Share

Kabanata 8

Author: Moneto
“Ma, kahit na ano pang sabihin niyo, siya pa rin ang ama ni Kylie at ang manugang niyo. Huwag niyo na siyang insultuhin pa!”

“Nangyari na ang nangyari. Hindi niyo na dapat inuungkat pa ang mga bagay na yun!”

Kasing bait at maunawain pa rin ng gaya ng dati si Selena.

“Kalokohan! Kahit kailan hindi namin siya tinanggap bilang manugang namin!” Ang sagot ni Fiona.

“Tama yun. Kung hindi dahil sa kanya, hindi magkakaganito ang binti ko!” Puno rin ng galit si Andrew para kay Fane.

“Ano bang naging kasalanan niya? Nakipagtalik ako sa kanya noon dahil sa sama ng loob ko. Hindi ko inaasahan na mabubuntis ako!”

Walang magawa si Selena. Nangyari ang lahat ng ito dahil sa pagiging padalos-dalos niya. Ngunit, hindi niya kayang gawin na ipalaglag ang bata.

Maituturing na kabayaran sa nagawa niyang pagkakamali ang mga paghihirap na naranasan nila.

“Pero hindi mo naman kailangang ipagbuntis yung bata. Aatakihin ako sa puso sayo!”

Nagdabog sa sobrang inis si Fiona.

“Hayaan niyo na yun, Nangyari na ang nangyari. Nakabalik na siya. Tingnan na lang natin kung may magagawa siya. Di magtatagal aayos din ang mga buhay natin!”

Naglabas ng sigarilyo si Andrew at sinindihan ito. Totoong nagalit siya nung makita niya si Fane, peor sa puntong iyon, wala na siyang magagawa. Anu’t ano pa man, apo niya si Kylie, ang laman at dugo mismo ng kanyang anak.

“Ano pa bang igaganda ng buhay natin? Maikukumpara ba yun sa buhay natin nung nasa mansyon pa tayo?”

Nanggagalaiti pa rin si Fiona.

“Selena, nasaan ang nanay ko? Bakit hindi ko pa siya nakita mula kanina?”

Sumimangot si Fane. Ilang sandali na ang lumipas mula noong makabalik siya, pero hindi pa niya nakita ang kanyang ina. Kanina lang ay sinabi sa kanya ni Shauna na dito rin nakatira ang kanyang ina.

“Nasa trabaho pa siya. Wala kaming magagawa. Matanda na at hindi nakapag-aral ang nanay mo, kaya tagapaglinis lang ang napasukan niyang trabaho. Maliit lang ang sinasahod niya kada buwan, at binibigyan niya kami ng parte ng sahod niya. Bilang isang pamilya, iyon lang ang magagawa namin!” Ang sinabi ni Selena.

“Tara, dalhin mo ako sa kanya! Alam mo naman kung saang kalye siya naglilinis, di ba?”

Noong marinig niya na nagtatrabaho bilang tagapaglinis ang kanyang nanay at nakadepende ang kinikita ng buong pamilya nila sa trabaho ng nanay niya at sa pamumulot ni Selena ng basura, hindi nasiyahan si Fane.

“Sinasabi ko na sayo, hiwalayan mo si Selena. Bukod pa dun, hindi ako papayag na hindi ka magbabayad ng sampung milyon para sa paghihirap na pinagdaanan ng anak ko!”

Maririnig ang pagwawala ni Fiona habang paalis sila ng bahay.

Sa sandaling iyon, tirik na ang araw. Lalong uminit ang panahon dahil sa tindi ng sikat ng araw.

Sa tabing kalye, isang matandang babae ang nakahawak sa kanyang sumbrero habang nagwawalis sa daan.

Blag!

May nagtapon ng bote ng tubig sa harap mismo ng babae.

Napatingin ang babae sa direksyon kung saan galing ang bote at nakita niya ang dalawang binata na may kasamang mga dalaga na naka suot ng maiksing damit. Napailing na lamang siya. “Hayy, mga kabataan ngayon… hindi nila alam kung paano ang tamang pagtatapon ng basura.”

Sa di inaasahan, narinig ng mga bata ang sinabi ng babae.

“Tagapaglinis ka lang ah. Bakit ka nagrereklamo?”

“Gusto kong itapon sa harap mo yung basura ko. Anong problema dun? Kapag hindi ako nagtapon ng basura ko dito, ano pang silbi niyong mga tagapaglinis?” Agad na nagbunganga ang binata na nagtapon ng bote.

Dumura pa siya sa lapag pagkatapos niyang magbunganga. “Wala nang mararating yung mahihirap na gaya mo!”

“Tama yan. Kundi dahil sa pagkakalat natin, hindi sila magkakatrabaho!”

