Share

Kabanata 13

Author: Moneto
"Marangal? Hehe, kung hindi sana ganyan ang suot mo, baka naniwala pa 'ko!"

Ngumisi si Cecilia at sinabing, "May ilang damit sa loob niyan. Sa tingin ko, kay Selena yung iba dyan, tama ba? Hula ko nasa sampung libo ang halaga ng lahat ng yan!"

Nagkomento si Cecilia habang kinakalkal niya ang laman ng bag. Bigla niyang nakita ang isang damit at nilabas ito sa bag. "Imposible. L-l-limited edition to! Higit pa sa isang daang libo yun presyo nito! Ito yung pinakabagong model sa brand na to!"

Nagulat ang mga miyembro ng Taylor family sa kanilang narinig.

Hindi naman sa di nila kayang bilhin yung damit na yun, pero nakakapagtaka na nabili yun nila Fane.

Bukod pa dito, hindi ito isang magandang klaseng relo o mga piraso ng jade, isa lang itong damit. Kahit ang mga taga Taylor family ay magdadalawang-isip sa paggastos ng higit sa isang daang libo para lang sa isang damit.

"Ibalik mo yan. Ayaw kong madumihan ng mga kamay mo yung damit ni Selena!"

Nainis si Fane nung makita niyang nilabas ni Cecilia ang damit ni Selena.

Nagulat si Cecilia, at ibinalik sa bag ang damit. Subalit, ngumiti siya pagkatapos nito. "Hehe, alam ko na. Peke siguro yang binili niyo. Tsk… tsk mukha ngang tunay. Muntik na akong maniwala."

Biglang may napagtanto ang iba pa. 'Tama. Paano sila makakabili ng mga gamit na may international brand? Kalokohan. Ano pa bang mabibili nila kung hindi mga high-quality na kopya?'

"Wala namang kinalaman sayo kung tunay o peke yan, di ba Cecilia? Regalo to sakin ng asawa ko. Basta galing sa kanya, magugustuhan ko to peke man to o tunay!"

Nung marinig niya ang masasamang salita na sinabi ni Cecilia, nang-iinsultong sumagot si Selena, "Di gaya ng iba diyan, na walang boyfriend kahit matanda na. Di kaya, naiinggit ka sakin?"

"Ikaw…"

Nanggalaiti si Cecilia. Kahit na maganda siya, wala pa rin siyang boyfriend. Napahiya siya sa mga sinabi ni Selena.

Pagkatapos, ngumisi si Cecilia kay Selena, "Hehe, ako, inggit sayo? Ayos yan. Dapat ba akong mainggit kasi pinalayas ka sa Taylor family ng parang basura? Wala akong boyfriend kasi gusto kong makahanap ng isang mayaman na lalaki. Di gaya mo, na pumatol sa isang delivery boy."

Sa puntong iyon, marami pang masasakit na salitang sinabi si Cecilia. "Bukod pa dun, parang hindi man lang pinaghandaan yung kasal. Wala pa ngang regalo na binigay yung asawa niya. Ang laking kahihiyan nun para sa Taylor family."

"Ano ngayon kung pumatol ako sa kanya? Wala ka nang pakialam dun. Desisyon ko to!" Matapang na sumagot si Selena.

"Sure, syempre. May mga tao talagang masaya sa kawalan nila ng kwenta, anong magagawa natin di ba?"

Sumagot si Cecilia. "Hinding-hindi mararanasan ng isang babae na gaya ko ang paghihirap mo."

"Tama na!"

Sumigaw ng malakas si Old Master Taylor.

Matandang-matanda na ang Old Master, ngunit agad na nanahimik ang lahat nang magsalita siya.

Lumipat siya kay Fane at sinuri niya ito. Sa di malamang dahilan, pakiramdam niya ay nagkaroon ng malaking pagbabago kay Fane. Kahit na nakatayo lang siya dito, mararamdaman sa aura niya na hindi siya dapat kalabanin.

Siya pa rin ba yung binata na nagmakaawang humingi ng isang milyon sa kanya para sa pagpapagamot ng ina nito limang taon na ang nakalilipas?

Nag-isip siya sandali bago siya nagsalita. "Sabihin mo, magkano ba ang kailangan mo para tantanan mo na si Selena?"

Alam ng Old Master ang pagkahumaling ni Selena sa kanilang anak. Siguradong dahil sa anak nila kaya ayaw makipaghiwalay ni Selena.

Subalit, magagawa niyang paghiwalayin sila kung si Fane ang pupuntiryahin niya.

Sumimangot si Selena sa kanyang narinig at puno ng pag-aalala ang tingin niya kay Fane.

Kung sa bagay, sa harap ng pera, mahirap malaman kung anong mangyayari. Bukod pa dito, kahit na kasal sila ni Fane, wala naman silang nararamdaman para sa isa't isa.

