“Audrey, hija…” Sandaling napatigil si Audrey sa pagsusuklay ng kanyang mahabang itim na buhok sa harapan ng malaking salamin nang makarinig ng katok sa pintuan. Ang kanilang kasambahay iyon. “Nariyan ang kapatid mo sa baba at hinahanap ka.”
Sa narinig ay agad na lumapad ang ngiti sa mga labi ni Audrey. Kapagkuwan ay wala sa sariling tumulala at seryosong siyang tumitig sa salamin, sa kanyang mukhang hindi mahitsura dahil nasunog ito ng isang matapang na chemical. Ginapangan na naman siya ng insekyuridad, napakalayo nito sa kanyang dating mukha.
Dahil sa nangyari ay malimit na lamang niya kung tingnan ang sarili sa salamin, maging ang kanyang Kasintahang si Julian ay nandidiri sa tuwing magkasama sila nitong mga nakaraan.
Sino ba naman ang hindi mandidiri sa ganitong mukha? Kung hindi lang dahil sa anak niya at kay Julian, marahil ay winakasan na niya ang sariling buhay.
Inaasahan niyang sa tagal nilang magkarelasyon ay tatanggapin at mamahalin pa rin siya ng kasintahan sa kabila ng kanyang hitsura. Ngunit hindi, mali siya ng inaakala.
Napatalon si Audrey sa kinauupuan nang makarinig muli ng isang katok sa pintuan. Tumayo na siya at tumalikod sa salamin.
“Palabas na po, Manang…” malumanay at malambing na sagot ni Audrey habang naglalakad na sa may pintuan. Nang buksan niya ito ay matamis na ngiti ang iginawad niya sa kasambahay. “Kanina pa po ba siya?”
Nakangiting umiling ang ginang. Sinabi nito kay Audrey kung saan naghihintay ang kapatid nitong si Adriana. Hindi nawala ang ngiting tumango si Audrey. Nagagalak kasi siyang makita ang kanyang kapatid, ilang araw rin kasi silang hindi nagkita kaya sabik siyang makita ito!
Oo at may kasungitan si Adriana ngunit mahal siya nito, at mahal na mahal din siya ni Audrey. Kahit magkaiba sila ng ina, hindi nabawasan ni katiting ang pagmamahal niya rito.
Iniwan na siya ng ginang at hinayaang mag-isang salubungin si Adriana. Haplos-haplos ni Audrey ang kanyang malaking tiyan, napasinghap pa ito nang maramdaman ang pagsipa ng kanyang anak!
“Excited ka bang makita ang Auntie Adriana mo? Ako rin!” Kausap ni Audrey sa tiyan at humagikhik.
Ang sinabi sa kanya ng kanilang kasambahay ay nasa salas daw si Adriana. Ngunit nagulat si Audrey nang makitang nasa bukana ng engrandeng hagdanan ang kapatid at hindi ito nag-iisa. Kasama nito si Julian, ang kanyang kasintahan at ama ng kanyang ipinagbubuntis!
“Julian! Adriana!” Puno ng kagalakang tawag-pansin nito sa mga ito.
Sabay pa ang dalawang napatingin sa kanya. Namilog ang mga mata ng mga ito at parang gulat pa na nakita siya.
“Julian! Akala ko ay hindi ka na magpapakita rito! Na-miss kita, na-miss ka rin ng baby natin!” Bahagyang naging emosyonal si Audrey na sinugod ng yakap ang kasintahan.
Nagbuntong hininga naman si Julian at halos masuka nang madikit sa kanyang balat ang madumi at pangit na balat ni Audrey. Kasabay ng pagkawala ng kagandanhan nito ay ang pagkawala din ng pagmamahal niya.
“Huwag mong mayakap-yakap si Julian!” Nagulat si Audrey nang marahas siyang hilahin ni Adriana palayo kay Julian, hatak-hatak nito ang kanyang kaliwang braso, ang mahahabang kuko ay bumaon sa kanyang balat.
“Adriana… nasasaktan ako!” Nasasaktang daing ni Audrey at pilit na binawi braso ngunit hindi ito binitawan ni Adriana, bagkus ay mas ibinaon pa nito ang kuko sa balat sa puntong dumugo pa ito!
