Share

Numero Unong Mandirigma
Numero Unong Mandirigma
Author: Moneto

Kabanata 1

Author: Moneto
Sa Hilagang-Kanluran…

Humupa na ang digmaan sa pagitan ng Nine Provinces. Bantay-sarado ang mga gusali. Ang bawat isa sa pambihirang mga gusali na ito ay nagdudulot ng takot sa mga kalaban.

Sa sandaling iyon, sa loob ng isa sa malalaking gusali, inusisa ng pinuno ang isang binata. Sumama ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Talaga bang nagbabalak kang bumalik sa Middle Province? Gusto mo munang ilihim ang posisyon mo bilang Supreme Warrior?"

Bilang pinuno, tumingin ang matanda sa mga mata ng binata. Makikita ang respeto sa kanyang mga mata.

Nasa likod ng binata ang mga bagong talagang Nine Great Gods of War.

Tunay na kahanga-hanga ang Nine Great Gods of War. Sa loob lamang ng limang taon, malaki na ang naging kontribusyon nila. Nagdudulot sila ng matinding takot sa kanilang mga kalaban. Ang Nine Great Gods of War ay opisyal na binansagang mga Diyos ng Digmaan. Tinatamasa nila ang walang kapantay na kapangyarihan at karangyaan, at nalalapit na ang kanilang pagbabalik sa Nine Provinces. Ang bawat isa sa kanila ay may pamumunuang probinsya. Dito, sila ang pinakamakapangyarihan.

Subalit, sa sandaling iyon, tahimik na nakatayo sa likod ng binata ang Nine Great Gods of War.

Si Fane Wood, ang pinagkalooban ng Daxia ng titulo ng Supreme Warrior. Higit siyang mas nakakataas sa mga Diyos ng Digmaan. Siya ang pinakamakapangyarihan.

Nagulantang ang Daxia. Noong una, plano ng midya na ibunyag ang katauhan ng Nine Great Gods of War kasabay ng Supreme Warrior. Ngunit, sa di malamang kadahilanan, tanging ang katauhan lamang ng Nine Great Gods of War ang ibinunyag nila. Naging isang misteryo ang katauhan ng Supreme Warrior.

“Hmmm... Kamusta na kaya si Selena ngayon? Tutal maayos naman na ang lahat dito, hindi na nila ako kailangan!”

Sa wakas ay napangiti rin ang lalaki. Si Selena ay ang kanyang asawa.

“Master, maaari ba kaming sumama sa’yo upang makita ang asawa ng aming master?” Ang tanong ni Abner Young, na isa sa Nine Great Gods of War.

Ano kaya ang magiging reaksyon ng mga tao kapag nalaman nila na ang Nine Great Gods of War na nasa likuran ni Fane, ay mga disipulo niya?!

“Saka na natin pag-usapan ‘yan!”

Bumuntong hininga si Fane, tila malalim ang kanyang iniisip.

Limang taon na ang nakalipas mula noong umatake ang mga kalaban. Nakaranas ng matinding pinsala ang Daxia at maraming mandirigma ang kanilang kinuha mula sa iba’t ibang panig ng bansa upang lumaban.

Ang pamilya ng mga Taylor, na mula sa Middle Province, ay naipit sa isang kautusan, na nagtulak sa kanila na ipalista bilang mandirigma ang isa sa nakababatang miyembro ng kanilang pamilya upang magsilbing halimbawa sa lungsod ng Middle Province.

Si Old Master Taylor ay matanda na, kailangang mamuno ni Master Taylor, at tanging si Young Master Taylor lamang ang nabibilang sa nakababatang henerasyon. Siya ang nag-iisang tagapagmanang lalaki.

Hindi sang-ayon si Old Master Taylor na lumaban ang nag-iisa niyang apo na lalaki dahil sa takot na hindi na madugtungan pa ang kanilang angkan. Subalit… Hindi maaaring tumanggi ang pamilyang Taylor sa kautusang ito.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, sumulpot ang delivery boy na si Fane. Biglang may naisip si Old Master Taylor at ginawa niyang miyembro ng kanilang pamilya si Fane sa pamamagitan ng pagdaraos ng isang pekeng kasal sa pagitan ni Fane at ng ikalawang anak na babae ng pamilyang Taylor. Dahil dito, ipinadala si Fane bilang kapalit ni Young Master Taylor sa digmaan at bilang miyembro ng pamilyang Taylor.