Tahimik si Fane. 'Pera? Hehe, anong silbi nun sakin?'

Bukod pa dito, kung hindi dahil sa pagpapagamot sa nanay niya noon, hindi siya magmamakaawa para lang sa isang milyon.

"Old Master, pasensya na pero madidismaya ka lang. Asawa ko si Selena. Marami siyang tiniis na hirap para samin ng anak ko. Hinding-hindi ko sila iiwan!" Ang nakangiting tugon ni Fane.

Nasiyahan si Selena nang marinig niya ang mga salitang iyon. Hindi nauwi sa wala ang limang taon niyang paghihintay.

Agad na naglabas ng tseke ang Old Master at pinirmahan ito, pagkatapos ay iniabot ito kay Fane. "Hindi ka gusto ng Taylor family bilang manugang namin. Noon, nangako ka na pepekein niyo ang kasal mo kay Seleba upang maging kapalit ni Ivan sa digmaan. Hindi kita papatayin dahil sa relasyon mo kay Selena at Kylie. Pero, kailangan mong umalis!"

"Isulat mo kahit magkano ang gusto mo! Pwede mo yang ipapalit sa kahit saang bangko sa Middle Province. Bukod pa dun, papalampasin ko ang pambubugbog mo kay Ivan!"

Masasabing para sa Old Master, patas na ang binigay niyang kundisyon kay Fane.

Nagalit si Ivan sa narinig niya. Agad siyang lumapit at sinabing, "Patayin na lang natin siya lolo. Binali niya yung braso ko…"

"Manahimik ka!"

Sinong mag-aakala na lilingon si Old Master Taylor para tingnan siya? "Ivan Taylor, tingin mo ba hindi ko alam yung mga pinaggagagawa mo? Ang alam mo lang ay humihina na ang katawan ko at bihira na ako lumabas ng bahay, hindi ba? Ako, si Zeus Taylor, ay matanda na pero hindi ako bulag. Mula noong ikaw ang maging direktor, bumaba ang produksyon ng kumpanya natin. Pagod na pagod na lang talaga ako na pagalitan ka!"

Dagdag pa ni Old Master Taylor, "Hindi ako nangialam sa pagpapahirap mo kay Selena dahil galit din ako sa pagbubuntis niya sa anak nila ng lalaking to. Pero, anak ni Selena si Kylie. Apat na taong gulang lang siya. Napaka walanghiya mo para pakainin siya ng tinapay na tinapaktapakan mo. Hindi ko mapapatawad ang pangyayaring yun!"

"Dad, ano man ang nangyari, hindi tama na binugbog ni Fane si Ivan dahil lang dun, di ba? Bukod pa dun, walang basehan ang mga bintang sa kanya ni Fane. Anong malay natin kung nagsisinungaling siya?"

Sumabat si Theodore Taylor, ang master ng Taylor family at ama ni Ivan.

"Ganun ba? Papayagan mo ba akong imbestigahan kung ano talaga ang nangyari?"

Natahimik si Theodore dahil sa mga sinabi ni Old Master Taylor. Dinagdag pa ng Old Master, "Malaki ang parte mo sa naging ugali ni Ivan na pakikihalubilo sa mga kahina-hinalang babae na yun. Nasa pangangalaga mo siya. Isa lang tayong third-class aristocratic family. Matinding pagsisikap ang nagdala satin sa posisyon natin ngayon. Hindi ka ba natatakot na baka dumating ang araw na masisira ang Taylor family natin dahil sa anak mo?"

"Imposible yan lolo. Lumalabas ako para uminom para makihalubilo sa mga kliyente natin. Parte yun ng trabaho ko!"

Natawa si Ivan at sinabing, "Bukod pa dun, maganda ang takbo ng kumpanya natin nitong nakaraang dalawang buwan. Magtiwala ka sakin. Ngayong taon, kikita tayo ng malaki at mapapalitan natin yung mga nawala satin dati."

Gumaan ang loob ni Fane nung marinig niya ang mga sinabi ng Old Master. Tila pinalayas lang ng Old Master si Selena dahil sa pagpapakasal nito sa isang mahirap na gaya niya.

Subalit, limang taon na ang lumipas. Malamang ay humupa na ang kanyang galit. Bukod pa dito, malamang ay binabantayan niya ang sitwasyon nila Kylie at Selena. Ibigsabihin, nag-aalala pa rin si Old Master Taylor sa kanyang apo.

"Heto, pirmahan mo. Ikaw na bahala kung magkano ang gusto mo! Patas na tayo ngayon!"

