Chapter 15"Anong sabi mo?" Tinignan naman ni Jade si Kristal, "I-d-deny mo pa ba?"Tumingin muna si Kristal sa skirt niya bago kay Jade, "Hindi ko naman di-de-deny. Ang akin lang, nakatayo lang ako rito kanina 'tapos binunggo mo ako. Hindi ko kasalanan 'yon, ang lapad-lapad ng daan. Kahit naman ako ang may kasalanan, hindi kita babayaran ng P150,000."Hindi naman in-expect ni Jade na paptulan siya ni Kristal. Kung kaya't nagulat siya at mas lalong nainis, "Naglalakad ako sa way kung nasaan ka nakatayo. Malamang na mabubunggo kita. Bayaran mo ako o I'll make you pay for it."Buong akala ni Jade na matatakot niya si Kristal sa paganoon niya pero nagsalita ulit si Kristal, "Hindi naman worth P150,000 'yan!"Nanlaki naman ang mga mata ni Jade sa sinabi ni Kristal, "What nonsense are you talking about Kristal? International brand 'to, hindi lang galing sa bangketa. Okay lang naman na hindi mo 'yan alam basta huwag ka lang magsabi ng walang kuwenta tungkol sa mga damit ko.""Totoo naman an
Chapter 16"Gusto ko lang na mag-sorry ka sa'kin...sa harap nilang lahat. At okay na ako roon," pagmamatigas ni Kristal.Totoo namang may mali si Jade at hindi niya makakaila 'yon. May ebidensiya na rin dahil sa inilabas na CCTV footage."Sir Richard!" Pagmamaktol ni Jade kay Richard.Hindi naman ito tinignan ni Richard, "Jade, mag-sorry ka nalang kay Kristal para tapos na 'tong lahat."Nang makita ni Jade na hindi siya tutulungan ni Richard ay para siyang pinagbagsakan ng langit. Nakakaawa at walang kakampi.Binuksan naman ni Richard ang pinto ng private room nila at lumabas na silang tatlo. "Everyone, listen up. Naimbestigahan ko na ang nangyari at si Jade ang dahilan ng lahat ng ito. Siya ang aksidenteng nakabunggo kay Kristal at dahil dito, mag-s-sorry si Jade sa kaniya sa harap niyong lahat. Pagkatapos nito ay wala na sana akong marinig pa tungkol dito. Maliwanag?"Tumuon naman ang mga mata ng lahat kila Jade and Kristal, naghihintay kung ano ang mangyayari. Sa huli, ay humingi n
Chapter 17Ang biglaang pag-ring ng telepono ni Kristal ay naglikha nang malakas na tunog. Hindi lang siya ang naguat dito kung hindi pati na ring ang kasama niya sa banyo, sina Frankie at Jade. Pumunta ang dalawa rito para makapag-usap nang sila-sila lang pero hindi sila nag-expect na may kasama pala sila sa banyo.Umakyat naman ang dugo sa ulo ni Jade at iritableng kinatok ang pinto ng cubicle kung nasaan nanggagaling ang tunog, "Sino ang nariyan?"Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto at iniluwa nito si Kristal."Ikaw? Bakit ka nandito at nakikinig sa usapan ng iba?" "Hindi ko naman sinasadya. Mas nauna akong dumating dito." Pagpapaliwanag ni Kristal habang prenteng lumakad papunta sa sink.Hinablot naman ni Jade ang braso ni Kristal, " Kristal, siguraduhin mong totoo ang mga pinagsasabi mo ha. Wala akong pakialam kung kinakampihan ka ng boss natin. Gagawin ko lahat mapatalsik ka lang dito kapag nalaman kong nagsisinungaling ka.""Jade." Pag-aalo ni Frankie sa kaibigan, "Hayaan mo
Chapter 18Minsanan lang kung dumalo si Lorenzo sa mga ganitong pagtitipon, lalo na kung dahil ito sa empleyado. Kaya ganoon na lamang ang pagkabigla ng mga tao sa loob ng silid. Tahimik na kumakain si Kristal sa tabi at paminsan-minsang nakikinig sa usapan ng kasamahan niya sa trabaho."Hindi ko akalaing nandito si boss. I mean, hindi nga siya minsan uma-attend sa company parties natin before eh. I-n-invite rin siya dati ng iba nating kasama pero no show siya. Paano kaya napapayag ni Frankie si boss?""Oo nga eh, kaya nagtataka ako. Hindi naman pansinin si Frankie sa office.""Napansin niyo ba? Iba 'yung tinginan ni Frankie kay sir. Parang binabakuran niya eh.""No way? Maganda si Frankie pero walang-wala pa sa kalingkingan ng level ni boss.""Correct ka riyan! Ang mga lalaking kagaya ni boss ay p'wedeng maghanap ng babaeng mas higit pa kay Frankie. Hello? Si Boss Yu na 'yan eh.""What do you think, Kristal? Tama naman 'di ba?"Ang tahimik na kumakain ng apple na si Frankie ay nasali
