Chapter 17Ang biglaang pag-ring ng telepono ni Kristal ay naglikha nang malakas na tunog. Hindi lang siya ang naguat dito kung hindi pati na ring ang kasama niya sa banyo, sina Frankie at Jade. Pumunta ang dalawa rito para makapag-usap nang sila-sila lang pero hindi sila nag-expect na may kasama pala sila sa banyo.Umakyat naman ang dugo sa ulo ni Jade at iritableng kinatok ang pinto ng cubicle kung nasaan nanggagaling ang tunog, "Sino ang nariyan?"Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto at iniluwa nito si Kristal."Ikaw? Bakit ka nandito at nakikinig sa usapan ng iba?" "Hindi ko naman sinasadya. Mas nauna akong dumating dito." Pagpapaliwanag ni Kristal habang prenteng lumakad papunta sa sink.Hinablot naman ni Jade ang braso ni Kristal, " Kristal, siguraduhin mong totoo ang mga pinagsasabi mo ha. Wala akong pakialam kung kinakampihan ka ng boss natin. Gagawin ko lahat mapatalsik ka lang dito kapag nalaman kong nagsisinungaling ka.""Jade." Pag-aalo ni Frankie sa kaibigan, "Hayaan mo
Chapter 18Minsanan lang kung dumalo si Lorenzo sa mga ganitong pagtitipon, lalo na kung dahil ito sa empleyado. Kaya ganoon na lamang ang pagkabigla ng mga tao sa loob ng silid. Tahimik na kumakain si Kristal sa tabi at paminsan-minsang nakikinig sa usapan ng kasamahan niya sa trabaho."Hindi ko akalaing nandito si boss. I mean, hindi nga siya minsan uma-attend sa company parties natin before eh. I-n-invite rin siya dati ng iba nating kasama pero no show siya. Paano kaya napapayag ni Frankie si boss?""Oo nga eh, kaya nagtataka ako. Hindi naman pansinin si Frankie sa office.""Napansin niyo ba? Iba 'yung tinginan ni Frankie kay sir. Parang binabakuran niya eh.""No way? Maganda si Frankie pero walang-wala pa sa kalingkingan ng level ni boss.""Correct ka riyan! Ang mga lalaking kagaya ni boss ay p'wedeng maghanap ng babaeng mas higit pa kay Frankie. Hello? Si Boss Yu na 'yan eh.""What do you think, Kristal? Tama naman 'di ba?"Ang tahimik na kumakain ng apple na si Frankie ay nasali
Chapter 19Kung magpapalit ng card sina Kristal at Lorenzo ay makakaiwas sa mga walang prenong tanong at pinapagawa ni Lander ang babae pero ang iniisip nito ay kung papaano naman ang lalaki.Sa mga oras na iyon ay hindi namalayang nahigpitan na pala ni Kristal ang hawak sa card dahil sa mga naiisip."Kris?" Nabigla ang babae sa biglaang paghawak ni Frankie sa balikat nito, "Turn mo na para ipakita ang card na napunta sa'yo."Huminga muna nang malalim si Kristal bago ipinakita ang hawak-hawak na truth or dare card."Oh, are you choosing truth?" Pagtatanong naman ni Jade rito. Biglang nabuhayan ang babae dahil alam niyang hindi normal ang itatanong ng nobyo niya kay Kristal dahil nga wala itong preno sa kaniya, sa kasamahan niya pa kaya sa trabaho?Tinignan naman ng ibang kasama nila si Frankie...naaawa, nalulungkot at natatakot sa kung anong p'wedeng mangyari.Dumayo muna ang tingin ni Frankie kay Lorenzo bago kay Lander, "Make it simple. Siya ang pinakabata at vulnerable dito.""Vulne
