“Sigurado ka ba riyan, Gwen?” Tanong ni Sierra.
“Oo, siguradong-sigurado, Sierra. Hindi pa ako kailanman nagkamali ng impormasyong sinabi sa iyo.” Seryosong sagot ng huli.
Napabuga ng hangin si Sierra dahil totoo naman ang sinabi ni Gwen. Hindi pa ito kailanman nagkamali sa tuwing nagbibigay ng impormasyon sa kanya.
“Sabihin mo sa akin kung saan sila magkikita at kung anong oras, pupunta ako roon ngayong gabi.” Sambit ni Sierra habang nakatingin sa asawang ni katiting na galaw ay hindi nagagawa.
Sa kabilang linya ay napakamot si Gwen sa sariling noo. Hindi nito alam kung talaga bang makakalabas si Sierra gayong ito ang gabi ng kanyang kasal. Dapat ay kasama nito ang asawa.
“Gabi ng kasal mo ngayon Sierra, paano kang makakalabas?” Tanong ni Gwen.
Umikot ang mga mata ni Sierra sa ere saka sinagot ang tanong ni Gwen.
“Walang problema iyan dahil imbalido naman itong asawa ko, wala siyang magagawa sa kung anong gusto kong gawin.”
Buntong-hininga na lang ang naging tugon ni Gwen.
Ilang saglit pa ay natanggap ba niya ang message ni Gwen.
Gwen:
Seven-thirty O’clock, second floor, room 304 at Luther’s Club.
Mabilis lang siyang pumili ng damit at lumabas na sa kwarto upang kausapin ang mga bantay ng asawa. Dalawa lang ang mga ito, ang personal nurse nito at ang lalaking butler.
Masayang binati si Sierra ng mga ito. Sa walang pagpaliguy-ligoy ay sinabi niyang magpapahinga muna siya sa kabilang kwarto dahil namamahay pa siya. Sinabi rin niyang hindi maganda ang pagkaka-ayos ni Marco sa kama kaya pumasok ang dalawa upang pagtulungang ayusin ang kalagayan nito.
Ang hindi nila alam ay gagawin iyong oportunidad ni Sierra upang tumakas. Nagmadaling siyang tumungo sa banyo at basta na lang hinubad ang wedding dress.
Isang itim na leather skirt na may slit sa kanang bahagi ng legs, ang pang-itaas niya ay isang spaghetti thin strapped top. Nang tuluyang natapos ay sinuri ni Sierra ang sarili sa harap ng salamin.
Napabuga siya ng hangin at bahagyang kinabahan.
Hindi naman siya mahilig mag-club na tao pero dahil sa taksil na dating kasintahan at sa posibilidad na maging kakampi nito ang mga Narvaez ay labis na nagpakaba sa kanya.
Ang kulot na buhok ay naka-high ponytail. May ilang hibla sa bawat gilid ng kanyang noo na siyang nagpapadagdag ng kanyang ganda.
Ilang saglit lang ay tapos na siya at umalis na ng bahay. Marahil ay busy sa dami ng ginawa kaya hindi na siya napansin pa.
Ang Luther’s Club ay isang high-end membership system. Hindi ka basta-bastang makakapasok at ang mga malalaking personalidad lamang ang pinapayagan.
Ang temporary membership card ang ginamit ni Sierra para makapasok. Nang tuluyang makapasok ay naghanap siya ng sekretong daanan kung saan mas mabilis niyang makikita si Sylvio Narvaez.
Hindi naman niya talaga kilala ang tao. Sa mga litrato lang na isini-send ni Gwen.
Ayon kay Gwen ay matinik daw ito pagdating sa negosyo. Marami silang mga business dito sa bansa maging sa labas.
Mga hotels, resorts, pharmaceutical, hospitals, clothing lines at iba pa na hindi pa kompormadong kanila. Halos pag-aari na nila ang bansa sa dami ng kanilang mga negosyo.
Lumapad ang ngiti ni Sierra nang matanawan ang isang sulok na walang tao. Doon siya mananatili habang hinihintay si Julian Montezides at Sylvio Narvaez.
Ilang saglit pa at nakaka-tatlong simsim pa lamang si Sierra ng cocktail ay natatanaw na niya si Julian Montezides na naglalakad. Nagsasalita ito ngunit hindi makikitaan ng pakialam ang kausap.