Kaugnay na kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 14

    Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ni Old Master Taylor. Eksaktong-eksakto ang hula ni Fane. Malaki ang pagpapahalaga ng Old Master sa kanyang reputasyon. Noon, pinakasal niya si Selena kay Fane para hindu sumabak sa giyera si Ivan. Ang desisyon niyang yon mismo ay nakaapekto sa reputasyon ng Taylor family. Hindi niya inasahan na may mas malaki pang kahihiyan na darating. Isang araw pa lang na kasal si Fane kay Selena noong ipadala siya sa digmaan kinabukasan. Subalit, di kalaunan, nalaman nilang buntis si Selena. Alam niyang nalasing si Selena noong gabing yun. Inisip pa nga niya na posibleng pwinersa ni Fane ang sarili niya kay Selena. Hindi niya inasahan na sasabihin ni Selena siya ang may gusto nun. Halos atakihin siya sa puso dahil sa sinabi ni Selena.Iyon ang dahilan kung bakit pinalayas niya si Selena, ang mga magulang nito, at ang labing apat na taong gulang nitong kapatid mula sa Taylor Residence. At yung pagpapahirap kay Selena sa paghahanap ng trabaho at mga p

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 15

    "Hindi maaari to. Kinikilala na ni lolo na parte ng Taylor family si Fane?"Nagulantang ang ilan sa mga miyembro ng Taylor family nung marinig nila ang sinabi ng Old Master. 'Dating paborito ni lolo si Selena. Mukhang humupa na ang galit ni lolo sa mga nagdaang taon. Kung sabagay, dugo pa rin ng Taylor family ang dumadaloy sa mga ugat ni Selena.' Ang iniisip ng isa sa miyembro ng Taylor family. "Lolo!" Pinigil ni Selena ang kanyang mga luha. Alam niyang palihim siyang sinusubaybayan ng kanyang Lolo. Hindi lang magawa ng matanda na ibaba ang kanyang sarili. Para kay Zeus Taylor, mas ma halaga sa kahit ano ang kanyang reputasyon. "Pero?" Sumimangot si Fane. Alam niyang hindi magiging ganun ka simple ang lahat. "Pero, hindi natin pwedeng ipagwalang bahala na lang ang pagbalik mo sa braso ni Ivan!" Muling nagbago ang tono ng boses ng matanda habang nagsasalita siya. "Kailangan mong magbayad ng danyos!" "Tama yun. Tama si Lolo. Nabali ang braso ko. Ang sabi ng doktor aabuti

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 16

    "Young Master Wilson, anong ginagawa mo dito?" Binati ni Ivan ang young master ng Wilson family nung mapansin niya ang pagdating nito. "Anong sinabi mo kanina, Young Master Wilson? Limampung milyon? Handa kang magbigay ng limampung milyon?" Nagningning ang mga mata ni Fiona sa kanyang narinig. "Seryoso ka ba?" ang tanong niya. Alam ng lahat na ang mga Wilson at mga Clark ay parehong mga second-class aristocratic family. Sa madaling salita, higit na mas mayaman sila kaysa sa Taylor family. "Syempre, Tita. Mukha bang hindi kami marunong tumupad sa usapan? Miyembro pa rin ako ng Wilson family, makakaasa kang tutu parin ko ang sinabi ko!" Natawa si Young Master Wilson habang nagsasalita siya. Pero kasabay nito, pinagmamasdan niya ang kagandahan ni Selena. Hindi niya mapigilan ang maalunok. Napakataba ni Young Master Wilson. Sa sobrang taba niya, mukha na siyang baboy. Bukod sa napakatakaw niya, napakahilig din niya sa mga babae. Agad na nahulog ang loob niya kay Selena noon

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 17

    Hindi mapigilang matawa ni James habang pinakikinggan niya ang sinasabi ng kanyang assistant. "Higit na mas makapangyarihan kaysa satin ang mga God of War, at hindi madaling mapalapit sa kanila." ang sabi ni James. "Bukod pa dun, isa siyang babaeng God of War. Hindi natin alam kung ano ang gusto at ayaw niya!"Huminto siya nung mabanggit ang tungkol dito. "Kinalulungkot ko na gusto ng lahat ng mga makapangyarihang tao na makuha ang loob ng God of War sa pagbabalik niya. Buti na lang, nalaman natin na ngayon ang araw ng balik niya, at mukhang walang kaalam-alam ang iba tungkol dito." Tumango ang lalaking kausap niys at sinabing, "Tinanggap ba ng God of War yung regalong pinadala natin sa kanya?" "Hehe… hindi na masama. Tinanggap niya yung tirahan na inihanda natin para sa kanya. Ibang usapan na nga lang yung sa pera. Hindi siya interesado sa pera!" Natawa si James at sinabing, "Mukhang ayaw ni Lana na pinupuri siya ng husto ng mga tao. Bukod pa dun, wala tayong ideya kung paano n

