Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Sa Hilagang-Kanluran…Humupa na ang digmaan sa pagitan ng Nine Provinces. Bantay-sarado ang mga gusali. Ang bawat isa sa pambihirang mga gusali na ito ay nagdudulot ng takot sa mga kalaban. Sa sandaling iyon, sa loob ng isa sa malalaking gusali, inusisa ng pinuno ang isang binata. Sumama ang ekspresyon ng kanyang mukha. "Talaga bang nagbabalak kang bumalik sa Middle Province? Gusto mo munang ilihim ang posisyon mo bilang Supreme Warrior?" Bilang pinuno, tumingin ang matanda sa mga mata ng binata. Makikita ang respeto sa kanyang mga mata.Nasa likod ng binata ang mga bagong talagang Nine Great Gods of War.Tunay na kahanga-hanga ang Nine Great Gods of War. Sa loob lamang ng limang taon, malaki na ang naging kontribusyon nila. Nagdudulot sila ng matinding takot sa kanilang mga kalaban. Ang Nine Great Gods of War ay opisyal na binansagang mga Diyos ng Digmaan. Tinatamasa nila ang walang kapantay na kapangyarihan at karangyaan, at nalalapit na ang kanilang pagbabalik sa Nine Provi
Habang inaalala ni Fane ang mga nangyari noon, isang madungis na batang babae ang lumapit sa gate at palihim na sinilip ang loob ng villa.Napakapayat ng batang babae. Tila nasa apat hanggang limang taong gulang pa lamang siya at bahagyang madilaw ang kanyang balat. Tila kulang siya sa nutrisyon.“Ang batang ito. Pareho sila ng mga mata ni Selena!”Hindi mapigilan ni Fane na ngumiti noong makita niya ang cute na itsura ng batang babae.Lumabas ang isang kasambahay ng pamilyang Taylor. Tumingin siya sa mga guwardiyang nakabantay sa pintuan at hinila niya ang batang babae sa isang sulok.Maaaring dahil sa pagkakahawig ng bata kay Selena, inusisa ni Fane ang bata. Dahan-dahan siyang lumapit sa kanila.Kasunod nito, nakita niyang dahan-dahan na naglabas ng dalawang pirasong tinapay ang kasambahay mula sa kanyang bulsa at iniabot ito sa bata. “Kylie, dalawa lang ang meron ako ngayon!”“Salamat ate!”Nilunok ng bata ang kanyang laway kasabay ng pagtunog ng kanyang tiyan. Halatang gut
“Nababaliw ka na ba Fane? Baka nakakalimutan mo kung sino ka talaga? Isa ka lang delivery boy na ipinakasal sa pinsan ko. Huwag mong isipin na dahil lang naging sundalo ka ng ilang taon ay pwede mo na akong paglaruan!”Nanggigigil si Ivan habang sinusubukan niyang tumayo.Bang!Nagliparan ang alikabok nang muli siyang sinipa ni Fane at idiniin siya sa lupa.“Hindi ko na uulitin ang mga sinabi ko!”Madiing tinapakan ni Fane ang kamay ni Ivan.“Ahhh!” Napahiyaw si Ivan. Pakiramdam niya ay dinudurog ang kanyang mga buto.“Bwisit…” Hindi makapagsalita si Ivan nang makita niya ang kawalan ng awa sa mga mata ni Fane.“Kakainin mo ba yan o hindi? Kung hindi mo yan kakainin, papatayin kita!” Galit na galit na nagsalita si Fane.“K-k-kakainin ko. Kakainin ko na!”Sa pagkakataong ito, takot na takot si Ivan kay Fane. Kahit na ayaw niyang gawin, walang magawa si Ivan kundi kainin ang maruruming tinapay.“Salamat sa pag-aalala mo kay Kylie. Nandyan ba si Selena?”Lumapit si Fane sa kas
“Anim na minuto na lang ang natitira. Paalisin niyo na ang mga tao dito. Huwag na kayong magtangka pa na maningil ng bayad!”Tumingin ng masama si Fane sa mga natitirang tao sa lugar.Kahit na malakas din sila, wala silang kwenta kumpara kay Black Dragon. Walang sinuman sa kanila ang nagtangkang tumingin sa mga mata ni Fane.“Umalis na kayong lahat!”Agad silang nagsisigaw para paalisin ang mga panauhin sa lugar. Halatang natakot ang iba pang mga panauhin sa mga pangyayari at kumaripas sila ng takbo sa takot na baka matulad sila kay Black Dragon.Hindi nila nakita kung paano namatay si Black Dragon. Para bang may kababalaghang nangyari.Wala pang isang minuto, wala nang mga panauhin sa bathhouse maliban sa kanila Fane.Isang kaakit-akit na tagapagsilbing babae ang dahan-dahang lumapit sa kanila Fane pagkatapos itong senyasan ng mga bouncer at nanginginig na nagtanong, “Sir, w-w-wala nang mga panauhin sa lugar. Paano namin kayo mapagsisilbihan?”“Kumuha ka ng mamahaling damit at
Dinala ni Fane sa pintuan ng isang maliit at sira-sirang bahay. May isang malaking puno ng banyan sa bakuran nito. Kung titingnan ito, mukhang napakapayapa ng lugar. Ngunit, napakaluma at sira-sira na ang lugar."Sinasabi mo ba na dito nakatira yung nanay ko, si Selena, at yung mga biyenan ko?"Naawa sa kanila si Fane nang makita niya ang itsura ng kanilang bahay. Si Selena ay anak ni Master Taylor. May taglay siyang pambihirang talento. Dati, kilala siya bilang isang napakagandang direktor na may maipagmamalaki. Maraming lalaki ang nanliligaw sa kanya. Sa sandaling iyon, dahil sa desisyon niya na ipagpatuloy ang pagbubuntis sa bata, itinakwil siya ng kanilang pamilya at pinalayas! Bakas sa mukha ni Shauna ang lungkot at awa. "Kasama rin nila ang iyong maliit na uncle! Bata pa siya noon, pero 19 na siya ngayon at dito rin siya nakatira." "Dito silang lahat nakatira?!" Namula ang mga mata ni Fabe. "Nahirapan siguro ng husto si Selena!" Ngunit, napansin nila agad na may n
"Tama. Tama ka diyan! Yung totoo, hindi ko naman talaga gusto ang batang 'yun!" Paulit-ulit na tumango si Fiona. "Kung sabagay, hindi naman dapat siya ipinanganak!" Nakaramdam si Fane ng matinding galit at pagnanais na pumatay ng marinig niya ang mga salitang iyon. Ngunit, sa loob-loob niya, pinilit niyang magpakahinahon. Kung sabagay, nanay ni Selena si Fiona, ang kanyang biyenan. Wala na siya sa digmaan na kung saan maaari siyang pumatay kailan man niya gustuhin. Anu't ano pa man, hindi niya mga kalaban si Fiona at Andrew. Nalumpo ang binti ni Andrew dahil sa kapusukan nila ni Selena noong gabi ng kasal nila. Naiintindihan niya ang galit na nararamdaman nila para sa kanya. Subalit, may ibang tao na hindi naman miyembro ng pamilya nila dito. Nanggigigil na ngumiti si Fane at tumingin kay Young Master Clark. "Anak ko si Kylie, hindi siya pabigat at lalong hindi siya isang bastardo. Lumuhod ka at humingi ka ng tawad sa mga sinabi!" Sa puntong iyon, huminto saglit si Fane