Nanlilisik ang matang tumitig sa kanya ang kapatid. Uminit ang sulok ng mga mata ni Audrey dahil sa sakit. “Talagang masasaktan ka dahil isa kang malandi at nakakadiring nilalang! Ang dapat sa'yo ay nabubulok at inuuod sa ilalim ng lupa!” Pagkasabi niyon ni Adriana ay walang kemeng itinulak niya si Audrey pababa sa engrandeng hagdan.
Halos lumuwa ang mga mata ni Audrey sa pamimilog nang maramdaman ang sariling tumama sa bawat baitang ng hagdan. Ang kanyang malaking tiyan ay tumalbog-talbog at gumulong-gulong na parang bola.
Sa haba ng hagdan at sa dami ng baitang nito, ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang naramdaman ni Audrey ang paglapat ng katawan niya sa patag at malamig na sahig.
Hilong-hilo pa mula sa nangyari nang maramdaman ni Audrey ang matinding kirot sa kanyang puson. Para bang may kung anong gustong lumabas mula sa kanyang loob.
Halos hindi na niya magalaw ang kanyang ulo dahil sa sobrang sakit nito. Marahil ay may sugat din dahil kumikirot ngunit ang mahalaga ay ang sitwasyon ng bata sa kanyang sinapupunan!
Nalukot ang mukha ni Audrey nang muling maramdaman ang matinding kirot sa kanyang puson at balakang. May lumabas na kung anong mainit sa kanyang pagkababae, wala sa sariling sinalat niya ito gamit ang kamay at ganoon na lamang ang panginginig niya nang makita ang likidong kulay pula sa kanyang kamay!
‘Ang anak ko…’ usal ni Audrey sa isipan.
Hindi… ang baby ko! Ang anak namin ni Julian!
Bahagyang nagkaroon ng pag-asa si Audrey nang makita si Julian ilang metro ang layo sa kanya! Hindi nakatakas sa kanyang mga mata kanina ang pagbaba ng dalawa habang pagulong-gulong siyang nahuhulog sa hagdan.
Napakaraming katanungan ang nasa isip ni Audrey. Gusto niyang tanungin sa kanyang Ate Adriana kung bakit siya nito itinulak! Ngunit ang mas priyoridad niya ngayon ay ang kaligtasan ng kanilang anak.
Masakit man ang katawan ay sinikap ni Audrey na gumapang patungo sa kinatatayuan ni Julian. Hindi ito gumalaw na para bang nanonood lamang ng insektong gumagapang patungo sa mga paa nito.
Nang sa wakas ay marating na ni Audrey ang paanan ni Julian, agad niya itong niyakap.
“Parang-awa mo na, Julian. Tulungan mo ako, iligtas mo ang anak natin! Ang anak mo!” Hagulgol na pakiusap ni Audrey sa kasintahan. Nanginginig na ito sa sobrang sakit at sa dami ng dugong patuloy na umaagos palabas sa kanya.
Isang tikhim ang narinig niya kung saan. Kahit masakit ang ulo ay nagawa pa ring mag-angat ng tingin si Audrey upang tingnan iyon.
“Sinabi ko ng huwag mong hahawakan si Julian, hindi ba?! Gaano ka ba kabobo para hindi iyon maunawaan?” Halos umalingawngaw sa buong salas ang boses ni Adriana. “Mahal ko…” kapagkuwan ay malambing nitong inilingkis ang braso sa braso ni Julian, madrama nitong idinikit sa malapad nitong dibdib ang kanyang ulo. “Huwag ka ng mag-aaksaya sa batang iyan dahil hindi naman iyan iyo.”
Sa narinig ay puno ng pandidiri siyang tiningnan ni Julian. Nagtatagis ang bagang nitong marahas na binawi ang kanyang paa at saka walang pusong sinipa sa mukha si Audrey.
“Kailanman ay walang makatutulong sa isang pangit at malanding kagaya mo, Audrey. Lumayas ka sa harapan ko bago pa man madumihan ang mga kamay ko sa isang nakakadiring kagaya mo!” Galit na sigaw ni Julian.
Lumingon siya upang harapin ang nakangising si Adriana. “Honey, ayaw ko sa nakakadiring lugar na ito. Hihintayin kita sa sasakyan. Ikaw na ang bahala sa malanding babaeng ito.”
