Kumakatok si mommy sa pinto.
Nagdadalawang isip ako kung sasagot ako sa katok ni mommy or I will just pretend to be sleeping already.
Pero palakas ng palakas ang katok ni mommy na parang gumagalaw na ang pinto.
"Payne...sinong kausap mo? Sumagot ka nga! Or better yet e buksan mo itong pinto.
"Hala Payne! Baka tinatawag ka na ni tita."
"Tita ka diyan! Oh wait, I will just open the door."
Tumayo na ako mula sa aking bed, iniwan ang cellphone ko sa ilalim ng unan kong kulay pink at bago pa ako makapunta sa pinto ay biglang...
"Payne, si Neal ba ang kausap mo?" tanong ni mommy habang naka-taas ang kaniyang kilay at naka-halukipkip ang kaniyang mga braso sa unahan ng kaniyang dibdib.
Binuksan na niya ang pinto ko at palinga-linga ang kaniyang tingin sa bawat sulok ng kwarto ko na parang hinahanap ang aking cellphone.
"Aah.. Hindi po mommy..." paulit-ulit kong hinahawakan ang bahaging ibaba ng tainga ko.
Tumingin sa akin si mommy, nakatungo lang ako at pilit kong iniiwas ang tingin ko sa kaniya.
Hinawakan ni mommy ang magkabilang braso ko habang nakahawak ang magkabilang kamay ko sa ibaba ng aking mga tainga.
"I know you are tense Payne, what are hiding from me?" alam kong nakangiti si mommy kahit hindi ko nakikita ang kaniyang mukha.
"O...opo mommy si Neal po ang kausap ko, sinabi lang po niya na nakauwi na po siya at..."
"Payne, hindi ba sabi ko sa iyo I do not like Neal for you, I am afraid that you will just get hurt in the end."
"Pero mom..." gusto kong mangatwiran kay mommy, gusto kong ipagtanggol si Neal hindi dahil sa kilala ko na si Neal kundi dahil I want to give myself a chance to love and be loved.
"Anak, you are too young, you are only 16, you are not matured enough to handle this kind of relationship."
"Mommy, you do not know him yet and I want you to know him better. maybe your assumptions are wrong."
"So, are you telling me that my assumptions are wrong because I base my judgement on his looks?"
Napaupo ako sa left side ng aking bed, feeling helpless, at napaharap ako sa aking wooden built-in cabinet with hello kitty stickers.
"No po mommy, what I am trying to say is, please give him a chance to prove himself."
Pumuwesto si mommy sa left side ko at tinabihan ako sa pag-upo sa aking bed.
"Then...? What will happen Payne? You will continue your feelings for him? He will continue to accompany you in school?"
"Mommy... am I not worthy of someone's love because of my abnormalities?"
" It's not that you are not worthy of someone's love, but as your mom I know that you are not yet ready for a relationship."
Bigla nalang tumulo ang luha ko mula sa mga mata kong nababalot ng lungkot at kawalan ng pag-asa habang nakatingin lang ako sa aking wooden cabinet.
Sa isip ko binibilang ko kung ilan ang nakadikit na hello kitty stickers sa aking wooden cabinet habang kumukumpas ang aking hintuturo sa aking kanang kamay.
Niyakap ako ng mahigpit ni mommy at umiiyak siya sa aking kaliwang balikat.
Nararamdaman ko ang init ng kaniyang mga luha, tumutulo ito mula sa aking balikat pababa sa aking braso at nang makarating ang mga patak ng luha ni mommy sa aking mga kamay ay biglang...
" Payne, you have to guard your heart, hindi ka pwedeng magpabilog sa mga mabubulaklak na mga salita ni Neal." habang pinapahid ni Mommy and kaniyang luha ng kaniyang blue na t-shirt.
Hindi ako sumasagot. Tumutulo lang ang luha ko.
Patuloy ang paulit-ulit kong pagbibilang ng mga hello kitty stickers.
"Payne, matulog ka na, tomorrow is Saturday and we have a schedule to your doctor."
Palabas na si Mommy sa pinto, hawak na nya ang doorknob...
"Magde-date po kami bukas ni Neal mommy." Hindi ako nakatingin sa kaniya pero alam kong napalingon si Mommy sa akin.