Syempre, may sarili ring mga kundisyon si Fane. Ito ay ang pagbabayad sa kanya ni Old Master Taylor ng isang milyon para sa pagpapagamot ng kanyang inang may sakit.

Agad-agad na ipinakasal sa delivery boy, na si Fane, ang ikalawang anak na babae ng pamilyang Taylor. Dahil sa kasal na ito, naging isang malaking katatawanan si Selena Taylor. Sa gabi ng kasal, si Selena mismo ang nang-akit kay Fane at nagsimula ng pakikipagtalik matapos siyang malasing ng husto.

Kinabukasan, iniyakan ni Selena ang lahat nang nangyari.

Noong araw din na ‘yon, sumali sa hukbo si Fane. Limang taon silang nagkahiwalay. Sa loob ng limang taon, ilang ulit na nanganib ang buhay ni Fane. Subalit, nagawa niyang malampasan ang lahat ng kanyang paghihirap dahil naisip niya na hinihintay siya ni Selena.

Sa loob ng limang taon, mula sa pagiging bastardo ng pamilyang Taylor, naging isa siyang pambihira at iginagalang na indibidwal. “Huwag kang mag-alala Selena, sisiguraduhin kong gagampanan ko ang responsibilidad ko sa’yo!”

Kinuyom ni Fane ang kanyang mga kamao. Nakaramdam siya ng pagkagalak at pananabik dahil malapit na silang magkita muli ni Selena.

Paglipas ng apat na araw, lumapag ang isang private plane sa Middle Province International Airport.

“Ang Middle Province! Nakaka-miss ang lugar na ‘to!” Sa muling pagbabalik ni Fane sa lugar na ito, bahagya siyang napangiti.

Tumingin si Fane kay Lana Zechs at marahang nagsalita. “Mula noong lisanin ko ang labanan sa Hilagang-kanluran, hindi na ako ang Supreme Warrior. Mula ngayon, maaari niyo akong brother!”

“Masusunod, mas—Brother Fane!” Tumango si Lana. Siya ay naatasang mamahala sa Middle Province kung saan siya mananatili. Masaya siya na kasama niya ang kanyang master sa pagbalik niya dito.

Isang agaw pansin na Rolls-Royce Phantom, na may plakang A99999, ang nakaparada sa labasan ng paliparan.

May isang bodyguard na nakasuot ng sunglasses ang marahang nagbukas ng pinto ng kotse kasabay ng paglabas ng isang lalaki.

Siguradong maglalaglagan ang mga panga ng mga tao kapag nalaman nila na ang taong ito ay si Mason Drake, ang pinakamayamang tao sa Middle Province. Siguradong hindi pangkaraniwan ang taong nagawang pilitin si Mason na personal siyang sunduin sa paliparan.

“Magiging sulit ang araw na ‘to kapag nakita ko ang mukha ng Queen of Hell!” Ang pagtangis ni Mason. Alam niya kung ano ang sinisimbolo ng isang Diyos ng Digmaan.

Lumapit sa kanya ang isang lalaki at babae pagkatapos niyang magsalita.

“Nandito na ang Diyosa ng digmaan, ang Queen of Hell, si Lana Zechs!” ang magalang na pagsigaw ng isa sa mga bodyguard noong makita niya sila.

“Tara na!”

Inayos ni Mason ang kanyang damit. Sa unang pagkakataon, dahan-dahan siyang lumapit kay Lana.

“Ako si Mason Drake, ng pamilyang Drake na mula sa Middle Province, ikinalulugod namin ang pagbabalik ng Diyosa ng Digmaan! Inihanda na namin ang War God’s Residence para sa’yo. Ito ang isang black card. Sana ay magustuhan ito ng Diyosa ng Digmaan!”

Pinangunahan ni Mason ang kanyang mga tauhan palapit kay Lana, at yumuko siya habang iniaabot ang black card kay Lana.

Subalit, sumimangot si Lana at mahinahong nagsalita, “Mahusay ang pagkalap mo ng impormasyon. Gaya ng inaasahan sa pinakamayamang tao sa Middle Province!”