Laglag ang pangang sinundan lamang ng tingin ni Audrey ang papalayong likod ng kasintahan. Parang sinaksak ng kutsilyo ang kanyang puso at saka ito hinawa hanggang sa magkapira-piraso.
Ibang-iba na siya. Hindi ito ang lalaking kasama niya sa loob ng apat na taon. Nais pa siya nitong patayin!
“Nakakaawa ka naman, mahal kong kapatid…” Nang-uuyam na tinig iyon ni Adriana. “Huwag kang mag-aksaya ng panahon dahil hinding-hindi ka tutulungan ni Julian dahil akin siya! Iyang bastardong dinadala mo? Hindi niya anak iyan! Hindi siya ang ama!”
“Hindi totoo iyan, Adriana! Anak ito ni Julian! Si Julian lang ang lalaking pinagbigyan ko ng sarili!” Mas tumindi ang pag-agos ng likido sa pagitan ng hita ni Audrey nang sumigaw siya. Tumawa si Adriana at bahagyang umuklo upang magpantay ang kanilang mukha ni Audrey. Imbes na maawa ay mapanuya pa siya nitong sinuri ng tingin. “Talaga ba, Audrey?” Puno ng pang-uuyam na wika ni Adriana. “Well, gusto ko lang malaman mo na hindi.” Tumayo si Adriana at buryong pinagkrus ang mga braso sa dibdib. “Isang walang kwentang lalaki lang naman ang nakasiping mo nang gabi ng kaarawan mo. Simple lang, pinainom kita nang pinainom hanggang sa malasing ka at mawalan ng malay. Habang nakikipagniig ka sa hindi kilalang lalaki, nandoon ako, kasama ni Julian at masayang pinagsaluhan ang malamig na gabi.” Kuwento ni Adriana. “Kaya walang kwenta iyang dinadala mo at dapat lang na mamatay kasama mo. Mga walang kuwenta! Isa pa, dapat lang sa'yo na masira ang mukha dahil iyan lang naman ang habol ni Julian s
Ninoy Aquino International Airport. Napabuga ng hangin si Sierra nang makalabas sa lobby ng airport. Napapikit siya at dinama ang pamilyar na hangin ng bansang kinagisnan. Sa pagmulat niya ay kasabay niyon ang pagragasa ng alaala mula sa nakaraan. Limang taon na ang nakalilipas ngunit tila walang pinagbago ang lugar na ito. Maging ang mga tao ay halos ganoon din. Limang taon. Limang taon ngunit sariwa pa rin sa isipan ni Sierra ang nangyari sa kanya. Sariwa na para bang kahapon lang nangyari ang panloloko sa kanya ng inaakala niyang kapatid at kasintahan. Limang taon na rin ang makalipas nang mawala ang kanyang anak. Nang itapon sila ni Adriana sa dagat ay himalang nakaligtas si Sierra, ngunit sa kasamaang palad ay binawian ng buhay ang kanyang anak. Ni hindi man lang niya ito nagawang pagluksaan dahil ilang minuto lamang matapos siyang masagip ay isinilang niya ang isa pang anak niyang babae. Doon napagtanton ni Sierra na kambal pala ang dinadala niya. Namatay ang lalaking a
“Hindi mo ako madadaan sa pera, Adriana.” Walang emosyong wika ni Sierra. Mahigpit na kumuyom ang kamao ni Adriana sa inis. “Dahil sa kayabangan mo, huwag kang magsisi kapag isang araw ay gamitan ka ng dahas ng mga tauhan ko! Isa na akong Montezides ngayon kaya naman madali na kitang tirisin na parang langgam!” Bakas sa mukha nito ang kasamaan at walang takot na pumatay. Tuluyan ng nawala ang ngiti sa mukha ni Sierra at napalitan iyon ng isang matapang na awra. “Sige, tingnan natin kung hanggang saan ang ipinagmamalaki mong koneksyon.” Malamig niyang sinabi.Hindi inaasahan ni Adriana ang ganoong sagot ni Sierra. Ang akala nito ay basta na lang nitong kukunin ang pera at magpakalayo-layo. Masyado itong nagulat dahilan upang matameme ito at mawalan agad ng sasabihin. Kapagkuwan ay kumurap siya at galit muling nagbitiw ng salita. “Humanda ka dahil papatayin kita!” Pagbabanta nito.Nagkibit lamang ng balikat si Sierra. “Sige, maghahanda ako.” Nagpupuyos sa galit na dinuro ni Adriana
