"Hello, may I speak with Payne please."
Mala- Rey Langit na boses ang narinig ko sa kabilang linya.
Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o ibababa ko nalang ang tawag. Tinanggal ko ito sa pagkakacharge. Nag-aalangan man akong sagutin...
"Aahm.. hello po... si Payne po ito," medyo shaky ang boses ko dahil sa kaba.
"Oh, hello Payne! Ikaw ay nanalo ng tumataginting na ONE HUNDRED THOUSAND PESOS!"
Tumindi pa ang mala-Rey Langit niyang boses with matching drum rolls pa.
Huh? Wala naman akong sinalihang raffle ah. My gosh hindi kaya scam ito. Baka hihingin ang details ko tapos pupuntahan kami dito sa bahay tapos papasukin kami.
Oh no! Marami na talagang scammers ngayon. Haay! Kakagigil!
"Naku ho, eh wala naman ho kaming sinalihang pa-raffle, nagkakamali ho kayo."
"Oh, Ms. Payne, hindi ako nagkakamali. Ms. Payne Framania... tama ba?"
"Huh? opo ako nga po, pero imposibleng... wait scammer ka ano? Akala mo magogoyo mo ako!"
Ini-end ko na ang call, haay akala ko si Neal na ang tatawag.
Ibinalik ko ito mula sa charger at napabuntong-hininga.
Sheez, baka tumawag si Neal habang kausap ko si scammer tapos busy sa line ko...
Aaaay! Kakainis talaga!
Tumayo ako, kinuha ang aking hello kitty hair brush at humarap sa aking body mirror.
Inilapat ko ang aking kaliwang kamay sa aking namumulang pisngi habang isinusuklay ko ang kanan.
Umupo ako ng pa-indian sit sa black and pink fluffy carpet na nasa pagitan ng bed ko at body mirror.
Umuuga ang aking katawan back and forth habang hawak ko ang magkabila kong ankle.
Napatingin ako sa right side at napansin kong hindi pantay ang pagakaka-ayos ni Mommy ng mga books ko sa maliit kong bookshelf na katabi ng body mirror.
Iniayos ko ang aking books according sa kulay nito.
Kasabay ng pagiging autistic ko ay ang aking OCD - Obsessive-Compulsive Disorder.
Kumukunot talaga ang aking noo at tumatabingi ang labi kapag nakakakita ako ng mga bagay na wala sa ayos.
Gusto ko pati kulay at size ng isang bagay ay dapat in order.
Kaya rin hindi ako nagpapabili ng bagong cellphone kay Mommy dahil ayaw kong napapalitan ang isang bagay na nakasanayan ko nang gamitin.
Haay! Nag-riring nanaman ang cellphone ko, sino nanaman kaya ito? Sana si Neal na...
Agad kong kinuha ito at itinanggal nanaman sa charger.
Ito nanaman yung number na tumawag kanina.
"Aaay! Ano ba 'to walang magawa!"
"Hello! Kung sino ka man pong scammer ka wala po akong time sa inyo at may hinihintay po akong importanteng tawag so please po..."
"Oh hello Ms. Payne may mas importante pa ba sa ONE HUNDRED THOUSAND PESOS?"
"Opo, tawag po ng crush ko 'yun po ang mas importante sa akin, so please po stop calling me, and I hate your Rey Langit voice."
"So... hinintay mo ang tawag ko?"
Nag-iba ang boses ng scammer... parang... parang boses ni Neal!
Kumabog nanaman ang dibdib ko!
"N...N...Neal...?" Pabulong kong pagtatanong sa kaniya.
"Hahahaha! Yes... Payne, are you waiting for my call?"
"Gosh, ikaw ba yan? Eh bakit iba boses mo? Nakakainis ka! Scammer!"
"Hahahahha! Lagi ko kasing naririnig na ginagaya ni Papa ang boses ni Rey Langit kapag gusto niya akong patawanin. HAHAHAHAHA!"