"Payne, are you really out of your mind?!" bahagyang hinawakan niya ang kaniyang ulo at parang sinabunutan ito.
Siguro dahil, hindi ako masaktan ni mommy physically kaya she inflicts harm to herself para saluhin lahat ng galit at inis niya sa akin.
Kahit hindi ako nakatingin kay mommy, nakikita ko ang halu-halong lungkot, inis, galit, pag-aalala niya sa akin.
Pero anong magagawa ko? Ngayon ko lang naramdaman ito.
Ngayon lang ako nagkagusto sa isang tao na ramdam kong may gusto din sa akin.
Nuon kapag may crush ako at sinabi ni Maya na, "Huwag sya Payne, pangit yan."
Hindi nalang ako titingin at kakalimutan ko na siya.
At kapag dumadating ang first day of school at may nakikita akong bagong student makikita agad ni Maya na nagugustuhan ko ang student na iyon kaya sasabihin nanaman niyang...
"Huwag yan Payne, hindi ka niya kilala, huwag mo ng i-crush yan."
Malulungkot lang ako saglit pero ngingiti na rin dahil alam kong tama si Maya.
Alam kong pinoprotektahan lang niya ako para sa judgement ng ibang tao.
Ganun din naman si mommy.
Alam kong takot siya na masaktan ako.
"Natatakot ako mommy..." poker face kong sagot sa kaniya.
"Ako din anak kaya please before you develop your feelings for Neal, stop it na."
Malumanay nang nagpapaliwanag si mommy, hindi ko nakikita ang mukha niya, ang mata niya pero nararamdaman kong naka-kunot ang noo niya at ang mga mata niya ay sasabog na sa maraming luhang gustong lumabas.
"Pero masaya ako mommy..." tumulo nanaman ng unti-unti ang luha ko, kasabay ng paulit-ulit kong pagtapik ng kanang kamay ko sa kanang bahagi ng aking hita.
Naging cold ang boses ni mommy, nararamdaman kong gusto niyang malaman kung valid ba itong nararamdaman ko, o nararamdaman ko lang ito dahil gusto ko lang, dahil nadadala lang ako sa mga mabubulaklak na salita ni Neal.
"Anong klaseng saya Payne? Masaya ka ba dahil finally may lalaking naghatid sa iyo dito sa bahay? O masaya ka kasi iniisip mong gusto mong maging masaya?"
Niliingon ko si mommy pero umiikot ang mga mata ko, pinagtatakpan ko ang sakit na nararamdaman ko, hindi lang pisikal, hindi lang mental pero mas nangingibabaw ang sakit na emosyonal.
Tumagos ang bawat tanong ni mommy sa kaluluwa ko, pakiramdam ko namanhid ang mga mata ko kaya napigil nito ang pagpatak ng luha ko, luha ng lungkot, luha ng katwiran.
Gusto nitong mga mata ko na lumuha ng kaligayahan dahil alam kong deserve ko iyon.
Alam kong ito na ang tamang panahon para maging masaya naman ako sa pag-ibig ng iba, sa atensyon ng iba.
Sa isip ko gusto kong sumigaw!
"Finally, may taong nagkagusto sa akin! Finally, naramdaman kong normal ako! na wala akong sakit! na wala akong diperensya! na wala akong mali!"
Pero hindi ko ito maisigaw... lahat ng salita ay pigil na pigil. lahat ng luha ay parang nakahold lang at naka-freeze sa mga mata ko na maging ang mga luha ko ay may sariling isip.
Ayaw nilang tumulo sa mukha ko, ayaw iparamdam ng mga luha ko ang pagka-inis dahil lahat ng tao sa paligid ko ay sira ang tingin sa akin.
Tumigil ang kanang kamay ko sa pagtapik ng kanang bahagi ng hita ko.
Mahigpit kong itinikom ang aking mga kamay, ayaw kong pakawalan ang invisible hope na nakapaloob dito, ito lang ang panghahawakan ko. Ito lang ang mayroon ako.
Tumingin ako sa mommy ko, nakikita ko ang buong katawan niya.
Tumanda na nang husto ang itsura ng mommy ko. Nakikita ko na kahit hindi ikunot ni mommy ang kaniyang noo ay sadyang kulubot na ito.