Sa labis na pagkagulat ay tumalon si Sierra paalis sa kama. Muntik pa nitong matangay si Marco dahil sumabit ang isang paa nito sa kumot! Mabuti at agad din niyang naitulak pahiga ang asawa kaya hindi ito tuluyang bumagsak sa sahig! Napahawak si Sierra sa kanyang dibdib. Gulantang pa rin siya hanggang ngayon. Hindi niya alam kung gawa-gawa lamang ba iyon ng kanyang isipan o talagang gumalaw ang asawa. Ngunit ang isa ng imbalido ang asawa niya. Si Marco ay hindi na magiging aktibo pa! Kaya malabo iyong mangyari.Subalit hindi kaya, may katotohanan ang sinabi ng kaibigang shaman ni Mrs. Montezides? Ipinilig ni Sierra ang kanyang ulo. Marahil ay napagod lamang siya sa as araw na ito kaya kung anu-ano na lang ang nakikita niya. Posible ngang pinalalaruan lang siya ng kanyang mga mata. Oo ‘di kaya’y nangungulila lamang siya sa kakulitan ng anak kaya nangyayari ito. Kung anu-ano na lang ang idinahilan ni Sierra sa kanyang utak habang kagat-kagat ang hintuturo. Ngunit sa kabila ng lahat
“Sigurado ka ba riyan, Gwen?” Tanong ni Sierra. “Oo, siguradong-sigurado, Sierra. Hindi pa ako kailanman nagkamali ng impormasyong sinabi sa iyo.” Seryosong sagot ng huli. Napabuga ng hangin si Sierra dahil totoo naman ang sinabi ni Gwen. Hindi pa ito kailanman nagkamali sa tuwing nagbibigay ng impormasyon sa kanya. “Sabihin mo sa akin kung saan sila magkikita at kung anong oras, pupunta ako roon ngayong gabi.” Sambit ni Sierra habang nakatingin sa asawang ni katiting na galaw ay hindi nagagawa. Sa kabilang linya ay napakamot si Gwen sa sariling noo. Hindi nito alam kung talaga bang makakalabas si Sierra gayong ito ang gabi ng kanyang kasal. Dapat ay kasama nito ang asawa. “Gabi ng kasal mo ngayon Sierra, paano kang makakalabas?” Tanong ni Gwen. Umikot ang mga mata ni Sierra sa ere saka sinagot ang tanong ni Gwen. “Walang problema iyan dahil imbalido naman itong asawa ko, wala siyang magagawa sa kung anong gusto kong gawin.” Buntong-hininga na lang ang naging tugon ni Gwen. I
Sinuri ng tingin ni Sylvio si Sierra mula ulo hanggang paa. Namumula ang mata nito at madalas ang pagpikit ng mariin at paglunok. Nang magmulat ito ng mata ay hindi alam ni Sierra kung pinaglalaruan lang ba siya ng imahinasyon niya o talagang pilyong ngumisi sa kanya si Sylvio. “There is a need, pretty lady.” Saad nito sa baritonong tinig dahilan upang magtaasan ang balahibo sa batok ni Sierra. Nang bahagyang inangat ni Sierra ang kanyang ulo upang tingnan ang mga naroon, doon lamang niyang napagtantong lasing nga si Sylvio. Si Julian ay nakaupo sa isang itim na couch at malakas na rin ang tama ng alak, lupaypay ito at napapansandal ngunit patuloy pa ring sinasalinan ng alak ang baso niyo ng assistant ni Sylvio. Para bang sinasadya ng mga itong lasingin ang lalaki. May mga babaeng nakahelera sa isa pang mahabang sofa na animo'y naghihintay kung kailan kakailanganin. Napailing si Sierra nang mapagtanto kung anong klaseng pangangailangan iyon. ‘Lagot ang Julian na ito kapag nalama
