Sandaling natigilan si Gwen sa kabilang linya sa pakiusap iyon ng kanyang kaibigan. “Titingnan ko kung anong makakaya ko, Sierra. Alam mo naman iyang si Sylvio Narvaez, napakamisteryoso. Napakahirap hagilapin, lalong-lalo na ang makakalap ng impormasyon dito ilang taon na ang lumipas.” Tumango-tango si Sierra kahit pa man ay hindi ito nakikita ng kausap. “Sige, Gwen. Maraming salamat.” Aniya sa kaibigan atsaka pinatay ang tawag. Hindi na naman sana talaga siyang mag-aaksaya ng panahon upang gawin ito ngunit tila ba mayroong malaking parte sa kanyang pagkataong gusto niyang malaman. Gusto niyang malinawan. “Madame, naghihintay ho ang Señora sa inyo sa ibaba.” Imporma sa kanya ng kasambahay sa labas ng pintuan. “Susunod ako,” malambing niyang tugon dito at tumayo na upang maglinis ng katawan sa banyo. Hindi rin naman nagtagal ay natapos siya at lumabas din kaagad. Mahaba ang pasilyo mula sa kanilang silid patungo sa mismong engrandeng hagdanan kaya naman mayroong panahon si Sierr
Palihim na ipinilit ni Sierra ang kanyang ulo bilang hindi pagsang-ayon. Dahil hindi naman talaga maaari. Ang bata ay nanggaling sa bahay ampunan noong sanggol pa ito at si Marco ang tumatayong legal guardian nito. Kaya napaka-imposibleng anak niya ito. Kitang-kita niya kung paanong mawala sa karagatan ang sanggol niya kasabay ng paglubog niya sa kailaliman ng dagat. Nais man niyang languyin ang pagitan nila ng anak ngunit hindi niya magawa, wala na siyang lakas upang gawin iyon hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay sa dami ng nainom na tubig. Ayon sa mga nakasagip sa kanya ay himalang nakaligtas siya at nagsilang pa ng isa pang sanggol na babae! “Are you alright, darling? You seems out of yourself,” nakabalik siya sa reyalidad nang marinig ang boses ng Senyora. Nag-aalala itong tumingin sa kanya. Tumikhim siya at nakangiting sinagot ang ginang. “Makakaasa po kayo, Grandma. Ngayon ay asawa na ako ni Marco, mamahalin ko ang kung sinumang mahal niya. Lalong-lalo na ang k
“Pasensya, Mrs. Montezides ngunit wala akong nakikitang senyales ng paggising ng iyong asawa.” Malungkot na usal ni Liam, ang personal na doktor ng ni Marco. Bumagsak ang balikat ni Sierra at nahihiyang lumingon kay Senyora Elizabeth. Nang makita niya kasing magmulat kanina si Marco ay nataranta siya dahilan upang basta na lamang niyang tinawagan ang senyora at sinabing gising na ang apo nito.Bakas na bakas ang tuwa ng ginang nang makarating sa silid nila at agad na tinawagan ang doktor ng apo, ngayong nalaman na nila ang katotohanan ay biglang natahimik ang buong silid. Dismayado siyang tiningnan ng ginang. Bumagsak ang mga balikat nito at nalungkot ang mga mata.“Ngunit nasaksihan ko kung paano siyang nagmulat ng mata!” Giit ni Sierra dahil iyon naman talaga ang totoo. Naningkit naman ang mata ni Liam, iniintindi ang sinasabi ng asawa ng kaibigan. Maliban kasi sa siya ang personal doktor nito ay magkaibigan na sila mula pa highschool kaya labis ang kalungkutan niya nang malamang
Biglang matameme si Liam, hindi agad siya nakapagsalita dahil hindi agad naproseso ng kanyang utak ang narinig. Napalatak siya nang tuluyang maunawaan ang ibig sabihin ng kaibigan. Aniya sa sarili ay talagang hindi na siya magkakape ng dalawang beses sa umaga para naman maka-catch up siya agad ng tsismis!Nanlaki ang kanyang mata at kumorteng bilog ang mga labi. Pabagsak siyang naupo sa kama at may naglalarong ngisi sa mga labi upang asarin ang kaibigan. “Talaga? Sumaludo iyan kay Sierra kagabi?” Tudyo nito na may halong gulat. “Akala ko ba kay Audrey Santillan lamang sumasaludo iyang kaibigan mo?” Masamang tingin ang pinukol ni Marco sa makulit na kaibigang doktor. Tamad niyang isinandal ang ulo sa headboard ng kama.“Oh, shut the hell up!” Asik niya rito atsaka binato ng unan, iyon kasi ang nasambot niya. “What? I am just telling the truth!” Humagalpak ng tawa si Liam sa hitsura ng kaibigan. Namumula kasi ito at napapikit pa! Parang nagkaroon pa ng flashback sa bakbakan kagabi.
