Chapter 10Kagigising palang ni Lorenzo nang naramdaman niyang may gumagalaw sa paligid. Pagod niyang binuksan ang mga mata at nakita si Kristal na dahan-dahang naglalakad papunta sa pintuan kung kaya't tinanong niya ito."Ibabalik ko lang po ang binigay niyo sa'kin, boss," nahihiyang sagot ni Kristal kay Lorenzo."Don't you like it?" Tanong naman ni Lorenzo habang tinititigan ang paper bag na nasa ibabaw lamang ng mesa nito."Hindi naman po sa ganoon," sagot ni Kristal sabay iwas ng tingin. "Mas'yado pong mahal 'yung binigay mo, boss. I can't accept it, and wala naman akong rason para tanggapin 'yan. Wala rin akong paggagamitan.""It's not that expensive..." mahinang sambit ni Lorenzo. "You should accept it, consider it as a little gift from me. Or do you want something else? I can call Richard right now." Nakokonsensiya si Lorenzo sa ginawa niya kay Kristal kaay gusto niya itong bigyan ng konting maaaring magpapagaan ng damdamin nito."Boss, hindi ko naman na naiisip ang nangyari
Chapter 11Bigla nalang pumasok sa isipan ni Kristal si Lorenzo pero ang imposible namang tutulungan siya ng lalaki. Isa lang naman siyang intern ng kompanya."Wala po..." Nakapikit na sagot ni Kristal. Tanggap na nito ang kapalaran niya.Pero bago pa niya dugtungan ang sasabihin ay biglang bumukas ang pinto. Pinakita nito si Lorenzo na tila kagigising lang."I can prove it. Are we good now?"Lahat ng empleyado ay napatingin kay Lorenzo nang sabihin niya 'yon. Nagulat din si Kristal sa biglaang pagsulpot ng lalaki. Nawala na rin ang pangamba sa kaniyang puso at napalitan ng kakaibang kaba nang papalapit na sa puwesto niya si Lorenzo."B-boss Yu, nasa loob ka lang pala." Nauutal na sambit ni Jade. Hindi nito inaasahang lalabas ng opisina nito ang kanilang boss."Kanina pa ako rito. I called Miss Liwayway here in my office. I can prove to you that she didn't steal anything. Are my words enough?" Nakataas ang kaliwang kilay ni Lorenzo habang ang mga mata ay kay Jade."..." Tahimik lamang
Chapter 12"Hello, Frankie?""Uhm, hi, Kris!" Tunog nagmamadaling sambit ni Frankie sa kabilang linya."Kasama mo ba si boss ngayon?" "Why? Anong nangyari?" Tanong naman ni Kristal."May document akong ipapa-sign sana. Urgent lang," sagot naman ni Frankie.Napatingin si Kristal sa pinto bago sumagot, "Sabihan ko ba si boss?""No need. Alam ko namang may business meeting kayo ngayon, I don't want to distract him. Just send me the address and I'll personally come there. Hintayin ko nalang mismo ang signed documents para mabilis." Mahabang sabi naman ni Frankie.Sa isiping tama nga naman si Frankie ay binigay agad ni Kristal ang address ng lugar kung saan sila ngayon. Hindi rin nagtagal ay nakatulog na siya dahil na rin sa pagod. Gabi na nang magising si Kristal. Nag-ayos kaagad siya at lumabas na ng room niya. Nakita niyang paalis na sina Lorenzo at Richard.Inayos niya nang bahagya ang kaniyang buhok at sumunod sa likod ng dalawa."You don't have to go." Sambit ni Lorenzo nang mapansi
Chapter 13Kitang-kita pa rin ang naiwang mga marka sa maputing balat ni Frankie. At nang makita 'yon ni Lorenzo ay nag-iba agad ang kaniyang reaksiyon, dumilim na tila hindi hinihigop nito ang enerhiya ng kaharap niya."Where did you get these marks Miss De Jesus?" "B-boss..." Pabulong na sambit ni Frankie. Hindi na ito makahinga sa sobrang lapit ni Lorenzo sa kaniya. Nararamdaman nito ang mainit at mabango nitong hininga kung kaya't hindi nito napigilan na hawakan ang gilid ng kaniyang suot na skirt habang umiiwas sa nakakatusok na tingin ng lalaki.Napasinghap pa lalo si Frankie nang diinan ni Lorenzo ang hawak nito sa kaniyang pulsuhan sabay pisil din sa kaniyang baba."Answer my question! Saan nanggaling 'yan?" Pasigaw na tanong ni Lorenzo.Dahil sa nangyari ay nag-uunahang bumaba ang mga luha ni Frankie. Napakagat din ito ng labi para iwasang kumawala ang kanina pa niyang pinipigil na hikbi."Richard! Come here." Malamig na tawag ni Lorenzo sa assistant nito nang mapagtantong w