Chapter 19Kung magpapalit ng card sina Kristal at Lorenzo ay makakaiwas sa mga walang prenong tanong at pinapagawa ni Lander ang babae pero ang iniisip nito ay kung papaano naman ang lalaki.Sa mga oras na iyon ay hindi namalayang nahigpitan na pala ni Kristal ang hawak sa card dahil sa mga naiisip."Kris?" Nabigla ang babae sa biglaang paghawak ni Frankie sa balikat nito, "Turn mo na para ipakita ang card na napunta sa'yo."Huminga muna nang malalim si Kristal bago ipinakita ang hawak-hawak na truth or dare card."Oh, are you choosing truth?" Pagtatanong naman ni Jade rito. Biglang nabuhayan ang babae dahil alam niyang hindi normal ang itatanong ng nobyo niya kay Kristal dahil nga wala itong preno sa kaniya, sa kasamahan niya pa kaya sa trabaho?Tinignan naman ng ibang kasama nila si Frankie...naaawa, nalulungkot at natatakot sa kung anong p'wedeng mangyari.Dumayo muna ang tingin ni Frankie kay Lorenzo bago kay Lander, "Make it simple. Siya ang pinakabata at vulnerable dito.""Vulne
Chapter 20Hindi makapaniwala si Kristal sa narinig kung kaya't nabato ito sa kaniyang kinatatayuan. Hindi niya kailanman naisip na sasabihin sa kaniya 'yon ni Lorenzo. Sa isip-isip ng babae na baka sa sobrang kalasingan kaya kung anu-ano nalang ang naririnig nito."Boss...ano po?" Tila nalalasing pa lalong tanong ni Kristal kay Lorenzo.Napatigil din sa kaniyang pwesto si Lorenzo, hindi rin makapaniwala sa bilis ng nangyari. Nang makitang hindi na maayos ang pagtayo ni Kristal ay inabot niya ang siko ng babae para tulungan itong tumayo nang tuwid.Naka-short sleeve na baby-tee shirt lang si Kristal kasi hinubad niya ang ang suot na coat dahil sa init kanina sa loob ng silid. Nang mahawakan siya ni Lorenzo ay tila parang nakuryente silang dalawa na parang may kung anong malakas na enerhiya ang dumaloy sa kanilang mga katawan. Bumuhos din sa isipan ni Kristal ang nangyari noong gabing 'yon."Kris!" Pagbasag ni Frankie ng tensiyon sa pagitan ng dalawa.Hinawakan ni Frankie sa braso si K
Chapter 21Nasa loob na ng kotse si Frankie at papalayo na sa villa. Nang mapansing hindi na nito makita ang bahay ni Lorenzo ay tumingin ito kay Richard na siyang nagmamaneho ng sasakyan."Ngayon ko lang nakita ang matandang 'yon sa ilang beses kong pagpunta sa bahay ni boss. Lola niya ba talaga 'yon?""Oo," sagot naman ni Richard, "Kinuha siya ni boss nu'ng nagkasakit siya. Nag-aalala kasi walang ibang kasama sa bahay nila dati ang lola niya.""So hindi na siya aalis pa sa bahay ni boss?" Pag-iingat na tanong ni Frankie.Pero kahit gaano pa ka-malumanay ang boses ni Frankie ay nahimigan pa rin ni Richard ang hindi pagsang-ayon ng babae sa pagpapatira ni Lorenzo ng lola niya sa bahay nito."Tanungin mo nalang si boss diyan."Napaisip si Frankie at napagtantong tama nga si Richard. Siya nalang mismo ang magtatanong kay Lorenzo kung may pagkakataon. Sa isip-isip ni Frankie kung anong era na ba ngayon. Na ayos lang sana kung nabubuhay sila dati at okay lang na tumira kasama ang matatand
