Chapter 1
“Hmm…”
Paimpit na umungol si Kristal nang may bigla na lamang siyang naramdaman na mainit na bagay na nakalapat sa kaniyang katawan. Naglalakbay pataas at pababa na tila ba’y may sinusundan itong ritmo ng sayaw. At sa hindi maipaliwanag na kakaibang sensasyong nararamdaman niya ay tila may sariling utak ang kaniyang katawan at sumabay na lamang sa kung saan agos man siya dalhin nito.
Hindi na nabilang ni Kristal kung ilang beses o ilang ulit pa ito nangyari basta ang alam niya lamang na bago ipikit ang mga mata ay may isang brasong humapit sa kaniya para yapusin siya. Isang yakap na puno ng seguridad, isang yakap na nagpapakalma ng buong pagkatao niya. Sa isip-isip niya ay walang sinabi ‘yung mga panahon na natutulog siyang mag-isa kung kaya ay napahiling siya na sana hindi muna dumating ang umaga dahil ayaw niyang matapos ito. Na sana huminto ang oras…
Nagising si Kristal dahil sa sinag ng araw, dahilan para ilagay niya ang kaniyang kaliwang braso sa mukha para gawing pantakip pero hindi ito sapat para hayaan pa siyang matulog. Kung kaya’t tumalikod na lamang siya sa bintana at nilagay ang kaniyang braso sa tabi…
Naguguluhan si Kristal kung bakit matigas ang kaniyang unan ngayon. Ayaw niya ng matigas na unan kasi hindi siya makakatulog nang maayos.
SInubukan niyang kapain ang matigas na bagay nang bigla na lamang may humawak sa kaniyang kamay. Trying to stop her arm from moving. Kristal slowly opens her eyes to see if she’s just imagining na may humawak nga sa kaniya.
Isang mata…dalawa. Her eyes are still adjusting pero naaaninag na niya ang mukha ng tao. Nang tuluyan na itong bumukas ay napasigaw siya nang kaonti. May lalaki siyang kasama sa kama.
“Anong ginagawa mo ri–” Napatigil si Kristal nang makita niya nang maayos ang taong nasa harap niya. She can feel her body freezing because kilalang-kilala niya kung sino iyon. Napalunok siya ng laway nang mapagtantong nasa kama silang dalawa at parehong hubad.
“Boss!” Biglaan na lamang tumayo si Kristal sa hiya, hindi inantala kung ano ang ipapantakip niya sa hubad niyang katawan. Nang makita ang kumot ay dagli-dagli niya itong hinila at ginawang tube dress niya. Napaigik siya dahil sa biglaan pagtayo. Masakit pa rin ang gitnang parte ng kaniyang katawan. Ano bang ginawa na–.
‘Oh my god! OH MY GOD! Hindi naman siguro no? Right? No, no, no. Hindi p’wede ‘to? Boss ko siya.’ Sabi ni Kristal sa kaniyang isip.
Napatingin si Kristal sa lalaking prenteng nakahiga sa kama. Umiwas siya ng tingin nang bigla na lamang nagtama ang mga mata nilang dalawa. Nakakahiya kasi her boss and she had SEX.
Bumaha bigla ‘yung mga nangyari kagabi. Nagsisipasukan ‘yung mga memoryang dapat ng kalimutan. They were wild last night. At wala sila sa sarili niyang tent kung hindi ay nasa parang mas malaking tent pa sila, ang tent ng boss niya na si Lorenzo. Hindi rin alam ni Kristal kung anong ginagawa niya rito.
Pilit na inaalala ang rason at nang mahanap na ay napasapo si Kristal sa kaniyang noo. May team building pala sila at hiking ‘yung napili ng company para rito. Kaya may mga tent at parang mountain-ish vibe ang paligid. May bonfire rin kagabi at uminom silang lahat.
‘Tila may magnet na nagsasabing tignan ulit ni Kristal ang kaniyang ang boss kung kaya’t ginawa niya ulit. Nakapikit na ito at nakataas ang isang braso para takpan ang mga mata. Kitang-kitang ni Kristal kung gaano ka kakinis at kaputi ang katawan ng kaniyang boss na si Mr. Lorenzo Yu. Naglakbay pa ang mga titig ni Kristal paibaba na naging dahilan kung bakit bigla na lamang uminit ang kaniyang mga pisngi nang maalala ulit ang nangyari. Buti na lamang na may nakatakip na kumot dito.