Nang tingnan ni Sierra ang cellphone ay nakumpirma niyang ang lalaking katabi ni Julian ay walang iba kundi si Slyvio Narvaez.
Ang lalaki ay matikas ang tayo habang matapang ang awra. Ang panga nito ay gumagalaw, ang mga mata ay hindi makikitaan ng emosyon o pakialam. Ang mga kamay ay nakapaloob lamang sa suot na itim na slacks.
Sa tindig at ayos pa lamang nito ay talagang maiihi ka na sa salawal sa takot.
Ni hindi man lang nito tinapapunan ng tingin ang nagsasalitang si Julian. Base sa awra nito at paraan ng pagkakangisi, halatang nagyayabang na.
Tanging ang lalaking katabi ni Sylvio ang sagot nang sagot at tango nang tango. Marahil ay assistant niya ito.
Dumako ang tingin ni Sierra sa dating kasintahan. Hindi maipagkakaila na gwapo ito at matikas, medyo payat ito sa suot na tuxedo at itim na slacks. Ngunit sa pagkakaalam niya ay hindi naman ito hands-on sa mga negosyo, ito ay isang happy-go-lucky lamang.
Kung hindi pa naaksidente si Marco na siyang original na namamahala sa Montezides corp anim na buwan na ang nakalilipas ay hindi pa mapupunta kay Julian ang responsibilidad.
Hindi nakatakas kay Sierra ay pagkunot ng noo ni Julian, ang bahagyang pagtatagis ng bagang nito sa galit dahil hindi ito kinakausap ngunit walang magawa dahil malaking tao ang binabangga niya.
Nagbuntong-hininga si Sierra. Malaking bagay ngang talaga ang pagiging makapangyarihan. Kahit gaano ka pa kaarogante ay kailangan mong magpakumbaba sa harap ng taong mas angat sa iyo.
Pinanood ni Sierra ang papasok ng mga ito sa elevator, nang mawala na ang mga ito sa paningin niya ay sumunod siya. Pumasok siya ng elevator at pinindot ang 5th floor.
Tumayo si Sierra malapit sa room 302 at nagkunwaring nagpipindot sa telepono. Ang totoo ay kailangan niyang makapasok sa loob upang malaman kung tinanggap ba ni Narvaez ang proposal ng Montezides!
Hindi iyon maaari kung nagkataon! Hindi pwedeng magsanib-pwersa ang dalawa dahil talagang hindi na niya magawa ang paghihiganti dahil mai-aangat na rin si Julian lalong-lalo na si Adriana!
Nag-iisang oras ang hinintay ni Sierra ngunit hindi pa rin lumalabas ang mga ito. Malakas ang naging bundol sa dibdib niya, sa tagal na panahong iyon ay hindi nga malabong makakakuha ng deal si Julian!
Sa sobrang kaba ay nagpalakad-lakad si Sierra sa floor na iyon. Nagkataon na may waitress na paparating kaya naman agad niya iyong nilapitan.
“Ten thousand, pumayag kang gamitin iyang suot mo.” Desperadang saad niya.
Napapantastikuhang napatingin lamang ang waitress sa kanya.
Inilabas ni Sierra ang sariling cellphone, “i-scan mo ang QR code mo rito, bilis!” Wala na talaga siyang oras kung aayaw pa ang babae!
Naguguluhan man ay kinuha pa rin ng waitress ang sariling cellphone at ini-scan ang QR code, saglit pa ay dumating na message sa kanya na nagsasabing natanggap na nito ang pera.
Dinala si Sierra ng waitress sa kanilang employee’s lounge para magpalit ng damit. Hindi kasi siya maaaring pumasok ng hindi magdi-disguise dahil makikilala siya ni Julian!
Maging ang make-up niya ay mas kinapalan pa niya. Dinagdagan ang eyeshadow at eyeliner, mukha na siyang panda! Naglagay siya ng mas pulang lipstick. Ang naka-ponytail na buhok ay hinayaan niya iyong bumagsak.
“Okay na po ba, ma'am?” Tanong sa kanya ng waitress.
