Share

Kabanata 6

Author: Moneto
"Tama. Tama ka diyan! Yung totoo, hindi ko naman talaga gusto ang batang 'yun!"

Paulit-ulit na tumango si Fiona. "Kung sabagay, hindi naman dapat siya ipinanganak!"

Nakaramdam si Fane ng matinding galit at pagnanais na pumatay ng marinig niya ang mga salitang iyon.

Ngunit, sa loob-loob niya, pinilit niyang magpakahinahon. Kung sabagay, nanay ni Selena si Fiona, ang kanyang biyenan.

Wala na siya sa digmaan na kung saan maaari siyang pumatay kailan man niya gustuhin. Anu't ano pa man, hindi niya mga kalaban si Fiona at Andrew.

Nalumpo ang binti ni Andrew dahil sa kapusukan nila ni Selena noong gabi ng kasal nila.

Naiintindihan niya ang galit na nararamdaman nila para sa kanya.

Subalit, may ibang tao na hindi naman miyembro ng pamilya nila dito. Nanggigigil na ngumiti si Fane at tumingin kay Young Master Clark. "Anak ko si Kylie, hindi siya pabigat at lalong hindi siya isang bastardo. Lumuhod ka at humingi ka ng tawad sa mga sinabi!"

Sa puntong iyon, huminto saglit si Fane bago nagpatuloy sa pagsasalit, "Kung hindi lqng dahil sa ayaw kong mabahiran ng dugo ang lugar na 'to sa unang araw ko dito, patay ka na sana!"

"Haha, tama ba ang narinig ko? Kilala mo ba kung sinong kausap mo?"

Humalakhak si Young Master Clark at itinuro ang Bentley na nakaparada sa labas. "Ang alam ko dati ka daw delivery boy. Lumakas ang loob mo mula nung naging sundalo ka ah. Wala kang kwenta para sakin. Alam mo ba kung magkano yung kotseng yun? Kahit kailan hindi makakabili ng ganun klaseng kotse ang isang taong gaya mo."

"Tama yon. Fane, huwag ka nang mangialam at umalis na kayo ng anak mo dito!"

Lumapit si Fiona at sinabing, "Tigilan mo na ang panggugulo sa buhay ng anak ko!"

"Ina, hangga't hindi si Selena mismo ang magpapalayas sakin, hinding-hindi ako aalis sa tabi niya!" Seryosong tumingin si Fane kay Fiona.

"Anong maipagmamalaki mo sakin? Anong meron ka para maging karapatdapat ka kay Selena? Baka nakakalimutan mo kung sino ka?"

Lumapit si Young Master Clark at sinuntok ang dibdib ni Fane. "Isa ka lang walang-kwentang sundalo…"

Blag!

Nagulat sila nang biglang tumalsik si Young Master Clark matapos siyang sampalin ni Fane. Sumuka siya ng dugo at nalaglag ang tatlo sa kanyang mga ngipin.

"Ahhhh!"

Napasigaw si Young Master Clark habang namumula ang kanyang pisngi.

"Ang lakas ng loob mong sampalin ako! Gusto mo na bang mamatay? Kilala mo ba kung sino ako?"

Galit na galit si Young Master Clark. Gusto niyang gumanti pero hindi niya magawa.

Galing sa digmaan ang taong kaharap niya. Alam niya na wala siyang laban kay Fane.

"Hindi mo ba siya nakikilala Fane? Siya ang young master ng pamilyang Clark. Higit na mas mayaman ang pamilyang Clark at mas maimpluwensya kaysa sa pamilya ng mga Taylor!"

"Wala akong pakialam kung sino siya. Nagsalita siya ng hindi maganda tungkol sa anak ko at pinagbalakan niya ng masama si Selena. Magpasalamat na lang siya at hindi ko pa siya pinatay!" Ang naggigigil na sinabi ni Fane.

"Sige, matapang ka at malakas. Ayos lang ba sayo kung tatawag ako?" Nagbantang tatawag ng mga tauhan si Ken.