Bumalik sa bandang bewang ang mga mata ni Kristal at bahagyang napasinghap nang makita ang maliliit na gasgas at kalmot sa bandang bewang ni Lorenzo. Gumalaw ang lalaki at dumapa kaya kitang-kita ni Kristal ang malalaking kalmot nito sa likod. Napailing nalang si Kristal sa nakita dahil namumula pa ang mga ito at mukhang masakit.
Hindi pa rin makapaniwala si Kristal sa nangyayari dahil siya ay isang hamak lamang na Intern sa isa sa mga pinakamalaking kompanya 2 weeks ago. Dala na rin sa iritasyon ay bahagyang sinasabunutan ni Kristal ang kanyang sarili na naging dahilan kung bakit unti-onting buksan ni Lorenzo ang kaniyang mga mata.
Siguro dahil na rin sa kaba at kahihiyan ay dagli-dagling isinuot ni Kristal ang kaniyang mga damit at lumabas na sa tent. Madilim pa rin sa labas at may naiwan pa ring bakas ang ginawang bonfire kagabi. Malamig pero hindi niya na ‘yon inantala pa at dumiretso na sa kung saan dapat siya natulog kagabi, sa tent na may kulay rosas at puti.
Kakahiga palang ni Kristal nang bigla na lamang gumalaw si Frankie, ang kasama niya sa tent. Hindi siya makahinga sa biglaang takot na kaniyang naramdaman. Natatakot siya na baka magtaka si Frankie kung bakit gising pa ito.
“Saan ka galing?” Simpleng tanong ni Frankie kay Kristal.
“Uhm, banyo lang.” Sagot naman ni Kristal.
Parang nabunutan ng tinik si Kritsal nang hindi na muling nagtanong pa si Frankie sa kaniya. Hindi siya makatulog sa kakaisip sa nangyari kagabi. Humahapdi na nga ang kaniyang mga mata at nagmamakaawang matulog na ito subalit dumating na lamang ang umaga na hindi niya pa rin sila pinagpapahinga.
Naririnig na ni Kristal ang mga kaluskos sa paligid, hudyat lamang na gising na ang kaniyang mga kasama sa team building na isinagawa. Ngunit kahit ganoon ay wala siyang gana tumayo. Nararamdaman na niyang magkakasakit siya. Itinaas ni Kristal ang kumot hanggang sa ulo niya lamang ang hindi pa natatakpan.
Naabutan pa siya ni Frankie sa ganoong lagay. Pumasok ito sa loob at sinabi na, “Kristal, bumangon ka na riyan kasi mag-h-hiking na ulit tayo after nating mag-breakfast.”
Napabuntong-hininga na lamang si Kristal habang inaalala na naman ang mga nangyari kagabi. Kasi nga baguhan pa lamang siya sa kompanya ay napasabak na ito sa inuman para makisama. Hindi niya naman intensiyon na malasing pero nakalimutan niyang medyo low tolerance pala siya kaya ayon, kung saan-saan na siya napunta. Napahilot si Kristal ng kaniyang sentido sa sobrang stress. Dahil hindi niya alam kung paano na niya haharapin ‘yung si Lorenzo pagkatapos ng nangyari.
“Kristal, are you okay? Anong nangyayari sa’yo?” Saad ni Frankie, na hindi namalayan ni Kristal na nasa tabi na niya pala ito.
“Okay lang ako, Frankie. P’wede pakisabi sa kanila na hindi muna ako sasama sa hiking? Medyo masama lang pakiramdam ko.” Mahinang sambit ni Kristal habang mas niyayakap pa ang kumot.
“Sige, inom ka muna ng gamot bago ka matulog,” saad ni Frankie sabay abot ng gamot at tubig kay Kristal. Tinanggap naman niya ‘yon at ininom.
Nakahiga na ulit si Kristal at umalis na silang lahat. ‘Tila hudyat ‘yon sa kaniya na time na para ilabas ang disappointment sa sarili.