Doon pa lamang niya tuluyang napagtanto na sa ibabaw pala siya ni Sylvio bumagsak! Lalo niyang nakumpirma nang ipatong nito sa kanyang likuran ang kamay na para bang niyayakap siya nito. “Uhm… Mr. Narvaez! Please get up! I'll help you get up! Pasensya na masyadong madilim itong silid mo kaya hindi ko alam kung saan banda ang kama!” Tarantang wika niya at tumayo ngunit agad ding bumagsak nang hilahin siya nito. “W-What?!” Hindi makapaniwalang usal niya. “What do you really want, hmm? Why are you so eager to see me?” Isang hiyaw ang pinakawalan ni Sierra nang magkabaligtad ang kanilang posisyon. Teka… hindi na yata tama ito!“Mr. Narvaez, please let me go. Uuwi na ako!” Tinapik niya ang braso nito. Isang baritonong tinig ang kumawala sa bibig nito. Halos manginig siya nang maramdaman ang mainit nitong hininga sa pagitan ng kanyang collar bone at tainga. Hindi niya alam kung bakit kakaiba ang reaksyon ng kanyang balat dito. Para bang… para bang pamilyar na ito sa kanya.Nagpakawala
“Ikaw ang asawa ni Marco Montezides at ito ang unang gabi ninyo bilang mag-asawa. Dahil imbalido na siya at hindi makagagawa ng anumang galaw, hindi niya magagampanan ang obligasyon niya bilang asawa. Kaya ako na ang gagawa niyon.” Sinabi niya iyon na para bang natural lang. Halos lumuwa ang mga mata ni Sierra sa pagkabigla sa naging sagot nito. Abala ang kanyang isipan sa dami ng gustong sabihin ngunit tila ba nawalan ng kakayahan ang dilang bumuo ng mga salita. Mula sa kanyang leeg ay bumaba ang mga labi ni Sylvio sa tuktok ng kanyang balikat. Umakyat muli ito sa kanyang leeg at panga hanggang sa gilid ng kanyang labi. Tanging mabibigat na paghinga lamang ang tugon ni Sierra. Gusto niyang umiyak ngunit walang luhang lumalabas sa kanyang mga mata. Napatigil si Sylvio sa marahang paghalik kay Sierra at biglang natauhan. Nakaka-adik man ang amoy ng babae at lambot ng balat nito ngunit hindi siya kailanman pumilit ng babae para lang sa init ng katawan. Mabilis siyang tumayo at binu
Pagkatapos iyong sabihin ng waiter ay siya namang pagpasok ni Sylvio Narvaez dahilan upang magsinghapan ang mga naroroon. Sa kabilang banda, habang ang lahat ng atensyon ay nasa lalaking bagong dating ay dahan-dahan siyang naglakad paatras at naupo sa may pinakasulok, tinakpan ng kamay ang kanyang noo at nakatungo sa kanyang telepono. Obviously, nagtatago. Abot langit ang kaba sa puso ni Beatriz nang makita ang lalaking kanyang inasam-asam na makita. Ayon sa kanyang ama ay napakahirap nitong hagilapin subalit ngayong gabi ay talagang pinaunlakan ng lalaki ang request ng ama alang-alang sa kanya! Ganoon siya kamahal ng kanyang ama!Mahal na mahal niya si Lukas Buena subalit ito na mismo ang kusang nagpatigil ng kanilang kasal, kaya ngayong nandito na si Sylvio Narvaez na isang pinakamayamang tao sa mundo ay hindi siya magdadalawang isip na magpakasal dito! Kapag naging isang ganap na siyang Mrs. Narvaez ay magagawa na niya ang lahat, mapapaluhod na niya ang mga tao. Maaalipusta na ni
Simula ng makarating sila sa Delicacies Restaurant ay hindi na humupa pa ang ingay lalo at marami ang imbitado. Dahil hindi lamang mga kasamahan sa photoshoot ang inimbita maging ang ilang mga sikat na panauhin sa larangan ng industriya. Ganoon ang gusto ni Beatriz, gusto niya iyong maraming tao nang sa ganoon ay maraming magkakautang na loob sa kanya at kapag siya naman ang may pabor na hihingin ay hindi na sila makatatanggi pa. Sa dami ng imbitado ay naging exclusive ang kainan. Pagkatapos kumain ay sinunod ang desserts at mga inumin. Roon na mas umingay nang magsimula ang inuman at tugtugan. "This evening is so lit, Miss Bea!" Anang isang sikat na lalaking artista na may hawak na whisky sa kanyang kanang kamay. "You're the best!""Oh, it's a small thing, Paul! Have more drink!" Ani Beatriz at nakipag-toast ng baso rito. "I hope this will not be the last time Miss Beatriz will held a dinner party," anang isang babaeng modelo na sipsip nang sipsip kay Beatriz. "You are so beautifu