Nakasuot ng itim na palda at pantyhose ang dalagang may kulot na buhok. Ngumuya siya ng mga buto ng sunflower at ikinalat ang mga balat nito sa paligid. “Linisin mo yan. Kapag hindi mo inayos ang paglilinis mo, baka kaltasan ang sahod mo!”

Nakisali ang iba pang kabataan at nagkalat sa paligid. “Tama yan. Linisin mo yang maigi. Hahaha!”

“Napakabata niyo pa, pero ang sasama na ng ugali niyo. Nandoon lang ang basurahan. Hindi niyo ba alam na masama ang pagkakalat ng basura?”

Nainis ang babae. Halos mahimatay na siya sa tindi ng init ng panahon, ngunit dinumihan lang ng mga batang ‘to ang kalyeng pinaghirapan niyang linisin.

“Haha, tinuturuan mo ako kung ano ang tama? Tagapaglinis ka lang, pero nagsasalita ka tungkol sa kung ano ang tama. Kalokohan!”

Muling humalakhak ang isa sa mga kabataan.

Halos kumbulsyonin si Fane at Selena nang makita nila ang nangyayari. Masyadong walang modo ang mga kabataang ‘to.

“Ano bang mapapala niyo sa pang-aapi niyo sa matanda?”

Bago pa man makalapit si Fane, sumugod na si Selena sa kanila at galit na nagsisigaw, “Bakit ganyan kayo? Nagpapakahirap yung tao na linisin yung kalye. Hindi ba pwedeng huwag na lang kayong magkalat para makatulong naman kayo?”

“Sinusubukan mo bang depensahan ang matandang ‘to? Ang ganda mo at maganda rin ang katawan mo. Peor, mahirap ka pa rin. Tingnan mo yang suot mo!”

Napatingin ang binata kay Selena at nagulat sa kanyang nakita. Nakasuot lang ng simple at napakalumang damit ang babaeng ito, pero hindi nito maitago ang kanyang kagandahan.

“Pwede ba, huwag ka ngang mangialam!”

Tumingin ng masama sa kanya ang dalawang dalaga.

“Bakit nandito ka Selena?”

Hinila ng babae si Selena. Siya ang nanay ni Fane, si Joan Xavier. “Hayaan mo na sila. Aalis din sila maya-maya. Lilinisin ko na lang uli yan mamaya!”

“Sumosobra na sila Ma. Hindi na tama ang ginagawa nila!”

Hindi mapakali si Selena. Gigil na gigil na siya, ngunit wala siyang magawa.

“Uy ganda, mas cute ka kapag galit ka!”

Tumingin ang isang binata at lalong nasiyahan. Hindi niya matiis na hindi inishin si Selena, “Tara dito. Kapag hinalikan mo ako, titigil kami sa pagkakalat. Ayos ba?”

“Ang lakas ng loob mong pormahan ang asawa ko!”

Hindi na makapagpigil pa si Fane. Lumapit siya at tiningnan sila sa mata.

“Ikaw si…”

Nagulat si Joan. Agad niyang nakilala si Fane at napaluha. “Fane, i-i-ikaw na ba yan?”

Lumingon si Fane. Naluha rin si Fane at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ni Joan, “Ma, patawarin mo ako. Naghirap kayo dahil sakin. Wala ako sa tabi mo sa nakalipas na limang taon!”

“Hindi, ayos lang ako. Wala kang kasalanan!”

“Ang mahalaga nakauwi ka ng ligtas. Ang sabi ng lahat namatay ka sa digmaan, pero alam kong babalik ka ng buhay!”

Tumulo ang mga luha ni Joan habang nanginginig ang kanyang boses. Hinawakan niya ang mukha ni Fane sa takot na baka isa lang itong panaginip.

“Nandito na ako. Nakabalik na ako. Hindi na tayo magkakahiwalay at mamumuhay tayo ng maayos!” Paulit-ulit na tumango si Fane. “Patawarin mo ako, dahil pinag-alala kita!”

“Hindi, hindi, mabuti kang anak. Alam kong nagpakasal ka para lang maipagamot ako. Lumaban ka sa digmaan para sa bansa!”

Napuno ng luha ang mga mata ni Joan. “Masaya ako na nagkaroon ako ng anak na gaya mo!”

“Tang*na, mga artista ba kayo? Anong kadaramahan ‘to? Kadiri!”

Nainis ang binata. Subalit, napuno ng galit ang mga mata ni Fane dahil sa kanyang narinig.