‘Bakit ko hinayaang mangyari ‘to? Ngayon pa talaga na baguhan palang ako sa kompanya?’ Naiinis na pangaral ni Kristal sa sarili. Subalit sa gitna ng frustrations niya ay bigla na lamang sisingit ang mukha ng kaniyang boss. Hindi rin makakaila na gwapo nga si Lorenzo at mabango rin.
—-
Nang makarating na ang ibang empleyado sa meetup point nila para sa hiking ay hindi makakailang kinagigiliwan ng mga ito si Lorenzo Yu, ang kanilang boss. Dahil pagkalabas palang nito sa kaniyang kotse ay nagbubulungan na ang mga kababaihan at hindi ito nakaligtas kay Frankie.
“Ang hot naman ni Sir. Lorenzo! Hindi ko inaakalang mas bagay sa kaniya ‘yung pang-casual na damit!”
“Ate ko, ‘yung laway mo, p’wede mo nang panligo. Mahiya ka naman!”
“Hays, busog na busog na naman mga mata ko nito!”
Napaismid na lamang si Frankie nang marinig ang mga bulungan dahil sanay na rin siya ganiyan.
“Did everyone sleep well last night?” Tanong ni Lorenzo pagkarating niya sa gitna na tinanguan naman ng lahat.
“That’s good because you need a lot of strength for today’s activities.” Dagdag pa ni Lorenzo.
Napunta ang tingin ni Lorenzo kay Richard, ang kaniyang assitant, para umapit ito sa kaniya. Tumango naman si Richard at nagsimula nang humakbang palapit kay Lorenzo.
“May pumasok ba dito sa tent ni Mr. Yu kagabi?” Tanong ni Richard.
Nakita ni Lorenzo ang reaksiyon ng kaniyang mga empleyado. Nadismaya siya rito kung kaya’t makikita ito sa bahagyang nakukunot niyang noo.
“Kanino ‘to?” Segundang tanong ni Lorenzo nang wala marinig na sagot. Hawak niya ang isang white jade beads bracelet. Nakita niya ito sa kaniyang tent at sigurado siyang sa babaeng kasama niya kagabi ito.
“If someone knows the owner of this white jade bracelet, just let me know. And those who will finish the hike first will receive a bonus from me, and it will be doubled.” Sabi nalang ni Lorenzo nang wala pa ring umaako kung sino ang may-ari.
The crowd went wild after hearing it. Malaki-laking pera rin iyon para sa mga taong nangangailangan at kapos sa mga bilihin at bayarin.
“Double?!”
“P100,000 ang bonus ko last year so if times 2, then P200,000 rin ‘yon!” Masayang sabi ng isang empleyado.
Chapter 2“Kaninong bracelet ‘to?” Pangatlong tanong ni Lorenzo.“Mukhang ordinary bracelet lang siya eh, baka nabibili lang sa tabi-tabi.” Sabi naman ng isang empleyado.“Frankie, alam mo ba kung sinong may-ari nito?” Napaangat ng tingin si Frankie para tignan ang bracelet. Umiling ito at umiwas agad ng tingin, “Ah? Hindi ko alam.”“Okay, mag-r-roll call na tayo.” Nag-start na mag-roll call si Richard. At natawag na ang lahat, si Kristal nalang ang wala. Inulit naman ni Richard ang pangalan ni Kristal kung kaya ay sumagot na si Frankie.“Nasa campsite si Kristal, may sakit po siya sir.”“May sakit? Anong nangyari?” Tanong ni Richard habang naglalakbay ang mga mata papunta kay Lorenzo na ngayon ay nakaupo sa kaniyang itim na kotse. Nasa kamay pa rin si Lorenzo ang bracelet at tila inuusisa ito nang mabuti.“Okay, tara na,” dagdag ni Richard. Naglakad si Richard hawak-hawak ang ang kaniyang planner papunta kay Lorenzo. Huminto siya sa tapat nito at tinanong na, “Are you going with us
