Share

2

Chapter 2

“Kaninong bracelet ‘to?” Pangatlong tanong ni Lorenzo.

“Mukhang ordinary bracelet lang siya eh, baka nabibili lang sa tabi-tabi.” Sabi naman ng isang empleyado.

“Frankie, alam mo ba kung sinong may-ari nito?” Napaangat ng tingin si Frankie para tignan ang bracelet. 

Umiling ito at umiwas agad ng tingin, “Ah? Hindi ko alam.”

“Okay, mag-r-roll call na tayo.” Nag-start na mag-roll call si Richard. At natawag na ang lahat, si Kristal nalang ang wala. Inulit naman ni Richard ang pangalan ni Kristal kung kaya ay sumagot na si Frankie.

“Nasa campsite si Kristal, may sakit po siya sir.”

“May sakit? Anong nangyari?” Tanong ni Richard habang naglalakbay ang mga mata papunta kay Lorenzo na ngayon ay nakaupo sa kaniyang itim na kotse. Nasa kamay pa rin si Lorenzo ang bracelet at tila inuusisa ito nang mabuti.

“Okay, tara na,” dagdag ni Richard. 

Naglakad si Richard hawak-hawak ang ang kaniyang planner papunta kay Lorenzo. Huminto siya sa tapat nito at tinanong na, “Are you going with us, Mr. Yu?” 

Lorenzo shook his head and said, “No, you lead the team, Richard. I’m going back. Be careful.”

“Okay, Mr. Lu.” 

Nagsimula nang maglakad si Lorenzo papunta sa driver’s seat. Babalik siya ng campsite kasi mukhang nandoon ang kaniyang hinahanap. 

Tumalikod na rin si Richard para makapagsimula na rin sila sa kanilang agenda para sa araw na ito. Napahinto siya saglit nang makitang tulala si Frankie.

“Anong tinitignan mo riyan Frankie? Tara na, may bonus ka kapag kasama ka sa Top 10 na unang makarating sa taas.” 

“Opo, sir,” wala sa sariling sagot ni Frankie kay Richard.

Tila bumalik sa kaniyang sarili si Frankie nang makita ang humaharurot na itim na sasakyan pabalik ng campsite.

“Sir Richard, p’wede po ba akong bumalik sa campsite? Nag-aalala lang po ako kay Kristal kasi wala siyang kasama roon. Hindi na lamang po ako mag-p-participate sa acitivity na ‘to kung p’wede.”

Nagugulumihan man ay pinayagan na lamang ito ni Richard at sinabing, “Sige, mag-iingat ka.”

—--

Nagising si Kristal sa tinding pagkauhaw kung kaya’t lumabas siya sa tent nila para kumuha ng tubig kahit na masakit pa rin ang kaniyang ulo. Gusto na niya nalang humimlay buong araw. Hindi rin nakatulong ang sikat ng araw sa kaniya dahil mas lalo na lamang siyang nahilo. Nagpasalamat siya nang may sumangga sa liwanag. Dahil nga masakit ang kaniyang ulo ay sa baba lang siya nakatingin. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay ang isang mamahaling sapatos sa kaniyang harapan. Akala niya ay nag-hiking ang lahat kaya nagtataka siya kung bakit may tao pa rito maliban sa kaniya. 

Napaangat siya ng tingin at bahagyang napaatras nang makita si Lorenzo.

“B-boss…”

Lumapit si Lorenzo kay Kristal para maging dahilan sa biglaang pag-atras nito. Napakunot ang noo ni Lorenzo sa ginawa ni Kristal kaya hindi na siya muling humakbang pa.

“I have a question, Miss.” 

Sa isip-isip ni Kristal ay katapusan na niya. 

“P-po? Ano po ‘yon?” Nauutal na sagot ni Kristal.

“May nakita ka bang pumasok sa tent ko kagabi?” Dagdag pa na tanong ni Lorenzo.

“W-wala po, boss.” Nanginginig na sagot ni Kristal. Napaiwas na rin ito ng tingin kasi nakakapaso at nakakaakit ang mga titig na iginagawad ni Lorenzo sa kaniya.

“Why are you shaking?” 

“Uhm, malamig,” kiming sagot ni Kristal. Niyakap niya rin ang kaniyang sarili sa lamig. Naiwan niya kasi ang cardigan sa tent at manipis lamang ang kaniyang suot na pantaas.

