Share

Chapter 7

Sinuri ng tingin ni Sylvio si Sierra mula ulo hanggang paa. Namumula ang mata nito at madalas ang pagpikit ng mariin at paglunok. 

Nang magmulat ito ng mata ay hindi alam ni Sierra kung pinaglalaruan lang ba siya ng imahinasyon niya o talagang pilyong ngumisi sa kanya si Sylvio. 

“There is a need, pretty lady.” Saad nito sa baritonong tinig dahilan upang magtaasan ang balahibo sa batok ni Sierra. 

Nang bahagyang inangat ni Sierra ang kanyang ulo upang tingnan ang mga naroon, doon lamang niyang napagtantong lasing nga si Sylvio. Si Julian ay nakaupo sa isang itim na couch at malakas na rin ang tama ng alak, lupaypay ito at napapansandal ngunit patuloy pa ring sinasalinan ng alak ang baso niyo ng assistant ni Sylvio. 

Para bang sinasadya ng mga itong lasingin ang lalaki. 

May mga babaeng nakahelera sa isa pang mahabang sofa na animo'y naghihintay kung kailan kakailanganin. Napailing si Sierra nang mapagtanto kung anong klaseng pangangailangan iyon. 

‘Lagot ang Julian na ito kapag nalaman ni Adriana ang pinaggagagawa'. 

“You like what you're seeing inside, hmm?” Palihim na napahawak si Sierra sa kanyang dibdib nang marinig ang baritonong tinig ni Sylvio. 

Nag-angat siya ng tingin rito at halos manakit ang leeg dahil matangkad ang lalaki! Hanggang dibdib lamang siya rito. Hindi namamalayang napaawang ang mga labi ni Sierra habang sinusuri ng tingin ang kabuoan ng makisig na mukha ng misteryosong binata. 

O binata nga bang talaga ito? 

Bahagyang namumula ang mata nito marahil dahil sa labis na alak na nainom, may iilang hibla ng buhok ang nahulog sa noo nito na siyang dumagdag sa kaguwapuhan nito. Bigla ay nais niyang inangat ang kamay at may kung anong nagtutulak sa kanyang isipan na haplusin ang mukha nito. 

Ngunit bago pa man niya iyon tuluyang maisagawa ay sinampal niya ang sarili ng katotohanan. 

‘Mag-focus sa kung anong ipinunta mo rito, Sierra! Kakakasal mo lang tapos lumalandi ka na!’ anang maliit na tinig sa likod ng kanyang isip. 

“Uhm…” Bigla'y nangapa si Sierra sa kung anumang sasabihin. 

Nag-iwas siya ng tingin sa lalaki ngunit may kung ano yata sa mga mata nito na siyang humihigit sa kanyang humarap rito at patuloy itong titigan. 

“Kailangan ninyo po ba ng mainit na sopas nang sa ganoon ay mahimasmasan kayo?” Muntik pang palakpakan ni Sierra ang sarili nang sa wakas ay nakabuo na rin siya ng tamang salita. 

Sa namumungay na mga mata ay tamad na sumandal sa nakabukas na pintuan si Sylvio, taman na tamad na pumipikit ang kanyang mga mata sa sobrang kalasingan, doon din napagtanto ni Sierra kung gaano kakapal at kahaba ang piluka nito sa tuwing ito'y pipikit. 

“Could you please bring me to the 15th floor?” Anito sa napapaos na tinig. 

Ano raw?! 

Bago pa man makapagtanong si Sierra ay halos matumba na siya nang bumagsak sa kanya ang malaking katawan ni Sylvio! Kung hindi pa dahil sa pader ay talagang sa sahig sila pupuluting dalawa. 

“Oh my goodness! Are you okay sir? Sir!” Tinapik pa nito nang dalawang beses ang balikat nito ngunit isang ungol lamang ang naging sagot. 

“15th floor, dalhin mo ako sa 15th floor.” Ulit nito sa inaantok na boses. 

Napalunok si Sierra at sandaling nag-isip. 15th floor. Hindi pa siya kailanman nakararating doon ngunit sa pagkakaalam niya ay ang Luther's Club ay mga pinagsamang aliwan, pahingahan at hotel. Ang 15th floor nitong gusali ay ang presidential suites kung saan mga mayayamang tao lang ang may kayang kunin. 

Kung isang Sylvio Narvaez ka ba naman siyempre hindi ka matutulog sa hotel na basta-bastang lang. 

“Okay sir, 15th floor.” Sa sinabi ay may multo na ng ngisi ang mga labi ni Sierra. 

Magpapahatid ito sa sariling silid, ibig sabihin ay may tiyansa na siyang kausapin ito tungkol sa pinag-usapan nila ni Julian Montezides at kumbinsihin itong tanggihan ang alok nito! 

Gagawin niya ang lahat kahit ano para lang hindi kumampi ang mga Narvaez sa mga Montezides. Maging ang kapalit man nito'y pagtataksil sa walang kaalam-alam na asawa. 

Si Sierra na ang pumindot sa numero nang pumasok sila sa elevator. Hindi gumagalaw si Sylvio habang nakasandal sa balikat ni Sierra, para bang mahimbing pa itong natutulog dahil sa malalim nitong paghinga. Ngunit nang makarating sila sa 15th floor ay kusang umayos ng tayo ang lalaki at tumigil sa isang pintuan na sa wari ni Sierra ay pagmamay-ari nito. 

Inilabas lamang nito ang key card at bumukas na ang pintuan. Nang tuluyan itong bumukas, bumalik ito sa balikat ni Sierra na para bang nanumbalik ang pagkalasing. 

Napakunot na lamang ng noo si Sierra. 

Ang laking tao nito kumpara sa kanya. Halos magkanda-dapa na sila nang papasok dahil hindi naman siya katabaang babae para umakay sa ganitong kalaking tao! 

“Narito na ho tayo, Mr. Narvaez…” Pukaw ng atensyon ni Sierra kay Sylvio. Madilim ang loob ng silid nito at ang nagsisilbing liwanag lang ay ang ilaw sa pasilyo. 

Naglakad si Sierra papasok, nagangapa kung saan ang kama dahil ilalapag na niya ang lalaki. Ngunit ganoon na lamang ang paggapang ng kaba niya nang tumunog ang pintuan hudyat na na-lock ito! 

Sa sobrang taranta ay nabitawan niya si Sylvio at sa hindi inaasahan ay naisama siya nito pabagsak. Isang mahabang singhap ang kumawala sa bibig ni Sierra. Inihanda ang sarili sa matigas na bagay na kababagsakan nang tumama siya sa kung ano. 

Matigas nga ngunit hindi naman kasing tigas ng semento! Teka… 

“How do you know my surname? Do you know who I am?” Anang malalim at paos na tingin malapit sa tainga niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status