Nag-thumbs up siya rito at nagpasalamat. Si Sierra na rin ang nagtulak sa trolley nitong may mga inumin na kung sinuswerte ngang talaga ay para pala ito sa room 304.
Nang nasa tapat na ng pintuan su Sierra ay inangat niya ang kamay upang kumatok, ngunit naibaba rin agad dahil sa kaba. Sa muling pag-angat ng kamay niya ay bumukas na ang pinto at iniluha niyon ang may namumungay na matang si Slyvio Narvaez.
“Hi, sir. Do you need anything?” Nasambit niya dahil sa kaba.
Sinuri ng tingin ni Sylvio si Sierra mula ulo hanggang paa. Namumula ang mata nito at madalas ang pagpikit ng mariin at paglunok. Nang magmulat ito ng mata ay hindi alam ni Sierra kung pinaglalaruan lang ba siya ng imahinasyon niya o talagang pilyong ngumisi sa kanya si Sylvio. “There is a need, pretty lady.” Saad nito sa baritonong tinig dahilan upang magtaasan ang balahibo sa batok ni Sierra. Nang bahagyang inangat ni Sierra ang kanyang ulo upang tingnan ang mga naroon, doon lamang niyang napagtantong lasing nga si Sylvio. Si Julian ay nakaupo sa isang itim na couch at malakas na rin ang tama ng alak, lupaypay ito at napapansandal ngunit patuloy pa ring sinasalinan ng alak ang baso niyo ng assistant ni Sylvio. Para bang sinasadya ng mga itong lasingin ang lalaki. May mga babaeng nakahelera sa isa pang mahabang sofa na animo'y naghihintay kung kailan kakailanganin. Napailing si Sierra nang mapagtanto kung anong klaseng pangangailangan iyon. ‘Lagot ang Julian na ito kapag nalama
Doon pa lamang niya tuluyang napagtanto na sa ibabaw pala siya ni Sylvio bumagsak! Lalo niyang nakumpirma nang ipatong nito sa kanyang likuran ang kamay na para bang niyayakap siya nito. “Uhm… Mr. Narvaez! Please get up! I'll help you get up! Pasensya na masyadong madilim itong silid mo kaya hindi ko alam kung saan banda ang kama!” Tarantang wika niya at tumayo ngunit agad ding bumagsak nang hilahin siya nito. “W-What?!” Hindi makapaniwalang usal niya. “What do you really want, hmm? Why are you so eager to see me?” Isang hiyaw ang pinakawalan ni Sierra nang magkabaligtad ang kanilang posisyon. Teka… hindi na yata tama ito!“Mr. Narvaez, please let me go. Uuwi na ako!” Tinapik niya ang braso nito. Isang baritonong tinig ang kumawala sa bibig nito. Halos manginig siya nang maramdaman ang mainit nitong hininga sa pagitan ng kanyang collar bone at tainga. Hindi niya alam kung bakit kakaiba ang reaksyon ng kanyang balat dito. Para bang… para bang pamilyar na ito sa kanya.Nagpakawala
“Ikaw ang asawa ni Marco Montezides at ito ang unang gabi ninyo bilang mag-asawa. Dahil imbalido na siya at hindi makagagawa ng anumang galaw, hindi niya magagampanan ang obligasyon niya bilang asawa. Kaya ako na ang gagawa niyon.” Sinabi niya iyon na para bang natural lang. Halos lumuwa ang mga mata ni Sierra sa pagkabigla sa naging sagot nito. Abala ang kanyang isipan sa dami ng gustong sabihin ngunit tila ba nawalan ng kakayahan ang dilang bumuo ng mga salita. Mula sa kanyang leeg ay bumaba ang mga labi ni Sylvio sa tuktok ng kanyang balikat. Umakyat muli ito sa kanyang leeg at panga hanggang sa gilid ng kanyang labi. Tanging mabibigat na paghinga lamang ang tugon ni Sierra. Gusto niyang umiyak ngunit walang luhang lumalabas sa kanyang mga mata. Napatigil si Sylvio sa marahang paghalik kay Sierra at biglang natauhan. Nakaka-adik man ang amoy ng babae at lambot ng balat nito ngunit hindi siya kailanman pumilit ng babae para lang sa init ng katawan. Mabilis siyang tumayo at binu