Chapter 20Hindi makapaniwala si Kristal sa narinig kung kaya't nabato ito sa kaniyang kinatatayuan. Hindi niya kailanman naisip na sasabihin sa kaniya 'yon ni Lorenzo. Sa isip-isip ng babae na baka sa sobrang kalasingan kaya kung anu-ano nalang ang naririnig nito."Boss...ano po?" Tila nalalasing pa lalong tanong ni Kristal kay Lorenzo.Napatigil din sa kaniyang pwesto si Lorenzo, hindi rin makapaniwala sa bilis ng nangyari. Nang makitang hindi na maayos ang pagtayo ni Kristal ay inabot niya ang siko ng babae para tulungan itong tumayo nang tuwid.Naka-short sleeve na baby-tee shirt lang si Kristal kasi hinubad niya ang ang suot na coat dahil sa init kanina sa loob ng silid. Nang mahawakan siya ni Lorenzo ay tila parang nakuryente silang dalawa na parang may kung anong malakas na enerhiya ang dumaloy sa kanilang mga katawan. Bumuhos din sa isipan ni Kristal ang nangyari noong gabing 'yon."Kris!" Pagbasag ni Frankie ng tensiyon sa pagitan ng dalawa.Hinawakan ni Frankie sa braso si K
Chapter 21Nasa loob na ng kotse si Frankie at papalayo na sa villa. Nang mapansing hindi na nito makita ang bahay ni Lorenzo ay tumingin ito kay Richard na siyang nagmamaneho ng sasakyan."Ngayon ko lang nakita ang matandang 'yon sa ilang beses kong pagpunta sa bahay ni boss. Lola niya ba talaga 'yon?""Oo," sagot naman ni Richard, "Kinuha siya ni boss nu'ng nagkasakit siya. Nag-aalala kasi walang ibang kasama sa bahay nila dati ang lola niya.""So hindi na siya aalis pa sa bahay ni boss?" Pag-iingat na tanong ni Frankie.Pero kahit gaano pa ka-malumanay ang boses ni Frankie ay nahimigan pa rin ni Richard ang hindi pagsang-ayon ng babae sa pagpapatira ni Lorenzo ng lola niya sa bahay nito."Tanungin mo nalang si boss diyan."Napaisip si Frankie at napagtantong tama nga si Richard. Siya nalang mismo ang magtatanong kay Lorenzo kung may pagkakataon. Sa isip-isip ni Frankie kung anong era na ba ngayon. Na ayos lang sana kung nabubuhay sila dati at okay lang na tumira kasama ang matatand
Chapter 22"Hindi po ba't naroon ka?" Tumalikod si Kristal para tignan kung sino ang nakaupo sa swivel chair at napapikit siya nang mariin nang mapagtantong ibang tao pala 'yon...hindi si Lorenzo. Si Marco Sy, matagal ng business partner ng Yu's Company at matalik na kaibigan ni Lorenzo. Hindi ito mas'yadong napapadpad sa opisina pero kilala at natatandaan ito ni Kristal dahil sa guwapo at matipuno nitong katawan."Mr. Sy?" Dalawang salita na kumawala sa bibig ni Kristal pagkatapos makita ang lalaki. Kahihiyan. 'Yan ang unang pumasok sa isipan ni Kristal dahil sa tagal niyang nagsasalita kanina, maling tao pa ang pinagmakaawaan niya. Pakiramdam niya tuloy na parang napunta lang sa wala lahat ng hinaing niya.May hawak-hawak na folder si Lorenzo at mukhang kagagaling lang sa isang meeting. Nang mapunta ang kaniyang tingin kay Kristal ay napansin agad nito ang namumula niyang mga mata. Parang may kumirot naman sa kaniyang puso nang makita niya ito."What have you done, Marco?" Tanong a
Chapter 23"Kris..." Nakakaawang sambit ni Erika na parang si Kristal pa ang may maling ginawa sa kaniya.Kung dati ay napapasunod niya pa si Kristal sa ganito, ngayon ay hindi na, "Wala rito si Paul kaya hindi mo kailangang magmukhang kawawa riyan. Hindi mo na ako madadala sa paawa effect mo, Erika. Nakakasuka."Hindi naman in-expect ni Erika na magiging straightforward si Kristal, "Kris, you can say anything to me, pero huwag naman sana kay Paul.""Hindi ako interesado sa inyong dalawa. Kaya huwag mo na akong kakausapin pa. Magkalimutan na tayo, tutal nagawa mo na nu'ng niloko niyo akong dalawa."Ding! Bumukas na ang pinto ng elevator. Hindi na tinapunan ng tingin ni Kristal si Erika at diretsong pumasok na sa loob ng elevator. Hindi rin kaagad umalis si Erika sa harap ng elevator at hinintay kung hanggang saang floor pupunta si Kristal. Huminto naman ang pag-ilaw ng numbers sa pinakatuktok na floor.Tumakbo papunta ng front desk si Erika at nagtanong, "Excuse me, gusto ko lang ma
