Habang nakatayo sa tapat ng pintuan ng pribadong kwarto, medyo nag-aalinlangan si Selena Taylor. May kutob siya na ang bagay na ito ay planado. Nakita niya ang menu, ang pinakamamahaling red wine ay dalawampung libo isang bote, paano ito naging dalawandaang libo? Higit pa riyan, pamilyar ang taong nasa loob ng pribadong kwarto na ito. Lalo siyang nabahala dahil dito. Kung ang taong ito ay isang pamilyar na tao, bakit nila.ito kinausap sa ganitong paraan? Subalit, kung hindi siya papasok sa silid, anong mangyayari kay Kylie kapag hindi sila makaalis sa lugar na ito? Si Fane ay nasa militar aa loob ng ilang taon at tila ba ganadong makipaglaban. Hindi problema sa kanya ang magpatumba ng dalawa o tatlong tao. Subalit, ang kabilang panig ay maraming tao, isang dosena. Hindi sila mukhang pangkaraniwang gangster na makikita mo sa kanto. Kahit gaano pa kagaling si Fane, mahirap na lumaban nang lugi sa bilang ng tao. Ayon sa timpi ni Fane, mas malaking problema kung lalabanan niy
Subalit, hindi siya kailanman sinagot at binigyan ng pag-asa ni Selena. Sinong mag-aakala na ang taong ito ay mandadaya para lamang makita siya nang isang beses sa pagkakataong ito. "Sige, nasabi ko na ang mga dapat kong sabihin. Hinihintay pa ako ng mga magulang ko sa baba! Ang wine ay dapat pa ring maghalagang dalawampung libo isang bote at ang kabuoan ay dapat nagkakajalagang apat na daan at walompung libo. Kukunin namin ang natitirang labinwalong bote na hindi pa namin nabubuksan!" Sinabi ni Selena ang huli niyang mga salita, tumalikod, binuksan ang pinto at naghandang lumabas. "Sandali!" Kung kailan bubuksan na niya ang pinto, tumayo si Michael. "Selena, tingin mo ba na ang walang kwentang bata na iyon ay may sapat na pera para makapagbigay ng apat na daan at walumpung libo? "Naniniwala ako na makakakuha siya ng pera. Kahit na hindi siya kasingyaman mo, hindi siya magsisinungaling sa akin!" Galit na sinabi ni Selena. "Hahaha, Selena, pasensya ka na. Sa tingin mo nagb
Nang maamoy ang masarap na amoy mula sa katawan ni Selena, nagalak si Michael. Gustong-gusto niyang itulak sa sahig si Selena. Naamoy ni Selena si Michael na balot na balot ng amoy ng alak at nakaramdam ng bugso ng pandidiri. Kaagad niya itong itinulak palayo, "Michael, sinasabi ko sayo, sumosobra ka na!" Matapos matulak si Michael, hindi pa siya nakuntento. Sa loob ng maraming taon, inaying niya ang babaeng ito, nang napakatagal. Sayang at hindi niya man lang nahawakan ang kamay nito. Kanina lang, talagang nahawakan niya ang baywang nito. Pakiramdam niya siya ay nasa isang panaginip at ayaw na niyang magising. "Hehe, sumosobra na ba ako?" Ngumiti si Wilson at iniunat ang kanyang kanyang mga kamay, "Syempre, sa kabila ng lahat, ikaw ang babaeng gusto ko at iginagalang kita nang lubos. Kaya, kailangan mo lamang bayaran ang apat na raan at walong milyon sa akin para sa pagkain at kaagad kitang palalayain. Subalit, kung di ka makakapagbigay ng pera, di mo talaga ako masisisi
Isang nakangiwing ngiti ang bumalot sa mukha ni Selena. Kahit na pakiramdam niyang kawawa siya, tumango pa rin siya. Ito ay dahil alam niya na walang 4 na milyong dolyar si Fane. Si Fane na nagtrabaho bilang isang sundalo sa loob ng maraming taon, ay naging agresibo matapos tuloy-tuloy na sumabak sa giyera. Hindi magiging maganda kung magkakaroon ng away. "Huwag kang mag-alala. Ako si Young Master Wilson, ang natatanging Young Master ng pamilyang Wilson na nagmana ng negosyo ng aking pamilya. Kailan ko ba tinalikuran ang aking mga salita?" Siguradong nagsalita si Michael at kaagad na tinapik ang kanyang dibdib. Matapos ang isang sandali, binuksan ni Selena ang pinto at lumabas. Sa kabilang banda, lumabas na din ng pinto si Michael. Kinausap niya ang isang matabang tigapangasiwa, "Si Bb. Selena ay aking kaibigan at matagal ko nang kakilala. Kalimutan mo na ang 4 na milyong dolyar. Para sa aking kaibigan, ako na ang bahala. Ibigay niyo ito sa kanila nang libre!" "Tapos, ang lab