Simula pa lang ay malinaw na kay Sierra ang mga plano. Nang malaman niyang imbalido ang isa sa mga importanteng parte ng pamilya ng mga Montezides at ito ay kasalukuyang naghahanap ng mapapangasawa ay nag-isip agad siya ng paraan. Paghihiganti. Iyon lamang ang tanging naroon sa kanyang puso, maliban sa pagmamahal sa natirang anak na babae. Buong-buo ang kanyang pasya na maghiganti at hindi niya iyon magagawa kung nasa labas siya ng bansa at sapat lamang ang kanyang pera para sa kanilang mag-ina. Kaya nang matagumpay siyang makapasok sa Montezides ay mas umusbong ang kanyang hangarin. Lalo at nasa iisang pamilya lang ang mga taong lumapastangan sa kanila limang taon na ang nakalilipas. Kaya kung hindi niya gagawin ang gusto ni Sylvio Narvaez ay malamang, lahat ng pinahirapan niya ay mawawalan ng saysay. Ang buong akala ni Sierra ay tanging pandidiri ang mararamdaman niya nang sandaling angkinin ni Sylvio ang kanyang mga labi. Inihahanda na niya ang sariling pilitin para sa kapakan
Sandaling natigilan si Gwen sa kabilang linya sa pakiusap iyon ng kanyang kaibigan. “Titingnan ko kung anong makakaya ko, Sierra. Alam mo naman iyang si Sylvio Narvaez, napakamisteryoso. Napakahirap hagilapin, lalong-lalo na ang makakalap ng impormasyon dito ilang taon na ang lumipas.” Tumango-tango si Sierra kahit pa man ay hindi ito nakikita ng kausap. “Sige, Gwen. Maraming salamat.” Aniya sa kaibigan atsaka pinatay ang tawag. Hindi na naman sana talaga siyang mag-aaksaya ng panahon upang gawin ito ngunit tila ba mayroong malaking parte sa kanyang pagkataong gusto niyang malaman. Gusto niyang malinawan. “Madame, naghihintay ho ang Señora sa inyo sa ibaba.” Imporma sa kanya ng kasambahay sa labas ng pintuan. “Susunod ako,” malambing niyang tugon dito at tumayo na upang maglinis ng katawan sa banyo. Hindi rin naman nagtagal ay natapos siya at lumabas din kaagad. Mahaba ang pasilyo mula sa kanilang silid patungo sa mismong engrandeng hagdanan kaya naman mayroong panahon si Sierr
Palihim na ipinilit ni Sierra ang kanyang ulo bilang hindi pagsang-ayon. Dahil hindi naman talaga maaari. Ang bata ay nanggaling sa bahay ampunan noong sanggol pa ito at si Marco ang tumatayong legal guardian nito. Kaya napaka-imposibleng anak niya ito. Kitang-kita niya kung paanong mawala sa karagatan ang sanggol niya kasabay ng paglubog niya sa kailaliman ng dagat. Nais man niyang languyin ang pagitan nila ng anak ngunit hindi niya magawa, wala na siyang lakas upang gawin iyon hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay sa dami ng nainom na tubig. Ayon sa mga nakasagip sa kanya ay himalang nakaligtas siya at nagsilang pa ng isa pang sanggol na babae! “Are you alright, darling? You seems out of yourself,” nakabalik siya sa reyalidad nang marinig ang boses ng Senyora. Nag-aalala itong tumingin sa kanya. Tumikhim siya at nakangiting sinagot ang ginang. “Makakaasa po kayo, Grandma. Ngayon ay asawa na ako ni Marco, mamahalin ko ang kung sinumang mahal niya. Lalong-lalo na ang k
“Pasensya, Mrs. Montezides ngunit wala akong nakikitang senyales ng paggising ng iyong asawa.” Malungkot na usal ni Liam, ang personal na doktor ng ni Marco. Bumagsak ang balikat ni Sierra at nahihiyang lumingon kay Senyora Elizabeth. Nang makita niya kasing magmulat kanina si Marco ay nataranta siya dahilan upang basta na lamang niyang tinawagan ang senyora at sinabing gising na ang apo nito.Bakas na bakas ang tuwa ng ginang nang makarating sa silid nila at agad na tinawagan ang doktor ng apo, ngayong nalaman na nila ang katotohanan ay biglang natahimik ang buong silid. Dismayado siyang tiningnan ng ginang. Bumagsak ang mga balikat nito at nalungkot ang mga mata.“Ngunit nasaksihan ko kung paano siyang nagmulat ng mata!” Giit ni Sierra dahil iyon naman talaga ang totoo. Naningkit naman ang mata ni Liam, iniintindi ang sinasabi ng asawa ng kaibigan. Maliban kasi sa siya ang personal doktor nito ay magkaibigan na sila mula pa highschool kaya labis ang kalungkutan niya nang malamang