"Tawa ka ng tawa!" nakataas na kilay kong sabi sa kaniya
"Eh nakakatawa ka kasi..." pinipigil na niyang paunti-unti ang pagtawa
"So... namimiss mo ang Papa mo?", malambing kong sagot sa kaniya
"Hmmm... medyo... na hindi... minsan... pero..." nai-mimagine kong sinasabi niya ito habang hinihimas ang baba niya
"Pero?" biglang tayo ko mula sa pagkakaupo sa carpet at dumapa ako sa aking bed.
"Pero ayaw ko ng isipin, nalulungkot lang ako kapag naaalala ko si Papa."
"Well, it's a natural feeling." habang tinitingnan ko ang bagong trim kong mga kuko.
"Yes it is but I don't want to cage myself into that loneliness, I want to be happy." nakikita ko sa isip ko ang pag-ngiti ni Neal.
"You can be happy while missing your Papa." ngumti ang isang bahagi lang ng pisngi ko.
"Then that hapiness will be limited, and I don't want that."
"Well, lahat naman ay may limitasyon. Nasa atin naman kung paano natin lilimitahan ang mga bagay."
"Aaay! I do not want to limit my happiness Payne... That is how I am living right now."
"Hmm... Not in my case Neal." napahiga ako at tumingin sa mga glow in the dark stickers ko sa color peach na ceiling habang pauli-ulit kong tinatapik ang left side ng kama ko.
" Para sa akin, limitado lahat ng bagay... Sabi ni Mommy hindi ako pwede ng outdoor sports, chess lang."
"Aah, ganun?"
"Sabi ng mommy high-functioning naman daw ang autism ko, kaya nakakapag-aral ako ng normal pero madalas nalilimutan kong maysakit ako, ang alam ko lang lahat ng ginagawa ko ay normal."
"Actually Payne, the moment I saw you I know you have autism. Huwag kang malulungkot ha, I saw you one time wala kang tigil sa pag-sway ng legs mo back and forth while sitting on your chair. Then... you were like tapping your left thigh repetitively without listening to your teacher."
"Huh? Kailan?" poker face kong tanong sa kaniya.
"Then I saw you minsan sa court during flag ceremony. Iniba ni Mrs. Martinez ang position sa court ng bawat year level, but you remained in your post as if you did not hear anything, and I wondered hindi ka pinilit paalisin ng adviser ninyo.""Then that same day I saw your mom I think, talking to Mrs. Martinez about changing positions sa flag ceremony.
Timely I was with Maven that time, so he explained to me that you have autism and you were having a hard time when it comes to changes that is why your chair that you were using when you were in first year is the same chair you are using until now in your senior class."
"I always see you wearing the same checkered socks everyday, I thought nga hindi ka nagpapalit eh."
"Then when you scream, "Go Mr. Jack! Woooh! " in Gymnasium while we were having Foundation week orientation and no one even bothered to laugh at you, they were just whispering to each other, ako lang yata ang natawa and napahiya ako that time dahil siniko pa ako ni Maven.
Maven even told me na huwag kitang tawanan. You see everybody knows except me about your condition. "
Habang nag-eexplain si Neal ay kinuha ko ang red ballpen kong may BTS tag sa dulo at ipinaiikot ito nang paulit-ulit sa mga daliri ko.
"Well, I think some people are having a hard time dealing with changes, even normal people." sagot ko kay Neal habang hndi pa rin natatanggal ang pagtingin ko sa glow in the dark stickers sa ceiling.
"But you know, sobra mo akong fan when it comes to your paintings, your artworks. I was amazed when Maven told me na lahat ng wall paintings sa school ay obra mo."
"Hmmm... Hindi ko na matandaan kailan at paano ko nagawa ang ibang painting dun."
"That's when I told myself, I want to know the girl behind these wonderful artworks."
"Hindi naman ako 'yung ibang nag-paint dun eh, it's the different person living in me."
"Yes, I know, Maven told me that you have multiple personalities and echopraxia, but you know Payne, that doesn't make you less of a person."
"Hindi ka ba natu-turn off sa akin na may ganito akong condition?"
