Share

7

Chapter 7

Pumunta muna si Lorenzo sa opisina ng doctor ng kaniyang lola para alamin ang test results nito bago ibigay kay Kristal ang lunchbox. Nang matapos siyang kausapin ay dumiretso na siya kaagad sa ward. Pagkarating niya roon ay nakita niyang gising na si Kristal at nag-iinat na. Hindi na muna siya pumasok at naghintay kung ano pa ang gagawin ng babae. 

Kinumutan ni Kristal si Lola Ven, sinigurong hindi ito malamigan. Matapos niyang gawin iyon ay inayos niya rin ang unan ng matanda. Iinom na sana siya ng tubig nang makarinig ng konting kaluskos sa kaniyang likuran. 

"B-boss, ikaw pala 'yan," mahinang sabi ni Kristal. Na-conscious siya kasi bagong gising palang siya.

"Thanks for taking care of my grandma." Nakangiting sabi ni Lorenzo kay Kristal. Naiintindihan na ngayon ng lalaki ang sinabi ng kaniyang lola sa kaniya. Mabait nga at malambot ang puso ni Kristal, at bulag lamang ang hindi makakapansin dito. 

"Okay lang po 'yon. Wala naman ako masiyadong ginawa atsiyaka pambayad na rin para sa kinain kong arrozcaldo kahapon, boss." Nakangiti na ngayong sabi ni Kristal kay Lorenzo. Naiisip niya kasing mahal na mahal ng lalaki ang matanda. 

"Hmm, so how does it taste?" Tanong ni Lorenzo habang naglalakad palapit sa kinaroroonan ni Kristal.

Hindi naman agad makasagot si Kristal dahil hindi niya inaasahang magtatanong ng ganiyan ang kaniyang boss.

"Ah, okay lang po pero medyo matabang lang siya," sinadyang pahinaan ni Kristal ang kaniyang boses nang banggitin ang matabang na salita. Ayaw nitong ma-offend ang lalaki.

"I know, it's for Lola Ven. The doctor advised to put less salt in her food that's why it's bland," pagpapaliwanag naman ni Lorenzo.

"Oh, ikaw po pala nagluto?" Medyo gulat na tanong ni Kristal.

Sasagutin na sana ito ni Lorenzo nang marinig nito ang boses ng matanda. 

"Siya nga, iha. Hindi lang siya marunong magluto, marunong din siya sa iba pang gawaing bahay. Pati pagpalit ng ilaw ay siya rin minsan ang gumagawa. Kung may oras ka, punta ka sa bahay niya at tikman mo ang iba pang putahe na kaya niyang lutuin."

"Magaling po pala talaga si boss, 'la," manghang sabi ni Kristal.

Bihira nalang kasi ngayon ang marunong sa gawaing bahay, mapa-lalaki man 'yn o babae.

Marami nang nakasalamuhang tao si Kristal at masasabi niyang mabait at responsable si Lorenzo. May pakialam ang lalaki sa kaniyang empleyado, hindi tulad ng ibang boss na kung makaasta ay hawak na nito ang buhay ng isang tao.

Hindi naman nagsalita si Lorenzo at binuksan na lamang ang dala nitong lunchbox. Una niyang binigay ang dala niya kay Lola Ven pero umiling ito.

"Kumain na ako."

"Really? You've already eaten?" Nagtatakhang tanong ni Lorenzo. Picky eater ang kaniyang lola, mas grabe pa nga kaysa sa kaniya. Maselan kasi ang tiyan nito.

"Oo, nagdala kasi ng pagkain ang kapatid ni Kristal. Inalok ako kaya sinabayan ko nalang sila," nakangiting sagot ni Lola Ven.

"Okay, I'll just wipe your face." Sabi naman ni Lorenzo habang nilapag ang lunchbox sa mesa.

"Huwag na. Ginawa na 'yan ni Kristal kanina."

Hindi na sana gusto pang magsalita ni Kristal pero kailangan niya na ring uamlis. Discharged na kasi ang babae, nag-stay lang siya para samahan ang matanda.

"Una na ako po ako, boss, 'la."

"Okay, mag-iingat ka ha, bye!" Kumaway ang matanda kay Kristal. Napangiti nalang dito ang babae.

Nang makaalis si Kristal ay binaling ni Lola Ven ang kaniyang atensiyon kay Lorenzo.

"Parang gusto mo ata si Kristal, lola?" Tanong ni Lorenzo sa matanda.

"Oo naman, ikaw ba? Gusto mo rin?" Diretsahang tanong ni Lola Ven kay Lorenzo.

"Ako na ang nagtanong sa'yo. Wala siyang nobyo ngayon kaya kung ako sa'yo, bilisan mo na at baka maagaw pa siya," dagdag pa ng matanda.