Chapter 24Umiling naman si Kristal, "Kapatid at brother-in-law ko.""Oh." Kitang-kita ang paglatay ng disappointment sa mata ni Frankie na agad din nawala pagkatapos niyang ngumiti."Ganda ng ambiance ng restaurant na 'to, next time mag-date kayo ng boyfriend mo rito." Dagdag pa ni Frankie sabay pasimpleng hinawakan ang braso ni Lorenzo at mas dumikit pa sa lalaki.Tinignan naman ng lalaki, "Anong perfume ang gamit mo?""Orange perfume, kakabili ko lang nito. Bakit? Mabango ba?" Para mas magustuhan pa siya ni Lorenzo ay nag-research si Frankie at nalaman nito na mahilig pala ang lalaki sa fruity scents kaya bumili siya ng orange perfume."No, huwag mo na ulit gagamitin 'yan," sambit ni Lorenzo. Napahiya naman si Frankie sa harap ni Kristal kaya kimi itong ngumiti sa babae.-----Nakaupo na sa designated nilang table si Lorenzo at Frankie. Mga ilang minuto lang ay nakarating na rin si Marco at Alyssa."Kuya Lorenzo." Bungad ni Alyssa sabay hatak ng upuan sa gilid ni Lorenzo at doon u
Chapter 54Hindi na sumagot pa si Richard at tahimik lang nagmaneho. Makaraan ang sampung minuto ay huminto ang sasakyan sa harap ng villa ni Lorenzo. Pinagbuksan naman ni Richard ng pinto ng sasakyan si Frankie."Miss Frankie, bumaba na po kayo."Tumingin si Frankie sa villa sa labas, at napasimangot ang mukha niya nang malaman na wala sila sa unibersidad nila Kristal."Sinabi kong dalhin mo ako sa unibersidad nila Kristal, hindi mo ba ako narinig? O sinasadya mo akong suwayin?""Pasensya na, Miss Frankie, sumusunod lang ako sa utos ni boss," malamig na sagot ni Richard na tila walang pakialam sa tono ng pagsasalita ni Frankie.Walang nagawa si Frankie kung hindi bumaba sa sasakyan, ngunit agaran din niyang kinuha ang cellphone sa bag para tumawag ng grab taxi."Kung ayaw mo akong dalhin doon, mag-g-grab nalang ako! Gusto kong makita kung naroon ba si Lorenzo at kung kasama niya si Kristal!"Binuksan ni Richard ang pinto ng kotse at saglit na natigilan matapos marinig iyon."Miss Fra
Chapter 53"Boss, pakiusap, paniwalaan mo ako, hindi ko talaga sinasadya!" Umiiyak na pagmamakaawa ni Erika kay Lorenzo.Pero ni sipat ay hindi niya nakuha kay Lorenzo dahil ang mga mata ng lalaki ay nakatuon lamang sa maliit na mukha ni Kristal. "Richard, hindi ko na siguro kailangang ituro sa'yo ang gagawin mo.""Yes, boss," tugon ni Richard bago tinignan ang nakaluhod na si Erika."Miss Lapuz sumama ka na sa amin."Nanlaki ang mga mata ni Paul sa narinig, nasa isip nito na mukhang magiging seryosong usapan na ito. Ngunit bago pa siya makapagsalita ay bigla na lamang sumigaw si Erika."Boss, hindi mo ito puwedeng gawin sa akin. Nagtatrabaho ako para sa kasintahan niyo! Kung aarestuhin mo ako ngayon, dapat lamang na kasama rin siya!"Habang nagsasalita ay kinuha ni Erika ang kanyang cellphone at binuksan ang talaan ng mga mensahe."Ito ang mensahe mula kay Miss De Jesus. Ginawa ko lang ito para mapasaya siya! Wala akong kasalanan dito!"Kinuha ni Richard ang telepono at nakita na an
