Share

Kabanata 18

Inakala ni Selena na tutulungan siya ng kanyang ina na bitbitin ang mga damit noong makita niya na kinuha ito ng kanyang ina at itinapon sa lawa.

Huli na ang lahat nung matauhan siya. Yung tatlong damit na may kabuuang halaga na aabot sa dalawang daang libo ay itinapon ng kanyang ina sa lawang malapit sa kanila.

"Anong ginawa mo, Ma? Tunay yung mga yun! Sino bang nagsabi sayo na peke yun?"

Nagdabog si Selena sa sobrang galit. Lumapit siya sa lawa at tila maluluha na siya sa sobrang sama ng loob. Ito ang unang beses na binilhan siya ni Fane ng mga damit. Pagkatapos ng lahat ng paghihirap na tiniis niya sa loob ng limang taon, sa wakas ay nakaramdam siya ng ginhawa. Ibig sabihin nito, hindi nauwi sa wala ang limang taon niyang pagtitiis!

"Tunay? Paanong naging tunay yung mga yun? At kung totoong hindi peke yung mga yun, paano niya nabili yun?"

Naghalukipkip ang nagdududang si Fiona. Hindi siya kumbinsido na may pera si Fane para bumili ng mga international branded na damit para kay Selena.

"Mahal kong biyenan, hindi peke yung mga yun. Binili namin yun sa mismong branded store nila. Imposible namang maging peke yung mga yun, di ba?"

Sumabog sa galit si Joan at nagsalita. "Paano mo nagawang itapon yung mga damit na halos dalawang daang libo ang halaga sa lawa?"

"Hindi, kailangan kong kunin yun!"

Nakahandang lumusong sa lawa ang natatarantang si Selena upang kunin ang mga damit.

Buti na lang, malinaw ang tubig sa lawa. Pwede niyang suotin agad ang mga damit pagkatapos niyang labhan ang mga ito.

Hindi matiis ni Fane na panoorin ang ginagawa ni Selena.

Dalawampung taong gulang lang si Selena noong magsimula siyang magtrabaho sa kumpanya ng kanyang pamilya. Malaki ang naging kontribusyon niya sa pag-unlad ng kanilang kumpanya bilang ang binibini ng Taylor family.

Noon, puro mamahalin ang mga damit ni Selena at mataas ang tingin sa kanya ng lahat.

Ngunit ngayon, nakahanda siyang lumusong sa lawa para lang kunin ang ilang pirasong damit.

Lumapit si Fane at hinawakan si Selena. "Hayaan mo na yan, honey." ang sabi ni Fane. "Mga damit lang naman yun. Sasamahan na lang kita para bumili ng bago!"

Hindi nagpatinag si Selena. "Hindi." ang sagot ni Selena. "Napakamahal ng mga damit na yun, at binili mo yun gamit ng perang kinita mo sa pagbubuwis mo ng buhay. Bukod pa dun, ito ang unang beses na binili mo ako ng damit. Kailangan kong kunin yun, pwede ko pang suotin yun!"

Natawa si Fane sa kanyang narinig. Natuwa siya; inisip niya na magiging masaya siya buong buhay niya dahil kay Selena.

Kasabay ng pagbitaw niya kay Selena, lumusong si Fane sa lawa at kinuha ang mga damit. Basang-basa siya, ngunit napukaw ang damdamin niya sa mga sinabi ni Selena.

"Seryoso kayo? Hindi peke yung mga yun?"

Noong makita ni Fiona ang nangyari, napatingin siya kay Joan at nagsalita, "Saan kumuha ng pera yung anak mo?"

Natawa si Joan bago siya sumagot. "Dahil yun sa limang taon niyang pagiging sundalo. Noong magretiro siya, binigyan siya ng pera para sa ilang taon niyang pagseserbisyo. Binili nga niya kami ng damit gamit ang perang yun, di ba? Kahit na kinita niya ang perang yun sa pagbubuwis niya ng buhay, ginastos niya pa rin yun para bilhan ng damit si Selena!"

"Ah…"

Walang masabi si Fiona. Hindi niya inasahan na tunay na international branded ang mga damit na yun.

"Wala ka nang pag-asa. Hindi na mahalaga kung peke yun o hindi; hindi mo pwedeng basta na lang itapon yun sa lawa! Kusang loob yun na binigay ni Fane!"

Kahit ang karaniwang tahimik na si Andrew ay hindi mapigilang tumingin ng masama kay Fiona.

Nakaahon na sa lawa si Fane sa mga oras na to. Tumingin siya kay Andrew bago siya nagsalita. "Umuwi na tayo Pa. Nabali ang binti mo dahil sa isang aksidente. Huwag kang mag-alala, matutulungan kitang pagalingin yan!"

"Imposible yun, di ba?"

Nabigla si Andrew sa kanyang narinig. Napasimangot siya at sinabing, "Noong pinatingin namin to sa isang kilalang ospital, sinabi ng doktor na hindi ko pa rin to magagalaw kahit na gumaling na ito. Isa tong problema sa mga ugat ko, at yung mga buto ko ay unti-unti na ring nasisira. Kahit na sa paglalakad ko ngayon, wala na akong maramdaman!"