Biglang matameme si Liam, hindi agad siya nakapagsalita dahil hindi agad naproseso ng kanyang utak ang narinig. Napalatak siya nang tuluyang maunawaan ang ibig sabihin ng kaibigan. Aniya sa sarili ay talagang hindi na siya magkakape ng dalawang beses sa umaga para naman maka-catch up siya agad ng tsismis!Nanlaki ang kanyang mata at kumorteng bilog ang mga labi. Pabagsak siyang naupo sa kama at may naglalarong ngisi sa mga labi upang asarin ang kaibigan. “Talaga? Sumaludo iyan kay Sierra kagabi?” Tudyo nito na may halong gulat. “Akala ko ba kay Audrey Santillan lamang sumasaludo iyang kaibigan mo?” Masamang tingin ang pinukol ni Marco sa makulit na kaibigang doktor. Tamad niyang isinandal ang ulo sa headboard ng kama.“Oh, shut the hell up!” Asik niya rito atsaka binato ng unan, iyon kasi ang nasambot niya. “What? I am just telling the truth!” Humagalpak ng tawa si Liam sa hitsura ng kaibigan. Namumula kasi ito at napapikit pa! Parang nagkaroon pa ng flashback sa bakbakan kagabi.
Mabigat ang paghinga ng lalaki na bumagsak sa ibabaw ni Sierra pagkatapos ng kanilang pagniniig. Akala ni Sierra ay isang beses lamang na mangyayari iyon, subalit nagkakamali siya. Dahil ang kanyang asawa ay walang kabusugan. Inangkin siya nito nang paulit-ulit. Sa kabila ng lamig na nanggagaling sa Aircon ay ramdam na ramdam ni Sierra ang pawis sa kanyang noo at sa buong katawan. Bukod pa roon, nanginginig rin ang kanyang mga hita sa sobrang pagod. Lalong-lalo na ang sa gitnang bahagi ng kanyang hita. Parang leon na nakawala sa kanyang hawla ang lalaki kung angkinin siya nito. "Ugh, my body hurts..." Ungot niya. Umalis sa pagkakakubabaw ang lalaki at saka nahiga sa kanyang tabi. Napakislot pa siya nang maramdaman ang mainit nitong hininga sa pagitan ng leeg nang tumawa ito. "I apologize for not being considerate..." Anito na hindi naman tunog totoong sinsero. Mahina niya itong siniko. Humalakhak muli ang lalaki at saka bahagyang inangat ang ulo ng babae at ipinaunan sa kanyan
Mahinang ibinato ni Marco si Sierra sa kama. Mabilis namang itinukod ni Sierra ang kanyang magkabilang siko upang iangat ang kalahati ng kanyang katawan. Marco was now frantically removing his polo shirt and unbuckling his trouser pants. "T-Teka, are you serious? Nakakatayo ka na talaga? Does that mean that you're fully healed?" Kunot noong tanong ni Sierra, puno ng pinaghalong gulat at pagkalito ang kanyang nararamdaman. Pinaningkitan lamang ni Marco ng mata ang babae at saka walang sabi-sabing hinila nito ang magkabilang paa nito sa dulo ng kama at saka iyon pinagbahagi ng husto. "Aww! Marco! I'm still talking—Ahh!" Nauwi sa ungol ang pagtutol ni Sierra nang siilin siya ng halik ng lalaki at hinimod muli ang pagkababae niya. "Ahh!" Malakas niyang daing nang maglabas-masok ulit ang dalawang daliri ni Marco sa loob niya.Napakarami niyang gustong itanong rito subalit ang pag-atake ng lalaki sa kanyang labi ay labis na nakakahihipnotismo, gusto niyang itulak ito ngunit sa tuwing si