Ang malalambot niyang mga kamay na dumadampi sa mukha ko simula bata ako ay napalitan na ng magaspang na mga palad.
Pagod na siya. Pero ito ako na nagsisimula pa lang.
Pinilit kong iangat ang katawan ko mula sa aking kama, nakatayo ako ng puno ng pag-asa at dahan-dahang inihakbang ang aking nanginginig na mga paa papunta sa direksyon ng mommy ko.
Hinarap ko si mommy, at pinilit kong ingiti ang mga labi ko kahit ang mga mata ko ay hindi kayang gawin ito.
Hinawakan ko ang kaniyang mga kamay at habang nararamdaman ng mga daliri ko ang mga ugat nito...
"Hindi ba mommy pinalaki mo ako ng normal kaya ipinasok mo ako sa regular school? Pwede ba akong mabuhay at makadama ng normal? Pwede ba akong makadama ng normal na saya at normal na sakit?"
"Hindi pa ba normal ito sa iyo Payne? Hindi pa ba normal sa iyo na nakakapunta ka sa school nang mag-isa at nakaka-uwi ka dito sa bahay ng mag-isa? Hindi pa ba normal Payne na nakakasali ka sa mga school programs at nakakalaro ka sa mga chess competitions? Hindi pa ba normal na mayroon kang bestfriend na si Maya na laging nandiyan para sa iyo? Hindi pa ba normal na hinahayaan kitang kumilos dito sa bahay, sa school ng gusto mo?"
"Gusto kong magmahal ng normal mommy. Gusto kong makaramdam ng normal na kilig, ng normal na saya kapag kasama ko ang taong gusto ko."
"Tapos ano Payne? Normal na sakit din ang gusto mo? Normal na rejection din ang gusto mo?"
"Opo mommy kung iyon lang ang paraan para makaramdam ako ng pagiging normal, para hindi ko maramdaman na maysakit ako. Tanggap ko po mommy na autistic ako at paiba-iba ang personalidad ko sa bawat araw at hindi ko mapaglalabanan ang mga iyon. Nasa akin sila at ayaw nilang umalis sa pagkatao ko. Pero sila man, gusto nilang sumaya ako, gusto nilang mamuhay ng normal sa loob ko."
Dahan-dahang tinanggal ni mommy ang mga kamay ko sa mga kamay niya. Akala ko tuluyan na siyang mgagalit sa akin at hindi niya ako naiintindihan...
Dahan-dahan niyang iniangat ang kaniyang kaliwang kamay at inilapat ito sa aking kanang pisngi ngunit hindi ko makita ang reaction sa kaniyang mga mata at labi...
"Mahal kita anak. Simula ng namatay si daddy mo lahat ginawa ko para mabuhay tayo. Lahat ginawa ko para mabuhay ka."
Nakangiti si mommy at kahit hindi ko nakikitang umiiyak siya, alam kong sa likod ng mga ngiti niya ay nandoon ang mga luha sa kaniyang mga mata.
"Nuong pagkamatay ni daddy mo hinang-hina ako, pati sarili ko napabayaan ko, pati ikaw napabayaan kita dahil sa pagmumukmok ko. At isang tanghali alam kong tinatawag mo ako pero nagbibingi-bingihan ako dahil parang naririnig kong tumatawag sa akin ay si daddy mo, narinig ko ang malalakas na yabag ng mga paa mo pababa sa hagdan."
"Narinig ko ang huling sigaw mo nuon." "Mommy!!"
"At nang nahulog ka sa hagdan ng bahay natin nuong 6 years old ka palang the day after na mailibing si daddy mo, agad kitang binuhat, kahit iisa ang naisuot kong tsinelas nung pagkakataong iyon ay isinugod kita sa ospital. Takot na takot ako Payne na baka iwan mo din ako katulad ng pag-iwan sa akin ni daddy mo."
"Habang nasa loob tayo ng ambulansya, iyak lang ako ng iyak pero ang puso ko isinisigaw ang pangalan ng Diyos, na sana buhayin ka Niya, na huwag ka pang kunin sa akin dahil hindi ko kaya. Na buhayin ka lang ng Diyos at itutuon ko ang lahat ng atensyon ko sa iyo at sa mga pangangailangan mo."