"Anong kalokohan yung pinagsasabi mo? Marunong manggamot ang isang basurang gaya mo? Hindi ako naniniwala!"

Inirapan naman ni Fiona si Fane at sinabing, "Fane, huwag mong isipin na tatanggapin ka namin dahil lang sa perang nakuha mo at sa pagbili mo ng damit para sa anak ko. Sinasabi ko na sayo ngayon pa lang: hindi mangyayari yun!"

Sandaling natahimik si Fiona bago siya nagpatuloy sa pagsasalita, "Ang dami naming tiniis na paghihirap nitong mga nakalipas na taon. Paanong magiging sapat para samin ang maliit na halagang to? Isa pa, base sa napagkasunduan, kailangan mong magbigay samin ng sampung milyon sa araw ng kaarawan ng Old Master. Kung hindi mo magagawa yun, huwag na huwag mong iisipin na matatanggap ka namin!"

"Anong sinasabi mo, Ma?! Siya pa rin ang tatay ni Kylie, at hindi pwedeng walang tatay ang anak ko. Bukod dun, isa siyang responsableng tao!"

Nanggagalaiting tumingin si Selena kay Fiona. "Hindi na mahalaga kung tanggapin niyo siya o hindi," dagdag pa niya, "para sakin, siya ang asawa ko. Kahit na palayasin niyo pa siya sa Taylor family, hinding hindi ko pakakasalan si Young Master Clark o si Young Master Wilson. Sa nakikita ko, hindi nila mapapantayan si Fane."

"Ikaw—”

Galit na galit si Fiona. Dinuro niya si Selena at sinabing, "Paano ako nagkaroon ng anak na tulad mo? Wala kang galang, naintindihan mo ba yun? Gusto mo ba talaga akong mamatay sa sama ng loob? Magiging masaya ka lang ba kapag patay na ako?"

"Ah—hindi yon ang ibig kong sabihin! Hindi pwedeng kayo ang laging masunod!"

Hindi mapigilan ni Selena ang sama ng loob niya noong mapansin niya na nagmumukmok ang nanay niya sa isang tabi.

"Tama na. Huwag na nating pag-usapan to, Ma. Inaamin ko na, kasalanan ko ang lahat ng to!"

"Ako, si Fane Woods, ay hinding hindi aatras sa pangako ko. Bibigyan ko kayo ng sampung milyon sa kaarawan ni lolo, at hindi ako papayag na magkahiwalay kami ni Selena!"

Pagkatapos ay tumawa si Selena at sinabing, "Sige na, gumagabi na. Umuwi na tayo para maligo, magbihis, at kakain tayo sa labas."

Nagningning ang mga mata ni Fiona noong marinig niya na kakain sila sa labas. Limang taon silang namuhay ng mahirap at hindi makapagtrabaho si Selena. Umaasa lang sila sa kinikita ni Selena sa pamumulot ng basura.

Bukod sa kinikita ni Selena, kinukuha nila ang pambayad sa ibang mga gastusin nila mula sa kinikita ni Andrew. Hindi malaki ang kinikita niya kada buwan, pero binibigay niya ang lahat para makabili ng pagkain nila si Selena.

Kaya naman, nasiyahan si Fiona noong marinig niya ang sinabi ni Fane.

Gaya ng dati, nagsalita nanaman ng hindi maganda si Fiona. "Sigurado ka ba na kakain tayo sa labas? Sinasabi ko na sayo ngayon pa lang, hindi ako kakain sa lugar na low-class. Sasama lang ako, kung sa high-class na restaurant tayo kakain!"

"Oo naman. Basta't sasama ka, Ma. Kahit saan mo gusto, ayos lang!"

Tumawa si Fane at tumawag ng dalawang taxi. "Tara na." ang sabi ni Fane. "Mauna na kaming umuwi kasi hinihintay na kami ni Kylie at Jenny. Sa tingin ko gutom na yung batang yun. Papunta niyo si Jenny sa bahay sa susunod. Pwede niya tayong tulungan sa pag-aalaga kay Kylie at sa paglilinis ng bahay."

Inirapan ni Fiona si Fane. "Huwag mo kong tawaging Ma. Kapag hindi mo nabigay yung sampung milyon, hindi kita tatanggapin bilang manugang ko. Hmph!"

Napasimangot naman si Selena, "Magaling si Jenny, pero hindi rin biro yung binabayad sa kanya ng Taylor family." ang sabi ni Selena. "Anim na libo hanggang pitong libo ang gagastusin namin sa kanya kada buwan. Hindi natin kaya yun!"

"Huwag kang mag-alala, akong bahala sa pera. Malapit na ring magpasukan, kaya kailangan na rin nating ienroll si Kylie sa paaralan!"

Natawa si Fane habang nagsasalita.

"Tama!"

Tumango si Selena. Hindi nagtagal, nakarating sila sa kanilang tahanan.

Sa mga sandaling ito, ang isa sa tatlong guardian ng Loner family, si Spectre Face, ay nagmamadaling pinuntahan si James pagkatapos niyang matanggap ang isang tawag.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status