Ang dalaga ay bata at masiglang tignan. Siya ay may suot na maalindog na maikling palda at may tirintas na dumadaan pababa sa kanyang likod. Isang maliit na pares ng lubo ang makikita sa kanyang pisngi nang bahagya niyang itikom ang kanyang labi. Ang kanyang malalaki at magagandang mata ay nakakamangha. Isang dalagang naglalabas ng ganito kabatang aura tulad niya ay tiyak na makakapukaw ng atensyon ng isang tao. Ito pala ang ikalawang anak na babae ng pamilyang Drake? Isa ka talaganh napakagandang dalaga. Kung napakaganda mo na sa ganito kamurang edad, paano pa pag makalipas ng dalawang taon at mas tumanda ka pa?" Dalawang lalaking nakatayo sa tabi ay hindi napigilang pag-usapan siya. "Umalis ka diyan!" Hindi man lang naabala ng ikalawang anak na babae ng pamilyang Drake si Fane nang sigawan niya ang mga tao sa harapan niya. "Ginoo, anong meron?" Tumingin si Binibining Tanya kay Fane at medyo nabigla. Tila ba ito ang Fane na nabanggit ng kanyang ama. Tinitigan niya muli
Ikinumpas ni Tanya ang kanyang kamay pagsigaw niya. Isa-isang nagbuhat ng bangko ang mga bodyguard niya at nagsimulang guluhin ang lugar. "Ms. Tanya, itigil niyo yan, please tama na. Pagmamay-ari ito ng Wilson family. Pakiusap maawa ka samin, Ms. Tanya!" Hindi na naglakas-loob na magyabang ang restaurant manager noong makaharap niya ang mga tao mula sa Drake family. Malungkot siyang nakiusap, umaasang titigil sila para sa kapakanan ng Wilson family. "Ang Wilson family?! Hah, wala akong pake kung kaninong pamilya ang negosyong ito. Ganito lang kayo umasta kapag wala ako. Kapag nahuli ko kayong umaasta nang ganito sa harap ko, natural lang na sirain ko ang lugar niyo pag nagalit ako!" Pinagsaklob niya ang kanyang braso sa tapat ng kanyang dibdib. Buong karangalan siyang nakatayo nang maliitin niya ang mga ito. Kahit na maraming mga tauhan mula sa Wilson family, lahat sila ay yumuko. Walang kahit isa sa kanilang nangahas na gumawa ng ingay. Alam nila ang kapangyarihan ng Dr
"Imposible. Gusto ng lalaking ito na makipagkamay kay Ms. Tanya? Hindi ba masyadong mataas ang tingin niya sa sarili niya?" "Oo nga. Alam ba niya kung sino si Ms. Tanya? Sampid lang naman siya at siya rin ang dahilan kung bakit pinalayas ng Taylor family ang pamilya ng asawa niya. Nararapat ba siyang makipagkamay kay Ms. Tanya?" Nagsimulang magbulungan ang ilang mga sangganong nakatayo sa likod ng restaurant. Hindi maririnig ng pangkaraniwang tao ang kanilang boses dahil napakahina nito. Subalit, hindi nila alam na malinaw na narinig ni Fane ang lahat ng kanilang sinabi. Hindi sila pinansin ni Fane. Nakangiting tinignan ni Fane si Ms. Tanya. "Walang anuman! Ikinagagalak kong makilala ka, ako si Tanya Drake! Balita ko galing ka rin sa militar, tama ba? Hanga ako sa mga taong gaya mo. Malaki ang pasasalamat ko sa mga ambag mo sa ating bansa! Kung di dahil sa mga taong tulad mo, hindi tayo mananalo ngayon!" Iniabot ni Ms. Tanya ang kanyang kamay at nakipagkamay kay Fane sa h
Sa huli, pinanood lamang ni Ms. Tanya na umalis sila Fane. "Dapat matuto na kayo. Palalampasin ko kayo sa nangyari ngayon. Pero kapag pinagpatuloy niyo ang panggugulo sa kanila, tatapusin ko kayo. Wala akong pake kung parte kayo ng Wilson family!" Pag-alis ni Fane at ng iba, binalaan sila ni Tanya bago siya umalis kasama ng mga tauhan niya. "Nakakainis si Tanya Drake! Bakit hindi siya dumating nang mas maaga o mas huli? Talagang saktong sakto pa ang dating niya?" "Pwede naman siyang dumating pagkaalis nila Selena. Hindi sana nagulo ang lahat kung ganon!" Sa tindi ng pinsalang ginawa nila Tanya, talagang malaki ang nawala sa kanila. Galit na galit ang matabang manager. Hindi niya alam na sa sandaling iyon, nagdidiwang si Michael sa loob ng kanyang pribadong kwarto. "Magaling, Young Master Taylor. Talagang gumana ang plano mo!" "Namutla ang mukha ni Selena nang marinig niya ang 4,000,000 dolyar. Walang ganun karaming pera si Fane. Pusta ko kahit na 400 libong dolyar wala