Nagulat si Beatriz sa naging sagot ni Sierra. She doesn't like it when she refuses her offer subalit sa katotohanang pumayag lamang ito dahil sa pangako niyang ipakikilala kay Sylvio Narvaez ay kumulo ang kanyang dugo. Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng ito! Sa tingin ba talaga niya ay hahayaan niyang maipakilala siya sa isang business tycoon? Huh! Asa siya! Isang makahulugang ngiti ang pikawalan ni Beatriz, “that's good to hear, Ms. Sierra…” dahil ang totoo ay marami na siyang inihandang pamamahiya para sa babae mamaya. Nagkibit lamang ng balikat si Sierra at saka sinuri ang kanyang mga gamit upang masigurong wala na siyang naiwanan pa. Nang sigurado ng kumpleto ang kanyang gamit ay isinarado na ni Sierra ang kanyang bag at kinuha ang telepono upang magpadala ng mensahe sa bahay at kay Marco, kahit na wala namang pakialam sa kanya ang asawa. To Husband: Hey, good evening. I'll be home late tonight dahil nagyaya ng dinner ang isa sa mga models. Sa Delicacies Restaurant l
Naging abala si Sierra sa mga sumunod na araw dahil malapit ng matapos ang photoshoot at sa wakas ay makakaalis na rin siya. Sa mga araw na iyon ay hindi na sila nagkikita pa ni Marco, sa pagod ay pagkauwi tanging pagtingin lamang sa mga bata ang ginagawa bago magpahinga at saka kinabukasan ay maagang aalis para sa trabaho. “Woah! It's a wrapped! Good job, everyone! You all did a great job! See you in your next projects, guys.” Anang director na pumalakpak nang matapos ang makuhanan ang huling anggulo nina Beatriz at Shanaia. “Thank you as well, direct. And of course, you'll be part of our next project!” Nakangiting sinabi ni Beatriz kitang-kita naman ang pagiging plastik nito. Tumango lamang ang director at nagpasalamat. “And because of our successful project, I'd like to invite you all for dinner at the Delicacies Restaurant!” Anunsyo nito dahilan upang magsilapitan ang ibang mga staffs at models sa kanya, may malalapad na ngiti sa mga labi ng mga ito. “Wow! Talaga, Miss B
Agad na nagsalubong ang makapal na kilay ni doktor Liam sa iritasyon dahil sa tono ng kausap. “Shut up, I just called to ask something.” Pairap niyang sinabi. “Gusto ko lang malaman ang listahan ng mga kasamahan ni Shanaia sa set—” Hindi pa man natatapos si Liam sa pagsasalita ay pumalatak na si Deion sa kabilang linya na para bang may narinig na kahindik-hindik. “What the fuck bud?! Why are you asking about Shanaia? Liam, sinasabi ko sa'yo, kasisimula pang umangat ng karera nung tao tapos manghihimasok ka na naman?! For god's sake! Quit it already!” Seryosong wika ni Deion sa kapatid. Dahil alam niyang matindi ang damdaming mayroon si Liam kay Shanaia at para na niyang nakababatang kapatid. Nasaksihan ni Deion kung paanong nasira ang karera ng babae nang magkaroon ito ng nararamdaman kay Liam, subalit ay hindi pa sigurado noon ang lalaki sa kanyang nararamdaman kaya mixed signals ang naibibigay nito sa babae lalo at kasalukuyan pa itong nag-aaral sa medisina noon. Agad na nagsalu
