Share

6

Chapter 6 

“Hi, Kris. Okay ka na ba?” Bungad na tanong ni Frankie pagkatapos sagutin ni Kristal ang tawag.

“Oo, mabuti-buti na rin,” sagot na lamang ni Kristal sa kausap.

“Kumain ka na ba? Bumaba na ba ang lagnat mo? Gusto mo bang dalhan kita ng food diyan?” 

Hindi close si Kristal at Frankie kaya labis ang pagtataka ni Kristal kung bakit biglang grabe na ata ang pag-aalala ng babae sa kaniya.

“No need, kumain na rin ako. Thanks for your concern, Frankie,” pigil ni Kristal kay Frankie.

Natahimik naman ang babae sa kabilang linya. Pagkatapos ay tinanong niya si Kristal ng isang tanong na mas lalong nagpagulo sa isipan ni Kristal,

“Uhm, so, nandiyan pa rin ba si boss? Binisita ka niya personally?” Maingat na tanong ni Frankie kay Kristal.

“Wala na, umalis. And no, may iba siyang binisita.”

“Oh, okay, sino?”

Hindi alam ni Kristal kung paano sagutin ang tanong ni Frankie. Ayaw din naman niyang ibulgar dito na nasa hospital ang lola ng boss nila. Hindi naman maganda ‘yon para kay Kristal.

“A friend, perhaps?” 

“Oh, okay,” tunog disappointed na sambit ni Frankie.

“Free naman ako tonight, do you want me to accompany you?” Dagdag pa ni Frankie.

“Hindi na, Frankie. Kaya ko naman na. Salamat nalang.” Mariing tanggi ni Kristal sa babae. Ayaw niya itong disturbuhin pa.

“Sige, magpahinga ka ha. Huwag kang mag-alala sa trabaho mo, I’ll help you with those.”

“Thank you ulit, Frankie. Magpahinga ka na rin.” Sabi nalang ni Kristal bago patayin ang call.

Pagkatapos ng tawag ay napakunot ang noo ni Frankie. Iniisip ang usapan nila ni Kristal, napatigil nalang ‘yon nang tumabi sa kaniya si Jade. Kasamahan niya sa trabaho.

“Kailan pa kayo naging close ng intern? Dinalhan mo rin ng pagkain?” Pag-uusisa ni Jade kay Frankie.

“Naaawa lang ako sa kaniya,” tanggi naman ni Frankie rito.

“Why would you be? Halos lahat naman ng interns dito sa’tin ay ganiyan. Gagamitin ang pagiging bata para kunwari wala pa silang mas’yadong alam sa mundo. Tactic nila ‘yan para kaawaan sila. Hays, nagpapaniwala naman kayo riyan,” madamdaming sabi ni Jade. 

Hindi nalang ito pinansin pa ni Frankie at iniisip niya kung bibisita ba sa hospital ngayong gabi.

—--

Nasa alas-singko na ng hapon nang maubos ang ikaapat na IV drip ni Kristal. Last na rin ‘yon at p’wede na siyang umuwi. Pauwi na sana siya sa dorm niya pero natigilan nang makitang nag-iisa lang ang lola ng kaniyang boss kaya napagpasiyahan niyang hintayin nalang muna si Lorenzo bago umuwi.

Bumukas ang pinto at pumasok ang kaniyang ate Maurice. May dala itong pagkain.

“Ate, bakit ka narito?” 

“Dinalhan lang kita ng dinner bago kasi gutom ka na,” nakangiting sabi ni Maurice habang inilalagay ang payong sa gilid ng pinto.

Natakam naman si Kristal dito kung kaya’t sumubo na siya agad.

“Hindi mo kailangan pumunta pa rito, ate. Kaya ko naman ang sarili ko,” sabi ni Kristal habang ngumunguya ng manok.

Ginulo naman ni Maurice ang buhok ng kapatid bilang sagot. 

Naaawa si Kristal sa kapatid dahil malayo-layo rin ang hospital sa bahay ng kaniyang ate. Nag-aalala rin siya na baka mag-away na naman silang mag-asawa dahil sa kaniya.

Napansin naman ito ni Maurice at hinawakan ang kamay ng kapatid.

“Wala ang kuya Carlos mo sa bahay. May pinuntahang event sa trabaho. Umuulan din kaya hindi rin ako makapagtrabaho. Kaya imbes na magmukmok sa bahay ay naisip kong puntahan ka rito.” Paliwanag naman ni Maurice sa kapatid. Naiintindihan din naman nito ang gustong ipahiwatig ng kapatid.

“Okay,” sagot na lamang ni Kristal dito. 

Tinigil niya muna ang pagkain nang mapansing basa ang damit ng kaniyang ate. Kumuha si Kristal ng tissue at pinunasan ang basang parte ng damit ni Maurice.

“Nakakatuwa naman kayong dalawa,” mangiyak-ngiyak na sabi ng matanda, si Lola Ven.

“Ganiyang-ganiyan din kami ng kapatid ko dati pero maaga niya akong iniwan. Kapag buhay pa siguro siya ay pupunta rin siya rito para alagaan ako katulad ng ate mo, iha,” dagdag pa ni Lola Ven.

Nalungkot naman ang magkapatid sa sinabi ng matanda kaya nagsalita si Maurice para pagaanin ang nararamdaman nito.