---------

Naghihintay si Krsital ng kotse sa labas ng hospital. Napayakap siya sa sarili nang bigla na lamang lumamig ang simoy ng hangin at umulan na. Gagamitin pa sana nito ang kaniyang kamay para ipayong sa sarili nang bigla na lamang siyang hinila.

'Mabango.' 'Yan ang nasa isip ni Kristal sa mga oras na 'yon. Tumingin siya sa kaniyang harapan at nakitang si Lorenzo iyon.

"Ano pong ginagawa niyo rito, boss?"

Hindi naman binitawan ni Lorenzo ang kamay ni Kristal kung kaya't namula siya rito.

"Why do you blush every time you see me?" Matapang na tanong ni Lorenzo kay Kristal.

"Uhm, no...hindi po sa g-ganoon boss." Nauutal na sambit ni Kirstal.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay hindi na makapagsalita pa si Kristal kaya ginamit ito ni Lorenzo para tignan ang mamula-mulang pisngi ng babae. Na-e-excite si Lorenzo na pisilin ang mga ito.

Kasabay nang pag-ihip ng hangin ay ang paghila ni Lorenzo si Kristal palapit sa kaniya. Mas naaamoy na nito ang pamilyar na pabango ng babae. Inilapit ni Lorenzo ang kaniyang mukha sa leeg ni Kristal para mas maamoy niya ito na nagbigay naman ng ibang feeling sa babae.

"B-boss."

Nang hindi na makaya ang tensiyon ay itinulak ni Kristal sin Lorenzo palay sa kaniya. Napasinghap naman siya nang mangyari 'yon. At bago pa makabawi si Lorenzo ay kumaripas ng takbo si Kristal. Hindi inaalintala ang malakas na ulan.

Nasa 40 minutes ding tumatakbo lang si Kristal bago siya makarating ng kaniyang dorm. Basang-basa siyang pumanhik sa kaniyang kwarto. Nilalamig na inilabas ang susi ng pinto nang may naaninag siyang taong papalapit sa kaniya.

Boigla na lamang nanghina si Kristal ang makitang si Lorenzo iyon. Wala siyang nagawa at nakapimri lamang siya sa kaniyang kinatatayuan.

Nang tuluyan nang makalapit si Lorenzo kay Kristal ay napasinghap nang malala ang babae. Gusto nitong tumakbo pero hindi na kaya ng kaniyang binti. 

"Bakit ka tumakbo?" Seryosong tanong ni Lorenzo kay Kristal. 

Hindi naman agad makasagor si Kristal dito kasi nilalamig na siya sobra. Rinig na rinig mo ang pagpatak ng tubig mula sa damit ni Kristal papunta sa sahig. Nanginginig na siya sa lamig.

Nang mapagtanto ito ni Lorenzo ay bigla nalang lumambot ang kaniyang mukha. Na-g-guilty ito sa nangyari kanina.

"I'm sorry. It wasn't my intention to scare you. I went too far, I know, but I didm't mean anything. It just that your perfume is familiar...so familiar."

"Be honest, Kristal, was it you that night?" Dagdag pa ni Lorenzo.

Ramdam na ramdam ni Kristal ang tensiyon sa pagitan nilang dalawa ni Lorenzo. 

Napailing siya habang sinubukang umatras, ang lapit nilang dalawa.

"Hi-hindi ko alam kung anong sinasabi mo b-boss."

Napasinghap si Kristal nang bigla na lamang hinapit ni Lorenzo ang kaniyang beywang. Kinukulong siya sa braso ng lalaki at hindi pinapayagang makawala.

"Pumasok ka ba ng tent ko that night when we were camping?" Ulit na tanong ni Lorenzo.

"Hindi ako 'yon, boss..." Pag-d-deny naman ni Kristal.

Napalunok si Lorenzo at sinabing, "Can you—no, scratch that, do you dare to prove it to me then?" 

Nanlaki ang mga mata ni Kristal nang marinig ang sinabi ni Lorenzo. Pagkatapos ng ilang minuto ay sumang-ayon nalang si Kristal dito.

"Okay."

Binuksan ni Kristal ang pinto sa kaniyang dorm. Sinalubong sila ng dilim na unti-onti namang napalitan ng liwanag nang buksan ni Kristal ang desk lamp na nakalapag sa kaniyang table.

Tumalikod si Kristal at dahan-dahan nitong hinubad ang kaniyang damit. Wala namang imik si Lorenzo sa nangyayari.

Naaalala pa ni Lorenzo na may naiwan din siyang mga marka sa katawan ng babaeng nakasiping niya. Hindi siya naging maingat nu'ng gabing 'yon kaya isa ito sa mga palantandaan niya. Kung mayroong mga marka sa likod ni Kristal ay marahil siya ang babaeng 'yon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status