Chapter 22"Hindi po ba't naroon ka?" Tumalikod si Kristal para tignan kung sino ang nakaupo sa swivel chair at napapikit siya nang mariin nang mapagtantong ibang tao pala 'yon...hindi si Lorenzo. Si Marco Sy, matagal ng business partner ng Yu's Company at matalik na kaibigan ni Lorenzo. Hindi ito mas'yadong napapadpad sa opisina pero kilala at natatandaan ito ni Kristal dahil sa guwapo at matipuno nitong katawan."Mr. Sy?" Dalawang salita na kumawala sa bibig ni Kristal pagkatapos makita ang lalaki. Kahihiyan. 'Yan ang unang pumasok sa isipan ni Kristal dahil sa tagal niyang nagsasalita kanina, maling tao pa ang pinagmakaawaan niya. Pakiramdam niya tuloy na parang napunta lang sa wala lahat ng hinaing niya.May hawak-hawak na folder si Lorenzo at mukhang kagagaling lang sa isang meeting. Nang mapunta ang kaniyang tingin kay Kristal ay napansin agad nito ang namumula niyang mga mata. Parang may kumirot naman sa kaniyang puso nang makita niya ito."What have you done, Marco?" Tanong a
Chapter 44"Kalokohan!" Hinawakan ni Maurice ang kamay ni Kristal bago hinaplos ang pisngi nito gamit ang kanyang mga daliri, at malumanay na sinundan ang sinabi."Pero ang Kris namin ang pinaka-cute at pinaka-mabait na bata sa mundo. Kung gusto mong mag-asawa balang araw, dapat isang mabuting lalaki lang ang mapapangasawa mo. Huwag kang mag-alala, hinding-hindi kita hahayaang maranasan ang mga hirap na pinagdaanan ko. Bubuksan ko ang mga mata ko para hanapin ang pinakamahusay na lalaki para sa'yo. Hindi pwedeng maghirap ang Kris namin."Kagat-labi lang si Kristal at walang imik sa sinabi ng kaniyang ate.Akala ata ng kapatid niya na nagbibitiw lang siya ng salita dahil sa galit, pero totoo ang bawat salitang binitiwan ni Kristal. Parang minarkahan na ng lipunang ito ang mga babae. Kailangan nilang magpakasal, manganak, alagaan ang asawa’t mga anak, habang ang mga lalaki ang sinasabing haligi ng tahanan. Kahit magkamali ang mga lalaki, parang tinatanggap pa rin ito bilang makatuwiran.
Chapter 43Papalabas ng underground parking lot si Lorenzo nang makita sa malayo ang nakatayong si Kristal, naghihintay ng bus na masasakyan. Naalala niya ang pagtanggi nito at nakaramdam siya nang hindi maipaliwanag na emosyon.Sa mga oras na iyon ay tumawag si Frankie at nagtanong."Lorenzo, uuwi ka ba para maghapunan ngayon?""May appointment ako, you guys can eat first.""Ah, ganoon ba." Bahagyang nadismaya ang boses ni Frankie. "Gusto mo ba ng midnight snack mamaya? Ihahanda ko na para sa'yo nang maaga.""No need, I don't do midnight snacks. Just rest since you've been busy all day.""Sige."Pagkatapos ibaba ang tawag, nanatiling nakaupo si Lorenzo sa kotse. Hindi siya gumalaw hangga't hindi niya nakikitang sumakay si Kristal sa bus. Nang makasakay na ito, dalawang beses niyang tinapik ang manibela, pagkatapos ay binuksan ang phone book at tinawagan si Marco."Where are you?""Sa Yese." Sumagot si Marco na parang bagong gising pa. "Bakit, pupunta ka ba rito?""Papunta na." Matapo
Chapter 42Namula sa galit si Kristal dahil sa narinig. Ngunit sa paningin ni Frankie, ang pamumula ng babae ay dahil sa kahihiyan at pagsisisi.Gamit ang mahinahong tinig, sinabi ni Frankie na, "Bata ka pa, Kris. Huwag mong ugaliing gumawa ng desisyong ikapapahamak mo.""Wala naman akong ginawang masama..." Gusto sanang ipagtanggol ni Kristal ang sarili, ngunit bigla niyang nakita si Lorenzo. Ang mga mata ng lalaki ay puno ng lambing, walang bahid ng pagdududa, at kalmado, na tila kayang payapain nito ang damdamin ni Kristal.Dumako naman ang tingin ni Lorenzo sa namumulang sulok ng mga mata ni Kristal. "Kristal, find Richard and tell him that I have a job for him to do."Natigilan si Kristal dahil dito. Kung tutuusin ay kayang-kaya ni Lorenzo na tawagin si Richard gamit ang telepono pero bakit kailangan pa niyang utusan si Kristal para hanapin ito nang personal? Gusto ba siya nitong paalisin para makapag-usap sila ni Frankie?"Opo, boss." Tumayo na si Kristal at lumabas ng opisina.