Pagkatapos nito, tumingin siya sa black card at tinawanan ito. “Dahil naglaan kayo ng lugar kung saan ako maaaring manirahan, tatanggapin ko iyon. Para naman sa card na ‘to, saýo na yan!”

“Masusunod!”

Pinunasan ni Mason ang malamig niyang pawis bago niya iangat ang kanyang ulo at pagkatapos ay itinabi niya ang black card.

“Ikaw ay?” Ang tanong ni Mason habang nakatingin kay Fane.

“Magkakilala lang kami na sabay na sumapi sa hukbo.”

“Nagkataon lang na pabalik din ako sa Middle Province at sinamahan ko lang siya! Mauna na kayo. Sasakay na lang ako ng taxi!”

Ngumiti si Fane at tumingin kay Lana. “Usap na lang tayo sa phone!”

“Sige!” Ang sagot ni Lana.

Kinabahan si Mason noong marinig niya ang pag-uusap ng dalawa. Iyon ang pribadong eroplano ng mga Diyos ng Digmaan. Para sumabay ang taong ito sa Queen of Hell, siguradong espesyal ang taong ito.

Higit pa dito, nakita niyang puno ng paggalang ang pagtingin ni Lana sa taong ito.

Di nagtagal, pumarada ang isang taxi sa gate ng isang villa.

Dito nakatira ang pamilyang Taylor!

Hindi mapigilan ni Fane na mapangiwi habang tinitingnan niya ang gate ng villa dahil sa mga paghihirap na kanyang naranasan. Noon, kung hindi dahil sa pagbabanta ni Old Master Taylor sa sarili niyang buhay, hindi sana siya pakakasalan ni Selena.

Dahil din sa kawalan ng pagpapahalaga ng pamilyang Taylor sa kanyang kasal kaya nadismaya si Selena. Ito ang nagtulak sa kanya na magpakalasing at magkaroon ng relasyon sa isang hamak na delivery boy na gaya ni Fane.

Kahit na peke ang kanilang kasal, nakuha ni Fane ang kanyang puri. Bago siya umalis, sinabi sa kanya ni Selena na hihintayin niya ang kanyang pagbabalik. Sumaya ng husto si Fane dahil dito.

Sa sandaling iyon, sa wakas ay nakabalik na si Fane!

Comments (6)
goodnovel comment avatar
Angel Marasigan
chapter 2031 up ilang days na walang update
goodnovel comment avatar
Angel Marasigan
ang tagal ng update 4 days ng wala......
goodnovel comment avatar
Reynand Valdez
bgal ng mga updates
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2

    Habang inaalala ni Fane ang mga nangyari noon, isang madungis na batang babae ang lumapit sa gate at palihim na sinilip ang loob ng villa.Napakapayat ng batang babae. Tila nasa apat hanggang limang taong gulang pa lamang siya at bahagyang madilaw ang kanyang balat. Tila kulang siya sa nutrisyon.“Ang batang ito. Pareho sila ng mga mata ni Selena!”Hindi mapigilan ni Fane na ngumiti noong makita niya ang cute na itsura ng batang babae.Lumabas ang isang kasambahay ng pamilyang Taylor. Tumingin siya sa mga guwardiyang nakabantay sa pintuan at hinila niya ang batang babae sa isang sulok.Maaaring dahil sa pagkakahawig ng bata kay Selena, inusisa ni Fane ang bata. Dahan-dahan siyang lumapit sa kanila.Kasunod nito, nakita niyang dahan-dahan na naglabas ng dalawang pirasong tinapay ang kasambahay mula sa kanyang bulsa at iniabot ito sa bata. “Kylie, dalawa lang ang meron ako ngayon!”“Salamat ate!”Nilunok ng bata ang kanyang laway kasabay ng pagtunog ng kanyang tiyan. Halatang gut

