Share

Kabanata 7

Author: Moneto
"Mamatay ako ngayon? Hindi mangyayari yun!"

Hindi natinag si Fane. Tumingin siya sa labas at nakita niya na naglalaro na si Kylie sa ilalim ng puno ng banyan kasama si Shauna. "Hmph, tingnan natin kung makakapagmatigas ka pa mamaya!"

Hindi na nag-abala pa si Young Master Clark na kausapin si Fane. Naniniwala siya na pagsisisihan ni Fane ang mga ginawa niya.

Hindi nagtagal, pumarada ang ilang mga sasakyan sa labas ng bahay. Dumating si Dan Jameson, ang pinakamalakas na tauhan ng pamilyang Clark, kasama ang ilang mga maskuladong lalaki.

Sumigaw si Dan pagpasok niya sa bahay, "Sino yung malakas ang loob na nanakit sa aming young master? Gusto mo na bang mamatay?"

Sa mga sandaling ito, nanggagalaiti si Dan dahil may nakaharap siya na higit na mas malakas sa kanya at naging dahilan para putulin niya ang isang daliri niya.

Kakatapos lang niyang ipagamot sa ospital ang naputol niyang daliri noong tumawag sa kanya ang kanyang master tungkol sa nangyari kay Young Master Clark at para na rin ayusin ang gusot na ito.

"Yung basurang si Fane Woods ang gumawa nito sakin. Isa lang siyang walang-kwenta at retiradong sundalo, pero ang lakas ng loob niya na magmayabang sa harap ko!"

Nagsimulang magmalaki si Young Master Clark noong makita niya ang pagdating ni Dan kasama ang kanyang mga tauhan.

"Bwisit ka! Isa itong—" Ang sigaw ni Dan habang pasugod siya upang ilabas ang lahat ng galit niya.

Subalit, halos manigas ang buong katawan ni Dan sa sobrang takot nang makita niya ang taong kaharap ni Ken.

"Pagkakataon nga naman. Nagkita tayo uli!"

Mahinahong ngumiti si Fane at tumingin sa naka bendang kamay ni Dan. "Mukhang maayos kang kausap. Isa kang tunay na lalaki na tinutupad ang kanyang pangako!"

Noong una, hindi maintindihan ni Ken kung ano ang sinasabi ni Fane. Sumimangot siya at tumingin kay Dan, at nagtanong, "Nagkita na kayo?"

Napangiti na lamang si Dan at tumango. "Young Master Clark, uhm… Oras na para mananghalian. Umuwi na kaya tayo?"

Ilang beses ding kumindat si Dan kay Ken habang nagsasalita siya.

"Mananghalian? Anong mananghalian? Bugbugin mo siya. Bwisit! Kapag hindi ko nailabas ang galit ko ngayon, hindi ako isang lalaki!" Suminghal si Ken na tila hindi niya naintindihan ang mga senyas at palusot ni Dan.

Blag!

Lumapit si Fane at sinampal si Young Master Clark.

"Ikaw…"

"Dan bugbugin mo siya!"

Blag!

"Dan…"

Blag!

Pagkatapos ng ilang sunod-sunod na sampal, halos mahimatay si Young Master Clark.

"Dan, bakit hindi kayo kumikilos ng mga tauhan mo?"

Halos maiyak na si Young Master Clark. Nanlumo siya sa nangyari. Ngayon lang niya naranasan ang ganito sa buong buhay niya.

Hindi na nangahas pang kumilos si Dan. Nakita rin mismo ng mga tauhan niya kung paano pinatay si Black Dragon. Napayuko sila sa sobrang takot at hindi sila nangahas na lumapit.

"Pasensya na sa abala!"

Nangyari ang hindi inaasahan. Lumapit si Dan kay Fane at nagbigay galang. Kasunod nito, sumenyas siya sa kanyang mga tauhan at sinabing, "Iuwi niyo na si Young Master Clark!"

Sa isang iglap, agad na binitbit ng mga lalaki si Ken palabas ng pinto.

