Share

Kabanata 19

"Master, Master! Marami akong tinawagan, at sa wakas may nakuha na akong impormasyon tungkol kay Fane. Masyadong kakaiba ang taong yun!"

Tinawag ni Spectre Face si James habang tumatakbo siya.

"Kakaiba?"

Medyo naguluhan si James noong marinig niya ang sinabi ni Spectre Face. Hindi niya inasahan na tatawagin nitong 'kakaiba' si Fane.

"Tingnan mo. Ito ang impormasyong nakalap ko mula sa mga taong inutusan ko na maghanap ng impormasyon tungkol kay Fane."

"Pangalan, ID number, at yung dating trabaho lang niya bilang delivery boy ang nandito. Pagkatapos nun, naging manugang siya ng Taylor family. Naging sundalo siya sa ikalawang araw ng pagiging kasal niya, at kung ano man ang nangyari pagkatapos nun ay hindi namin mahanap. Pagkalipas ng limang taon, bigla na lang siyang bumalik sa Middle Province!"

Sumimangot si Spectre Face at sinabing, "Hindi ba't kakaiba yung kaso niya? Bukod sa walang impormasyon tungkol sa mga ginawa niya nung sundalo pa siya, wala ring nakakaalam kung saang department siya nakalista. Ang alam lang namin Joan Xavier ang pangalan ng nanay niya, at kasalukuyang nagtatrabaho siya bilang cleaner sa Middle Province. Wala kaming impormasyon tungkol sa tatay niya!"

"Walang impormasyon tungkol sa tatay niya, at isang malaking misteryo rin ang naging kalagayan niya nung sundalo pa siya…"

Napasimangot si James, ngunit di kalaunan ay may napagtanto siya. "Sa tingin ko, may malaking posibilidad na may nagbura talaga ng mga record tungkol sa kanya!" ang sabi ni James. "O baka naman, hindi ito ang tunay niyang casefile at hindi talaga ganun kasimple ang pagkatao niya. Posibleng mayroong lihim na casefile tungkol sa kanya!"

"Master, kung ganun, siguradong hindi basta-basta ang taong ito. Kung hindi, hindi mag-aabala ang gobyerno na itago ang casefile niya at pigilan ang sinuman na mangalkal ng impormasyon tungkol sa kanya!"

Ang sabi ng naguguluhang Spectre Face. "Para magkaroon siya ng kapangyarihan na gawin ang lahat ng ito… Kung hindi siya isang God of War, malamang halos magkapantay sila!"

"Tama, tama, tama! Iyon nga marahil ang sitwasyon!"

Agad na tumango si James at nag-utos, "Sige na, ipagpatuloy mo ang paghahanap mo ng impormasyon tungkol sa kalagayan ni Fane sa Middle Province. Hindi ba't kasama siya ng Taylor family? Alamin mo kung anong kalagayan ni Fane habang nakatira siya sa tahanan ng Taylor family, at alamin kung anong ginagawa niya ngayon!"

"Walang problema, Master. Sa tingin ko din, hindi basta-basta ang taong iyon!"

Agad na tumango si Spectre Face at sinabing, "Mukhang hindi lang isa ang God of War na bumalik sa Middle Province sa pagkakataong ito. Dalawa sila!"

"Haha. Isa tong magandang pagkakataon para satin, para sa Drake family!"

Pabirong nagsalita si James. Pagkatapos niyang makapag-isip-isip, muli siyang nagsalita. "Alamin mo kung nasaan siya ngayon. Bukod pa dun, nakita niya ako kaninang umaga, at baka magsuspetya siya na iniimbestigahan natin siya kapag nakita niya ako ulit ngayong gabi. Pero, pwede naman natin utusan si Titus o si Tanner para puntahan si Fane!"

Tumawa si Spectre Face.

"Magandang ideya yan. Aasikasuhin ko na yan ngayon! Pwede nating dahan-dahanin ang pag-iimbestiga sa kalagayan niya sa tahanan ng Taylor family. Sa tingin ko, madali natin siyang mahahanap sa loob lang ng ilang minuto!"

Biglang may naalala si Fane noong makauwi sila. "Honey, saan ako matutulog?"

Namula si Selena sa kanyang narinig. Isa nga iyong problema.

Mag-asawa silang dalawa at may anak sila.

May nangyari sa kanilang dalawa noong gabi mismo ng kasal nila dahil sa kalasingan ni Selena.

Matagal na nanahimik si Selena dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot niya.

"Huwag kang mag-alala, pwede naman akong matulog sa isa sa mga bakanteng kwarto diyan!" Ang sabi ni Fane, noong mapansin niya ang naguguluhang ekspresyon ni Selena.