Chapter 3Bumaba man ang lagnat ni Kristal ay hindi pa rin siya makakauwi. Sabi ng doktor ay nagkaroon daw siya ng bacterial infection na nag-c-cause ng inflammation sa kaniyang katawan. Kailangan pa siyang obserbahan kaya mananatili pa muna siya ng dalawa pang araw sa hospital.Gabi na nang dumating ang ate ni Kristal, si Maurice. Makikita mo rito ng labis na pag-aalala para sa kaniyang kapatid. Minsanan lang kasi magkasakit si Kristal kaya ganoon na lamang ang pag-aalala ni Maurice rito.“Kumusta ka na?” Bungad na tanong ni Mau kay Kristal.“Okay lang ako ate, don’t worry about me. Malakas ata ‘to,” sabi ni Kristal habang tumatawa para maibsan man lang ang pag-aalala sa mukha ng kaniyang kapatid.“Anong nangyari at bakit nangyari ‘to? Hindi ka naman sakitin ah.” Grabe nalang mag-alala si Maurice sa kapatid dahil ito nalang ang natitira nitong kamag-anak dahil ulila na sila sa ama’t-ina.“Nahanginan lang siguro kaya nagkasakit. Pero mas maayos na pakiramdam ko ngayon kaya smile ka n
Chapter 4Pumasok si Kristal ng elevator na hindi pinapansin and dalawang tao sa harapan niya dahil sariwa pa rin sa kaniya kung paano nila siya saktan at linlangin.Kung dati ay hindi siya naniniwalang may hiwalayang nagaganap kasi nakiapid ang isa sa iba, subalit nu’ng nangyari ‘yon sa kaniya ay doon niya lang napagtanto na oo nga, nangyayari ito sa totoong buhay. Nangyari ‘yon nu’ng pagbukas niya ng pinto ng university dormitory ay ang hubad na katawan nila ni Erika, ang matalik niyang kaibigan, at ng ex boyfriend niya ang kaniyang ang nakita. Hindi siya makapaniwala at tila para siyang isang kandila na nauupos sa tabi nang masaksihan ‘yon.“Kris? Hi,” bati ni Erika kay Kristal.Tinaasan lamang ni Kristal ito ng kilay. ‘Wala ba siyang hiya at may gana pang pansinin ako pagkatapos nila akong traydurin?’ Inis na sabi ni Kristal sa sarili.“May school event ba? Vacation?” Patuloy na sabi ni Erika. Alam niya rin namang hindi siya papansinin ni Kristal, nagbabasakali lamang siya.Wala
Chapter 5Napasigaw si Kristal ng puting kisame na naman ang kaniyang nakita. Na-t-trauma na siya na sa tuwing ididilat niya ang kaniyang mga mata ay ito na agad ang bungad sa kaniya. Labis na pagtataka ang naramdaman ni Kristal at iniisip kung panaginip lang ba lahat ng mga nangyari sa kaniya sa nagdaang dalawang araw. ‘Yung pagsundo sa kaniya ni Maurice, ang pagkikita nila ng traydor niyang kaibigan at ex, at ang pagsulpot ni Lorenzo sa labas ng pinto ng kaniyang dorm.“Iha, okay ka lang ba? Binangungot ka ba? Napansin ko kasing grabe ‘yung hawak mo sa kumot mo kanina. Tignan mo, lukot-lukot na nga,” sabi ng matanda na katabi ni Kristal sa kabilang kama. Nasa isang ward siya ng hospital. Akala pa niya nu’ng una kung nababaliw na siya kasi mag-isa lang siya sa kwarto.“Boss ko po,” sagot naman ni Kristal rito.“Nakakatakot naman ang boss mo kung binanungot ka.” Dagdag pa ng matanda.Hindi na rin nakasagot si Kristal kasi bigla nalang bumukas ang pinto ng kuwarto. Pumasok roon si Lore
Chapter 6 “Hi, Kris. Okay ka na ba?” Bungad na tanong ni Frankie pagkatapos sagutin ni Kristal ang tawag.“Oo, mabuti-buti na rin,” sagot na lamang ni Kristal sa kausap.“Kumain ka na ba? Bumaba na ba ang lagnat mo? Gusto mo bang dalhan kita ng food diyan?” Hindi close si Kristal at Frankie kaya labis ang pagtataka ni Kristal kung bakit biglang grabe na ata ang pag-aalala ng babae sa kaniya.“No need, kumain na rin ako. Thanks for your concern, Frankie,” pigil ni Kristal kay Frankie.Natahimik naman ang babae sa kabilang linya. Pagkatapos ay tinanong niya si Kristal ng isang tanong na mas lalong nagpagulo sa isipan ni Kristal,“Uhm, so, nandiyan pa rin ba si boss? Binisita ka niya personally?” Maingat na tanong ni Frankie kay Kristal.“Wala na, umalis. And no, may iba siyang binisita.”“Oh, okay, sino?”Hindi alam ni Kristal kung paano sagutin ang tanong ni Frankie. Ayaw din naman niyang ibulgar dito na nasa hospital ang lola ng boss nila. Hindi naman maganda ‘yon para kay Kristal.