"Ibaba niyo ako. Dan, ano bang problema mo? Ang sabi ko lumpuhin mo yung lalaking yan. Bakit ba ang duwag mo ngayon Dan?"

Nagmumura si Young Master Clark hanggang makalabas sila ng bahay. Walang nagawa ang pagwawala niya at binitbit na lamang siya ng kanyang mga tauhan.

"Anong nangyare?"

Parehong naguluhan sila Fiona at Andrew. Noong una, akala nila katapusan na ni Fane. Sinong mag-aakala na ganito ang mangyayari?

"Posible bang takot sayo si Dan? Magkakilala kayo?" Ang nakasimangot na tanong ni Selena.

"Mahabang kwento!"

Ngumiti lamang si Fane at tumingin sa sako nh basura na nasa lapag. "Bakit ka namumulot ng basura Selena? Anong nangyare nitong nakalipas na limang taon?"

Agad na nagalit si Fiona noong marinig niya ang tanong ni Fane.

Nagalit ng husto si Fiona at sinubukang itulak si Fane palabas ng pinto. "Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng 'to! Kung hindi mo pwinersa ang sarili mo kay Selena at kung hindi mo siya nabuntis, sa tingin mo ba itatakwil siya ng pamilya namin? Sa tingin mo ba mamumulot kami ng basura para mabubay kung hindi dahil sayo?"

"Ma, tama na yan. Wala siyang kasalanan sa nangyari. Sarili kong desisyon yun. Hindi niya ako pinilit!"

Madiing sumagot si Selena, "Hindi ko pinagsisisihan ang nangyari samin noong gabing iyon. Hinding-hindi ko pagsisisihan ang desisyon ko. Aakuin ko ang responsibilidad ko. Hindi ba't si Lolo ang nagsabing pakasalan ko siya? Siya ang lalaking gusto kong makasama!"

"Imposible yan. Siguradong pwinersa ng walanghiyang 'to ang sarili niya sa'yo. Nalasing ka siguro at sinamantala niya yun. Iyon marahil ang nangyari!"

"Ikaw ang Eldest Miss ng pamilyang Taylor at isa lang siyang hamak na delivery boy. Anong karapatan niya na maging asawa mo?"

Ayaw maniwala ni Fiona sa mga sinabi ni Selena. Tiningnan niya ng masama si Fane. "Wala akong pakialam. Kailangan mong bayaran ang anak ko ng danyos at hiwalayan siya. Hayaan mo siyang magpakasal kay Young Master Clark."

"Ina, sinabi ko na sa'yo. Hangga't hindi si Selena mismo ang nagpaalis sakin, hindi ko siya hihiwalayan!"

Determinado si Fane. Mahinahon siyang tumingin kay Selena at nagtanong, "Selena, pwede mo bang sabihin sakin kung anong nangyari? Kahit na pinalayas ka ng pamilyang Taylor, hindi mo naman kailangang mamulot ng basura, di ba? Gamit ang impluwensya at kakayahan mo, paanong hindi ka nakahanap ng magandang trabaho?"

Ngumiti si Selena. Mahahalata ang pait at paghihirap sa kanyang mga ngiti. "Sa tingin mo ba ginusto ko to? Noong mabuntis ako, ginusto nila na ipalaglag ko si Kylie. Hindi ako pumayag at pinalayas nila ako. Anong klaseng trabaho ba ang pwede kong pasukan habang buntis ako? Bukod pa dun, ipinag-utos ng lolo ko sa lahat ng mga kasosyong kumpanya ng pamilya namin na huwag akong tanggapin sa trabaho!"

Sa puntong iyon, umupo si Selena sa tabi ng mesa. Puno ng awa at panghihinayang ang kanyang mga titig. "Gusto akong kunin ng ibang mga kumpanya, gaya na lang ng pamilyang Clark. Kahit na gusto nila akong kunin, kukunin lang nila ako kung ipapalaglag ko ang bata. Bukod pa dun, matagal na akong kinukulsunada ni Young Master Clark! Ano pa bang pwede kong gawin? Mas malala yung pamilyang Taylor. Titigilan lang nila ako kapag namulot ako ng basura. Kung hindi, magpapadala sila ng mga tauhan para sirain ang negosyo ko kahit na maliit na tindahan lang ang itayo ko!"