Hindi iyon ang unang beses na maramdaman ni Sierra ang paninigas ng ari ng lalaki. Ngunit ngayong mas naramdaman niya iyon, doon niya napatunayan na totoo nga ang sinabi ni Dr. Liam. Na may epekto siya sa pagkalalaki ng asawa na matagal ng hindi nagfu-function. "Why? Are you scared?" Marco asked huskily. Napalunok si Sierra. Hindi agad mahanap ang mga salita. Sa laki, sa tigas at taba niyon, sinong babae ang hindi matatakot? "Then get off!" Marco hissed when he didn't get a response from her. Napalunok si Sierra, truly, she is scared. Subalit wala na siyang magagawa, naroon na siya. Wala ng atrasan. "O-of course not!" Utal niyang sambit. Imbes na umalis sa kandungan ng asawa ay hinila pa nito ang kuwelyo ng suot nitong polo shirt at ito na mismo ang nag-initiate ng halik. Nagtagis ang bagang ni Marco. Kahit na alam niya sa sariling hindi na niya mapipigilan ang makamundong pagnanasa, ayaw pa rin niya itong ituloy kung napipilitan lang naman ang babae. Yes, he has an indescriba
Nahihirapang nag-iwas ng tingin si Marco. He must look away or else, he wouldn't like what's the possible next thing to happen. Mabilis niyang tinapos ang paglilinis sa sugat ng babae at saka nilagyan iyon ng bandaid. "It's done." Aniya sa paos na boses. "Oh, okay..." Ani Sierra at inangat ang sarili sa pagkakayuko. Kaya lang, nang subukang inangat ng babae ang kanyang katawan ay bigla na lamang itong bumagsak sa katawan ng lalaki. "Oh my! I'm sorry, my waist must be tired from bending..." Malamyos na sinabi nito. Nang sandaling dumampi ng tuluyan ang katawan ni Sierra kay Marco ay mariin siyang napapikit, para bang lahat ng kanyang pagpipigil ay biglang nakawala. "Get up," Marco ordered with gritted teeth. Imbes na sumunod sa utos nito, nag-angat ng tingin si Sierra at sa perpektong panga ng lalaki lumebel ang kanyang mga mata. "Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin... I don't know if it's because of the wine or whatsoever, but I feel weak..." Naging marahas
Tahimik na kumain ang dalawa. Bagama't hindi gaanong ka-engrande ang mga niluto ng babae subalit alam ni Marco na pinaghirapan nito iyong gawin. At nagustuhan niya iyon. "Are you drinking?" Kunot-noo niyang tanong nang mag-angat siya ng tingin at mapansin ang isang red wine at dalawang wine glasses. Sandaling napatigil si Sierra sa pagnguya at saka kinuha ang red wine at sinalinan ang dalawang baso. "Hmm... Can you drink with me?" Hindi maipinta ang mukha ni Marco. "Hindi ako umiinom." Sa kabila niyon ay inilagay pa rin ni Sierra ang baso sa harapan ni Marco. Sumimsim siya at dinama ang hagod ng alak sa kanyang lalamunan. "Dad wants us to be divorced." Aniya, ang tingin ay nasa hawak na baso. "Tapos?" Umarko ang kilay ng lalaki. Nagbaba ng tingin si Sierra sa kanyang pinggang may pagkain, napalunok siya at may mapait na ngiti ang sumilay sa kanyangga labi. "That's why we should drink, perhaps, a farewell before leaving?" Halos ngumiwi si Sierra sa mga salitang lumabas sa kany