Sumimangot si Selena at sinabing, "Konti lang ang mga kwarto dito. Yung isa kay mama mo, yung isa naman sa mga magulang ko. Yung kapatid ko din may sariling kwarto kahit na bihira lang siyang umuwi. Habang magkasama naman kami ni Kylie sa sarili naming kwarto. Apat lang ang kwarto dito, wala nang bakante kahit isa. Buti na nga lang, may narentahang bahay si Jenny. Kung dito din siya titira, wala siyang tutulugan dito!"

"Kahit sa storeroom na lang ako matulog. Basta't may masisilungan ako, ayos na yun. Sa isang misyon namin dati, isang buwan kaming tumira sa isang isla."

"Tumira kayo sa isang isla?"

Napasimangot si Selena sa kanyang narinig. "Nahirapan ka siguro dun, tama ba?"

"Hindi naman. Lagi kong iniisip na may maganda akong asawa na naghihintay sakin. Sa tuwing naiisip ko yun, nabubuhayan ako ng loob!"

Tiningnan ni Fane si Selena. Hindi nauwi sa wala ang paghihirap na tiniis niya sa loob ng limang taon.

Pinatibay siya ng mga paghihirap pinagdaanan niya sa loob ng limang taon. Subalit kailangan niyang itago ang kapangyarihan niya upang protektahan ang kanyang asawa at ang buong pamilya nila.

Nasiyahan si Selena noong marinig niya ang sinabi ni Fane. Noong una pa lang, nagrerebelde na talaga siya sa pamilya nila, ngunit di kalauanan, napagtanto niya na hindi niya kayang mawalay sa batang nasa sinapupunan niya.

Ngayon, pinaramdam ni Fane kay Selena, na maaasahan niya siya.

"Alam mo… Sa tingin ko dapat sa kwarto ka na lang namin ni Kylie matulog!"

Namula si Selena at nakaramdam ng matinding hiya sa kanyang mga sinabi.

Umubo si Fane. "Kung ganun, honey, pwede ba kitang yakapin habang natutulog ako?"

Nahilo si Fane dahil sa kabutihan na pinakita ni Selena. Mabibighani ang sinuman sa mga mata ni Selena.

"Hindi. Ayos na yung matulog tayo sa iisang kwarto. Aksidente ang pagkakabuo kay Kylie noon at, isa pa, hindi pa kita kayang tanggapin ng buo sa ngayon. Hindi pa pwede!"

Lumingon si Selena at sinabing, "Sa lapag ka matutulog, magsapin ka na lang. M-Maghintay ka kapag lumalim pa ang relasyon natin, saka ko na pag-iisipan yan! Maligo ka na. Natuwa si Kylie nung malaman niya na kakain tayo sa labas."

"Sige, maliligo na ako!"

Sa di inaasahan, habang naliligo si Fane, pumunta si Fiona sa kwarto ni Selena. Kasunod nito, nagtanong siya, "Walang mga extra na kwarto dito, saan matutulog si Fane ngayong gabi?"

"Sa lapag. Naglalatag na nga ako ng sapin, di ba?"

Natawa si Selena habang nilalatag niya ang sapin.

Noong mapansin niya yun, bahagyang gumanda ang ekspresyon ni Fiona. "Anak, hindi mo dapat hayaan na galawin ka ng bastardong yun, naiintindihan mo ba? Kung hindi dahil sa kanya, hindi tayo maghihirap ng ganito. Bukod dun, hangga't hindi ko nakikita yung pinangako niyang sampung milyon, hindi mo pwedeng ibaba yang sarili mo. Naiintindihan mo ba? Kahit kailan hindi papahalagahan ng mga lalaki ang kahit anong madali nilang makuha!"

"Hindi ba parang masyado kang mapanghusga, Ma? Sa nakikita ko, basta't maayos ang trato samin ni Fane at kung magtutulungan kami, magiging maayos ang lahat!"

Nag-isip saglit si Selena at sinabing, "Isa pa, ayos naman siya. Maayos ang trato niya sakin, maayos din ang trato niya kay Kylie, at napakagalang din niya sa nanay niya!"

"Anong silbi nun kung wala siyang pera? Kaya ba niya kayong alagaan, pakainin ng masarap na pagkain ang pamilya natin, damitan kayo ng maayos, at bigyan ng mas maayos na buhay? Masasabi ko lang na tinatrato ka niya ng maayos kapag nakapagbigay siya ng pera, at hindi sa pagsasabi ng magagandang salita!"

Pagkatapos ni Fiona sa litanya niya, agad siyang lumabas ng kwarto at ibinagsak ang pinto. "Wala akong pakialam." ngumisi si Fiona. "Tutal sinabi niya na ililibre niya kami ng hapunan, pahihirapan ko siya nang husto! Gusto kong malaman niya na hindi niya kami kayang ilibre!"

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Joel Bullo Mangmang
sana happy ending last episode
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status