"Bwisit!"

Sa puntong iyon, hindi na kayang makinig ni Fane sa mga nangyari. Napilitang mamulot ng basura ng asawa ng Supreme Warrior at wala man lang tumulong sa kanya?

"Ang lahat ng 'to ay dahil sayo. Kundi dahil sa walang-kwentang gaya mo, sa tingin mo ba maghihirap ang pamilya namin?"

Masama pa rin ang loob ni Fiona. "Higit pa dito, nalumpo ang binti ng tatay ni Selena nung nagtrabaho siya bilang isang kargador. Tingnan mo ang nangyari sa kanya! Hu, hu, hu, bakit napakahirap ng buhay ko!"

"Ama, ina, patawarin niyo ako. Hindi ko gustong mangyari 'to sa inyo!"

Napuno ng pagsisisi si Fane nung makita niyang lumuluha si Fiona at nang makita niya kung gaano kahirap ang buhay ng kanilang pamilya. "Huwag kayong mag-alala. Ngayong nandito na ako, wala nang magtatangkang manakit pa sa inyo!"

"Kalokohan!"

Nanggigigil ang boses ni Fiona, halata ang panggagalaiti niya habang dinuduro niya si Fane. "Sundalo ka lang. Anong magagawa mo? Magaling ka lang magsalita. Sa nakikita ko, mas makakabuti ng 10 hanggang 100 na beses kung maikakasal si Selena kay Young Master Clark o kay Young Master Wilson kumpara sa basurang gaya mo!"

Kaugnay na kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 8

    “Ma, kahit na ano pang sabihin niyo, siya pa rin ang ama ni Kylie at ang manugang niyo. Huwag niyo na siyang insultuhin pa!”“Nangyari na ang nangyari. Hindi niyo na dapat inuungkat pa ang mga bagay na yun!”Kasing bait at maunawain pa rin ng gaya ng dati si Selena.“Kalokohan! Kahit kailan hindi namin siya tinanggap bilang manugang namin!” Ang sagot ni Fiona.“Tama yun. Kung hindi dahil sa kanya, hindi magkakaganito ang binti ko!” Puno rin ng galit si Andrew para kay Fane.“Ano bang naging kasalanan niya? Nakipagtalik ako sa kanya noon dahil sa sama ng loob ko. Hindi ko inaasahan na mabubuntis ako!”Walang magawa si Selena. Nangyari ang lahat ng ito dahil sa pagiging padalos-dalos niya. Ngunit, hindi niya kayang gawin na ipalaglag ang bata.Maituturing na kabayaran sa nagawa niyang pagkakamali ang mga paghihirap na naranasan nila.“Pero hindi mo naman kailangang ipagbuntis yung bata. Aatakihin ako sa puso sayo!”Nagdabog sa sobrang inis si Fiona.“Hayaan niyo na yun, Nangyar

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 9

    “Tama. Puro tungkol sa digmaan at pagbibigay ng karangalan sa bansa yung pinag-uusapan nila. Kalokohan!”Ngumisi rin ang iba pa sa mga kabataan.Bang, bang!Subalit, sa isang iglap, tumalsik ang dalawang binata at sumalpok sa pader. Bumagsak ang pader sa sobrang lakas ng pagsalpok nila dito.“Pfft!”Sumuka ng napakaraming dugo ang dalawang binata. Nanigas ang mga binti nila at tumigil sa pagkilos.“Ahhh! Mamamatay tao!”Tumili ang dalawang dalaga na parang nakakita sila ng multo at agad na kumaripas ng takbo.“Naku, Fane, napatay mo sila. Paano kung importanteng tao pala sila na miyembro ng isang organisasyon? Anong gagawin natin?”Namutla si Joan nang makita niya na nakahandusay sa lupa ang dalawang binata. “M-m-masyado kang mainitin ang ulo. May mga taong hindi natin pwedeng banggain. Iniisip mo ba na nasa digmaan ka pa rin kung saan pwede mong patayin ang sino mang makalaban mo?”“Bakit hindi mo kontrolin ang init ng ulo mo? Nagsalita lang naman sila!”Nainis din si Selen