Kumurap-kurap si Liam upang alisin sa kanyang isipan ang imahe nito. Mali na isipin niya sa ibang tao ang alaala ng taong matagal ng namayapa. Sumalangit nawa. Hindi iyon napansin ni Sierra dahil agad ding ngumiti ang doktor sa kanya. “Maaari ka ng pumasok, Mrs. Maaari na po ninyong ipagpatuloy ang paglilinis sa kanya nang sa ganoon ay guminhawa rin kahit papaano ang kanyang pakiramdam,” matamis na ngiti ng doktor. “Do you have any questions about your husband?” Tanong nito. Tumango naman siya. Tumango ang doktor bilang senyales na sabihin niya kung ano ito. “T-Tungkol pala sa mga scratches sa dibdib niya, paano nangyari iyon? Did someone enter the house? Or something?” Kumunot ang noo ni Sierra dahil talagang naguguluhan siya. Mayroong pumuslit na alaala sa kanyang isipan ngunit agad din naman niya iyong iwinaglit dahil imposible naman ‘yon!“Oh,” tumango si Liam at gustong sabihing, ‘kagagawan mo ito kagabi dahil nakasama mo siya bilang si Sylvio Narvaez!’ Ngunit mas minabuti
Isa. Dalawa. Tatlo. Tatlong subo at pabagsak na ibinaba ni Vester ang kutsara at tinidor sa kanyang pinggan. Kaunti lang ang inilagay niya sa kanyang pinggan kaya matalim niyang tiningnan si Sierra na ngayon ay pokus na pokus sa kanyang sariling kinakain. Gusto niyang tingnan siya nito at matakot sa paraan ng kanyang titig! Gusto niyang matakot ito sa kanya at irespeto siya bilang isang prinsipe sa pamamahay na ito dahil iyon naman talaga siya! “Pagsilbihan mo ako! Put more food on my plate!” Pabalang nitong utos. Nanlilisik ang itim at bilog nitong mga matang nakatitig kay Sierra, nanakot. Si Sierra na tahimik at sarap na sarap sa kinakain ay sinulyapan lamang siya ng isang beses. Ni wala itong nakikitang takot sa mga mata! Mas lalong bumusangot si Vester at tumindi ang galit na naramdaman niya sa puso. Ayaw na ayaw niyang hindi siya pinapansin lalo at dito sa kanyang sariling teretoryo! Dapat ay lumuluhod ito sa kanya dahil anak siya, asawa lamang ito! Tama nga ang kanyang un
Paglabas ni Sierra galing kusina ay nandoon na sina Julian at Adriana sa lamesa. Pinagigitnaan nila ang bata. Si Julian ay nasa kaliwa habang sa kanan naman ay si Adriana. Ni hindi man lang niya narinig ang pagdating ng mga ito. Debale, wala naman siyang pakialam sa dalawa. Umuklo si Adriana upang magpantay ang kanilang mata ng bata saka malambing na nagtanong. “Inaaway ka ba ng stepmom mo? See? Tama kami ng uncle Julian mo! She's an evil! She will only take your father and grandmother away from you!” Sulsol pa nito sa bata. Nagsalubong naman ang mga kilay ni Vester at nangunot ang ilong. “Will you please stay away from me? Your perfume hurts my nose!” Walang preno nitong sinabi, nabitin sa ere ang ngiti ni Adriana at napalitan ng inis. Nagpupuyos sa galit si Adriana sa kaloob-looban niya. Hindi niya matanggap na masabihan ng ganoon! Anong karapatan ng isang batang pinulot lamang sa isang basurang ampunan na sabihan siya ng ganoon?! Kung hindi lang dahil sa senyora ay matagal na