Chapter 52"Anong gagawin natin? Kailangan ba nating pumunta ng ospital?" tanong ng ginang, bakas sa kaniyang boses ang pag-aalala."Hindi...hindi na po kailangan...medyo okay naman na po ako...kailangan ko lang po magpainit..." Umiiling na sambit ni Kristal."Bo...boss...bakit...bakit ka pumunta rito?" Tanong ni Kristal habang lumilipat na ang tingin niya kay Lorenzo."Nag-alala ako sa'yo," sagot ni Lorenzo, gamit ang 'di-sinasadyang malambot na tono sa boses nito."Natakot akong baka may gawin kang masama sa sarili mo. Pero inisip ko na mahina ang loob mo para gawin 'yun. Hindi ko inakala na...""Ma...masama?" naguguluhang tanong ni Kristal."Wala...wala akong ginawang masama...""Kung ganun, bakit mo ini-lock ang sarili mo sa banyo at itinodo ang lamig ng aircon?" Tanong ni Lorenzo na may bahagyang paninisi. Hindi malinaw kung ang paninisi ay para kay Kristal o sa kaniyang sarili."Si...Erika..." Kagat ang labing pinakawala ni Kristal ang dahilan sa likod nang panginginig niya ngay
Chapter 51"Pumupunta rito kada buwan?" Napakunot-noo si Paul, halatang naiinis siya na parang may nalunok siyang langaw sa narinig."Oo, ang mga hotel na ganitong malapit sa unibersidad ay kadalasang pinupuntahan ng mga magkasintahan. Hindi na ito bago rito.""Salamat." Mabilis na umalis si Paul mula sa maliit na hotel 'yon. Pagdating niya sa kotse ay nanatili siyang nakaupo nang matagal, pakiramdam niya'y puno ng dumi ang hangin sa paligid. Binuksan niya ang bintana ng kotse at huminga nang malalim bago napagpasiyahang tawagan ang kanyang ina."Hello, ma, may biglaang lakad ako. Kailangan siyang asikasuhin kaagad kaya hindi ako makakauwi riyan para sa hapunan..."----------Bumaba ang temperatura sa kwarto, kaya kinailangan ni Kristal na magbalot ng basang tuwalya at magkulong sa isang sulok upang maiwasan ang malamig na hangin mula sa air vent. Gayunpaman, nanatili pa rin ang lamig sa loob ng silid. Paminsan-minsan ay tumutunog ang kanyang telepono, tapos tatahimik, tapos tutunog
Chapter 50Nakarating si Erika sa isang maliit na hotel malapit sa kanilng University. Maingat na tumingin ito sa paligid upang siguraduhing walang siyang kakilalang makakakita sa kanya. Tumigil siya sa harap ng pamilyar na numero ng kwarto at itinaas ang kamay upang kumatok.Bumukas ang pinto, at isang kamay mula sa loob ang humila kay Erika papasok.Walang ilaw sa loob ng kwarto. Idiniin ni Lander si Erika sa dingding at sinimulang halikan at hawakan ang babae, ngunit matapos ang ilang saglit na paghalik ay nakaramdam siya nang malamig sa kanyang leeg. Hawak ni Erika ang isang kutsilyo na ginagamit para sa paghiwa ng prutas, at ang matalim na dulo nito ay nakatutok sa leeg ni Lander.Dahan-dahang inalis ni Lander ang kanyang mga kamay ngunit may ngiti pa rin sa kanyang mukha."Sigurado ka bang sasaktan mo ako gamit 'yan?" tanong niya."Lander, ayoko 'tong gawin, pero sinasagad mo talaga ako!" sagot ni Erika na walang pag-aalinlangan."Ilabas mo ang cellphone mo! Gusto kong burahin m
Chapter 49"Wala," saad ni Paul pagkatapos nang mahabang katahimikan at tumalikod na lamang.Hindi na hinabol ni Erika si Paul sa pagkakataong ito. Pinanood niya ang likuran ng lalaki habang papalayo ito, alam niya sa kanyang puso na may nararamdaman pa rin ito sa dating kaibigan. Dahil kung hindi, bakit biglaang lumamig ang asta nito sa kanya?Hindi mapalagay si Erika nang maisip si Lander at ang sinabi nito kanina. Bumalik siya sa parehong daan pero wala na sina Kristal at Lander roon.Kinuha ni Erika ang kanyang telepono at tinawagan ang numero ni Lander."Tut-tut-tut-" Tumunog ang telepono nang matagal, ngunit walang sumasagot.Ibinaba ni Erika ang tawag at galit na galit itong bumalik sa apartment.Nang bumalik siya ay nakita niyang kumakain ng instant noodles si Kristal. Nang makita siya nito ay bahagyang tiningnan lamang siya ng babae at muling nagpatuloy sa pagkain habang nanonood ng teleserye.Nilapitan ni Erika si Kristal."Kristal, parang sumusobra ka na ha?"Napakunot ng n
