Share

5

Chapter 5

Napasigaw si Kristal ng puting kisame na naman ang kaniyang nakita. Na-t-trauma na siya na sa tuwing ididilat niya ang kaniyang mga mata ay ito na agad ang bungad sa kaniya. Labis na pagtataka ang naramdaman ni Kristal at iniisip kung panaginip lang ba lahat ng mga nangyari sa kaniya sa nagdaang dalawang araw. ‘Yung pagsundo sa kaniya ni Maurice, ang pagkikita nila ng traydor niyang kaibigan at ex, at ang pagsulpot ni Lorenzo sa labas ng pinto ng kaniyang dorm.

“Iha, okay ka lang ba? Binangungot ka ba? Napansin ko kasing grabe ‘yung hawak mo sa kumot mo kanina. Tignan mo, lukot-lukot na nga,” sabi ng matanda na katabi ni Kristal sa kabilang kama. Nasa isang ward siya ng hospital. Akala pa niya nu’ng una kung nababaliw na siya kasi mag-isa lang siya sa kwarto.

“Boss ko po,” sagot naman ni Kristal rito.

“Nakakatakot naman ang boss mo kung binanungot ka.” Dagdag pa ng matanda.

Hindi na rin nakasagot si Kristal kasi bigla nalang bumukas ang pinto ng kuwarto. Pumasok roon si Lorenzo. Hindi pinahalata ni Kristal na tinitignan niya si Lorenzo at umaktong hindi niya ito napansin. Sinubukan niya nalang tumayo para pumunta sa banyo dahil naiihi na siya. Pero reyna ata siya ng kamalasan dahil muntikan na naman siyanng madulas sa pagsuot palang ng kaniyang tsinelas. 

Buti nalang naka-focus si Lorenzo sa kaniyang lola kaya hindi niya napansin ang nangyari kay Kristal.

“Grandma, how are you feeling?” Tanong ni Lorenzo habang nilapag sa maliit na mesa ang dala niyang pagkain para sa lola niya.

Napatingin si Kristal sa bandang gawi nila Lorenzo at natigilan sa kaniyang nakita. May kakayahan din palang maging soft ang kaniyang boss dahil nakayakap na ito sa kaniyang lola at parang batang nakayakap sa beywang nito.

Kung nasa opisina kasi si Lorenzo ay akala mo kung sinong bato ang kausap mo. Walang emosyon ang mukha o hindi naman kaya ay seryoso lamang habang naglalakad. 

Sumunod ang tingin ni Kristal nu’ng lagyan ni Lorenzo ng arrozcaldo ‘yung bowl. Hinipan niya rin ito bago ialok sa matanda.

“Ayoko na, kakakain ko lang ng apple, busog na ako,” tanggi naman ng matanda. 

Dala na rin siguro ng gutom ay nakatunganga lang si Kristal sa nasaksihan. Gusto niya rin ng arrozcaldo.

“Kumain ka na ba, miss? May dalang arrozcaldo ‘yung apo ko. Sakto-sakto kasi mainit pa siya, maganda para mainitan ang tiyan mo.” Alok ng matanda ng makitang nakatingin sa kanila si Kristal.

“Ay hindi na po, lola, busog pa po ako,” tanggi ni Kristal rito. Nahihiyang tumalikod kasi baka narinig ng matanda ang kaniyang iniisip kanina. Gustuhin mang tanggapin ni Kristal ang alok ng matanda pero nahihiya ito kay Lorenzo, hindi lang dahil may nangyari sa kanila kung pati ay boss niya rin ito.

“Busog? Eh kagigising mo nga lang. Hala, Enzo, bigyan mo nang makakain ‘yung babae. Ang tagal niya na ring tulog at walang pamilyang bumibisita sa kaniya. Nanaginip din siya nang masama, bangungot na ata eh. Tinanong ko kung sino ang napaginipan niya. Sabi niya ‘yung boss niya raw, ang sama siguro ng ugali ng boss niya,” patuloy-tuloy na sabi ng matanda. Hindi na niya makasingit sa sinabi ng matanda para wala na itong masabi pang iba pero dire-diretso lang ito. 

Tumingin si Lorenzo kay Kristal at tinanong, “Takot ka sa boss mo? Why? Did you do something?”

Hindi makasagot si Kristal sa tanong ni Lorenzo. Hindi rin naman niya ma-e-explain nang maayos eh. Napakibit-balikat nalang siya habang nag-iisip ng excuse. 

Nang maalalang mag-c-cr pala siya sana ay dumiretso na siya sa banyo.

“Cr lang ako, usap lang po kayo.”

Pagkapasok na pagkapasok palang ni Kristal sa banyo ay napadaing sa sakit si Lorenzo nang hampasin siya sa likod ng kaniyang lola. 

