nurse na nag- check ng kaniyang vitals.Maayos na ang pakiramdam ni Neal, at nakakagamit na rin sya ng cellphone, naiigalaw na niyang maayos ang kanyang mga kamay at braso. Sa ilang segundo ay itiniklop niyang muli

  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 48 - Closeness

    Lumapit ang pulis kay Alvin at tinulungang itayo ang binata, "Narinig mo pinapatawad ka na at hindi kana idedemanda.""Anak...?" Naguguluhang tawag ni Penny kay Neal."Tama po ang narinig nyo Ma, gusto ko na pong matapos ito. Gusto ko na po agad gumaling, pagkagaling ko, gusto ko pong magsimula tayong muli. Hilumin po natin ang nakaraan Ma, kasama sina Tita Shane at Maya."Napatakbo si Penny kay Neal at pinalibutan nya ng mapagmahal nyang mga braso ang di makagalaw nakatawan ng anak. Ramdam na ramdam ni Neal ang pagmamahal ng kanyang ina sa mga bisig nitong punung - puno ng pangungulila. Hindi napigilan ng lahat na maging emosyonal at mapaluha ng bahagya sa nasaksihan."Anak, napaka - buti ng puso mo, ayaw mong maghiganti sa taong nagkasala sayo. Proud ako, ganyan pala kita pinalaki.""Ma, deserve ko po lahat ng nangyari sa akin at gusto ko na pong itama ang lahat.

DMCA.com Protection Status