Hindi napigil ng mga mata ni mommy na pakawalan ang nagpupumiglas na mga luha sa kaniyang mga mata, tuluyan itong umagos kasabay ng pag-agos ng luha ko sa kaliwang kamay niya.
"Gumuho ang mundo ko Payne nang sabihin ng doctor na ang pagkabagok ng ulo mo ay maaaring magresulta ng pagiging hindi mo normal sa paglaki o pag-iisip mo. Malaking bahagi ng utak mo Payne ang naapektuhan."
Tinanggal ni mommy ang kaliwang kamay niya sa pisngi ko at itinakip ito sa kaniyang mukha.
Gusto niyang itago ang mga luha na tuloy-tuloy na kumakawala sa kaniyang mga mata.
Hanggang ang kaniyang kanang kamay ay tumakip na rin sa kaniyang basang-basang mga pisngi.
"Ang sabi ko sa Diyos Payne, buhayin ka lang niya, lahat gagawin ko, paglilingkuran ko Siya, aalagaan kita, aayusin ko ang buhay ko, basta BUHAYIN KA LANG NG DIYOS PAYNE!"
Dahan-dahan kong pinakawalan ang invisible hope sa aking mga palad at ibinukas ang aking mga kamay para hawakan ang mga pagal na balikat ng mommy ko...
"Nabuhay naman ako hindi ba mommy?"
"Oo, pero ang pangalawang buhay mo ang unti-unting pumapatay sa akin dahil sinisisi ko ang sarili ko hanggang ngayon na ang kapabayaan ko sa iyo ang naging dahilan ng autism mo."
"Habang lumalaki ka, nakikita kong hindi ka nakikisama at nakikipaglaro sa ibang mga bata."
"Kapag tinatwag kita hindi ka rin lumilingon at hindi ka makatingin ng direcho sa mga mata ko"
"Maraming beses kapag nanood ka ng tv at nilipat ko ang channel ay bigla ka nalang magsisisigaw."
"Pinatingnan kita sa isang psychologist at nadiagnose ka with autism, pero ang nasa isip ko ay palalakihin kita ng normal."
"Tinanong ko siya kung dulot ba ito ng pagkahulog mo sa hagdan."
"Ang sabi ng psychologist sa akin Payne, baka daw hindi ko lang napansin nung baby ka pero meron ka ng mga signs of autism dahil ito daw ay isang developmental condition, present na ito from birth."
"Akala ko nung baby ka pa meron ka lang unusual responses sa mga nasa paligid mo "
"Pero tinawag mo akong mommy pagkalabas mo ng hospital."
"At ito ang muling pagkabuhay ko ng pag-asa ko na magiging normal ang lahat at normal kitang palalakihin."
"Mangako ka Payne, aalagan mo ang sarili mo kapag wala ako sa tabi mo, kapag wala si Maya sa tabi mo."
Napangiti ako, senyales na kaya ito na pumapayag na si Mommy na makasama ko si Neal?
Pinahid ni mommy ng mabilis ang kaniyang mga luha gamit ang kaniyang blue t-shirt...
"Ibigay mo sa akin ang cellphone mo Payne." nakabukas ang kaniyang kaliwang palad na naghihintay na iabot ko sa kaniya ang cellphone ko.
Agad akong tumalikod at kinuha ito sa ilalim ng unan ko.
Nagulat ako dahil hindi ibinaba ni Neal ang linya. Narinig niya ang lahat ng pag-uusap namin ni mommy.
Nakatingin palang ako sa cellphone at pipindutin ang end call ay agad itong kinuha ni mommy.
Tiningnan niya ito at napansin niyang nasa kabilang linya pa si Neal.
"Hello, Neal? Saan kayo pupunta at magdedate ni Payne bukas? Anong oras mo si Payne susunduin dito sa bahay?
Lumaki ang pagkakabilog ng mga mata ko, bumilis ang tibok ng dibdib ko.
Pero hindi ako makangiti. Nag-freeze lahat ng nasa paligid ko. Hindi ako makagalaw. At dahil naka-loud speaker ang cellphone ko ay hinihintay ko ang sagot ni Neal sa tanong ng mommy ko...
"Ppp...po ti..ta?" tanging ito ang naisagot ni Neal.