"Wala akong pakialam kahit na sampung beses ka pang tumawag!"

Walang pakialam si Fane sa anumang gawin niya. Walang halaga ang isang basurang gaya ni Ken sa kanya.

“F-F-Fane Woods?”

Sa sandaling iyon, narinig niya ang isang magandang boses mula sa kanilang likuran. Nanginig ang damdamin ni Fane. Lumingon siya at nakita niya si Selena, na kasing ganda pa rin ng dati, at nakasuot ng simpleng damit. Agad na gumilid ang luha sa kanyang mga mata. "Selena, nakabalik na ako."

"Sabi ko na e. Alam kong ligtas ka! Buhay ka!"

Nanginig ang katawan ni Selena at nabitawan niya ang mga sako ng basura sa lapag. "Mabuti nagbalik ka na. Hindi pwedeng mawalan ng ama ang anak natin!"

Agad na naging mahinahon ang boses ni Selena.

Hindi pwedeng mawalan ng ama!

Sa mga sandaling iyon, napagtanto ni Fane kung ano ang nararamdaman ni Selena para sa kanya dahil sa mga salitang iyon. Oo nga naman. Wala naman talaga silang nararamdaman para sa isa't isa dahil hindi naman tunay ang kasal nila.

Ang nagyari sa kanila noong gabing iyon ay dahil sa kapusukan ni Selena…

Habang ang bata naman, hindi niya magawang ipalaglag ang bata dahil sarili niya itong laman at dugo.

Ramdam sa mga salitang ito ang paghihirap na nararamdaman ni Selena.

"Huwag kang mag-alala Selena. Wala nang magtatangka pang manakit sayo mula ngayon!"

Tinaas ni Fane ang kanyang kamay bilang tanda ng kanyang pangako, "Pangako ko yan!"

"Anak, paalisin mo na siya dito at pati na rin si Kylie. Puro gulo lang ang dala niya!"

Noong makita niya si Selena, hinablot niya agad ang kamay ng kanyang anak at naluluhang nagsalita, "Hiwalayan mo na. Nangako si Young Master Clark na aalagaan ka niya at ang pamilya natin. Ayaw ko nang makita na namumulot ka ng basura. Ayaw ko na ring mamuhay pa ng ganito. Kinukutya at pinagtatawanan tayo ng ibang tao."

"Ma, pasensya na. Hindi ko magagawang iwan si Kylie! Kahit na walang-kwenta si Fane, asawa ko pa rin siya at ama siya ni Kylie. Naniniwala ako na kapag nagsikap kami, magiging maayos din ang buhay namin!"

Bakas sa ngiti at mga mata ni Selena ang pait na kanyang nararamdaman.

"S-S-Sinaktan niya si Young Master Clark pag-uwi niya dito. Tingnan mo, pati mga ngipin niya natanggal sa lakas ng pagkakasampal sa kanya!“

Galit na galit si Andrew at makikita ang kanyang pagkadismaya.

"Ano?!"

Tiningnan ni Selena ang mga ngipin at bakas ng dugo sa lapag, pagkatapos ay tumingin siya kay Fane. "B-B-Bakit mo siya sinaktan? Masyado kang padalos-dalos! Malaking problema 'to!"

"Ayos lang yun, honey. Huwag kang mag-alala!" Mahinahong ngumiti si Fane habang tinitingnan ang babaeng kaharap niya. Kasing ganda pa rin siya ng dati.

"Anong huwag akong mag-alala? Dalian mo, humingi ka ng tawad kay Young Master Clark. Siya ang pinakamahusay na anak ng pamilyang Clark at siya rin ang Eldest Young Master ng pamilya nila. Siya ang nakatakdang maging bagong master ng pamilyang Clark!"

"Siguradong malaking problema 'to!"

Nag-alala nang husto si Selena at agad niyang itinulak si Fane papunta kay Young Master Clark.

"Humingi ng tawad? Pweh!"