“Anong ginawa mo at takot sa’yo ang babaeng ‘yon, aber?”

“Wala naman akong ginagawang masama ah. Am I that scary?” Tanong ni Lorenzo sa matanda. Baka kasi mukha na niya ang problema at hindi ‘yung mga empleyado niyang takot na takot sa kaniya kapag sa trabaho.

“Parang hindi naman. At gusto ko siya, mukha siyang mabait at hindi arogante,” sagot naman ng kaniyang lola.

“Granny, she has a boyfriend, don’t formulate any ideas in your mind. Let’s respect her relationship.” Mapait na sambit ni Lorenzo. 

“Oh, paano mo alam na may boyfriend?”

“Kasi…empleyado ko siya.” Sagot ni Lorenzo sabay iwas ng tingin. Napatango-tango nalang ang matanda pero bakas pa rin dito ang ngiti sa kaniyang labi. 

Paglabas ni Kristal sa banyo ay ‘yung boss niya nalang ang nandito. Sa kaniya rin ang tingin ni Lorenzo kung kaya ay na-c-conscious siyang gumalaw. Naglakad si Kristal pabalik sa kama niya at ilalagay na sana sa hook ‘yung IV fluid bottle pero hindi niya ito maabot. Ilang beses niya ring sinubukan pero hindi talaga kaya ng height niya. Napahinto na lamang siya sa kaniyang ginagawa nang narinig niya ang boses ni Lorenzo.

“Akin na.” 

Pasimpleng inamoy ni Kristal si Lorenzo nang tuluyan na itong nakalapit sa kaniya. Kung mabango na si Lorenzo sa malayo ay mas mabango pa siya sa malapitan. Ilang segundo pa ay naikabit na nito ang IV fluid bottle at umatras. 

“Thank you, Mr. Yu,” pasasalamat ni Kristal at pagkatapos ay umupo na sa gilid ng kaniyang kama.

“This is for you,” sambit ni Lorenzo habang hawak-hawak ang tupperware na may laman na arrozcaldo kanina. 

Hindi na napigilang mamula ni Kristal sa ginawa ng kaniyang boss. Nagbaba siya ng tingin para hindi magkasalubong ang mga mata nila ni Lorenzo at baka mahalata siyang kinikilig. 

“Pinabibigay ng lola ko.” Pinipigilan ni Lorenzo na kumawala ang ngiti sa kaniyang labi. Nakikita na kasi niyang namumula si Kristal.

“Sige, thank you boss. Magpapasalamat nalang ako mamaya kay lola.”

“I have something to ask you, will that be okay?” 

“Yes, boss,” sagot naman ni Kristal.

“Do you recognize this?” 

Tumingala si Kristal para tignan ang sinasabi ni Lorenzo. ‘Yung bracelet niya na akala niyang nawala nu’ng gabing may nangyari sa kanila ng kaniyang boss. 

“No,” sagot ni Kristal sa mahinang boses. 

“Sigurado ka ba?” Paniniguradong tanong ni Lorenzo sa babae.

Kitang-kita ni Kristal sa mukha ng lalaki ang disappointment. Pero isinawalang-bahala niya lamang ito dahil mas nanaig sa kaniya ang takot at hiya na mahuli siya ng boss niya. 

“Opo…ngayon ko lamang nakita ‘yan.” Sinabayan pa ni Kristal ng pagtango para magmukhang convincing siya sa harap ng kaniyang boss. 

“Alright.” 

Hindi na rin nagsalita pa si Lorenzo pagkatapos nu’n at lumabas na ng ward.

Hindi makapaniwala si Kristal na naiwan niya lang ‘yon basta-basta. Bigay ‘yon ng kaniyang ate nu’ng freshman palang siya. For good luck daw kasi pina-blessing ito ni Maurice sa simbahan at siya rin mismo ang may gawa rito. Walang nakakaalam na may ganitong bracelet si Kristal kasi palagi siyang naka-long sleeves. Kaya hindi siya nag-aalala na may magsusuplong sa kaniya pero gusto niyang kunin ang bracelet kay Lorenzo dahil importante ‘yon sa kaniya.

Sa buong maghapon ay puno ang inbox ni Kristal ng messages ni Frankie. Nagtatanong kung okay lang siya o hindi. Nag-reply nalang din si Kristal dito kasi binantayan siya nito sa hospital nu’ng dinala siya rito. Pero isa pa sa ipinagtataka ni Kristal kung bakit tinatanong ni Frankie kung dumaan ba ang boss nila dito. 

Nag-reply siya rito na “oo” at bigla na lamang tumawag si Frankie sa kaniya. Naguguluhan man ay sinagot pa rin ni Kristal ang tawag.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status