Chapter 7Pumunta muna si Lorenzo sa opisina ng doctor ng kaniyang lola para alamin ang test results nito bago ibigay kay Kristal ang lunchbox. Nang matapos siyang kausapin ay dumiretso na siya kaagad sa ward. Pagkarating niya roon ay nakita niyang gising na si Kristal at nag-iinat na. Hindi na muna siya pumasok at naghintay kung ano pa ang gagawin ng babae. Kinumutan ni Kristal si Lola Ven, sinigurong hindi ito malamigan. Matapos niyang gawin iyon ay inayos niya rin ang unan ng matanda. Iinom na sana siya ng tubig nang makarinig ng konting kaluskos sa kaniyang likuran. "B-boss, ikaw pala 'yan," mahinang sabi ni Kristal. Na-conscious siya kasi bagong gising palang siya."Thanks for taking care of my grandma." Nakangiting sabi ni Lorenzo kay Kristal. Naiintindihan na ngayon ng lalaki ang sinabi ng kaniyang lola sa kaniya. Mabait nga at malambot ang puso ni Kristal, at bulag lamang ang hindi makakapansin dito. "Okay lang po 'yon. Wala naman ako masiyadong ginawa atsiyaka pambayad na r
Chapter 8 Walang ibang maririnig mula sa pagitan nina Kristal at Lorenzo kung hindi ang may pag-iingat nilang paghinga. Kinakabahan sa kung ano man ang kahihitnan nito. Nang tuluyan nang mahubad ni Kristal ang kaniyang damit ay bumungad kay Lorenzo ang maputi at tila porselanang kutis ng babae. Ngunit nadismaya siya nang makitang wala roon ang kaniyang hinahanap. Wala kang makikitang kahit na anong kalmot o bakas nang mainit na gabi nilang dalawa, ilang araw na ang nakakaraan. "I'm sorry, Miss Liwayway." Bakas ang disappointment sa boses at mukha ni Lorenzo kung kaya ay napaiwas ito ng tingin. "Was this enough, boss? Did I prove my point to you?" Naiiyak na sambit ni Kristal habang sinusuot pabalik ang kaniyang damit. Napahiya siya at nanliit sa mga nangyayari. "..." Sinubukang buksan ni Lorenzo ang kaniyang bibig ngunit walang lumalabas na salita roon. Wala siyang masagot sa tanong ni Kristal. Ang pag-alis lamang ang nakikita niyang magandang gawin sa mga oras na 'yon. Tumalik
Chapter 9Natigilan saglit si Kristal nang makita si Erika, pero hindi na niya ito pinagtuonan pa ng pansin ulit. Pumanhik na siya sa taas at binuksan ang pinto ng kaniyang kwarto. Hindi pa siya nakakapasok nang marinig niyang nagsalita si Erika."Kris?"Hindi ito pinansin ni Kristal at dumiretso na papasok. Kung nagtaka siya kung bakit nandito si Erika ay mas lalo pa siyang nagtaka nang makita na maraming gamit sa kwarto niya. Dalawang maleta nakatihayang lang sa sahig.Hindi makapaniwalang tinignan ni Kristal si Erika at nagtanong na, "Kailan ka pa bumalik dito? Bakit hindi mo ako sinabihan?"Bago sagutin ni Erika ang tanong ni Kristal ay nagmamadali siyang sinarado ang dalawang maleta. Alam niya kasing ayaw ni Kristal nang makalat. "Akala ko umalis ka na?" Pagpapatuloy pang tanong ni Kristal."Uhm, may kinuha lang ako. Sa'yo ba 'to?" Napasunod naman ang tingin ni Kristal sa tinuro ni Erika. Nailapag pala ni Kristal ang dalang bag sa kama niya kaya makikita kung ano ang sa loob niy