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 18

    Inakala ni Selena na tutulungan siya ng kanyang ina na bitbitin ang mga damit noong makita niya na kinuha ito ng kanyang ina at itinapon sa lawa. Huli na ang lahat nung matauhan siya. Yung tatlong damit na may kabuuang halaga na aabot sa dalawang daang libo ay itinapon ng kanyang ina sa lawang malapit sa kanila. "Anong ginawa mo, Ma? Tunay yung mga yun! Sino bang nagsabi sayo na peke yun?" Nagdabog si Selena sa sobrang galit. Lumapit siya sa lawa at tila maluluha na siya sa sobrang sama ng loob. Ito ang unang beses na binilhan siya ni Fane ng mga damit. Pagkatapos ng lahat ng paghihirap na tiniis niya sa loob ng limang taon, sa wakas ay nakaramdam siya ng ginhawa. Ibig sabihin nito, hindi nauwi sa wala ang limang taon niyang pagtitiis!"Tunay? Paanong naging tunay yung mga yun? At kung totoong hindi peke yung mga yun, paano niya nabili yun?" Naghalukipkip ang nagdududang si Fiona. Hindi siya kumbinsido na may pera si Fane para bumili ng mga international branded na damit para

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 19

    "Master, Master! Marami akong tinawagan, at sa wakas may nakuha na akong impormasyon tungkol kay Fane. Masyadong kakaiba ang taong yun!" Tinawag ni Spectre Face si James habang tumatakbo siya."Kakaiba?" Medyo naguluhan si James noong marinig niya ang sinabi ni Spectre Face. Hindi niya inasahan na tatawagin nitong 'kakaiba' si Fane. "Tingnan mo. Ito ang impormasyong nakalap ko mula sa mga taong inutusan ko na maghanap ng impormasyon tungkol kay Fane." "Pangalan, ID number, at yung dating trabaho lang niya bilang delivery boy ang nandito. Pagkatapos nun, naging manugang siya ng Taylor family. Naging sundalo siya sa ikalawang araw ng pagiging kasal niya, at kung ano man ang nangyari pagkatapos nun ay hindi namin mahanap. Pagkalipas ng limang taon, bigla na lang siyang bumalik sa Middle Province!"Sumimangot si Spectre Face at sinabing, "Hindi ba't kakaiba yung kaso niya? Bukod sa walang impormasyon tungkol sa mga ginawa niya nung sundalo pa siya, wala ring nakakaalam kung saang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 20

    "Yay, yay! Kakain na tayo!" Nakasuot si Kylie ng isang magandang princess dress habang masayang lumulundag sa courtyard. "Madam, hindi ako makakasama sa inyo. Mauuna na ako, may mga kailangan pa akong asikasuhin." Ngumiti si Jenny kay Selena."May date nanaman kayo ng boyfriend mo? Ikaw talaga. Dalian mo na!" Ang sabi ni Selena habang nakangiti kay Jenny. Nakatapos nang maligo si Joan noong mga oras na yun. Isinuot niya ang bagong damit na binili ni Fane para sa kanya; nagmukha siyang mas bata sa suot niya. Kahit na nasa kwarenta na siya, mukha siyang mas bata at mas elegante.Lubhang napakaganda ni Joan, at napakaelegante rin niya. Kahit na madalas niyang suot ang kanyang uniporme, lumilitaw pa ein ang kanyang natatanging kagandahan. Ito rin ang dahilan kung bakit nahulog ang loob ng tatay ni Fane sa kanya. Yun nga lang… "Ang ganda mo sa suot mo Ma!“Ngumiti si Selena habang nakatingin kay Joan. "Ikaw talaga. Huwag nga ako; matanda na ako!" Natawa si Joan habang n

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 21

    Sa loob ng restawran, namumula ang kompleksyon at bumibilis ang paghinga ni Fiona Lewis sa sobrang galit. Hindi siya kukutyain at mamaliitin sa nagdaang limang taon kung hindi dahil kay Fane Woods. Kasalanan itong lahat ni Fane Woods. Nangyari ang lahat ng ito ng dahil sa kanyang walang kwentang manugang. Sa isang iglap, naging napakabigat ng tensyon! Naisip ni Fiona sina Young Master Clark at Young Master Wilson, mga young master ng mga mayayamang second-class na pamilya na mas mayaman pa kaysa sa pamilyang Taylor. Habang naiisip niya ang 50 milyon na handang ibigay ni Young Master Wilson bilang dote, ang tanging hinihiling niya ngayon ay ang palayasin ang pesteng dating sundalo na nasa kanyang harapan. Hindi niya nagustuhan kung paanong pinagsamantalahan ng pesteng lalaking ito ang kanyang lasing na anak sa gabi ng kanilang kasal at hindi niya ito kailanman mapapatawad. Sa dami ng nakatingin sa kanya ngayon, gusto niyang makita kung paano tatapusin ni Fane ang bagay na it

Pinakabagong kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status