Nang makalabas si Sierra sa bahay ng mag-asawang Montezides ay tinawagan niya si Ms. Cora upang magpaalam na ipag-leave muna siya sa production. Sa patuloy na pagkalat ng eskandalo ay naiintindihan ni Ms. Cora na kailangan mag-lie low ni Sierra, kaya naman hindi na niya ito pinilit pa at sinabi na lang niyang siya muna ang pansamantalang kakatawan sa kanya sa trabahong iyon. Sa tono ng pananalita ni Ms. Cora, pakiramdam ni Sierra ay naniniwala ito sa mga kumakalat na tsismis. Which is sa palagay niya ay normal naman. Hindi rin naman sila ganoon ka-close at wala pang napag-uusapang pribadong usapin. At kitang-kita rin kung gaano isakripisyo ni Lukas ang kanyang sarili alang-alang sa kanya. Kaya kung sakaling magpaliwanag man siya ay malabo ng paniwalaan pa siya nito. Tss. Ano pa bang inaasahan niya? Maliban sa kanya at kay Gwen, wala ng nakakaalam pa ng katotohanan. Pero wala na siyang pakialam sa lahat ng iyon. Bahala na sila kung anong gusto nilang isipin, ang mahalaga ay a
"Mom..." Gulat na usal ni Ericka Montezides, maging siya ay hindi inaasahan ang biglaang pagdating ng ina.Pigil ang galit ni Stevan nang makita ang senyorang naroon. "What are you doing here?"Matalim ang tinging pinukol ni Senyora Elizabeth kay Stevan. "I am the one who's asking you, gaano ka ba kagalit at nagawa mo pang makapanakit?" "Mama... Sierra has done something wrong..." Sabat ni Ericka. "Even so! Whatever she had done something wrong or not, it is not right to hurt her!" Asik niya at saka tumingin sa mga kasambahay, "anong tinitingin-tingin ni'yo riyan? Quickly get the medicine kit!"Agad namang tumalima ang kasambahay. Mabilis na tumayo si Sierra at lumapit sa matanda. "Grandma..." Masuyo nitong tawag dito. "Nasaktan ka ba?" Nag-aalalang hinawakan ni Senyora Elizabeth ang mga kamay ng babae.Tumango si Sierra. Isa pa muling matalim na tingin ang iginawad ni Senyora Elizabeth kay Stevan nang lingunin niya ito. Dahan-dahan niyang dinala si Sierra paupo sa sofa. Inumpisa
"Huminahon ka, Stevan. Let your daughter-in-law take a seat first..." Agad na dumalo si Ericka Montezides at sinapo ang likod ng asawa, pinapakalma ito. "Have a seat first hija and we'll talk this about in a calm manner." Sumunod naman si Sierra, naupo siya sa pang-isahang sofa, kaharap lamang ng mag-asawa. "Sierra, hija... You should know that the Montezides family is far from other families in the country. Kung gaano kakilala ang background ng pamilya, ganoon din ang makukuha nitong atensyon. Napakaraming matang nakabantay sa pamilyang ito. Kaya nararapat lamang na palagi nating tingnan at bantayan ang salita at kilos natin, dahil hindi lamang natin pinangangatawanan ang ating mga sarili kung hindi pati na rin ang buong angkan ng pamilya Montezides. We must not do anything to disgrace this family, paano na lang tayo pagkakatiwalaan ng nakararami kung puros na lang kahihiyan at eskandalo ang ginagawa natin?" Mahaba, nanatili ang kalmado sa tinig ni Ericka Montezides. Tumango si
Napakurap-kurap si Senyora Elizabeth. It was so unusual of her grandson to call and even ask her to go to her child's house! Anong mayroon sa kanyang apo at nais nitong pumasyal siya sa bahay ng mga magulang nito? "Okay apo, papasyal ako sa kanila." Tugon ni Senyora Elizabeth at pinatay na ang tawag. Napatulala siya sandali at saka tumingin kay Anita. "Anita, ano kaya ang mayroon at nais ni Marco pumunta ako sa bahay ng kanyang mga magulang?" Nagtataka niyang sinabi. "Baka naman ay gusto lang ng eldest master na maibalik ang inyong closeness sa kanila Senyora, besides, maganda rin na siya mismo ang may gusto noon." Nakangiting usal ni Anita. Tumango-tango si Senyora Elizabeth bilang pagsang-ayon. Habang pababa ay hindi maiwasang alalahanin ni Sierra ang naging usapan nila ni Marco nang isang gabi. "Maniniwala ka bang wala kaming ibang ginawa ni Lukas? It was just pure accident, I didn't even know he'll be there. Bigla na lang siyang sumulpot out of nowhere." Pagpapaliwa