“Ganiyan talaga ang buhay, Lola. Isipin nalang natin na ginagabayan pa rin nila tayo kahit wala na sila. Ngumiti ka na 'la baka sumugod 'yung kapatid niyo rito sa lupa if nakita niya kayong nakabusangot pa rin eh," pampagaang sabi ni Maurice.

"Oo nga, sorry ha. Matanda na kasi kaya kung anu-ano nalang ang naiisip ko," nahihiyang sambit naman ni Lola Ven.

"Wala lang po 'yon, 'la. Kasi mapabata man o matanda, naiisip pa rin natin ang mga taong lumisan na. Hindi naman ibig sabihin na kapag patay na ay wala na, 'di ba?"

"Tama ka riyan, iha."

Hindi na sinagot ni Maurice ang matanda at nilabas nalang ang sala niyang pagkain. 

"Kumain ka na ba, lola? Kung hindi pa, may dala ako ritong pagkain, baka gusto mong tikman ang luto kong adobo?" 

"Ay! Hindi ako hihindi riyan," masiglang sabi ni Lola Ven.

Napatingin naman dito si Kristal at ngumiti. Masaya siyang hindi na malungkot ang matanda.

Inalalayan ni Maurice si Lola Ven para makaupo sa upuan malapit sa maliit na lamesa para roon na kumain.  Binuksan naman ni Kristal ang tupperware at nagsimula nang kumain. Hindi makailang masayang nagkukuwentuhan silang tatlo habang inuubos ang dinalang adobo ni Maurice.

-------

Matapos namang i-type ni Frankie ang "Yu's Company" sa kaniyang ginagawang report ay si-nave na niya ito at huminga nang malalim. Pagod na ito sa kaniyang ginawa kaya pinagpahinga muna nito ang kaniyang likod. Papikit na si Frankie nang makita niyang nagmamadaling lumabas si Lorenzo ng kaniyang office kung kaya't dagli-dagli niyang pinatay ang kaniyang computer at sinundan ang lalaki.

Umuulan din sa mga oras na 'yon. Nilapitan ni Frankie si Lorenzo nang maabutan niya ito sa entrance, marahil naghihintay ng kaniyang kotse.

"Hi, boss. Uuwi ka na po?"

Tinignan muna ni Lorenzo si Frankie bago sumagot ng, "Oo."

Siguro dahil na rin walang emosyon ang mukha ni Lorenzo ay nakaramdam ng awkwardness si Frankie. Nag-iisip siya ng sasabihin nang maalala si Kristal.

"Hala, hindi ko pa pala napapadalhan ng pagkain si Kristal kasi nag-overtime ako," malakas na sabi ni Frankie.

"What did you say?" Tanong naman ni Lorenzo nang marinig ang babae.

"Ah, nagsabi po kasi ako kay Kristal na dadalhan ko siya ng pagkain. Hindi ko na napansin ang oras 'tas umuulan na rin ngayon. Mahihirapan na akong pumunta pa sa hospital," pagpaparinig naman ni Frankie sa kaniyang boss.

"You still going to the hospital?" 

"Sana, boss."

Ilang minuto lamang ay dumating na ang kotse ni Lorenzyo, binuksan niya ang pinto at sinabing, "Get in. Pupunta rin naman ako roon."

Hindi naman na nagdalawang-isip pa si Frankie at pumasok na agad sa kotse.

------

Nang binuksan ni Lorenzo ang pinto ng ward ay nagtaka siya dahil ang tahimik sa loob. Papunta na sana siya sa kama ng kaniyang lola nang makitang hindi lang pala ito ang nandoon. Natigilan si Lorenzo nang makitang nakatulog habang nakaupo si Kristal sa gilid ng kama. Ang dalawang kamay nito ay nasa ibabaw ng kama at nakapatong rito ang kaniyang ulo. Narinig din ni Lorenzo ang mahinang hilik nito kasabay ang mahinang sound na nanggaling TV at sa ulan. 

"Kristal?" Mahinang tawag ni Frankie sa labas ng ward.

Iniwang bukas ni Lorenzo ang pinto ng ward at lumabas nang tuluyan. Sinabihan niyang huwag maingay si Frankie.

"Ha, bakit po?" Nagtatakhang tanong ni Frankie sa boss.

"Kristal is sleeping. I think she doesn't have any enough sleep these past few days so just let her be. Don't disturb her," sagot naman ni Lorenzo sa mahinang boses. Nag-iingat at baka magising si Kristal pati ang kaniyang lola.

Pagkatapos namang sabihin ni Lorenzo 'yon ay naglakad na siya paalis.

Napakunot naman ang noo ni Frankie sa lalaki. Nagtataka siya kung bakit ganoon na lamang ang kaniyang boss kay Kristal. Iniisip ng babae na baka alam na ni Lorenzo ang sikreto niya.

Napailing naman siya nang maalalang ayaw ng kaniyang boss sa mga sinungaling. Kaya kung nadiskubre man nito ang sikreto ni Frankie ay hindi na sana siya sinabay papuntang hospital. Ilang minuto ring inisip ito ni Frankie, nabigla lamang siya nang may kumuha ng dala niyang lunch box sa kaniyang kanang kamay. Napaangat siya ng tingin at nakitang si Lorenzo ito.

"You can go back first. Ako na magbibigay nito kay Kristal. Umuulan na rin, mahihirapan kang makasakay."

"Sige boss, thank you. Una na ako," parang natalong sagot ni Frankie kay Lorenzo. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status