Muling dumura ng dugo si Young Master Clark, pagkatapos tumingin siya kay Fane at nagmalaki. "Huli na para humingi ka ng tawad. Inutusan na ng tatay ko si Dan Jameson sa pumunta dito!"

"Si Dan Jameson?"

Nagtaka si Fane. Hindi ba't siya yung taong tinalo niya sa bunong-braso? Pagkakataon nga naman.

Humalakhak ng malakas si Young Master Clark nang makita niyang tulala si Fane. "Ano? Natatakot ka ba? Kilala mo ba si Dan? Siya ang pinakamalakas na tauhan ng pamilyang Clark. Hindi siya magdadalawang-isip na pumatay. Mag-isa niyang pinatay ang dalawang daan hanggang tatlong daang tao. Tingin mo ba malakas ka na kasi naging sundalo ka? Hehe, isa kang malaking hangal!"

"Young Master Clark, pakiusap maawa ka. Hayaan mo na lang siya. Isa lang siyang hamak na sundalo. Bakit mo pa siya pag-aaksayahan ng oras?"

Walang magawa si Selena kundi ang magmakaawa upang hindi mapahamak si Fane.

"Nabawasan ang ngipin ko dahil sa kanya tapos sasabihin mo na hayaan ko na lang siya? Nagbibiro ka ba?"

Galit na galit si Young Master Clark habang minamasahe ang kanyang namamagang pisngi. "Palalampasin ko 'to kung hihiwalayan mo siya… para pakasalan ako!"

"Young Master Clark, kailangan pa ba yun? Sa taglay mong katayuan, pwede kang makahanap ng isang maganda at mas batang binibini. Bakit ka pa naghahabol sa isang babaeng may asawa na gaya ko?"

Naaasiwang ngumiti si Selena. "Tigilan mo na yang pagbibiro mo Young Master Clark!"

"Pasensya na, pero yung mga tipo mo ang gusto ko!"

Humalakhak si Young Master Clark. "Tutal ayaw mo siyang hiwalayan, madali akong kausap. Magpaalam ka na sa hampaslupang 'to!"

Kaugnay na kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 7

    "Mamatay ako ngayon? Hindi mangyayari yun!" Hindi natinag si Fane. Tumingin siya sa labas at nakita niya na naglalaro na si Kylie sa ilalim ng puno ng banyan kasama si Shauna. "Hmph, tingnan natin kung makakapagmatigas ka pa mamaya!" Hindi na nag-abala pa si Young Master Clark na kausapin si Fane. Naniniwala siya na pagsisisihan ni Fane ang mga ginawa niya. Hindi nagtagal, pumarada ang ilang mga sasakyan sa labas ng bahay. Dumating si Dan Jameson, ang pinakamalakas na tauhan ng pamilyang Clark, kasama ang ilang mga maskuladong lalaki. Sumigaw si Dan pagpasok niya sa bahay, "Sino yung malakas ang loob na nanakit sa aming young master? Gusto mo na bang mamatay?" Sa mga sandaling ito, nanggagalaiti si Dan dahil may nakaharap siya na higit na mas malakas sa kanya at naging dahilan para putulin niya ang isang daliri niya. Kakatapos lang niyang ipagamot sa ospital ang naputol niyang daliri noong tumawag sa kanya ang kanyang master tungkol sa nangyari kay Young Master Clark at par

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 8

    “Ma, kahit na ano pang sabihin niyo, siya pa rin ang ama ni Kylie at ang manugang niyo. Huwag niyo na siyang insultuhin pa!”“Nangyari na ang nangyari. Hindi niyo na dapat inuungkat pa ang mga bagay na yun!”Kasing bait at maunawain pa rin ng gaya ng dati si Selena.“Kalokohan! Kahit kailan hindi namin siya tinanggap bilang manugang namin!” Ang sagot ni Fiona.“Tama yun. Kung hindi dahil sa kanya, hindi magkakaganito ang binti ko!” Puno rin ng galit si Andrew para kay Fane.“Ano bang naging kasalanan niya? Nakipagtalik ako sa kanya noon dahil sa sama ng loob ko. Hindi ko inaasahan na mabubuntis ako!”Walang magawa si Selena. Nangyari ang lahat ng ito dahil sa pagiging padalos-dalos niya. Ngunit, hindi niya kayang gawin na ipalaglag ang bata.Maituturing na kabayaran sa nagawa niyang pagkakamali ang mga paghihirap na naranasan nila.“Pero hindi mo naman kailangang ipagbuntis yung bata. Aatakihin ako sa puso sayo!”Nagdabog sa sobrang inis si Fiona.“Hayaan niyo na yun, Nangyar