Chapter 14"Boss..."Pumasok sina Lorenzo at Frankie sa loob ng elevator."Let's go to the hospital.""Okay." Hindi na nagtanong pa si Richard at pinindot nalang ang UG button.Umalis muna si Richard para kunin ang kotse habang naiwan sina Kristal, Lorenzo, at si Frankie na hanggang ngayon ay hawak-hawak pa rin ng lalaki. Nang lumakas ang ihip ng hangin ay nanginig sa lamig si Frankie kaya hinigpitan ni Lorenzo ang hawak dito. Pagkarating ng kotse sa harapan nila ay binuksan ni Kristal ang back door para paupuin muna sina Lorenzo at Frankie. Ang orihinal na intensiyon sana ni Lorenzo ay paupuin si Frankie kasama si Kristal sa back seat pero nang maiupo na niya si Frankie ay nakita niyang namumula pa ang mga mata nito galing sa pag-iyak. Hinigpitan din nito ang hawak niya kay Lorenzo kaya wala siyang choice kung hindi samahan ito sa likod.Hindi naman ito pinansin pa ni Kristal at pumasok nalang sa passenger seat. Habang tinatahak nila ang daan papuntang hospital ay sa labas lang na
Chapter 15"Anong sabi mo?" Tinignan naman ni Jade si Kristal, "I-d-deny mo pa ba?"Tumingin muna si Kristal sa skirt niya bago kay Jade, "Hindi ko naman di-de-deny. Ang akin lang, nakatayo lang ako rito kanina 'tapos binunggo mo ako. Hindi ko kasalanan 'yon, ang lapad-lapad ng daan. Kahit naman ako ang may kasalanan, hindi kita babayaran ng P150,000."Hindi naman in-expect ni Jade na paptulan siya ni Kristal. Kung kaya't nagulat siya at mas lalong nainis, "Naglalakad ako sa way kung nasaan ka nakatayo. Malamang na mabubunggo kita. Bayaran mo ako o I'll make you pay for it."Buong akala ni Jade na matatakot niya si Kristal sa paganoon niya pero nagsalita ulit si Kristal, "Hindi naman worth P150,000 'yan!"Nanlaki naman ang mga mata ni Jade sa sinabi ni Kristal, "What nonsense are you talking about Kristal? International brand 'to, hindi lang galing sa bangketa. Okay lang naman na hindi mo 'yan alam basta huwag ka lang magsabi ng walang kuwenta tungkol sa mga damit ko.""Totoo naman an
Chapter 16"Gusto ko lang na mag-sorry ka sa'kin...sa harap nilang lahat. At okay na ako roon," pagmamatigas ni Kristal.Totoo namang may mali si Jade at hindi niya makakaila 'yon. May ebidensiya na rin dahil sa inilabas na CCTV footage."Sir Richard!" Pagmamaktol ni Jade kay Richard.Hindi naman ito tinignan ni Richard, "Jade, mag-sorry ka nalang kay Kristal para tapos na 'tong lahat."Nang makita ni Jade na hindi siya tutulungan ni Richard ay para siyang pinagbagsakan ng langit. Nakakaawa at walang kakampi.Binuksan naman ni Richard ang pinto ng private room nila at lumabas na silang tatlo. "Everyone, listen up. Naimbestigahan ko na ang nangyari at si Jade ang dahilan ng lahat ng ito. Siya ang aksidenteng nakabunggo kay Kristal at dahil dito, mag-s-sorry si Jade sa kaniya sa harap niyong lahat. Pagkatapos nito ay wala na sana akong marinig pa tungkol dito. Maliwanag?"Tumuon naman ang mga mata ng lahat kila Jade and Kristal, naghihintay kung ano ang mangyayari. Sa huli, ay humingi n