Chapter 41Sa may private room...Nang makita ni Kristal na binubuksan na ni Lorenzo ang ointment ay napakurap siya nang ilang beses bago tinawag ang pansin ng lalaki."Boss!"Napaharap naman sa kaniya si Lorenzo at tinignan siya. Napatayo na rin si Kristal sa kaniyang kinauupuan."Uhm...akin na po ang ointment, ako na ang maglalagay.""Kaya mo ba?" Nag-aalangan na tanong ni Lorenzo."Opo, boss," pagtatango naman ni Kristal.Hindi na rin nagpumilit pa ang lalaki at sinarado muna ang bote bago ibigay kay Kristal."Remember to apply it accordingly, it will be bad if it leaves bruises." Habang sinasabi ito ni Lorenzo ay hindi naman makamayaw ang kaniyang mga mata sa kakatingin sa balikat ni Kristal. Kapag naiisip ang malambot na balikat nito ay parang may tumatalon na kung ano sa kaniyang puso."Okay," nakatangong sagot ni Kristal."Sige po, una na ako..."Hindi pa tapos magsalita ang babae nang bigla nalang nag-ring ang cellphone ni Lorenzo. Kinuha niya ito at sinagot."Hello.""Busy ka
Chapter 40"Richard."Kakalabas palang ni Richard ng opisina ni Lorenzo nang bigla na lamang may bumigkas ng kaniyang pangalan. Nang harapin niya ito ay nakita niyang si Frankie pala—nakasuot ng Chanel-brand na outfit at may dala-dalang crocodile leather na bag. Halata ring nanggaling sa salon dahil sa ayos ng buhok nito. Sumisigaw ng yaman ang pananamit ni Frankie ngayon, ibang-iba sa nakasanayan ni Richard dati."Nasaan si boss?"Sasagot na sana siya nang maalala ang bilin ni Lorenzo kanina kaya pinigilan niyang pumasok si Frankie sa opisina nito. "Busy si boss ngayon at hindi ka niya makakausap."Napahinto naman saglit si Frankie bago ipinakita ang hawak na tupperware sa lalaki."Nilutuan ko siya ng pagkain...""Akin na't ako nalang ang magbibigay," sambit ni Richard sabay abot ng tupperware sa kamay ni Frankie pero hindi niya ito nakuha dahil iniwas ito kaagad ng babae sa kaniya."Rinig kong promoted daw si Kristal? At nasa opisina ni boss ang workstation niya. Ibig sabihin ba ni
Chapter 39Tahimik na ngayon ang silid at walang malay na nakahiga na si Kristal sa kama, habang nakaupo naman sa kaniyang tabi si Lorenzo. Wala ring tigil ang pagdudugo ng ilong nito na kahit kumalat na sa kaniyang mukha at damit ay parang wala rito ang atensiyon niya. Ang mga mata ni Lorenzo ay nakatuon lamang kay Kristal na agaran namang napansin ni Richard.Nang makitang sina Richard at Doc Gem ay tumayo na si Lorenzo para salubungin ito. "Check her, doc. She has an injury on her shoulder," bungad na sabi ni Lorenzo."This...she is a girl, Mr. Yu. I think we should wait until she wakes up to ask her permission," pag-aalangan ni Doc Gem."I told you to check her, why are you talking so much nonsense?" Kunot ang noong tanong ni Lorenzo."..." Wala namang choice si Doc Gem kung hindi ang lumapit sa kama.Nakasuot ng long-sleeved shirt si Kristal at kinakailangang hubaran ang isang sleeve nito para makita ang injury. Kahit na sa mga mata ni Doc Gem ay hindi importante ang kasarian ay