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 3

    “Nababaliw ka na ba Fane? Baka nakakalimutan mo kung sino ka talaga? Isa ka lang delivery boy na ipinakasal sa pinsan ko. Huwag mong isipin na dahil lang naging sundalo ka ng ilang taon ay pwede mo na akong paglaruan!”Nanggigigil si Ivan habang sinusubukan niyang tumayo.Bang!Nagliparan ang alikabok nang muli siyang sinipa ni Fane at idiniin siya sa lupa.“Hindi ko na uulitin ang mga sinabi ko!”Madiing tinapakan ni Fane ang kamay ni Ivan.“Ahhh!” Napahiyaw si Ivan. Pakiramdam niya ay dinudurog ang kanyang mga buto.“Bwisit…” Hindi makapagsalita si Ivan nang makita niya ang kawalan ng awa sa mga mata ni Fane.“Kakainin mo ba yan o hindi? Kung hindi mo yan kakainin, papatayin kita!” Galit na galit na nagsalita si Fane.“K-k-kakainin ko. Kakainin ko na!”Sa pagkakataong ito, takot na takot si Ivan kay Fane. Kahit na ayaw niyang gawin, walang magawa si Ivan kundi kainin ang maruruming tinapay.“Salamat sa pag-aalala mo kay Kylie. Nandyan ba si Selena?”Lumapit si Fane sa kas

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 4

    “Anim na minuto na lang ang natitira. Paalisin niyo na ang mga tao dito. Huwag na kayong magtangka pa na maningil ng bayad!”Tumingin ng masama si Fane sa mga natitirang tao sa lugar.Kahit na malakas din sila, wala silang kwenta kumpara kay Black Dragon. Walang sinuman sa kanila ang nagtangkang tumingin sa mga mata ni Fane.“Umalis na kayong lahat!”Agad silang nagsisigaw para paalisin ang mga panauhin sa lugar. Halatang natakot ang iba pang mga panauhin sa mga pangyayari at kumaripas sila ng takbo sa takot na baka matulad sila kay Black Dragon.Hindi nila nakita kung paano namatay si Black Dragon. Para bang may kababalaghang nangyari.Wala pang isang minuto, wala nang mga panauhin sa bathhouse maliban sa kanila Fane.Isang kaakit-akit na tagapagsilbing babae ang dahan-dahang lumapit sa kanila Fane pagkatapos itong senyasan ng mga bouncer at nanginginig na nagtanong, “Sir, w-w-wala nang mga panauhin sa lugar. Paano namin kayo mapagsisilbihan?”“Kumuha ka ng mamahaling damit at

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 5

    Dinala ni Fane sa pintuan ng isang maliit at sira-sirang bahay. May isang malaking puno ng banyan sa bakuran nito. Kung titingnan ito, mukhang napakapayapa ng lugar. Ngunit, napakaluma at sira-sira na ang lugar."Sinasabi mo ba na dito nakatira yung nanay ko, si Selena, at yung mga biyenan ko?"Naawa sa kanila si Fane nang makita niya ang itsura ng kanilang bahay. Si Selena ay anak ni Master Taylor. May taglay siyang pambihirang talento. Dati, kilala siya bilang isang napakagandang direktor na may maipagmamalaki. Maraming lalaki ang nanliligaw sa kanya. Sa sandaling iyon, dahil sa desisyon niya na ipagpatuloy ang pagbubuntis sa bata, itinakwil siya ng kanilang pamilya at pinalayas! Bakas sa mukha ni Shauna ang lungkot at awa. "Kasama rin nila ang iyong maliit na uncle! Bata pa siya noon, pero 19 na siya ngayon at dito rin siya nakatira." "Dito silang lahat nakatira?!" Namula ang mga mata ni Fabe. "Nahirapan siguro ng husto si Selena!" Ngunit, napansin nila agad na may n

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 6

    "Tama. Tama ka diyan! Yung totoo, hindi ko naman talaga gusto ang batang 'yun!" Paulit-ulit na tumango si Fiona. "Kung sabagay, hindi naman dapat siya ipinanganak!" Nakaramdam si Fane ng matinding galit at pagnanais na pumatay ng marinig niya ang mga salitang iyon. Ngunit, sa loob-loob niya, pinilit niyang magpakahinahon. Kung sabagay, nanay ni Selena si Fiona, ang kanyang biyenan. Wala na siya sa digmaan na kung saan maaari siyang pumatay kailan man niya gustuhin. Anu't ano pa man, hindi niya mga kalaban si Fiona at Andrew. Nalumpo ang binti ni Andrew dahil sa kapusukan nila ni Selena noong gabi ng kasal nila. Naiintindihan niya ang galit na nararamdaman nila para sa kanya. Subalit, may ibang tao na hindi naman miyembro ng pamilya nila dito. Nanggigigil na ngumiti si Fane at tumingin kay Young Master Clark. "Anak ko si Kylie, hindi siya pabigat at lalong hindi siya isang bastardo. Lumuhod ka at humingi ka ng tawad sa mga sinabi!" Sa puntong iyon, huminto saglit si Fane