Bago pa man makalapat sa pisngi ni Sierra ang palad ni Adriana ay dagli na niya itong hinawakan sa pulsuhan atsaka bahagyang pinisil. “Oh, galit ka na niyan?” Nang-aasar niyang sinabi. Kakaibang galit ang nararamdaman ni Adriana sa tuwing nababanggit ng mga tao ang tungkol sa pagkatao niya. At mas lalo siyang nagagalit dahil galing ito mismo sa tunay na anak! Noon, naging sekretarya ni Antonio Santillan si Janice De Jesus, ang kanyang ina. Malubha na rin ang sakit ng asawang si Martha. Ayon pa sa doktor nito ay napalabi na lamang ang mga araw nito sa mundo. Nalulong sa kalungkutan ang lalaki kaya naman inom ito nang inom upang maibsan ang sakit na nararamdaman. Sa kabilang banda, kinuha iyong oportunidad ni Janice upang landiin ang kanyang boss dahil matagal na itong may lihim na nararamdaman dito. Nang mamatay na sa wakas ang ina ni Audrey ay pinilit ni Janice na pakasalan siya ni Antonio. Nang mga panahong iyon ay malaki na ang kanyang tiyan at alam niya sa sariling hindi si Ant
Pagkatapos iyong sabihin ng waiter ay siya namang pagpasok ni Sylvio Narvaez dahilan upang magsinghapan ang mga naroroon. Sa kabilang banda, habang ang lahat ng atensyon ay nasa lalaking bagong dating ay dahan-dahan siyang naglakad paatras at naupo sa may pinakasulok, tinakpan ng kamay ang kanyang noo at nakatungo sa kanyang telepono. Obviously, nagtatago. Abot langit ang kaba sa puso ni Beatriz nang makita ang lalaking kanyang inasam-asam na makita. Ayon sa kanyang ama ay napakahirap nitong hagilapin subalit ngayong gabi ay talagang pinaunlakan ng lalaki ang request ng ama alang-alang sa kanya! Ganoon siya kamahal ng kanyang ama!Mahal na mahal niya si Lukas Buena subalit ito na mismo ang kusang nagpatigil ng kanilang kasal, kaya ngayong nandito na si Sylvio Narvaez na isang pinakamayamang tao sa mundo ay hindi siya magdadalawang isip na magpakasal dito! Kapag naging isang ganap na siyang Mrs. Narvaez ay magagawa na niya ang lahat, mapapaluhod na niya ang mga tao. Maaalipusta na ni
Simula ng makarating sila sa Delicacies Restaurant ay hindi na humupa pa ang ingay lalo at marami ang imbitado. Dahil hindi lamang mga kasamahan sa photoshoot ang inimbita maging ang ilang mga sikat na panauhin sa larangan ng industriya. Ganoon ang gusto ni Beatriz, gusto niya iyong maraming tao nang sa ganoon ay maraming magkakautang na loob sa kanya at kapag siya naman ang may pabor na hihingin ay hindi na sila makatatanggi pa. Sa dami ng imbitado ay naging exclusive ang kainan. Pagkatapos kumain ay sinunod ang desserts at mga inumin. Roon na mas umingay nang magsimula ang inuman at tugtugan. "This evening is so lit, Miss Bea!" Anang isang sikat na lalaking artista na may hawak na whisky sa kanyang kanang kamay. "You're the best!""Oh, it's a small thing, Paul! Have more drink!" Ani Beatriz at nakipag-toast ng baso rito. "I hope this will not be the last time Miss Beatriz will held a dinner party," anang isang babaeng modelo na sipsip nang sipsip kay Beatriz. "You are so beautifu
Nagulat si Beatriz sa naging sagot ni Sierra. She doesn't like it when she refuses her offer subalit sa katotohanang pumayag lamang ito dahil sa pangako niyang ipakikilala kay Sylvio Narvaez ay kumulo ang kanyang dugo. Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng ito! Sa tingin ba talaga niya ay hahayaan niyang maipakilala siya sa isang business tycoon? Huh! Asa siya! Isang makahulugang ngiti ang pikawalan ni Beatriz, “that's good to hear, Ms. Sierra…” dahil ang totoo ay marami na siyang inihandang pamamahiya para sa babae mamaya. Nagkibit lamang ng balikat si Sierra at saka sinuri ang kanyang mga gamit upang masigurong wala na siyang naiwanan pa. Nang sigurado ng kumpleto ang kanyang gamit ay isinarado na ni Sierra ang kanyang bag at kinuha ang telepono upang magpadala ng mensahe sa bahay at kay Marco, kahit na wala namang pakialam sa kanya ang asawa. To Husband: Hey, good evening. I'll be home late tonight dahil nagyaya ng dinner ang isa sa mga models. Sa Delicacies Restaurant l
Naging abala si Sierra sa mga sumunod na araw dahil malapit ng matapos ang photoshoot at sa wakas ay makakaalis na rin siya. Sa mga araw na iyon ay hindi na sila nagkikita pa ni Marco, sa pagod ay pagkauwi tanging pagtingin lamang sa mga bata ang ginagawa bago magpahinga at saka kinabukasan ay maagang aalis para sa trabaho. “Woah! It's a wrapped! Good job, everyone! You all did a great job! See you in your next projects, guys.” Anang director na pumalakpak nang matapos ang makuhanan ang huling anggulo nina Beatriz at Shanaia. “Thank you as well, direct. And of course, you'll be part of our next project!” Nakangiting sinabi ni Beatriz kitang-kita naman ang pagiging plastik nito. Tumango lamang ang director at nagpasalamat. “And because of our successful project, I'd like to invite you all for dinner at the Delicacies Restaurant!” Anunsyo nito dahilan upang magsilapitan ang ibang mga staffs at models sa kanya, may malalapad na ngiti sa mga labi ng mga ito. “Wow! Talaga, Miss B
Agad na nagsalubong ang makapal na kilay ni doktor Liam sa iritasyon dahil sa tono ng kausap. “Shut up, I just called to ask something.” Pairap niyang sinabi. “Gusto ko lang malaman ang listahan ng mga kasamahan ni Shanaia sa set—” Hindi pa man natatapos si Liam sa pagsasalita ay pumalatak na si Deion sa kabilang linya na para bang may narinig na kahindik-hindik. “What the fuck bud?! Why are you asking about Shanaia? Liam, sinasabi ko sa'yo, kasisimula pang umangat ng karera nung tao tapos manghihimasok ka na naman?! For god's sake! Quit it already!” Seryosong wika ni Deion sa kapatid. Dahil alam niyang matindi ang damdaming mayroon si Liam kay Shanaia at para na niyang nakababatang kapatid. Nasaksihan ni Deion kung paanong nasira ang karera ng babae nang magkaroon ito ng nararamdaman kay Liam, subalit ay hindi pa sigurado noon ang lalaki sa kanyang nararamdaman kaya mixed signals ang naibibigay nito sa babae lalo at kasalukuyan pa itong nag-aaral sa medisina noon. Agad na nagsalu
Naupo si Sierra sa sun lounger at pinapapaypayan ang sarili dahil basang-basa siya ng pawis. Wala rin siyang dalang extra na damit dahil hindi naman niya akalaing aalilain siya ng babaeng pinaglihi sa kamalditahan sa buhay. Tsk. Pag-ibig nga naman. Kahit ano ay gagawin para lang mapanatiling magiging kanila ang taong minamahal. At base sa reaksyon ni Lukas noong magkita sila ni Sierra sa presinto, roon niya napagtantong mahal na mahal nito ang tunay na Sierra. Nakikita niya sa mga mata ng lalaki ang pangungulila at pagsisisi sa mga nangyari ilang taon na ang nakalilipas. Nakakatuwa, kung ganoon kamahal ni Lukas si Sierra at ganoon din naman ito kamahal ng babae, ano kaya ang rason kung bakit nagawang kitilin ng babae ang sariling buhay? May kinalaman kaya si Mrs. Buena roon?Nasa malalim na pag-iisip si Sierra nang may biglang lumapit sa kanya, bahagya pa siyang nagulat nang biglang nasa tabi na niya ito. “Oh, pasensya na Ms. Sierra at nagulat ko yata kayo.” Nahihiyang ngumiti si