Chapter 38Sinalubong naman nang mainit at magaang yakap ni Lorenzo si Kristal. Sarado na rin ang pinto ng elevator, at dahil nga naka-mirror type ang material nito ay kitang-kita ni Kristal ang naguguluhang mukha niya pati na rin ang nakayukong si Lorenzo—na yakap-yakap siya. Sa sobrang lapit nilang dalawa ay nararamdaman na ni Kristal ang tainga ni Lorenzo sa kaniya. Ang init na nanggagaling sa katawan niya ay parang dumoble dahil na rin sa intensidad na binibigay ni Lorenzo sa yakap na binibigay nito. Naririnig na rin ni Kristal ang mabibigat na hininga ng lalaki."..."Hindi pa rin nakabawi si Kristal sa nangyayari. Nagtataka pa rin siya kung bakit yayakapin siya ng boss nang ganito kahigpit."B-boss...boss..." Gamit ang natitirang lakas ni Kristal ay bahagya niyang tinulak ang lalaki. Isang tulak lang 'yon pero nakawala na siya sa yakap ni Lorenzo. Buong akala niya ay mahina lang 'yon pero medyo napalakas pala nang makitang nakadalawang hakbang na paatras si Lorenzo hanggang sa
Chapter 37Napahinto naman sa kaniyang ginagawa si Kristal nang marinig ang tanong ni Richard."Hindi po ba't pinapadala niyo ako ng gamit for minutes of the meeting?" Sagot naman niya habang inosenteng ipinakita ang dala niyang notebook sa lalaki."Ang ibig kong sabihin is 'yung laptop mo, bakit ka pupunta rito na notebook lang ang dala mo? Marami kang i-t-take note mamaya, hindi ka ba natatakot na masugatan ang kamay mo?" Manghang balik na tanong naman ni Richard.Ito kasi ang unang general meeting ni Kristal kaya hindi niya alam kung ano ang mangyayari. Atsyaka, isa lang ang laptop niya, bigay pa sa kaniya 'yon ni Paul, pero naiwan niya sa dorm. Kahit naman dala niya ay parang hindi pa rin siya makakasabay sa kadahilanang nag-l-lag 'yon. "Okay lang po 'yan, mabilis akong magsulat.""Give her mine," sabat ni Lorenzo sa usapan ng dalawa. Nasa likod lang kasi nito sina Kristal at Richard kung kaya't naririnig niya ang pag-uusap ng dalawa."Okay, boss," sambit ni Richard bago tumayo p
Chapter 36Iniangat muna ni Erika ang kaniyang employee ID bago nangungutyang nagsalita."Katatanggap lang sa'kin dito kaya magiging magkatrabaho na tayong dalawa.""Oh," seryosong sambit ni Kristal."Ang...malas ko naman.""Ha?" Napaawang ang bibig na tanong ni Erika."Ang malas ko na nga nu'ng naging kaibigan kita at nakasama dati sa dorm. Akala ko hindi na tayo magkikita pagkatapos ng college, pero nandito ka na naman. Kailan mo ba ako tatantanan?" Pagpapaliwanag ni Kristal.Kung hindi lang seryoso ang mukha ni Kristal nang mga oras na 'yon ay aakalain ni Erika na nagbibiro ang babae. Nanibago ito dahil kung dati ay duwag at takot magsalita si Kristal ay ibang-iba naman ito ngayon. Masakit na itong magsalita."..." Hindi alam ni Erika kung paano mag-react sa sinabi ni Kristal kaya nanatili itong tahimik. Wala na ring iba pang sinabi si Kristal at lumabas na ng banyo pagkatapos ng pagtatagpong 'yon. Pagkabalik niya sa opisina ni Lorenzo ay kasalukuyan itong nasa virtual meeting. N