Hindi ko inaasahan na itatanong iyon ni Mommy kay Neal. Ang buong akala ko ay ayaw niyang ituloy ko itong feelings ko for Neal. Pero bakit ganoon ang tanong niya kay Neal? Pumapayag na ba siya na magdate kami ng crush ko? "Ppp...po.. ti..ta?" maririnig sa boses ni Neal ang malakas na kabog sa kaniyang dibdib. "Ang tanong ko, anong oras mo susunduin si Payne bukas dito sa bahay? Oh diba akala ko may date daw kayo? "Aahm... 8:30 po ng tomorrow morning tita." mabilis pa sa alas kwatro na sagot ni Neal. "Ok, ingatan mo si Payne ha?" "Opo ma'am!." Naiisip kong sumaludo pa si Neal kasabay ng pagsagot niya ng "opo" kay mommy. Hindi nakangiti si mommy. Agad niyang pinindot ang end call pagkasagot ni Neal. Iniabot ni mommy sa akin ang cellphone ko... "Here's your phone Payne, matulog ka na." Bago pa man ako sumagot ay lumabas na ng kwarto si mommy. Hindi ko na sinub
Kumukumpas ang kamay ni Neal para lumapit ako sa kaniya. Ngunit hindi ako makalakad sa gitna ng mga nagtatakbuhang mga tao na umiiwas mabasa ng palakas at palakas pang mga patak ng ulan. Ilang segundo pa ang nakalipas at naaaninag kong papalapit ng papalapit na si Neal sa akin. Hinigit bigla ang kaliwang kamay ko at wala akong nagawa kundi tumakbo at sundan siya sa direksyong hindi ko alam kung saan ang punta. "Bilisan mo Payne basang-basa na tayo!" Tumatawa si Neal habang tumatakbo kami at hawak niya ang kamay ko. Slow motion effect. Nilalampasan namin lahat ng halaman at mga malalaking puno, nasasaktan ang mga clay brick pavers sa mabibigat naming mga paa sa pagtakbo habang hinahawi ni Neal ang lahat ng mga taong nakakasalubong namin. "Oh dito muna tayo sumilong sa mushroom cottage. Haay! Wrong timing naman si ulan!" Habang pinupunasan ni Neal ng basa niyang mga kamay ang t-shirt niya at pantalon.
Dali - dali akong tumayo at pinagpagan ang pwetan ko dahil naghalo sa damit ko ang kaunting basa ng ulan mula sa slide at buhangin mula sa lupa, buti nalang naka-jeans ako. Natanaw ko ang water fountain na nasa may see-saw area. "Tara, 'dun tayo sa may water fountain." Lumiyad patalikod si Neal at bahagyang ginawang tambol ang kaniyang tiyan. "Hmmm.. kain muna tayo Payne...gutom na ako eh." Tumalikod ako sa kaniya at hindi ko tinatanggal ang pagtingin ko sa see-saw area. "Aaa.. lunch na ba?" "Hmm..." Tumingin si Neal sa kaniyang brown leather wristwatch. "11:47 na po Ma'am, malapit na mag-alas dose. Ano, lunch muna tayo? May malapit na coffee shop diyan bago mag-exit ng Eco Park." Hindi pa ako nakakasagot ng oo... Hinawakan nanaman ni Neal ang kaliwang kamay ko at napilitan nanaman ang mga paa kong maglakad sa direksyong nilalakaran ni Neal. Nilampasan namin ang see-saw area.
Bakit kaya biglang nagtanong si Neal tungkol sa katauhan ko? Ayaw na kaya niya akong makasama? "Nnn...neal? Ako lang 'to si Payne!" Tumalikod na siya at at ang boses niya na kasing lamig ng yelo sa freezer ay nagsabing... "Owwss.. talaga?" May dumaang anghel, wala akong naisagot. Sa sobrang katahimikan ay parang nabingi ang mga tainga ko at nagsara ang mga ito. Kahit ang ingay sa paligid ko ay hindi ko naririnig. Humarap siya sa akin na nakakunot ang pagitan ang kaniyang mga mata. "Joke!! Grabe ka naman Payne Sobrang seryoso mo!" Patakbo akong lumapit sa kaniya at pinagpapalo ang balikat niyang pinipilit kong abutin. "Aray Payne! Hahahhaha! Tama na.. grabe oh di mabiro! Aaaray!" "Nakakainis ka kasi!" Pinigilan niya ang mga kamay ko sa pagpalo sa magkabila niyang balikat. Niyakap niya ako. Mahigpit. Nagfreeze ang mga taong naglalakad sa paligid namin.