Chapter 17Ang biglaang pag-ring ng telepono ni Kristal ay naglikha nang malakas na tunog. Hindi lang siya ang naguat dito kung hindi pati na ring ang kasama niya sa banyo, sina Frankie at Jade. Pumunta ang dalawa rito para makapag-usap nang sila-sila lang pero hindi sila nag-expect na may kasama pala sila sa banyo.Umakyat naman ang dugo sa ulo ni Jade at iritableng kinatok ang pinto ng cubicle kung nasaan nanggagaling ang tunog, "Sino ang nariyan?"Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto at iniluwa nito si Kristal."Ikaw? Bakit ka nandito at nakikinig sa usapan ng iba?" "Hindi ko naman sinasadya. Mas nauna akong dumating dito." Pagpapaliwanag ni Kristal habang prenteng lumakad papunta sa sink.Hinablot naman ni Jade ang braso ni Kristal, " Kristal, siguraduhin mong totoo ang mga pinagsasabi mo ha. Wala akong pakialam kung kinakampihan ka ng boss natin. Gagawin ko lahat mapatalsik ka lang dito kapag nalaman kong nagsisinungaling ka.""Jade." Pag-aalo ni Frankie sa kaibigan, "Hayaan mo
Chapter 44"Kalokohan!" Hinawakan ni Maurice ang kamay ni Kristal bago hinaplos ang pisngi nito gamit ang kanyang mga daliri, at malumanay na sinundan ang sinabi."Pero ang Kris namin ang pinaka-cute at pinaka-mabait na bata sa mundo. Kung gusto mong mag-asawa balang araw, dapat isang mabuting lalaki lang ang mapapangasawa mo. Huwag kang mag-alala, hinding-hindi kita hahayaang maranasan ang mga hirap na pinagdaanan ko. Bubuksan ko ang mga mata ko para hanapin ang pinakamahusay na lalaki para sa'yo. Hindi pwedeng maghirap ang Kris namin."Kagat-labi lang si Kristal at walang imik sa sinabi ng kaniyang ate.Akala ata ng kapatid niya na nagbibitiw lang siya ng salita dahil sa galit, pero totoo ang bawat salitang binitiwan ni Kristal. Parang minarkahan na ng lipunang ito ang mga babae. Kailangan nilang magpakasal, manganak, alagaan ang asawa’t mga anak, habang ang mga lalaki ang sinasabing haligi ng tahanan. Kahit magkamali ang mga lalaki, parang tinatanggap pa rin ito bilang makatuwiran.
Chapter 43Papalabas ng underground parking lot si Lorenzo nang makita sa malayo ang nakatayong si Kristal, naghihintay ng bus na masasakyan. Naalala niya ang pagtanggi nito at nakaramdam siya nang hindi maipaliwanag na emosyon.Sa mga oras na iyon ay tumawag si Frankie at nagtanong."Lorenzo, uuwi ka ba para maghapunan ngayon?""May appointment ako, you guys can eat first.""Ah, ganoon ba." Bahagyang nadismaya ang boses ni Frankie. "Gusto mo ba ng midnight snack mamaya? Ihahanda ko na para sa'yo nang maaga.""No need, I don't do midnight snacks. Just rest since you've been busy all day.""Sige."Pagkatapos ibaba ang tawag, nanatiling nakaupo si Lorenzo sa kotse. Hindi siya gumalaw hangga't hindi niya nakikitang sumakay si Kristal sa bus. Nang makasakay na ito, dalawang beses niyang tinapik ang manibela, pagkatapos ay binuksan ang phone book at tinawagan si Marco."Where are you?""Sa Yese." Sumagot si Marco na parang bagong gising pa. "Bakit, pupunta ka ba rito?""Papunta na." Matapo
Chapter 42Namula sa galit si Kristal dahil sa narinig. Ngunit sa paningin ni Frankie, ang pamumula ng babae ay dahil sa kahihiyan at pagsisisi.Gamit ang mahinahong tinig, sinabi ni Frankie na, "Bata ka pa, Kris. Huwag mong ugaliing gumawa ng desisyong ikapapahamak mo.""Wala naman akong ginawang masama..." Gusto sanang ipagtanggol ni Kristal ang sarili, ngunit bigla niyang nakita si Lorenzo. Ang mga mata ng lalaki ay puno ng lambing, walang bahid ng pagdududa, at kalmado, na tila kayang payapain nito ang damdamin ni Kristal.Dumako naman ang tingin ni Lorenzo sa namumulang sulok ng mga mata ni Kristal. "Kristal, find Richard and tell him that I have a job for him to do."Natigilan si Kristal dahil dito. Kung tutuusin ay kayang-kaya ni Lorenzo na tawagin si Richard gamit ang telepono pero bakit kailangan pa niyang utusan si Kristal para hanapin ito nang personal? Gusto ba siya nitong paalisin para makapag-usap sila ni Frankie?"Opo, boss." Tumayo na si Kristal at lumabas ng opisina.