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 10

    "May sayad ba yung tatlong 'to? Ang dirty nila. Yung babaeng yun naka uniform pa ng cleaner at naka straw hat. My gosh, hindi ba para sa sikat na international brand yung exclusive store na 'to?" Ang sabi ng isang mayamang babae nung mapalingon siya habang pumipili ng kanyang damit. Hawak niya ang isang branded na bag. "Pasensya na madam. Paaalisin ko sila agad!" Agad na sumagot ang magandang saleswoman sa tabi niya, at inutusan ang isa pang saleswoman, "Dali, paalisin mo sila. Huwag mong hayaan na sirain nila yung store natin!" Nagmadaling pumunta ang saleswoman sa grupo nila Fane. "Hello. Bibili ba kayo? Branded store kami. Imported at high quality ang mga product namin…" Isang bihasang empleyado ang saleswoman. Sigurado siya na kapag sinabi niya yun, agad na maiisip ng mga mahihirap na yun na nagkamali sila ng pinuntahan at aalis na lang. Pero, malinaw na nagkamali siya sa pagkakataong 'to. Tumingin sa paligid si Fane at sinabing, "Okay yung high class. Naghahanap ako ng

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 11

    "Bagay sayo yung mga damit, honey. Nagustuhan mo ba? Bibilhin natin yan kung nagustuhan mo!" Hindi na nangahas pa ang dalawang saleswoman na maliitin si Fane. Tumayo na lamang sila sa isang tabi at nanahimik. Namula ang mukha ni Selena nung marinig niya ang sinabi ni Fane. Hindi pa rin siya sanay sa tawag na 'Honey'. "Namamahalan pa rin ako sa presyo niyan!" Sa oras na yun, nakapagbihis na uli ng damit si Selena. Tiningnan niya ang tatlong damit at nakangiting nagsalita. "It's the thought that counts. Okay na yung isang damit lang, hindi ko na kailangan ng marami!" "Hehe, aminin niyo na lang na mahirap kayo at tigilan niyo na yung pagpapanggap. Huwag niyong isipin na makakaalis pa kayo sa store na to kapag hindi kayo nakapagbayad!" Ngumisi sa kanila ang mayamang si Sister Karen. Natuwa ang mga saleswoman nung marinig nila ang sinabi ni Sister Karen. 'Napakayabang ng mga pulubi na to. Tingnan natin kung anong gagawin niyo ngayon.'Ngunit, sa hindi inaasahan, inabot ni Fane

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 12

    "Pagbayarin sila? Paano mo sila pagbabayarin? May kasalanan din ako sa nangyari. Tsaka, lolo ko pa rin si Old Master Taylor. Balak mo ba siyang bugbugin?" Ngumiti si Selena at sinabing, "Sa pagkakataong to, sasamahan mo kami pero manahimik ka lang. Siguro mas mahaba na ang pasensya ni lolo sa mga nakalipas na taon. Baka hindi na nila tayo guluhin kapag kinausap ko siya." "Sige, susubukan kong sundin ka at pipigilan ko ang sarili ko na kumilos. Baka sabihin mo na masyado akong bayolente!" Natawa si Fane. Gusto niyang makita kung paano siya tatratuhin ng mga miyembro ng Taylor family ng hindi nila alam na siya ang Supreme Warrior. Bukod pa dito, hindi siya bumalik para maging Supreme Warrior. Ang tanging gusto niya ay mamuhay ng maayos at payapa kasama ang asawa niya at alagaan ang nanay niya. Mabilis na nakarating ang tatlo sa Taylor Residence sakay ng isang taxi. "Napakalakas ng loob ng bwisit na yun para saktan si Young Master Taylor. Hindi ba niya alam kung gaano kakitid ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 13