Parang lumabo ang paningin ko. Ilang beses kong kinusot ang mga mata ko para matiyak kung si Maya nga ang nakikita ko. Parang nahilo ako at biglang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako sa kanang sentido ko. Nakatingin sa akin ng masama si Maya, parang napakarami niyang gustong itanong sa akin. "Payne, bakit kasama mo ito?" Sa akin nakatingin si Maya pero ang hintuturo niya ay nakatapat kay Neal. "Maya, relax, nag-date lang kami sa Eco park." Hindi ni Maya tinitingnan si Neal at hindi rin niya ito sinasagot. Habang nakatingin lang ako sa mga paa kong tinatapakan ang naipong tubig ulan sa lupa at paulit--ulit na nag-ii-snap ang dalawa kong mga daliri sa kamay. "Whaat?! Date?! Kayong dalawa?! Sa Eco Park?! " Tumaas ang boses ni Maya na parang 8 octave sa piano at pinagtitinginan kami ng mga taong dumadaan sa tabi namin. "So...? Masama ba 'yun Maya?" "Neal please,
"Payne, I called you earlier, but you're not at home, Tita said you went out on a date with Neal." "Ahm.. Maya let me explain, I didn't get a chance to ask you because..." "No, it is okay, Tita Ayla told me about it, I was just worried not only because you were with Neal, but because I am afraid na sumpungin ka ng episodes mo." Mahinahon ang boses Maya, hindi katulad ng nasa panaginip kong sumisigaw siya at nakikipagtalo kay Neal. "I did Maya, I had episodes when I was with Neal, hindi ko din napigilan and I became Lea and Jessica." Napabuntong-hininga si Maya, malalim at kahit nasa kabilang linya siya ng telepono parang nakikita ko ang pagkalungkot sa kaniyang mukha. "Payne... next time, tell me about all your plans of going out, it is not only for your safety but for my peace of mind also." "Yes Maya, I am sorry, akala ko kasi galit ka pa sa akin." "When did I ever get mad at you Payne?" "Hmm... minsan..
Dumating ako sa bahay galing sa school na nasa pagkatao ko sa Jojo, ayaw pa niyang umalis sa akin at dahil dito madali akong napagod sa byahe. Hindi na ako naihatid ni Neal dahil nang dumaan ako sa basketball court ay wala siya. Sasamahan sana ako ni Maya na pumara ng jeep pero nainip na ako sa kahihintay na matapos ang volleyball practice niya sa gym, kaya I decided to leave her. Nagpaalam lang ako sa kaniya sa tingin at senyas, gusto man ni Maya na lumapit sa akin pero pumito na agad ang coach niya kaya wala akong choice kundi umalis nalang. Bumungad si Mommy sa gate pagbaba ko ng jeep. Bakas sa mukha niya ang pagkainip sa paghihintay at pag-aalala dahil humahaba ang leeg niya nang makita ang jeep na sinasakyan ko na tumigil sa harap ng bahay namin. "Payne, ang sabi ni doktora magpahinga ka, kayang-kaya mo naman yang chess competition na 'yan eh. Don' t stress out yourself, hindi naman yan pang academic, extra cu
"Welcome to the 52nd Foundation Anniversary of Abelardo High School..." Ito ang maagang bungad ng 45-minute speech ni Mrs. Martinez. Ewan ko ba naman parang pare-pareho lang naman ang opening remarks niya taun-taon, iniiba lang and numero kung pang-ilang foundation anniversary na ng school namin. Habang tuluy-tuloy ang speech ng aming principal ay tuluy-tuloy din naman ang pang-gagaya ng mga estduyante sa mala-Cita Astals niyang pananalita. Siguro namememorize na rin nila ang speech ni Mrs. Martinez. "Bakit kaya iyon at iyon din naman ang sinasabi ni Mrs. Martinez, na kailangan nating mag-champion at mag-compete sa ibang school para makilala tayo? Tayo ba o para makilala siya at ang school?", tanong ng isang babaeng senior student na kagaya ko habang paikot-ikot ang kaniyang daliri sa sampung hibla