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 7

    "Mamatay ako ngayon? Hindi mangyayari yun!" Hindi natinag si Fane. Tumingin siya sa labas at nakita niya na naglalaro na si Kylie sa ilalim ng puno ng banyan kasama si Shauna. "Hmph, tingnan natin kung makakapagmatigas ka pa mamaya!" Hindi na nag-abala pa si Young Master Clark na kausapin si Fane. Naniniwala siya na pagsisisihan ni Fane ang mga ginawa niya. Hindi nagtagal, pumarada ang ilang mga sasakyan sa labas ng bahay. Dumating si Dan Jameson, ang pinakamalakas na tauhan ng pamilyang Clark, kasama ang ilang mga maskuladong lalaki. Sumigaw si Dan pagpasok niya sa bahay, "Sino yung malakas ang loob na nanakit sa aming young master? Gusto mo na bang mamatay?" Sa mga sandaling ito, nanggagalaiti si Dan dahil may nakaharap siya na higit na mas malakas sa kanya at naging dahilan para putulin niya ang isang daliri niya. Kakatapos lang niyang ipagamot sa ospital ang naputol niyang daliri noong tumawag sa kanya ang kanyang master tungkol sa nangyari kay Young Master Clark at par

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 8

    “Ma, kahit na ano pang sabihin niyo, siya pa rin ang ama ni Kylie at ang manugang niyo. Huwag niyo na siyang insultuhin pa!”“Nangyari na ang nangyari. Hindi niyo na dapat inuungkat pa ang mga bagay na yun!”Kasing bait at maunawain pa rin ng gaya ng dati si Selena.“Kalokohan! Kahit kailan hindi namin siya tinanggap bilang manugang namin!” Ang sagot ni Fiona.“Tama yun. Kung hindi dahil sa kanya, hindi magkakaganito ang binti ko!” Puno rin ng galit si Andrew para kay Fane.“Ano bang naging kasalanan niya? Nakipagtalik ako sa kanya noon dahil sa sama ng loob ko. Hindi ko inaasahan na mabubuntis ako!”Walang magawa si Selena. Nangyari ang lahat ng ito dahil sa pagiging padalos-dalos niya. Ngunit, hindi niya kayang gawin na ipalaglag ang bata.Maituturing na kabayaran sa nagawa niyang pagkakamali ang mga paghihirap na naranasan nila.“Pero hindi mo naman kailangang ipagbuntis yung bata. Aatakihin ako sa puso sayo!”Nagdabog sa sobrang inis si Fiona.“Hayaan niyo na yun, Nangyar

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 9

    “Tama. Puro tungkol sa digmaan at pagbibigay ng karangalan sa bansa yung pinag-uusapan nila. Kalokohan!”Ngumisi rin ang iba pa sa mga kabataan.Bang, bang!Subalit, sa isang iglap, tumalsik ang dalawang binata at sumalpok sa pader. Bumagsak ang pader sa sobrang lakas ng pagsalpok nila dito.“Pfft!”Sumuka ng napakaraming dugo ang dalawang binata. Nanigas ang mga binti nila at tumigil sa pagkilos.“Ahhh! Mamamatay tao!”Tumili ang dalawang dalaga na parang nakakita sila ng multo at agad na kumaripas ng takbo.“Naku, Fane, napatay mo sila. Paano kung importanteng tao pala sila na miyembro ng isang organisasyon? Anong gagawin natin?”Namutla si Joan nang makita niya na nakahandusay sa lupa ang dalawang binata. “M-m-masyado kang mainitin ang ulo. May mga taong hindi natin pwedeng banggain. Iniisip mo ba na nasa digmaan ka pa rin kung saan pwede mong patayin ang sino mang makalaban mo?”“Bakit hindi mo kontrolin ang init ng ulo mo? Nagsalita lang naman sila!”Nainis din si Selen

Latest chapter

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status