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 9

    “Tama. Puro tungkol sa digmaan at pagbibigay ng karangalan sa bansa yung pinag-uusapan nila. Kalokohan!”Ngumisi rin ang iba pa sa mga kabataan.Bang, bang!Subalit, sa isang iglap, tumalsik ang dalawang binata at sumalpok sa pader. Bumagsak ang pader sa sobrang lakas ng pagsalpok nila dito.“Pfft!”Sumuka ng napakaraming dugo ang dalawang binata. Nanigas ang mga binti nila at tumigil sa pagkilos.“Ahhh! Mamamatay tao!”Tumili ang dalawang dalaga na parang nakakita sila ng multo at agad na kumaripas ng takbo.“Naku, Fane, napatay mo sila. Paano kung importanteng tao pala sila na miyembro ng isang organisasyon? Anong gagawin natin?”Namutla si Joan nang makita niya na nakahandusay sa lupa ang dalawang binata. “M-m-masyado kang mainitin ang ulo. May mga taong hindi natin pwedeng banggain. Iniisip mo ba na nasa digmaan ka pa rin kung saan pwede mong patayin ang sino mang makalaban mo?”“Bakit hindi mo kontrolin ang init ng ulo mo? Nagsalita lang naman sila!”Nainis din si Selen

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 10

    "May sayad ba yung tatlong 'to? Ang dirty nila. Yung babaeng yun naka uniform pa ng cleaner at naka straw hat. My gosh, hindi ba para sa sikat na international brand yung exclusive store na 'to?" Ang sabi ng isang mayamang babae nung mapalingon siya habang pumipili ng kanyang damit. Hawak niya ang isang branded na bag. "Pasensya na madam. Paaalisin ko sila agad!" Agad na sumagot ang magandang saleswoman sa tabi niya, at inutusan ang isa pang saleswoman, "Dali, paalisin mo sila. Huwag mong hayaan na sirain nila yung store natin!" Nagmadaling pumunta ang saleswoman sa grupo nila Fane. "Hello. Bibili ba kayo? Branded store kami. Imported at high quality ang mga product namin…" Isang bihasang empleyado ang saleswoman. Sigurado siya na kapag sinabi niya yun, agad na maiisip ng mga mahihirap na yun na nagkamali sila ng pinuntahan at aalis na lang. Pero, malinaw na nagkamali siya sa pagkakataong 'to. Tumingin sa paligid si Fane at sinabing, "Okay yung high class. Naghahanap ako ng

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 11

    "Bagay sayo yung mga damit, honey. Nagustuhan mo ba? Bibilhin natin yan kung nagustuhan mo!" Hindi na nangahas pa ang dalawang saleswoman na maliitin si Fane. Tumayo na lamang sila sa isang tabi at nanahimik. Namula ang mukha ni Selena nung marinig niya ang sinabi ni Fane. Hindi pa rin siya sanay sa tawag na 'Honey'. "Namamahalan pa rin ako sa presyo niyan!" Sa oras na yun, nakapagbihis na uli ng damit si Selena. Tiningnan niya ang tatlong damit at nakangiting nagsalita. "It's the thought that counts. Okay na yung isang damit lang, hindi ko na kailangan ng marami!" "Hehe, aminin niyo na lang na mahirap kayo at tigilan niyo na yung pagpapanggap. Huwag niyong isipin na makakaalis pa kayo sa store na to kapag hindi kayo nakapagbayad!" Ngumisi sa kanila ang mayamang si Sister Karen. Natuwa ang mga saleswoman nung marinig nila ang sinabi ni Sister Karen. 'Napakayabang ng mga pulubi na to. Tingnan natin kung anong gagawin niyo ngayon.'Ngunit, sa hindi inaasahan, inabot ni Fane