"Nope, not at all, everyone of us has our own abnormalities, nasa sa atin nalang at nasa paligid natin kung paano natin mao-overcome, 'diba?"
"Hmmm... More like dealing with it than overcome."
"Yeah, you're right." medyo tumawa siya.
"So... I have many persons living inside me, marami akong kakampi in short."
"Yeah... But when I saw you and Maya arguing parang I felt I have to save you."
"Save me? I was not even drowning Neal."
"You were screaming and covering your ears with your hands after you slap Maya's face."
Tumataas na konti ng boses ni Neal na naguguluhan ako kung si Maya ba o ako ang gusto niyang ipagtanggol.
"Ako? Sumisigaw?" hindi ako makapaniwala kaya medyo natatawa ako nung sumagot sa kaniya.
Ang natatandaan ko lang ay si Maya ang naninigaw sa akin at galit na galit.
"Yes Payne, you were screaming all the time, si Maya was just explaining all to you in a very sweet manner."
"Kapatid mo kasi si Maya kaya ipinagtatanggol mo siya! So is this all you want to say kaya tumawag ka?!" napasigaw na ako dahil sa pagkainis sa sinabi niya sa akin.
"Oops.. Calm down, sumisigaw ka nanaman...Of course not, I told you, I want to know you better. Because..."
"Is it because you find me interesting? Hmmm... Gusto mo ba akong pag-experimentuhan ha Neal?"
"Uy hindi ah! Because you are not like the rest."
"Oh I get it, ako lang ang abnormal sa lahat ng babaeng nakilala at naka-relasyon mo. Tama nga si Maya."
"You are not like the rest... because I sense sincerity in your eyes kahit hindi ka makatitig sa mga mata ko. I sense a deep feeling in your touch kahit maya't maya mo tinatanggal ang kamay ko nuong nasa jeep tayo, and I sense a certain joy in your heart kahit buong araw na kasama kita kanina eh naka-poker face ka lang sa lahat ng sinasabi ko." ipinapaliwanag ni Neal ito sa akin in a very calm voice.
Pinipilit kong i-flashback sa isip ko ang mga pangyayaring sinabi ni Neal.
Ang alam ko kasi hindi kami nagbitaw ng kamay sa jeep, ang alam ko nakikita niya sa tuwing ngingiti ako.
Akala ko lang pala ang lahat at nasa isip ko lang pala ang mga ito.
"Kaya mo bang mahalin ang isang tulad ko? Mahihirapan ka lang."
"Then, tulungan mo ako because I want to love you. I want to be part of your whole, Payne."
Hindi ako makasagot, pero nararamdaman kong umaabot na sa tainga ang ngiti ko.
Natahimik ako, natahimik din si Neal. May ilang anghel nanaman ang nakiraan sa.oras na 'yun.
Tumambay pa ang mga anghel ng mga ilang segundo at...
"By the way...pwede ba akong dumalaw sa inyo bukas? Pwede bang pumunta tayo sa Eco Park malapit sa may City Hall? I just want to spend my whole Saturday with you."
"What? You mean date?"
"Payne, sino yang kausap mo?"
"Mmm...Mommy?"
