Share

Kabanata 10

"May sayad ba yung tatlong 'to? Ang dirty nila. Yung babaeng yun naka uniform pa ng cleaner at naka straw hat. My gosh, hindi ba para sa sikat na international brand yung exclusive store na 'to?"

Ang sabi ng isang mayamang babae nung mapalingon siya habang pumipili ng kanyang damit. Hawak niya ang isang branded na bag.

"Pasensya na madam. Paaalisin ko sila agad!"

Agad na sumagot ang magandang saleswoman sa tabi niya, at inutusan ang isa pang saleswoman, "Dali, paalisin mo sila. Huwag mong hayaan na sirain nila yung store natin!"

Nagmadaling pumunta ang saleswoman sa grupo nila Fane. "Hello. Bibili ba kayo? Branded store kami. Imported at high quality ang mga product namin…"

Isang bihasang empleyado ang saleswoman. Sigurado siya na kapag sinabi niya yun, agad na maiisip ng mga mahihirap na yun na nagkamali sila ng pinuntahan at aalis na lang. Pero, malinaw na nagkamali siya sa pagkakataong 'to.

Tumingin sa paligid si Fane at sinabing, "Okay yung high class. Naghahanap ako ng magandang damit para sa mama ko at sa asawa ko. Ayaw ko gung mga low quality!"

"Ano kamo?!"

Nagulat ang saleswoman. "Sir, sigurado ka ba?"

Tumingin si Fane kay Selena. "Napakaganda ng asawa ko. Dapat lang na magandang klase rin yung damit niya, di ba?"

"Hehe, oo naman. Kaso, nag-aalala lang ako na baka magkaproblema kayo sa pambayad."

Natawa ang saleswoman. Kung hindi lang masisira ang imahe ng store nila, baka pinalayas na niya agad sila Fane. Saan nga naman kukuha ng pambayad yung mga pulubing 'to?

"Anong problema?"

Walang pakialam si Fane. Agad niyang tinuro ang isang dress at sinabing, "Mukhang maganda to Selena. Sa tingin ko bagay sayo to!"

"Huwag na. Hindi ko naman talaga gusto yung kulay niyan. Sa tingin ko kailangan na nating umalis Fane!"

Kinakabahan si Selena. Madalas siya sa mga store na gaya nito nung di pa siya kasal.

Pero sa sandaling iyon, hindi siya makakilos ng maayos.

"Hindi mo gusto yung kulay? Ganda ng palusot mo!"

Sa hindi inaasahan, nilapitan sila ng mayamang babae. "Aminin niyo na lang na wala kayong pambili. May mapapala ba kayo sa pagpapanggap niyo? Anong point ng magandang damit kung mahirap naman kayo? Yung mayayaman lang ang pwedeng magsuot ng magandang damit!"

"Mahirap? Paano mo naman nasabi?"

Nainis si Fane. Wala siyang pakialam sa mga panlalait sa kanya. Pero, si Selena yung nilait ng babae. Hindi niya iyon matatanggap.

"Tinatanong pa ba yan?"

Agad na sumagot ang babae nung sagutin siya ni Fane. "Ano pa bang pagbabasehan ko? Paano naman makakabili ng damit ang isang street cleaner at ang dalawang madungis na taong gaya niyo? Tingnan mong maigi 'to. Five figures ang presyo ng damit na to. Nakikita mo ba yan?"

"Ano kamo?! F-f-five figures?!"

Nagulat si Joan. Napaatras siya sa kanyang narinig. Alam niyang mamahalin yung damit, pero iniisip niya na nasa isang libo o dalawang libo lang ang presyo nito. Hindi niya inasahan na aabot sa five figures ang presyo nito. "Kalimutan na natin yan Fane. Pwede naman tayong magtingin sa iba!"

Sumimangot si Joan kay Fane. "Ma, huwag kang mag-alala. Para sa mga mas bata yung damit dito. Si Selena muna yung bibilhan ko, tapos ikaw naman ang bibilhan ko!"

Mas mahinahon at malambing si Fane habang kausap niya ang kanyang ina.

"Heto. Selena, subukan mo to!"

Kinuha ni Fane ang damit at iniabot kay Selena.

"Gusto mo talagang sukatin ko to?"

Sumimangot si Selena. Gusto ng mga babae na magpaganda. Natural lang na gustuhin niya rin ang magsuot ng mga ganitong klaseng damit.

Subalit, hindi kagaya ng dati ang sitwasyon niya ngayon. Hindi na siya ang dating magandang direktor, at lalong hindi na siya ang Eldest Miss ng Taylor family.

Kahit na may nakuhang dalawang daang libo si Fane, nakuha niya yun dahil sa pagbubuwis niya ng kanyang buhay.

Ayaw niyang gastusin sa ganito ang perang pinaghirapan ni Fane.

"Sukatin mo na yan. Ano bang kinakatakot mo?!"

Tinulak ni Fane si Selena papasok ng fitting room.