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 12

    "Pagbayarin sila? Paano mo sila pagbabayarin? May kasalanan din ako sa nangyari. Tsaka, lolo ko pa rin si Old Master Taylor. Balak mo ba siyang bugbugin?" Ngumiti si Selena at sinabing, "Sa pagkakataong to, sasamahan mo kami pero manahimik ka lang. Siguro mas mahaba na ang pasensya ni lolo sa mga nakalipas na taon. Baka hindi na nila tayo guluhin kapag kinausap ko siya." "Sige, susubukan kong sundin ka at pipigilan ko ang sarili ko na kumilos. Baka sabihin mo na masyado akong bayolente!" Natawa si Fane. Gusto niyang makita kung paano siya tatratuhin ng mga miyembro ng Taylor family ng hindi nila alam na siya ang Supreme Warrior. Bukod pa dito, hindi siya bumalik para maging Supreme Warrior. Ang tanging gusto niya ay mamuhay ng maayos at payapa kasama ang asawa niya at alagaan ang nanay niya. Mabilis na nakarating ang tatlo sa Taylor Residence sakay ng isang taxi. "Napakalakas ng loob ng bwisit na yun para saktan si Young Master Taylor. Hindi ba niya alam kung gaano kakitid ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 13

    "Marangal? Hehe, kung hindi sana ganyan ang suot mo, baka naniwala pa 'ko!" Ngumisi si Cecilia at sinabing, "May ilang damit sa loob niyan. Sa tingin ko, kay Selena yung iba dyan, tama ba? Hula ko nasa sampung libo ang halaga ng lahat ng yan!" Nagkomento si Cecilia habang kinakalkal niya ang laman ng bag. Bigla niyang nakita ang isang damit at nilabas ito sa bag. "Imposible. L-l-limited edition to! Higit pa sa isang daang libo yun presyo nito! Ito yung pinakabagong model sa brand na to!" Nagulat ang mga miyembro ng Taylor family sa kanilang narinig. Hindi naman sa di nila kayang bilhin yung damit na yun, pero nakakapagtaka na nabili yun nila Fane. Bukod pa dito, hindi ito isang magandang klaseng relo o mga piraso ng jade, isa lang itong damit. Kahit ang mga taga Taylor family ay magdadalawang-isip sa paggastos ng higit sa isang daang libo para lang sa isang damit. "Ibalik mo yan. Ayaw kong madumihan ng mga kamay mo yung damit ni Selena!" Nainis si Fane nung makita niyang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 14

    Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ni Old Master Taylor. Eksaktong-eksakto ang hula ni Fane. Malaki ang pagpapahalaga ng Old Master sa kanyang reputasyon. Noon, pinakasal niya si Selena kay Fane para hindu sumabak sa giyera si Ivan. Ang desisyon niyang yon mismo ay nakaapekto sa reputasyon ng Taylor family. Hindi niya inasahan na may mas malaki pang kahihiyan na darating. Isang araw pa lang na kasal si Fane kay Selena noong ipadala siya sa digmaan kinabukasan. Subalit, di kalaunan, nalaman nilang buntis si Selena. Alam niyang nalasing si Selena noong gabing yun. Inisip pa nga niya na posibleng pwinersa ni Fane ang sarili niya kay Selena. Hindi niya inasahan na sasabihin ni Selena siya ang may gusto nun. Halos atakihin siya sa puso dahil sa sinabi ni Selena.Iyon ang dahilan kung bakit pinalayas niya si Selena, ang mga magulang nito, at ang labing apat na taong gulang nitong kapatid mula sa Taylor Residence. At yung pagpapahirap kay Selena sa paghahanap ng trabaho at mga p

Pinakabagong kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status