Chapter 41Sa may private room...Nang makita ni Kristal na binubuksan na ni Lorenzo ang ointment ay napakurap siya nang ilang beses bago tinawag ang pansin ng lalaki."Boss!"Napaharap naman sa kaniya si Lorenzo at tinignan siya. Napatayo na rin si Kristal sa kaniyang kinauupuan."Uhm...akin na po ang ointment, ako na ang maglalagay.""Kaya mo ba?" Nag-aalangan na tanong ni Lorenzo."Opo, boss," pagtatango naman ni Kristal.Hindi na rin nagpumilit pa ang lalaki at sinarado muna ang bote bago ibigay kay Kristal."Remember to apply it accordingly, it will be bad if it leaves bruises." Habang sinasabi ito ni Lorenzo ay hindi naman makamayaw ang kaniyang mga mata sa kakatingin sa balikat ni Kristal. Kapag naiisip ang malambot na balikat nito ay parang may tumatalon na kung ano sa kaniyang puso."Okay," nakatangong sagot ni Kristal."Sige po, una na ako..."Hindi pa tapos magsalita ang babae nang bigla nalang nag-ring ang cellphone ni Lorenzo. Kinuha niya ito at sinagot."Hello.""Busy ka
Chapter 40"Richard."Kakalabas palang ni Richard ng opisina ni Lorenzo nang bigla na lamang may bumigkas ng kaniyang pangalan. Nang harapin niya ito ay nakita niyang si Frankie pala—nakasuot ng Chanel-brand na outfit at may dala-dalang crocodile leather na bag. Halata ring nanggaling sa salon dahil sa ayos ng buhok nito. Sumisigaw ng yaman ang pananamit ni Frankie ngayon, ibang-iba sa nakasanayan ni Richard dati."Nasaan si boss?"Sasagot na sana siya nang maalala ang bilin ni Lorenzo kanina kaya pinigilan niyang pumasok si Frankie sa opisina nito. "Busy si boss ngayon at hindi ka niya makakausap."Napahinto naman saglit si Frankie bago ipinakita ang hawak na tupperware sa lalaki."Nilutuan ko siya ng pagkain...""Akin na't ako nalang ang magbibigay," sambit ni Richard sabay abot ng tupperware sa kamay ni Frankie pero hindi niya ito nakuha dahil iniwas ito kaagad ng babae sa kaniya."Rinig kong promoted daw si Kristal? At nasa opisina ni boss ang workstation niya. Ibig sabihin ba ni
Chapter 39Tahimik na ngayon ang silid at walang malay na nakahiga na si Kristal sa kama, habang nakaupo naman sa kaniyang tabi si Lorenzo. Wala ring tigil ang pagdudugo ng ilong nito na kahit kumalat na sa kaniyang mukha at damit ay parang wala rito ang atensiyon niya. Ang mga mata ni Lorenzo ay nakatuon lamang kay Kristal na agaran namang napansin ni Richard.Nang makitang sina Richard at Doc Gem ay tumayo na si Lorenzo para salubungin ito. "Check her, doc. She has an injury on her shoulder," bungad na sabi ni Lorenzo."This...she is a girl, Mr. Yu. I think we should wait until she wakes up to ask her permission," pag-aalangan ni Doc Gem."I told you to check her, why are you talking so much nonsense?" Kunot ang noong tanong ni Lorenzo."..." Wala namang choice si Doc Gem kung hindi ang lumapit sa kama.Nakasuot ng long-sleeved shirt si Kristal at kinakailangang hubaran ang isang sleeve nito para makita ang injury. Kahit na sa mga mata ni Doc Gem ay hindi importante ang kasarian ay