"Sandali lang. Ang dungis niya. Paano kung madumihan yung mga damit? Hindi na namin mabebenta yan kapag nadumihan na!" Ang pagalit na sinabi ng magandang saleswoman.

"Kapag nagsalita ka pa ng masama, sasaktan na talaga kita."

Tiningnan siya ng masama ni Fane. Napaatras sa takot ang saleswoman dahil dito.

"Ayaw mong subukan nila yung damit bago namin bilhin? Para saan pa pala yung mga fitting room?"

Sumagot si Fane at pinilit na papasukin si Selena sa fitting room.

Tumingin si Selena kay Fane. Parang panaginip lang ang lahat para sa kanya. Ibang-iba ang Fane na nakilala niya dati sa Fane ngayon.

'Siya pa rin ba yung delivery boy na nagpakasal sakin at lumaban sa digmaan kapalit ni Ivan para sa isang milyon?'

Sa sandaling iyon, lalaking-lalaki at dominante ang dating ni Fane.

Ngumiti siya at mabilis na nagpalit ng damit at lumabas ng fitting room.

"Napakaganda mo sa suot mo Selena. Ang ganda mo talaga!"

Nagningning ang mga mata ni Joan habang tinitingnan si Selena. "Kung sampung libo yan, hayaan niyo na. Bibilhin natin to. Sa mga nakalipas na taon, wala man lang naibigay sayo si Fane. Dapat naibigay niya sayo yung mga ganitong bagay. Kundi dahil sa kawalan namin ng pera noon, hindi na sana mahalaga kahit na ilan pang bilhin mo!"

"Napakaganda nga nito, pero palagay ko masyado tong mahal!"

Sumimangot si Selena. Kahit na ayaw niyang bitawan yung damit, sinabi niya pa rin na, "Bakit di muna tayo magtingin-tingin? Marami pa tayong di napuntahan na shop!"

"Bilhin mo na yan kung gusto mo. Hindi naman problema yung pera!"

Inabot pa ni Fane sa kanya ang dalawa oang damit. "Mukhang maganda rin tong mga to. Sukatin mo rin to!"

"Sandali lang. Hindi mo pwedeng sukatin yan!" Agad na binawi ng magandang saleswoman ang isang damit sa kanila. "Sir, limited edition yung damit na to. Nag-iisa lang to sa buong bansa. Napakamahal ng damit na to, nasa isang daang libo yung presyo nito! Ito yung pinakamahal na damit sa store namin…"

Blag!

Ngunit, bago pa man niya matapos ang sinasabi niya, sinampal na siya agad ni Fane. "Ano bang sinabi ko kanina? Nakalimutan mo na ba? Ang sabi ko sasaktan kita kapag may sinabi ka pang hindi maganda!"

"I-I-Ikaw…"

Halos mastroke yung magandang saleswoman. Anong klaseng tao ba siya. Parang walang pinag-aralan. Ang lakas ng loob niyang sampalin siya.

Nakakaawa ang kalagayan ng saleswoman. Halos maiyak na siya sa nangyari.

"Malakas talaga loob mo ah. Nagawa talagang magmalaki ng isang mahirap na gaya mo? Tapos nanakit ka pa. Hindi dapat pinapapasok ang mahihirap na gaya mo sa mga store na gaya nito! Sabi mo mayaman ka di ba? Sige, maghintay ka lang. Kapag hindi ka nakapagbayad mamaya, ako, si Sister Karen, ay hindi ka hahayaang makalabas ng store na 'to!"

Walang awa at napakabungangera ni Sister Karen. Pagkatapos niyang magsalita, kinuha niya ang iPhone niya at tumawag. "Old Roger, magpadala ka ng tao dito sa South Wing ng second floor. May nanghaharass sakin. May pulubing nambabastos sakin!"

"Anong ginagawa mo Fane?"

Nung makita niya ang nangyari, sumimangot si Selena at sinabing, "Mabuti pa umalis na tayo. Hindi ko susukatin yan!"

"Minamaliit at iniinsulto nila tayo. Kapag hindi ko sila tinuruan ng leksyon, hindi sila matututo!"

Kinuha ni Fane ang mga damit pagkatapos niyang magsalita. "Ayos lang na hindi na niya sukatin. Ibalot mo na yan. Mukhang sakto lang naman yung sukat!"

"Kung ganun, susukatin ko na yan!"

Walang magawa si Selena. Napakamahal ng damit na yun. Malaking sayang kung bibilhin nila to tapos mali naman pala ang sukat.

Bukod pa dito, sa inaasal ni Fane, mukhang wala na siyang magagawa kundi bilhin ito.

Bago pa man niya masukat ang dalawang damit, dumating ang mga bodyguard sa may pinto ng store. Habang si Sister Karen ay nakatayo din sa pinto at ngumingisi kay Fane.

"Siya ba yung pulubi na sinasabi mo Sister Karen? Hehe, huwag kang mag-alala. Sanay na ako sa mga walang-hiyang pulubi na gaya niya. Siguradong pahihirapan ko siya mamaya!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status