Kaugnay na kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 9

    “Tama. Puro tungkol sa digmaan at pagbibigay ng karangalan sa bansa yung pinag-uusapan nila. Kalokohan!”Ngumisi rin ang iba pa sa mga kabataan.Bang, bang!Subalit, sa isang iglap, tumalsik ang dalawang binata at sumalpok sa pader. Bumagsak ang pader sa sobrang lakas ng pagsalpok nila dito.“Pfft!”Sumuka ng napakaraming dugo ang dalawang binata. Nanigas ang mga binti nila at tumigil sa pagkilos.“Ahhh! Mamamatay tao!”Tumili ang dalawang dalaga na parang nakakita sila ng multo at agad na kumaripas ng takbo.“Naku, Fane, napatay mo sila. Paano kung importanteng tao pala sila na miyembro ng isang organisasyon? Anong gagawin natin?”Namutla si Joan nang makita niya na nakahandusay sa lupa ang dalawang binata. “M-m-masyado kang mainitin ang ulo. May mga taong hindi natin pwedeng banggain. Iniisip mo ba na nasa digmaan ka pa rin kung saan pwede mong patayin ang sino mang makalaban mo?”“Bakit hindi mo kontrolin ang init ng ulo mo? Nagsalita lang naman sila!”Nainis din si Selen

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 10

    "May sayad ba yung tatlong 'to? Ang dirty nila. Yung babaeng yun naka uniform pa ng cleaner at naka straw hat. My gosh, hindi ba para sa sikat na international brand yung exclusive store na 'to?" Ang sabi ng isang mayamang babae nung mapalingon siya habang pumipili ng kanyang damit. Hawak niya ang isang branded na bag. "Pasensya na madam. Paaalisin ko sila agad!" Agad na sumagot ang magandang saleswoman sa tabi niya, at inutusan ang isa pang saleswoman, "Dali, paalisin mo sila. Huwag mong hayaan na sirain nila yung store natin!" Nagmadaling pumunta ang saleswoman sa grupo nila Fane. "Hello. Bibili ba kayo? Branded store kami. Imported at high quality ang mga product namin…" Isang bihasang empleyado ang saleswoman. Sigurado siya na kapag sinabi niya yun, agad na maiisip ng mga mahihirap na yun na nagkamali sila ng pinuntahan at aalis na lang. Pero, malinaw na nagkamali siya sa pagkakataong 'to. Tumingin sa paligid si Fane at sinabing, "Okay yung high class. Naghahanap ako ng

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 11

    "Bagay sayo yung mga damit, honey. Nagustuhan mo ba? Bibilhin natin yan kung nagustuhan mo!" Hindi na nangahas pa ang dalawang saleswoman na maliitin si Fane. Tumayo na lamang sila sa isang tabi at nanahimik. Namula ang mukha ni Selena nung marinig niya ang sinabi ni Fane. Hindi pa rin siya sanay sa tawag na 'Honey'. "Namamahalan pa rin ako sa presyo niyan!" Sa oras na yun, nakapagbihis na uli ng damit si Selena. Tiningnan niya ang tatlong damit at nakangiting nagsalita. "It's the thought that counts. Okay na yung isang damit lang, hindi ko na kailangan ng marami!" "Hehe, aminin niyo na lang na mahirap kayo at tigilan niyo na yung pagpapanggap. Huwag niyong isipin na makakaalis pa kayo sa store na to kapag hindi kayo nakapagbayad!" Ngumisi sa kanila ang mayamang si Sister Karen. Natuwa ang mga saleswoman nung marinig nila ang sinabi ni Sister Karen. 'Napakayabang ng mga pulubi na to. Tingnan natin kung anong gagawin niyo ngayon.'Ngunit, sa hindi inaasahan, inabot ni Fane

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 12

    "Pagbayarin sila? Paano mo sila pagbabayarin? May kasalanan din ako sa nangyari. Tsaka, lolo ko pa rin si Old Master Taylor. Balak mo ba siyang bugbugin?" Ngumiti si Selena at sinabing, "Sa pagkakataong to, sasamahan mo kami pero manahimik ka lang. Siguro mas mahaba na ang pasensya ni lolo sa mga nakalipas na taon. Baka hindi na nila tayo guluhin kapag kinausap ko siya." "Sige, susubukan kong sundin ka at pipigilan ko ang sarili ko na kumilos. Baka sabihin mo na masyado akong bayolente!" Natawa si Fane. Gusto niyang makita kung paano siya tatratuhin ng mga miyembro ng Taylor family ng hindi nila alam na siya ang Supreme Warrior. Bukod pa dito, hindi siya bumalik para maging Supreme Warrior. Ang tanging gusto niya ay mamuhay ng maayos at payapa kasama ang asawa niya at alagaan ang nanay niya. Mabilis na nakarating ang tatlo sa Taylor Residence sakay ng isang taxi. "Napakalakas ng loob ng bwisit na yun para saktan si Young Master Taylor. Hindi ba niya alam kung gaano kakitid ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 13