“Are you cold?” Naglakad palapit si Lorenzo kay Kristal. Dahil na rin sa hilo ay bahagyang siyang napaupo sa damuhan. 

Nararamdaman ni Kristal na hawak na ni Lorenzo ang kaniyang mga braso para subukan siyang itayo. Napaigik siya sa biglaang pagdampi ng mga kamay ng kaniyang boss sa katawan niya. Namula lalo ‘yung mukha ni Kristal nang mayroong mga pangyayaring pumasok sa kaniyang isipan. 

“I-Im fine, Mr. Yu,” sabi ni Kristal habang sinusubukang tumayo. Isang maling desisyon iyon na hindi na niya dapat ginawa pa dahil natumba pa siya lalo. Umikot na ang kaniyang paningin at nararamdaman na niyang hihimatayin na siya. Buti na lamang nandito si Lorenzo sa kaniyang tabi.

Lorenzo doesn’t know what to do. Hindi niya alam kung paano mag-alaga ng may sakit. Hindi rin nakatulong na bigla na lamang hinimatay si Kristal. 

“Miss?” Sinubukan tapikin ni Lorenzo ang kaliwang pisngi ni Kristal para magising ito, Nang wala siyang natanggap na reaksiyon ay napabuntong-hininga na lamang siya.

Binuhat niya si Kristal at maglalakad na sana nang may bigla siyang napansin. Mayroong strawberry mark si Kristal sa leeg. Ilalapit pa sana niya ang kaniyang mukha nang may tumawag sa kaniya. 

“Boss Yu!”

Napalingon si Lorenzo sa likod at nakitang ito ‘yung nagsabi na may sakit si Kristal kanina.

“Why did you come back?” Tanong ni Lorenzo kay Frankie pagkarating nito sa kaniyang harapan. 

“Nag-aalala lang po ako kay Kristal boss. Ano pong nangyari sa kaniya?” Sabi ni Frankie habang hinahabol ang hininga. Napatingin din siya kay Kristal na nasa mga bisig na ni Lorenzo sa mga oras na ‘yon.

“She fainted. I need to bring her to the hospital,” Lorenzo answered habang binubuhat si Kristal papunta sa kaniyang kotse nang sumabat ulit si Frankie. 

“Mr. Yu, can I go with you?” 

Napatingin si Lorenzo kay Frankie para alamin kung ano talaga ang sadya nito. 

“Kaibigan ko po si Kristal, Mr. Yu, at parehas po kaming babae. Makakatulong po ako sa kaniya if may kailangan bilhin,” pag-e-explain naman agad ni Frankie. 

Napaisip doon si Lorenzo at pinayagan na lamang si Frankie na sumama.

Lorenzo, together with Kristal and Frankie, arrived at the hospital. Nabigyan na rin ng proper treatment si Kristal at nagpapahinga na ngayon. Lumabas si Frankie para bumili muna ng maiinom kaya nagkaroon ng pagkakataon si Lorenzo na tignan muli ang mukha ni Kristal sa malapitan. Hindi niya rin alam kung bakit nag-f-flashback sa kaniya ang mga nangyari kagabi pero blurry visions lang. 

Hindi niya rin nausisa nang masiyado kasi bigla na lamang dumating si Frankie dala ang dalawang cup na may lamang kape.

“Boss, coffee?” 

“Thanks. What’s your name?” Pagpapasalamat ni Lorenzo.

“I’m Frankie De Jesus, Mr. Yu.” Hindi mapigilan na madismaya si Frankie na hindi pala siya kilala ng kanilang boss. Hindi rin naman kasi maganda ‘yung performance niya sa kompaya. Kung baga ay mediocre lang. Hindi rin siya nag-s-standout sa public. At kilala ni Frankie si Lorenzo na hindi talaga maalam sa pangalan. Sa dami ba naman nitong hawak na tao.

Tumango na lamang si Lorenzo rito. Nagkaroon lamang ng konting katahimik at binasag ito ni Lorenzo. May kailangan lang siyang kompirmahin.

“Can I ask you a favor, Miss De Jesus?” 

Kinabahan naman bigla si Frankie dahil dito. Tumango siya at sinabi ni Lorenzo kung ano ang gusto niyang mangyari. Pagkatapos nu’n lumabas si Lorenzo ng kwarto para tawagan si Richard.

