Share

4

Chapter 4

Pumasok si Kristal ng elevator na hindi pinapansin and dalawang tao sa harapan niya dahil sariwa pa rin sa kaniya kung paano nila siya saktan at linlangin.

Kung dati ay hindi siya naniniwalang may hiwalayang nagaganap kasi nakiapid ang isa sa iba, subalit nu’ng nangyari ‘yon sa kaniya ay doon niya lang napagtanto na oo nga, nangyayari ito sa totoong buhay. 

Nangyari ‘yon nu’ng pagbukas niya ng pinto ng university dormitory ay ang hubad na katawan nila ni Erika, ang matalik niyang kaibigan, at ng ex boyfriend niya ang kaniyang ang nakita. Hindi siya makapaniwala at tila para siyang isang kandila na nauupos sa tabi nang masaksihan ‘yon.

“Kris? Hi,” bati ni Erika kay Kristal.

Tinaasan lamang ni Kristal ito ng kilay. 

‘Wala ba siyang hiya at may gana pang pansinin ako pagkatapos nila akong traydurin?’ Inis na sabi ni Kristal sa sarili.

“May school event ba? Vacation?” Patuloy na sabi ni Erika. Alam niya rin namang hindi siya papansinin ni Kristal, nagbabasakali lamang siya.

Wala salitang kumawala sa bibig ni Kristal sa buong lift na ‘yon. Kaya tumahimik na rin si Erika. 

Napakagat-labi nalang si Kristal habang hinihinintay na makarating sa ground floor. Nang bumukas ang elevator ay dali-dali siyang lumabas kaya na-stuck ang gulong ng kaniyang maleta sa pagitan ng espasyo ng elevator door. Nakailang hila na siya rito pero hindi pa rin natatanggal. Nakuha niya lamang ito nang tulungan siya ni Paul.

“Salamat,” tipid na sambit ni Kristal at umalis na. 

Sumara na ulit ang elevator door at pababa na ng parking. Tumingin si Erika kay Paul na ngayo’y tahimik na.

“Ang laki na ng pinagbago ni Kristal, love no? Galit pa kaya siya sa’tin? What if makipagkita ako sa kaniya para mag-apologize?” 

“Importante pa ba ‘yon? Nagawa na natin. Sa tingin mo ba mapapatawad niya tayo?” Mahinang sabi ni Paul.

Napaiwas ng tingin si Erika at pinisil-pisil ang daliri, “Sinisisi mo ba ako, Paul?”

Imbis na sumagot si Paul ay nanatili itong tahimik na siyang nagpainit ng ulo ni Erika.

“Kung hindi mo pa kayang bitawan ang nakaraan niyo ni Kristal. Just tell me, Paul. I can talk to her and explain our side. Ako ang aako since ako rin naman ang may kasalanan. Mabait naman si Kristal, she’ll forgive you…”

Dala na rin ng emosyon ay tumakbo palabas ng elevator si Erika nang makarating sila sa underground parking lot. Dahil nakatakip sa kaniyang mukha ang dalawang kamay ay hindi niya nakita ang paparating na sasakyan. Huli na nang mapansin niya ang humaharurot na sasakyan papunta sa gawi niya. Wala siyang ginawa kung hindi tumayo lang doon. 

Hinili siya ni Paul para iligtas sa pagkakabunggo. Minura pa sila ng driver bago ito umalis.

“Magpapakamatay ka ba?” Galit na turan ni Paul. Bakas din ang labis na pag-aalala sa mukha nito pati na rin ang nginig sa boses nito.

Walang ibang reaksiyon si Erika kung hindi ay umiyak. Napayakap nalang siya kay Paul dahil na rin sa takot. 

“Shush, tahan na.” Sabi naman ni Paul habang yakap si Erika.