"
Kumakatok si mommy sa pinto. Nagdadalawang isip ako kung sasagot ako sa katok ni mommy or I will just pretend to be sleeping already. Pero palakas ng palakas ang katok ni mommy na parang gumagalaw na ang pinto. "Payne...sinong kausap mo? Sumagot ka nga! Or better yet e buksan mo itong pinto. "Hala Payne! Baka tinatawag ka na ni tita." "Tita ka diyan! Oh wait, I will just open the door." Tumayo na ako mula sa aking bed, iniwan ang cellphone ko sa ilalim ng unan kong kulay pink at bago pa ako makapunta sa pinto ay biglang... "Payne, si Neal ba ang kausap mo?" tanong ni mommy habang naka-taas ang kaniyang kilay at naka-halukipkip ang kaniyang mga braso sa unahan ng kaniyang dibdib. Binuksan na niya ang pinto ko at palinga-linga ang kaniyang tingin sa bawat sulok ng kwarto ko na parang hinahanap ang aking cellphone. "Aah.. Hindi po mommy..." paulit-ulit kong hinahawakan ang bahaging ibaba ng tai
Hindi ko inaasahan na itatanong iyon ni Mommy kay Neal. Ang buong akala ko ay ayaw niyang ituloy ko itong feelings ko for Neal. Pero bakit ganoon ang tanong niya kay Neal? Pumapayag na ba siya na magdate kami ng crush ko? "Ppp...po.. ti..ta?" maririnig sa boses ni Neal ang malakas na kabog sa kaniyang dibdib. "Ang tanong ko, anong oras mo susunduin si Payne bukas dito sa bahay? Oh diba akala ko may date daw kayo? "Aahm... 8:30 po ng tomorrow morning tita." mabilis pa sa alas kwatro na sagot ni Neal. "Ok, ingatan mo si Payne ha?" "Opo ma'am!." Naiisip kong sumaludo pa si Neal kasabay ng pagsagot niya ng "opo" kay mommy. Hindi nakangiti si mommy. Agad niyang pinindot ang end call pagkasagot ni Neal. Iniabot ni mommy sa akin ang cellphone ko... "Here's your phone Payne, matulog ka na." Bago pa man ako sumagot ay lumabas na ng kwarto si mommy. Hindi ko na sinub
Kumukumpas ang kamay ni Neal para lumapit ako sa kaniya. Ngunit hindi ako makalakad sa gitna ng mga nagtatakbuhang mga tao na umiiwas mabasa ng palakas at palakas pang mga patak ng ulan. Ilang segundo pa ang nakalipas at naaaninag kong papalapit ng papalapit na si Neal sa akin. Hinigit bigla ang kaliwang kamay ko at wala akong nagawa kundi tumakbo at sundan siya sa direksyong hindi ko alam kung saan ang punta. "Bilisan mo Payne basang-basa na tayo!" Tumatawa si Neal habang tumatakbo kami at hawak niya ang kamay ko. Slow motion effect. Nilalampasan namin lahat ng halaman at mga malalaking puno, nasasaktan ang mga clay brick pavers sa mabibigat naming mga paa sa pagtakbo habang hinahawi ni Neal ang lahat ng mga taong nakakasalubong namin. "Oh dito muna tayo sumilong sa mushroom cottage. Haay! Wrong timing naman si ulan!" Habang pinupunasan ni Neal ng basa niyang mga kamay ang t-shirt niya at pantalon.
Dali - dali akong tumayo at pinagpagan ang pwetan ko dahil naghalo sa damit ko ang kaunting basa ng ulan mula sa slide at buhangin mula sa lupa, buti nalang naka-jeans ako. Natanaw ko ang water fountain na nasa may see-saw area. "Tara, 'dun tayo sa may water fountain." Lumiyad patalikod si Neal at bahagyang ginawang tambol ang kaniyang tiyan. "Hmmm.. kain muna tayo Payne...gutom na ako eh." Tumalikod ako sa kaniya at hindi ko tinatanggal ang pagtingin ko sa see-saw area. "Aaa.. lunch na ba?" "Hmm..." Tumingin si Neal sa kaniyang brown leather wristwatch. "11:47 na po Ma'am, malapit na mag-alas dose. Ano, lunch muna tayo? May malapit na coffee shop diyan bago mag-exit ng Eco Park." Hindi pa ako nakakasagot ng oo... Hinawakan nanaman ni Neal ang kaliwang kamay ko at napilitan nanaman ang mga paa kong maglakad sa direksyong nilalakaran ni Neal. Nilampasan namin ang see-saw area.