Chapter 38Sinalubong naman nang mainit at magaang yakap ni Lorenzo si Kristal. Sarado na rin ang pinto ng elevator, at dahil nga naka-mirror type ang material nito ay kitang-kita ni Kristal ang naguguluhang mukha niya pati na rin ang nakayukong si Lorenzo—na yakap-yakap siya. Sa sobrang lapit nilang dalawa ay nararamdaman na ni Kristal ang tainga ni Lorenzo sa kaniya. Ang init na nanggagaling sa katawan niya ay parang dumoble dahil na rin sa intensidad na binibigay ni Lorenzo sa yakap na binibigay nito. Naririnig na rin ni Kristal ang mabibigat na hininga ng lalaki."..."Hindi pa rin nakabawi si Kristal sa nangyayari. Nagtataka pa rin siya kung bakit yayakapin siya ng boss nang ganito kahigpit."B-boss...boss..." Gamit ang natitirang lakas ni Kristal ay bahagya niyang tinulak ang lalaki. Isang tulak lang 'yon pero nakawala na siya sa yakap ni Lorenzo. Buong akala niya ay mahina lang 'yon pero medyo napalakas pala nang makitang nakadalawang hakbang na paatras si Lorenzo hanggang sa
Chapter 37Napahinto naman sa kaniyang ginagawa si Kristal nang marinig ang tanong ni Richard."Hindi po ba't pinapadala niyo ako ng gamit for minutes of the meeting?" Sagot naman niya habang inosenteng ipinakita ang dala niyang notebook sa lalaki."Ang ibig kong sabihin is 'yung laptop mo, bakit ka pupunta rito na notebook lang ang dala mo? Marami kang i-t-take note mamaya, hindi ka ba natatakot na masugatan ang kamay mo?" Manghang balik na tanong naman ni Richard.Ito kasi ang unang general meeting ni Kristal kaya hindi niya alam kung ano ang mangyayari. Atsyaka, isa lang ang laptop niya, bigay pa sa kaniya 'yon ni Paul, pero naiwan niya sa dorm. Kahit naman dala niya ay parang hindi pa rin siya makakasabay sa kadahilanang nag-l-lag 'yon. "Okay lang po 'yan, mabilis akong magsulat.""Give her mine," sabat ni Lorenzo sa usapan ng dalawa. Nasa likod lang kasi nito sina Kristal at Richard kung kaya't naririnig niya ang pag-uusap ng dalawa."Okay, boss," sambit ni Richard bago tumayo p
Chapter 36Iniangat muna ni Erika ang kaniyang employee ID bago nangungutyang nagsalita."Katatanggap lang sa'kin dito kaya magiging magkatrabaho na tayong dalawa.""Oh," seryosong sambit ni Kristal."Ang...malas ko naman.""Ha?" Napaawang ang bibig na tanong ni Erika."Ang malas ko na nga nu'ng naging kaibigan kita at nakasama dati sa dorm. Akala ko hindi na tayo magkikita pagkatapos ng college, pero nandito ka na naman. Kailan mo ba ako tatantanan?" Pagpapaliwanag ni Kristal.Kung hindi lang seryoso ang mukha ni Kristal nang mga oras na 'yon ay aakalain ni Erika na nagbibiro ang babae. Nanibago ito dahil kung dati ay duwag at takot magsalita si Kristal ay ibang-iba naman ito ngayon. Masakit na itong magsalita."..." Hindi alam ni Erika kung paano mag-react sa sinabi ni Kristal kaya nanatili itong tahimik. Wala na ring iba pang sinabi si Kristal at lumabas na ng banyo pagkatapos ng pagtatagpong 'yon. Pagkabalik niya sa opisina ni Lorenzo ay kasalukuyan itong nasa virtual meeting. N