“Where are you Mr. Yu?” Bungad agad na tanong ni Richard, segundo lang pagkatapos niyang sagutin ang tawag.

“Hospital, Miss Liwayway fainted.” Maikling tugon naman ni Lorenzo.

“The intern?” Napakunot naman agad ang noo ni Lorenzo nang tanungin siya ulit ni Richard.

“Oo.” 

Natahimik si Richard sa kabilang linya at hindi na nakapagsalita. Na-a-amaze lamang siya sa kaniyang boss na alam nito ang pangalan ni Kristal.

“Have fun, and ensure that everything’s aligned there Richard. I’ll distribute the bonuses after camping. Gotta go.” Paalam na ni Lorenzo sa kaniyang assistant.

Timing naman na sa pagbaba ni Lorenzo ng tawag ay bumukas ang pinto ng kwarto, si Frankie ang lumabas. Napataas ng kaliwang kilay si Lorenzo kay Frankie na tila ba’y naghihintay na siya ng kasagutan sa kaniyang hininging pabor.

“Nothing’s on her, boss. ‘Yung marka sa leeg niya ay siguro nakuha niya sa kaniyang boyfriend. Maliban doon ay wala na akong nakitang kakaiba.”

Lorenzo smirked at pagkatapos ay binasa nito ang kaniyang mga labi bago nagsalita. 

“Boyfriend?”

Hindi makasagot si Frankie at iniba muna ang usapan, “Gigising na rin ata siya maya-maya Sir Yu, gusto mo ba munang pumasok?”

“No need, I’ll leave first. Ikaw na ang bahala sa kaniya. Call her family when she wakes up.” 

“Okay po, boss. Don’t worry.”

Tumalikod na si Lorenzo at dumiretso na sa parking lot. He’s going back to the campsite kasi sumasakit na rin ang ulo niya kakaisip.

—-

Sinubukan ni Kristal na imulat ang kaniyang mga mata ngunit bumabagsak pa rin ito. Hindi na niya mabilang kung ilang beses niyang sinubukan hanggang sa magtagumpay siya. Ang unang bumungad sa kaniya ay ang puting kisame. Nagtataka man ay inikot ni Kristal ang kaniyang paningin sa kwarto at tumigil ito sa bandang pintuan nang makita niya sa Frankie.

“Buti naman at gising ka na Kris, nag-alala ako sa’yo. May masakit ba sa’yo? Gusto mong tumawag ako ng doctor?” Sunod-sunod na tanong ni Frankie. Lumapit din siya sa kama ni Kristal para tulungan itong makaupo.

“Nasa hospital ba ako?” Kahit alam ni Kristal na nasa hospital nga siya ay tinanong niya pa rin para makasigurado.

“Oo, nahimatay ka kanina sa campsite. Dinala ka rito ni boss. Naka-hug pa nga kayong dalawa sa isat-isa,” sagot ni Frankie kay Kristal sa’kin habang binibigay ang tubig.

“B-boss? Si boss ang nagdala sa’kin dito?” Uminom si Kristal nang konti para itago ang namumula nitong mukha. Nahihiya siya.

“Random lang ‘to Kris. Do you think na may crush sa’yo si boss? Ngayon ko lang siya nakitang may niyakap na babae eh. Eh matagal na ako sa company, more than a year na rin.” Walang prenong tanong na naman ni Frankie.

‘Itong babae talaga, walang panubali. Tanong lang nang tanong.’ Sambit ni Kristal sa kaniyang isipan.

Umiling si Kristal at sinabing, “Hindi.”

Baguhan pa lamang si Kristal sa kompanya kaya imposible ang ganoon. Natigilan siya saglit nang naisip na baka namukhaan siya ni Lorenzo kaya ganoon na lamang. Dahil sa isiping ‘yon ay bigla na lamang uminit ang kaniyang mukha. 

“Bakit naman hindi? Eh ang ganda mo, bata ka pa rin, and fit. Tipikal na gusto ng mga boss. Kaya if wala ka pang boyfriend then give Mr. Yu a chance, Kris. May maganda siyang reputasyon, gwapo rin at mayaman. Ano pa ang hihilingin mo, ‘di ba?”

“May boyfriend na ako,” mahina sabi ni Kristal na ikinatahimik ni Frankie. 

“Talaga?” Tunog naninigurong tanong ni Frankie. 

“Oo,” kiming sagot naman ni Kristal dito. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status