Bakit kaya biglang nagtanong si Neal tungkol sa katauhan ko? Ayaw na kaya niya akong makasama? "Nnn...neal? Ako lang 'to si Payne!" Tumalikod na siya at at ang boses niya na kasing lamig ng yelo sa freezer ay nagsabing... "Owwss.. talaga?" May dumaang anghel, wala akong naisagot. Sa sobrang katahimikan ay parang nabingi ang mga tainga ko at nagsara ang mga ito. Kahit ang ingay sa paligid ko ay hindi ko naririnig. Humarap siya sa akin na nakakunot ang pagitan ang kaniyang mga mata. "Joke!! Grabe ka naman Payne Sobrang seryoso mo!" Patakbo akong lumapit sa kaniya at pinagpapalo ang balikat niyang pinipilit kong abutin. "Aray Payne! Hahahhaha! Tama na.. grabe oh di mabiro! Aaaray!" "Nakakainis ka kasi!" Pinigilan niya ang mga kamay ko sa pagpalo sa magkabila niyang balikat. Niyakap niya ako. Mahigpit. Nagfreeze ang mga taong naglalakad sa paligid namin.
Parang lumabo ang paningin ko. Ilang beses kong kinusot ang mga mata ko para matiyak kung si Maya nga ang nakikita ko. Parang nahilo ako at biglang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako sa kanang sentido ko. Nakatingin sa akin ng masama si Maya, parang napakarami niyang gustong itanong sa akin. "Payne, bakit kasama mo ito?" Sa akin nakatingin si Maya pero ang hintuturo niya ay nakatapat kay Neal. "Maya, relax, nag-date lang kami sa Eco park." Hindi ni Maya tinitingnan si Neal at hindi rin niya ito sinasagot. Habang nakatingin lang ako sa mga paa kong tinatapakan ang naipong tubig ulan sa lupa at paulit--ulit na nag-ii-snap ang dalawa kong mga daliri sa kamay. "Whaat?! Date?! Kayong dalawa?! Sa Eco Park?! " Tumaas ang boses ni Maya na parang 8 octave sa piano at pinagtitinginan kami ng mga taong dumadaan sa tabi namin. "So...? Masama ba 'yun Maya?" "Neal please,
"Payne, I called you earlier, but you're not at home, Tita said you went out on a date with Neal." "Ahm.. Maya let me explain, I didn't get a chance to ask you because..." "No, it is okay, Tita Ayla told me about it, I was just worried not only because you were with Neal, but because I am afraid na sumpungin ka ng episodes mo." Mahinahon ang boses Maya, hindi katulad ng nasa panaginip kong sumisigaw siya at nakikipagtalo kay Neal. "I did Maya, I had episodes when I was with Neal, hindi ko din napigilan and I became Lea and Jessica." Napabuntong-hininga si Maya, malalim at kahit nasa kabilang linya siya ng telepono parang nakikita ko ang pagkalungkot sa kaniyang mukha. "Payne... next time, tell me about all your plans of going out, it is not only for your safety but for my peace of mind also." "Yes Maya, I am sorry, akala ko kasi galit ka pa sa akin." "When did I ever get mad at you Payne?" "Hmm... minsan..
Dumating ako sa bahay galing sa school na nasa pagkatao ko sa Jojo, ayaw pa niyang umalis sa akin at dahil dito madali akong napagod sa byahe. Hindi na ako naihatid ni Neal dahil nang dumaan ako sa basketball court ay wala siya. Sasamahan sana ako ni Maya na pumara ng jeep pero nainip na ako sa kahihintay na matapos ang volleyball practice niya sa gym, kaya I decided to leave her. Nagpaalam lang ako sa kaniya sa tingin at senyas, gusto man ni Maya na lumapit sa akin pero pumito na agad ang coach niya kaya wala akong choice kundi umalis nalang. Bumungad si Mommy sa gate pagbaba ko ng jeep. Bakas sa mukha niya ang pagkainip sa paghihintay at pag-aalala dahil humahaba ang leeg niya nang makita ang jeep na sinasakyan ko na tumigil sa harap ng bahay namin. "Payne, ang sabi ni doktora magpahinga ka, kayang-kaya mo naman yang chess competition na 'yan eh. Don' t stress out yourself, hindi naman yan pang academic, extra cu