Naupo si Sierra sa sun lounger at pinapapaypayan ang sarili dahil basang-basa siya ng pawis. Wala rin siyang dalang extra na damit dahil hindi naman niya akalaing aalilain siya ng babaeng pinaglihi sa kamalditahan sa buhay. Tsk. Pag-ibig nga naman. Kahit ano ay gagawin para lang mapanatiling magiging kanila ang taong minamahal. At base sa reaksyon ni Lukas noong magkita sila ni Sierra sa presinto, roon niya napagtantong mahal na mahal nito ang tunay na Sierra. Nakikita niya sa mga mata ng lalaki ang pangungulila at pagsisisi sa mga nangyari ilang taon na ang nakalilipas. Nakakatuwa, kung ganoon kamahal ni Lukas si Sierra at ganoon din naman ito kamahal ng babae, ano kaya ang rason kung bakit nagawang kitilin ng babae ang sariling buhay? May kinalaman kaya si Mrs. Buena roon?Nasa malalim na pag-iisip si Sierra nang may biglang lumapit sa kanya, bahagya pa siyang nagulat nang biglang nasa tabi na niya ito. “Oh, pasensya na Ms. Sierra at nagulat ko yata kayo.” Nahihiyang ngumiti si
Nalaglag ang panga ni Beatriz sa narinig. Naningkit ang kanyang mga mata at pinasadahan ng tingin si Sierra mula ulo hanggang paa. “What did you just say?!” Itinagilid pa ng babae ang kanyang ulo, mayroong sarkastikong ngisi ang gumuhit sa kanyang labi. Kalmanting huminga si Sierra. Matapang niyang tiningnan si Beatriz at sa klarong boses ay sumagot siya. “I said no.” Hindi makapaniwalang umawang ang labi ni Beatriz, pasimple siyang tumingin sa paligid, maraming tao ang naroon at may kanya-kanyang ginagawa ngunit kapag gumawa siya ng eksena ay malamang siya ang masisira. Kaya naman ay pinigilan niya ang sarili at pinilit na lang na kumalma. Pinagkrus niya ang mga braso sa dibdib at may talim na tiningnan ang babaeng kalmado lamang na para bang walang kasalanan!“Sino ka ba sa akala mo para tanggihan ang utos ko? Don't you know who I am? Hindi mo ba alam kung gaano lalaki ang perang inilaan ko sa pesteng proyektong ito?” Impit na sigaw niya. Nagsalubong naman ang kilay ni Sierra,
Nahagip ng peripheral vision ni Sierra ang pagsulyap ni Vester sa gawi nila ni Marco, nang tingnan niya ang bata ay nasa telebisyon na ang atensyon nito. Nakaramdam tuloy ang babae ng kalungkutan sa dibdib, marahil ay nakararamdam ng paninibugho ang bata habang nakikitang malambing ang ama sa kanyang anak samantalang istrikto ito makitungo rito. Kaya naman ay tinawag na niya ang anak. Kahit na natutuwa si Sierra na makitang masaya ang anak sa kandungan ni Marco ay ayaw naman niyang masaktan lalo si Vester. “Thalia, come on, that's already enough. Uncle must be tired, he has to rest.” Ani Sierra sa anak. Sinulyapan lamang si Sierra ni Thalia at saka sumimangot. “No! I still want to play with uncle handsome!” Tugon nito atsaka mahaba ang ngusong nag-angat ng tingin kay Marco. “Are you tired, handsome uncle? Do you want to rest?” Nang makita ang nagpapaawang bilugang mga mata ng batang babae ay biglang nanlambot ang puso ni Marco. Wala sa sariling inangat niya ang kanyang kamay
Nakabibinging katahimikan ang namayani pagkatapos itong sabihin ni Sierra. Umawang ang mga labi ni Stevan, hindi makapaniwala na ang isang babaeng ni walang katiting na dugo ng Montezides ang siyang nangahas na pagtaasan siya ng boses. Hindi maaari iyon, hindi katanggap-tanggap. Dahil siya si Stevan Montezides, ang humahawak sa titulong eldest master ng pamilya pagkatapos mamatay ni Marcus. Nangangahulugan lang niyon na kung sinuman ang mangangahas na pagtaasan siya ng boses ay hindi niya palalampasin. “You really dared to raise your voice at me? Who do you think you are? You are just a damn bride Senyora Elizabeth chose!” Nanginginig na ito sa galit. Humugot ng malalim na hininga si Sierra at taas noong tiningnan si Stevan. “I am just a wife who protects her helpless husband.” Malamig, ngunit klaro niyang sinabi. “How about you? Who are you to punish my husband? Nakalilimutan mo bang hindi mo siya anak para hatawin mo ng ganyan? As far as I remembered, you don't have the righ