—----

Nag-book nalang ng grab pabalik ng university dormitory si Kristal. Kasi maliban sa bahay ng ate niya ay dito lang siya p’wedeng tumira. Nu’ng una ay apat ang nakatira sa dormitory pero nang nag-start na ang internship ay si Kristal na lamang ang natitira. Roommate niya rin dati si Erika. Mapait siyang napangiiti nang maalala ang samahan nilang dalawa…nu’ng mga panahon hindi pa nila trinaydor si Kristal.

Bago mangyari ang bistuhan ay nasa labas si Kristal para mag-aral. Nang malamang may power outage sa university ay mabiis siyang tumakbo pabalik ng dorm. Alam niya kasing takot sa dilim ang bestfriend niyang si Erika. Ngunit ang sobrang pag-aalala niya ay napalitan ng galit nang makita ang dalawang taong pinagkatiwalaan niyang magkayakap sa ibabaw ng kama at hubad din. 

Napabuntong-hininga na lamang si Kristal at sinimulan na ang pag-aayos ng gamit. Pagkatapos nito ay pahiga na sana siya nang nag-ring ang kaniyang phone. Tumatawag ang kaniyang ate, umiiyak. Huminga siya nang malalim bago magsalita.

“Nasaan ka? May sakit ka pa, ‘di ba? Bumalik ka rito. Hindi ka man lang nagpaalam sa’kin. Pupuntahan kita.”

“Ate, mas mabuting dito muna ako kaysa riyan. Okay naman ako rito eh. After ng internship, maghahanap kaagad ako ng trabaho, p’wede naman ako magtrabaho rito sa dormitory.”

“No, wala ang kuya mo rito. At kung babalik man siya, akong bahala sa kaniya, Pupunta ako riyan,” mabilis na sabi ni Maurice.

“Ate, malaki na ako. Ito na siguro ang time para ako naman ang maghirap para sa sarili ko, ‘di ba? Ayoko nang maging rason ng hidwaan niyong dalawa ni kuya Carlos,” sagot naman ni Kristal.

“Kahit na, gusto kong sa tabi lang kita palagi, kapatid pa rin kita,” sabi naman ni Maurice habang humihikbi.

“Alam ko naman ‘yon, ate, pero kailangan kong matuto na ako lang. Kapag may problema, babalitaan kita kaagad. Susuportahan mo naman ako, ‘di ba? I love you.” 

“Paano kung hindi? Babalik ka ba rito?” Umiiyak pa ring tugon ni Maurice.

Napangiti na lamang si Kristal habang umiiling. Pinipigilan na umiyak, “Hindi, ate. Kailangan ko ‘to. Kailangan nating dalawa. You’re the best sister in the entire world. Mahal kita palagi ha.”

“Hayaan mo kapag nakapag-ipon na ako, bibilhan kita ng malaking bahay. Magpapatayo rin ako ng shop para may passive income kayo ni kuya Carlos.” Dagdag pa ni Kristal dito.

“Sus, huwag na. Ordinaryong tao lang din naman kami ng kuya mo. Hindi rin naman namin ‘yan madadala sa hukay eh. Basta palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Ang tanging gusto ko lang ay maging masaya ka, ayos na ako roon.” 

Hindi na napigilan pa ni Kristal ang pagbuhos ng kaniyang mga luha, Tunay ngang mahal talaga siya ng kaniyang ate.

“Ako rin naman, gusto ko lang na maging masaya ka.”

Pinatay na rin ni Kristal ang tawag at tahimik na umiyak sa kaniyang kama. Natigil nalang ito nang may narinig siyang katok. 

‘Sino naman ang pupunta rito nang gaanitong oras?’ Sa isip-isip ni Kristal.

Sa isiping baka nangangailangan ay binuksan ni Kristal ang pinto at bumungad sa kaniya ang mukha ng kaniyang boss. Si Sir Yu! Sa isiping nanaginip lamang siya ay kinusot ni Kristal ang kaniyang mga mata at napagtantong narito nga si Lorenzo sa kaniyang harapan. 

Hindi rin alam ni Kristal kung bakit sa tuwing nakikita niya ito ay nanghihina siya. Siguro dala na rin ng gutom at antok ay dumilim ulit ang kaniyang paningin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status