Chapter 48"..." Hindi makapagsalita si Kristal. Anong karapatan ng lalaking 'to para ihambing ang mga pasakit niya sa sarili?Tumingin siyang muli kay Lander na ngayo'y nasa kanyang harapan na, "Sinabi mong ex-girlfriend mo si Erika? Pero bakit hindi kita nakita kahit kailan?" Sa totoo lang, hindi niya narinig mula kay Erika ang tungkol sa taong ito. Kahit na mahirap ang buhay ni Erika, mataas ang respeto nito sa sarili. May mga lalaking nanliligaw sa kanya noong nasa paaralan pa sila, ngunit tinatanggihan niya ang mga ito isa-isa. Kung hindi lamang niya nakita si Erika at si Paul na magkasama, iisipin pa rin ni Kristal na si Erika ay isang napaka-konserbatibong babae...taliwas sa mukhang gangster na si Lander kung kaya't may pagdududa siya sa mga pinagsasabi nito. "Hindi ka naniniwala?" tanong ni Lander nang diretsahan, sabay hawak sa kaliwang kamay ni Kristal at hinila siya papunta kina Paul at Erika. Nang makita niyang papalapit na sila, hinila siya ni Kristal nang may pag
Chapter 47——Night Club, high-end suite.Kasalukuyang nakahiga si Kristal sa isang malaking kama, balot na balot nang manipis na kumot, at hawak ang isang manggas ng suit ni Lorenzo. Nang imulat niya ang kaniyang mga mata ay luminga-linga siya sa paligid ngunit wala siyang makita kahit ni anino ng lalaki.Ang kaniyang cellphone ay nakalagay sa isang table malapit sa kaniya ngunit wala pa rin itong signal. Pagkabangon ni Kristal ay tumunog ang doorbell na kaagad din naman niyang pinuntahan para alamin kung sino ang nasa labas ng kuwarto. Nang buksan ang pinto ay bumungad sa kaniya ang isang waiter."Hello, Miss Liwayway, ito po ang pinadala ni Mr. Yu para sa inyo."Dala ng babae ang isang masarap na agahan at may kasama pa itong note sa plato—napakaayos at maliinis ang sulat kamay ni Lorenzo: "Nauna na akong bumalik sa opisina. Kumain ka ng agahan at magpahinga. Treat this day as your off, no deductions."Tiningnan ni Kristal ang oras—lampas alas-nuwebe na ng umaga. Hindi niya alam kun
Chapter 46Hindi umuwi buong gabi si Lorenzo, habang si Frankie naman ay nakatulog sa sala buong magdamag. Puno rin ito nang pagdududa sa kinakasama. Kinuha niya ang kanyang telepono at tinawagan si Richard.Tumunog ang telepono ng ilang beses bago ito sinagot ni Richard."Frankie?"Nang marinig ang pangalan niya ay napakunot ang noo ni Frankie. Dati na siyang tinatawag ng ganoon ni Richard sa opisina, at kahit may relasyon na sila ngayon ni Lorenzo, ay hindi pa rin ito nagbabago sa paraan ng pagtawag sa kanya—wala pa ring respeto o kahit na anong titulo.Pinigilan ni Frankie ang pagkainis at dumiretso nalang sa sadya niya sa lalaki."Richard, kasama mo ba si Lorenzo?""Si boss?" Sandaling natigilan si Richard ngunit hindi siya sumagot nang diretso, sa halip ay nagtanong pa ulit ito."Bakit?""Hindi siya umuwi kagabi, at hindi ko siya makontak hanggang ngayon. Medyo nag-aalala na ako sa kaniya, kaya ako napatawag dahil nagbabakasakali akong magkasama kayong dalawa.""Oh...hindi kami m