    "Marangal? Hehe, kung hindi sana ganyan ang suot mo, baka naniwala pa 'ko!" Ngumisi si Cecilia at sinabing, "May ilang damit sa loob niyan. Sa tingin ko, kay Selena yung iba dyan, tama ba? Hula ko nasa sampung libo ang halaga ng lahat ng yan!" Nagkomento si Cecilia habang kinakalkal niya ang laman ng bag. Bigla niyang nakita ang isang damit at nilabas ito sa bag. "Imposible. L-l-limited edition to! Higit pa sa isang daang libo yun presyo nito! Ito yung pinakabagong model sa brand na to!" Nagulat ang mga miyembro ng Taylor family sa kanilang narinig. Hindi naman sa di nila kayang bilhin yung damit na yun, pero nakakapagtaka na nabili yun nila Fane. Bukod pa dito, hindi ito isang magandang klaseng relo o mga piraso ng jade, isa lang itong damit. Kahit ang mga taga Taylor family ay magdadalawang-isip sa paggastos ng higit sa isang daang libo para lang sa isang damit. "Ibalik mo yan. Ayaw kong madumihan ng mga kamay mo yung damit ni Selena!" Nainis si Fane nung makita niyang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 14

    Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ni Old Master Taylor. Eksaktong-eksakto ang hula ni Fane. Malaki ang pagpapahalaga ng Old Master sa kanyang reputasyon. Noon, pinakasal niya si Selena kay Fane para hindu sumabak sa giyera si Ivan. Ang desisyon niyang yon mismo ay nakaapekto sa reputasyon ng Taylor family. Hindi niya inasahan na may mas malaki pang kahihiyan na darating. Isang araw pa lang na kasal si Fane kay Selena noong ipadala siya sa digmaan kinabukasan. Subalit, di kalaunan, nalaman nilang buntis si Selena. Alam niyang nalasing si Selena noong gabing yun. Inisip pa nga niya na posibleng pwinersa ni Fane ang sarili niya kay Selena. Hindi niya inasahan na sasabihin ni Selena siya ang may gusto nun. Halos atakihin siya sa puso dahil sa sinabi ni Selena.Iyon ang dahilan kung bakit pinalayas niya si Selena, ang mga magulang nito, at ang labing apat na taong gulang nitong kapatid mula sa Taylor Residence. At yung pagpapahirap kay Selena sa paghahanap ng trabaho at mga p

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 15

    "Hindi maaari to. Kinikilala na ni lolo na parte ng Taylor family si Fane?"Nagulantang ang ilan sa mga miyembro ng Taylor family nung marinig nila ang sinabi ng Old Master. 'Dating paborito ni lolo si Selena. Mukhang humupa na ang galit ni lolo sa mga nagdaang taon. Kung sabagay, dugo pa rin ng Taylor family ang dumadaloy sa mga ugat ni Selena.' Ang iniisip ng isa sa miyembro ng Taylor family. "Lolo!" Pinigil ni Selena ang kanyang mga luha. Alam niyang palihim siyang sinusubaybayan ng kanyang Lolo. Hindi lang magawa ng matanda na ibaba ang kanyang sarili. Para kay Zeus Taylor, mas ma halaga sa kahit ano ang kanyang reputasyon. "Pero?" Sumimangot si Fane. Alam niyang hindi magiging ganun ka simple ang lahat. "Pero, hindi natin pwedeng ipagwalang bahala na lang ang pagbalik mo sa braso ni Ivan!" Muling nagbago ang tono ng boses ng matanda habang nagsasalita siya. "Kailangan mong magbayad ng danyos!" "Tama yun. Tama si Lolo. Nabali ang braso ko. Ang sabi ng doktor aabuti

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 16

    "Young Master Wilson, anong ginagawa mo dito?" Binati ni Ivan ang young master ng Wilson family nung mapansin niya ang pagdating nito. "Anong sinabi mo kanina, Young Master Wilson? Limampung milyon? Handa kang magbigay ng limampung milyon?" Nagningning ang mga mata ni Fiona sa kanyang narinig. "Seryoso ka ba?" ang tanong niya. Alam ng lahat na ang mga Wilson at mga Clark ay parehong mga second-class aristocratic family. Sa madaling salita, higit na mas mayaman sila kaysa sa Taylor family. "Syempre, Tita. Mukha bang hindi kami marunong tumupad sa usapan? Miyembro pa rin ako ng Wilson family, makakaasa kang tutu parin ko ang sinabi ko!" Natawa si Young Master Wilson habang nagsasalita siya. Pero kasabay nito, pinagmamasdan niya ang kagandahan ni Selena. Hindi niya mapigilan ang maalunok. Napakataba ni Young Master Wilson. Sa sobrang taba niya, mukha na siyang baboy. Bukod sa napakatakaw niya, napakahilig din niya sa mga babae. Agad na nahulog ang loob niya kay Selena noon

Pinakabagong kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status