Nalaglag ang panga ni Beatriz sa narinig. Naningkit ang kanyang mga mata at pinasadahan ng tingin si Sierra mula ulo hanggang paa. “What did you just say?!” Itinagilid pa ng babae ang kanyang ulo, mayroong sarkastikong ngisi ang gumuhit sa kanyang labi. Kalmanting huminga si Sierra. Matapang niyang tiningnan si Beatriz at sa klarong boses ay sumagot siya. “I said no.” Hindi makapaniwalang umawang ang labi ni Beatriz, pasimple siyang tumingin sa paligid, maraming tao ang naroon at may kanya-kanyang ginagawa ngunit kapag gumawa siya ng eksena ay malamang siya ang masisira. Kaya naman ay pinigilan niya ang sarili at pinilit na lang na kumalma. Pinagkrus niya ang mga braso sa dibdib at may talim na tiningnan ang babaeng kalmado lamang na para bang walang kasalanan!“Sino ka ba sa akala mo para tanggihan ang utos ko? Don't you know who I am? Hindi mo ba alam kung gaano lalaki ang perang inilaan ko sa pesteng proyektong ito?” Impit na sigaw niya. Nagsalubong naman ang kilay ni Sierra,
Nahagip ng peripheral vision ni Sierra ang pagsulyap ni Vester sa gawi nila ni Marco, nang tingnan niya ang bata ay nasa telebisyon na ang atensyon nito. Nakaramdam tuloy ang babae ng kalungkutan sa dibdib, marahil ay nakararamdam ng paninibugho ang bata habang nakikitang malambing ang ama sa kanyang anak samantalang istrikto ito makitungo rito. Kaya naman ay tinawag na niya ang anak. Kahit na natutuwa si Sierra na makitang masaya ang anak sa kandungan ni Marco ay ayaw naman niyang masaktan lalo si Vester. “Thalia, come on, that's already enough. Uncle must be tired, he has to rest.” Ani Sierra sa anak. Sinulyapan lamang si Sierra ni Thalia at saka sumimangot. “No! I still want to play with uncle handsome!” Tugon nito atsaka mahaba ang ngusong nag-angat ng tingin kay Marco. “Are you tired, handsome uncle? Do you want to rest?” Nang makita ang nagpapaawang bilugang mga mata ng batang babae ay biglang nanlambot ang puso ni Marco. Wala sa sariling inangat niya ang kanyang kamay
Nakabibinging katahimikan ang namayani pagkatapos itong sabihin ni Sierra. Umawang ang mga labi ni Stevan, hindi makapaniwala na ang isang babaeng ni walang katiting na dugo ng Montezides ang siyang nangahas na pagtaasan siya ng boses. Hindi maaari iyon, hindi katanggap-tanggap. Dahil siya si Stevan Montezides, ang humahawak sa titulong eldest master ng pamilya pagkatapos mamatay ni Marcus. Nangangahulugan lang niyon na kung sinuman ang mangangahas na pagtaasan siya ng boses ay hindi niya palalampasin. “You really dared to raise your voice at me? Who do you think you are? You are just a damn bride Senyora Elizabeth chose!” Nanginginig na ito sa galit. Humugot ng malalim na hininga si Sierra at taas noong tiningnan si Stevan. “I am just a wife who protects her helpless husband.” Malamig, ngunit klaro niyang sinabi. “How about you? Who are you to punish my husband? Nakalilimutan mo bang hindi mo siya anak para hatawin mo ng ganyan? As far as I remembered, you don't have the righ