    "Marangal? Hehe, kung hindi sana ganyan ang suot mo, baka naniwala pa 'ko!" Ngumisi si Cecilia at sinabing, "May ilang damit sa loob niyan. Sa tingin ko, kay Selena yung iba dyan, tama ba? Hula ko nasa sampung libo ang halaga ng lahat ng yan!" Nagkomento si Cecilia habang kinakalkal niya ang laman ng bag. Bigla niyang nakita ang isang damit at nilabas ito sa bag. "Imposible. L-l-limited edition to! Higit pa sa isang daang libo yun presyo nito! Ito yung pinakabagong model sa brand na to!" Nagulat ang mga miyembro ng Taylor family sa kanilang narinig. Hindi naman sa di nila kayang bilhin yung damit na yun, pero nakakapagtaka na nabili yun nila Fane. Bukod pa dito, hindi ito isang magandang klaseng relo o mga piraso ng jade, isa lang itong damit. Kahit ang mga taga Taylor family ay magdadalawang-isip sa paggastos ng higit sa isang daang libo para lang sa isang damit. "Ibalik mo yan. Ayaw kong madumihan ng mga kamay mo yung damit ni Selena!" Nainis si Fane nung makita niyang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 14

    Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ni Old Master Taylor. Eksaktong-eksakto ang hula ni Fane. Malaki ang pagpapahalaga ng Old Master sa kanyang reputasyon. Noon, pinakasal niya si Selena kay Fane para hindu sumabak sa giyera si Ivan. Ang desisyon niyang yon mismo ay nakaapekto sa reputasyon ng Taylor family. Hindi niya inasahan na may mas malaki pang kahihiyan na darating. Isang araw pa lang na kasal si Fane kay Selena noong ipadala siya sa digmaan kinabukasan. Subalit, di kalaunan, nalaman nilang buntis si Selena. Alam niyang nalasing si Selena noong gabing yun. Inisip pa nga niya na posibleng pwinersa ni Fane ang sarili niya kay Selena. Hindi niya inasahan na sasabihin ni Selena siya ang may gusto nun. Halos atakihin siya sa puso dahil sa sinabi ni Selena.Iyon ang dahilan kung bakit pinalayas niya si Selena, ang mga magulang nito, at ang labing apat na taong gulang nitong kapatid mula sa Taylor Residence. At yung pagpapahirap kay Selena sa paghahanap ng trabaho at mga p

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 15

    "Hindi maaari to. Kinikilala na ni lolo na parte ng Taylor family si Fane?"Nagulantang ang ilan sa mga miyembro ng Taylor family nung marinig nila ang sinabi ng Old Master. 'Dating paborito ni lolo si Selena. Mukhang humupa na ang galit ni lolo sa mga nagdaang taon. Kung sabagay, dugo pa rin ng Taylor family ang dumadaloy sa mga ugat ni Selena.' Ang iniisip ng isa sa miyembro ng Taylor family. "Lolo!" Pinigil ni Selena ang kanyang mga luha. Alam niyang palihim siyang sinusubaybayan ng kanyang Lolo. Hindi lang magawa ng matanda na ibaba ang kanyang sarili. Para kay Zeus Taylor, mas ma halaga sa kahit ano ang kanyang reputasyon. "Pero?" Sumimangot si Fane. Alam niyang hindi magiging ganun ka simple ang lahat. "Pero, hindi natin pwedeng ipagwalang bahala na lang ang pagbalik mo sa braso ni Ivan!" Muling nagbago ang tono ng boses ng matanda habang nagsasalita siya. "Kailangan mong magbayad ng danyos!" "Tama yun. Tama si Lolo. Nabali ang braso ko. Ang sabi ng doktor aabuti

Pinakabagong kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status